You are on page 1of 28

ARALING

PANLIPUNAN 1
Quarter 2-
Week 8
Pagsasagawa ng
Wastong Pagkilos sa
Pagtugon sa mga
Alituntunin ng
Pamilya
Balik-aral:
Gamit ang inyong drillboard, lagyan ng
tsek (/) kung Tama at ekis (x) kung Mali
ang nakasaad sa bawat aytem ayon sa
iyong natutuhan.
1. May nagbabago sa mga ginagawa ng
pamilya.
2. Dapat na pahalagahan ko ang aking
pamilya.
3. Dapat na itinatangi ko ang aking mga
magulang.
4. Magkakapareho ang lahat ng pamilya sa
buong Pilipinas.
5. Dapat kong ipagmalaki ko ang aking
pamilya.
Pagbuo ng puzzle
Sino kaya ang nabuong larawan?
Kilala mo ba si Pinocchio?
Ano ang katangian niya kaya siya ay
nakilala sa buong mundo?
Ano ang nangyayari sa kanya kapag siya
ay nagsisinungaling ?
Mabuti ba itong katangian ng isang
batang katulad ninyo ?
Gusto mo rin bang humaba ang iyong
ilong?
Anong oras ka gumigising at bumabangon
sa umaga?
Sino ang nagsabi na ganoong oras ka
bumangon?
Ano ang mangyayari kapag hindi ka
bumangon nang maaga?
Sino ang nagtakda ng mga alintuntunin sa
bahay?
May mga alituntunin ba na itinatakda ang
inyong mga magulang ?
Bakit itinakda ang mga alituntunin sa inyong
tahanan?
Dapat ba nating sumunod sa ating mga
magulang ?
Ang mga alituntunin na ipinapatupad sa
loob ng ating tahanan ay nakatutulong sa
bawat kasapi ng pamilya upang mahubog
ang kanilang pagkatao. Habang ang mga
anak ay bata pa, inaasam ng mga magulang
na sila ay magiging isang mabuting anak.
Hangad ng mga magulang na makatugon ang
mga anak nang may wastong pagkilos sa
bawat alituntunin ng pamilya. Ang disiplina
ng isang bata ay batay sa disiplinang
ipinatutupad at ipinangangaral ng mga
magulang at iba pang nakatatandang kasama
sa bahay.
Ano ang alituntunin ?

Mahalaga ba ang mga


alituntunin sa ating tahanan ?
Sa inyong tahanan ano anong mga
alituntunin ang inyong sinusunod?
Pare pareho ba ang alituntunin sa ating
tahanan ?
Anong katangian ng isang bata ang
ipinapakita ninyo kapag kayo ay sumusunod
sa mga alituntunin sa tahanan ?
Pangkatang Gawain :
Pangkat I – Gumuhit ng larawan na
nagpapakita ng iyong wastong pagkilos at
pagsunod sa alituntunin ng iyong pamilya .
Pangkat II- Sumulat sa loob ng puso ng
dalawang alituntunin na sinusunod ng
inyong mag-anak.
Pangkat III –Pantomina: Isakilos ang mga
alituntunin na nakalagay sa loob ng bahay.
Pangkat IV- Tukuyin ang ang alituntunin ng
mag-anak na ipinapakita sa bawat larawan.
Gamit ang inyong drill board, Isulat ang Tama
kung wasto ang pangunusap at Mali naman
kung ito ay hindi wasto.
1. Ang alituntunin ay itinatakda ng mga
magulang o ng mga nakatatanda.
2. Ang alituntunin ay HINDI pinag-usapan at
pinagkasunduan ng mga kasapi ng pamilya.
3. Ang alituntunin ay ipinatutupad bilang
tugon sa sitwasyon na mayroon ang pamilya.
4. Napakahalaga na sumunod sa alituntunin
ng pamilya dahil ito ay nagpapakita ng
respeto.
5. Ang pagsunod sa alituntunin ng ibang
pamilya ay magbubunga ng magandang
ugnayan ng sariling pamilya at iba pang
pamilya.
Bago nagtungo si nanay sa palengke ay
ibinilin nya sa iyo na mag-igib ka ng tubig na
gagamitin sa inyong kusina. Ngunit ito ay
hindi mo nagawa dahil nanuod ka ng
telebisyon. Pagdating ni nanay ay pinagalitan
ka. Ano ang iyong maaaring isagot?
Ano ang alituntunin ?
Mahalaga ba ang mga alituntunin sa ating
tahanan ?
Anong katangian ng isang bata ang
ipinapakita ninyo kapag kayo
ay sumusunod sa mga alituntunin sa
tahanan ?
Lagyan ng / kung ang isinasaad ay wastong
pagtugon sa
alituntunin sa tahanan at X naman kung hindi.

1. Gawin ang takdang-aralin bago maglaro.


2.Uuwi ako sa takdang oras sa aming bahay.
3. Nagsasabi ako ng “po” at “opo” sa mga
nakakatannda.
4. Pagkagising sa umaga, naglalaro agad
gamit ang gadget.
5. Naglilinis ng katawan bago matulog sa
gabi.
Mangalap ng mga larawan ng iba’t ibang
alituntunin sa inyong tahanan. Idikit ito sa
inyong kuwaderno sa Araling Panlipunan.

You might also like