You are on page 1of 5

Introduksyon:

BABAYLAN AT ANG MGA URI NITO

Marami parin sa ating mga Pilipino ang di lubusang nauunawaan o hinid pamilyar sa
tintawag na babaylan kagaya sa mga taong naka tira sa mga syudad na ang kilalang
mangagamot lamang ang mga propesyonal na mga doctor, at malayo sa mga taong
naniniwala pa dito na mayroon talagang mangagamot ang ating sinauang ninuno. Ang ilan
sa atin ay kinamumugian ang at kinakatakutan pa ang salitang ito . anu ngaba ang babaylan
at anu ba ang koneksyon koneksyon nito sa ating lahi? Ito ang mga tanong na pilit nating
pinagtatalunan at pinagdidiskurysunan sa bawat usapang kultura o pamayanan na di
namang lubusang matangap o maunawaan ng karamihan sa bansa.

Malaki ang ginagampan ng mga babaylan sa taing kasaysayan. Sila ang itinatagong bayani n
gating lahi. Ang mga babaylan ang taga pag pamagitan sa mga anito, diwata o espirito ng
kalikasan. Sila din taga pamuno ng mga ritwal ng isang pamayan o tribu tulad ng pag aani,
pagtatanim, ritwal upang itaboy epidemya at iba pa.

Ng madugong pilit na sinakop ng mga kristiano (Espanyol) an gating bansa dugot at pawis
na ipinaglalaban ng mga punong babaylan babaylan ang karapatan at kultura na ating
pinag mulan. Ipanag lalaban ang karapatang ritwal sa mga anito at diwata, sa mga
pagsunod saa mga pilosopiya ng mga ninuno at mga paniniwalang paganism. Ang mga
kristianong espnayol ay sadyang masinop at marahas na ipinatupad ang kanilang layuning
mananakop. Ipinalaganap nila sa mga pamayanang na ang gawain ng babaylan ay maka
“demonyo” kaya wa itong pamarisan . at kung sino man ang lumabag ay makatikim ng
kaparusanhan tulad ng pagkulong at pagpapahirap hanggang sa pilit mong taggapin ang
paniniwalang kristianismo.

Tinugis nila ang kinarrounan ng mga babaylan kasama ang kanilang mga nasasakupan at
pilit pinaglipat ng mga pananampalataya (convert) . karamihan ay pinahirapan at matapos
pinatay at pinag kukunang pilit ang mga kagamitang pangsamba o ritwal. Sinunog at
tinapon ang mga anito o idulo sa kanilang inaalayan , ngunit naging matatag parin ang mga
babaylan patuloy parin sa nilang isinasagawa at itinuturo ng gawaing babaylanismo sa
kanilang nasasakupan, ngunit di nag laon tuluayng paring nsakop an gating bansa at unti
unting na itago ang mga kaalaman at gawaing babaylanismo.

KATAWAGAN AT KASARIAN

Ang salitang babaylan nag madalas nating mariringi sa kabisayaan. Ngunit tinatawag din
itong katalonan sa katagalugan, mumabaki sa ifugao, balian sa mga ayta, bailan sa mga
Manobo, baylan sa mga tagabanwa, mabalian sa bagobo, baylana, bilan at marami pang iba.
Kadalasan babae ang isang babaylan ngunit ayon sa pananaliksik marami din umano ang
mga lalaking babaylan. Ngunit may ilang paglilinaw din na may mga tribu ng mga babae
lamang ang may karapang na maging babaylan at lalaki naman sa iba. Mayroong din na
hiwalay ang katwagan tulad ng baylan pag lalaki at baylana sa babae. Madami mang
katwagan ibat ibang lugar man ang piang mulan ngunit iisa paring ang layunin at
responsibilidad ang ginagampanan ng mga babaylan, sa ibang tribu o pamayanan maliban
sa pangunguna sa mga spiritwal na gawain ang mga babaylan ay sya naring tumatayo sa
pinunong politikal ng buong nasasakupan , at iba naman ay hiwalay na tao ang gampaning
politikal at spiritwal. Tlad na lamang ng mga tribu sa Manobo ng Mindanao , ang kanilang
pinunong politikal ay tinatawag na datoat baylan naman sa taga pamunong spiritwal.

PAGSUSURI

“Ang Babaylan sa Kasaysayan ng Pilipinas” ni Zeus A. Salazar

Dito ay inilarawan at ipinaliwanag ng dalumat ng pantayong pananaw ang katayuan ng


mga babaylan sa buong hilatsa ng kasaysayan ng ating bansa. Hinati niya ang kanyang
pagpapaliwanag dito sa tatlong panahon: (1) ang mga babaylan o katalonan bago pa dumating
ang mga mananakop partikular na ang mga Kastila, (2) panahon kung saan naipalaganap ang
kristiyanismo sa bansa hanggang sa Himagsikang Pilipino noong 1896 at (3) mula noong
rebolusyon hanggang sa kontemporanyong panahon ng kasalukuyan.

Binigyan muna ng payak na konsepto ang pagiging babaylan o katalonan sa simula ng


papel. Ito’y ganap sa pamamagitan ng pagtalakay ng konsepto ng babae bilang babaylan,
alinsunod ng kaakibat pa nitong mga kasarian. Babae o alinmang nilalang na may katiting na
pagkababae ang maaring maging babaylan o katalonan noong unang panahaon (Salazar). Ayon
rin kay Salazar, ang pagiging babae ay may kinalaman hindi lamang sa kasarian ng tinutukoy na
nilalang kundi sa tungkulin, papel o function nito sa lipunang kinabibilangan. Sinasabi rin niyang
laging iba ito sa bawat kalinangan at nagbabago sa agos ng panahon sa loob ng bawat
kalinangan. Ngunit, lalung-lalo na sa panahong pangkasalukuyan, nagkaroon na ng pagkakahon
ang lipunan sa dalawang aspeto (pandama at pangkasariang preferens. Salazar) ang pagkakaiba
ng mga kasarian. Alinsunod dito’y inisa-isa ni Salazar ang 5 kasariang mayroon ang
kasalukuyan: (1) ang tunay na lalake, (2) ang tunay o lubos na babae, (3) ang lalakeng may
pagkababae o “bakla”, (4) ang babaeng may pagkalalake o “tomboy” at saka (5) nyutral lamang
o pisikal na talagang babae at lalake (tunay na hermaphrodite). Ang mga nilalang na “AC/DC”
ay maiaanib sa ikaanim na uri. Kaugnay nito ang pagbibigay-diin na ang pagiging babaylan ay
hindi lamang nakasarado sa pagiging babae kundi sa tungkulin nito sa lipunan. Gayunpaman,
karamihan sa mga babaylan talaga noon ay babae talaga. Sa ganitong paraan, mas nagkakaroon
ng malawakang pag-intindi ang bawat kasarian noon sa sarili nila base sa kung anong gampanin
nila sa lipunan na hinuhubog ng pagtanda nila.

Anu-ano nga ba ang mga gampanin ng isang babaylan o katalonan noong unang panahon?
Ipinaliwanang ito ni Salazar sa tatlong sentral na personahe ng lipunan noon: (1) ang datu,
nilinaw ni Salazar dito na hindi naisasara sa aspetong pulitikal lamang ang gampanin ng isang
datu kundi sa ekonomikal na aspetong higit (“Mas tagapamahala siya ng barangay bilang isang
yunit pang-ekonomiya kaysa pinunong pulitikal.” – Salazar). At ang pinakapundamental na
yunit noon ay ang “estadong katutubo”, hindi lamang barangay. (2) Ang panday bilang toka nito
sa aspetong pang-teknolohikal sa paggawa nito ng mga materyal na bagay na mula sa bakal at
panghuli’y (3) ang babaylan na mismo na siyang may alam sa kalinangan, relihiyon, medisina at
iba pang teoretikal at praktikal na kaalaman sa mundo. Narito pang iba pang gampanin ng
babaylan sa lipunan noong mga panahong yaon (ayon kay Salazar):

(1) Siya ang nagtatakda kung kalian dapat magsimula nang hawanin ang kagubatan at
pagkatapos sunigin upang matamnan
(2) Siya ang magtatakda kung kalian magkakaroon ng pag-aani (kaakibat ng pangangayaw o
pag-aalay nila ng ulo para sa kasaganahang agrikultural sang-ayon sa paniniwalang
mayroon sila)
(3) Siya din ang namamahala sa kabuuang mitolohiya ng bayan, ng kabuuang mitolohiya ng
barangay, o ng bayan mismo
(4) Siya rin ang namamahala noong unang panahon sa buong medisina ng barangay—lalo na
iyong may kinalaman sa sikolohiya

Samaktuwid, ang babaylan na mismong eksperto sa mayorya ng mga aspetong bumubuo sa


isang lipunan noong unang panahon. Tiyak na masasabi nating pinakamakapangyarihan ang
isang babaylan noon.
Bilang paglalarawan naman sa mga babaylan na yaon sa bahaging dumatal na ang
Kristiyanismo sa kapuluan, hati ang naging pakikisama ng mga ito sa pagpapalaganap ng
kolonya at relihiyon. Ang mga babaylang iba ay naging bahagi ng lipunang kolonyal sa
pamamagitan ng pakikibahagi sa simbahang pinangungunahan ng mga kalalakihan. Pati na rin
ang mga babaylang hindi matanggap-tanggap ang pangongolonyang pinalalaganap ng mga
dayong ito, tinalakay rin ni Salazar. Naghimagsik rin ang iba sa kanila, makikita natin ito sa pag-
aaral noong nasa hayskul tayo sa labindalawang unang pag-aalsa sa iba’t ibang panig ng bansa,
kalimitan sa bahagi ng mga Bisaya. Hanggang dumating na rin ang himagsikang Pilipino noong
1896, kapansin-pansin nang hindi ganoon karami ang kababaihang sangkot rito (ni wala ngang
babaeng miyembro ng Propaganda). Gayunpaman, may mga babaylan din namang naipagpatuloy
ang kanyang kaalaman sapagkat pinatili nilang Malaya ang mga sarili nila. Ito’y sa pamamagitan
ng pagpapanatili nila ng kanilang mga “rural communities” sa kanila. Subalit, naging kapansin-
pansin pa ring nagkaroon na ng hindi kaayusan sa babaylan noong panahong iyon.

Sa kasalukuyang kontemporanyong panahon, nagkaroon ng pagnanasang maibalik ang dating


kapangyarihang mayroon sila noong unang panahon, at dahin ito sa kasalukuyan. Ito’y isang
mahirap na abuting “pangarap” sapagkat “naupuan’ na ng mga banyaga ang kulturang mayroon
tayo.

Sa ganitong paraan, tila nailahad na rin Salazar ang kasaysayan ng Pilipinas ngunit hindi sa
nakasanayan ng paaralan na tripartite kung saan kronolohikal na mula pre-colonial, colonial at
post-colonial na paraan. Itong paraan ay itinuro sa atin ay isang makabanyagang akto dahil tila
pinakikita nito na ang kasaysayan ng bansa natin ay may Dilim-Liwanag-Dilim at tila sa
mananakop na Kastila nakapabor iyon. Inilahad ni Salazar ang lahat sa pamamagitan ng
Liwanag-Dilim-Liwanag na paraan na lubhang maka-Pilipino: Liwanag dahil katumbas ng
Liwanag ang araw ang kasaganahan at kalayaang mayroon ang mga tao noon. Dilim na dulot ng
mabalasik na mga Kastila at Liwanag muling nagbibigay-pag-asa sa mga naapi noon.

PAGHIRANG SA ISANG BABAYLAN


Ang pagiging isang babaylan ay naka depende sa tribu o pamayanang pinag mulan.
Mayrong tintawag na “Tawag ng lahi” (calling) at itinakda o saling lahi. Ang tawag ng lahi ay
kusang nararamdaman ng isang tao maaring idinaan sa panakinip, inuutos ng kataas
taasang pag isip ( higher self) o may bugso ng damdamin sa gawaing babaylanismo. Ang
itinakda naman ay proseso ng lahi sa pagdadaanan , kadalasang ang punong babaylan ay
mamimili ng mga kabataan , kamag anak o di kaya pamilya din. Itinuturo nya ditto ang mga
lihim na kaalaman o gawaing babaylan at mga pilosopiya, dadaan ang isang takda o
napiling babaylan sa ilang ugnay-ugnay at sagrado na mga ritwal.

You might also like