You are on page 1of 4

FILIPINO 9-IKA-APAT NA MARKAHAN

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere


Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Dr. Jose Rizal habang ang bansa ay nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Ang
pagbabasa niya ng mga aklat tulad ng The Wandering Jew at Uncle Toms Cabin ni Harriet Beecher Stowe ang nagtulak sa kanya
upang isulat ang nasabing obra maestra. Idagdag pa rito ang nararanasang kalupitan noon ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ay isang
akdang panlipunan at masasalamin ang paglalarawan sa sakit na kanser, walang katiyakan ng lunas sa halip lalong lumalala habang
tumatagal. Tinatalakay dito ang pagmamalupit ng mga mananakop, ang kawalang-katarungan, pangangamkam ng mga ari-arian,
paghahari ng matataas na uri, pananamantala sa mga mahihirap at mga kababaihan, pagtatatwa sa sariling pagkakakilanlan, pag-iisip
para sa pansariling kapakanan, maging ang pagsasawalambahala sa mga sariling kababayan at pagpaslang maging sa mga kabataan.
Tunay na kanser ang nasabing sakit sapagkat walang lunas hanggang sa kasalukuyan. Pinamagatan niya itong Noli Me Tangere na
nangangahulugang “Huwag Mo Akong Salingin.” Bagamat nagkaroon ng kahirapang matapos ang pagpapalimbag nito dahil sa
kakapusan ng pera, sa wakas ay naipalimbag din ito sa tulong ng kanyang kaibigang si Maximo Viola na nagpahiram ng halagang
P300.00 at sa padala ng kanyang kapatid na si Paciano na isang libong piso. Nagpamulat ito sa isipan ng mga kababayang Pilipino na
noon ay walang lakas na lumaban para sa kanilang karapatan. Ang mga Kastilang nasa katungkulan ay nabahala nang ito ay kanilang
mabasa sapagkat napagtanto nilang maaaring maging dahilan ito upang mag-alab ang damdamin ng mga Pilipino kaya naman ipinag-
utos na ipagbawal ang pagpapalimbag, pagmamay-ari at pagbabasa sa nasabing aklat. Pansamantala mang natigil ang sirkulasyon ng
nobela ay hindi maiaalis sa isipan ng mga nakabasa ang paghahangad ng kalayaan na sa huli ay nakamit din naman. Subalit masasabi
nga bang nawala na nang lubusan ang sakit ng lipunang ito sa kasalukuyan?
Mga Isyung Panlipunan sa Panahon ng Nobelang Noli Me Tangere at Ang Epekto nito Matapos Isulat Hanggang sa
Kasalukuyan
Mga Isyung Panlipunan sa Panahon ng Nobelang Noli Me Tangere
1. Katiwalian ng mga nasa Gobyerno/ Pamahalaan Dahil nabuksan ang isipan at diwa ng mga Pilipino sa mga nangyayari mula nang
lumabas ang nobelang Noli Me Tangere, unti-unting nagkakaroon ang mga Pilipino ng mga paraan upang labanan ang mga katiwalian
ng gobyerno sa pamamagitan ng mga rebelyon at iba pang mga aktibistang gawain. Sa kasalukuyan, may mga yunit na ng lipunan ang
nakikipaglaban sa mga gawain ng mga tiwaling opisyal sa Pilipinas. At dahil nagkaroon ng kalayaan at Karapatan ang bawat tao,
nagkaroon ng boses ang masa upang tanggalin at bigyan ng parusa ang mga lumalabag sa mga tungkulin.
2. Walang Boses ang mga Kababaihan Sa ngayon, unti-unting nagkakaroon na ng pangalan at boses ang mga kababaihan sa lipunan.
May puwesto na rin sila sa gobyerno at may mga grupong nagtataguyod para sa kanilang mga karapatan.
3. Pang-aalipin sa mga Mahihirap Masasabing may mga naaalipin man na mahihirap hanggang sa kasalukuyan, untiunting
nababawasan ang bilang ng mga ito at nagkakaroon sila ng kalayaan at Karapatan.
4. Pagsusugal ng mga Alagad ng Simbahan at Pamahalaan Ipinagbabawal at hindi ito makaturangang gawain ng mga opisyal ng
batas at simbahan sa kasalukuyang panahon.
5. Kakulangan sa Edukasyon Nagkaroon ng karapatan ang lahat na mag-aral at nabigyan ng libreng edukasyon ang mga walang
kakayahang mag-aral sa pampribadong paaralan.
Epekto ng Noli Me Tangere
1. Nakapagbigay ng positibong pananaw lalo na sa mga Pilipino na ang pag - aaral kapag pinagsumikapan ay nagbubunga ng
tagumpay.
2. Nakapagbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino na ang pagkakaroon ng sariling wika ay pagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan.
3. Natutuhan ng mga Pilipino na hindi lahat ng labanan ay kailangan ng dahas mayroong mga laban na nangangailangan din ng talino
at diskarte.
4. Naging mas bokal ang mga Pilipino higit sa lahat ang mga kabataan sa pagpapahayag ng damdamin.
5. Mahalagang maunawaan ng mga Pilipino ang konsepto ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan.
6. Nalaman ng mga Pilipino na ang pagkakaroon ng kagustuhan na maging bihasa sa isang bagay ay mahalagang elemento ng
tagumpay.
7. Nagkaroon ng kamalayan ang mga kabataan ukol sa naging buhay ng kanilang mga ninuno.
8. Nagkaroon ng kagustuhan ang mga kabataan na tularan ang mga magagandang halimbawa na kanilang natutuhan mula sa kanilang
mga ninuno.
9. Nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na pag -ugnayin ang nakalipas at ang kasalukuyan.
10. Mas naging bukas ang komunikasyon sa pagitan ng mga mag - aaral at guro, tao at pamahalaan, at tao at simbahan.

Sa pagbibigay ng kahulugan sa mga salita ay mayroon tayong dalawang uri:


Denotasyon o Tekstwal- pagpapakahulugan na naglalaman ng pangunahing kahulugan ng salita, literal at naaayon sa diksyunaryo. Ito
ang tunay at pinakamababaw na kahulugan.
Halimbawa: Ang tinapay ay pagkaing mabibili sa panaderya.
Konotasyon o Kontekstwal- pagpapakahulugan ayon sa karanasan, saloobin, sitwasyon ng isang tao o isang pahiwatig. Nakabatay
ang kahulugan sa pagkakagamit ng salita. Mahalaga ang pagkakaroon ng iba’t ibang paraan sa pagbibigay ng kahulugan sa mga salita
dahil mas nagiging masining ang paraan ng pagsulat ng ating mga manunulat at nakakadagdag ng ineteres para sa mga mambabasa.
Halimbawa: Si Hesus ay ang tinapay ng buhay sapagkat Siya ang gumagabay sa mga tao.
Alam mo ba ! Isa sa mga sinusubaybayan sa telebisyon ang pinagbibidahan ng nga sikat na artista ang mga soap- opera o kilala sa
ating bansa na "telenobela". Ang telenobela ay isang melodramatic fiction na palabas na kadalasang ineere sa Latino-Amerikano na
mga bansa noong unang panahon. Ang mga palabas na ito ay ineere sa gabi, limang araw sa isang linggo at nakakaanyaya ng
maraming manonood, iba't iba man ang edad at kasarian. Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan. Sa Pilipinas,
masasalamin sa mga telenobela ang mga kaganapan sa buhay ng bawat pamilyang Pilipino. Kaya naman malaki ang impluwensya nito
sa bawat indibidwal. Ang mga pangyayari rito ay maaaring nangyari na noon pa man o nangyayari sa kasalukuyan.
NOLI ME TANGERE IBANG TELENOBELA/PALABAS
Ang usapin sa pamilya na nakasentro sa mag-anak nina Pedro Sa teleseryeng “Mara Clara” (2010-2011) ay kitang-kita rito si
at Sisa ay nangyayari pa rin hanggang sa ngayon. Pedro sa katauhan ni Gary David na nakilalang ama ni Mara,
nananakit sa kanyang mag-ina at maraming bisyo tulad ng
paglalasing at magaling din sa basag-ulo.
Pagdating sa usaping pamumuno ng bansa noon ay hindi Mula sa mga pelikula ng mga kilalang bayani tulad ng “Heneral
nagkakalayo sa isang aspeto, lahat ay nagnanais ng Luna” ay masasalamin ang walang pakundangang paggawa ng
kapangyarihan. kasamaan para lamang sa pinakaaasam na kapangyarihan at
kayamanan na siyang nais ipabatid ni Rizal sa kanyang nobela.
Ang pag-iibigan nina Crisostom Ibarra at Maria Clara ay Katulad ng kanilang pag-iibigan ang karamihan sa mga kwentong
isang kuwentong pino nga pagsubok, nagkahiwalay napapanood sa mga pelikula, telenobela/teleseryeng Tagalog. Ang
pansamantala upang tuparin ang pangarap sa buhay, nang teleseryeng kilala hanggang ngayon na nagkaroon ng remake ay
magkitang muli ay pilit naming hinahadlangan ng mga taong ang “Pangako Sa’Yo”, sa kwento ng pagiibigan nina Angelo
nakapaligid sa kanila. Ipinagkasundo si Maria Clara sa ibang Buenavista at Yna Macaspac na tinutulan ng kanilang mga
mangingibig na hindi naman niya gusto, subalit walang magulang, una dahil sa may nakaraan ang mga ito at pangalawa
nagawa dahil niya naipaglaban totoong nararamdaman at sap dahil sa magkaibang estado sa buhay.
agaakalang ito ang makakabuti para kay Crisostomo Ibarra.
Pagsasakripisyo pagtitiis anng isang tema nag pag-ibig subalit
may bahagi rin nga kahianaan sapagkat hindi ipibnaglaban
ang tunay na nararamdaman
Ang mga pangyayari sa Noli Me Tangere na ang mga prayle Samantalang sa kwentong “May Bukas Pa (2009)” ay
ay walang malasakit sa kapwa lalo na sa mga Pilipino. masasalamin naman ang buhay ng isang batang nagngangalang
Maging ang mga mangagagawa ng simbahan gaya ng Santino na nanggagamot at mayroong masayang buhay sa piling
tagaluto, tagapagtugtog ng batingaw ay kabaligtaran ang ng mga pari sa loob ng kumbento.
katauhan sa nasabing nobela.
MGA URI NG BISA NG AKDA:
PANDAMDAMIN- tumutukoy sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
PANGKAISIPAN- tungkol ito sa pagbabago ng kasipan dahil sa natutunan sa binasang akda.
PANGKAASALAN- kaugnay nito ang transpormasyon sa iyong pag-uugali matapos mabasa ang akda.
Kailangang tandaan ana bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pagbibigay ng ating sariling pananaw/ opinion sa mga
pangyayaring nagaganap sa ating paligid. Sa pagbibigay ng mga pananaw, mabubuti kung tayo ay may sapat na kaaalaman sa paksang
pinag-uusapan kung kaya’t mahalaga na tayo manaliksik ng mga datos na nagsasaad ng katotohanan hinggil sa isang paksang pinag-
uusapan.
Mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw at konklusyon:
✓ Buong igting kong sinusuportahan…, Kumbinsido akong…, Lubos kong pinaniniwalaan…
✓ Labis akong naninindigan…, Kung ako ang tatanungin..., Kung hindi ako nagkakamali… Sa aking palagay…, Sa tingin ko…, Sa
aking pananaw…, Sa totoo lang at iba pa.

Huwag kalimutan na sa pagbibigay ng sariling pananaw lagi nating isaisip na dapat at kinakailangang alam natin ang katotohanan at
mga tunay na detalye tungkol sa pinaguusapan. Ang pagtatala ay ang pag-iisa-isa ng mahahalagang impormasyong kinalap o kinuha
sa iba’t ibang sanggunian katulad ng aklat, diyaryo, magasin at iba pa. Maaari rin na ang impormasyon ay kinalap sa pamamagitan ng
panayam o pagtatanong sa mga taong may sapat na kaalaman sa paksa.
Dalawang Paraan ng Pagtatala
Tuwirang sipi/direktang sipi ay ang direktang pagkopya ng Interbyu ay pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng
impormasyon sa aklat o ibang sanggunian. Ang direktang sipi o pakikipanayam o pagtatanong sa mga taong may sapat na
quotation ay nagmumula sa mga orihinal na sulatin o teksto na kaalaman sa paksang nais alamin. Ito ay ay isang mabilis at
nais nating gamiting direkta mula sa mga ito upang mas mabisang paraan ng pagkuha o pagkalap ng mga impormasyong
mabigyang-laman at halaga ang mga sumusunod na salita. na maaaring gamitin sa iba’t ibang kadahilanan.
Ang Monologo ay isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi ang kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan sa
kapulungan ng mga nakikinig. Ang monologo ay ginagamit sa iba't ibang midya gaya ng dula, pelikula, animasyon atb.
Upang mas maunawaan at maging maayos ang iyong paggawa ng isang monologo narito ang mga salita/ pahayag o ekspresyon na
maaari mong magamit.
a. Paglalarawan-may mga salitang naglalarawan na maaring gamitin sa tao ngunit hindi naman maaaring gamitin sa bagay.
Halimbawa: Ang matayog na pangarap ni Dr. Jose Rizal ay mapalaya ang kanyang bayan mula sa pang-aaalipin ng mga banyaga.
Maraming magpapatunay na hindi matangkad si Rizal. (Ang matayog at matangkad ay parehong tumutukoy sa taas (height) subalit
hindi maaaring pagpalitin dahil hindi aakma ang nais iparating.)
b. Paglalahad ng Sarilling Opinyon- Mahalaga sa pakikipagkomunikasyon ang paglalahad ng sariling opinyon. Sa pagpapahayag ng
opinyon maaaring gamitin ang mga ekspresyong: sa aking pananaw, sa aking palagay, sa opinyon ko para sa akin at iba pa.
Halimbawa: Lubos akong sumasang-ayon sa ginawang kabayanihan ni Dr Jose Rizal.
c. Pag-iisa-isa – may dalawang uri ng pag-iisa-isa o enumerasyon: simple at komplikado Ginagamitan ng mga salitang: pagkatapos,
saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa at gayon din. Halimbawa: Ang Noli me Tangere ay unang isinulat sa
Madrid, pagkatapos ang kalahati ay sa Paris, at ang huling bahagi ay natapos maisulat sa Germany.
d. Pagpapatunay- May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag
na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap at kapani-paniwala sa mga tagapakinig.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbibigay ng mga Patunay:
 Nagpapahiwatig - ito ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang mga ebidensiya subalit sa
pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.
 Nagpapakita - salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay at totoo.
 May Dokumentaryong Ebidensya - ito ay mga patunay o ebidensya na maaaring nakasulat, larawan o video.
 Nagpapatunay/Katunayan - ito ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
 Taglay ang Matibay na Konklusyon - ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo
ang pinatutunayan.
 Kapani-paniwala - salitang nagpapakita na ang ebidensiya ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.
 Pinatutunayan ng mga Detalye - makikita mula sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag. Mahalagang masuri ang mg
detalye para makita ang katotohanan.
Pamamaraan sa Pagsulat ng isang monologo
• Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi kaaya-aya sa pandinig.
• Tapusin ang monologo sa isang kahanga-hangang pananalita o script.
• Iwasan ang pagkopya ng mga salitang nakatatak sa mga sikat na pelikula.
• Gumawa ng Storyline sa kuwentong iyong naisip.
• Gawing maikli ngunit kaaya-aya ang kwento.
• Maging maabilidad sa paggawa ng mga senaryong nakakagulat at nakakaaliw.
Kahalagahan ng Tauhan
• Mahalaga ang mga tauhan dahil sa kanila nakasentro ang mga pangyayari sa nobela.
• Ang mga tauhan ang gumaganap at nagbibigay buhay rito.
• Sila ang nagpapahayag ng mensahe at sa kanila rin umiikot ang mga magaganda at kapana-panabik na detalye sa akda.
• Kung wala ang mga tauhan ay hindi makukumpleto ang isang akda.
• Walang magbibigay kulay at magiging payak lamang ang takbo ng istorya.
• Mahihirapang tumakbo ang istorya ng akda kung walang mga tauhan.
Mga Tauhan
 Crisostomo Ibarra – Siya ang kumakatawan sa idolohiya ni Rizal at ang pagiging marupok at kapintasan ng buong Pilipinas.
 Maria Clara – Simbolo ng isang dalagang pilipina.
 Padre Damaso- Kinakatawan niya ang kabagsikan ng mga prayle at masidhi nilang hangarin na panatilihin ang mga Pilipino
na kahabag – habag.
 Kapitan Tiyago – kinakatawan niya ang marami sa atin sa kasalukuyan.
 Pilosopo Tasyo – Kinasangkapan siya ni Rizal upang mapagukulan ng pansin ang kabulukan ng lipunan ng hindi sa paraang
nangangaral.
 Elias- nagsilbing tagapagligtas ni Crisostomo Ibarra
 Kapitan Heneral – Kinatawan ng hari sa Pilipinas.
 Don Tibursyo de de Espadaña – Nagpanggap ng doktor ng medisina, ngunit ang totoo’y hindi man lamang nakapagaral ng
medisina, ni ultimo nakaranas manggamot.
Crisostomo Ibarra Y Magsalin (Dr. Jose P. Rizal)
Si Crisostomo Ibarra o Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin ay ang pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere. Anak siya ng
pinakamayaman sa San Diego na si Don Rafael Ibarra. Nakapag-aral sa Europa ayon na rin sa plano ng ama, bumalik sa bansa
upang malaman kung anong nangyari sa ama dahil sa mag-iisang taon na siyang walang balita mula dito. Umuwi sa San Diego dala
ang pangarap at pag-ibig sa tinubuang bayan. Pangarap niyang makapagpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego ngunit may mga
sagabal na mga prayle dahil sa kasikiman at mga pansariling interes ng mga ito at para sa kanila ang binata ay arogante, bastos at
tila walang pinag-aralan. Dahil sa nangyari sa kanyang ama na itinakwil bilang pilibustero at di kanais-nais na kaganapan habang
siya ay nasa San Diego, may poot at paghihiganti ang nais niyang maisakatuparan.
Paglalarawan ng Pag - ibig ni Ibarra sa: (Magulang, Kasintahan, Bayan, Kapwa)
Ang pagmamahal ni Crisostomo sa ama ay walang kaparis. Hindi man niya natulungan ang ama noong mga panahong kailangan
siya nito, gumawa naman siya ng paraan upang mabigyan ng katarungan ang ama. Katunayan, mas binigyang - halaga niya ang
planong himagsikan kaysa sa pakikipag - isang dibdib kay Maria Clara.
Ang pagmamahal ni Ibarra para kay Maria Clara ay tapat at mapagkumbaba. Sa kabila ng matinding pasakit na ibinibigay sa
kanya ng dating kura na ama - amahan ng kanyang kasintahan hindi niya magawa na labanan ito sapagkat ayaw niya na masaktan
ang kasintahan.
Ang pagmamahal ni Ibarra sa bayan ay makatwiran. Nais niya na maging pantay - pantay ang pagtrato ng mga namumuno sa lahat
ng mga mamamayan ng bayan ng San Diego maging sila man ay mga prayle o mga lider ng pamahalaan. Nais niya ang mga tao ay
magkaroon ng pagkakataong makapag - aral na tulad ng mga Espanyol.
Si Ibarra ay mapagmahal at matulungin sa kapwa. Hindi siya humihingi ng anumang kapalit sa lahat ng mga ginagawa niya para
sa kanila. Ito ay pag - uugali na minana niya sa kanyang amang si Don Rafael. Para sa kanya walang halaga ang kayamanan kung
wala kang masayang pamilya at mababait na kaibigan.

Pang-uri - ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lugar at iba na tinutukoy ng pangngalan o panghalip na
kasama nito sa loob ng pangungusap.
Halimbawa: Matalas ang ulo ni Dr. Jose P. Rizal. Ulirang ina si Sisa.

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang
ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Ito ay nahahati sa dalawa ang Pormal at Di-Pormal.
1.Pormal – Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.
Halimbawa: a. Pambansa - Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Hal.
anak, asawa, ama
b. Pampanitikan – Ito ay mga salitang mataas ang uri at matalinhaga. Hal. Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig
c. Teknikal - Ito ay kalimitang ginagamit ng mga particular na gurpo. Hal. Medisina: OR-Operating Room IT: CPU-Central
Processing Unit
2. Di-Pormal – ito ang ga salitang ginagamit sa araw-araw.
Halimbawa a. Lalawiganin – wikang ginagamit sa particular na pook o lalawigan. Hal. Sira (Bico) - Isda (Tagalog) Utong(Ilocus)
- Sitaw (Tagalog)
b. Kolokyal – mga salitang pinagsama. Kadalasan ito ay wikang Ingles at Filipino. Hal. Where na you? Dito na me. Go tayo sa
party!
c. Balbal – pinakamababang antas ng wika. Kalimitang tinatawag na salitang kalye. Hal. Haybol – bahay Yosi – sigarilyo
1. Angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng: damdamin, matibay na Paninindigan
Mayroon tayong iba’t-ibang paraan ng pagpapahayag ng ating ekspresyon o damdamin
Una-Pagpapahayag ng damdamin mahalagang bigyang-pansin ang mga salitang ginagamit.
Ikalawa-nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon.
Hal. Nakupo, ang bata nasagasaan!
Ikatlo-Maikling Sambitla- ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin hal:
Sunog! May Sunog!
Pagpapahayag ng matibay na Paninindigan- mas masidhi ang pananaw o opinyon ang pagpapahayag ng matibay na
paninindigan, maaari nitong maapektuhan ang paniniwala at prinsipyo ng tao sa buhay. Maari nating gamitin ang mga hudyat sa
pagsang-ayon at pagsalungat sa ganitong pahayag:
Ganap na pangsang-ayon Ganap na Pagsalungat
Naninindigan ako.. Hindi ako naniniwala riyan..
Sang-ayon ako.. Hindi totoong..
Kaisa mo ako sa bahaging iyan… Hindi ako sang-ayon dahil…
2. Pagsulat ng iskrip ng mock trial
Tandaan na ang mock trial ay isang paraan ng panggagaya sa kung ano ang nangyayari sa isang totoong paglilitis sa korte.
Ginagawa ito kung minsan ng mga abogado bilang paghahanda sa totoong paglilitis. Gumagamit sila ng mga boluntaryo na
gaganap sa mga eksena ng paglilitis para masubok at makapagsanay sila. Tulad din ito ng isang pagsasadula na ang bawat isa ay
magpapanggap sa papel na ibinigay sa kanya. Halimbawa magpapanggap ka bilang isang hukom, akusado, testigo, o iba pa. Ang
mga pangyayari ay katulad din mga pangyayari sa isang totoong paglilitis.
Pagpapaliwanag sa iba’t-ibang paraan ng pagbibigay pahiwatig sa kahulugan
1. Talinghaga at idyoma
• Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan.
• Ito ang mga parirala na nakakubli ang tunay na kahulugan.
Halimbawa: Balat-sibuyas – maramdamin
Basang-sisiw – kaawa-awa Huling hantungan – libingan Magdildil ng asin – maghirap
2. Konotasyon at Denotasyon
Konotasyon – ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa
karaniwang kahulugan. Halimbawa: Isang magandang bulaklak ang anak ng mag-asawang Reyes. (Babae)
Denotasyon – ay karaniwang kahulugang galing sa diksyonaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng
pahayag. Halimbawa: Sa panahon ng quarantine ay nauuso sa mga plantito/plantita ang pagtatanim ng mga iba’t iba at
magagandang bulaklak. (bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay) 3. Paggamit ng
3. Contexual Clue – ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkagamit nito sa pangungusap. Halimbawa: a. Makitid
ang daan kaya’t mahirap daanan.

ANGKOP NA PAGGAMIT NG MGA EKSPRESYON SA PAGPAPALIWANAG, PAGHAHAMBING, AT


PAGBIBIGAY NG OPINYON
Ayon sa aklat na “Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino” ni Vilma M. Resuma, maipaliliwanag ang isang argumento o
punto sa tatlong paraan:
1. Pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan
2. Pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng
pang- ugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba
3. Pagbibigay ng halimbawa.
Ang paghahambing ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang antas o lebel ng katangian ng: tao, bagay, ideya,
pangyayari at iba pa.
Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay
mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulanng
impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Sa pagpapaliwanag, paghahambing at pagbibigay ng opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda:
A. Pagpapaliwanag – mga pang-angkop na na, ng, g.
B. Paghahambing – mga panlaping ka-, magka-, ga-, sing-, kasing-, magsing-, magkasing- at mga salitang paris,
wangis/kawangis, tulad, hawig/kahawig, mistula, gaya at mukha/kamukha. lalo, di-gasino, di- gaano, di-totoo, higit/mas, labis, at
di-hamak.
C. Pagbibigay ng opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa
akin, sa ganang akin, tunay, totoo, talaga, ganoon nga, mangyari pa, sadya, ngunit, subalit, habang, samantala, atbp.

DULANG PANTEATRO ➢ ay tinatawag na genre ng pampanitikan na binubuo ng hanay ng mga dramarikong akdang ipinaglihi para
sa kinatawan nito sa entablado. Ito ay bahagi ng tinaguriang sining na gumaganap na pinagsasama ang mga lugar ng pagganap,
senaryo, musika, tunog at palabas.

Tungkulin ng Ina Tuparin ang kanyang mga responsibilidad sa pagiging isang ina. Tungkulin niyang mahalin, alagaan at
palakihin ng mabuti ang kanyang mga anak. Tungklin rin niyang maging isang mabuting asawa sa
kanyang asawa.
Tungkulin ng Anak Sumunod sa utos ng magulang. Hindi maging pasaway sa mga ito. Tulungan ang magulang sa mga
gawaing bahay. Huwag ipagbahala ang payo ng magulang. Huwag sumasagot ng nakakasakit sa kanila
ngunit pwedeng magpaliwanag. Tugunan ang pangangailangan nila apgtansa at alagaan sila.
Opinyon at Saloobin Opinyon - Paliwanag lamang batay sa mga makatotohanang pangyayari
Saloobin – o damdamin ng tao, hindi maaaring mapatunayan kung tama o hindi.
Matatag at Neutral Neutral na Opinyon Matatag na Opinyon
na Opinyon • Kung ako ang tatanungin... • Buong igting kong sinusuportahan...
• Kung hindi ako nagkakamali.. • Kumbinsido akong...
• Sa tingin ko... • Lubos kong pinaniniwalaan...
• Sa totoo lang... • Labis akong naninindigan…
Dulang Panteatro Isinasagawa o itinatanghal sa pampublikong entablado kung saan ipinapahayag ng mga tauhan ang
kanilang emosyon tulad ng pagkanta, pagsayaw, pagsasadula ng isang kuwento.
Elemento ng Dulang Panteatro:
* ISKRIP
* DIREKTOR
* AKTOR
* MANONOOD
* PAGBABAGO (twist)
* WAKAS (resolusyon)
* TANGHALAN

You might also like