You are on page 1of 32

Perspektibo Tungkol sa Trabaho

"Unemployment"

A.C.L.C. College of Apalit

2017

isang pananaliksik na ginawa ni:

GIAN LOUISE P. OLANO

Ipinasa kay:

Bb. Nicarissa Magtalas

1
Ipinasa ang pananaliksik na ito na may pamagat na Perspektibo sa tungkol sa trabaho

"Unemployment" ay tinapos ni Gian Louise P. Olano na may kurso na Bachelor of Science in

Business Administrator of ACLC College of Apalit upang mapunan ang mga rekwayrment para

sa huling markahan ng asignaturang Pagbasa at Pagsulat sa ilalim ng pagtuturo ni

Bb. Nicarissa Magtalas.

_____________________________

Bb. Nicarissa Magtalas

(Guro)

2
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO” ........................................................4

A. INTRODUKSYON............................................................................................................4

B. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL...................................................................................6

C. SAKLAW AT LIMITASYON.............................................................................................6

D. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA.........................................................................7

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN........................................................................................8

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”.........................................9

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”...................................................22

A. KONKLUSYON

B. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA

3
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Kasabay ng paglaki ng populasyon ng bansa ay kasabay din ang pagtaas ng

pangangailangan ng bawat pamilya at upang matugunan ito ay kailangan ng tao ang mag-trabaho

Hindi makakaila na isa sa malaking problemang ikinahaharap ng ating bansa ay ang

kawalan at kakulangan ng trabaho, ayon sa World Bank as of 3rd Quarter of 2017 ay mayroon

ang pilipinas na 103.3 milyong pilipino at ayon naman sa Philippine Statistic Authority(PSA) ay

mayroon ang pilipinas na 94.3% na employed at 16.1% dito ay underemployed o hindi akma ang

kanilang trabaho sa kanilang Propesyon o pinag-aralan at mayroon naman na 5.7% ang

unemployed o ang mga walang trabaho katumbas ito ng 5.4 milyong pilipino ang walang trabaho

ayon sa PSA simula ng Abril 2005, ang bagong depinisyon ng unemployment na pinalawak ng

National Statistical Coordination Board(NSCB) resolusyon number 15 sa petsa ng Oktubre 20,

2004, at sinasabi na ang kasama sa mga unemployed ay ang mga sumusunod: (A) without work

and currently available for work and seeking work: or (B) without work and currently available

for work but not seeking for for the following reasons:(1)Tired/believed no work available,

(2)Awaiting results of previous job application, (3)Temporary illness/disability, (4)Bad weather,

(5)Waiting for rehire/job recall. hindi na binibilang ng NSCB ang mga mag-aaral dahil hindi sila

full-time available for work.

Kadalasan na umaalis sa trabaho ang isang tao dahil sa mababa na sahod ng trabahador

kaya kabilaan ang mga rally ng iba't ibang Organisasyon sa paghingi ng pagtaas ng sahod sa

ating Gobyerno na hindi naman kaagad pwedeng itaas ng ating Gobyerno dahil na din ang

pilipinas ay ang may mababang labor wages sa Asia at kung itataas ng Gobyerno natin ang

4
minimum wage ng trabahador ay mapipilitan ang ibang namumuhunan ng lumipat ng ibang

bansa upang doon bumuo ng Trabaho, kasama na din dito ang work environment kung

nakakabuti ba ito sa trabahador.

Isa rin sa problema ng unemployment ay ang mga di nakapagtapos ng pag-aaral at

sobrang dami ng reserve graduates na walang trabaho, noong taon ng 2012 ay mayroon 200,000

registered nurse dito sa pilipinas at hindi pa kabilang ang mga gagraduate na may bilang na

80,000 kaya naman ang iba o halos sa mga ito ay nag iibang bansa, sinulusyonan ng gobyerno

ang problemang ito sa pamamagitan ng pansamantalang pag aalis ng nursing courses sa ibat

ibang paaralan upang ma kontrol ang pagdami ng mga tao na walang trabaho. Kaugnay na din ng

pagtaas ng unemployment ay ang pagtaas din ng krimen at prostitusyon dahil sa kakulangan ng

trabaho at antas ng kanilang naabot sa pag aaral ay napipilitan ang ibang kababayan natin na

pumasok sa krimen at prostitusyon dahil na din sa matinding pangangailangan nila kaya naman

nag palabas ang Department of Education(DepEd) ng isang programa na Tinawag na Alternative

Learning System(ALS) upang matulungan ang mga hindi nakapag tapos ng pag aaral upang

masukat ang kanilang kakayanan at pag naipasa nila ang programang ito ay bibigyan sila ng

diploma na katumbas din ng mga estudyante na nakatapos ng kolehiyo.

Maituturing na kasama sa cycle ang unemployment dahil kung walang trabaho ang

isang magulang paano niya mapapag aral ang kanyang anak na ang kapalit nito ay wala ring

makukuhang trabaho ang anak hanggang umikot ulit ang cycle na ito kaya habang maaga pa ay

kailangan masolusyonan na ng Gobyerno ang Unemployment

5
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Naglalayong magbigay ng kaalaman para sa mag-aaral, kung bakit mahalaga ang pag-

aaral natin at paghahanda para sa ating kinabukasan. Ito ay kasabay na ring nagbibigay ng

impormasyon upang mamulat ang kabataan ngayon sa mga problema ng ating lipunan, di lamang

patungkol sa unemployment, kung hindi din sa mga problema at suliraning kaakibat nito na nais

mabigyang solusyon ng gobyerno.

Ito ay nagbibigay ng ilan sa mga kaalaman Para sa mga walang trabaho na maaari

nilang magamit upang maghanap ng solusyon sa kani kanilang problema ukol sa paghahanap ng

hanapbuhay. Ito din ay maaring maglinaw sakanila ng mga dahilan sa kanilang suliranin na ayon

sa iba’t ibang pag-aaral na naisagawa.

Nagbibigay kaalaman sa may mga hanapbuhay upang bigyan nila ng importansya ang

kanilang trabaho, gaano man kalaki ang sahod dito o gaano man kaliit. Ang pananaliksik na ito

ay tila nagsasabi na mas dapat nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang hanapbuhay at lalong

pagbutihin ang ipinapakita dito.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay sasaklaw sa mga sanhi ng pagiging unemployed ng isang

Pilipino at ang mga epekto nito sa isang tao o mamamayan ng ating bansa pati na rin sa kanilang

mga pamilya. Kasama din sa pananaliksik na ito ang mga solusyon na isinasagawa gobyerno

upang matugunan ang suliraning ng unemployment na kinahaharap ng ating bansa.

6
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

 Labor export - Ang pabubukas ng pinto para sa mga trabaho ng ating manggagawa sa

ibang bansa ay may malaking tulong sa ating ekonomiya. Isang pagkakataon ito para sa

ating mga manggagawa na mapabuti ang pamumuhay ng kanilang pamilya dahil sa

mataas na sahod na kanilang tatanggapin.

 National Statistical Coordination Board(NSCB) - ay isang agency na ginawa sa ilalim ng

Executive Order No. 121 na sumasaklaw sa economic, social, at environmental statistics

ng ating gobyerno

 Populasyon – ang tawag sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. Ang

populasyon ng isang lungsod o bansa ay ang bilang ng mga tao na nakatira sa lungsod o

bansa na iyon. Sa Sosyolohiya ito ay ang katipunan ng mga tao. Ang pag-aaral ng

estatistika ng populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng disiplina ng Demograpiya

 Paglinang sa lokal na pinagkukunan - Dapat matutuhan ng mga negosyante ang paghanap

ng pamalit sa mga imported na materyales mula sa ating mga lokal na materyales upang

ang pagtatrabaho ng ating mga manggagawa ay ‘di maantala.

 Pagdaragdag ng gastos ng Pamahalaan para sa mga Proyekto - Kapag malaki ang

kakulangan sa trabaho, malaki ang maitutulong ng pamahalaan upang magkaroon ng

trabaho ang mga manggagawa. Ang pagsasagawa ng mga proyektong imprastaktura ng

pamahalaan at pagbibigay suporta sa mga proyekto ng pribadong sektor ay magbubukas

ng pinto sa mga manggagawa na may mapasukang trabaho.

 Paghikayat sa mga Mamumuhunan - Ang pamumuhunan ay mahalaga sa ating bansa

maging ito ay lokal o dayuhan upang palawakin ang pagtatayo ng negosyo,industriya, at

pagawaan namagbibigay ng trabaho sa ating maraming manggagawa.

7
 Philippine Statistic Authority(PSA) - ay ang agency na responsable sa pangangalap ng

datos ng ating bansa sakop nila ang census at survey at sectoral statistic ng ating bansa at

sakanila din naka store ang mga records ng bawat mamamayan ng bansa

 Trabaho(hanapbuhay) – ay ang gawain, gampanin, o tungkulin na isinasagawa o

isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit na salapi, gana o suweldo

Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado, o

trabahador.

 Unemployed (walang trabaho) – naghahanap at handang magtrabaho pero walang

mapasukan. mayroon na ang iba ay pinili ang pagiging unemployed kasa sa mga ito ang

mga discourage workers at voluntary unemployed, at mayroon din naman na naging

unemployed dahil sa di sinasadyang pangyayari gaya ng mga illed/sick unemployment at

cyclical unemployment o ang pagpapalit ng cycle ng ating ekonomiya

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. ano ang epekto ng sahod sa trabahador?

2. Gaano kabigat ang iniisip ng isang trabahador?

3. Bakit walang trabaho ang mga bagong graduweyt?

4. Bakit hind nakakatapos ng pag-aaral ang isang estudyante?

5. Paano nila natutustusan ang pang araw-araw na gastusin?

6. Bakit pumapasok sa prostitusyon ang mga kababaihan?

7. Bakit gumagawa ng krimen ang isang tao?

8. Mayroon bang solusyon dito ang gobyerno?

9. Ano ang epekto ng laki ng populasyon sa unemployment?

8
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

A. Unemployed

Kawalan ng trabaho nagtutulak sa Pinoy na mangibang bansa - Patuloy na

mangingibang bansa ang mga Filipino hanggat hindi nalulutas ng pamahalaan ang problema sa

kawalan ng magandang oportunidad ng hanapbuhay sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA)-CAR Director

Delfina Camarillo, magpapatuloy ang pag-alis ng mga manggagawang Filipino hanggat walang

trabaho at may magandang sweldo na makukuha sa Pilipinas.

Sinasabing ang kawalan ng magandang trabaho ang pangunahing dahilan kung bakit ang

mga Filipino, propesyunal man o hindi ay pinipiling iwanan ang kanilang pamilya upang

magtrabaho sa ibang bansa.

Karamihan umano sa nangingibang bansa ay nagtrabaho bilang mga household helper,

caregivers, o sa mga service-oriented establishments, na siyang kailangan ng mga dayuhan.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), 35 porsyento ng mga umaalis ng

bansa ay nagtatrabaho bilang household service workers. Ito rin umano ang trabaho na maraming

bakante.

Isinusulong ngayon ng pamahalaan ang programa para paunlarin ang technical and

vocational courses na kailangan umano ngayon sa Pilipinas.

Hinihikayat naman ng Department of Education (DepEd) ang mga mag-aaral na kumuha

ng mga vocational courses kaysa mga kursong propesyunal na limitado ang oportunidad na

akakuha ng trabaho.

Gumagawa rin ng paraan ang gobyerno upang i-professionalize ang Household Service
9
Workers(HSW) sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga aplikante na kumuha ng skills

trainings kasama na ang pag-aaral ng kultura at wika sa bansa na kanilang pupuntahan.

Bahagi ito ng household reform package program ng pamahalaan upang protektahan ang

mga manggagawang Pinoy na kadalasang nabibiktima ng pang-aabuso ng kanilang mga amo.

Sa Cordillera, nakapagtala ang OWWA regional office ng 10,864 OFWs na nagtatrabaho

sa ibang bansa. - Sun.Star

Pag-aaral: kawalan ng trabaho na naka-link sa mataas na panganib ng kamatayan

Sa isang meta-analysis ng 42 mga mananaliksik na may data sa 20 milyong mga tao

tungkol sa relasyon sa pagitan ng kawalan ng trabaho at ang panganib ng kamatayan, isang

koponan ng mga mananaliksik sa Stony Brook University ay natuklasan na ang panganib ng

kamatayan ay 63 porsiyentong mas mataas sa mga na nakaranas ng isang episode ng kawalan ng

trabaho kaysa sa mga hindi. Natuklasan din nila na ang nadagdag na panganib ay mas mataas

para sa mga kalalakihan (78 porsyento out of 100) kaysa sa mga kababaihan (37 porsyento out of

100). Iniulat sa Social Science & Medicine, ang mga pangkalahatang mga resulta ng pag-aaral ay

ibinunyag na ang relasyon sa pagitan ng kawalan ng trabaho at panganib ng pagkakamatay ay

nanatiling pare-pareho para sa nakalipas na 50 taon.

"Our study results clearly indicate that unemployment is not just bad for your

pocketbook; it's also bad for your health," sabi ni Joseph E. Schwartz, Ph.D., Senior Author,

Propesor ng saykayatrya at asal Science, Stony Brook University School of Medisina, at

pagbisita ng Propesor, Kagawaran ng Medicine at saykayatrya, Columbia University. "Ang mga

resultang iminumungkahi ng isang pananahilang relasyon sa pagitan ng kawalan ng trabaho at

10
mas mataas na panganib ng kamatayan, pati na rin ang kailangan upang makilala ang mga

diskarte upang i-minimize ang mga salungat na epekto sa kalusugan ng kawalan ng trabaho."

Ang punto ni Dr Schwartz na habang ang kawalan ng trabaho ay palaging isang isyu para

sa lipunan, ang kasalukuyang pang-ekonomiyang krisis at kawalan ng trabaho ay tumindi ang

kailangan sa pananaliksik sa mga relasyon sa pagitan ng pagkawala ng trabaho, panganib sa

pangkalusugan, at napapaagang kamatayan. Ayon sa US Department of Labor, ang pambansang

ratio ng kawalan ng trabaho ay umabot sa 9.6 porsyento sa Agosto 2010, malapit sa kanyang

pinakamataas na antas sa 25 taon. Ang rate ay patuloy na tumaas, sa 8.8 porsyento sa Marso

2011.

Ang pag-aaral, na may pamagat na "pagkawala ng buhay at kabuhayan: isang sistema na

suriin at meta-analysis ng kawalan ng trabaho at sa lahat ng dahilan pagkakamatay," kasama ng

isang pagtatasa ng mga nagtatrabaho-edad na mga kalalakihan at kababaihan pangunahing sa

Western mga bansa sa loob ng isang 40-taon. Pagtatrabaho at kawalan ng trabaho ay

dokumentado sa pag-aaral para sa mga tao sa lahat ng phases ng kanilang mga karera. Indibidwal

ay sinundan para sa iba't ibang mga haba ng oras sa iba't ibang pag-aaral.

Ang mga mananaliksik na din natagpuan na para sa mga na mas bata (sa ilalim ng edad

50) at na nakaranas ng isang episode ng kawalan ng trabaho, ang panganib ng kamatayan ay mas

malaki (tinatayang 75 porsyento) kaysa sa mga na 50 o mas matanda (25 porsiyento)

nakakaranas ng parehong.

"Yaong mga pag-aaral na sinundan ng mga tao para sa higit sa 10 taon ay nagpakita ng

isang mahinang ugnayan sa pagitan ng kawalan ng trabaho at panganib ng kamatayan,"

11
nagdadagdag David J. Roelfs, unang may-akda, at ng doktor kandidato sa Kagawaran ng

Sosyolohiya sa Stony Brook University. "Ang paghahanap na ito ay Matindi nagmumungkahi na

ang pagtaas sa panganib ay mas malaki sa panahon ng isang episode ng kawalan ng trabaho at

ang unang 10 taon."

Si Dr Schwartz at ang mga kasamahan niya ay binigyang-diin na ang hinaharap na

pananaliksik ay dapat focus sa mga posibleng mediating, pangangasiwa, at confounding mga

kadahilanan, at sa kung ang panganib ng kamatayan ay maaaring mabago sa mga indibidwal,

alinman sa antas ng pangangalaga sa kalusugan ng sistema o mga indibidwal na antas. Maaaring

kabilang ang ilang mga paraan na sila iminumungkahi ng pampublikong kalusugan pagkukusa

na target istambay mga tao para sa mas agresibo cardiovascular screening, o target sa

pamamagitan upang matulungan ang mga istambay na mga indibidwal na mabawasan ang

panganib-pagkuha ng mga pag-uugali.

Ano ang kalagayan ng mga unemployed?

Hindi mapagtakpan ng mga estadistika at boladas ang dinaranas na kahirapan ng

mamamayang Pilipino. Sa pagtatapos ng 2015, lalo pang tumindi ang paghihikahos ng

mamamayan na pinapatunayan sa patuloy na pagtaas ng tantos ng kawalang hanapbuhay at

paglaki ng bilang ng mamamayang hindi na nabubuhay sa disente at makataong pamantayan.

Walang kasing lala ang kalagayan sa empleyo ng bansa. Sa datos mismo ng gubyerno,

tinatayang mahigit 1 sa bawat 10 mamamayan ang walang trabaho. Noong nakaraang taon, nasa

11.4% ang annual average ng unemployment rate. Pero sa kalagitnaan ng taon, binago ng

National Statistical Coordination Board (NSCB) ang depinisyon ng “walang trabaho”

12
(unemployed). Datirati, sila yaong mga manggagawa na walang trabaho na di na naghahanap ng

trabaho dahil sa paniwalang wala namang mapapasukan, masama ang panahon, may

pansamantalang karamdaman o may hinihintay na aplikasyon. Sa kasalukuyang depinisyon ng

gubyerno, ang mga walang trabaho ay yaong naghahanap at handang magtrabaho pero walang

mapasukan. Kaya naman sa pagtatapos ng taon, inulat ng gubyerno na 7.7% na lamang ang

unemployment rate na epektibong bumura sa 1.5 milyong Pilipino na di na ibinibilang na walang

trabaho. Pero kahit pilipitin ng ganito ang datos, hindi mapagtakpan ng gubyerno ang malubhang

suliranin ng kawalan ng trabaho. Katunayan, sa ilalim noon ng administrasyong Arroyo umabot

sa pinakamalala ang rekord sa disempleyo sa tanang kasaysayan ng bansa.

Pinalubha pa ito ng patuloy na pagbagsak sa kalidad ng mga trabaho sa Pilipinas.

Ibayong lumala ang kakulangan sa trabaho (underemployment rate) na naging 21% noong 2005

mula sa 17% lamang noong 2004. Malaking bilang ng mga may empleyado ang patuloy pa ring

naghahanap ng dagdag na trabaho o mapagkakakitaan. Pinakamatinding kakulangan ito sa

trabaho mula 1988. Lumiit din ang bilang ng mga sahurang manggagawa (wage and salary

workers) ng 156,000 habang sumirit ang mga sariling kayod (own account and unpaid family

workers). Lumilitaw na halos kalahati ng umiiral na trabaho sa bansa ay sariling kayod,

mababang pasahod, pansamantala, walang katiyakan at “impormal"

Kakarampot kung nadadagdagan man ang mga trabahong nalilikha ng atrasado at ampaw

na ekonomya. Karamihan sa mga bagong trabaho ay nasa agrikultura at serbisyo partikular sa

kalakalan gayundin sa transportasyon at komunikasyon. Gayunman, karamihan sa mga ito ay

may mababang pasahod o kung relatibong mataas man, walang katiyakan sa trabaho. Sa

pagmamanupaktura, halos 17,000 lamang ang nalikhang bagong trabaho na ibayo pang nagpaliit

13
sa bahagi ng pagmamanupaktura sa kabuuang empleyo. Ang sabsektor ng pagmamanupaktura na

humihigop ng mga manggagawa sa kalunsuran ay patuloy pang lumiit sa 9.5% na bahagi na

lamang sa kabuuang empleyo ng bansa at itinuturing na pinakamaliit nitong tantos sa nakaraang

apat na dekada.

Sa kabila ng mga salamangka, mismong mga datos ng gubyerno sa empleyo ang

nagpapahiwatig sa tindi at lubha ng kawalan at kakulangan sa trabaho. Kapag pinagsama ang

tantos sa unemployment (11.4%) at underemployment (21%), lilitaw na 32.4% ng kabuuang

lakas paggawa o mahigit 3 sa bawat 10 manggagawa ang wala o kulang ang trabaho. Ito ay batay

sa lumang pamantayan ng gubyerno sa pagsukat ng lakas-paggawa. Pero kahit sa lumang

pamamaraan ng pagsukat, hindi nito isinama bilang lakas-paggawa ang maraming mamamayan

na epektibong nagmemenos sa malubhang datos sa disempleyo. Kahit ito ay hindi naman talaga

nagpapakita ng tunay na lala ng kawalan at kakulangan ng trabaho sa Pilipinas. Pero higit pa sa

mga datos, ang aktwal na ginagawa ng mga manggagawa para mabuhay ang nagpapakita sa tindi

ng disempleyo. Pinakamalala ito mula ng mapabagsak ang diktadurang Marcos dalawang dekada

na ang nakaraan. Wala nang mapagpilian ang milyun-milyong mamamayan kundi mangibang

bansa para doon humanap ng trabaho. Tinatayang aabot na sa 8 hanggang 9 na milyong Pilipino

(10% ng populasyon) ang migrante.

Anu-ano ang mga Sanhi ng suliranin?


14
1. ano ang epekto ng sahod sa trabahador?

Nagiging rason din mababang sweldo nila mula sa kanilang karera kung magtatrabaho

sila sa ilalim ng gobyerno. Halimbawa na lang ay ang mga nakapagtapos ng nursing, may ibang

mas pinipiling mag-apply at magtrabaho sa isang call center kaysa magsilbi sa mga

pampublikong ospital dahil sa maliit na sahod mula sa gobyerno.

2. Gaano kabigat ang iniisip ng isang trabahador?

Isa din sa mga rason ng pagtaas ng unemployment ay ang pag-resign ng isang empleyado

dahil narin sa tinatawag na work-environment at human relation ng isang trabahador kung

nakakasundo ba niya ang kanyang mga katrabaho o hindi may iba na nagreresign ang iba naman

ay nagpapalipat ng department

3. Bakit walang trabaho ang mga bagong graduweyt?

Una hindi demand ang kanilang trabaho sa lokal o sa ibang bansa, ikalawa nawawalan ng

gana, ikatlo hindi angkop ang kurso na kanilang kinukuha, ikaapat kakaulangan ng kaalaman

upang pumasa sa mataas na kalidad ng mga manggawa sa ibang bansa.

Noong taong 2006 ay humigit kumulang 13,000-15,000 na registered nurses ang

pumunta sa ibang bansa para magtrabaho. Sa Pilipinas ay kulang ng mga bakanteng trabaho para

sa kanila kung kaya’t madalas nagkakaroon ng job mismatch. Ang ibang gradweyt na nurse ay

nagiging crew na lang sa fastfood chain o saleslady sa isang department store.

Ayon sa Commission on Higher Education, noong 2009 humigit kumulang na 900,000

ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Samantala, ang bilang ng mga nagbubukas na trabaho sa
15
bansa noong 2009, ayon sa Department of Labor and Employment ay 20,000- 30,000 lamang.

Dahil hindi balanse o pantay ang ratio ng mga nagsipagtapos sa bilang ng mga nagbukas na

trabaho, napipilitang pasukin ng mga iilang graduate ang mga trabahong taliwas sa kursong

tinapos nila.

4. Bakit hindi nakakatapos ng pag-aaral ang isang estudyante?

Karamihan sa kabataan ngayon ay ‘di naka-tapos sa pag-aaral. Ito ay sanhi ng madaming

mga dahilan.

Una: Kakapusan sa buhay.

Maraming mag-aaral ang nais makatapos ng pag-aaral, ngunit sanhi ng kakapusan sa

pang-tustos dito, ‘di nila nakakamit ang nais na diploma. May 103.3 milyon na ang bilang

ng mga tao sa Pilipinas. Ayon sa isang pag-aaral ng IBON Foundation, may 78 porsiyento

ng 103.3 milyong taong ito-samakatwid ay 80.5 milyon ang nasa ibaba ng tinatawag na

poverty line. Ang palaki nang palaking populasyon ng Pilipinas ang lagi't laging

pinagbubuntuhan ng sisi sa paglala ng kahirapan sa bansa.

Datapwat ang isang karaniwang manggagawa'y kumikita lamang ng P300 sa

kasalukuyan. May 15 porsiyento ng buong populasyon natin ang mga manggagawa sa

mga pabrika. Ang mga nagtatrabaho sa mga sakahan ay higit pang masasahol ang

dinaranas: ang mga manggagawang-bukid kadalasa'y wala pang P100 ang sinasahod sa

isang araw, habang ang mga nakikiparti sa ani ay umaani na ang kita sa pagbebenta ng

kanilang inani ay hindi rin sumasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.

Ikalawa: Kawalan ng interes.


16
Ang mga mag-aaral ay kadalasang nababaling ang atensyon sa ibang mga bagay.

Saklaw na nito ang pagkahumaling sa mga laro sa kompyuter,ang paglalakwatsa o ‘di

kaya’y sadyang katamaran ng estudyante. Ang mga bagay na ito ay lubhang naka-aapekto

sa mag-aaral. Marahil ay mas mabigyan niya ito ng atensyon at maisip na ito na lamang

ang pagtuunan ng pansin.

Ikatlo; Maagang pagbubuntis.

Isa sa mga tinuturong dahilan ng pagbubuntis ng mga batang babae ang kakulangan

ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa pakikipagtalik. Partikular sa Pilipinas, ang

partuturo ng sex education sa mga paaralan ay isang isyu na patuloy na pinagdedebatehan.

Bagamat malakas ang panawagan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa sex education,

ang simbahang Katoliko at ibang konserbatibong grupo ay mahigpit itong tinututulan.

Ayon sa 1995 sensus, mga 1.8m kalalakihan at 670,000 kababaihan na may edad 15-

24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik. Ayon naman sa World Health Organization,21%

ng mga Pilipinong kababaihan ay nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa

POPCOM, ang mga batang ina ay bumubuo ng 30% na pagbubuntis, 17% ng mga kaso ay

hinimuk ng aborsyon,12% ng normal na panganganak,6% ng boluntaryong aborsyon.Sa

datos naman noong 2015, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa

katunayan, pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa 19 ang edad.

Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis ay sinasabing

sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang lumulobong

populasyon at kawalan o limitadong kakayahan ng mga kabataan na suportahan ang

kanilang mga anak ay isa sa mga nagiging dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa

madaling sabi, ang mga kabataang maagang nabubuntis ay ‘di na napagpapatuloy ang
17
kanilang pag-aaral na nagsasanhi ng ‘di nila pagkahanap ng magandang hanap buhay

upang matustusan ang pangangailangan nila at ng kanilang anak.

5. Paano natutustusan ang pang araw-araw ng gastusin?

Kailangan ng isang ordinaryong pamilya ng P858 para mairaos ang pangangailangan sa

araw-araw. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) lumala na nang husto ang

nararanasang kahirapan ng buhay sa kasalukuyan. Sa isang artikulong sinulat ni Danilo Araña

Arao sa Bulatlat noong Hunyo, makikitang ang isang pamilyang may dalawang magulang at apat

na anak-ang karaniwang pamilyang Pilipino-ay nangangailangan ng P594 sa isang araw upang

mabili ang lahat na pangangailangan. Gumamit si Arao ng datos mula sa National Wages and

Productivity Commission para sa artikulong nasabi.

6. Bakit pumapasok sa prostitusyon ang mga kababaihan?

Sanhi nga nang pagkawala ng pinagkukunan ng hanap buhay, maraming kababaihan ang

nahihikayat na pumasok sa prostitusyon.

Ayon sa The International Labor Organization(ILO) at The Coalition Against

Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP), umabot ng kalahating milyon ang bilang nga

mga prostitutes sa Pilipinas, noong taong 1993 at 1994, at 400,000 naman noong 1998. Ang

prostitusyon ay nakaaapekto sa turismo lalong-lalo na sa Pilipinas, mas kilala ito sa tawag na

“Sex Tourism” kung saan ang pagbibigay aliw ang dinarayo ng mga tao. Ang prostitusyon sa

Pilipinas ay kumekeyter sa mga lokal na kostomer at mga dayuhan na siya namang madalas na

maging kliyente ng mga nasabing prostitutes. Kahit na ipinagbabawal ang mga ganitong gawain,

hindi maiiwasan ang mga ito. At kahit marami na ang mga nahuhuli, hindi pa rin nasusupil ang

prostitusyon.

18
7. Bakit gumagawa ng krimen ang isang tao?

Ang pagtaas ng unemployment ay kasabay din nito ang pagtaas ng crime rate sa pilipinas

at maraming kabataan ang napipilitan na pumapasok sa illegal crimes ang mga under age na

crimenal na tinatawag na juveniles ng ating gobyerno ay hindi pwedeng ipasok sa adult prison

kaya hina-hand over nila ang mga juveniles sa Department of Social Welfare and

Development(DSWD)

8. Mayroon bang solusyon dito ang gobyerno?

Ang ating pamahalaan ay ‘di lamang nagbibigay ng mga hanapbuhay sa ilalim ng

kanilang administrasyon. Sila din ay nangangasiwa ng mga programa upang matulungan ang iba

na matuto ng mga kakayahan na kakailanganin sa paghahanap ng trabaho. Sila din ay

nangangasiwa sa mga proyekto na makakatulong sa mga di nakapagtapos na ipagpatuloy ang

kanilang pag-aaral.

9. Ano ang epekto ng laki ng populasyon sa unemployment?

Ang laki ng populasyon ay nagiging sanhi din ng unemployment. Sa dami ng bilang ng

tao,hindi lahat ay nabibigyan ng trabaho. ‘di nagiging balanse ang ratio ng bilang ng trabaho sa

bilang ng taong nais maghanapbuhay.

19
May 103.3 milyon na ang bilang ng mga tao sa Pilipinas. Ayon sa isang pag-aaral ng

IBON Foundation, may 88 porsiyento ng 103.3 milyong taong ito-samakatwid ay 90.9 milyon-

ang nasa ibaba ng tinatawag na poverty line.

Ang palaki nang palaking populasyon ng Pilipinas ang lagi't laging pinagbubuntuhan ng

sisi sa paglala ng kahirapan sa bansa.

Sa isang pag-aaral ng dalawang Pilipinong siyentipiko noong 1983, napatunayang ang

lahat ng yamang likas ng Pilipinas ay may kakayahang bumuhay ng hanggang sa 500 milyong

tao. Kayrami nang mga sumunod na pagsusuri sa ating problema sa populasyon, subalit

magpahanggang ngayo'y walang nakapagpapabulaan sa pag-aaral na isinagawa noong 1983.

Mga solusyon sa unemployed

Alternative Learning System

Sa Pilipinas, ang mga batang walang kakayahan na makapasok sa paaralan ay binibigyan

ng pagkakataon ng Department of Education. Ikaw ay magsasanay sa loob ng 10 buwan o

maaring higit pa at pagkatapos nito ay bibigyan ka ng “Accreditation & Equivalency Test”. Dito

malalaman kung ang iyong natutunan ay katumbas ba ng diploma sa mababa o mataas na

paaralan. Sa mga edad na 12 pababa,ito ay katumabas ng diploma para sa elementarya at sa edad

15-16 naman,ito ay katumbas ng diploma para sa hayskul. Ang pagkuha ng Alternative Learning

System ay may dalawang paraan. Sa pamamagitan ng modules o sa pamamagitan ng internet. Isa

sa kilalang personalidad na nakinabang dito ay ang tanyag na boksingerong si Manny Pacquiao.

Siya ay nakatapos lamang ng unang antas ng hayskul at kumuha ng ALS at nakamit ang diploma

para sa hayskul na nagbigay daan sakanya upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.

20
Technical Education and Skills Development Agency o TESDA

Ito ay unang naitatag bilang batas ng dating Pangulo na si G.Fidel V. Ramos ng ika-

Agosto 25, 1994. Ang pagsasama-sama ng National Youth Council (NMYC), Department of

Labor and Development (DOLE), The Bureau of Technical and Vocational Education (BTVE)

Department of Education, Culture and Sports (DECS), Bureau of Local Employment (BLE)

ang nagbigay daan upang mabuo ang TESDA. Ang batas na ito ay may layunin na paigtingin

ang partisipasyon at pagtutulungan ng pamahalaan, industriya , teknikal, bokasyonal at

pribadong sektor para iangat ang antas ng mga kakayahan at bigyang kaalaman ang bawat

manggagawang Pilipino

KABANATA III

PARAAN AT PINAGKUNAN NG DATOS SA PANANALIKSIK

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng disenyo ng pananaliksik, Pagtatakda ng

Pananaliksik, at ang paggamit ng mga kasangkapan sa pananaliksik.

21
A.DISENYO NG PANANALIKSIK

Ginamit ng mga mananaliksik ang pamamaraang paglalarawan at survey. Ang

mananaliksik ay nagsuri sa iba-t ibang lugar gaya ng National Bookstore Inc., SM Pampanga at

City of San Fernando, Pampanga. Gumamit din ang mananaliksik ng Internet upang makakuha

pa ng ibang datos na kailangan sa pag-aaral na ito.

B. MGA RESPONDENT NG PAG-AARAL

Ang mga tao sa SM Pampanga at City of San Fernando Pampanga ang napili ng mga

mananaliksik na maging tagasagot sa pagsusuring ito. Mayroong akong pinagtanungan na 11 na

tao sa SM Pampanga at 9 tao din sa City of San Fernando.

C.PARAAN NG PAGKUHA NG MGA DATOS

  Sa pamamagitan ng tseklist o listahan ng mga gawain, ang mga mananaliksik ay

nagkaroon ng gabay upang malaman ang mga dapat ng gawin at unahin sa paunang paglilikom

ng datos at iba pang impormasyon. Una na rito ay ang paglikha ng palatanungan o questionnaire

22
para sa mga indibidwal na magiging tagasagot sa pagsusuring nabanggit. kabilang sa mga

listahan na ito ay ang mga sumusunod:

KATANUNGAN OO HINDI
1.a. Nakapagtapos ka ba ng Kolehiyo?
1.b. At kung hindi nakapagtapos kaba ng hayskul?
2.a. Kung ikaw ay graduate ng kolehiyo,nagtratrabaho ka

na ba?
2.b. Kung ikaw ay Highschool Graduate nagtatrabaho ka

na ba?

Ang ikalawang bahagi ng paglikom ng datos ay ang paggawa ng bahagdan upang

matiyak na ang mga impormasyong makakalap ay makakasagot sa mga kinakailangang datos na

ginagamit sa pagsasaliksik at matapos ang bahagdan ay isasalarawan ito sa pamamagitan ng

talaguhitan o graph para higit na maipaliwanag ang nalikom na datos

D. INSRUMENTO SA PAGKUHA NG TALLY SHEET

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talaan na naglalaman ng mga sumusunod na

datos:

1. Talaan ng kasarian ng mga Respondent

2. May hanapbuhay ba o wala ang mga respondent at ang Antas ng kanilang natapos sa

pag-aaral

E. PAGLALAHAD NG MGA DATOS AT ANG INTERPRETASYON NITO


23
Ang bahaging ito ng pag-aaral ay nagbibigay ng mga impormasyon at mga datos ukol sa

ginawang aktuwal na katanungan sa mga indibidwal na kalahok sa survey.

Talahayanan 1.1

KATANUNGAN OO HINDI
1.a. Nakapagtapos ka ba ng Kolehiyo? IIIII-IIII
1.b. At kung hindi nakapagtapos kaba ng hayskul? IIIII-IIIII-I
2.a. Kung ikaw ay graduate ng kolehiyo,nagtratrabaho ka IIIII-I III

na ba?
2.b. Kung ikaw ay Highschool Graduate nagtatrabaho ka I IIIII-IIIII

na ba?

Makikita sa talahayanan 1.1 ang mga sagot ng ating respondent sa mga tanong na

inihanda ng mananaliksik

Talahanayan 1.2

KASARIAN BILANG BAHAGDAN

Lalaki 8 40%

Babae 12 60%

Kabuuan 20 100%

Ipinapakita sa talahanayan 1.2 ang kasarian ng mga Respondent. Ayon sa talahanayan

ang bilang ng mga lalaki ay 8 at may bahagdan na 40% at ang bilang naman ng mga babae 12 at

may bahagdan na 60%. Batay sa ipinapakita ng braket ay may pantay na dami ng bahagdan ang

24
mga respondante (babae at lalaki). Ayon sa nalikom na datos ng mga mananaliksik ang mga

tagasagot ay may kabuuang bilang na 20 (100%).

Talahayanan 1.3

NUMBER OF RESPONDENT 20

BILANG NG
COLLEGE HIGHSCHOOL
NATAPOS NA BAHAGDAN
GRAD GRAD
ANTAS
lalakeng may trabaho

2 0 10%
Lalakeng walang

trabaho 1 5 30%
Babaeng may trabaho

4 1 25%
25
Babaeng walang

trabaho 2 5 35%
KABUUAN 9 11 100%

Ipinapakita sa talahanayan 1.3 ang natapos na antas ng mga babae at lalaking meroon at walang

trabaho ang bilang ng mga lalakeng may trabaho na college grad ay 2 at ang highschool grad ay

0 na may kabuuan na 10% at ang bilang ng lalaking walang trabaho na college grad ay 1 at

highschool grad ay 5 na may kabuuan na 30%, at ang bilang ng babaeng may trabaho na college

grad ay 4 at highschool grad ay 1 na may kabuuan na 25%

at ang bilang naman ng babaeng walang trabaho na college grad ay 2 at highschool grad 5 na

may kabuuan na 3

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

26
40

Lalaki
Babae
60

27
walo(8) sa dalawampu(20) Sa akin na nasiyasat ay mga lalaki na may 40% habang

labindalawa(12) sa dalawampu(20) ay mga babae namay 60% ang ibig sabihin lang nito ay mas

higit na marami ang mga babae dito sa pagsisiyasat na ito

28
10 College Grad LMT
25 5 Highschool Grad
LMT
College Grad LWT
Highschool Grad
LWT
College Grad BMT
25
10 Highschool Grad
BMT
College Grad BWT
5 Highschool Grad
BWT
20

29
LMT = Lalaking May Trabaho LWT = Lalaking Walang Trabaho

BMT = Babaeng May Trabaho BWT = Babaeng Walang Trabaho

ipinapakita dito sa chart na ito na mayroong 10% total na LMT

30% na LWT at 25% na BMT at 35% BWT

KONKLUSYON

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakatulong ang paglago ng ekonomiya sa paglutas sa

mga problema ng mga walang trabaho. May mga pagkakataon na may bakante ngang trabaho

ngunit ‘di naman angkop sa natapos o kaalaman ng isang manggagawa. Sa madaling sabi,

maraming bagay ang saklaw ng unemployment. Madami ang maaring sanhi nito at

nakapagdudulot din ito ng mga hindi magagandang epekto. ‘di lamang sa isang indibidwal kung

hindi damay na din ang madaming bilang ng taong nakapaligid sa kanya.

REKOMENDASYON

30
Dapat bawat isa sa atin ay magsikap na mapaganda ang hinaharap at buhay ng bawat isa.

Ang ating pamahalaan ay ginagawa na ang mga hakbang na dapat nilang gawin upang

matulungan ang malaking bilang ng mga Pilipinong kumakaharap sa unemployment. Ang dapat

ay, wag nating i-asa ang lahat sa tulong ng iba. Dapat tayo ay may sarili ding kusa upang mapa-

unlad natin di lamang ang buhay natin kung hindi pati na din ang bansa. Sa pamamagitan ng

pagsisikap ng bawat isa at sa tulong ng makabagong paraan gaya ng internet, job-fair at

advertisement, makakatulong ang mga ito sa pag-ahon natin sa bawat problema at krisis na ating

kinakaharap.

BUOD

Ang isinagawang pananaliksik na ito ay nakaukol sa malaking epekto ng unemployment

simula sa dahilan at sanhi hanggang sa bunga nito at kasama dito ang mga artikulo sa koneksyon

ng unemployment, tinalakay din sa pag-aaral na ito ang mga problema at ang solusyon na

ginawa ng ating gobyerno.

31
BIBLIYOGRAPIYA

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Teenage_pregnancy

http://www.tesda.gov.ph/page.aspx?page_id=10

https://www.news-medical.net/news/20110411/16858/Filipino.aspx

http://www.google.com.ph/#q=pananaliksik+sa+pagkawala+ng+interes+sa+pag-

aaral&hl=tl&ei=AwSaTNLgHILfcaL-iNoH&start=10&sa=N&fp=ea825986733ab442

http://karapatanmanggagawa.wordpress.com/kasaysayan/

http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/79959/sun-star-kawalan-ng-trabaho-

nagtutulak-sa-pinoy-na-mangibang-bansa/story/

https://www.google.com/publicdata/explore?

ds=d5bncppjof8f9_&met_y=sp_pop_totl&idim=country:PHL:JPN&hl=en&dl=en#!

ctype=l&strail=false&bcs=d&nselm=h&met_y=sp_pop_totl&scale_y=lin&ind_y=false&rdim=r

egion&idim=country:PHL:JPN&ifdim=region&tstart=-

290505600000&tend=1476720000000&hl=en_US&dl=en&ind=false

32

You might also like