You are on page 1of 20

9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 7
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid
at Wastong Pamamahala sa Naimpok
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong
Pamamahala sa Naimpok
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Simon Emmanuel C. Baluyot
Nonato M. Castro
Simon Emmanuel C. Baluyot

Tagasuri ng Nilalaman: Wilbert A. Villaflor


Tagasuri ng Wika : Oliver C. Clemente
Tagasuri ng Paglapat : Simon Emmanuel C. Baluyot
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 7
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid
at Wastong Pamamahala sa Naimpok
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Sa araling ito, bibigyan ka ng sapat na pagkakaunawa kung ano ang


kahalagahan ng pagkakaroon ng plano sa buhay na isang katangiang dapat na
iyong taglayin. Kung paano makakatulong sa iyo ang bawat hakbangin na
kakailanganin sa paggawa ng chart upang matapos at matamo ang
katagumpayan na may kasipagan at pagpupunyagi.

Nakagagawa ng Chart nang pagsunod sa hakbang upang matupad ang


itinakdang gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi.
CODE: EsP9KP-Illf-12.4

Sa pamamagitan ng araling nakapaloob sa modyul na ito, inaasahang:


• nakakabuo ng hakbang upang matupad ang itinakdang gawain,
• nakapagbibigay ng patunay na naisagawa ang itinakdang gawain, at
• nakagagawa ng daily log sa pagsasagawa ng itinakdang gawain.

Subukin

Panuto: Isulat ang letrang “T” kung tama ang sinasaad na pangungusap at letrang “M” naman
kung mali ang sinasaad na pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

______1. Paggawa ng checklist o to do list upang maging gabay sa matagumpay na


gawain.
2. Paglalaro ng mobile at computer games kahit na tambak at wala pang
natatapos na gawain.
3. Pagbibigay sa sarili ng break o pahinga sa bawat natatapos na gawain
4. Pagiging tapat sa pagsunod sa iyong schedule ng paggawa.
5. Pagpapahalaga sa bawat oras dahil ang bawat oras ay mahalaga sa
matagumpay na gawain
6. Gumawa kung kailan malapit na ang deadline o pasahan.
7. Mag go with the flow sa buhay. Walang nakahandang plano o tunguhin sa
bawat gawain o pagsubok na darating.
8. Mandaya sa bawat gawaing ibinigay sayo dahil sa paraan na ito ay hindi ka
gaano nahirapan.

1
9. Paglalaan ng kasipagan at buong makakaya sa bawat gawain.
10. Pagkakaroon ng schedule sa paggawa at paglalaro.
11.Pagkakaroon ng inspirasyon at dedikasyon na siyang makakatulong upang
mapagtagumpayan ang itinakdang gawain.
12. Pagsasawalang bahala o pagiging tamad sa mga nakaatang na gawain.
13. Pangongopya sa gawa ng iba.
14. Pagbibigay sa sarili ng reward matapos ang isang matagumpay na gawain.
_______ 15. Pagsunod sa iyong checklist or to do list para matapos ang iyong gawain.

Balikan

Panuto: Sa pamamagitan ng Venn Diagram, magbigay ng mga salitang maiiugnay sa salitang


kasipagan at pagpupunyagi. Suriin din ang kanilang pagkakahalintulad at koneksyon sa isa’t
isa

Kasipagan Pagpupunyagi

Mga Pamukaw na Tanong:

1. Bakit mahalaga na maunawaan ang kahulugan ng mga salitang iniuugnay mo sa


salitang kasipagan at pagpupunyagi? Pangatuwiranan.
2. Sa iyong palagay, ano ang mga dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng isang
bagay?
3. Bakit mahalaga sa bawat gawain ang pagkakaroon ng kasipagan at pagpupunyagi.

2
Tuklasin

Panuto: Suriin at unawain ang inilalahad ng mga larawan. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong na nasa ibaba nito.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pinakikitang sitwasyon ng nasa kaliwang larawan?


2. Ano ang pinakikitang sitwasyon ng nasa kanang larawan?
3. Sa iyong palagay, sino ang matagumpay na makakatapos sa kanilang gawain sa
paaralan? Paliwanag
4. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa bata kung pinagsisikpan niyang linangin ang
kaniyang sarili?
5. Ano sa iyong palagay ang maaring ibigay na solusyon ng nasa kanang bahaging
larawan upang matapos niya ang kaniyang mga gawain.

3
Suriin

Pagsunod sa Hakbang Upang Matupad ang Itinakdang Gawain


nang may Kasipagan at Pagpupunyagi.

Madalas nating nakikita o naririnig ang katagang Law of Attraction sa mga vlogger sa
internet. Na-ipinaliliwanag ang pagkakaroon at paghahangad ng mga pangarap o goal ay
importante sa ating buhay. At sa pagsusumikap ay makakaya nating maabot. Ito’y tama
kaisipang pantao naman dahil isa itong perpektong halimbawa na tinatawag na Goal Setting.
Ngunit hindi sasapat na magkaroon ka lamang ng mga pangarap o goal sa buhay kung hindi
sasamahan ng pagkilos. Isa lamang hakbangin ang pagkakaroon ng goal sa isang
matagumpay na gawain. Hindi pupwede na hangarin o isipin lamang ang isang bagay kung
hindi mo pagsusumikapan makamit.

Importante rin sa ating pagkilos para mapagtagumpayan ang isang bagay ay dapat
mayroong plano. Kasama dapat sa ating buhay ang pagkakaroon ng plano. Kung ang mga
guro nga ay mayroong lesson plan ‘di ba? Kaya dapat sa buhay, lalo na kung may gusto
tayong matamo o marating ang plano ay dapat klaro, detalyado, at organisado. Dahil ang
plano ay iyong magsisilbing gabay upang mabilis at sigurado mong mapagtagumpayan ang
isang gawain. Upang hanggat maari ay maiwasan ang pagkakamali at pagsasayang ng oras.

4
Isa rin mahalagang bagay sa isang matagumpay na gawain ay ang ating sarili. Hindi
lamang ang mga bagay na nakapaligid sa iyo ang dapat mong pinaghahandaan. Kailangan
din ang sarili ay handa, dapat ay tinataglay mo rin ang disiplina, kasipigan, pagpupunyagi, at
katapatan sa ginagawa. Dahil ang mga katangian na ito ay mahalaga rin na magdadala sa
iyong pagtatagumpay.

Locke’s Goal Setting Theory

Noong 1968, inilahad ni Edwin A. Locke ang kanyang Goal Setting Theory sa kanyang
librong Toward a Theory of Task Motivation and Incentives. Sinasaad sa librong ito ang resulta
ng kanyang pag-aaral ukol kung paano mapapabilis at epektibong matatamo ang isang
layunin ng kompanya. Pinakita sa pag-aaral nito ang pagkakaroon ng goal setting sa mga
empleyado ay lubos na nakatulong upang matapos ang isang gawain. Dahil kinakitaan ng
kasipagan, motibasyon at direktibong pagsunod ang mga empleyado. Na nagresulta sa
matagumpay na pagkamit ng isang layunin. At sa kasulukuyang panahon ay hindi na lamang
sa mga kompanya o empleyado ito nagagagamit, ngunit pati na rin sa mga indibidwal o
ordinaryong tao para sa kanilang pang araw-araw na gawain.

Ano nga ba ang Goal Setting? At papaano ito isinasagawa.

Clarity

Feedback
and Challenge
Reward

Deadline Commitment

5
Ang Goal Setting ay isang proseso ng pagbubuo ng plano na dinesenyo na mayroong
tiyak na layunin at epektibong hakbangin. Dinesenyo rin ito upang bigyang motibasyon at
magsilbing gabay sa indibidwal. Ang goal setting ay binubuo ng mga krayterya. Ito ay ang
clarity, challenge, commitment, deadline, feedback, at reward.

1. Clarity
Ang clarity o kalinawan ay tumutukoy sa kung ano
ang iyong gustong mapagtagumpayan o matamo. Maari
isang bagay, gawain, o antas. Sinasagot ang katanungan
na “ano ang aking kailangan o gusto”. Dapat ito ay tiyak at
malinaw sa iyo.

Para lubos mong matukoy ang iyong gusto, goals or


kailangan na matapos na gawain narito ang SMART
concept na lubos na makakatulong sa iyo. Sa ibaba ang
isang halimbawa nito.

Goal: Makaipon ng 1000 pesos


• Specific – tiyak at malinaw na kagustuhan o kailangan.
“ako ay magiipon ng 1000 pesos para makabili ng sapatos” TAMA
“ako ay magiipon” MALI
• Measurable – tumutukoy sa sukat o hakbangin ng iyong paggawa.
“ako ay magtatabi ng 100 pesos kada araw” TAMA
“ako ay matatabi lamang kung magkano ang natitira sa aking budget” MALI
• Attainable – sinasagot ang tanong na “makakaya ko ba ito?”
“ako ay nagtratrabaho naman kaya makakapagipon ako” TAMA
“bahala na, kung ano ang mayroon”MALI
• Relevant – tumutukoy kung angkop ba ito sa iyong pangangailangan at kagustuhan.
“sira na kasi ang aking sapatos na aking ginagamit sa trabaho” TAMA
“pamporma lang at itatambak kapag nakasawaan na”MALI
• Time Based – sumasagot sa tanong na “hanggang kailan?”
“sa loob ng sampung araw makakaipon na ako ng 1000 pesos” TAMA
“kung kailan ko mabuo ang 1000 pesos”MALI

6
2. Challenge
Dito pumapasok ang mga katagang “Hindi lahat ay maaring maging astronaut” Halos
lahat ng mga bata ay pinangarap na maging astronaut ngunit hindi lahat ng tao sa mundo ay
maari maging. Dahil sa lebel ng hirap bago maging ganap na astronaut. Ipinapaliwanag ng
mga katagang ito na maging realistiko sa mga hangarin o goal. Ngunit ibig sabihin din nito na
maging malawak at matayog ang ating kagustuhan.
Ito ay tumutukoy sa lebel ng hirap o dali ng iyong mga gawain o goal. Hindi maaring
sobrang hirap dahil sa malamang ikaw ay dumanas ng pagdurusa at pagkabigo. Hindi rin
naman pwede na sobrang dali, dahil maaring ikaw ay mawalan ng gana o tamarin sa
paggawa.
Kinakailangan ang mga gawain at goal ay nasa tama o disenteng lebel ng hirap at dali,
sapat upang makapagbigay sa iyo ng motibasyon at panibagong kakayahan.

3. Commitment
Ito na ang proseso ng pagkilos, tumutukoy sa iyong paggalaw at pamamaraan upang makamit
ang isang bagay. Pumapaloob dito ang disiplina sa sarili, kasipagan at pagpupunyagi.
Naibibigay mo ang buong kakayahan at kaalaman sa paggawa. Sinisiguro na magiging
maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.

4. Deadline
Tumutukoy sa araw o oras na ilalalaan upang matapos
ang isang gawain. Dahil sa limitadong pagkakataon lalo
na kung may iba pang nangangailangan ng iyong resulta
sa paggawa kaya nagkakaroon ng deadline. Nagsisilbi
rin ang deadline upang maging produktibo tayo sa ating
paggawa dahil kung alam mo ang hangganan ng isang
bagay. Lubos kang magbibigay ng atensyon at
pagmamahal upang makamit kaagad ang iyong gusto

5. Feedback and Reward


Ngayon naisagawa at natapos mo na ang isang gawain. Ay magkakaroon ka ng
feedback at suhestiyon na mula sa ibang indibidwal na magbibigay sayo ng magaganda
komento at opinyon ng mga kailangan mong baguhin sa iyong nagawa. Mahalagang parte ito
upang lalo tayo mahasa at umunlad sa buhay.

Pagkakaroon naman ng reward na maaring mula sa sarili o ibang indibidwal para sa


matagumpay na pagkamit ng isang bagay. Ang reward ay maaring isang bagay o minsan

7
simpleng break o pahinga lang ay sapat na. Mahalaga ito dahil nakapagbibigay sa atin ito ng
kaligayahan na magsisilbing motibasyon bago magpatuloy sa panibagong gawain o goal.

Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Suriin at sagutan ang chart sa ibaba. Maglagay ng itinakdang gawain at ilahad ang
mga hakbangin na nagpapakita ng kasipagan at pagpupunyagi kung paano ito
maisasakatuparan. Ilagay din ang oras at araw ng paggawa at check √ naman kung ito ay
naisagawa.

Itinakdang Gawain: Araw at oras ng Naisagawa


______________________________________ pagsagawa.
(Hakbangin kung paano matatapos ang gawain)





Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Iskor
Nakapagbigay ng lima o higit pang 5 puntos
hakbangin para matapos ang gawain.
Nakapaglaan ng araw at oras sa paggawa. 5 puntos
Naisagawa lahat ng hakbangin. 5 puntos

Pang-isahang Gawain 2
Panuto: Pumili ng isang proyekto sa ibang asignatura, sa isang bond paper gumawa ng talaan
ng paggawa. Nakalagay ang layunin at mga hakbangin. Maglagay din ng larawan ng proyekto
na magsisilbing patunay na naisagawa mo ito. At sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ano ang tiyak na layunin ng iyong proyekto?


2. Tugma ba ang iyong napiling proyekto sa iyong pangangailangan? Ipaliwanag

8
3. Ano-ano ang mga kagamitan na kinailangan upang maisakatuparan ang proyekto?
4. Natapos mo ba ang iyong proyekto sa loob ng araw o oras na inalaan mo para dito?
5. Ano ang bagay na iyong naramdaman matapos mong gawain ang proyektong ito?

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Iskor
Nakapagbigay ng larawan ng proyekto. 5 puntos
Nakagawa ng talaan ng paggawa. 5 puntos
Nasagutan ang limang katanungan na 5 puntos
ibinigay.

Pang-isahang Gawain 3
Panuto: Suriin at sagutan ang Daily Work Log sa ibaba. Gawain ito na pang-dalawang araw.
DAY 1
Petsa at Oras Mga kailangan gawain. / To do list Remarks

DAY 2
Petsa at Oras Mga kailangan gawain. / To do list Remarks

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Iskor
Nakapagbigay ng lima o higit pang 5 puntos
kailangan gawain o to do list.
Nakapaglaan ng petsa at oras sa paggawa. 5 puntos

9
Nakagawa ng Daily Work Log na pang- 5 puntos
dalawang araw.

Pang-isahang Gawain 4
Panuto: Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian ay gumawa ng isang Budget Plan
sa loob ng isang lingo para sa inyong pamilya. At sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ilang miyembro mayroon sa inyong pamilya at magkano ang inyo inilalaan na budget?
2. Sa iyong palagay mapupunan ba ng budget ang lahat ng inyong pangangailngan?
Bakit
3. Saan inilaan ang pinakamalaking porsyento ng budget? Paliwanag.
4. Sa iyong palagay mahalaga ba ng pagawa ng Budget Plan sa isang pamilya? Bakit?
5. Bilang estudyante paano ka tumutulong sa pagtitipid sa inyong tahanan?

Pang-isahang Gawain 5
Panuto: Magsiyasat sa inyong komunidad o barangay at umalam ng isang proyekto na
naisagawa sa inyong lugar. At suriin at sagutan ang Input, Process, Output chart. Maaring
makipag-ugnayan sa inyong barangay sa gabay ng inyong magulang.

Input Process Output

10
Isaisip

Panuto: Pagkatapos talakayin ang aralin, ano-ano ang mga mahahalagang kaalaman o
kasanayan ang iyong natutunan? Dugtungan ang mga pahayag na nasa ibaba.

Nalaman ko na makakatulong pala sa akin bilang esyudyante ang konsepto ng Goal


Setting dahil ______________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Natutunan ko na mahalaga na makagawa muna chart o talaan ng paggawa lalo na sa


aking mga proyekto dahil ____________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Natutunan ko na mahalaga na sumunod sa tamang oras at araw na inilaan sa


paggawa dahil _____________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na patungkol sa iyong pangarap na nais matupad. Ilahad
ang maaring maging maging hadlang sa pagtupad nito at kung paano mo ito malalagpasan.
Magbigay din ng ilan mga hakbangin o timeline na makakatulong sa pagtupad mo nito.

Pamantayan sa Pagmamarka
Deskripsyon Iskor
Nailahad ang mga isyu at solusyon sa mga 5 puntos
suliranin o hadlang sa pagtupad ng
pangarap.

11
Naipapakita ang maayos na ugnayan o 5 puntos
kaisahan ng diwa ng mga pangungusap.
Nakasusulat ng isang maayos na saloobin 5 puntos
ukol sa paksa

Tayahin
Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng
kahon.

Clarity Challenge Commitment Deadline

Feedback Relevant Attainable Kasipagan

Pagpupunyagi Goal Setting Measurable Layunin

Specific Time Based Reward Edwin A. Locke

__________1. Tumutukoy sa epektibong pamamaraan ng pagbuo ng plano upang matapos


isang gawain.
__________2. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong
kalidad.
__________3. Tumutukoy sa malinaw na gustong matamo o mapagtagumpayan.
__________4. Tumutukoy sa proseso ng pagkilos o paggalaw at pamamaraan upang
makamit ang isang bagay.
__________5. Tumutukoy sa pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin o mithiin
sa buhay.
__________6. Tumutukoy sa pagbibigay suhestiyon o opinion mula sa ibang indibidwal
__________7. Tumutukoy sa araw o oras na inilaan para matapos ang gawain.
__________8. Tumutukoy sa lebel ng hirap o dali ng isang gawain.
__________9. Tumutukoy sa katanungan na “hanggang kailan?”
_________10. Tumtukoy sa katanungan na “kaya ko ba ito?”

12
_________11. Ikaw ay binigyan ng bagong sapatos ng iyong magulang dahil sa matataas
na marka na iyong nakuha.
_________12. Ikaw ay may tiyak at malinaw na kagustuhan na gusto mo matamo.
_________13. Ikaw ay naglista ng mga hakbangin upang maisakatuparan ang isang gawain
_________14. Sino ang naglahad o nagpasimula ng Goal Setting Theory?
_________15. Kasingkahulugan ng salitang hanggarin.

Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng isang poster na tungkol sa iyong sarili na nagpapakita ng paggamit ng


goal setting upang makamit ang katagumpayan sa buhay. Ipaliwanag ang iyong guhit.

Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

13
14
ISAGAWA TAYAHIN
Batay sa sariling pagkaunawa 1. Goal Setting
ng mag-aaral ang kasagutan. 2. Kasipagan
SUBUKIN
3. Clarity
Nasa diskresyon ng Guro ang 4. Commitment
1. T 11. T
pagmamarka. 5. Pagpupunyagi
2. M 12. M
6. Feedback
3. T 13. M
7. Deadline
4. T 14. T
GAWAIN 1, 2, 3, 4, at 5 8. Challenge
5. T 15. T
9. Time Based
6. M
Batay sa sariling pagkaunawa 10. Attainable
7. M
ng mag-aaral ang kasagutan. 11. Reward
8. M
12. Specific
9. T
Nasa diskresyon ng Guro ang 13. Measurable
10.T
pagmamarka. 14. Edwin A. Locke
15. Layunin
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bontia, Marie Tita Y. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao. Modyul ng Mag-aaral.


Bloombooks, Inc, 5218 Que Grande St., Ugong, Valenzuela: Department of
Education-Learning Resources (2017)

Tocino-Smith, Juliette. What is Locke's Goal Setting Theory of Motivation.


(Disyembre 11, 2020) https://positivepsychology.com/goal-setting-theory/

Young, James. Heroes of Employee Engagement: No.4 Edwin A. Locke.


(Disyembre 13, 2017) https://peakon.com/blog/future-work/edwin-locke-
goal-setting-theory/.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

16

You might also like