You are on page 1of 12

Inihanda ni:Mhariz M.

Micaroz

Replektibong Sanaysay sa Lahat ng Ulat sa Kontemporaryong Panitikan

Matandang Panahon

Batay sa pag-uulat tungkol sa panitikan ng Matandang Panahon naunawaan kong ang

mga katutubong Pilipino ay may kakayahan ng makalikha ng sariling panitikan. Ang

susulatan ko ng repleksyon ay ang bahagi na kung saan binigyang diin ang paggamit ng

Baybayin bilang simbolo sa pagsulat ng panitikan. Sa dami ng panitikang naisulat sa

Baybayin kahit isa man ay walang naipakitang buhay na katibayan.Gayunpaman dahil sa mga

isinagawang pag-aaral ng mga linggwista ay napag-alamang matatalino ang mga Pilipino sa

pagsulat ng simbolo upang makalikha ng sining. Sa istilo pa lamang ng pagsulat ng Baybayin

ay mapapansin ang kahirapan nito. Kung susuriin, ang mga katutubong Pilipino ay talagang

matiyaga sa pag-aaral ng ganitong uri ng simbolo.

Ang kahulugan ng Baybayin sa Ingles ay “to spell” na kung saan ay nailalapat natin

sa pagbuo ng mga salita sa wikang ginagamit sa kasalukuyan. Unang itinawag ni Prof. Paul

Versoza sa simbolong ito ay Alibata ngunit kinalaunan naitama at naging Baybayin. Ngunit

paano nga ba natuto ang mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng Baybayin? Dalawang iskolar

na sina Tavera at Paterno ang nagsabing 25% ng mga bokabularyo ng wika ay nagmula sa

impluwensya ng mga Indiyano.Sinasabing ang gumamit nito ay ang mga nanirahan sa

Luzon,Palawan,Mindoro,sa hilagang bahagi ng Pangasinan at sa Ilocos,Panay,Leyte at Iloilo

ngunit walang nagpapatunay na nagamit ito sa Mindanao. Napag-alaman rin na ang Timog-

Silangang Asya ay naging bahagi ng impluwensya ng mga sinaunang Indiyano,at ang

impluwensya sa kultura ay tinatawag na “indianization”.


Noong nakaraang taon lamang ay nagkaroon ng isyu ang Baybayin dahil ipinakilala ni

Hon. Leopoldo Bataoil na gawing kautusan ang paggamit nito bilang pambansang sistema ng

pagsulat. Inihatid ito sa Kapulungan ng mga Kinatawan sa Kogreso noong Hulyo 4,2018.

Kilala ito sa tawag na Kautusang Pangkagawaran Blg.1022. Kung babasahin ang nilalaman

inihayag niyang nararapat na gawing pambansang sistema ng pagsulat ito upang

mapangalagaan at maipreserba ang kulturang Pilipino. Ang tanong paano magagamit ng mga

Pilipino sa kasalukuyan ang Baybayin kung kaunti lamang ang kaalaman patungkol rito?

Marami ang ‘di sumang-ayon sa kautusan,sinasabing ano ang punto ng pagpasa kung hindi

naman ito itinuturo sa mga paaralan at maaaring maging dahilan pa nang pagtalikod sa

kasalukuyang sistema ng pagsulat.

Ayon kay Chang Casal sa kanyang artikulo na “Ancient Filipino writing systems that

aren’t Baybayin” noong Agosto 22,2018 na ang Baybayin ay hindi sumasaklaw sa kabuuan

ng mga sistema ng pagsulat sa Pilipinas. Ang Baybayin sa katunayan, isa lamang sa mga

sistema ng pagsulat na ginamit bago dumating ang mga Espanyol. At ang mga sumasalungat

sa panukala ay nag-aalala na ang pagpapalaganap ng isang sistema sa pambansang sistema ng

pagsulat ay maaaring magbubura sa pagkakaiba-iba ng mga script na mayroon at patuloy na

umiiral sa buong bansa, gayundin ang pagpapanatili sa pagkakakilanlang Tagalog.

Gayunpaman, ang intensyon ay mabuti ngunit ano mang sistema ng pagsulat sa

kasalukuyan ay hindi nangangahulugang paglimot sa kulturang nakagisnan. Maaaring

makatulong ang kautusan upang masubok ng mga Pilipino kung gaano kaganda ang paggamit

ng simbolong Baybayin sa pagsulat ng isang akdang pampanitikan tulad ng mga katutubo

noon. Ngunit sana hindi ito maging hadlang sa paggamit ng nakasanayang sistema ng

pagsulat sa pagpapaunlad ng Pampanitikang Filipino sa bansang Pilipinas.


Panahon ng Kastila

Sa panahon ng Kastila isa sa mga nabigyang tuon ay ang paksa ng mga akdang

panitikan sa panahon ng pananakop. Isa sa mga paksa ay ang katiwalian ng mga Kastila sa

pamamahala sa bansang Pilipinas. Binigyang diin ito ni Dr. Jose Rizal sa kanyang mga

isinulat na akdang pampanitikan. Ang kanyang isinulat na dalawang nobela na Noli Me

Tangere at El Filibusterismo ay iilan lamang sa mga aklat na nagtulak sa mga Pilipino upang

magkaroon ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang orihinal na pamagat ng Noli Me

Tangere sa Ingles ay “The Social Cancer” ngunit kinalaunan binigyang batayan ang pamagat

sa wikang Latin.Ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay ang

nobelang “Uncle Tom’s Cabin” ni Harriet Beecher Stowe. Ang pamagat na “Noli Me

Tangere” ay nagmula sa Latin na kinuha ni Rizal sa Bibliya na nangangahulugang “Huwag

Mo Akong Salingin o Hawakan” o sa Ingles ay “Touch Me Not”. Sa Juan 20:17 Ang Salita ng

Diyos

“Sinabi ni Jesus sa kaniya: Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako

nakakaakyat sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko. Sabihin mo sa kanila na ako ay

papaitaas sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”

Ang isa pang sinulat ni Rizal ay ang karugtong ng nobela na El Filibusterismo na

inialay niya sa tatlong paring martir na sina Gomez, Burgos at Zamora. Ayon sa kanya lingid

pa sa kaalaman ng mga Pilipino ang kahulugan ng Filibusterismo hanggang sa masaksihan

ang pagbitay ng tatlong pari. Ang kahulugan ng El Filibusterismo sa Wikang Filipino ay

“Ang Paghahari ng Kasakiman”. Tumutukoy ito sa mga namamahala sa bansang Pilipinas.

Kung ang Noli ay nagpagising sa diwa at damdamin ng mga Pilipino, ang El Filibusterismo

naman ang pumukaw kay Andres Bonifacio at sa Katipunan.


Ilan pa sa mga naging paksa sa panitikan ay tungkol sa relihiyon. Ginamit ng mga

Kastila ang relihiyong Kristiyanismo upang tuluyang masakop ang bansang Pilipinas.

Marami ang nailimbag na aklat patungkol sa relihiyon at isa na rito ang Doctrina Christiana.

Ito ang aklat naglalaman ng mga karunungan tungkol sa Kristiyanismo.Isinulat ito ni Fray

Juan de Plasencia. Maging sa mga paaralan ang itinuturo ng mga prayle ay ang relihiyon.

Hanggang sa ngayon dahil sa mga aral ng mga Kastila ay nanatili sa mga Pilipino ang

pagiging relihiyoso. Karamihan sa populasyon ng bansa ay Kristiyano.

Dahil sa mga akdang tumatalakay sa relihiyon sa panahon ng Kastila, ang mga

Pilipino ay nagkaroon ng paniniwala. Isa na rito ang “indulhensiya plenarya”.Sa aklat ni Jose

Rizal na Noli Me Tangere sa ikalabingwalong kabanata ay malinaw na inilarawan ang

Indulgencia plenaria o indulhensya plenarya. Ito ay nangangahulugang dasal o sakripisyong

nagpapababa sa parusang ipinataw sa naghihirap na kaluluwa sa purgatoryo.

Ang mga Kastila ay tunay na matalino sa kanilang pananakop lalong-lalo na sa

pagpapalaganap ng mga akdang panitikan. Dahil bago pa man nanakop ang mga dayuhan ay

mayroon na itong sariling pag-unlad ng panitikan, subalit nang dumating ang mga Kastila

pinag-aralan nila ito at sinunog sa pag-aakalang gawa ito ng mga demonyo. Ito rin ang naging

dahilan kaya walang orihinal na piyesang mula sa mga sinaunang Pilipino ang naibahagi sa

kasalukuyang panahon.

Sa loob ng 333 na taong pananakop ay nakapaglimbag ng napakaraming akdang

pampanitikan. Magpasahanggang ngayon ay napag-aaralan ang mga ito ng mga mag-aaral at

siyang nagiging daan upang maalala ang mga mapapait na karansan at pagbangon ng bansang

Pilipinas. Gayunpaman, may magandang itong dulot sa larangan ng panitikan sa bansa.


Panahon ng Amerikano

Sa panahong ito, isa sa mga namalasak sa larangan ng akdang pampanitikan ay ang

dula na sinuportahan ng anyo ng pagtatanghal na tinatawag na bodabil mula sa orihinal na

pangalan nito na “Vaudeville”. Ang bodabil ay isang uri ng pagtatanghal na hinaluan ng

samu’t saring libangan na nagaganap sa entablado. Noong 1920, isang Pilipinong

mantatanghal na nagngangalang Luis Borromeo ang bumalik sa Pilipinas mula Hilagang

Amerika, na nagpakita ng sining pagganap na tinawag na “Borromeo Lou”, at inayos na

naging kauna-unahang kompanya ng Pilipinong bodabil. Ang nangunguna at natatanging

anyo ng pagtatanghal sa kompanya ay ang bandang orkestra, tinawag niyang “Classical-Jazz

Music”,kinikilala ang banda na nanguna sa pagpapakilala ng jazz sa Pilipinas. Si Borromeo

rin ang nagpakikila sa terminong “vod-a-vil”, na kinalaunan nakilala sa tawag na bodabil.

Ayon kay Doreen Fernandez sa kanyang aklat na “Palabas: Essays on Philippine

Theater History” noong 1996 ang mga naging kilala sa bodabil ay sina Katy dela Cruz,

Canuplin, Bayani Casimiro, Vicente Ocampo, Jozara at marami pang iba. Sa mga sumunod

na taon ay lumubha ang pagpapalabas sa Clover Theater na ipinagbawal sa mga desenteng

teatro. Sa panahong naging tanyag ang bodabil naging inspirasyon ito upang sa kasalukuyan

ay manatili ang pagtatanghal sa teatro na mas lalong makapagpapaunlad sa mga dulang

Pilipino.

Sa usapang dula sa Panahon ng Amerikano ay nagkaroon ng mga komplikasyon.

Noong 1901 ay nagpasa ng Batas Sedisyon ang mga Amerikano upang sugpuin ang

nasyonalismo ng mga Pilipino na naig sa mga panahong iyon. Kinakasuhan ang sinumang

magpapahayag ng mga mapanghimagsik na salita, pasulat o pasalita mang paraan, o kahit na

maglimbag at magpakalat ng anumang mapangahas o mapang-abusong publikasyon laban sa


pamahalaang Amerika.Ang sinumang lumabag sa nasabing batas ay magmumulta ng

P2000.00 o maaaring makulong ng dalawang taon o kundi parehong kaparusahan.

Ang mga dulang nakasuhan sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay ang

dalawang kilalang manunulat sa dula na sina Aurelio Tolentino at Juan Abad. Isinulat ni

Tolentino ang Kahapon, Ngayon at Bukas at naaresto ng siyam na beses at pinatawan ng

kaparusahang pagkakakulong habang buhay noong 1904. Ngunit noong 1912 ay biniyayaan

siya ng “parol”.Ang Tanikalang Ginto na isinulat naman ni Juan Abad at inilimbag noong

1907, itinago ang tunay na intension sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo upang

makatakas mula sa pagmamanman ng mga Amerikanong opisyal. Ang pagkakakulong ng

dalawang manunulat ay siyang naging banta sa iba pang mga manunulat sa paksang gagamit

sa kanilang dula.

Sa kasalukuyang panahon lalo na sa bahaging Luzon ay patuloy pa ring nakikilala ang

mga dulang pantanghalan. Isa na sa mga halimbawa nito ay ang mga variety show na

makikita sa telebisyon at maging sa teatro. Kaya mas lalong nahihikayat ang mga Pilipinong

ipalaganap ang mga talento na angkin nila. Makikita rin ang pagiging malikhain at malaya sa

paksang ginagamit ng mga Pilipinong manunulat ng dula sa mga itinatanghal sa entablado

kompara sa pananakop ng Amerikano sa bansang Pilipinas noon.

Sa kabuuan ipinapakita ng yugtong ito ang simulain ng mga pagtatanghal na hinaluan

ng iba’t ibang palabas na siyang magpapaganda sa daloy ng istorya. Hanggang sa ngayon ay

kitang-kita ang impluwensya ng mga Amerikano sa pagtatanghal sa entablado, tulad na

lamang ng palabas sa telebisyon na “It’s Showtime”,”ASAP”,”Eat Bulaga”,”GGV” at

marami pang iba na hindi lamang nakatuon sa iisang anyo ng pagtatanghal kundi mas

nilawakan pa ang barayti sa nilalaman ng palabas. Iilan lamang ito sa mga katibayan na ang

bansang Pilipinas ay may karunungang nakuha mula sa pananakop ng Amerikano.


Panahon ng Kasarinlan at Panahon ng Aktibismo

Sa Panahon ng Kasarinlan naging masalimoot ang naranasan ng mga Pilipino buhat sa

mga naganap noong nagdaang sigwa.Kaya ang mga namalasak na paksa sa katha ay tungkol

sa hirap na dinanas mula sa mga nanakop sa bansang Pilipinas. Nagkaroon ng kalayaan ang

Pilipinas sa bansang Hapon ngunit kung susuriin hindi pa masasabing tunay na malaya ang

bansa lalong-lalo na sa larangan ng panitikan.

Panahon ng Kasarinlan kung ituring ngunit kung iisipin ang pumalit sa mga Hapones

ay ang pagbabalik ng mga Amerikano. Ilang mga Amerikanong manunulat ang nakilala sa

kanilang mga akda na inilimbag sa Pilipinas. Kabilang na rito sina Ernest

Hemingway,William Saroyan at John Steinbeck. Maliban rito ay muling gumamit ng wikang

Ingles ang mga Pilipinong manunulat sa pagsusulat ng kanilang mga akda. Ang mga

katibayan ay ang pagkalimbag ng mga mamahaling aklat,ilan na rito ang “Heart of the

Islands” ni Manuel Viray, “Philippine Cross Section” nina Maximo Ramos at Florentino

Valeros, Pros and Poems ni Nick Joaquin at marami pang iba.

Gayunpaman nakatutuwang isipin na pinahalagahan sa panahong ito ang mga gawa ni

Jose Rizal maging ang kanyang pagkatao bilang isang tunay na bayani. Nakapaglimbag ng

mga aklat pampanitikan patungkol sa kanyang buhay, ilan na rito ang “Nang Musmos pa si

Rizal at Ulirang mag-aaral si Rizal”,”Ang Buhay at Mga Akda ni Rizal” at marami pang iba.

Dito nagsimulang maikalat sa bansa ang kagitingan ng bayani gamit lamang ang kanyang

mga akda. Ito ang nagbigay inspirasyon sa iba pang manunulat na ipagpatuloy ang pagsusulat
ng panitikan upang makamtan ang inaasam na tunay na kalayaan mula sa mga dayuhan kahit

pa sabihing Panahon ito ng Kasarinlan.

Noong Panahon ng Aktibismo,namulat muli ang mga Pilipino sa katotohanang

nagaganap sa bansang Pilipinas.Ngunit naging mapangahas ang mga temang ginamit sa mga

akdang pampanitikan. Gumamit ito ng mababang antas ng wika sa pagpapalaganap ng

kahulugan sa kalagayan ng lipunan.Nauso rin ang pagsusulat ng Komiks na unti-unti nang

nawawala sa kasalukuyan.

Ayon nga kay G. Panciano Pineda ang panahon ng aktibismo,

“Ang panahong minsan pang pinatunayan ng kabataang Pilipino na hindi laging pagyuyuko

ng ulo at pag-ilag sa hangin ang bubuo ng kanyang pagkalahi at pagkabansa”. Ito ang

kanyang mga ibinitaw na pahayag nang namayagpag ang kabataang aktibista gamit ang

Duguang Plakard.”

Gayunpaman dahil sa lumalalang karahasan sa tema ng mga sulatin ay nagkaroon ng

pagbuo ng pangkat na namahala at sumubaybay sa mga pahayagan,aklat at iba pa. Tinawag

ang pangkat na “Ministri ng Kabatirang Pangmadla”. Dahil dito ay unti-unting nabawasan

ang mga maaanghang na salita na ginagamit sa pagsulat ng panitkan.

Sabihin mang naging mapusok,marahas at matapang ang mga Pilipino sa panahong

ito. Hindi pa rin masisisi sa kasalukuyan ang bahagi na ng kasaysayan dahil ito ang naging

daan upang mamulat sa nahihimbing na pagtulog ang bansang sinilangan. Ito rin ang siyang

simulain sa pagpapahayag ng kabataang Pilipino sa kanilang mga hinaing sa nangyayaring

pamamahala sa bayan. Tunay ngang mapait ang naranasan ng bansa lalo na sa larangan ng

panitikan dahil sa iba’t ibang tema na namalasak sa bawat yugto. Ngunit ito ang nagpapatatag

sa pundasyon ng panitikang Filipino.


Panahon ng Batas Militar

Ang namalasak naman sa panahong ito ay ang dula ng Panitikang Pilipino. Naging

masigla ang pagtatanghal sapagkat sinuportahan ito ng Unang Ginang na si Imelda

Marcos.Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines,Folk Arts Theater. Sinimulan

rin ang pagsalin sa Pilipino ng mga klasikong Opera.Ngunit hindi maikukubli na naging

mahigpit sa nilalaman ng mga akda ang administrasyon.

Sa pamamahala ng administrasyong Marcos ay naipahinto ang paglaganap ng

karahasan sa tema ng mga akdang pampanitikan isa na rito ang dula. Kaya ang mga naging

paksain ay tungkol sa ikauunlad ng bayan,luntiang rebolusyon,wastong pagkain,pagpaplano

ng pamilya,drug addiction at polusyon. Muling naibalik ang dalang impluwensya ng mga

Kastila at Amerikano sa pagtatanghal.

Dahil sa pagmamatyag na isinagawa sa tema ng mga akdang pampanitikan ay

gumamit ng mga simbolo ang mga manunulat ng iba’t ibang likhang sining tulad na lang ng

mga awitin. Naging mahigpit ang administrasyon sa nilalaman ng mga inililimbag na

basahin. Isa sa mga patunay nito ang pagsasalaysay ni Efren Abueg sa kanyang karansan

noong panahon ng Batas Militar,naging propesor sa Polytechnic University of the

Philippines,inihayag niyang pili lamang ang mga nailalathala at nababasa noon. “May mga

radikal na panitikang nasusulat din, ngunit sinusulat ng mga bayaran ng administrasyon at

inilalathala sa mga outlet na dagliang inilabas ng pamahalaan.”Dagdag pa niya, “Bunga nito,

lumubog na sa mga kanayunan ang mga estudyanteng dati’y litaw at naghahayag ng mga

isyung pambayan. Abenturismo ang magsalita nang hayagan at magturo sa klasrum ng mga

araling hindi nagdaan sa paglilinis ng mga ahensiyang dagliang itinayo ng pamahalaan.”


Muling nakulong ang kalayaan sa tema ng mga akdang inilimbag. Ayon kay Cristina

R. Rocas sa kanyang artikulong” Ang Panitikan at Iba Pang Sining Ang Relasyon ng

Panitikan at Iba Pang Sangay ng Sining sa Panahon ng Batas-Militar” noong 2011, ang

dulaan ang naging daan upang maging tinig sa pagprotesta sa kairalan sa lipunan noong

panahong iyon. Bumuo ng mga grupo na nanguna sa mga isinasagawang pagprotesta gamit

ang dula.Ilan sa mga grupong ito ay ang Peryante ng UP Diliman,Dugong Silangan ng UE,

Entablado ng Ateneo de Manila University, Tamanaba ng UP Manila at Kapilas ng De la

Salle University. Maliban dito ay ginamit din ang bodabil bilang propaganda laban sa

diktador bilang pormang teatro political.Isa sa mga halimbawa ay ang Ilokula, ang Ilokanong

Drakula II (1983) na itinanghal sa mga lansangan.

Sa aklat na Panitikan sa Pilipinas’2001 Ed., inihayag dito ang ginawang pagsusuri ni

Nicanor Tiongson sa larangan ng dulaan. Ayon sa kanya ay may dalawang uri ito: ang dulang

palabas at paloob. Ang dulang palabas ay nakabatay sa impluwensya ng mga manankop

noon,tulad ng sarswela at bodabil na ang pangunahing layunin ay magdala ng aliw.

Samantalang ang paloob ay ang mga dulang sumsalamin sa mga nangyayari sa lipunan at sa

pakikisangkot ng mga tao sa loob ng lipunang iyon.

Maraming mga nailimbag na akda sa panahong ito at sumigla rin ang Panitikang

Pilipino tulad ng Panahon ng Hapon. Ngunit bawat akda na nailimbag ay may lihim na

itinatago lalo na ang mga itinuturing mga awiting magiliw ang himig at maging mga dulang

itinatanghal sa lansangan. Maituturing ang panahong ito ang siyang naging susi upang

makabuo ang mga Pilipino ng mga malikhaing panitikan na gumagamit ng mga kakaibang

simbolo upang mapagtakpan ang tunay na kahulugan nito. Sa kabuuan malaki ang naiambag

nito sa pangangalaga ng kalagayan ng panitikang Pilipino.


Kasalukuyang Panahon

Sa kasalukuyang panahon na kung kailan talamak ang paggamit ng internet ay siyang

naging daan rin upang mas lalong maipalaganap ang mga panitikang gawa ng Pinoy sa loob

at labas ng bansa. Elektronikong kagamitan, gaano nga ba kapaki-pakinabang ito sa

pagpapaunlad ng naiibang anyo ng panitikan sa panahon ng pagbabago? Hindi ba naaapakan

nito ang halaga ng mga nauna ng panitikan na naging bahagi ng kasaysayan?

Ang teknolohiya ay may mahalagang bahagi sa paglinang ng literatura sa

nagbabagong panahon. Ayon pa kay Danton Remoto (The Philippine Star) noong Marso 4,

2017, sa kasalukuyan ang internet ay lumilikha sa mga manunulat na Pilipino na mabawasan

ang pagiging makaluma. Si Bob Ong,isang manunulat ng komiks, ay nagsimula ng isang blog

na “Bobong Pinoy” at naibida bilang pinakamabentang aklat. Ang ibang mga blog o site ay

naging daan upang makapaglimbag ng mga aklat at makilala sa kasalukuyan. Isa na rito ang

box-office-hit na pelikulang Pilipino na “Ang Diary ng Panget”. Isa pang patunay ay ang

akdang”Stupid is Forever” na isinulat ng yumaong senador na si Miriam Defensor Santiago.

Nakapagbenta ito ng halos sandaang libong kopya sa buong bansa.

Ang kabataan ngayon ay malayang makapagsulat ng mga kwento nila at naihahatid sa

iba’t ibang uri ng site tulad na lang ng Wattpad. Nakapagbubukas ng oportunidad upang

maging kilala sa larangan ng pagsulat at maaaring makaperma ng kontrata sa industriya


upang gawing pelikula ang natapos na akda.Maraming mga Pilipino na ginawang part-time

job ang pagsusulat,kumikita at natututo.

Binigyang tuon ng mga manunulat na Pilipino at iskolar ang bagong gampanin ng

teknolohiya sa pagtataguyod ng literatura sa naganap na pagpupulong,”2017 International

Conference on Education, Literatures, and Creative Writing” sa UST noong Abril 20-22. Si

Eros Atalia,nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters sa nabanggit na paaralan,

naghayag na ang pagsusulat sa online tulad ng Wattpad ay nakapanghihikayat ng maraming

mambabasa.Dagdag pa niya,” Sa usaping literatura,naghahanap tayo ng bagong pamamaraan

ng pagsulat. Ang kabataang manunulat ay naeengganyo sa paglimbag gamit ang

online,pagsulat at pagbasa. Nakabubuo sila ng bagong komunidad na kung saan ay maaari

silang makapagbahagi ng kanilang nagawang mga kwento.” Ngunit hinahamon niya ang mga

manunulat sa Wattpad na gawing mataas ang pamantayan sa paghuhulma ng kinakabukasan

ng panitikan sa bansa.

Ano mang uri ng paraan sa pagsulat ng akdang pampanitikan ang mahalaga ay hindi

makalimutan ang kultura at kasaysayan nito. At patuloy na mapangalagaan ang sining at

kariktan ng mga nailimbag ng akda maging ang mga ililimbag pa. Sa pamamagitan nito ay

mananatili ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa malayang paraan ng pagpapahayag ng

damdamin. Tunay ngang nagsisimula ng namayagpag ang mga literaturang nagmula sa

mundo ng online dahil sa oportunidad na ibinigay sa mga kabataang Pilipino.At

magpapatuloy ang pagyabong nito sa mga susunod pang henerasyon.

You might also like