You are on page 1of 19

4

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 2
Linggo 2:
Antas ng Pamahalaan at Ang mga
Namumuno Nito

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2- Antas ng Pamahalaan at Ang mga Namumuno nito
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module

Author: Anthony Sol F. Macatana

Editor: Nicolasa R. Taronzon

Reviewer: Ceciia E.Ingotan, PSDS


Chona H. Dilangen
Susan A. Alavanza

Illustrator: Fernando A. Ombayan

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso


Israel C. Adrigado
Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org
Araling Panlipunan 4
Ikatlong Markahan - Modyul 2
Linggo 2:
Antas ng Pamahalaan at Ang mga
Namumuno Nito

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Panimula

Ang modyul na ito ay sadyang inilaan para sa Ikaapat na


Baitang. Ang mga aralin ay ibinatay sa mga kasanayang nakapaloob
sa kompetensi ng Kagawaran ng Edukasyon. Inaasahang ito ay
tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagkatuto sa
asignaturang Araling Panlipunan. Ang mga gawain sa bawat aralin ay
naaayon sa kakayahan ng mga batang mag-aaral sa baitang na ito.
Kawili-wili at may pagka-malikhain ang mga gawain upang mapukaw
ang isip at damdamin ng mga bata sa bawat paksang tatalakayin.
Maaaring gumamit ang mga mag-aaral ng “Activity Notebook” o
papel sa pagsasagawa/pagsagot sa mga gawain at pagtataya.
Magsisilbi itong Portfolio ng mga mag-aaral na maaaring gamitin ng
guro sa pagdisenyo ng interbensyon at programa, pagbuo ng mga bago
at angkop na mga aralin, at pagbibigay ng kaukulang marka.
Napakadali lamang masusundan at mauunawaan ang modyul na ito.

Mga Tala Para sa Guro

Ang Aaaakkjj Mga kaguro malugod nating gabayan ang mga mag-
aaral sa pag-gamit ng Modyul na ito sa Araling Panlipunan na sadyang
inilalaan para sa Ikaapat na baitang. Maraming salamat po!

i
Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo


nang gawin ang mga sumusunod:

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng


Pilipinas.
• Natatalakay ang antas ng pamahalaan (pambansa at
lokal)
• Natutukoy ang mga namumuno ng bansa.
• Natatalakay ang pagpili at ang kaakibat na kapangyarihan
ng mga namumuno ng bansa.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang mga aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

ii
Icons sa Modyul na ito
Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng
layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatayang ito ay ginamit upang
masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii
Subukin

DILG Pangulo ng Senado


Ispiker Punong Mahistrado
Pangulo Pangalawang Pangulo
Barangay Punong Bayan o Alkalde
Gobernador Punong Barangay o Kapitan

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang kasagutan tungkol


sa inilalarawan ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa iyong activity notebook.

1. Sino ang tinaguriang pinuno ng estado? ____

2. Sino ang pinuno ng ating Barangay? _____

3. Ang taong ito ang namumuno ng Senado. _____

4. Sino ang namumuno sa Bayan o Lungsod?____

5. Sino ang pinuno ng Korte Suprema? _____

6. Ang taong ito ay siyang namumuno sa Lalawigan. _____

7. Sino ang pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan? _____

8. Siya ang maaaring pumalit bilang pangulo ng bansa. _____

9. Ano ang tinaguriang pinakamaliit na politikal na yunit ng ating


pamahalaan? _____

10.Anong ahensiya ang nangangasiwa sa mga lokal na


pamahalaan? _____

iv
iv
Aralin Antas ng Pamahalaan at
2 ang mga Namumuno
Nito
Ating napag-alaman na ang pamahalaan ay isang organisasyong
daluyan ng pamamahala at kapangyarihan ng estado. Ito rin ang
nagmamalasakit sa mga mamamayan at mga taong kanyang
nasasakupan. Ito ay may kakayahang magpaunlad ng isang lipunan,
gumagawa at nagpapatupad ng mga batas. Ito rin ang nangangalaga
sa kaayusan ng lipunan upang maisakatuparan ang mga programa nito
sa pag-tugon ng anumang panganagilangan ng bawat mamayang
Pilipino.
Ang antas ng ating pamahalaan ay nahahati sa dalawa: ang
lokal at ang pambansang antas. Nasasakupan ng pambansang antas
ang buong bansa na kinabibilangan ng tatlong sangay ng pamahalaan.
Saklaw naman ng pamahalaang lokal ang mga lalawigan, lungsod,
bayan at mga barangay.

https://www.officialgazette.gov.ph

8
Balikan

Panuto: Tukuyin kung Pambansa o Lokal na antas ng


pamahalaan ang may saklaw ng sumusunod na mga sitwasyon.Isulat
ang sagot sa iyong activity notebook.

1. Pakikipag-ugnayan sa labas ng ating bansa. ________

2. Koleksiyon ng mga basura at pagliligpit nito. ________

3. Pagsagip sa mga asong pagala-gala. ________

4. Pagpapatayo ng mga karagdangang gusaling pampaaralan.


________

5. Pagpapataw ng parusa sa mga taong lumalabag sa batas.


________

Tuklasin

Panuto: Sa ibaba ay makikita mo ang isang tsart. Punan mo ito ng


tamang pangalan ng mga kasalukuyang namumuno sa ating bansa.

Namumuno sa Bansa Mga Kasalukuyang Pinuno


1. Pangulo
2. Pangalawang Pangulo
3. Pangulo ng Senado
4. Ispeker ng Mababang
Kapulungan
5. Punong Mahistrado

9
Suriin

Ang Antas ng Pamahalaang Pilipinas

malacanang.gov.ph/about/malacanang

Pamahalaang Pambansa

Ang kapangyarihan ng isang pambansang pamahalaan ay


sumasaklaw sa buong teritoryo ng estado na kinabibilangan ng tatlong
sangay ng pamahalaan na ating natalakay sa nakaraang aralin.

Ang Sangay ng Ehekutibo ay ang tagapagpatupad ng batas at


pinamumunuan ng Pangulo o Presidente ng ating bansa.

Lehislatibo ang tagagawa ng batas o tinatawag na mambabatas-


Senado at kapulungan ng mga kinatawan.

Hudisyal ang tagapaghatol na binubuo ng mga hukuman at ang


korte suprema.

10
Pamahalang Lokal

Ang kapangyarihan ng lokal na gobyerno ay nalilimitahan ng


umiiral na batas. Maari lamang itong mamamahala at magpapatupad
ng kapangyarihan sa mga naitalagang seksyon o dibisyon ng
pambansang teritoryo kagaya ng lalawigan, munisipalidad, lungsod,
barangay at iba pang dibisyon na maaaring itakda ng batas.

Lalawigan ay nasa ilalalim ng pamumuno ng Gobernador


katulong ang Bise Gobernador na inihalal ng mga tao at ilang opisyal
na hinirang ng Gobernador ayon sa itinatadhana ng Serbisyo Sibil. Isa
sa pinakamahalagang tungkulin ng mga ito ang pagbuo ng
komprehensibong programang panggobyerno at planung
pangkaunlaran para sa lalawingan.

Ang Lungsod o Bayan naman ay pinamumunuan ng mga


Alkalde at Bise Alkalde katulong ang mga empleyado na hinirang ng
Alkalde. Sila ang namumuno ng lahat ng mga programa, proyekto, mga
gawain at mga serbisyo para sa pangkalahatang kapakanan ng
lungsod o bayan.

Ang Barangay ay pinamumunuan ng Kapitan at mga Kagawad


na inaasahang mangunguna sa pagpapatupad ng mga hakbangin para
itaguyod ang isang maunlad at payapang komunidad.

https://dig.gov.ph/PDF_File/reports_resources/DILG-Resources-2013109

11
Ang Pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa sa mga
pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal
na Pamahalaan o Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang mga Kwalipikasyon ng mga Mamumuno

Pangulo at Pangalawang Pangulo ay kinakailangang marunong


bumasa at sumulat, katutubong mamamayan ng Pilipinas, apatnapung
taong taong gulang sa araw ng halalalan, nakapanirahan sa Pilipinas
sa loob ng sampung taon bago ang araw ng halalan at isang
rehistradong botante.

Senador ay marunong bumasa at sumulat, katutubong


mamamayan ng Pilipinas, edad na tatlumpu’t taong gulang sa araw ng
halalan, rehistradong botante at nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng
dalawang taon bago ang halalan.

Kinatawan ay likas na mamamayang Pilipino,


dalawamputlimang taong gulang sa araw ng halalan, nakakabasa at
nakakasulat, maliban sa Party List dapat siya ay rehistradong botante
ng distritong kanyang kakatawanin at naninirahan sa bansa ng hindi
kukulangin ng isang taon bago ang halalan.

Upang maging kwalipikado sa pagiging Punong Mahistrado, ang


kandidato ay dapat ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, hindi bababa sa
apatnapung taon ang edad, naging isang hukom sa loob ng labinlimang
taon o higit pa sa mababang korte o may kasanayan sa batas ng Pilipinas.
Isang katangian din na tinitingnan ay ang napatunayang kakayahan,
integridad, katapatan, at pagsasarili.

Gobernador at Bise-Gobernador isang Pilipino, dalawamput


tatlong gulang pataas sa araw ng halalan, rehistradong botante at isang
taong residente ng probinsya.

Alkalde at Bise Alkalde isang Pilipino, dalawamput tatlong


gulang pataas para sa highly urbanized cities at dalawamput isang
taong-gulang pataas para sa independent o component cities o
municipalities sa araw ng halalan, rehistradong botante at isang taong
residente ng lungsod o bayan.
Konsehal ng Lungsod o Bayan dapat isang Pilipino, labing
walong taong gulang pataas sa araw ng halalan, rehistradong botante
at isang taong nakapanirahan sa lungsod o bayan.
12
Barangay Kapitan at mga Barangay Kagawad dapat isang
Pilipino, labing walong taong gulang pataas sa araw ng halalan,
rehistradong botante at isang taong nakapanirahan sa barangay.

Panuto: Upang matukoy natin ang iyong nalalaman sa araling ito,


maari mo bang dugtungan ang mga pangungusap sa ibaba upang
mabuo ang mga sumusunod na mga pahayag.

1. Ang antas ng pamahalaan ng Pilipinas ay_____________________.


2. Saklaw ng Pamahalaang Pambansa ang _____________________.
3. Ang Pamahalaang Lokal ay _______________________________.
4. Ang Punong Barangay o Kapitan ay _________________________.
5. Ang kapangyarihan ng Pangulo ay __________________________.

Pagyamanin

Panuto: Tingnan mo ang tsart na nasa ibaba. Maari mo bang punan


ang mga kinakailangang datos na hinihingi nito?

Namumuno ng Kwalipikasyon Kapangyarihan


Bansa
1. Pangulo
2. Senador
3. Kinatawan ng
Mabababang
Kapulungan
4. Mahistrado

13
Isaisip

Panuto: Makikita mo sa ibaba ang isang tsart. Pumili ka ng tatlong


pamahalaang lokal at punan mo ang mga datos na hininhingi nito.

Pamahalaang Kita Populasyon Sukat ng Lupa


Lokal

Isagawa

Panuto: Sagutin at ipaliwanang ang inyong sagot sa bawat


bilang.Isulat ang sagot sa iyong activity notebook.

1. Anong katangian ang dapat taglayin ng mga naghahangad na


magiging Pangulo ng ating bansa?

2. Sa mga nagnanais kumandidato sa pagkasenador o mambabatas,


anong kwalipikasyon ang kakailanganin?

3. Bakit nakasaad sa Saligang Batas ang mga kuwalipikasyon at


kapangyarihan ng mga namumuno sa pamahalaan?

4. Anong katangian ang dapat taglayin ng mahistrado ng Korte


Suprema?

5. Anu-anong kapangyarihan ang saklaw ng Pangulo, Senador, ng mga


Kinatawan at ng mga Mahistrado?
14
Tayahin

Panuto: Tingnan natin ang iyong napag-aralan. Isulat kung ito ay Tama
ang isinasaad ng pangungusap at Mali naman kung hindi nagsasaad
ng wasto.Salungguhitan ang salita o lipon ng mga salita na sanhi ng
pagkamali nito.

1. Ang Pamahalaang Pilipinas ay nahahati sa anim na antas.


______
2. Ang nagnanais maging isang Pangulo ng bansa ay
kinakailangang isang banyaga.______
3. Ang barangay ay pinamumunuan ng kapitan at mga kagawad
na inaasahang mangunguna sa pagpapatupad ng mga hakbangin para
itaguyod ang isang maunlad at payapang komunidad. ______.
4. Ang Pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa sa mga
pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal
na Pamahalaan o Department of Interior and Local Government (DILG).
______
5. Ehekutibo ang tagapaghatol na binubuo ng mga hukuman at
ang korte suprema. ______
6. Ang kapangyarihan ng isang pambansang pamahalaan ay
sumasaklaw sa iilang teritoryo lamang ng estado. ______
7. Kung tatakbong Konsehal ng Lungsod o Bayan dapat isang
Amerikano, labing walong taong gulang pataas sa araw ng halalan,
rehistradong botante at isang taong nakapanirahan sa lungsod o
bayan. ______
8. Lalawigan ay nasa ilalalim ng pamumuno ng Gobernador
katulong ang Bise Gobernador na inihalal ng mga tao at ilang opisyal
na hinirang ng Gobernador ayon sa itinatadhana ng Serbisyo Sibil.
______
9. Nakasaad sa Saligang Batas ang mga kuwalipikasyon at
kapangyarihan ng mga namumuno sa pamahalaan. ______
10. Alkalde at Bise Alkalde ay isang Pilipino, dalawampung taong
gulang pataas para sa highly urbanized cities at dalawampu’t isang
taong-gulang pataas para sa independent o component cities o
municipalities sa araw ng halalan, rehistradong botante at isang taong
residente ng lungsod o bayan. ______

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat sa loob ng kahon na makikita sa ibaba ang


kapangyarihang taglay ng bawat sangay ng pamahalaan.

Kapangyarihan ng Tatlong Sangay


ng
Pamahalaan

Sangay Sangay Sangay


ng ng ng
Ehekutibo Liheslatibo Hudisyal

16
17
Tayahin
1. Mali - dalawa
2. Mali - Pilipino
3. Tama
4. Tama
5. Mali - hudisyal
6. Mali - buong
7. Mali - Pilipino
Subukin
1. Pangulo
2. Punong Barangay
Isaisip 3. Pangulo ng Senado
1. E 4. Punong Bayan o Alkalde
5. Punong Mahistrado
2. C
6. Gobernador
3. B
7. Ispiker
4. D 8. Pangalawang Pangulo
5. A 9. Barangay
10. DILG
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan, Charity


A., Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P., Quintos, Emily R.,
(2015). Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral. Department
of Education-Intructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IMCS).

Dado, Belen P., Gozun, Ruth A., Magsino, Rodante S., Manalo, Maria
Lucia L., Nabaza, Jose B., Naval, Evelyn P., (2015). Araling
Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Department of Education-
Intructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

18

You might also like