You are on page 1of 23

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 2:Linggo 2
Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang
Malaman

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan - Modyul 2: Lingo 2: Pagpapahalaga at Paggalang sa Pagkakaiba-iba ng
Kultura
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang -sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anu mang akda
ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan
o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul sa EsP 4

Author: Barbara E. Tiongco

Editor: Maria Fe C. Tayong


Reviewers: Phebe S. Antiquina, PSDS
Jannete P. Cabaya
Jane C. Agpalza

Illustrator: Julius C. Bucar

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso


Israel C. Adrigado

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members: Neil A. Improgo – EPS, LRMS


Bienvenido U. Tagolimot., Jr. – EPS, ADM
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Yeselucio N. Patriarca, Jr., EPS – EsP
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 2 Linggo 2
Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang
Malaman

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang
propesyonal na nasa larangan ng Edukasyon na magpadala
ng kanilang puna o komento at rekomendasyon sa Kagawaran
ng Edukasyon sa sa pamamagitan ng email na ito:
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
(This page is intentionally blank)

3
Panimula

Ang modyul na ito ay inihanda ng may may-akda upang


maging kagamitan sa mga mag-aaral para matuto sa
asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ikaapat na
baitang. Ang aralin na ito para sa ikatlong linggo.

Inaasahang ang modyul na ito ay magsisilbing daan upang


mapapahalagahan at maipagmamalaki natin ang iba-ibang
pangkat etniko na pinatingkad at pinakulay ng ibat-ibang
kultra tulad ng katutubong kasuotan,sayaw,awit laro at iba
pa. Kaya’t mahalin natin at pahahalagahan natin ang sarili
nating kultura na ating kinabibilangan.

Ang mga inilaang gawain sa bawat aralin na ito ay naaayon


sa iyong kakayahan at mga karanasan .Sadyang ginawang
kawili-wili at may pagkamalikhain ang mga gawain upang
mapukaw at mapalawak ang iyong pag- iisip at damdamim
sa bawat paksang tinatalakay.

Mga paalala sa mga Guro

Inirerekomenda na masubaybayan ang


lahat ng mga gawain ng mga mag-aaral
upang lubusang mapakinabangan nila ang
modyul na ito.

4
Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo na


gawin ang sumusunod:

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Naipagmamalaki/Napapahalagahan ang nasuring kultura


ng ibat ibang pangkat etniko tulad ng kuwentong-bayan,
katutubong sayaw,awit,laro at iba pa

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na mga hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na mga tanong sa pagtataya at pagsasanay.

5
Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

6
Subukin

Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay tama at M kung hindi.

___1. Ang mga Ilokano ay kilala sa matipid at masinop sa buhay.

___2. Ang mga Agta ay kilala sa pagiging mahusay at


pangangaso.

___3. Ang mga T’boli ay may magagara at makukulay na


kasuotan.

___4. Ang Pilipinas ay tahanan ng pinakaraming mga pangkat


etniko.

___5. Amerikano ang tawag sa isang batang ang ama ay Tsino


at ang ina ay Pilipino.

___6. Ang Durian ay isa sa ipinagmamalaking prutas ng Davao.

___7. Iba’t ibang instrumentong pangmusika ang gamit ng mga


T’boli sa pagtatanghal..

___8. Dapat lang na ang isang tao ay may pagpapahalaga sa


kaniyang sariling kultura.

___9. Ang kultura ay nagpapakilala ng isang bansa sa buong


daigdig.

___10. Ang iba’t ibang pangkat etniko ay may kakaibang kultura


tulad ng katutubong sayaw, laro,awit, kasuotan at iba pa.

Aralin Kultura ng mga Pangkat


Etniko, Mahalagang
7
3 Malaman

Maganda ang bansang Pilipinas.Sagana tayo sa mga likas na


yaman.Dinarayo tayo ng ibat-ibang dayuhan,dahil sa ating
natatanging mga likas na kultura. Ang bawat rehiyon at pangkat
etniko ay lalo pang pinatingkad ng mga kakaibang kultura tulad ng
katutubong kasuotan, sayaw, awit, laro, at iba pa. Ang mga ito ay
sariling atin kaya’t ating ipagmamalaki at pahahalagahan kahit saan
mang sulok tayo ng bansa mag punta.
Ikaw, kilala mo ba ang iyong kinabibilangang pangkat etniko?

Mo
8
Balikan

Kilalanin ang mga larawan na nagpapakita ng kultura


ng ating bansa at lagyan ng √ ang patlang kung ito ay
nagpapakita at X kung hindi.

1._____ 2._______

3.___ 4.___

5.____

9
Tuklasin

Alam mo ba kung saang pangkat etniko ang kinabibilangan mo?


Matutukoy mo ba ang mga ibat-ibang kasuotan ,awit, sayaw laro at
iba pa. Kaya mo bang mahalin at ipagmalaki ang mga ito?Anong
pangkat etniko ka nabibilang
Basahin ang kuwento.
Maipagmamalaking T’boli si Tatay
Unang pagbisita ng mag-anak nina Abegail at Hadji sa bayan ng
South Cotabato, ang probinsiya ng kanilang tatay na isang T’boli. Sa
kanilang pamamasyal, sa daan pa lamang ay sabik na sabik na ang
magkakapatid sa kanilang pupuntahan. Sinabi ng kanilang nanay na
maliban sa kagandahan ng mga tanawin tulad ng Lake Cebu ay
marami pa silang makikitang ikakasiya nila. Wiling-wili sina Abegail at
Hadji sa natatanaw nilang mga kulay rosas at puting bulaklak ng lotus
na nagkukumpulan at nakalutang sa tubig.

Pagbaba pa lamang nila mula sa sasakyan ay sinalubong na sila


ng magigiliw na tagapangasiwa ng resort na napili ng kanilang tatay
na puntahan. Masayang-masaya si Abegail dahil sa nakita niyang
kakaibang mga suot ng mga taong sumasalubong sa kanila.

“Kuya Hadji ,kakaiba naman ang mga suot ng mga taga rito.
Makukulay ang kanilang damit at marami pa silang palamuti sa
katawan mula ulo hanggang paa”.yon ba?. Sila ay mga katutubong
T’boli.Sabi ng aming guro,sila ang mga katutbong tao na naninirahan
sa lugar na ito noon pa man atmakukulay na T’nalak talaga ang
kanilang kasuotan,”sagot ni Hadji kay Abegail.

10
Dali-dali silang tumuloy sa isang kubo na yari sa kawayan na
nasa pampang ng lawa kung saan maaari silang magpahinga,
magkuwentuhan, at hainan ng pagkain. Mabilis na inayos ng kanilang
nanay ang kanilang mga gamit at ilang dalang pagkain.

Maya-maya lamang ay mabilis na inihain sa kanila ng mga taong


nakasuot T’boli ang mga pagkaing inorder ng kanilang tatay. Habang
kumakain sila ay may mga pangkat T’boli na may mas magarbong
kasuotan ang nagsimulang nagtanghal sa kubo nila. Gamit ang
kanilang mga instrumentong pang musika tulad ng tambol na yari sa
balat ng hayop, agong, at kulintang. Hawak din ng mga babae ang
mga instrumento nilang hinihipan tulad ng plawta na yari din sa
kawayan, kubing, at maliit na tambuli. Mayroon din silang
instrumentong de-kuwerdas tulad ng sludoy at hagalong.

Maya-maya pa ay nagsimula na silang tumugtog at sumayaw.


Maindayog ang kanilang mga galaw. Bawat sayaw ay ipinaliwanag ni
Tarhata na siyang pinakapinuno ng mga nagtatanghal, ang mga
kahulugan nito. May sayaw para sa panliligaw, pagkakasal,
paglalaban, pag wagi, at pag-ibig. Umawit din si Tarhata ng isang
awiting T’boli. Matapos ang kanilang patatanghal ay umalis sila at
nagpasalamat.

“Kayhusay naman nilang magtanghal!. Talagang ipinagmamalaki


nila ang kanilang Kultura at pagiging T’boli”. Pahabol ng kanilang
nanay.

“Oo nga po. At kay gagara ng kanilang kasuotan. Mula sa ulo ay


may paynetang may abolaryong tanso at salamin. Pati ang mga
tansong sinturon ay tumutunog-tunog at ang mga anklet ay gayon
din,”dagdag ni Abegail.

11
“At pati mga tugtugin at awitin ay kakaiba ngunit tunay na
maipagmamalaki kahit kanino man,” banggit naman ni hadji.

Biglang nagsalita ang kanilang tatay na kanina pa pala natutuwa.


“Alam ninyo, mga anak, nasisiyahan ako sa inyong mga sinasabi.
Ang mga T’boli ay isa lamang sa napakaraming pangkat etniko rito sa
ating bansa. Bawat pangkat ay may ibat ibang kuwentong bayan,
katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa. Ang pagkakaroon natin ng
napakaraming pangkat etniko ay hindi kahinaan ng ating bansa. Ito
ang nagpapakulay at nagpapaganda ng ating lahi. At bawat pangkat
etniko ay tunay na ipinagmamalaki ng kanilang lahi.”

“Dapat lang na ang isang tao ay may pagpapahalaga sa kaniyang


sariling kultura. Paraan ito ng pagmamahal sa kaniyang bansa,”
sabat naman ng kanilang nanay.

Biglang nagsalita ang kanilang tatay, “ Kaya naman ako ay talagang


nagmamalaki sa aming katutubong T’boli. At dahil doon, nakilala at
mahal mo ako, di ba? Ha hahahah”

Biglang nagtawanan ang mag-asawa. Nagtataka naming


nagtinginan ang magkapatid na Hadji at Abegail..

Mula sa Batayang aklat ng Edukasyonsa Pagpapakakatao 4” kagamitan ng Mag-aaral


pahina 207-209.

12
Suriin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ilarawan ang mga kultura ng mga T’boli pagkatapos
magtanghal na hinahangaan nila Hadji at abegail.

2. Humahanga ba ang mga magkapatid na Hadji at Abegail sa


kultura ng mga T’boli na kailang nasaksihan?

3. Bakit kaya mahalagang malaman mo ang iba’t ibang kultura ng


mga pangkat etniko n gating bansa?

4. Masaya ba ang mga magkapatid sa kanilang pagbisita sa


probinsya ng kanilang tatay?

5. Dapat ba na ang isang tao at magpapahalaga sa kaniyang


kultura?Anong paraan ang maipapakita mo sa pagpapahalaga
ng kultura?

13
Pagyamanin

Gawain A
Isulat sa patlang ang salitang Tama kung tama ang isinasaad sa
pangungusap at Mali naman kung hindi.

_______1. Ang T’boli ay may magagara at makukulay na kasuotan.


_______2. Hangang hanga ang mga magkakapatid na Hadji at
Abegail sa Kultura ng mga T’boli.
_______3. Dapat lang na ang isang tao ay may pagpapahalaga sa
kaniyang sariling kultura.
_______4. Hindi na kailangang malaman pa ang kahalagahan ng
mga pangkat etniko sa ating bansa.
_______5. Iba’t ibang instrumentong pangmusika ang gamit ng mga
T’boli nang sila’y magtatanghal.

Gawain B
Buuin ang tsart ng mga alam mong maipagmamalaking kultura ng
pangkat etnikong kinabibilangan mo.

Kultura Mga halimbawa mula sa pangkat etnikong


kinabibilangan mo.
Kuwentong bayan
Katutubong sayaw
awit
Laro
kagamitan

14
Isaisip

Kompletuhin ang patlang ng hinihinging impormasyon. Isulat ang


iyong sagot sa patlang.

Ako ay si___________________________.

__________ ang pangkat etnikong aking kinabibilangan.

Nakalararawan sa itaas na bahagi ang katutubong kasuotan na

maipagmamalaki namin. Ang kuwentong bayan na sikat sa aming

pangkat etniko ay ________________. Sikat na katutubong sayaw

naman ang _____________________.

Ang katutubong awit namin ay ang _________________. Ang

isang katutubong laro naman na aming nilalaro ay ang

_______________. Maipagmamalaki ko ang mga ito sa

pamamagitan ng _____________________________.

15
Isagawa

Gawain 1

Isulat sa patlang ang sarili mong saloobin sa sumusunod.

Ang mga T’boli ay isang pangkat etniko sa Pilipinas na may


sariling mga kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at
iba pa.
Isulat ang iyong mga gagawin kung paano mo
maipagmamalaki at mapapahalagahan ang mga ito.
Kung ikaw ay isang T’boli, paano mo maipagmamalaki sa
kapuwa Pilipino at mga dayuhan ang yaman ng iyong kultura?

____________________________________________________________________

Bilang isang mag-aaral na may nakagisnang pangkat


etniko, paano mo pinahahalagahan o ipinagmamalaki ang
nkagisnan mong Kultura?

________________________________________________.

16
Tayahin

Gawain A: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Ang mga ______________ay kilala sa masinop at matipid sa


buhay.
A.Ilocano C. Bisaya
B.Tagalog D. Muslim
2. Ang mga _________ ay may makukulay na kasuotan.
A. Ilocano C. Amerikano
B. T’boli D. Agta
3. Ang ____________ ay tahanan ng pinakamaraming mga
pangkat etniko.
A. Tawi-tawi C. Davao
B. Pilipinas D. Amerika
4. Ang mga ________ ay killala sa pagiging mahusay na
pangangaso.
A. T’boli C. Agta
B. Tagalog D. Muslim

5. _________ ang tawag sa isang batang ang ama ay Pilipino at


ang ina ay Pilipino.
A. Amerikano C. Arabo
B. Tsino D. Pilipino

Gawain B: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali


naman kung hindi.

____ 1. Ang Durian ay isa sa ipinagmamalaking prutas ng Davao.


____ 2. Iba’t ibang instrumentong pangmusika ang gamit ng mga
T’boli sa pagtatanghal..
_____3. Hindi dapat na ang isang tao ay may pagpapahalaga
sa kaniyang sariling kultura.
____ 4. Ang kultura ay nagpapakilala ng isang bansa sa buong
daigdig.
_____5. Ang iba’t ibang pangkat etniko ay may kakaibang kultura
tulad ng katutubong sayaw, laro,awit, kasuotan at iba pa.

17
Karagdagang Gawain

Napabalita kamakailan ang mga mag-aaral ng isang


paaralan sa Baguio City na ipinakita ang paglalaro ng
basketball habang nakasuot ng bahag na kanilang katutubong
kasuotan. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng barangay sa
pagtatapos ng Brigada Eskuwela at sa pagsisimula ng pasukan.
Naipakita ba nila ang pagmamalaki sa kanilang sariling kultura?

Sumulat ng maikling talata sa pamamagitan ng isang


tula hinggil sa talatang iyong binasa.

____________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

_____________________________.

18
Answer Key

Subukin Balikan
1. T 1.√
2.T 2.√
3.T 3.√
4.T
4.×
5.M
6.T 5.√
7.T
8.T
9.T
10.T

Tayahin
Pagyamanin 1 Gawain A Gawain B
1.Tama 1. A 1. Tama
2.Tama 2. B 2. Tama
3.Tama 3. B 3. Mali
4.Mali 4. C 4. Tama
5.Tama 5. D 5. Tama

isaisip Isagawa
Depende sa sagot ng mag-aaral Depende sa sagot ng mag-aaral

19
Sanggunian:

https://www.google.com/search?rlz=1C1GCEA_enPH902PH902&sxr
f=ALeKk03g4uOtXL2mRFFeQMx0mq4vVlWww:159331802015
3&source=univ&tbm=isch&q=ibatibang+etniko+ng+pilipinas+tul
ad+katutubong+sayaw,laro,sayaw+at+iba+pa+in+public+domai
n&sa=X&ved=2ahUKEwjSzOuU1KPqAhVEZt4KHSR6CyMQsA
R6BAgKEAE&biw=1366&bih=657

https://www.google.com/search?q=mga+katutubong+sayaw+ng+T
%27boli+ng+Pilipinas+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahU
KEwjWsoLl2aPqAhUyHKYKHfjwCKQQ2cCegQIABAA&oq=mga
+katutubong+sayaw+ng+T
%27boli+ng+Pilipinas+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQD
FDuyQRYzegEYLz8BGgAcAB4AIABoBKIAaIvkgERMi0zLjIuMS
4xLjAuMS4wLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=i
mg&ei=aiD4XtbVHLK4mAX44aOgCg&bih=608&biw=1366&rlz=
1C1GCEA_enPH902PH902#imgrc=8U7i2_Sx30Q5YM

https://www.google.com/search?q=mga+katutubong+kasuotan+ng+
%27boli+ng+pilipinas+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahU
Kwi0g96e4aPqAhVM3JQKHcGPBDsQ2cCegQIABAA&oq=mga
+katutubong+kasuotan+ng+t
%27boli+ng+pilipinas+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQD
FDFvgFYhuIBYPr1AWgAcAB4AIABsgWIAcUnkgEJMi00LjIuMi
40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=Oij4Xr
TIcy40wTBn5LYAw&bih=608&biw=1366&rlz=1C1GCEA_enPH
902PH902#imgrc=QDxFx_GnskdHG

https://www.google.com/search?
q=katutubong+awit+ng+mga+ilokan+in+public+domain&rlz=1C
1GCEA_enPH902PH902&sxsrf=ALeKk03ktFlzvnbaQ43zxbDk
nYYLGwNAcg:1593598472858&tbm=isch&source=iu&ictx=1&f
ir=uKIE6afIjB6WnM%252CFuUUgdytt8hoAM
%252C_&vet=1&usg=AI4_kQCoYU7UoErxqfqyfIYsb1aXFVMU
A&sa=X&ved=2ahUKEwjbnY736KvqAhXMfd4KHXCPCV8Q9Q
EwAXoECAkQBw&biw=1019&bih=600#imgrc=uKIE6afIjB6Wn

20
https://www.google.com/search?q=mga+instrumentong+de-
kuwerdas++ng+mga+T
%27boli+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwiBpb6N5
KPqAhXTIaYKHUiYAUIQ2cCegQIABAA&oq=mga+instrumento
ng+dekuwerdas++ng+mga+T
%27boli+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQDFD50gJY1ID
YM32A2gFcAB4A4ABzxKIAc6uAZIBETItOS40LjQuNi40LjIuMy
4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=Oyv4X
sGbKtPDmAXIsIaQBA&bih=608&biw=1349&rlz=1C1GCEA_en
PH902PH902&hl=en-GB

https://www.google.com/search?
q=katutubong+laro&sxsrf=ALeKk01zM9wKMBREveo2r35WTuc
9IqlTvg:1593571211586&tbm=isch&source=i&ictx=1&fir=il3YM
CJjcRwAEM%252CLjAWqOrD9agm8M
%252C_&vet=1&usg=AI4_-kROeVDTTA-
WYkOQeBsx6tvVrSkZzQ&sa=X&ved=2ahUKEwijo_avg6vqAhX
Zdd4KHcfFAS8Q9QEwA3oECAoQLg#imgrc=il3YMCJjcRwAEM

21
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615


22

You might also like