You are on page 1of 27

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Lakas ng Loob Ko, Galing sa
Pamilya ko
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, rehistradong ngalan ng produkto,
tatak at logo, palabas sa telebisyon, pelikula, at iba pa na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga awtor, prodyuser, kumpanya at kung sino pa ang may
saklaw na karapatan. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Schools Division Office Quezon City


Quezon City Local Government Unit
Schools Division Superintendent Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz
Honorable Mayor Josefina Belmonte Alimurung

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marilyn B. Bartolome
Editor: Carolina B. Jastio,
Tagasuri: Salve T. Imperial, Hellen F. Hilario, Isabelita R. Calugay
Palvia F. Agustin, Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Heidee F. Ferrer, Brian Spencer B. Reyes
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI – Tagapamanihala
Fredie V. Avendańo – Pangalawang Tagapamanihala
Juan C. Obierna – Puno, CID
Heidee F. Ferrer, Tagamasid Pangsangay – LRMS
Marietta Caballero – Tagamasid Pangsangay – EsP

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office - Quezon City


Quezon City Local Government Unit
Department of Education –NCR
Office Address: SDO QC Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Quezon City__
Telefax 3456-0343__________________________________
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com__________________
4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Lakas ng Loob Ko, Galing sa
Pamilya Ko
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao


4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Lakas ng Loob
Ko, Galing sa Pamilya Ko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pambulikong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayan sa makabagong paraan ng pag-aaral ng
ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo


ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Lakas ng Loob Ko, Galing
sa Pamilya Ko!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot


sa lahat ng mga gawain sa modyul.

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling mahirapan ka na sagutan ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong nanay o tatay, o sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na maaaring
makatulong sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo.


Tutulungan ka nito para hasain ang iyong katatagan ng loob sa
lahat ng oras. Pinahihintulutan na magamit sa iba’t ibang
sitwasyon ng pagkatuto ang saklaw ng modyul na ito. Kinikilala
ng wikang ginamit dito ang pagkakaiba-iba ng antas ng pananalita
ng mga mag-aaral. Ang araling nakapaloob dito ay isinaayos para
sundin ang pamantayan ng pagkakasunud-sunod ng kurso.
Ngunit ang pagkakasunud-sunod ng iyong pagkakabasa sa mga
ito ay maaring mabago ayon sa libro na iyong ginagamit.
Ang Paksa/Pagpapahalagang nakapaloob sa modyul na ito
ay Katatagan ng Loob na may mga layunin na:
-Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng katatagan ng loob, pagkamatiyaga at
pagbubukas-isip upang maging matagumpay sa buhay.
- Naisasagawa ang pasasalamat sa mga taong walang sawang
sumusuporta sa pagpapaunlad ng talento at kakayahan.
- Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga
nito (EsP4PKPla-b-23)

1
Subukin

Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang letra ng


tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Malakas ang ulan sa inyong lugar. Hindi ka pa makauwi
dahil hinihintay mong tumigil ang ulan subalit gabi na ay
patuloy pa rin ang buhos nito. Ano ang iyong gagawin?
A. Mag-iisip ng paraan para makauwi.
B. Iiyak nang malakas para mapansin ng iba.
C. Hihintayin pa rin na huminto ang ulan.
D. Tatawagan ang kaibigan para samahan ka.
2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaroon ng
lakas ng loob?
A. Natalo sa paligsahan si Luke kaya nagwawala.
B. Nakipag-away si Dina dahil di siya pinapansin.
C. Iniwan ng kaniyang nanay si Minda kaya iyak nang
iyak.
D. Namatay ang tatay ni Alex pero hindi siya nawalan ng
pag-asa na makapag-aral.
3. Palagi kang sinasabihan ng ate mo na mag-aral na mabuti
dahil matatanda na ang inyong mga magulang. Ano ang
iyong magiging reaksiyon dito?
A. Iiyak nang iiyak
B. Aawayin ang kapatid
C. Di papansinin ang sinasabi ng kapatid
D. Susundin ang payo ng kapatid at magsisikap

2
4. Naliligaw kayong magkakaibigan at hindi na tiyak sa
direksiyong binabagtas. Ano ang gagawin mo?
A. Matatakot at iiyak
B. Sisigawan mga kasama
C. Lalakasan ang loob na magtanong-tanong
D. Sisisihin at hahayaan mga kasama na maghanap ng
daan
5. Gabi na at gutom na ang kapatid mo ngunit hindi pa
dumarating ang iyong nanay. Ano ang gagawin mo?
A. Hahainan ng pagkain ang kapatid
B. Uutusang pumunta siya kapitbahay
C. Hahayaang umiyak ang kapatid
D. Sasabihang matulog na siya
6. Niyaya ka ng mga ka-grupo mo na magsanay na para sa
nalalapit na programa sa inyong paaralan pero katatapos mo
lang gawin ang proyekto sa iba n’yong asignatura. Ano ang
gagawin mo?
A. Tatanggi
B. Iiwanan sila
C. Sisimangot sa kanila
D. Sasama na sa pagpapraktis
7. Nagtatrabaho ang iyong mga magulang sa ibang bansa para
mabigyan kayong magkakapatid ng magandang buhay. Ano
gagawin mo?
A. Maglalakwatsa palagi
B. Makikipaglaro araw-araw
C. Mag-aaral na mabuti
D. Makikipag-away sa kanila

3
8. Walang gustong tumayo sa grupo ninyo para mag-ulat ng
inyong ginawang gawain. Ano ang gagawin mo?
A. Magtatago
B. Lilipat ng ibang grupo
C. Magkukusang tatayo para mag-ulat
D. Lalayo sa mga ka-grupo para di matawag
9. Gusto ng inyong guro na iulat ninyo sa harap ng klase kung
paano ninyo nabuo ang natapos na proyekto. Walang
gustong tumayong lider ng inyong pangkat. Ano ang gagawin
mo?
A. Lalakasan ang loob na maging lider ng grupo
B. Iiwanan sila at lilipat sa ibang grupo
C. Pababayaan sila sa grupo
D. Tatahimik na lamang
10. Marami kang talento at alam ng mga kaibigan mo iyon.
Lumapit sa iyo ang isang kaibigan mo para magpaturo. Ano
ang iyong gagawin?
A. Sasabihan na sa iba na lang magpaturo
B. Aalis at sasabihing may gagawin ka pa
C. Magtitiyagang turuan ang kaibigan
D. Yayayaing maglaro ang kaibigan
11. Mahilig kang tumingin sa niluluto ng iyong nanay. Gusto
kang isali ng kapitbahay n’yo sa paligsahan sa pagluluto sa
inyong barangay. Ano ang gagawin mo?
A. Iiwanan ang kapitbahay
B. Tatawanan ang kapitbahay
C. Sasali sa sinasabing paligsahan
D. Di papansinin ang sinasabi ng kapitbahay

4
12. Mahusay kang gumawa ng sanaysay kaya isinali ka ng
iyong guro sa Patimpalak sa Pagsulat ng Sanaysay. Ano ang
gagawin mo?
A. Liliban sa klase
B. Sasali at magpapraktis na
C. Sasabihing hindi ka interesado
D. Di papansinin ang sinasabi ng guro
13. Niyaya ka ng kaibigan mong maghandog ng natatanging
bilang para sa kaarawan ng kaniyang lolo. Ano ang gagawin
mo?
A. Tatanggihan kasi walang bayad
B. Hindi sasama kasi wala kang bagong damit
C. Sasabihing may aasikasuhing importante
D. Papayag at magsasanay ng mga kakantahin
14. Sinabihan ka ng tito mo na maghanda ng isang kanta para
sa anibersaryo ng kasal ng iyong lolo’t lola. Ano ang gagawin
mo?
A. Walang gagawin
B. Maghahanda ng isang kanta
C. Di papansinin at aalis ng bahay
D. Magtatago sa kuwarto at di sasali sa selebrasyon
15. Pareho kayong may angking talento ng kapatid mo pero siya
palagi ang napupuri dahil mahiyain ka. Anong gagawin mo
para malaman ng iba na may talento ka rin?
A. Ipapakita ang talento
B. Itatago ang kakayahan
C. Ipagsisigawan na kaya mo lahat
D. Ipagmamayabang na talo mo sila

5
Aralin Lakas ng Loob Ko, Galing sa
1 Pamilya Ko

Nasubukan mo na bang pumasok nang walang baon? Hindi


kumain sa oras ng recess kasi walang perang pambili? May mga
mag-aaral talagang nararanasan ang ganyang sitwasyon. Ano
kaya ang gagawin mo kapag nangyari sa iyo ang ganyang
sitwasyon?

Pansinin mo ang mga larawan, ano ang napapansin mo sa


mga larawan? Sa iyong palagay, paano kaya sila nagtagumpay sa
buhay?

6
Mababasa mo sa kuwento ng araling ito ang pag-uugaling
ipinakita ng isang bata para siya ay magtagumpay sa buhay.

Tuklasin

Basahin ang kuwento.

Ang Batang Masigasig sa Pag-aaral

Si Mira ay panganay sa tatlong magkakapatid.


Gustung-gusto niyang mag-aral pero hindi na sila kayang
pag-aralin ng kanilang mga magulang. Natanggal kasi sa
trabaho ang kanilang tatay mula ng nasunog ang
pabrikang pinagtatrabahuan nito kaya hirap sila ngayon
sa buhay. Kumita man ang kanilang mga magulang ay
sapat lang para sa kanilang pagkain sa maghapon.

Dahil sa kagustuhan ni Mira na makapag-aral, siya


ay nagpatala at pati ang dalawa niyang kapatid ay
ipinalista niya rin sa eskwelahan.

Inayos niya ang mga lumang gamit nilang


magkakapatid para may magamit sila sa pasukan.

Nang pasukan na, Si Mira ay pumapasok ng


naglalakad at walang baon dahil ibinibigay niya sa dalawa
niyang kapatid ang kaniyang pera.

7
Sa umaga, siya ay pumapasok sa paaralan at sa
tanghali naman ay nagtitinda siya ng basahan sa kalsada.
Kapag Sabado’t Linggo, siya ay nagtitinda ng diyaryo at sa
hapon naman ay nagpupunas ng sasakyan. Sa gabi na
siya nag-aaral at gumagawa ng Takdang-Aralin.
Nagsumikap sa pag-aaral at pagtatrabaho si Mira
hanggang sa makatapos siya ng kursong bokasyunal sa
kompyuter.
Nakahanap agad ng trabaho si Mira hanggang sa
siya’y maging manedyer sa kumpanyang kaniyang
pinapasukan. Napag-aral niya ang dalawang kapatid
hanggang sa ang mga ito ay makapagtapos.
Masaya ang mga magulang ni Mira dahil sa
ipinakitang katatagan niya upang siya ay magtagumpay
sa buhay.

8
Suriin

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang mga


kasagutan sa iyong sagutang papel.

1. Ilarawan si Mira. Anong pag-uugali ang nagustuhan mo

sa kaniya? Bakit?

2. Bakit hindi na sila kayang pag-aralin ng kanilang

magulang?

3. Ano ang mga trabaho ni Mira para siya ay kumita ng

pera?

4. Nagtagumpay ba si Mira sa kaniyang buhay? Patunayan.

5. Sa iyong palagay, paano ka rin magtatagumpay sa

buhay?

9
Pagyamanin

Ang katatagan at lakas ng loob ay magandang pag-uugali na


dapat taglayin ng bawat batang mag-aaral upang maipakita sa
ibang tao ang talentong taglay.

Sa gawaing ito, kopyahin ang nasa loob ng kahon sa iyong


sagutang papel at dikitan o guhitan mo ng larawan na ipinapakita
ang iyong talento o kalakasan. Sa bandang baba ng kahon, isulat
ang tatlong paraan na gagawin mo para mas lalong mapaunlad
ang iyong kakayahan.

Ang aking talento ay ________________________________________

Tatlong paraan na gagawin mo para mapaunlad pa ang iyong


talento o kakayahan.

1. ____________________________________________________________

2. ____________________________________________________________

3. ____________________________________________________________

10
Isaisip

Piliin sa loob ng kahon ang salitang naaangkop ilagay sa


bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

kakayahan pagyamanin paunlarin


regalo natatangi katatagan

Sa buhay ng isang mag-aaral, ang katangian at natatanging


kasanayan ay isang (1) mula sa Maykapal. Ibinigay ito ng
Diyos kung kaya’t dapat natin itong (2)_______ at (3) .

Ang kakayahan ng isang tao ay (4) . Hindi ito itinatago


at ikinahihiya sapagkat ang ibang tao ay nangangailangan ng mga
katangiang ito. Halimbawa, ang isang tao na mahusay sa
pagsayaw ay di makasasayaw kapag walang mahusay na
makagagawa ng isang tugtugin. Ang isang mahusay na
kompositor o manunulat ng awit.

Ang lakas,(5)_________ at tibay ng loob ay lubhang kailangan


upang mapaunlad ang isang katangi-tanging kakayahan. Ito ay
ipinakikita upang maitama, mapabuti at mapaunlad ang
kakayahan, kung kinakailangan para maabot ang kahusayan.

11
Isagawa

Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon? Ilagay


ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ingat-yaman ka ng inyong klase at nagpapalibre ang mga
kaibigan na kaklase pero wala kang pera.
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Isinali ka ng iyong guro sa patimpalak sa pag-awit.


_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. May nagaganap na paligsahan sa Tagis-Talino sa inyong


paaralan. Wala ang kaklase mong kasali at ikaw ang
itinuturong ipapalit sa kaniya.
_________________________________________________________
_________________________________________________________

4. Sinabihan ka ng nanay mo na turuan ang iyong


nakababatang kapatid dahil maglilinis siya ng inyong
bahay.
_________________________________________________________
_________________________________________________________

5. Kaarawan ng kaibigan ng kuya mo, nataong nandoon ka


at hinihilingan kang kumanta.
________________________________________________________
________________________________________________________

12
Tayahin

Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang letra ng


tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ikaw na ang susunod na taga-ulat ng inyong grupo. Ano ang


iyong gagawin?
A. Tatanggihan ang gawaing tagapag-ulat
B. Magsasanay ng mga sasabihin sa klase
C. Magdadahilang maysakit
D. Lilipat ng ibang grupo
2. May programa sa inyong paaralan, naghahanap sila ng
magbibigay ng natatanging bilang at ikaw ang sinabi ng iyong
mga kaklase. Ano ang iyong magiging reaksiyon dito?
A. Tatanggihan
B. Magtatago
C. Ipakikita ang talento
D. Ituturo ang ibang kaklase
3. Mahusay kang magbasketbol. May liga sa inyong lugar at
niyayaya ka ng iyong mga kaibigan na sumali. Ano ang iyong
gagawin?
A. Sasali
B. Tatanggihan
C. Ituturo na lang ang iba
D. Hindi papansinin ang kanilang sinasabi

13
4. Mahilig kang gumuhit ng mga bagay. Napansin ito ng iyong
guro kaya sinabihan ka na isasali ka sa paligsahan sa
pagguhit. Ano ang iyong gagawin?
A. Iiwasan ang guro
B. Magsasanay nang husto
C. Sasabihan ang guro na ayaw mo
D. Ituturo na lang ang ibang kaklase
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katatagan ng loob?
A. Sinabihan ang kaklase na siya na ang sumali.
B. Nagtago si Minda para hindi makita ng guro.
C. Nag-ulat si Rico sa abot ng kaniyang makakaya.
D. Nagkunwaring walang narinig si Mark na sinabi ng
kaniyang guro na isasali siya sa Patimpalak sa Pag-
awit.
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng batang may lakas ng
loob na ipakita ang kaniyang talento?
A. Si Mike na kumakanta sa entablado
B. Si Liza na nanginginig sa pagsayaw
C. Si Eric na nabubulol tumula
D. Si Carol na naluluhang mag-ulat
7. Lagi kang pinakakanta ng iyong tatay. Isang araw, habang
kumakanta ka ay may dumating na bisita sa inyong tahanan
pero sinenyasan ka ng iyong tatay na ituloy lang ang iyong
pagkanta. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatakbo sa kuwarto
B. Ihihinto ang pagkanta
C. Isasarado ang pintuan
D. Itutuloy ang pagkanta

14
8. Nagpapraktis kayong sumayaw sa entablado nang biglang
sinabihan ka ng iyong kasama na matigas ang iyong
katawan. Ano ang iyong magiging reaksiyon dito?
A. Aalis at iiyak
B. Sisigawan at aawayin
C. Paghuhusayan ang pinapraktis
D. Sisimangutan at di papansinin
9. Nasa ospital ang iyong tatay dahil may sakit. Paano mo
ipakikita ang katatagan mo sa ganitong pangyayari?
A. Tatahimik at magkukulong sa kuwarto
B. Ipapanalangin palagi ang tatay na gumaling
C. Palaging sisigawan at aawayin mga kapatid
D. Hahayaan lang ang kapamilya sa kanilang ginagawa
10. Napakahusay mo sa klase kaya marami ang humahanga
sa’yo pero nang isali ka sa patimpalak sa Tagis-Talino ay
natalo ka. Paano mo kakaharapin ang ganitong sitwasyon?
A. Iiyak
B. Sisigaw
C. Mang-aaway
D. Magiging matatag
11. Nagugutom ka pero wala kang pera kaya sumali ka sa
katabing barangay sa paligsahang ubusan ng pagkain.
Ano ang iyong ipinakitang ugali sa pagsali?
A. Sipag at tiyaga
B. Lakas ng loob
C. Talino at galing
D. Tatag ng isipan

15
12. Gusto mong tulungan ang iyong magulang na kumita ng
pera kaya nagtitinda ka ng basahan sa kalsada. Anong
pag-uugali ang ipinakita mo sa iyong pagtitinda?
A. Katatagan ng loob
B. Kahusayan sa pagtitinda
C. Kagalingan sa pagbebenta
D. Kayabangan sa paglalakad sa kalsada
13. Maaga pa lang ay kasama ka na ng iyong nanay sa
pagtitinda ng mga gulay sa palengke. Ano ang iyong
ipinakitang pag-uugali sa pahayag?
A. Kahusayan sa paggising nang maaga
B. Kagalingan sa pagtitinda sa palengke
C. Katatagan ng loob sa paghahanapbuhay
D. Kasipagan sa pagbubuhat ng mga paninda
14. Ang lahat ng bata ay may talento at kakayahan. Ano ang
iyong gagawin sa iyong talento?
A. Ipagsigawan
B. Balewalain
C. Paunlarin
D. Itago
15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapaunlad ng
kakayahan o talento?
A. Si Mark na sumasali sa mga paligsahan
B. Si David na di sumasali sa pagsasanay
C. Si Edlyn na nanonood sa nagpapraktis
D. Si Elmer na nakaupo lamang

16
Karagdagang Gawain

Sa isang malinis na papel, gumawa ng liham pasasalamat sa


taong walang sawang sumusuporta sa iyo na mapaunlad ang
iyong kakayahan o talento.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Ngayon, natutuhan mo na ang pagiging matatag sa pag-


aaral. Binabati kita!
Maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin.

17
18
Suriin
1. Si Mira ay panganay sa tatlong magkakapatid. Siya ay
masigasig na bata at hindi nahihiya sa trabaho para
kumita ng pera
2. Hindi na sila kayang pag-aralin ng kanilang magulang
dahil nawalan ng trabaho ang kanilang tatay.
3.Ang mga trabaho ni Mira para kumita ng pera ay
pagtitinda ng basahan, at pagtitinda ng diyaryo at
pagpupunas ng sasakyan
4. Nagtagumpay si Mira sa kaniyang buhay dahil isa na
s’yang manedyer at napagtapos na niya ang kaniyang
dalawang kapatid.
5. Magtatagumpay ako sa buhay sa pamamagitan ng
pagiging matatag na harapin ang lahat ng pagsubok sa
aking pag-aaral – depende sa sagot ng bata
Subukin Isaisip Tayahin
1. A 11. C 1. regalo 1. B 11. B
2. D 12. B 2. C 12. A
2. pagyamanin
3. D 13. D 3. A 13. C
4. C 14. B 3. paunlarin 4. B 14. C
5. A 15. A 5. C 15. A
6. D 4. natatangi 6. A
7. C 5. katatagan 7. D
8. C 8. C
9. A 9. B
10. C 10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

*Most Essential Learning Competencies 2020


*Learning Assurance Mapping Project
*LR Portal
*Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral d. 2-10
*Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Gabay ng Guro d. 3-6

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Quezon City

Email Address: sdoactioncenter@gmail.com

Telephone No.: 8352-6806 / 8352-6809

Telefax: 3456-0343

You might also like