You are on page 1of 8

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

Hunyo 22, 2015


Lunes
2:30 - 3:00 pm III- Heron

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang mga bagay na nagpapakita ng katatagan ng loob
B. Napahahalagahan ang pagkilala sa kaya nilang gawin na sumusukat sa
katatagan ng loob tulad ng pagtanggap ng puna ng ibang tao sa mga hindi magagandang gawa,
kilos at gawi

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa : Matatag Ako, Kaya Kong Gawin!
B. Sanggunian : ESP 3 Kagamitan ng Mag-aaral
C. Kagamitan : Kagamitan ng Mag-aaral Textbook, ph. 24-26
D. Kahalagahan : Katatagan ng Loob

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Physical/Health Inspection
2. Balik-aral
Anu-anong mga gawain ang maisasagawa ng may lakas ng loob ?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagtatanong sa mga mag-aaral
Sino sa inyo ang nakaranas na ng pagpuna ng ibang tao? Sino ang pumuna
na sa inyo? Anu-anong mga bagay ang ipinuna nila sa inyo? Ano ang inyong
naramdaman?
2. Paglalahad
Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung alin sa sumusunod ang
nangangailangan ng iyong katatagan.
1. Hinahamon ka ng away ng iyong kamag-aral.
2. Magpapabakuna ka laban sa isang epidemya o sakit.
3. Magwawalis ka ng bakuran.
4. Sasagot ka sa mahirap na tanong ng guro.
5. Mag-aalaga ka ng halaman.
6. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba.
7. Maglalaro ka sa labas ng bahay kahit umuulan.
8. Matutulog ka ng mag-isa kung gabi kahit wala kang katabi.
9. Makikipag-usap ka sa punong-guro tungkol sa paglahok sa isang kontes
sa labas ng paaralan.
10. Makikipaglaro ka sa iyong mga kababata.

3. Pagtalakay
Ang katatagan ng loob ng isang batang tulad mo ay maaaring ipakita sa iba’t ibang
pagkakataon. Dapat mong tanggapin ang puna ng ibang tao sa mga pagkakamali mo at
itatama ang hindi magandang kilos o gawi. Hindi rin dapat sasama ang iyong loob.

4. Paglalahat
Paano mo tinatanggap ang puna ng ibang tao sa mga pagkakamali mo o hindi
magandang kilos o gawi ? Sasama ba ang loob mo itatama mo ang mga ito?

C. Pangwakas na Gawain
Basahin ang diyalogo. Nagbago Dahil sa Tamang Puna

Oras ng rises, pinalabas na ng kanilang guro ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang
pangkat Rosas. Nakapila ang klase subalit si James at Robert ay hindi pumila. Nag-uunahan
silang tumakbo sa labas.
James: Dalian mo Robert! Mauunahan tayo ng iba sa pilahan sa kantina!
Robert: Sige, sabay tayo! Baka tayo maubusan. (At nag-uunahan silang tumakbo sa
kantina.)
Robert: Ano ba ang bibilhin mo?
James: Ang gusto ko ay pansit at sago. Ikaw?
Robert: Banana cue at juice.

(Hindi nila napansin si Gng. Gonzales kaya nabunggo nila ito. Agad silang pinigil ni Gng.
Gonzales.)
Gng. Gonzales: Mga bata, tigil muna kayo hindi niyo ba nabasa ang nakasulat na paalaala
na nakapaskil sa pader? Bawal tumakbo sa pasilyo ng mga gusali. Baka kayo madulas at
maaksidente. Dapat ninyo itong sundin para maiwasan ang anumang aksidente at
makasakit ng ibang tao.
James at Robert: (Hiyang-hiya) Sori po, Ma’am. Nagmamadali lang po kami. Hinding-
hindi na po kami uulit.

Simula noon ay lagi nang pumipila ang dalawa kapag lumalabas ng silid-aralan kasama ng
kanilang kamag-aral. At lahat ng tuntunin sa paaralan ay kanila nang sinusunod.

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang pumuna sa maling gawi nina Robert at James?
2. Anong mga katangian ang ipinakita ng dalawang bata na magpapatunay na matatag ang
kanilang kalooban lalo na nang kausapin sila ng guro?
3. Patunayan na ang puna na ibinigay ng guro sa dalawang bata ay naging epektibo.
4. Bakit mahalaga ang pagtatama sa mga mali mong asal at gawi?
5. Kung ikaw ang isa sa mga mag -aaral, ano ang iyong mararamdaman kapag itinatama ka ng
iyong guro? Ipaliwanag

IV. PAGTATAYA
Kung ikaw ay pinuna ng iyong guro sa mali mong kilos o gawi, anu-ano ang mga bagay na
dapat mong gawin ? Isulat sa inyong kwadermo.

V. TAKDANG GAWAIN
Gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pagtanggap sa puna ng ibang tao.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
Hunyo 24, 2015
Miyerkules
2:30 - 3:00 pm III- Heron

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang mga bagay na nagpapakita ng katatagan ng loob
B. Napahahalagahan ang pagkilala sa kayang gawin ng mag-aaral na sumusukat sa
kaniyang katatagan ng loob tulad ng:
- pagtanggap sa puna ng ibang tao sa mga hindi magandang gawa, kilos, at
gawi
- pagbabago ayon sa nararapat na resulta.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa : Matatag Ako, Kaya Kong Gawin!
B. Sanggunian : ESP 3 Kagamitan ng Mag-aaral
C. Kagamitan : Kagamitan ng Mag-aaral Textbook, ph. 26-29
D. Kahalagahan : Katatagan ng Loob, kooperasyon

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Physical/Health Inspection
2. Balik-aral
Paano mo tinatanggap ang puna ng ibang tao sa mga pagkakamali mo o hindi
magandang kilos o gawi ? Sasama ba ang loob mo itatama mo ang mga ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Hayaang makahanap ng kapareha ang mga mag-aaral. Magsadula ng isang
sitwasyon kung papaano tatanggapin ng maayos ang puna ng ibang tao. Tumawag
ng mga volunteer na magpapakita ng inihandang maikling dulaan. Maaari ring
magbigay ng reward para sa mga nagparticipate.

2. Paglalahad
Ipakita ang larawan sa pahina 27 ng kanilang MTB-MLE KM/Textbook at
hayaan ang mga mag-aaral na ilarawan ang kaganapan sa nakitang larawan.

3. Pagtalakay
Nasusubok ang katatagan ng ating loob sa pamamagitan ng:
 pagtanggap sa puna ng ibang tao at pagtatama sa mga hindi magandang
kilos, gawa, at gawi bilang tao
 pagtatama sa mga maling nagawa at pagsasakatuparan ng mga pagbabago
mula sa mga mungkahi upang lalo pa itong mapaganda at mapabuti.
4. Paglalahat
Paano nasusubok ang katatagan ng ating loob ?

C. Pangwakas na Gawain
Bumuo ng pangkat na may anim hanggang walong kasapi. Pumili kayo ng lider.
Pag-aralan at talakayin ang kalagayan.

May proyekto tungkol sa paggawa ng accessory gaya ng kuwintas o pulseras ang mga bata.
Gagamitin sa proyekto ang mga kagamitang makikita sa kanilang pamayanan. Kabilang dito
ang kabibe, mga buto ng prutas, o gulay. Nakasubaybay sa kanila si Gng. Magbuhat.
Nagbibigay siya ng puna at mga mungkahi. Sinunod ng mga bata ang mga sinabi ng kanilang
guro. Kahit na ito ay mahirap gawin, hindi sila nagpakita ng sama ng loob o pagtatampo sa
kanilang guro, dahil alam nila na ito ay tama. Alam din nila na ito ay para sa ikagaganda ng
kanilang proyekto. Pagkaalis ng guro, patuloy nilang sinunod ang habilin. Natapos ang
proyekto at nakakuha sila ng mataas na marka.

Sagutin ang mga tanong.


1. Anong proyekto ang pinagagawa ni Gng. Magbuhat?
2. Bakit pinahahalagahan ng mga bata ang mga puna at mungkahi ng
kanilang guro?
3. Sa iyong palagay, ang pagtanggap ba sa mga puna at pagsunod sa mga
mungkahi ng mga nakatatanda tulad ng guro ay nagpapamalas ng katatagan ng
loob? Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


A. Anu-ano ang iyong gagawin kung ikaw ay pinuna ng iyong guro dahil sa
hindi mo paggawa ng iyong takdang aralin ?
B. Anu-ano ang iyong gagawin kung ikaw ay pinuna ng isa sa mga kaklase mo
sa hindi mo pakikinig sa iyong guro ?
C. Ano ang iyong gagawin kung ang iyong guro ay pinagsabihan ka na maging
maayos sa sarili ?

V. TAKDANG GAWAIN

Sumulat ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pagtanggap ng puna ng ibang tao.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
Hunyo 25, 2015
Huwebes

3:40 - 4:20 pm III- Heron

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang mga bagay na nagpapakita ng lakas ng loob.
B. Nasasabi ang mga bagay na nagpapakita ng lakas ng loob.
C. Napahahalagahan ang pagkilala sa kayang gawin ng mag-aaral na sumusukat sa
kaniyang katatagan ng loob tulad ng:
- pagtanggap sa puna ng ibang tao sa mga hindi magandang gawa, kilos, at
gawi
- pagbabago ayon sa nararapat na resulta

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa : Katatagan ng Loob (fortitude)
B. Sanggunian : Edukasyon sa Pagpapakatao 3, ph. 28-30
C. Kagamitan : Kagamitan ng Mag-aaral textbook
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Physical/Health Inspection

2. Balik-aral
Paano nasusubok ang katatagan ng loob ng isang batang katulad mo?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Hayaan ang mga mag-aaral na sabihin kung ano ang nasa larawan sa ibaba.

2. Paglalahad
Basahin ang kalagayan. Magkaroon ng masusing talakayan tungkol dito at pag-
usapan ang nararapat gawin.

Kalagayan:
Dumating ang mga kamag-aral ni Ana sa bahay. Inilabas niya ang kahon ng
laruan at naglaro sila. Matapos maglaro ay umuwi na sila.
Naiwang nakakalat ang mga laruan, at si Ana naman ay nanood ng palabas
sa telebisyon. Dumating ang kaniyang kuya at pinagsabihan si Ana. Ipinaliwanag
ng kaniyang kuya ang kaniyang dapat gawin kung sakaling tapos na ang
kanilang paglalaro.

3. Pagtalakay
Isa sa kasabihan ng mga nakatatanda ay ito:“ang pinakamagandang silid sa
mundong ito ay ang silid ng pagbabago at pag-unlad.” Ang katatagan ng ating
loob ay maipakikita ng isang tao sa pamamagitan ng payapang pagtanggap ng mga
puna at puri sa ating buhay. Ang taong marunong tumanggap ng papuri ay dapat na
marunong ding tumanggap ng puna para makamtan ang tunay na pagbabago.

4. Paglalahat
Ano ang dapat gawin ng isang batang marunong tumanggap ng papuri?

C. Pagsasagawa
Mula sa nabasang kalagayan, sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit pinagsabihan ni Kuya si Ana?
2. Tama bang iwanan ni Ana at ng mga kalaro niya na nakakalat ang
mga laruan? Bakit?
3. Ano ang dapat ginawa ni Ana bago nanood ng telebisyon?

IV. PAGTATAYA
Kaya mo na bang tanggapin ang puna ng ibang tao sa maling kilos, gawa, o gawi na
iyong ipinapakita? Isulat ang inyong gagawin kung paano tatanggapin ang iba’t ibang puna.
Gawin ito sa inyong kuwaderno.

1. Pinagsabihan ka ng iyong kaibigan dahil palagi mong kinukuha ang kanyang lapis ng
hindi ka nagpapaalam.
2. Sinabihan ka ng guro mo na magbasa ka palagi pagkatapos ng klase.
3. Pinagsabihan ka ng ate mo na dapat magpakita ng paggalang habang nakikipag-usap
sa mga nakatatanda.
4. Kinausap ka ng iyong guro at sinabihan na dapat palaging maligo bago pumasok sa
paaralan.
5. Pinaalalahanan ka ng iyong Nanay dahil palagi mong inaaksaya ang tubig na iniigib
ng iyong Kuya.

V. TAKDANG GAWAIN
Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay pinagsabihan ng iyong nanay dahil sa madalas
mong paglalaro sa labas at sinabing tumulong ka muna sa gawaing bahay? Isulat ang iyong
sagot sa apat hanggang limang pangungusap sa inyong kwadermo.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
Hunyo 26, 2015
Biyernes
3:40 - 4:20 pm III- Heron

I. LAYUNIN
Natutukoy ang mga bagay na dapat gawin upang mapangalagaan ang kalusugan
Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at kaligtasan

II. PAKSANG ARALIN

B. Paksa : Malusog na Katawan, Damdamin, at Kaisipan: Pangalagaan


B. Sanggunian : Edukasyon sa Pagpapakatao 3, ph. 32-33
C. Kagamitan : Kagamitan ng Mag-aaral Textbook
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Physical/Health Inspection

2. Balik-aral
Anu-ano ang inyong dapat gawin kung kayo ay pinuna ng mga taong
nagmamalasakit sa inyo?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
- Ipabasa sa mga bata ang kaisipang“Ang Kalusugan ay Kayamanan”
- Hingan ang mga bata ng kanilang reaksiyon at bigyan ng pagkakataong
maibahagi ito sa klase.
- Talakayin ang ibinahagi ng mga mag-aaral na iba pang gawi nila sa
kalusugan.

2. Paglalahad ng Sitwasyon

Pumili ng isang lider na magkukunwaring “host”. Ang mga natitirang kasapi ng


pangkat ay uupo sa harapan at iinterbyuhin ng inyong napiling host tungkol sa inyong
mga gawi sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng katawan mula sa
karamdaman.

3. Pagtalakay
Anu-anong gawi at kilos ang maaaring makatulong upang mapanatiling
malusog at ligtas ang katawan mula sa anumang karamdaman?
Alin sa mga nabanggit na kilos at gawi ang ginagawa mo na rin sa
kasalukuyan?
Sa iyong palagay bakit may ilang mga bata na bihirang magkasakit at may ilan
naman ang palaging nagkakasakit?

4. Paglalahat
Bakit kinakailangang pangalagaan ang sariling kalusugan?

C. Pangwakas na Gawain
Gumawa ng isang pangako sa loob ng isang puso tungkol sa pangangalaga ng iyong kalusugan
at kaligtasan ng katawan.

Ako si _____ ay nangangakong


_____________________________
______________.

IV. PAGTATAYA
Isulat mo sa loob ng bawat lobo ang natutuhang mga gawi sa pangangalaga ng iyong
kalusugang pisikal, mental, emosyonal.
V. TAKDANG
GAWAIN
Itala ang
mga gawaing
ginagawa sa
araw-araw upang
mapanatiling
malusog.

You might also like