You are on page 1of 20

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI 4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan- Modyul 3:
Pagiging Mapanuri sa Patalastas
na Nabasa o Narinig

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


EsP – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan- Modyul 3: Linggo 2: Pagiging Mapanuri sa Patalastas na Nabasa o Narinig
Unang Limbag, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang – isip. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa anumang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio


Development Team of the Module

Authors: Niña B. Macababat


Editor: Maria Fe C. Tayong
Reviewers: Jane C. Agpalza
Janette P. Cabaya
Phebe S. Antiquina, PSDS
Illustrator: Julius T. Bucar
Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso
Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Yeselucio N. Patriarca Jr., EPS - EsP
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org
4

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 3:
Pagiging Mapanuri sa Patalastas na Nabasa o Narinig

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampubliko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng Edukasyon na
mag-email ng kanilang puna, komento at rekomendasyon sa
Kagawaran ng Edukasyon sa region10@deped.gov.ph.
 
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at
rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Paunang Salita

Ano ang Modyul na ito?

Ang modyul na ito ay ay ginawa para sa mga mag-aaral upang


maipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
lakas na loob, mapanuring pag-iisip, pagkamatiyaga, pagkamatiisin,
pagkabukas isip, pagkamahinahon at pagmamahal sa katotohanan na
magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi ng
pamilya.
Ang modyul na ito ay ginawa para sa dalawang araw na gawain ng mga
bata.

Mga tala para sa Guro

Nagagabayan ng guro ang mga mag –


aaral sa pagtuklas at pagsusuri ng
katotohanan sa pamamagitan ng patalastas
na nabasa o narinig.

ii
Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga


sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

iii
Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang
maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iv
Alamin

Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nauunawaan ang ang layunin ng patalastas;

2. Nakapagsusuri ng katotohanan mula sa mga patalastas na


nabasa/ narinig; ug

3. Nakapagpapahayag ng sariling paraan ng pagsusuri ng


patalastas na napakinggan.

1
Subukin

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang bilang ay nagsasaad
ng mapanuring pag-iisip sa patalastas na nabasa o narinig at ekis (x)
kung hindi.

______ 1. Nakikinig ako sa mga patalastas tungkol sa kabataan sa


Pilipinas.
______ 2. Naipapaliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye
ang tungkol sa patalastas na aking nabasa o narinig.
______ 3. Natutuwa ako kapag maganda ang patalastas na aking
narinig o nabasa.
______ 4. Nasusuri ko ang kahalagahan ng mga patalastas na aking
nabasa o narinig.
______ 5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa

pagbabasa ng patalastas.

______ 6. Isinasangguni ko sa nakatatanda ang mga patalastas na


aking narinig.
______ 7. Nirerespito ko ang mga patalastas na aking nabasa sa
bulletin ng aming paaralan.
______ 8. Pinunit ni Clara ang patalastas na nakapaskil sa bulliten sa
plaza.
______ 9. Nagagalak ako tuwing naririnig ang patalatas tungkol sa
pangangalaga ng katawan.

______ 10. Maayos na ibinalita ni Rico sa buong klase ang patalastas


na kanyang nabasa sa dyaryo.

2
z

Leksyon Pagiging Mapanuri sa


Patalatas na Nabasa o
2 Narinig
Ang pagiging mapanuri sa mga patalastas na nabasa o narinig sa
pahayagan o sa radyo ay nakatutulong sa tamang pagpapasya.
Ang salitang mapanuri ay tumatalakay sa pagiging masiyasat sa
mga bagay na bago sumang- ayon ay masusuri ng lubos para
mapagpasyahan ng buong pagpapahalagang desisyon.
Paano kaya natin dapat suriin ang mga patalastas na ating nabasa o
naririnig? Nakakaapekto ba ito kung mali ang impormasyon na ating
naihatid sa ating kapwa?

Bago mo simulan ang pag-aaral na ito, suriin muna ang iyong nalalaman
tungkol sa nakaraang aralin.

Balikan

Panuto: Isulat sa patlang ang tsek (/) kung tama ang pahayag, (x) kung
mali.
_____ 1. Nakinig nang mabuti si Ally sa balita.
_____ 2. Ikinalat ni Jo ang balita tungkol sa parating na bagyo upang
maabisuhan ang kanyang mga kaibigan.
_____ 3. Si Troy ay ayaw making sa balita.
_____ 4. Ang pakikinig ng balita ay nakatutulong upang tayo ay
magiging ligtas.
_____ 5. Babaguhin ang balita upang malito ang mga tao.

3
Tuklasin

Basahin at suriin ang kuwento:

Ang Palatuntunan
Naglalakad ang mga magkakaibigan at magkaklase na sina Ysraj,
Khrisna, Sofhia at Precious sa paaralan ng makita nila ang nakapaskil
sa may ding ding sa harap ng opisina ng Supreme Pupil Govenrment.

Dali-dali nila itong binasa. Ito pala ay isang patalastas tungkol sa


palatuntunan sa pagsasayaw.

PATALASTAS
Ano : Paligsahan sa Pagsasayaw
Sino : Binubuo ng apat na miyembro bawat grupo
Saan : Paaralan ng Masigla Elementary School
Kailan: December 8, 2020, Alas 10 ng umaga
Para sa karagdagang impormayon tumawag sa numerong
097668764672, o di kaya ay tumungo sa opisina ng Student
Supreme Government
“Sali tayo” o SPG
ang masayang sabi ni Ysraj. Kaya agad na
napagpasyahan ng mga magkakaibigan na sumali sa paligsahan. Nag
usap- usap sila tungkol sa kanilang isasayaw at susuotin sa paligsahan.

4
Dahil gusto nilang manalo pinagbutihan nila ang kanilang pag
ensayo at nagtutulong tulong sila sa pagbuo ng sayaw at disenyo ng
susuoting damit.
Sa araw ng palatuntunan, maaga silang pumunta sa paaralan at
inayos ang mga gamit na gagamitin sa paligsahan. Bago sila sumayaw
ay nagdasal muna sila na gabayan at pawiin ang kabang
nararamdaman. Sumayaw sila ng buong husay at buong kasiyahan.
Natapos ang palatuntunan at sila ang nagwagi bilang kampyon.
Masayang umuwi ang magkakaibigan at baon ang ngiti at galak sa
kanilang puso.

Suriin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


_____________________________________________________
2. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Anong ugali ang ipinakita ng magkaibigan sa kuwento?
_____________________________________________________
_____________________________________________________

4. Kung ikaw ang isa sa mga bata sa kuwento sasali ka ba sa


palatuntunan? Oo o hindi? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
5
5. Nararapat bang ipagmalaki ang iyong talento? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________

Pagyamanin

Ang patalastas ay maikling mensahe na nagpapabatid ng


mahalagang impormasyon tungkol sa:
- gaganaping palatuntunan o iba pang gawain
- panawagan sa madla
- kautusan nang paaralan o bayan
- pangangailangan sa hanap buhay
- nawawala

Maging mapanuri sa mga nababasang patalastas dahil hindi lahat


ng nababasa ay totoo.
Panuto: Isulat ang masayang mukha sa kahon kung ang pahayag ay
tama, at malungkot na mukha kung hindi.

1. Susuriing mabuti ang nabasang patalastas kung ito ay tama o


hindi.
2. Iwasan na magkalat ng maling impormasyon tungkol sa
nabasang patalastas.
3. Alamin ang pinanggalingan ng patalastas.

4. Basahing mabuti ang patalastas kung ito ay magandang balita


o hindi.

6
5. Umiwas sa mga patalastas na nabasa dahil ayaw mong maki
alam.
6. Sundin ang patalastas na nabasa tungkol sa kautusan ng
pamahalaan.
7. Ikalat ang patalastas tungkol sa nawawalang bata sa bayan.

8. Sabihan ang kaibigan na may patalastas tungkol sa paligsahan


sa awit dahil magaling itong kumanta.
9. Anyayahan ang mga kaibigan na sumali sa paligsahan na
nkapaskil sa bulletin ng paaralan.

10. Pagtawanan ang patalastas na narinig o nabasa.

Isaisip

Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw at opinyon sa mga


patalastas na nababasa o naririnig. Ang pagiging mapanuri sa nabasa o
narinig na patalastas ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip.
May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon upang
lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa. Subalit mayroon
din naman sa paraang paninirang puri.

Kompletuhin ang talata.

Kung ang mga balita na aking narinig ay tungkol sa mga


7

negatibong bagay, ang gagawin ko ay _____________________


(Edukasyon sa Pagpapakatao-3, Kagalitan ng Mag-aaral, Pahina 31)

Isagawa

8
Gumawa ng isang patalastas tungkol sa pagtatanim ng mga kahoy sa
inyong paaralan. Kompletuhin ang detalye ng patalastas.

PATALASTAS

Ano : ___________________________________________

___________________________________________

Sino : ___________________________________________

___________________________________________

Saan : ___________________________________________

___________________________________________

Kailan : ___________________________________________

Tayahin

9
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang bilang ay nagsasaad ng
mapanuring pag-iisip sa patalastas na nabasa o narinig at ekis (x) kung
hindi.

____ 1. Detalyado kung naipaliliwanag ang mga patalastas na aking


nabasa o narinig sa aking mga kaklase.
____ 2. Ang aming sambahayan ay nakikinig ng mga patalastas tungkol
sa pag-iwas sa Corona Virus.
____ 3. Naikokompara ko ang tama sa maling patalastas na aking
nabasa o narinig.
____ 4. Nagagalak ako kung ang mga patalastas na aking narinig o
nabasa ay kaaya-aya at nagbibigay ng makabulohang balita o
usapin.
____ 5. Nauunawaan ko ng mabuti na dapat bigyang halaga ang mga
patalastas na nabasa o narinig upang maging mapanuri sa
nangyayari sa paligid.
____ 6. Ikalat ang patalastas tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.
____ 7. Huwag paglaruan at punitin ang mga patalastas na nakapaskil
sa paskilan.
____ 8. Gumawa ng patalastas tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.
____ 9. Ipagsawalang bahala ang mga patalastas na narinig kahit alam
mo na ito ay makabulohan.

____ 10. Magbasa palagi ng patalastas sa dyaryo o pahayagan.

Karagdagang Gawain

10
Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ang sagot sa patlang.

Ano ang dapat nating gawin sa nababasa o naririnig na mga patalastas?


Dapat ba natin itong paniwalaan agad? Oo o hindi? Bakit?

___________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto
Subukin Balikan

1. 6. 1. 6.

2. 7. 2. 7.
11
3. 8. 3. 8.

4. 9. 4. 9.

5. 10. 5. 10.
Suriin
1.
2.
3.
4.
5.

Pagyamanin Tayahin
1. 6. 1. 6.
2. 7. 2. 7.
3. 8. 3. 8.
4. 9. 4. 9.
5. 10. 5. 10.

Sanggunian

Abac, F. E. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon
12
Amoyen, G. A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon

, Antiquiera, J. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon

Bringas, H. A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon,

Capati, G. R. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Caraan, M. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon,

Castillo, R. A., (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon,

Catapang, R. B. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon

Gonzales, I. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Ortega, N. S. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Pandiño, M. S. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Reyes, A. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Soriano, P. R. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

13
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

You might also like