You are on page 1of 27

iJuander

Batayan at Sanayang Aklat sa Araling


Panlipunan sa Ikaapat na Baitang

Isyung Pangkapaligiran at Likas na Yaman ng Bansa


- Quarter 2 Lesson 3
Matalinong Pangangasiwa Ng Likas Na Yaman Sa Pag-Unlad Ng Bansa At
Pananagutan Ng Bawat Pilipilo Nito
- Quarter 2 Lesson 4

In Partial Fulfillment of the Requirements in SS 216:


Curriculum Development in Social Studies

Prepared by:
Mark Ian C. Tagami
MAED Social Studies Student

Prepared for:
Prof. Carolyn G. Paguyo
Subject Professor
Paunang Salita

Ang pagkakaroon ng matalas, mapagmatyag at mapanuring pag-iisip at


kakayahan ng isang Pilipino ay isa sa mga bagay na magtutulak sa bansa upang
umusbong at maging progresibo pa. Sa marami nang pagkakataon sa ating kasaysayan,
napatunayan na ang kagalingan ng mga Pilipino ay isa sa mga magtutulak sa kapwa
Pilipino mismo na paghusayan ring hasain ang kakayahan. Ang patuloy na pagsasanay
at paghulma ng mga natatanging kagalingan ng mga mag-aaral ay isa sa mga
napakalaking kontribusyong maibibigay sa bansa. Dahil dito, inaasahan ang mga guro
na paghusayan pa ang kanilang gawain. Pero upang maisakatuparan ito, kinakailangang
taglay ng isang guro ang epektibong gamit o aklat na siyang gagabay sa pagtuturo at
mismong magpapalalim sa kaalaman ng mga mag-aaral.
Ang aklat na ito ay pinamagatang iJuander na nakabatay sa mga kasanayan sa
pagkatutong itinadhana ng kurikulum ng K to 12 para sa asignaturang Araling
Panlipunan ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang aklat ay nagtataglay ng mga elemento o
katangiang tumutugon sa adhikaing pagbabago sa tulong ng edukasyon o
transformative education. Ang mga babasahin at aktibidad na nakatala sa aklat ay
iniangkop sa kasanayan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging
integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at
mapanuring pag-iisip, at makapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at
realidad ng totoong buhay.

~M.I. Tagami~
Nahahati sa limang bagagi ang bawat aralin sa seryeng ito:

Sa bahaging ito, maihahanda ang mga para sa isang matagumpay na pagtukoy


at pagtalakay sa kabuoan ng aralin. Ang mga iba’t ibang gawaing nakatala dito
ang siyang magsisilbing motibasyon o panghikayat na aktibidad sa mga mag-aaral. Bukod dito,
ang mga aktibidad ay sumasalamin sa ilang mga isyu o problemang kinahaharap ng ating bansa
at mundo na siyang mas maglalapit pa karanasan ng mga mag-aaral sa konteksto ng aralin.

Sa bahaging ito ay mababasa at matatalakay ang iba’t ibang paksa o aralin na


sumasalamin sa realidad ng buhay at kapupulutan ng mahahalagang aral. Ang
mga impormasyon o konsepto dito ay mas pinadali nang maintindhian dahil ito na ay pinaikli at
nabuod. Ang mga iba’t ibang konsepto dito ay siyang mag-uugnay sa mga nararapat na taglaying
pag-uugali at kakayahan.

Dito malilinang ang iba’t ibang kasanayan sa araling panlipunan at kakayahan


na mapanuri at makilatis na pag-iisip. Sa mga nakahandang tanong at
aktibidad dito ay higit pang maipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang
pagkaunawa at kasanayan sa gawain. Ang mga mapanghamong pagsasanay dito ay susubok sa
kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip at pagtuonan ng higit pa sa pansin ang paksa
Ito ang pinakapuso ng bawat aralin. Dito inaasahang malilinang ang
mabubuting pagpapahalaga at kasanayan o pagpapahalagang
pangkatauhang binibigyang diin sa bawat aralin. Ang mga nakahandang
aktibdad ay nagpapakita ng anim na aspekto ng pag-unawa – Pagpapaliwanag, Interpretasyon,
Paglalapat, Pagbuo ng Sariling Pananaw, Pagdama at Pag-unawa at Pagkilala sa Sarili. Ang mga
aktibidad ay nagpapakita rin ng karakteristik na pangindibidwal o panggrupong gawain.

Ito ay napakahalagang bahagi kung saan isasagawang mga Inaasahang


Pagganap, mga makatotohanang gawaing maghahanda sa mga mag-aaral sa
totoong buhay. Ang mga role o papel na gagampanan ng mga mag-aaral ay
kahawig ng mga papel sa tunay na buhay. Dito maisasagawa ang transfer o pagsasalin ng
natutuhan sa isang makatotohanang paraan.
ISYUNG PANGKAPALIGIRAN AT
Aralin
3 LIKAS NA YAMAN NG BANSA
Mga Layunin sa Pag-aaral:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 nasusuri ang mga iba’t ibang isyung pangkapaligiran;
 natatalakay ang mga sanhi at bunga ng mga isyung pangkapaligiran;
 naaanalisa ang mga epekto ng problema sa kapaligiran sa tao at bansa; at
 nakagagawa ng argumentatibong pananaw na reresolba sa isyung
pangkapaligiran

Sa hindi inaasahang biyaya na taglay ng ating bansa sa aspektong pangkapaligiran,


masasabing ang Pilipinas ay saganang sagana sa likas na yaman. Hindi lingid sa kaalaman
natin na sa pagkakawatak ng mga lupain o pagiging kapuloan ang taglay nitong katangian
sa iba’t ibang katangian o klase ng yamang likas. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari
o pagbabago sa ating kapaligiran, ang dating ganda ng yamang likas ay unti-unti ng
nasisira. Isang napakalaking hamon sa ating lahat na dapat pangasiwaan natin ang
pangangalaga ng yaman ng bansa dahil ang yaman ng bansa ay siya ring yaman ring
nating Pilipino.

Picture was lifted from https://kids.nationalgeographic.com/explore/nature/paint-for-the-planet/#5th_prize_Netwong_Thailand_FRONT.jpg


Sa araling ito, mararanasan mo ang mga
sumusunod:
 Gumawa ng mga Cause-and-Effect
Diagrams,
 Gumawa ng matrix ng analisis ng mga
isyung pangkapaligiran o yamang likas ng
bansa
 Iorganisa ang mga nalalaman o
importanteng kaalaman tungkol sa isyung
pangkapaligiran at wastong pangangasiwa
nito sa tulong ng graphic organizers
 Gumawa ng simpleng action plan tungkol sa
mga bagay na maaring gawin ng bata upang
mapangalagaan ang bansa.

GABAY NA TANONG:
Ano kaya ang maaaring
kahihinatnan kapag hindi
napangalagaan ang yamang
likas?
Bakit mahalaga ang
matalinong pagpasya sa
pangangasiwa ng likas na
yaman ng bansa?
Pagmasdang mabuti ang mga nasa larawan. Subukin nating alamin kung anong
problemang pangkapaligiran ang iyong makikita sa mga ito. Isulat sa linya ang sagot.

______________________________________ ___________________________________

______________________________________ ___________________________________

Natukoy mo bang mabuti ang mga problemang pangkapaligirang ating


nararanasan? Nakakalungkot isipin no na kahit gaano man kalinis at kaganda ang
tinatamasa mong Makita sa mga likas na yaman natin ay kabaliktaran ang nangyayari
sa tunay nating kinalalagyan. Kailangan pa nating maging mapagmatyag sa ating paligid.

Bukod sa mga problemang pangkapaligirang nakatala at nakita mo sa larawan, gumuhit


ng iba pang problemang pangkapaligirang nakikita o nararanasan mo sa ating bansa. Sa
nakalaang inya na makikita sa tabi ng pagguguhitan ay magbigay ka ng ilang dahilan at bunga
kung baakit kaya nararanasan ang mga problemang ito.

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Sa kasalukuyang lagay ng bansa ngayon, marami ang isyung pangkapaligirang


ating kinahaharap. Ito ang mga isyungb kailangang mabigyan ng pansin, atensyon at katugunan
upang ang mga likas na yaman ng bansa ay hindi tuluyang masira o maubos at maaari pang
matanaw at maagamit ng susunod na henerasyon. Ilan lamang sa mga isyung pangkapaligirang
hinaharap ng bansa ay ang mga sumusunod:

MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN NG BANSA


Polusyon sa Hangin  Ito ay tumutukoy sa mga nagkalat na marururming
usok na sumisira sa ating kalawakan.
 Ang isyung ito ay laganap sa mga lungsod o lugar na
maraming pabrika o pagawaan at sasakyang bumubuga
ng maruruming usok.
 Sa mga simpleng bagaya nating gawin, maging ang
paggamit ng aerosol spray o iba pang insecticide ng mga
tao ay nagdadala ng polusyon sa hangin
 Ilan lamang sa makukuha ng mga tao sa problemang ito
ay ang komplikasyon o sakit sa baga, kanser, stroke, sakit
sa puso, pulmonya at iba pa.

Gumawa tayo ng pagtataya sa ating lugar. Masasabi mo bang marumi ang hangin sa iyong lugar?
Kapag ito’y nagpatuloy, ano kaya ang epekto nito sa ating pamayanan o sa ating buhay?
Global Warming
 Ang phenomenon na ito ay bunga ng mga
makapaminsalang gawain ng tao kagaya ng
kaingin, pagsunog sa mga kagubatan,
langis at basura at tumataas na
konsentrasyon ng greenhouse gas.
 Isa sa mga nagiging dahilan ng
pagkakaroon ng global warming ay ang
mabilis na pag-init ng atmospera na dulot
ng hindi makontrol na pagbuga ng
greenhouse gas.
 Sa mga bansang tropical gaya ng Pilipinas
ang global warming ay makapagdulot ng
matinding pagbabago sa klima gaya ng
sobrang init at sobrang laming na panahon.
 Ayon sa pagtataya ng International Panel
on Climate Change (IPCC), isa sa mga
epekto ng global warming ay ang pagtaas
ng lebel ng tubig sa dagat nang tatlong
metro kada taon dahil sa pagkatunaw ng
mga yelo sa Arctic Circle.
Anong bagay pa ang nalalaman mo tungkol sa global warming? Ano kaya ang posibleng
mangyayari sa ating bansa kapag ito ay nagpatuloy pa? Anong mga pangyayari na maari nating
iugnay sa global warming?

Polusyon sa Tubig  Ang polusyon sa tubig ay nangyayari dahil sa


pagtatapon ng mga basura, dumi, at paggamit ng
nakakalasong kimikal at paggamit ng dinamita at
cyanide sa pangingisda.
 Nagbubunga ang pagkasira ng mga anyong tubi
at yamang makikita ditto dahil sa polusyon sa
katubigan.
 Ilan sa mga nakikitang epekto nito sa ating bansa
ay maaapektuhan ang pangingisda ng maraming
Pilipino. Mababawasan pa ang mga yamang
makukuha sa katubigan dahil sa kontaminasyon.
 Ag polusyon sa tubig ay hindi lang bunga ng
pagpapabaya ng tao kundi meron ding natural na
sanhi katulad ng pagputok ng bulkang Pinatubo
na nagdala ng dumi at mapaminsalang kimikal sa
katubigan.

Ano kaya ang mangyayari sa bansa o buong mundo kapag tuluyan nang magiging marumi ang
tubig o mga anyong-tubig sa paligid?
Polusyon sa Lupa
 Itinuturing na ang mga kagagawan ng
tao kagaya ng pagtatapon ng papel,
plastic, metal o mga tinatawag na solid
waste sa mga dumpsite o landfill.
 Iba pang nakakapagdulot ng polusyon
ay ang mga dumi at kimikal mula sa
pabrika, minahan at pagamutan.
 Ang dalang epekto ng polusyon sa lupa
ay nakakaapekto sa kakayahan ng
lupang magpatubo o magpalago ng
halaman at pananim.

Ano ang iba pang sanhi ng pagiging marumi ng lupa? Masasabi ba nating may polusyon sa lupa
particular sa pamayanang iyong tinitirahan?

Deforestation  Ang deforestation o walang habas na


pagpuputol ng mga puno sa kagubatan ay
isang suliraning pangkapaligirang
kinahaharap ng bansa.
 Ayon sa pagtataya ng DENR, lumiit na sa 7.2
milyong ektarya mula sa 30 milyong ektarya
ang magandang kagubatan.
 Ayon sa ulat ng DENR, halos kalbo na ang
mga kagubatan sa iba’t ibang lalawigan gaya
ng Pangasinan, Ilocos, Bulacan, Metro Manil
at iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao.
 Isa sa mga tinitignang bunga ng problemang
ito ay ang land conversion,habitation o
pagtira ng mga tao sa kagubatan at illegal
logging na dahilan ng malalaking landslide at
pagbaha.

Ano kaya ang iba pang problemang dulot ng pagkasira o nakakalbong kagubatan ng bansa? Alin
sa mga ito ang nararanasan mo sa inyong lugar?
Pagkawala ng Endangered Species
 Dahil sa patuloy na pagkasira ng
kapaligiran, unti unit na ring nawawala ang
mga natatanging hayop at halamang
makikita lamang sa Pilipinas.
 Nasisira ang kanilang mga natural na
tahanan sa lupa man o katubigan kaya
nauuubos ang mga yamang likas.
 Ilan sa mga endangered na halaman ay tree
fern, malapasnit, Basilian yakal, kamagong,
apitong at iba pa.
 Sa mga hayop, ilan sa mga maituturing na
endangered ay hawksbill turtle, moonrat,
tarsier, calamian deer at iba pa.

Ano-ano ang iba pang mga hayop o halaman sa bansa na alam mong maaari nang maubos o
mawala? Bakit kaya mahalagang sagipin ang buhay ng mga ito sa kabila ng marami pang hayop
o halamang nananatiling buhay sa bansa?

Gawain: Pag-isipan mo!


Natutukoy ang mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa. Tukuyin ang mga isyung
pangkapaligirang may kaugnayan sa pahayag sa bawat bilang. Isulat ang tamanag sagot sa
loob ng bawat kahon.

1. Pagkasira ng natural na tahanan ng mga hayop at halaman sa bansa.

2. Pagkakaroon ng matinding landslide at pagbaha.

3. Ang kakayahan ng lupang magpatubo o magpalago ay nakakaapekto nang labis dahil sa

polusyong ito.

4. Ang matinding pagbabago sa klima na nagdudulot ng matinding tag-ulan at tagtuyot sa isang

lugar.

5. Paggamit ng cyanide at dinamita sa pangingisda.


6. Ang mga basurang kaddalasang ginagamit ng tao gaya ng papel, plastic, at iba pa ay

pinagmumulan ng malaking bahagdan ng polusyong ito.

7. Isa sa mga sanhi ng polusyong ito ang paggamit ng aerosol spray at iba pang insecticide.

8. Ang mga gubat ay ginagawang mga subdibisyon o tirahan ng mga tao.

9. Bunga ito ng labis na greenhouse gas sa kalawakan.

10. Ang mga sakit sa baga at balat ay bunga ng polusyong ito.

Global Warming Pagkasira ng Kagubatan


Pagkaubos o Pagkasira ng Biodiversity Polusyon sa Hangin
Polusyon sa Lupa Polusyon sa Tubig

Gawain 1: Sanhi at Bunga ng Pangayayari


Pumili ka ng dalawang kasamahan mo at magbrainstorm ng tatlo mula sa anim na
isyung pangkapaligiran nakatala. Tukuyin ang mga iba’tibang sanhi at bunga ng bawat
pangyayari at sagutin ang tri-question card bilang pagtataya ng paganalisa sa bawat
pangyayari.

PANGYAYARI SANHI BUNGA

Tri-Question Card
MGA TANONG MGA SAGOT
1. Ano ang nangyari?

2. Bakit ito nangyari?

3. Ano ang kahihinatnan ng

pangyayari?

PANGYAYARI SANHI BUNGA

Tri-Question Card
MGA TANONG MGA SAGOT
1. Ano ang nangyari?

2. Bakit ito nangyari?

3. Ano ang kahihinatnan ng

pangyayari?

PANGYAYARI SANHI BUNGA


Tri-Question Card
MGA TANONG MGA SAGOT
1. Ano ang nangyari?

2. Bakit ito nangyari?

3. Ano ang kahihinatnan ng

pangyayari?

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapaliwanag sa madla ang mga kahihinatnan at dahilan
ng mga isyung pangkapaligiran? Ikaw ay gagawa ng isang argumentative essay na kung saan
tatalakayin mo doon ang kabuuan ng isyung pangkapaligirang ating tinukoy at maaaring
idudulot nito sa ating buhay. Maaaring gamitin itong

(Pangunahing ideya o topiko)


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
(Ilahad ang mga isyung gusting pag-usapan at ilagay ang mga argumentong
talakayin)
Talakayan #1:________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Talakayan #2:________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Talakayan #3:________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Pagbubuod: _______________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
______________
Rubric para sa pagatataya ng argumentative essay

3 2 1 0
PAUNANG SALITA Maganda ang Ang paunang salita ay Ang paunang salita Ang pauang salita ay
Paglalahad ng pagkahahabi ng nagpapakita rin ng ay nagpapakita rin watak watak at hinid
balita o Problema paunang salita at pagganyak. Sapat ng paliwanag sa malinaw. Magulo rin
BUOD nakakaengganyo sa naman ang detalyeng problema pero ang pagkakatala ng
mga mambabasa. Ag nakatala dito. Ang buod kulang ng detalye. problema o balita.
nilalaman nito ay buong ay mabuti rin ang Ang problema ay Ang buod ay hindi
buo ang detalye. pagkakagawa. Ang natukoy naman sa maintindhian ang
Nagpapakita rin ito ng buod ng essay ay essay. Ang buod ay gusting tukuyin.
kabuluhan. Ang buod natukoy naman ang mayroon ding
ng ginawang essay ay mga aralin o topiko. detalye kaso kulang
nahabing mabuti ang kulang sa mga
mga puntos o detalye puntos.
upang matukoy maigi
ang problema.
PUNTOS O Ang pangunahing ideya Ang pangunahing ideya Ang pangunahing Ang pangunahing
DETALYE SA ay malinaw at maganda ay natukoy rin sa ideyaay nakatala rin ideya ay hindi
ESSAY ang pagkakatala. Iba’t essay. Ang manunulat sa essay. Nagbigay nakalahad ng mabuti.
iba ang mga puntos o ay nagpapakita rin ng rin ang manunulat May naibigay na
detalye na sumusuporta napapanahon at ng mga impormasyon kaso
sa pangunahing ideya. relevant na impormasyon at hindi sumusuporta sa
Ang mga detalye ay impormasyon at detalye tungkol sa pangunahing ideya.
relevant o detalye. Nakatala rin problema.
napapanahon at ang iba’t ibang Kinakailangang
hinango sa mga iba’t sanggunian da mga magpakita ng mas
ibang sanggunian. Ang detalye. Ang mga maraming detalye
mga detalye rin ay detalye ay sumusuporta upang mas
makakatulong sa rin sa pangunahing mapaganda pa ang
pagklaro sa ideya. essay.
pangunahing ideya.
PAG-OORGANISA Sunod-suno at Nagpapakita rin ito ng Organisado naman Magulo at hindi
NG MGA organisadong mabuti sunod-sunod na ang mga detalye. organisado ang mga
DETALYE ang pagkakahabi ng pagkakalahad ng mga Naipapakita rin ang detalye. Walang
mga ideya o detalye sa detalye. Ang mga transition sa transition sa ginawang
struktura ng essa. transition ay ginawang essay. essay at hindi
Nagpapakita rin ito ng nagpapakita rin ng konektado ang mga
magandang transition pagkonekta sa mga ideya o detalye.
ng mga salita na siyang ideya.
nagkokonekta nito.
ISTILO NG Ang essay ay Ang istilo ng manunulat Ang istilo ng Ang istilo ng
MANUNULAT nagpapakita ng tapat na ay konsistent at manunulat ay manunulat ay magulo
detalye at maraming maganda rin. Ang mga maganda naman at hindi magandang
kaalaman. Ang mga mambabasa ay ang pagkakalahad basahin. Mahirap
nilalaman ay nababalitaan sa mga sa essay. ANg mga unawain ang mga
naglalahad ng detalye ng essay. mambabasa ay nakalahad sa teksto.
konsistent at nahihikayat rin
magandang istilo ng naman sa sa essay.
manunulat sa mga
ideya at detalye. Ang
mambabasa ay
nakakakonektang
mabuti sa ginawang
essay.
MEKANIKS Punctuation, spelling, Punctuation, spelling, Mayroong Madami ang naitalang
Spelling, capitalization ay tama capitalization ay tama pagkakamaling pagkakamali sa
punctuation, lahat. Walang naman pero mayroon naitala sa aspektong punctuation, spelling,
capitalization pagkakamali lang kunting kamali (1- punctuation, capitalization.
2) spelling,
capitalization. (3-4)

Paunang Salita/Buod _______ Grade Equivalent (15 points maximum):


Detalye _______ A = 13 - 15 points
Organisasyon _______ B = 10 - 12 points
Istilo _______ C = 7 - 9 points
Mekaniks _______ D = 4 - 6 points
F= 0-3
Total Points ______ = grade of ______

-Hinalaw mula https://www.mesacc.edu/~paoih30491/RubricNameEssay.html


MATALINONG PANGANGASIWA NG
LIKAS NA YAMAN SA PAG-UNLAD NG
Aralin
4 BANSA AT PANANAGUTAN NG BAWAT
PILIPINO NITO
Mga Layunin sa Pag-aaral:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 nasusuri at naaanalisa ang mga paraan o pangangasiwa ng likas na yaman;
 natutukoy ang mga mahahlagang konsepto at detalye sa matalinong
pamamaraan ng pangangasiwa ng likas na yaman;
 naaanalisa ang mga sanhi at bunga ng pangangasiwa at pangangalaga;
 nakpagbibigay ng reaksyon at paliwanag sa mga iba’t ibang isyung
pangkapaligiran; at
 nakagagawa ng simpleng action plan na nagpapakita ng paraan sa
pangangalaga ng kapaligiran

Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas, nararapat lang na hindi lang


ikasiya ang mga nakukuhang benepisyo sa mga yamang likas na nagkalat sa
ating kapaligiran kundi dapat ring itaguyod ng bawat isa sa atin ang
pangangasiwa at pangangalaga nito. Kaya ipapaubaya ko sa iyo ang aralin ito na
magsilbing misyon mo upang mas maitaguyod pa natin ang ating adbokasiya.

Para sa iyong unang misyon punan ang nakatalang graphic organizer sa ibaba na
magtatala ng iyong inisyal na kaisipan o ideya sa topikong anong makakayang gawin ng batang
katulad mo upang mapangalagaan at mapangasiwaan ang iyong bahay at paaralan. Ito ay
inisyal muna na pagaanalisa sa maliit muna na sektor ng ating kapaligiran.

Ang magagawa kong


pangangalaga at
pangangasiwa sa aming
bahay at paaralan
Bilang isang Pilipino, kinakailangang maging oriented sa mga dapat gawin o responsibilidad
upang mapangalagaan ang kalikasan. Ito ang ilan lamang sa mga dapat nating tandaan:

Ang lahat ng mga lupang ari ng bayan, mga tubig, mga mineral,
karbon, petrolyo, at iba pang mga langis mineral, lahat ng mga lakas
na magagamit na enerhiya, mga pangisdaan, mga kagubatan, o mga
kakahuyan, buhay-ilang, halaman at hayop, at iba pang mga likas na
kayamaanan ay ari ng estado. (Saligang Batas ng 1987, Seksyun 2 ng
Artikulo XII)
Ang responsibilidad na nakasaad sa Saliganag Batas ay hindi
pwedeng ilipat kanino man. Dapat sumailalim sa ganap na control at
superbisyon ng estado ang paggalugad, pagpapaunlad, at paggamit
ng mga likas na kayamanan.
Dahil sa taglay nating responsibilidad, nararapat lamang na isaisip at isapuso ang mga
simpleng paraan kung paano natin mapangalagaan ang ating likas na yaman:

 Pagtatanim o muling pagtatanim ng mga puno at


halaman;
 Pagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan nito;
 Pagbabantay sa kapaligiran laban sa illegal na
pangingisda, magtrotroso;
 Pagsusuporta at pakilalahok sa proyekto ng
pamahalaan upang mapangalagaan ang kapaligiran;
 Pagsasagawa o pagsasabuhay ng 3Rs: reuse – muling paggamit ng bagay na luma;
reduce – pagbawas sa paggamit ng mga bagay; recycle – pagprosseso ng mga bagay
na patapon o itinuturing na basura at mga hindi nabubulok
 Pagsasagawa ng composting o paggamit ng mga basurang naabubulok upang pataba;
 Pagsasagawa ng waste segregation o paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at di
nabubulok;
 Ipinagbabwal ang pagtatapon ng basura o nakalalasong kemikal
sa anumang anyong tubig;
Ilan sa mga pormal na patakaran at programang itinutulak ng
pamahalanaan upang mas mapangasiwaan pa ang ating likas na
yaman:

 Sustainable Development – ito ay isang programang may


kinalaman sa wastong paggamit at pagreserba ng mga likas
na yaman upang may magamit ang susunod na hererasyon.
 Ecological Waste Management Act o Republic Act No. 9003 – ito ay programang
nagtuturo sa mga mamamayan kung paano maisasagawa ang maayos na paglikom
at pagtatapon ng mga basura, kung paano gumawa ng compost pit, at iba pang
mapakikinabangan sa pamamagitan ng pagre-recycle;
 Clean Air Act o Republic Act No. 8749 – ito ay kampanya upang mapanatiling
mailinis ang hangin lalo na sa mga lungsod o siyudad;
 Philippine Fisheries Act o Republic Act No. 8550 – ito ay nagtatadhana ng
pagpapaunlad at pamamahala ng
konserbasyon ng pangingisda at lamang-
dagat;
 Oplan Sagip Gubat – ito ay
programa ng DENR upang uling
mapayabong ang mga yamang-gubat na
ipinag-uuto ang ganap na pagbabawal sa
pagtotroso sa lahat ng matatandang gubat.

Gawain 1: Pag-isipan mo
Natutukoy ang mga mahahalagang detalye. Tukuyin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay hindi kabilang sa mga sakit na makukuha sa polusyon sa hangin.
A. pag-ubo C. sakit sa mata
B. pulmonya D. sakit sa balikat
2. Ang gas na ito ay nakatutulong sa pagsasaayos ng temperature ng mundo.
A. carbon dioxide C. nitrogen gas
B. greenhouse gas D. oxygen
3. Ito ang tawag sa mabilis na pag-init ng atmospera na nakakaapekto nang malaki sa
klima sa mundo.
A. biodiversity C. global warming
B. deforestation D. globalization
4. Ang mga lason at kemikial na ito ay nakasisira at nakakaapekto nang malaki sa ating
katubigan.
A. cyanide C. spray net
B. insectiside D. solid waste
5. Ang mga basura sa lupa ay karaniwang dinadala o tinatambak sa lugar na ito.
A. dumpsite o landfill C. garbage can
B. hill side D. landslide
6. Ang mga hayop at halaman na malapit nang mawala o maubos ay kabilang sa
katawagang ito.
A. biodiversity C. abundant species
B. endangered species D. wildlife
7. Ito ay programang may kinalaman sa wastong paggamit at pagpreserba ng mga likas na
yaman upang may magamit sa susunod na henerasyon.
A. biodiversity C. sustainable development
B. saligang batas D. local government unit
8. Ito ang programa ng pamahalaang naglalayong mapapanatiling malinis ang hangin lalo
na sa mga lungsod.
A. Clean Air Act C. Wildlife and Conservation Act
B. Philippine Fisheries Act D. Pambansang Programa sa Paggubat
9. Ipinatutupad ng pamahalaan ang programang ito upang masagip ang mga kagubatan sa
bansa.
A. Philippine Fisheries Act
B. Clean and Green Program
C. Wildlife and Conservation Act
D. Pambansang Programa sa Paggubat
10. Ito ay nagtatadhana ng pagpapaunlad at pamamahala sa konserbasyon ng pangisdaan
at lamang-dagat.
A. Clean Air Act
B. Philippine Fisheries Act
C. Clean and Green Program
D. Wildlife and Conservation Act

Gawain 2: Pag-usapan natin ang bunga


Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Tukuyin ang posibleng bunga sa mga
pangyayaring nakatala sa talahanayan. Pumili ng isang kasamahan upang makumpleto ang
misyong ito.

SANHI BUNGA

Patuloy na nauubos ang mga


punongkahoy sa kagubatan dahil sa
illegal logging.

Nagsasagawa ang pamahalaan ng


pagsasanay sa mangingisda tungkol sa
makabagong paraan ng pag-aalaga at
paghuhuli ng isda.

Pinarurusahan at pinagmumulta ang


sinumang mahuhuling gunagawa ng
illegal na pangingisda.

Patuloy ang pagkasira ng mga coral reef.

Ibinabaon ng mga mamamayan ssa lupa


ang mga basurang nabubulok.

Gawain 1: Reaksyon at Aksyon ang Kailangan

Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng mukhang nakangiti  kung ito ay matalinong
pangngasiwa at pangangalaga sa likas na yaman at mukhang malungkot  kung hindi. Sa
nakalaang patlang, magbigay ng maikling paliwanag sa isyung pangkapaligiran. Para sa
misyyong ito, kailangan mong humanap ng dalawang kasamahan at pag-usapan ang bawat
isasagot

1. Pagbabawal sa paggamit ng pinong-pinong lambat sa pangingisda

Paliwanag:____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

2. Pagtatanim sa mga gilid ng burol at bundok upang maiwasan ang erosyon.


Paliwanag:____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

3. Pagbibigay ng pahintulot ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga pagawaan at industriya


malapit sa dagat, sapa, lawa at ilog.
Paliwanag:____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________
4. Pagtatanim sa mga gilid ng burol at bundok upang maiwasan ang erossyon.
Paliwanag:____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

5. Paghuli sa mga buhay-ilang tulad ng mga ligaw na hayop at ibon upang alagaan.
Paliwanag:____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

6. Pagre-recycle ng mga bagay na yari sa metal upang muling mapakinabangan.


Paliwanag:____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

7. Pagpaparusa sa mga magtotrosong nagpuputol ng punong kahoy nang walang


pahintulot sa pamahalaan.
Paliwanag:____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

8. Patuloy na pagkontra o pangungutya sa mga programa ng pamahalaan sa isyung


pangkapaligiran.
Paliwanag:____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

9. Pagtuturo sa mga bata ng mga paraan upang hindi maisakatuparan ang mga paninira
sa kalikasan.
Paliwanag:____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

10. Ipinapatupad ang polisiyang ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura o kimikal sa


anumang anyong tubig.
Paliwanag:____________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________
Gawain 2: Gawain Para sa Bansa

Naiuugnay ang pangangasiwa ng likas na yaman sa pananagutan ng bawat isa at pag-


unad ng bansa. Suriin ang programa ng pamahalaang nakalahad sa talahanayan. Sumulat ng
mga bagay na maaaring magbunga sa kaunlaran ng ating bansa kung maipapatupad ito. Para
makumpleto

Maaaring ibungang
Isyung Pangkapaligiran Programang Pakapaligiran
kaunlaran sa bansa

Polusyon sa Lupa Presidential Decree No. 116 Mababawasan ang mga


– nagbibigay ng direktang polusyon na nararanasan ng
Polusyon sa Tubig kapangyarihan sa barangay mga tao at sa barangay.
Polusyon sa Hangin na mahigpita na ipatupad ang
Pollution and Environmental Kapag ito ay naipatupad ng
Control Laws. mabuti, maari itong
makaimpluwensya sa iba
pang barangay na siya na
ring gagawin ng buong
barangay ng bansa.

Clean and Green Program –


ito ay naglalayong maituro sa
mga local na komunidad at
mga LGU ang kahalagahan
ng pagkakaroon at
pagpapanatili ng luntiang
kapaligiran.

Wildlife Resources
Conservation and
Protection o Republic Act
No. 9147 – ito ang
nagtatakda ng mga
pamantayan at proteksyon sa
mga Philippine Wildlife
Resource.

Philippine Strategy on
Climate Change Adaptation
– ito ay programa ng
pamahalaan upang
mabawasan ang epekto ng
climate change sa Pilipinas
Gawain: Palawakin ang Kaalaman at Gawin itong Aksyon

Sa nabuo ninyong pag-aanalisa sa grupo at bilang pagpapatuloy ng ginawa ninyong pag-


aanalisa ng mga programa at isyung pangkapaligiran, kayo ay magpapatuloy sa inyong misyon
na pangalagaan at pangasiwaan ang likas na yaman ng ating bansa sa pamamagitan ng
paggawa ng simpleng action plan. Nakalahad na sa talahanayan ang isang halimbawa nito.
Kumpletuhin niyo itong talahanayan upang maisakatuparan ang misyon.

ACTION PLAN NA PANGKAPALIGIRAN

Isyung Programang Layunin Stratehiyang Target na Araw


Pangkapaligiran Pangkapaligiran upang Gagawin upang o Buwan upang
Mabago ang maisakatuparan maisakatuparan
Kapaligiran ang Layunin ang stratehiya

Polusyon sa Ecological Waste Kinakailangang Magkaroon ng Isang taon


Lupa Management Act mabawasan clean-up drive (isang beses
ang mga ang bawat kada isang
basurang barangay ng linggo)
nakakalat sa kada linggo at i-
ating kalupaan segregate ang
at mapababa mga basura
ito sa 5%
Rubric para sa Action Plan na Pangkapaligiran

Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos
Nakapagbibigay ng akmang mungkahing paraan ng pangangasiwa ng 5
napiling likas na yaman ng bansa.
Nakapagbibigay ng makatotohanang mungkahi o paraan ng wastong 5
pangangasiwa ng likas na yaman.
Nakumpleto ang lahat ng impormasyong kailangan sa pagbibigay ng 5
mungkahing paraan batay sa action plan na nabuo.
Kabuoang Puntos 15

5 – Napakahusay 3 – Katamtaman 1 – Sadyang di mahusay


4 – Mahusay 2 – Di gaanong mahusay
Sa inyong learning journal ay sagutin ang mahalagang tanong sa ibaba bilang
paglalahat sa araling ito.
Bakit mahalaga ang matalinong pagpapasiya sa pangangasiwa ng mga
likas na yaman ng bansa?

Learning Journal
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_
Mga Aklat at Iba Pang Sanggunian

Reyes, M. (2015). Skill Book in Grammar. CTE Bulletin. Laoag City, Ilocos Norte.

Dayag, A. (2015). Pluma: Wika at Pagbasa para sa Elementarya. Phoenix Publishing House. 927
Quezon Avenue, Quezon City.

Julian, A. et al (2015). Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino. Phoenix Publishing House. 927 Quezon
Avenue, Quezon City.

Tagami, M. et al. (2018). Skill Book in Grammar IV. Laoag City, Ilocos Norte

Media/Web sites/ Internet Sites:

https://www.dreamstime.com/steel-garbage-bin-full-trash-overflowing-food-rotten-fruit-
papers-containers-glass-recycling-utilization-equipment-vector-image109377248

http://www.yourarticlelibrary.com/environment/deforestation/deforestation-major-causes-and-
effects-of-deforestation-531-words/9920

https://carmenmillet.wordpress.com/2009/08/04/garbagestrike/garbage-strike-022/

http://getdrawings.com/global-drawing

http://tpcsulongdunong.blogspot.com/2016/08/high-school-module-science-no1-ang.html

http://angmandirigmangpangkalikasan.blogspot.com/2014/07/sanhi-ng-polusyon-sa-lupa.html

https://spineofindia.com/deforestation-in-india/

http://animalstime.com/endangered-animals-in-the-philippines-top-5-endangered-species/

http://scienceguro.blogspot.com/2009/11/extinction-of-philippine-animals-and.html

Ang mga larawan ay hinalaw mula sa Google images

You might also like