You are on page 1of 23

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI 4

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 2
Pagiging Mapanuri sa Balitang Napakinggan

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


EsP – Grade 4

Alternative Delivery Mode

Quarter 1 – Modyul 2: Linggo 2: Pagiging Mapanuri sa Balitang Napakinggan

Unang Limbag, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang – isip. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa anumang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module

Authors: Niña B. Macababat


Editor: Maria Fe C. Tayong
Reviewers: Jane C. Agpalza
Janette P. Cabaya
Phebe S. Antiquina, PSDS
Illustrator: Julius T. Bucar
Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso
Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Yeselucio N. Patriarca Jr., EPS - EsP
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education - Division of Valencia City

Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: 088) 828-4615

4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 2:
Pagiging Mapanuri sa Balitang Napakinggan

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampubliko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng Edukasyon na
mag-email ng kanilang puna, komento at rekomendasyon sa
Kagawaran ng Edukasyon sa region10@deped.gov.ph.
 
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at
rekomendasyon.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Paunang Salita

Ano ang Modyul na ito?

Ang modyul na ito ay ay ginawa para sa mga mag-aaral upang


maipapamalas ang pag-uunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
lakas na loob, mapanuring pag-iisip, pagkamatiyaga, pagkamatiisin,
pagkabukas isip, pagkamahinahon at pagmamahal sa katotohanan na
magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi ng
pamilya.

Ang modyul na ito ay ginawa para sa dalawang araw na gawain ng mga


bata.

Mga tala para sa Guro

Nagagabayan ng guro ang mga mag –


aaral sa pagtuklas at pagsusuri ng
katotohanan sa pamamagitan ng pakikinig ng
balita.

ii
Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga


sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

iii
Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang
maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iv
Alamin

Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nalalaman ang kahulugan ng katotohanan;
2. Nakapagpapahayag ng balitang napakinggan; at
3. Nakapagsusuri ng katotohanan mula sa mga balitang
napapakinggan.

Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan


ang titik ng tamang sagot.

1. Anong katangian mayroon si Troy? Nakikinig nang mabuti si Troy sa


balita sa radio bago niya ibinahagi sa kanyang mga kaklase.
A. Mapanuring pag iisip C. Malikhain
B. Mapapaniwala D. Maunawain

2. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng mapanuring pakikinig ng


katotohanan sa mga balitang napakinggan sa radyo?
A. Hindi maayos ang paliwanag ni Ana sa mga detalye ng balita.
B. Kulang ang detalyeng binigay ni Carlo sa balita.
C. Naipaliwanag ni Rita nang maayos ang detalye ng balita.
D. Nakalimutan ni Karen ang detalye ng balita.

1
3. Paano mo maipapakita na ikaw ay mapanuri sa mga balitang naririnig
sa radyo o paligid?
A. Inalam agad kung totoo o hindi ang balitang naririnig.
B. Sinusuri nang mabuti kung totoo o hindi ang balitang narinig.
C. Nagtatanong sa kinauukulan kung totoo o hindi ang balita.
D. Lahat ng nabanggit.

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang dapat mong tularan?


A. Si Tess na sinusuri ang balitang napakinggan bago ibinahagi.
B. Si Chessy na kulang ang binahaging balita.
C. Si Razel na magaling mag- imbento ng mga walang
katotohanang balita.
D. Si Rita na naniniwala agad sa mga balitang narinig.

5. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa mapanuring pag-iisip


batay sa balitang napakinggan sa radyo?
A. Iniwasan ko ang pakikinig ng mga balitang nakabubuti.
B. Hindi ko bibigyang pansin ang mga napakinggang balita
C. Hinahayaan kong makinig ang aking mga magulang ng balita
D. Naikumpara ko ang tama sa mali sa aking napakinggang balita.

6. Nakikinig ng mabuti si Ara sa balita sa radyo upang malaman ang


tamang paraan ng paglilinis ng katawan. Tama ba ang kanyang
ginawa?
A. Oo, upang masabihan si Ara ng kanyang mga kaklase na
sobrang matalino.
B. Oo, dahil mahalaga na malaman ang tamang paraan ng
paglilinis ng katawan.
C. Hindi, dahil aksaya lamang ito sa panahon.
D. Hindi, dahil bata lamang si Ara.

7. Pagkatapos marinig ni Tress ang balita mula sa kanyang kapitbahay


tungkol sa COVID ay agad niya itong sinabi sa magulang upang
malaman kung tama ba ang kanyang narinig. Anong katangian ang
pinapakita niya?
A. Matulungin C. Maalahanin
B. Mapanuri D. Masayahin

2
8. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagiging mapanuri
sa balita maliban sa isa. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita?
A. Si Rose na isinasangguni sa ina ang narinig na balita.
B. Si Yuan na hindi pinaniniwalaan agad ang narinig na balita.
C. Si Marian na hindi pinagkakalat agad ang narinig na balita.
D. Si Jibril na walang pakialam sa balita na narinig.

9. Tuwing umaga ay nakaugalian na ni Mang Ando ang pakikinig ng


balita sa radyo at tinatandaan niya ang mga balita tungkol sa tamang
pagtatanim. Tama ba ang kanyang ginawa?
A. Oo, dahil may maipagyayabang na siyang kaalaman tungkol sa
paghahalaman sa kanyang kompare.
B. Oo, dahil magagamit niya ang kaalaman na ito sa pagtatanim sa
kanyang bukid.
C. Hindi, dahil wala naman siyang masasaka na lupa.
D. Hindi, dahil hindi mahalaga ang kanyang narinig na balita.

10. Iniiwasa ni Milba na makinig sa mga balita mula sa nag-uumpukan


niyang mga kapitbahay. Mas gusto niyang makinig sa balita sa radyo
dahil mas makatutuhanan ang mga balita mula rito. Anong ugali
mayroon siya?
A. Mabait C. Matapat
B. Mapanuri D. Maalalahanin

3
z

Leksyon
Pagiging Mapanuri sa
1 Balitang Napakinggan
Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig na balita sa radyo o nababasa
sa pahayagan ay nakatutulong sa tamang pagpapasya.

Ang salitang mapanuri ay tumatalakay sa pagiging masiyasat sa mga


bagay bago sumang- ayon at nasusuri nang lubos para mapagpasyahan
ng buong pagpapahalagang desisyon.
Paano kaya natin susuriin ang mga balitang ating napapakinggan o
naririnig?

Bago mo simulan ang pag-aaral na ito, suriin muna natin ang iyong
nalalaman tungkol sa nakaraang aralin.

Balikan

Panuto: Isulat sa patlang ang tsek (/) kung ang sitwasyon ay nagsasaad
ng pagpapakita ng katotohanan, (x) kung hindi:
_____ 1. Inamin ni Paul sa guro na siya ang nakabasag ng plorera sa
lamesa.
_____ 2. Ana ang sobrang sukli na natanggap niya mula sa tindahan ni
Aling Martha.
_____ 3. Itinago ni Joel ang ballpen na kanyang nakita, kahit alam niya
na si Ally ang nagmamay ari nito.
_____4. Nagsinungaling si Troy sa kanyang ina upang hindi siya
mapagagalitan.
_____ 5. Isinauli ni Trishia sa may ari ang perang nakita sa sahig.

4
Tuklasin

Suriin ang kuwento.

A
ng Balita ni Tatay Emilio
Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo si Mang Emilio.
“Magandang umaga, mga kababayan! Ito na naman po ang DXBB,
nagbabalita ngayon !”
“Naitala na naman ang bagong bilang ng kaso ng paglaganap ng
Covid-19, sinasabing walang pinipili ang sakit. Bata man o matanda,
mahirap o mayaman lahat ay dinadapuan ng sakit.
Kaya pinaaalahanan at pinag – iingat ang lahat ng mamamayan sa
buong Pilipinas.
Pinakikiusapan ng pamahalaan lalo na ng Department of Health o
(DOH) na ugaliing maghugas ng kamay, laging mag suot ng mask,
manatili sa loob ng bahay, uminom ng maraming tubig, kumain ng
masustansyang pagkain at gawin ang social distancing. Wala pang
gamot na natuklasan laban sa virus kaya dobleng pinag-iingat ang mga
tao.”
Nabahala si Mang Emilio sa napakinggang balita sa radio.
Kinausap niya ang kanyang anak. Binigyan niya ito ng babala tungkol sa
lumalaganap na sakit. “Ano po ang dapat naming gawin tatay para
makaiwas sa sakit?” tanong ni Marla sa ama.
“Anak dapat hindi kayo lalabas ng bahay, huwag kayong maglaro
sa labas at laging maghugas ng kamay, uminom ng maraming tubig,

5
kumain ng masustansyang pagkain at matulog ng maaga upang
maiwasan na magkasakit.”
“Salamat po, Tatay Emilio,” sabi ni Marla.

Suriin

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang pamagat ng kuwento?
_____________________________________________________
2. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Tungkol saan ang balita?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
4. Bilang isang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang hindi
magkakaroon ng sakit?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
5. Ano ang kabutihang naidudulot ng pakikinig ng balita? Ipaliwanag
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Pagyamanin
6
Ang balita ay nagsasaad ng mahahalagang pangyayari na
nagaganap sa lugar. Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw at
opinyon sa balitang naririnig sa radyo o sa paligid.
Hindi lahat ng balitang naririnig ay totoo. Ito ay dapat na may
kongkretong ebidensya at may patunay. Ang pagsusuri sa isang naririnig
na balita ay dapat na may batayan. Ang pagiging mapagmatyag at
mapanuri sa balita ay tumutulong sa atin para makuha, malaman at
maunawaan natin ang tamang impormasyon.

Panuto: Isulat ang masayang mukha sa kahon kung ang pahayag ay


tama, at malungkot na mukha kung hindi.
1. Susuriing mabuti ang narinig na balita kung ito ay tama o hindi.

2. Iwasan na magkalat ng balita na nakakasakit ng damdamin ng


ibang tao.
3. Paniwalaan agad ang narinig na balita kahit na ito ay walang
basihan o ebidensya na makapagsasabing ito ay tama.
4. Makipag away sa kaklase dahil iba ang pagkaintindi niya sa
balitang narinig.
5. Maging responsable sa mga balitang narinig at alamin kung ang
taga balita ay taong mapagkakatiwalaan o hindi.
6. Makinig at unawaing mabuti ang mga balita sa radyo.

7. Maging mapanuri sa mga balitang naririnig na balita sa radyo


man o sa palgid.
8. Ikalat ang mga balitang may katotoran at nagdudulot ng
kabutihan sa kapwa tao.
9. Ibahin ang kuwentong narinig upang ikaw lang ang nakakaalam
ng buong katotohanan.

7
10. Itanong sa mga magulang kung mayroong balita na hindi
masyadong naiintindihan.

Isaisip

Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw at opinyon sa balitang


naririnig sa radyo o sa paligid. Ang pagiging mapanuri sa naririnig na
balita ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip.
May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon upang
lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa. Subalit mayroon
din naman sa paraang paninirang puri.
Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa narinig na balita sa
radyo o sa paligid.

Ako si _______________________, nangangako at


naniniwalang mahalagang pag-iisipan kong mabuti at suriin
muna ang balitang aking narinig upang hindi magdulot ng
kalituhan. Dahil dito ay magiging mapagmatyag ako sa
katotohanan para sa pagkakaroon ng maayos na pamayanan.
Magiging modelo ako ng tamang pagsusuri ng balita, para sa
tao at walang pinapanigan kundi ang katotohanan lamang.

Gabayan nawa ako ng Poong Lumikha.

________________________
Lagda ng Mag-aaral

Isagawa
8
Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ang sagot sa mga linya sa ibaba.

Tanong:
Ano ang dapat mong gawin kapag nakarinig ka ng balita? Dapat ba
itong paniwalaan agad? Oo o hindi? Bakit?

Sagot:
___________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Tayahin

9
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumunod na pahayag ang nagpapakita ng mapanuring pag
iisip sa balitang napakinggan?
A. Ang balitang sinabi niTroy ay iba sa totoong balita sa radio.
B. Hindi detalyado ang balitang ibinahagi ni Rina.
C. Si Carla ay maayos na ibinahagi ang balitang narinig.
D. Ang detalye ng balita ay naklimutan ni Sheila.

2. Sa anong paraan maipapakita na ikaw ay mapanuring tagapakinig sa


balitang narinig sa radyo?
A. Aalamin ng mabuti at maigi ang katotohanan tungkol sa balita.
B. Makinig sa balita na may kabuluhan at kapakipakinabang.
C. Naisasangguni sa kinauukulan ang katotohanan tungkol sa
balita.
D. Lahat ng nabanggit.

3. Mahalagang makinig sa balita upang tayo ay may alam sa mga


pangyayari sa ating paligid. Alin sa sumusunod ang tumutugon sa
mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan?
A. Makinig ng mga balitang walang katotoran at haka haka
lamang.
B. Ang narinig na balita ay ipag sawalang bahala.
C. Hahayaan na makinig ng balita ang mga mas nakatatanda.
D. D. Naikompara ang tama sa mali sa aking napakinggang
balita.

4. Palaging nakikinig ng balita si Rey. Bago niya ito ibinahagi sa


kanyang mga kaklase ay sinusuri muna niya ito nang mabuti. Anong
katangian mayroon si Rey?
A. Mapanuring pag iisip C. Matiyaga
B. Mapapaniwala D. Malikhain
5. Ang pagiging mapanuri ay isang magandang gawain upang malaman
ang katotohanan sa balitang narinig. Sino sa sumusunod na bata ang
dapat mong tularan?
A. Si Jess na sinusuri ang balitang napakinggan bago ibinahagi.
B. Si Chelsy na kulang ang binahaging balita.
C. Si Hazel na magaling mag- imbento ng mga walang
katotohanang balita.

10
D. Si Nita na naniniwala agad sa mga balitang narinig.

6. Si Tess ay mas pinipili niyang makinig sa balita sa radyo kaysa


makinig sa balita mula sa kanyang mga nag-uumpukan na mga
kapitbahay. Anong ugali ang taglay niya?
A. Masunurin C. Mapanuri
B. Matiyaga D. Malungkutin

7. Mas pinagtutuunan ng pansin ni Dolfo ang pakikinig ng balita tungkol


sa Agrikultura dahil nagagamit niya ang kaalamang ito sa kanyang
pagsasaka. Tama ba ang ginawa niya?
A. Oo, dahil nakabubuti ito para sa kanyang sakahan.
B. Oo, dahil may bago siyang kaalaman na nakukuha sa pakikinig
ng balita.
C. Oo, dahil malalaman niya ang mga bagong pamamaraan sa
pagsasaka.
D. Lahat sa nabanggit.

8. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang dapat tularan sa pagiging


mapanuri sa pakikinig sa balita?
A. Si Christian na hindi tinatapos pakinggan ang buong balita.
B. Si Ford na laging tinatapos at nagmumuni-muni sa
napakinggang balita.
C. Si Jay na malakas ang boses habang nakikinig ng balita ang
ama.
D. Si Ward na umaalis ng bahay kapay ang programa sa radyo ay
tungkol sa balitang lokal.

9. Tama ba na suriing mabuti ang balitang narinig?


A. Oo, dahil nagpapahiwatig lamang ito bilang isang mapanuring
tagapagpakinig.
B. Hindi, dahil mas mallito ang mgataong nakikinig nito.
C. Hindi, dahil hindi mahalaga kung tama o mali ang isang balita.
D. Hindi, dahil mas gugulo kung aalamin ang katotohanan sa
balita.

10. Narinig ni Keanna na nagkuwento si Rey ng balita. Ngunit alam


niya na may mali sa sinabi nito. Ano kaya ang maaaring niyang
gawin?
A. Manahimik na lang kahit alam niya ang buong katotohanan.
11
B. Sabihin ng mahinahon ang katotohanan tungkol sa balitang
sinabi ni Rey.
C. Dugtungan ng mali ang sinabing balita ni Rey.
D. Pabayaan si Rey sa kanyang sinabi para hindi siya awayin nito

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang balita na naririnig sa radyo o paligid.

12
_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

Answer Sheet- EsP Module 2

Subukin Balikan
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6.
13
7.
8.
9.
Suriin
1.
2.
3.
4.
5.

Pagyamanin Tayahin
1. 6. 1. 6.
2. 7. 2. 7.
3. 8. 3. 8.
4.
Sanggunian:
9. 4. 9.
5. 10. 5. 10.

Abac, F. E. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Amoyen, G. A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

, Antiquiera, J. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon

Bringas, H. A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon,

14
Capati, G. R. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon

Caraan, M. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Castillo, R. A., (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon,

Catapang, R. B. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon

Gonzales, I. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Ortega, N. S. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Pandiño, M. S. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Reyes, A. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Soriano, P. R. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

15
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

You might also like