You are on page 1of 6

Victoriano, Kristel Ann V.

BSED-III Mathematics
Modyul 4
PAUNANG PAGSUSULIT
Magbigay ng tatlong bayaning manunulat na iyong hinahangaan hindi lamang sa pagtatanggol ng
bayan maging sa pagiging manunulat nito. Magbigay ng trivia o mga bagay na hindi alam ng
nakararami hinggil sa kanila.
1. Dr. Jose Rizal
Si Dr. Jose Rizal ay kilala nating sumulat ng mga nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Siya rin ang bayaning hindi gumamit ng dahas sa pagtatanggol ng ating
bansa. Ang ating pambansang bayani ay may taas na 5’3 (panitikan.com.ph). Siya ay
gumamit din ng droga ngunit sinabi na ito ay para lamang sa pag-aaral. Hindi naman siya
nalulong ditto. Mga sundalong Pilipino ang bumaril ka Rizal. Siya ay umikot muna kaya
naman siya ay binaural at nakamatay na nakaharap sa sikat ng araw.
2. Marcelo H. Del Pilar
Ayon sa bulakenyo.ph (2021), si Marcelo H. Del Pilar ay isa sa pinaka magigiting
na anak ng Bulacan. Ang nagsilbing guro niya ay ang kanyang ina. Marami rin siyang
alam tugtugin kagaya ng violin, flute at piano. Siya ay anak ng gobernadorcillo na
nanungkulan ng tatlong beses. Ang tunay na apelyido nila ay Hilario, ngunit naging Del
Pilar lamang ito ng maglabas ng decree ang mga Kastila upang magkaroon ng apelyido
ang lahat ng Pilipino. Ang Del Pilar ay apelyido ng kanyang lola. Pangalawang pinsan
niya ang napangasawa niyang si Marciana H. Del Pilar. Nagbunga ang kanilang
pagmamahalan ng 7 supling ngunit ang 5 ay maagang pumanaw at dalawa lamang na
babae ang umabot sa pagtanda. Maliban sa Plaridel, gumamit rin siya ng ibang pen name
tulad ng Siling Labuyo, Piping Dilat, Dolores Manapat, Carmelo, L. O. Crame, D.M.
Calero, Hilario, Pupdoh, Maitalaga.
3. Andres Bonifacio
Mula naman sa philippineculturaleducation.com.ph, si Andres Bonifacio ang
bayaning nagtatag ng Katipunan at tinaguriang “Ama ng Himagsikang Filipino.”
“Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” ang tawag sa kanya sa kadahilanang
naging pangulo siya ng kapisanang mapanghimagsik. Isa rin siyang alagad ng sining.
Hindi lamang siya mahilig pa pagguhit, isa rin siyang mag-aarista at maging kasapi ng
samahang pandulaan ng Palomat, Tondo. Mahusay rin siyang makata at manunulat. Una
niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista sa Kalookan ay
nakilála niya at niligawan si Gregoria de Jesus. Ikinasal silá noong 1893 at muling
ikinasal sa loob ng Katipunan.
Isang balita ang isinulat sa news.abs-cbn.com noong November 30, 2017 sa
pagdiriwang ng ika-154 na kaarawan ni Andres Bonifacio. Ayon sa inapo ng bayani na
sina Michael Charleston "Xiao" Chua at ni Francisco Camacho, mga historyador,
pinabulaanan nila na si Bonafacio ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Ayon kay
Camacho, nasa middle class talaga si Andres. Ang ama ni Bonafacio na si Santiago ay
isang sastre at ang kanyang ina naman na si Catalina ay nagsilbing tagapamahala sa
pagawaan ng tabako. Natuto rin ang bayani ng wikang Kastila dahil sa tulong ng kanyang
tiyahin na isang guro. Nagtapos rin siya hanggang ika-apat na baiting na katumbas ng
high school sa panahon ngayon.
GAWAING PAGKATUTO
Isa isahin ang karaniwang protesta ng taumbayan sa kasalukyan. Sumulat ng isang halimbawa ng
akda o artikulo tungkol sa iyong nais na mangyari sa ating bansa sa kasalukuyan. Gawing
positibo ang tono bagamat tunay na may kahirapan sa sitwasyon. Gumamit ng mga salitang
nakahihikayat at iwasan ang negatibo at di magandang salita sa sulatin. Gawan din ito ng
maganda at akmang pamagat. Buuin ito sa pamamagitan ng 500 mga salita o higit pa. Maaaring
gumuhit din ng larawan tungkol dito o kumuha sa internet upang maging higit itong mas kapani-
paniwala.

Sa Pula o sa Rosas?
Ni Kristel Ann Victoriano
Noong nakaraang eleksyon, may dalawang pangalan ang maingay sa social media,
tahanan o kahit saan man. Hindi mawawala sa pandinig mo ang dalawang pangalang ito. Si
Presidenteng Bongbong Marcos at ang kanyang naging katunggali na si dating pangalawang
pangulo na si Lenie Robredo ang naging usap usap sa ating bansa. Samut-saring siraan o
pangbabatikos ang ating narinig at nabasa. Magnanakaw, peke ang diploma, walang alam sa
pagiging lider at iba pa yan ang sinasabi ng panig o taga suporta ni Lenie Robredo. Ngunit ang
sagot naman ng tagasuporta ng kabila ay lugaw, dilawan, sunod sunuran at maraming pang iba.
Lumabas din na binago ng mga Aquino ang kwento ng ating nakaraan ang tungkol sa mga
Marcos. Maraming kwento at siraan ang lumabas sa kampanyahan. Hindi padadaig ang mga
tagasuporta ng dalawang panig. Naungkat din ang nagyaring eleksyon noong 2016 sapagkat
silang dalawa rin ang naglaban sa pangalawang pangulo.
Tayo bilang isang mamamayan may kanya kanyang tayong pinapanigan, sinusuportahan
at pinaniniwalaan ngunit hindi dapat tayo nag aaway upang mapagtanggol natin ang ating mga
kandidato. Hindi magandang halimbawa ang ating ginagawa para sa mga kabataan. Hayaan
nalang nating na sila ay magampanya at ihayag ang kani-kanilang mga plataporma na nais
ipatupad o isagawa.
Ang dalawang panig ay may kanya kanyang pinaniniwalaan at ipinaglalaban. Sila ay may
kanya kanyang plataporma tungkol sa ating edukasyon, kalusugan, turismo, pangkabuhayan,
agrikultura, ekenomiya at iba pa. Maganda ang kanilang mga naiisip na programa para sa ating
bansa. Ngunit hindi natin masigurado kung kanila nga ba itong gagawin. Tradisyon na natin na
tuwing sasapit ang eleksyon inaasahan na natin mayroong magsisiraan at magtatanggol ng
kanilang pinapanigan. Maraming kandidato rin ang nangangako at napapako kaya naman kapag
nakaupo na sila, patuloy pa rin ang natatanggap nilang batikos sa mga tao.
Ang pagkakaroon ng eleksyon ay upang magkaroon ng isang lider na mangunguna sa
pagpapaganda, pag-aangat at pagkakaisa ng mga mamamayan. Kaya naman, tayo, bilang isang
mamamayan hawak nating lahat ang kinabukasan ng ating bansa. Tayo ang pumipili ng
mamumuno sa ating bansa. Kaya naman dapat maging matalino tayo sa pagpili ng nararapat.
Sinusuri nating mabuti ang bawat kandidato na tumatakno. Huwag tayo magpalinlang sa
matatamis nilang saita at pangako, huwag tayong magpabayad n gating boto bagkus tumingin
tayo sa isang mamumuno na handang maglingkod sa ating bansa ng tunay at may kasamang
pagmamahal.
Bilang isang Pilipino, iisa lamang ang ating ninanais o inasam para sa ating bansa. At ito
ay ang mapanatili ang kalayaan at umangat ang ekonomiya. Tayo, bilang isang mamamayan,
suportahan na lamang natin ang ating lider sapagkat milyong-milyong tao ang nagtiwala sa
kanya na maiiahon niya ang ating bansa sa kahirapan. Magkaisa at magtulungan tayo upang ang
ating ninanais at inaasam ay ating makamit. Kaya naman itigil na natin ang pambabatikos o
paninira sa ating lider bagkus suportahan na lamang natin sa kanyang mga plano.
PAGTATASA
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Paano naging daan ang panitikan sa pagsisimula ng protesta ng mga Pilipino?
Kilala natin na si Dr. Jose Rizal ay ang sumulat ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na naglalaman ng kalupitan at mga problema na nagyayari sa ating
pamahalan. Naglalaman din ito kung paano mamahala ang namumuno. Dahil sa
panitikang ito, nasiwalat at nabasa ang nilalaman nito. Ang tahimik at mahinahong
pakikipaglaban at nauwi sa magulo at madugong labanan.
2. Nakatulong ba ang pagbubukas ng Canal Suez sa pagbabago ng Pilipinas? Ipaliwanag.
Tunay na naging malaking tulong ang pagbubukas ng Canal Suez sa pagbabago
ng Pilipinas sapagkat naging daan ito sa paglalabas-masok ng mga mangangalakal at ang
Sistema ng komunikasyon sa Pilipinas. Gayundin, naging daan ito sa pagpasok sa bansa
ng mga liberal na banyagang kaisipan tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at
kapayapaan na nagmulat sa maraming Pilipino sa kanilang karapatan. Dahil rin sa
pagbubukas ng Canal Suez, naging 30 araw na lamang ang dating 2 buwang byahe mula
Pilipinas patungong Espanya.
3. Magbigay ng mga halimbawa ng mga akdang tumutuligsa sa mga mananakop na Kastila
at ipaliwanag ito.
Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ng ating
pambansang bayani. Naglalaman ito ng kalagayan ng ating lipunan, kung paano
mamalakad ang pamahalaan at lahat ng kalupitan sa ating lipunan. Gumamit ng
matalinhagang salita ang ating bayani sa pagsulat ng Noli Me Tangere upang hindi
malaman ng mga Kastila ang nilalaman nito ngunit ang El Filibusterismo naman ay
ginawa upang mamulat tayong mga Pilipino na lumaban.
Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas ito naman ay mga prayle ay tinuligsa sa
sanaysay ito upang mawala ang hadlang sa pag-unlad at kaligayahan ng Pilipinas. Ang
sanaysay ay nagsumikap na magsagawa ng pagbabago ngunit sinasabing hindi
natulungan ng Espanya ang Pilipinas
4. Kung ikukumpara ang konsepto ng protesta ng panitikan noon sa panitikan sa
kasalukuyan, may pagbabago ba sa layunin at paksa? Bakit?
Malaki ang pinagkaiba ng konsepto ng protesta ng panitakan noon sa panitikan sa
kasalukuyan sapagkat ang ating panitikan noon ay umiikot sa pagkamit ng kalayaan at
pagtuligsa sa mga mananakop na Espanyol tulad ng tema sa nobelang Noli Me Tangere at
El Filibusterismo. Ang mga panitikan noon ay nagmumulat sa mata ng mga Pilipino kung
ano ang estado at pangyayari sa bansa. Kung atin naming titingnan sa kasalukuyan, tila
mga kapwa Pilipino ang tumutuligsa sa kapwa Pilipino lalo’t higit ang mga taong nasa
panunungkulan. Ang mga panunuligsa sa isang Pilipinong politiko ang halos laman ng
mga protestang panitikan. Inilalathala rin ang pagpupuri sa nagagawa ng isang tao. Kung
dati ay limitado lamang ang pagsulat dahil ito ay ipinagbabawal, ngayon ay may kalayaan
ng sumulat ang kahit sino upang ipahayag ang nais nilang sabihin. Dahil na rin sa
makabagong panahon, maraming paraan kung saan natin maiipahayag ang panitikan at
tunay ngang lahat tayo ay nagiging manunulat kapag nagbibigay tayo ng opinion sa isang
paksa.
5. Umiiral pa rin ba ang konsepto sa kasalukuyan? Paano? May pagkakaiba ba ito sa
protesta noon? Ipaliwanag.
Ang konsepto sa kasalukuyan ay umiiral pa rin ngayon. Kapag darating na ang
eleksyon, marami sa atin ang gumagamit ng social media upang doon manira ng
tatakbong kandidato at mismong kapwa Pilipino ang gumagawa nito. Malaki ang
pagkakaiba nito sa protesta noon sapagkat noon ay ang mga dayuhan an gating
tinutuligsa pero ngayon ay mismong kapwa natin an gating binabatikos at mismong tayo
tayo na rin ang nag aaway upang ipagtanggol ang ating pinapanigan.
6. Ano ang karaniwang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa panahon ng himagsikan?
Ipaliwanag.
Ang karaniwang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa panahon ng
himagsikan ang ang pag-asam o pag nanais abutin ang ating kalayaan, pagbabago sa
pamamalakad ng pamahalaan at ng simbahan at ang pagiging makabayan ng ating mga
ninuno.
7. Gaano kahalaga ang mga akda nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto sa pagpapaigting
ng diwa ng katipunan para sa himagsikan? Ipaliwanag.
Ang akda nina Andres Bonifacio at Emelio Jacinto ay malaking tulong sa
pagpapaigting ng diwa ng katipunan para sa himagsikan sapagkat ang akda ni Andres
Bonifacio na pinamagatang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ay nag mulat sa mga
Pilipino sa kaapihang dinaranas nila sa kamay ng mga Kastila. Dahil dito mas umigting
ang pagnanasa ng mga katipunero na maghimagsik laban sa Kastila. Ang akda naman ni
Emilio Jacinto ang naging gabay sa mga katipunero sapagkat siya ang naghahanda at
sumusulat ng mga patalastas, saligang batas, at mga kautusan para sa mga miyembro ng
katipunan.
8. Paano nagkakaiba ang layunin ng panitikan ng himagsikan sa panahon ng Kastila at
panahon ng Amerikano?
Noong panahon ng himagsikan ng Kastila, ang layuning ng panitikan ay gumising
ang mga Pilipino sa mga nangyayari sa ating bansa. Naglalaman ito kung paano
mamahala ang pamahalaan at ang simabahan. Ngunit sa panahon ng Kastila, ang
panitikang ito ay nag udyok na gumamit ng dahas at naging madugo at magulo ang
himagsikan.
9. Sa anu-anong aspekto nagkakaugnay o nagsasalo ang panitikan at himagsikan?
Ipaliwanag.
Kung ating titingnan at susuriin, hindi natin masasabi na magkaugnay ang
panitikan at ang himagsikan. Ang panitikan ay ang pagsulat o paghahayag ng ating
damdamin at kaisipan samantalang ang himagsikan naman ay tungkol sa pagtatangol.
Ngunit ang panitikan ay naging daan upang magkaroon ng himagsikan o ipagtanggol ng
ating mga ninuno ang ating kalayaan. Ang panitikan ay hindi lamang nagbibigay ng saya,
kaalaman o ano pa man, ito ay naging instrumento upang maabot natin ang kalayaan na
hanggang ngayon ay ating napapakinabangan.
10. Bakit mahalagang tingnan ang naging papel ng panitikan sa himagsikan.
Mahalagang balikan natin at ating tingnan ang naging papel ng panitikan sa
himagsikan. Dahil sa panitikan, nabulgar ng hindi makatarungang pagtrato ng dayuhan sa
ating mga Pilipino. Dahil sa panitikan tinutuligsa natin ang mga dayuhan ng walang
gamit na anumang dahas. Ang panitikn din ang dahilan ng ating kalayaan na atin namang
natatamasa hanggang ngayon. Dahil sa panitikan, napatunayan nito na hindi sa lahat ng
pagkakataon ay gumamit ng armas o sandata at idaan sa magulo at duguang
pakikipaghimagsikan, ito ay pwede rin idaan sa matahimik na paraan upang sa gayon,
walang mamatay na mga inosenteng tao.

You might also like