You are on page 1of 16

4

Filipino
Kuwarter 4- Modyul 3
Iba’t ibang PataIastas, Paghambingin Mo!
Filipino – Baitang 4
Kwarter 4 – Modyul 3 : Iba’t ibang Patalastas Paghambingin Mo!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, sa seksyon 176 na walang


aangkin ng karapatang – ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghahanda ng akda kung ito ay gagamitin
upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit,


kuwento, tula, ngalan ng produkto, tatak atbp) na ginamit sa modyul na
ito ay taglay ng may-akda at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng
paraan upang mahanap at makuha ang pahintulot ng nagmamay-ari na
magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan maging
inaangkin tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari sa mga
ito.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Pansangay na Tagapamanihala: Loida N. Nidea, CESO V


Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay: Lynn Z. Padillo
Cecile C. Ferro, CESO V

Mga Bumuo ng Modyul :

Manunulat : Mary Joy A. Delfino

Tagasuri ng Nilalaman:
Merly M. Endrano
Adrian Bulalacao
Doraliza Pena
Gumuhit ng Larawan: Ivan Lee P. Leonem
Carl Michael S. Capricho
Paunang Salita

Isinulat at inihanda ang modyul na ito bilang tugon sa tinatawag


nating “New Normal Education.” Nilalaman nito ang mahalagang
kasanayan o Most Essential Learning Competencies (MELC).
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makakatulong sa
paglinang ng kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay
Ipinabatid po sa inyo na ang modyul na ito ay mahalaga sa pag-aaral
ng inyong anak kaya kailangang ingatan po ito. Gabayan
po ninyo ang inyong anak sa mga pagsagot sa mga
pagsasanay at pagsubok na nakapaloob dito.
Kinakailangang may sariling kuwaderno ang iyong anak .

Para sa mag-aaral

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Basahin mo at unawaing


mabuti ang mga panuto sa bawat gawain. Saguting mag-isa
ang mga pagsasanay at pagsubok na nakapaloob dito.
kailangan mo ang kuwaderno para sa iyong mga
kasagutan. Ingatan mo ang modyul na ito huwag mong pupunitin
at susulatan ang bawat pahina nito upang magamit pa ng
ibang mag-aaral. Ibalik agad ito sa guro pagkatapos gamitin.
Magandang Buhay!
Kumusta ka? Ikaw ba’y nakabasa na ng
patalastas o nakapanuod na ng patalastas sa
telebisyon?
Halika simulan na natin ang
paghambing ng iba’t ibang patalastas na
napanood, nabasa o narinig natin.

Panimula

Layunin

Sa modyul na ito nakapaghahambing nang wasto ng iba’t ibang


patalastas na napanood. (F4PD-IV-g-i-9)

1
Talasalitaan

Narito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling
ito.
Family planning- ay ang pagtulong sa mga mag-asawa o indibidual na
makamit ang hustong bilang ng pamilya sa isang
katangian ng pagiging responsableng magulang.
Karanasan- ay sitwasyon kung saan ikaw mismo ay nakaranas ng
bagay na tinutukoy.
Pananaw- paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa isang bagay
suliranin o pangyayari.
Patalastas- ay isang paraan ng pag-anunsyo ng produkto o serbisyo sa
pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng kominkasyon pang-
madla.
Maunlad-progresibo o umaasenso

2
Panimulang Pagsubok

Tingnan ang larawan na hango sa isang patalastas. Sagutin ang


mga katanungan sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=H7jq8ccQ450

1. Ano ang naalala mo sa larawang ito ng isang patalastas sa


telebisyon?_____________________________________________
2. Tungkol saan ang patalastas?______________________________
3. Ano-ano ang mga suliranin ipinapakita sa
patalastas?_____________________________________________
4. Nangyayari pa ba ito sa kasalukuyang panahon?_______________
5. Nakatulong ba ang patalastas na ito sa pamilyang
Pilipino?______________________________________________

3
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin ang wastong sagot sa mga tanong gamit ang
susi sa pagwawasto sa pahina 11
Saang antas ka nabibilang?
4-5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3 tamang sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUTIHAN PA
Walang tamang sagot – KAYA MO YAN

Mga Gawain sa Pagkatuto

Panonood ng mga Patalastas


Patalastas Tungkol sa kalikasan
1. https://www.youtube.com/watch?v=fTK3fr9VcSA
2. https://www.youtube.com/watch?v=0awhM1Re1eE

Patalastas tungkol sa pamilya

1. https://www.youtube.com/watch?v=H7jq8ccQ450
2. https://www.youtube.com/watch?v=nTEbmpAn_TY

Araw-araw, madalas tayong nakaririnig ng patalastas sa ating


paaralan at sa ating barangay. Nakababasa rin tayo ng mga patalastas
sa mga pahayagan at napapanood din natin ito sa telebisyon. Ano ba ang
patalastas?
4
Ipagpatuloy Mo.

Ang Patalastas ay nagpapahayag ng isang bagay na nais


ipaalam agad sa maraming tao.
Ito ay nagmumungkahi ng produkto upang maakit ang
konsyumer o umakit ng serbisyo. Ito ay isang paraan upang
tangkilikin ang produkto ng mamamayan.
Naririnig, nababasa at nakikita natin ito sa sumusunod;

https://www.flickriver.com/phot
https://www.clipartkey.com/view/o
os/93988856@N03/870147148 RbhwJ_books-and-magazines-
8/ png/

https://edu.gcfglobal.org/en/interne
https://www.collinsdictionary.co tbasics/what-is-the-internet/1/
m/dictionary/english/television

5
Pagsasanay 1
Pagsagot sa mga tanong
1. Anong uri ng panoorin ang napanood ninyo?
2. Sa unang video, anong uri ng pamilyang Pilipino ang ipinakita? Sa
ikalawang video?
3. Alin sa palagay mo ang magkakaroon ng maunlad na pamumuhay,
maraming anak o kakaunti ang anak? Bakit?
4. Mahalaga ba ang pagpaplano ng pamilya? Bakit?
5. Kung ikaw ang nasa katayuan ng anak sa video, ano ang gagawin mo?

Kamusta ang unang pagsasanay? ___ MADALI ba o ____ MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa Susi sa Pagwawasto pahina 11.
Nakuha mo bang lahat ang wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo ang LAHAT, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2 at 3.
Kung MABABA sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at
pag-aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay

6
Pagsasanay 2

Panuto: Paghambingin ang napanood na patalastas gamit ang venn


diagram.

Pagkakaiba Pagkakaiba

7
Pagsasanay 3

Panoorin ang mga patalastas. Punan ang graphic organizer.

Pamagat ng patalastas Pagkakatulad Pagkakaiba


Paghugas ng kamay
https://www.youtube.com/watch?v=O_7kEM8S0Cs

Kapaligiran
https://www.youtube.com/watch?v=fTK3fr9VcSA
https://www.youtube.com/watch?v=0awhM1Re1eE

Ano ang iyong pananaw sa napanood na patalastas?


_________________________________________________________

Ang galing-galing mo!


Natapos mo ang Pagsasanay 2 at 3.
Saang pagsasanay ka nahirapan? ___ Pagsasanay 1
___ Pagsasanay 2
____Pagsasanay 3
Ganunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

8
Panapos na Pagsubok

Iguhit mo sa kahon ang iyong dalawang paboritong patalastas


na napapanood mo sa telebisyon. Isulat mo ang pagkakaiba at

pagkakatulad nito.

___________________________________________________________
Pagkakaiba
___________________________________________________________

___________________________________________________________
Pagkakatulad
___________________________________________________________

Ako’y natutuwa at napagtagumpayan mo ang araling ito.


Maaari mong iwasto ang iyong mga sagot gamit ang susi
ng pagwawasto sa pahina
Ilan kayang smiley ang iyong nakuha.

4-5 tamang sagot


3-4 tamang sagot
‘ 1 - 2 tamang sagot

9
Karagdagang Gawain

Manood ng patalastas sa telebisyon at iugnay ito sa sariling karanasan.


Isulat ang iyong sagot sa kahon.

10
Susi sa Pagwawasto

Panimulang pagsubok

Maaaring sagot:
1. Isang pamilyang pilipino na nakararanas ng kahirapan sa buhay.
2. Tungkol sa isang pamilya na maraming mga anak.
3. Kahirapan, kawalan ng hanapbuhay, kawalan ng maayos na tahanan.
4. Opo
5. Opo, upang magkaroon ng kaalaman ang mga tao sa pagpaplano ng isang
pamilya.

Pagsasanay 1

1. Tungkol sa dalawang uri ng pamilya.


2. Ang unang video ay nagpapakita ng maraming anak samantala ang
ikalawang video ay kakaunti lamang ang mga anak.
3. 3. Ang kakaunting anak, dahil matustusan ng mga magulang ang
pangangailangan ng kanilang mga anak.
4. Opo, para makontrol ang bilang ng mga anak.
5. Tutulungan ko ang anki mga magulang sa mga gawaing bahay at aalagaan
ko ang aking mga kapatid.

Pagsasanay 3

2.Pagkakaiba:
1. Pagkakatulad:
kalusugan ng tao
tungkol sa kalinisan
tungkol sa kapaligiran
kalusugan

pananaw: Panatilihing malinis ang kapaligiran upang makaiwas sa anumang


sakit ang mga tao.

11
Sanggunian:

K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum, Mayo 2016, p.80

Kontekstwalisadong DLP sa Filipino 4 – Ikaapat na Markahan p. 225-


229

https://www.Wikipedia.com
https://www.flickriver.com/photos/93988856@N03/8701471488/
https://www.collinsdictionary.com/dictionary/english/television
https://www.clipartkey.com/view/oRbhwJ_books-and-magazines-png/
https://edu.gcfglobal.org/en/internetbasics/what-is-the-internet/1/

12
For teaching purposes only
Not for Sale

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Sangay ng Camarines Sur

Freedom Sports Complex, San Jose, Camarines Sur.

Email Ad: www.depedcamsur.gov.ph

13

You might also like