You are on page 1of 19

4

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 8
Linggo 8:
Pambansang Awit at Watawat
bilang mga Sagisag ng Bansa

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 8: Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng
Bansa
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio
Development Team of the Module

Authors: Judy Mae C. Dalapo

Editor: Nicolasa R. Taranzon

Reviewers: Cecilia E. Ingotan, PSDS


Susan A. Alavanza
Chona A. Dilangen

Illustrator: Fernando A. Ombayan


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson:
Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent

Members:
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
1
4
Website: deped-valencia.org

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 8
Linggo 8:
Pambansang Awit at Watawat bilang mga
Sagisag ng Bansa

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.
 
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna at
rekomendasyon.

2
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Panimula

Ang Modyul na ito ay inihanda upang maging gabay sa mga


mag-aaral ng ika-apat na baitang sa Araling Panlipunan. Tulad ng
aklat para sa mga mag-aaral, nahahati ang modyul sa apat na yunit.
Inaasahan ang Modyul na ito ay makatulong sa pagiging lalong
malikhain, at magsilbing gabay sa lubusang pagkatuto ng mga mag-
aaral.
Ang mga inilaang gawain sa bawat leksyon ay naaayon sa iyong
kakayahan at mga karanasan.
Hangad namin na masagawa at maipakita ang tunay na
pagpapahalaga sa Diyos,sa tao,sa kalikasan at sa bansa.

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa pag-


gamit ng Modyul sa Araling Panlipunan ng
Ikaapat na baitang.

3
i

Alamin

Isang atas sa lahat ng pampublikong paaaralan ang pagsali ng


bawat mag-aaral sa pagtataas ng watawat o flag ceremony tuwing
araw ng lunes.
Sumasali kaba rito?
___________________________________________________
Ano ang nararamdaman mo tuwing inaawit mo ang Lupang
Hinirang?
___________________________________________________

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Matatalakay ang kahulugan ng pambansang-awit at


watawat bilang sagisag ng bansa
2. Nakapaglalarawan sa mga simbolo sa watawat.
3. Nakapagpapahalaga sa mga sagisag ng ating bansa.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na mga hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

4
Icons sa Modyul na ito ii

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
5
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii
Subukin

Panuto: Isulat ang T sa patlang kung wasto ang isinasaad ng


pangungusap at M kung hind.

1. Patuloy sa paglalakad habang inaawit ang pambansang


awit.

2. Ilagay ang kanang kamay sa may dibdib habang


inaawit ang Lupang Hinirang.

3. Huwag nang tanggalin ang suot na sombrero kahit may


flag ceremony.

4. Ituloy lamang ang kuwentuhan habang itinataas ang


watawat.

5. Tumayo nang tuwid habang inaawit ang pambansang


awit.

6. Tiklupin nang maayos ang watawat.

7. Awitin nang wasto at may damdamin ang Lupang


Hinirang.
8. Ira-rap ang pag-awit ng Lupang Hinirang.

9. Iingatan na huwag sumayad o bumagsak sa lupa ang


watawat.

10.Laging pahalagahan ang paghihirap ng mga ninuno


upang makamit ang kalayaan.

6
iv
Pambansang Awit at
z

Aralin

8 Watawat bilang mga


Sagisag ng Bansa
Ang watawat at pambansang awit ng Pilipinas ay mga
sagisag na nagpapakilala sa ating pagka-Pilipino at
kumakatawan sa ating bansa.

Balikan

Paano nabubuo ang pagkakakinlang Pilipino?

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

Ano ang kaugnayan nito sa Kultura?

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

7
Tuklasin

Panuto: Ipa-awit ang Pambansang Awit.


Sumangguni sa video.
(Pwedeng gumamit ng video ng Pambansang Awit).

Lupang Hinirang

Bayang magiliw
Perlas ng silanganan,
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa’yo

8
Suriin

Ano ang nakikita ninyo sa ibaba?

____________________________________________

Ang ating watawat ay may iba’t-ibang simbolo at


bawat simbolo ay may kahulugan.

 Ang kuhulugan ng Bughaw na kulay ay para sa


kapayapaan.
 Ang Pula ay kagitingan.
 Puti ay kalinisan ng puri at dangal.
 Ang kumakatawan ng tatlong bituin ay Luzon, Visayas at
Mindanao.
 Ang unang bituin ay para sa Luzon na ang pangalan ay
mula sa salitang “lusong”. Ang ikalawang bituin ay para sa
Mindanao na ang pangalan ay mula sa “danaw” o lawa. Ang
ikatlong bituin ay para sa pulo ng Visayas na ang pangalan
ay mula sa salitang “masaya”.

9
 Ang walong sinag ng araw ay kumakatawan sa unang
walong lalawigan na naghimagsik laban sa mananakop na
mga kastila. Ang ibig sabihin ng araw sa gitna ng tatsulok ay
kaliwanagan ng isipan.

 Ang nagdisenyo ng ating watawat ay si Emilio


Aguinaldo. Ang sumulat ng titik ay si Jose Palma at ang
naglapat ng tugtug o musika ay si Julian Felipe.

 Ang pambansang awit at watawat ay mga sagisag ng


ating bansa.

 Ang mga pambansang sagisag ay dapat nating


ipagmalaki.

 Nakilala ang ating bayan dahil sa kaniyang mga


sagisag.

10
Pagyamanin

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga liriko ng Lupang


Hinirang ayon sa wastong ayos nito.

1. Alab ng Puso
Perlas ng Silanganan
Sa dibdib mo’y buhay
Bayang magiliw

2. Duyan ka ng magiting
Di ka pasisiil
Lupang Hinirang
Sa manlulupig

3. May dilag ang tula


At awit sa paglayang minamahal.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw

4. Ang kislap ng watawat mo’y


Ang bituin at araw niya
Tagumpay na nagniningning
Kailan pa ma’y di magdidilim.
11
5. Ang mamatay nang dahil sa ‘yo.
Buhay ay langit sa piling mo;
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi

Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang


upang mabuo ang diwa ng talata. Tignan ang sagot
sa loob ng kahon.

Ipagmalaki watawat bansa awit

Ang pambansang (1)________ at (2) _________


ay mga sagisag ng (3)__________. Ang
pambansang sagisag ay dapat nating
(4)____________.

Isagawa

Panuto: Gumuhit ng watawat sa loob ng unang kahon at


kulayan ito,pagkatapos isulat kung ano ang mga
kahulugan sa simbolo ng watawat sa ikalawang
kahon.

1.

12
2. Kahulugan sa Simbolo ng Watawat

Tayahin

I. Panuto: (Analohiya) Isulat ang kapareha ng salita batay sa


naunang grupo ng salita. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

tatlo Julian Felipe


lusong Emilio Aguinaldo
masaya kaliwanagan ng isip
watawat Luzon, Visayas at Mindanao
kagitingan bakonahe ni Hen. Emilio Aguinaldo
1. Bughaw : kapayapaan
Pula:______________

2. Mindanao: danao
Luzon:_____________

3. 8 sinag ng araw : 8 lalawigan naghimagsik


3 bituin: ___________________________

4. Disenyo :______________
Tumahi : Delfina Herbosa- Natividad, Marcela Agoncillo at
Lorenza Agoncillo

13
5. ____: Kulay
Tatlo: bituin
6. ____________: sagisag ng bansa
Lupang Hinirang : pambansang awit

7. Pagtahi : Hongkong
pagwagayway :_____________

8. Jose Palma: sumulat ng titik


_________ : naglapat ng tugtug o musika
9. Luzon : kasipagan
Visayas : ______________

10.Sinag ng araw : naghimagsik


Araw sa gitna ng tatsulok:_____________

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang tanong na nasa ibaba.

Bakit mahalaga ang Pambansang Awit at Watawat


bilang mga sagisag ng Bansa?

________________________________________
________________________________________
________________________________________

14
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. M Pagyamanin
2. T 1. Bayang magiliw
3. M Perlas ng silanganan,
4. M Alab ng puso
5. T Sa dibdib mo’y buhay.
6. T 2. Lupang hinirang,
7. T Duyan ka ng magiting,
8. M Sa manlulupig,
9. T Di ka pasisiil.
10. T 3. Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
Isaisip At awit sa paglayang minamahal.
1. awit 4. Ang kislap ng watawat mo’y
2. watawat Tagumpay na nagniningning,
3. bansa Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y di magdidilim.
4. ipagmalaki
5. Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na ‘pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa’yo.

Isagawa at Karagdagang Gawain


 Ang guro na ang bahalang magbigay
15 ng puntos. Tayahin
1. kagitingan
2. lusong
 Gumamit ng Rubric. Ang guro na ang
3. Luzon, Visayas, at Mindanao
bahala sa paggawa ng rubric.
4. Emilio Aguinaldo
5. 3
Reference:

Adriano, M. G.V., M. A. Caampued , C. A. Capunitan., W.F. Galarosa,


N.P. Miranda, & E.R. Quintos (2015). Araling Panlipunan-Ikaapat
na Baitang. VIBAL Group Publishing, Inc

https://www.youtube.com/watch?v=7xvpY7-6kz4

https://ncca.gov.ph/wp-content/uploads/2019/02/BALANGHAY-MAY-
JUNE-2012.pdf

16
17
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

18

You might also like