You are on page 1of 7

Karagdagang Kagamitang Pampagkatuto

Pag-uugnay ng Kapaligiran at
Uri ng Hanapbuhay

Larawan kuha ni Tesalonica F. Lumaya

GRADE IV
ARALING PANLIPUNAN
Manunulat:
TESALONICA F. LUMAYA
DALUB-Guro I
Caraga Central Elementary School

ROVILYN C. CARIÑO
Guro – I
Tubilan Elementary School

GRACE B. CABONGBONG
Guro – I
San Luis Elementary School

RIESIA MICHELLE B. CALIGUYAN


Guro – I
Magsayap Elementary School

MARY DAVE B. LEMENTE


Guro – I
Mercedes Elementary School

IVEN O. CANUSA
Guro – I
San Jose Elementary School

Konsultant:
GIERSON B. ROSA Ph.D.
EPS- Araling Panlipunan

Karapatang-ari at Pagtatatuwa

Ang materyal na ito ay hindi maaaring ipagbili. Ito ay pwedeng gamitin o sipiin sa anumang
anyo o pamamaraan para sa pagtuturo ngunit lagyan ng kaakibat na pagkilala.

Ito rin ay maaaring magkaroon ng pagkakamali. Tinatanggap ng may-akda o ng Sangay ng


Davao Oriental sa kabuuan ang anumang uri ng puna o rekomendasyon na ibibigay ng
mambabasa para sa mas ikabubuti ng materyal.

Karapatang-ari © 2016 Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Davao Oriental


Ikalawang Markahan
Unang Linggo

Pag-uugnay ng Kapaligiran at Uri ng Hanapbuhay

_________________________________________________________________________________

Takdang Panahon: 1-2 Araw

Pamantayan sa Pagkatuto:

 Nailalarawan ang mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang


lokasyon ng bansa (AP4LKE – IIa-1)

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang mga uri ng hanapbuhay sa kapaligiran


2. Naiuugnay ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay rito
3. Napapahalagahan ang kapaligiran na nagbibigay ng hanapbuhay
sa lugar o bayan

GAWIN MO

Gawain A Gumuhit Tayo!

1. Ipangkat ang mga bata sa apat na grupo.


2. Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng hanapbuhay sa
iba ibang kapaligiran sa bayan ng Caraga.
Unang Pangkat – kapatagan
Ikalawang Pangkat – malapit sa katubigan
Ikatlong Pangkat – kabundukan
Ikaapat na Pangkat – lungsod

3. Ipakita ang larawang naiguhit at ipaliwanag ang


kahalagahan nito sa klase.

Rubrics sa Pangkatang Gawain

5 3 1
Nilalaman Kumpletong kaalaman ang May mga ilang detalye na Halos walang
nailahad ng pangkat sa hindi maayos na naipaliwanag o
kanilang naipaliwanag o nagawang
gawain/output. nailahad ng pangkat. output ang
pangkat.

Kagamitang Biswal Angkop ang mga May kaunting kakulangan Walang handang
kagamitang biswal na sa mga kagamitang biswal biswal
ginamit ayon sa hinihingi at hindi
ng gawain. Kumpleto itong kumpletong naglalarawan
naglalarawan o naglalaman o naglalahad ng tumpak na
ng katugunan
mga kaalaman na dapat o kaalaman na dapat
mailahad sa klase. makita ng klase.

Pakikiisa ng bawat Lahat ay nakiisasa May dalawa o higit pang Walang pakikiisa
Miyembro sa Gawain pangkatang gawain at miyembro ang hindi ang bawat
naglahad ng nakiisa sa gawain miyembro ng
kanilang kaalaman at pangkat
kasanayan na
kakailanganin sa gawaing
iniatang.
Gawain B

Panuto: Punan ang graphic organizer upang ipaliwanag ang


nabuong larawan na naiguhit.

May kaugnayan ba ang kapaligiran sa uri


ng hanapbuhay ng tao sa isang lugar?
Patunayan ang sagot

Oo Hindi
_____________________ ______________________

_____________________ ______________________

_____________________ ______________________

_____________________ ______________________

TANDAAN MO

• Ang uri ng kapaligiran ay may kaugnayan sa uri ng hanapbuhay


ng mga tao sa isang lugar.
SUBUKIN NATIN

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang uri ng hanapbuhay na


tinutukoy sa bawat sitwasyon.

1. Ang Lungsod ng Caraga ay may katamtamang klima ang lugar. Isa


sa mga pinagkakakitaan nito ay bunga ng niyog at palay. Ang lugar
na ito ay angkop sa anong uri ng hanapbuhay?

2. Maraming bagoong at bangus sa lalawigan ng Pangasinan. Marami


pang ibang uri ng isda ang nahuhuli sa lugar na ito. Anong
hanapbuhay ang naaangkop dito?

3. Ang mga lalawigan ng Bukidnon, Batangas, at Mindoro ay may


malawak na pastulan ng hayop tulad ng baka at kambing. Angkop
ang lugar na ito sa anong uri ng hanapbuhay?

4. Malawak na bahagi ng Pilipinas ay katubigan. Kung pagyayamanin


ito, maraming sariwang isda at mga yamang dagat ang
mapapakinabangan. Anong uri ng hanapbuhay ang naaangkop dito?

5. Malawak ang kapatagang taniman ng palay sa Gitnang Luzon. Ang


lugar na ito ay angkop sa anong uri ng hanapbuhay?

KASUNDUAN

Panuto: Magsaliksik ng iba’t ibang uri ng hanapbuhay na


naaangkop sa iba’t ibang lokasyon ng bansa.

SANGGUNIAN

Learning Material in Grade IV - Araling Panlipunan


Pahina 116-119
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain A - Pagsusuri sa larawang iginuhit: Iba-iba ang sagot.

Gawain B - Tanggapin ang iba’t-ibang sagot.

Subukin Natin

1. Pagsasaka
2. Padadaing
3. Pag-aalaga ng hayop
4. Pangingisda
5. Pagsasaka

You might also like