You are on page 1of 19

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 1 Linggo 1:
Kultura Ko, Ipagmamalaki Kong Tunay

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikalong Markahan - Modyul 1 Linggo 1: Kultura Ko, Ipagmamalaki Kong Tunay
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatan-sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul sa EsP 4

Authors: Joseph Joshua A. Palapar

Editor: Maria Fe C. Tayong

Reviewers: Phebe S. Antiquina, PSDS


Janette P. Cabaya
Jane C. Agpalza

Illustrator: Julius C. Bucar


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson:
Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent

Members:
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Yeselucio N. Patriarca, Jr., EPS – EsP
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 1 Linggo 1:
Kultura Ko, Ipagmamalaki Kong Tunay

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


2
Panimula

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo na nasa Ikaapat na


Baitang upang matulungan ka sa iyong pag-unawa at pag-aaral sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.
Malaking bahagi ng modyul na ito ay tungkol sa pagpapahalaga
sa kultura at kaugalian na siyang yaman ng ating bansa. Layunin sa
pagamit nito ay ang mapatnubayan ka upang mas higit mong makilala
ang iyong sarili, ang iyong bayan, at ang iyong ginagampanan na
responsibilidad sa lipunan.
Makatutulong din ang modyul na ito sa paglinang ng iyong
kakayahan na pangalagaan at panatilihin ang kultura upang ito ay
mabahagi pa sa mga henerasyon na darating. Ang iyong gulang,
pangangailangan upang makaangkop sa kasalukuyang panahon ay
isinaalang-alang sa pamamagitan ng paggamit ng mga materyal na
hango sa araw-araw na pangyayari at karanasan.
Sa katapusan ng modyul na ito ay inaasahang maipapamalas
mo ang pag-uunawa at pagmamahal sa kultura bilang Pilipino sa
makabuluhang paraan na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa
isang bayang maunlad na may takot sa Diyos, pag-uunawa sa tao,
pag-aalaga sa kalikasan, at pagmamahal sa bansang Pilipinas.

Mga tala para sa Guro

Sa paggamit ng modyul na ito nawa’y


gabayan ang bata upang mas madaling
maintindihan ang mga gawain na nakasaad.

3
Alamin

Ang mga Pilipino ay kinagigiliwan ng mga taga-ibang bansa


dahil sa yaman at makulay nating kultura. Makikita sa ating Kultura
ang magagandang tradisyon gaya ng magandang asal, gawi,
panitikan, at sining na nagbibigay sa atin ng pambansang
pagkakakilanlan. Dahil dito tayo ay nabubuklod ng pagkakaisa at
pagkakaunawaan.

Ang kultura ay ang mga katangian at kaalaman ng isang


partikular na pangkat ng mga tao, na sumasaklaw sa kanilang wika,
relihiyon, mga lutuin, gawi sa lipunan, musika at sining.

Ibinabahagi ng kultura ang mga pagpapahalaga, kabilang na


ang mga paniniwala, paano mag isip ang isang tao, pagbabahagi ng
damdamin, at paano kumilos. Samakatuwid ang kultura ay
naglalarawan kung ano ang paraang natin na matuto, mabuhay at
kumilos. Dahil dito, maraming tao ang naniniwala na ang kultura ay
isang mahalagang bahagi ng ating pagkatao, at ang pagiging sarili
bilang isang tao.

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Nakapagpapakita ng kawilihan sa mga pamanang


kulturang materyal (hal. kuwentong bayan, alamat, mga
epiko) at di-materyal (hal. mga magagandang kaugalian,
pagpapahalaga sa nakatatanda at iba pa)

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang Mabuti ang aralin.


• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at
pagsasanay.
• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

4
Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto

5
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

Subukin

Panuto: Bilogan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga nakatala sa ibaba ay mga katutubong awitin maliban


sa isa. Alin ang hindi kasali?
A. Sempurna C. Si Pilimon
B. Dandansoy D. Ili-Ili

2. Kompletohin ang salawikain, “Ubos-ubos ang biyaya,


pagkaubos ________”.
A.Pagmamano. C. Pag-aasawa
B.Pagsisimba D. nakatunganga

3. Ang “Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan” ay isang


halimbawa ng _______.
A. Awit C. Alamat
B. Bugtong D. Salawikain

4. Alin sa mga pagpipilian ang oyayi?


A. Bahay kubo C. Leron Leron Sinta
B. Sa Ugoy ng Duyan D. Paro-parong bukid

5. Ang “Pandango sa Ilaw” ay isang uri ng ______.


A. Lungsod C. Sayaw
B. Awit D. Oyayi

6. Bilang mga Pilipino, makatutulong sa pag-unawa sa ating


pinagmulan ang ating _______ at ________
A. Sining; Panitikan C. Balangay; Skulptura
B. Pandiwa; Panaguri D. pangukol; pang-abay

7. Ang mga linyang “pagdating sa dulo, nabali ang sanga” ay mula


sa kantang?
A. Dandansoy C. Inday sa Balitaw
B. Leron Leron Sinta D. Ilay Gandangan

6
8. Ito ay isang pangungusap na may nakatagong kahulugan na
nailulutas na bilang isang palaisipan.
A. Salawikain C. Alamat
B. Kwentong Bayan D. Bugtong

9. Ang pangungusap na ito ay lubhang maiksi pero puno ng


kahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa araw-araw
nating pamumuhay.
A. Salawikain C. Alamat
B. Kwentong Bayan D. Bugtong

10. Ang _____ ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na


nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.
A. Salawikain
B. Oyayi
C. Alamat
D. Bugtong

7
z

Aralin
Kultura ko, Ipinagmamalaki
2 kong Tunay
Ang kultura ay may ibat-ibang dimensiyon at lahat ng mga ito ay
sumasalamin sa pamamaraan ng araw-araw na pamumuhay ng isang
pangkat. Ilan sa mga ito ay ang awit, bugtong, salawikain, wika, at
musika na siyang nagpapahiwatig ng makulay at mayaman na sining
at panitikan ng mga pilipino.

Makikita rin sa mga dimensiyon ng kultura ang paraan ng


paninirahan at kaugalian na pinapakita ng mga grupo ng tao sa
kanilang pamumuhay.

Balikan

Tingnan ang mga larawan sa ibaba:

Gary T., “Mindanao Bangsamoro Islamic Game Set”, 2016, Delie M. C., “Sayawika Tinikling 1”, 2006,
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Mindanao_Bangsam https://commons.wikimedia.org/wiki/File:SA
oro_Islamic_Game_Set.jpg YAWIKA_TINIKLING_1.gif

8
Ang unang larawan ay isang laro na ang tawag ay Sungka. Ito
ay sinaunang larong Pilipino gamit lamang ang mga maliliit na bato at
ng kahot na hugis bangka. Ang ikalawang larawan naman ay ang
tinatawag na tinikling, isang uri ng sayaw na nagmula sa Palo, Leyte.
Ito ay hango sa ibong Tikling. Nadiskubre at napag-alaran ito ng
Pambanasang Alagad ng Sining para sa Sayaw na si Francisca-
Reyes Aquino at naging isa sa mga pinaka sikat na katutubong sayaw
sa buong bansa.

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang ibig ipahiwatig ng tula:

Iisang Bangka at Iisang Awit


Tula ni Joseph Joshua Palapar

Sa karagatan ng silangan may lugar na matatagpuan


Islang banal na hinirang, bayan ng mga matatapang
Ito ay ang lupa ng mga magigiting, ang langit ng masasaya
Araw ng may dugong bughaw, isla ng may pag-asa

Sa lupaing ito makikita mo ang makukulay na kultura


Puno sa panitikan, awit, kwento na di mabubura
karagatan ng bugtong, kamangha-manghang luto at alamat
Na nakaukit sa kasaysayan at di matitibag ng habagat

Isang bayan na hinabi, pinagbuklod ng hibla ng abaca


Isang telang puno ng sining, na makikita rin sa mga balat nila
Bayang pinagpala na handang ipagtanggol ng matalim na sibat
Bayang minahal ng mga tao kahit maging dugo pa ang dagat

Ano man ang aking minimithi, akoy magbabalik tanaw


At nang makapagpasalamat sa mga ninuno sa bawat araw
Ito ang aking ibig na sanay bayan natin ay di ipagpalit
Sapagkat tayong lahat bahagi ng iisang bangka at iisang awit.

9
Suriin

Sagutan ang mga sumusuno na mga tanong.

1. Ano ang makikita sa Islang banal na hinirang?


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2. Ano ang ibig sabihin ng may akda ng sabihing “Na nakaukit sa


kasaysayan at di matitibag ng habagat”?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

3. Ano ang gustong ipahitawag ng may-akda sa kabuuan ng tula?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Maliban sa alamat, laro, at pagkain, ano pa ba ang


nakakapagbuklod sa atin bilang isang Pilipino? Bahagi ng kultura ang
mga panitikan at sining. Kabilang dito ang mga bugtong, awit, at mga
salawikain. Ang bugtong ay isang pangungusap o tanong na
kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga nakakatanda. Ito
ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan. Mga halimbawa nito ay:

1. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: Kasuy


2. Dala mo, dalo ko, dala nating lahat: Sagot: Damit

Salawikain naman ang tawag sa mga salitang sumasalamin sa mga


tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring tawaging mga
katuruan o pilosopiya sa Pilipinas. Maaari ring mga katutubong
karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-
ayang pakinggan o basahin ang mga ito. Mga halimbawa nito ay:

10
1. Ang taong hindi marunong lumingon sa kanyang pinang-
galingan ay hindi makakarating sa kanyang paroroonan." -Jose
Rizal.
2. Aanhin pa ang damo Kung patay na ang kabayo.

Pagyamanin

Panuto: Ang mga salawikain ay may hatid na aral na magagamit


natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kompetuhin mo ang
mga sumusunod na mga salawikain. Kunin ang sagot sa kahon.

ubos-ubos gagawin hari gulong


nagtutulog-tulugan kalingkingan
prusisyon nilaga kakapitan tinatangay

1. Mahirap gisingin ang __________________..


2. Pag may tiyaga, may ________________.
3. Bagong _______, bagong ugali.
4. Pagkahaba-haba man daw ng ___________, sa simbahan din
ang tuloy.
5. Batong pagulong-gulong, di __________ ng lumot.
6. Anuman ang ___________, pitong beses isipin.
7. Ang buhay ay parang _________, minsang nasa ibabaw,
minsang nasa ilalim.
8. Ang tulog na hipon, ___________ ng agos.
9. _____________ biyaya, pagkatapos nakatunganga.
10. Ang sakit ng _______________, sakit ng buong katawan.

Isaisip

Masaya at nakakaaliw sagutan ang mga bugtong.


Handa ka na ba? Basahin at isulat sa patlang ang tamang
sagot.

Gagamba Kandila Balimbing Bote Bayabas


Tenga Mata Anino Buslo Suso

1. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.


11
Sagot: __________
2. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
Sagot: __________
3. Maikling landasin, di maubos lakarin.
Sagot: __________
4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.
Sagot: __________
5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako
ay mamatay.
Sagot: __________

Isagawa

Bilang Pilipino, makatutulong sa ating pag-unawa sa ating


pinagmulan ang atinng sining at panitikan. Pumili ng isang bagay,
lugar, halaman, hayop, o prutas na sa palagay mo ay wala pang
alamat at lumikha ng maikling kuwento tungkol dito. Isulat sa baba
ang kuwento.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
12
Tayahin

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kaukulang mensahe ng mga


linya sa Hanay A. Isulat sa kahon ang titik ng sagot sa bawat bilang.

Hanay A Hanay B
1. Ang gawa sa A. Hindi sa istado ng buhay ng tao nasusukat ang
pagkabata, Dala ugali nito.
hanggang pagtanda.
2. Ang taong walang B. Ang tao ay masyado nang nagigipit ay kahit sa
kibo nasa loob ang masamang paraan ay mapapakapit dahil
kulo. lamang sa kagustuhang malusutan ang
kagipitan.
3. Ang tunay na C. Wag masyadong mag-aksaya ng mga bagay
kaibigan, nakikilala sa na di naman ginagamit o kailangan.
kagipitan.
4. Aanhin mo ang D. Ugali na kung saan ang siyang
palasyo, kung ang kinasanayan mula nuon bata pa siya ay
nakatira ay kuwago?
naging gawi ng siya ay nagka-edad na.
Mabuti pa ang bahay
kubo, kung ang
nakatira ay tao.
5. Pag hindi uukol ay E. Kaibigang handang tumulong at magmalasakit
hindi bubukol. at umunawa sayo sa panahon ng kagipitan.
6. Ang taong nagigipit, F. Huwag masyadong magastos at magwaldas ng
sa patalim man ay pera sa mga bagay na hindi kailangan at bukas
kumakapit. ay wala ng natira sa iyo
7. Ang bayaning G. Kahit na tahimik at walang imik ang isang tao
nasugatan, nag- ay malalaman padin ang gawi nito.
iibayo ang tapang.
8. Kung may isinuksok H. kapag hindi nakalaan sayo ang isang
may madudukot bagay ay hindi ito mangyayari
9. Kung may tiyaga, I. habang tayo ay nahihirapan ay mas lalo
may nilaga. nating pinag-iigihan dahil sa

13
kagustuhan nating maka-ahon sa
buhay.
10. Ubos-ubos biyaya, J. kung magsisikap ka sa iyong buhay
bukas nakatunganga. kung pilit mong lalampasan ang mga
pagsubok sa iyong buhay lahat ay
titiisin mo para maabot lang ang iyong
mga pangarap ay tiyak na ikaw ay
magtatagumpay balang araw.

Karagdagang Gawain

Sumulat ng iyong sariling Salawikain sa ibaba at ibigay ang


kahulugan nito.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

14
Answer Key

Pagyamanin
Subukin
1. a 6. a 1. Nagtutulog-tulugan 6. gagawin
2. d 7. b 2. Nilaga 7. gulong
3. b 8. d 3. Hari 8. tinatangay
4. b 9. a
5. c 10. c 4. Prusisyon 9. ubos-ubos
5. kakapitan 10. kalingkingan
Isaisip
6. Mata 6. Tenga
Tayahin
7. Suso 7. Buslo 1. d 6. b
8. Anino 8. bote 2. g 7. i
9. Gagamba 9. Bayabas 3. e 8. f
10. Kandil 10. Balimbing 4. a 9. j
a 5. h 10. c

15
Sanggunian:

Gary T., “Mindanao Bangsamoro Islamic Game Set”, 2016,


https://commons.wikimedia.org/wiki/
File:Mindanao_Bangsamoro_Islamic_Game_Set.jpg

Delie M. C., “Sayawika Tinikling 1”, 2006,

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:SAYAWIKA_TINIKLING_
1.gif

https://www.myph.com.ph/2010/01/bugtong.html#.XvWm4igzbDe

https://notes-tips.blogspot.com/2019/06/kahulugan-ng-salawikain-at-
mga.html

https://pinoycollection.com/salawikain/

16
For inquiries and feedback, please write or call:

17 Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709


18

You might also like