You are on page 1of 9

Edukasyon sa Pagpapakatao

3
Quarter 1 Week 3
Nakasusunod sa
pamantayan/tuntunin ng mag-anak
Tuloy Po Kayo

Halina, tuloy po kayo


Sa aming tahanan
Kahit na simple lang
Ay maayos naman!

Si Nanay, si Tatay
Kanilang mga utos
Sinusunod namin
May kusang-loob at lubos

Si Ate, si Kuya
Ako at si bunso
Ay nagmamahalan
Nang taos sa puso.
Sagutin ang mga katanungan:

1.Tungkol saan ang tula?


2. Maglista ng madalas na tagubilin ng inyong mga magulang.
3. Sinusunod mo ba ang mga utos at tagubilin ng iyong mga
magulang?
Bakit?
4. Ano anong sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal at
pagkakasundo ng inyong pamilya?
5. Ano ang iyong nararamdaman kung ang iyong pamilya ay
nagkakasundo at nagkakaisa?
Gawin Natin
Kulayan ng berde ang ulap kung araw-araw mong ginagawa ang
nakasulat, dilaw kung bihira at pula kung hindi. Gawin ito sa isang
papel.
Mga Tagubilin sa Akin

Naisasagawa ko
Bumibili ako
ang nakatakda Nagdadabog ako
kung kailangan
kong gawain sa kapag inuutusan
lamang
bahay

Nagsasabi ako ng Malinis ako sa


totoo aking katawan
Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin?


2. Magiging masaya ba ang tahanan kung ang bawat
kasapi ng pamilya ay nagkakaisang sumunod sa
mga alituntuning itinakda?
Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
Tandaan Natin
Ang pamilya ay ang pangunahing
yunit ng lipunan. Ito ang nagpapasigla
ng pamayanan lalo na kung ang bawat
kasapi nito ay nakatutupad sa
tungkuling iniaatas sa kaniya.
Dapat nating sundin ang mga
tuntuning itinakda ng tahanan tungo sa
masaya at maayos na samahan.
Ang mga tuntunin ay itinakda upang sundin ng
bawat kasapi ng pamilya tungo sa maayos at
masayang pamumuhay.

Bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya,


makabubuti ang iyong mga ginagawa ay dapat na
ikinasisiya ng iyong mga magulang. Magsisilbi itong
inspirasyon upang lalo pa nilang mapaganda ang
kinabukasan ng kanilang mga anak na tulad mo.
Dahil dito, mahalagang sinusunod mo ang mga
alituntunin at patakarang pinagkasunduan sa
tahanan lalo na sa disiplina at sa iyong pag aaral.
Umisip ka ng isang pangyayari sa iyong buhay na may
kinalaman sa hindi mo pagsunod sa tagubilin ng iyong mga
magulang. Ano ang epektong naidulot nito sa iyo? Ano ang
aral na iyong natutuhan? Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Pangyayari:_______________________________________
Epekto:__________________________________________
Aral na natutuhan:_________________________________

You might also like