You are on page 1of 20

4

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI

Filipino
Unang Markahan - Linggo 1 Modyul 1:
(Magagalang na Pananalita sa Iba't-ibang
Sitwasyon)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan –Linggo 1- Modyul 1: Magagalang na Pananalita sa Iba't ibang
Sitwasyon
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City
Tagapamahala ng Paaralan: Rebonfamil R. Baguio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Junrey H. Tadlas

Editor: Cathyrine D. Melos

Tagapagsuri: Emelita F. Rey, PSDS


Fe D. Tumanda

Tagalapat: Rommel C. Villa


Gelyn G. Zerna

Ilustrador: Madilyn Pagobo Saphlot

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Tagapamahala:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Mga Kasapi: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Noemie M. Pagayon, EPS – Filipino
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Inilimbag sa Pilipinas ng:Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615

4
Website: deped-valencia.org

1
Filipino
Unang Markahan - Linggo 1 Modyul 1:
(Magagalang na Pananalita sa Iba't-ibang
Sitwasyon)

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at iba pang nasa
larangan ng edukasyon na ipadala ang inyong mga puna,
komento at rekomendasyon sa pamamagitan ng email sa
Kagawaran ng Edukasyon at Region10@deped.gov.ph.
 
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at
rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
3
Ang Modyul na ito

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang modyul na ito. Ito ang

magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama mo

sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa pamamagitan ng

pagbasa at pagsagot. Basahin at unawain ang mga panuto na

mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga gawaing sadyang

inihanda para sa iyo.

Maligayang paglalakbay sa pagkamit ng dagdag na kaalaman sa

asignaturang Filipino.

4
i
Alamin

Ang nasa ibaba ay ang mga dapat matutunan sa modyul na ito;

Mga Layunin:

1. Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang maulit at mabigyang


kahulugan ang mga pahayag.

2. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang


sitwasyon tulad ng pagbili sa tindahan

3. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita


tungkol sa (sarili, ibang tao sa paligid)

4. Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga


sumusunod na mga hakbang;

 Basahin at unawain nang Mabuti ang aralin.


 Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at
pagsasanay.
 Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

5
Mga Icons sa Modyul na ito
ii
Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng
layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa inyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin.

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan.
Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa
pamamamagitan ng gawaing
pagkatuto bago ilahad ang paksang
tatalakayin.
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa
pamamamagitan ng gawain sa
pagkatuto upang malinang ang iyong
natuklasan sa pag-unawa sa
konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang iyong natutunan
mula sa aralin.
Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang
maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang iyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto.

6
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

Subukin
iii

Panuto: Basahin ang mga magagalang na pananalita sa Hanay A at


Hanay B. Itambal ang bawat isa sa pahayag naangkop sa paraan ng
paggamit.

Hanay A Hanay B

1. Nakita ko itong naiwan mong lapis. Heto, a. Walang ano man.

2. Magandang hapon po. b. Mabuti naman.

3. Salamat sa paghahatid mo sa aking kapatid. c. Salamat sa iyo.

4. Aray! Natapakan mo ako. d. Magandang hapon din


sa iyo

5. Opo, ligtas kaming nakauwi. e. Pasensiya na. Hindi ko


sinasadya.

7
Z

Aralin Magagalang
iv na
1 Pananalita sa Iba’t-ibang
Sitwasyon
Ang paggalang ay hindi lamang tungkulin, ito ay isang pananagutan sa

Panginoon. Wala sa panlabas na katayuan, karangyaan sa buhay kundi

nasa ating mga puso ang tanggapin at igalang ang ating kapwa anuman

ang katayuan sa buhay lalo pa nga’t kung ito’y may kapansanan at mga

kahinaan.

Balikan

Lagyan ng bituin ang pangungusap na may paggalang.

_______1. Aalis na ako, Tatay!!

_______2. Si Maria po to, Ninang.

_______3. Magandang umaga po, Gng. May.

_______4. Hindi po ako aalis ngayon.

8
_______5. Anong sinabi mo, Pedro?

Tuklasin

Bago natin pakinggan ang tulang babasahin ng iyong guro, alamin muna
ang kahulugan ng mga salita. Ilagay ang titik ng tamang kahulugan sa
patlang.

_______1.Alagaan
_______2.kalungkutan
________3.matatag
________4. Sandigan
________5. tagumpay

Mini-Diksiyonaryo

a. arugain, kalingain
b. pundasyon, batayan
c. pighati, panglaw
d. panalo, wagi
e. malakas, matibay

9
Suriin

Babasahin natin ang tulang “Pamilyang Pilipino”.

Pamilyang Pilipino
ni Arjohn V. Gime

PAMILYANG PILIPINO, tunay na huwaran


Nagbubuklod, tunay na nagkakaisa
Magkaagapay sa hirap at ginhawa
Laging magkasama, sa lungkot o ligaya.
Mapagkandiling INA’y, laging nakaagapay
Sa pangangailangan, tunay na nakaalalay
Dakilang pagmamahal, sa ami’y bumubuhayKaniyang payo at
aral, gabay sa buhay.

AMAng haligi, di nagsasawang umintindi


Sa pangangailangan ng pamilya, di nag-aatubili
Gahol niyang panahon, pagal na katawan,
Di naging hadlang, sa pamilyang nais paglingkuran.
Masisipag na ANAK, tiyaga ang puhunan
Karangalan para sa magulang, laging inaasam
Pagsisikap sa pag-aaral, mulat na kamalayan

10
Sandatang kaalaman, dala para sa bayan.

Pagyamanin

Panuto: Isulat kung ano ang sasabihin mo sa mga sumusunod na


sitwasyon:

1. Isang umaga nakasalubong mo ang iyong guro sa pagpasok mo sa


paaralan.

________________________________________________________
2. Gabi na nang dumating ka sa bahay at nadatnan mo sa sala na
nanonood ng TV ang iyong tatay.

________________________________________________________

3. Isang hapon nang pauwi ka galing sa paaralan, nakasalubong mo ang


iyong tiyahin.

________________________________________________________
4. Nakasabay mo sa kantina ang inyong bagong guro.

________________________________________________________

5.Nadatnan mo sa bahay na may bisita ang nanay mo.

11
Isaisip

Panuto:Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng


iyong sagot sa patlang.

Hanay A

________1.        Anong pangalan mo?


________2.        Ilang taon ka na?
________3.        Saan ka nakatira?
________4.        Sinu-sino ang mga magulang mo?
________5.        Saan ka nag-aaral?
________6.        Nasa anong baitang ka na?
________7.        Sino ang iyong guro

Hanay B

a.    Si Gng. Novie ang aking guro.


b.    Ako si Junrey Tadlas.
c.    Nakatira ako sa P-6 Poblacion Valencia City Bukidnon.
d.    Ako ay nasa ikaapat na baitang
e.    Sa Mababang Paaralan ng Banlag ako nag-aaral.
f.      Sina Herminia at Elden ang mga magulang ko.
g.  Ako ay 9 na taong gulang.

12
Isagawa

Katulad ba ng pamilya sa tula ang sa iyong sariling pamilya? Ilarawan


ang sariling pamilya sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata tungkol
sa kanila. Gamiting gabay ang organizer upang mas madali mong
maisulat ang iyong talata.

Paksang pangungusap

Ano ang gusto mong


sabihin tungkol sa iyong
pamilya?

Ang Pamilyang

___________________
(Isulat ang iyong apelyido)

13
Matapos mong punan ang mga kahon, subuking pagdugtung-dugtungin
ang mga ideya mo upang makabuo ng mga pangungusap at makasulat
ng isang talata.

Tayahin

Kumpletuhin ang bawat pangungusap.

1. Ako si

_______________________________________________________.

2. Ako ay ________ taong gulang.

3. Ang aking mga magulang ay sina ___________________________

_______________________________________________________.

4. Sa ______________________________________ ako nag-aaral.

5. Ako ay nasa _______________________.

14
Karagdagang Gawain

Sumulat ng limang (5) magagalang na salita at gamitin ito sa


pangungusap

1.

2.

3.

4.

5.

15
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. C
2. d
3. a
4. e
5. b

Tuklasin
1. a
2. c
3. e
4. b
5. d

Isaisip
1. b
2. g
3. c
4. f
5. e
6. d
7. a

16
Sanggunian:

Jabines, Angelika D. (2015) Yaman ng Lahi. Sunshine Interlinks


Publishing House, Inc. Unang Edisyon 2015

17
Para sa anumang katanungan o puna, maaaring ipadala sa

pamamagitan ng sulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia

Lapu-Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

18
Guide-in-Language
-Review-ADMs-for-reviewer.docx

19

You might also like