You are on page 1of 25

9

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 1:
Maikling Kuwento
Ang Ama- Singapore
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Maikling Kuwento mula sa Singapore – Ang Ama /
Pangatnig at Transitional Devices
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang akdang ANG AMA – MAIKLING KUWENTO mula sa SINGAPORE na salin ni Mauro
R. Avena ay ginamit sa modyul na ito at nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: JUSTIN D. RIVERA
Editor: RODOLFO F. DE JESUS
Tagasuri: GARY ASUNCION, FLORIAN L. RUIZ, PATROCINIA T. ARIATE, NIEVA M.
CECOGO, MESHIEL B. BROME, ROENA ROSELLE F. AQUINO,
Tagaguhit: LEILANIE S. YUTIAMPO
Tagalapat: BRIAN SPENCER REYES
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
EBENEZER A. BELOY, OIC-CID Chief
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon Kagawaran


ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City Telefax: 3456-0343 E-
mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
9

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 1:
Maikling Kuwento
Ang Ama- Singapore
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Maikling Kuwento Makabanghay na salin ni Mauro R.
Avena-Singapore.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-a

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Maikling Kuwento Makabanghay na salin ni Mauro R. Avena-Singapore.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito,Alamin
malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit naSubukin
ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Balikan
Sa bahaging ito,Tuklasin
ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ngPagyamanin


mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman itoIsaisip
ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Isagawa
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito,Tayahin
may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
Karagdagang
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Susi sa Pagwawasto

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang iyong maisaisip. Narito ito upang
matulungan ka na maging mahusay at maalam sa akdang pampanitikan na mula
sa Singapore. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagbibigay pahintulot na magamit sa
iba’t ibang pagkakaton sa iyong pagkatuto. Ang wikang ginamit sa modyul na ito ay
kinikilala ang iba’t ibang antas ng wikang alam ng mga mag-aaral. Ang mga aralin
ay inihanay upang makasunod sa pamantayang daloy ng mga paksa sa aralin ng
bawat baitang. Ngunit ang ayos ng modyul na ito kung saan mo mababasa ay
maaaring mabago na batay sa batayang aklat na iyong ginagamit.

Ang Nilalaman ng Modyul na ito ay:


 Aralin 1 – Maikling Kuwento mula sa Singapore
Ang Ama/ Pangatnig at Transitional Devices

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito, inaasahang ikaw ay:
1. Natutukoy ang kaugaliang nakapaloob sa akda na sumasalamin sa kultura
bansang pinagmulan nito.

2. Nagagamit ang mga pang-ugnay o transitional devices sa paglalahad ng mga


pangyayari.

3. Nakalilikha ng isang komiks gamit ang mga pang-ugnay o transitional


devices tungkol sa isang ama.
Subukin

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang.
Isulat ang letra ng tamang kasagutan.

1. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip


ang munting abuloy.

Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit?


A. mapagbigay C. maawain
B. mapagpatawad D. mapagpasensya

2. “Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil


nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng
isang mahahabang halinghing.” Anong suliranin ang kinahaharap ng
kanyang ama?
A. paghalinghing ni Muimui C. pagkasisante sa trabaho
B. masamang araw D. labis nap ag-iinom

3. “Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng


mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga
pisngi at mata niyon ay mamamaga.” Anong uri ng pang-aabuso ang
nararanasan ng kanilang ina?
A. Pisikal na pang-aabuso C. Ispirituwal na pang-aabuso
B. Emosyonal na pang-aabus D.Sikolohikal na pang-aabuso

4. Batid mo na hindi sasapat ang pasalubong ng iyong magulang sa sa inyong


magkakapatid. Ano ang iyong gagawin upang maging patas sa lahat ang
naturang pasalubong?
A. Ako muna ang mauuna at ang pipili sa mga ito.
B. Sisiguraduhin ko pa ring maayos at patas ang pagkakahati.
C. Ibibigay ko na lang sa mas nakatatanda kong kapatid.
D. Ibibigay ko na lang sa mga nakababata kong kapatid.

5. “Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,
may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui.” Kung isa sa ka sa mga
kapatid ni Mui-mui ito rin ba ang iyong gagawin?
A. Opo, upang hindi makadagdag sa sama ng loob ng aming ama.
B. Opo, upang hindi siya gayahin ng iba kong kapatid.
C. Hindi po, dahil karapatan niyang maghalinghing.
D. Hindi po, dahil si nanay ang dapat gumawa nito.
Aralin Maikling Kuwento
Ang Ama- Singapore
1
Balikan

Ayusin natin!
Panuto: Isaayos ang mga letra batay sa mga pagpapakahulugan sa bawat bilang.

1. Pahulaan o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o


nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan
TUGOBNG

2. Dulang may kantahan at sayawan. Ito’y nagpakita ng mga sitwasyon


ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at
kontemporaryong isyu.
RASWLASUE
3. Uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas.
SANLAGBATA

4. Kabilang dito ang mga panitikang nagpapakilala ng ating kultura,


kasaysayn at sining. Yaman ng ating bansa, isa sa halimbawa nito ay
ang Florante at Laura.
RAOB MASTRAE

5. Isang uri ng palabas kung saan ang kuwento ay tungkol sa mga


totoong tao at nakabatay sa totoong pangyayari. Ito ay madalas na
ginagamit upang maipakita ang katotohanan at realidad sa ating
mundo.
MENDOKURATOY
Tuklasin

Gawain1: ANG AKING SUPER TATAY


Panuto: Magtala sa loob ng comic balloon ng mga katangian ng iyong
ama o itinuturing na ama.

TATAY

Tanong: Pumili ng isang gustong-gusto mong katangian ng iyong ama at bakit?

Pokus na Tanong

1. Bakit kinakailangang alamin ang kulturang nakapaloob sa akdang


binasa?

2. Paano nakatutulong ang mga pangatnig o transitional devices sa


pagbuo ng isang pangungusap?
Suriin

Tandaan: Denotasyon- pagpapakahulugang literal at maaring makita mula


sa diksyonaryo.
Konotasyon- pagpapakahulugang maretorikal o malayang
pagpapakahulugan
Halimbawa: ROSAS Denotasyon: bulaklak
Konotasyon: babae o pag-ibig

Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang denotasyon at konotasyong pagpapakahulugan ng mga
salitang nakasalungguhit. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Takot na gumawa ng kahit anong ingay na maaaring umakit sa malaking


kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
DENOTASYON:
KONOTASYON

2. Sa ibang gabi hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina.
DENOTASYON:
KONOTASYON

3. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil


nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian.
DENOTASYON:
KONOTASYON

4. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha


ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang
kagalaw-galaw.
DENOTASYON:
KONOTASYON

5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling


nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao.
DENOTASYON:
KONOTASYON
Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang Maikling Kuwento mula sa
Singapore

Ang Ama
SINGAPORE
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na
nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa
pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -malaking supot ng mainit na pansit
na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwingpagkain
ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos
ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi
sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y
sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata
lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose
anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang
sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may
parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit
na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na
naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng


ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang
supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain
nahirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain
nang kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi
ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung
hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y
umaasapa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga
matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri
nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang
pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay
makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa
kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong
marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang
mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang
maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang
maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng pagmamakaawa at
ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang
ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Muimui, otso anyos at
sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.
Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na
nagkalat sa kaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong
pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang
kaniyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang
siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa
banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya
ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina
napagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,
napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na
hindi humalinghing si Muimui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang
kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw,
at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang
buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa
tingin nito, sa kabuuan ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil


nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang
mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata
gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay
bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung
saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang
ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa
pamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon
may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon na
nakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw
na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang
nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong
inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang
humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling
nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na
noondi'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga
anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip
ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki
mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong
sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyak
at kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang


malupitna inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng
kaniyang dugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas
napagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-
awakong Muimui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng
gulod -payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na
nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot
tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha
sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero
tunay na mahal niya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot
niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot
naman ito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko.
Isa man dito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay
ang pasiya nalumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo
pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot
sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot
na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi
makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga
tsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ng
biskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon.
Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming
kahon tulad niyon sat indahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng
pinakamatandang babae ay kendi,'yong katulad ng minsa'y ibinigay ni Lau Soh, na
nakatira roon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay
nagkasiya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang
laman niyon. Kaya nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman
na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.


Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga
kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling
lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na
sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi
silamaririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na
sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa
karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa
bahay, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila
napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod


na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na
dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal
kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y
tanggapin mo."

Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa


pinagkukublihangmga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim
na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at
pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang
kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang
malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad
sa isang piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.
Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang iyong
sagot sa bawat patlang.

1. Ilarawan ang ama sa binasang akda.

2. Ano-ano ang magkahalong nararamdaman ng magkakapatid sa tuwing


uuwi ang ama? Ipaliwanag ang dahilan nito.
a.
b.

3. Ano ang naging sanhi at bunga ng pagkagalit ng ama sa anak na si


Muimui?
SANHI

BUNGA

4. Anong kultura ng taga-Singapore ang nakita mula sa kuwentong binasa?


Magbigay ng patunay.

5. Ilahad ng magkakasunod ang mga piling pangyayari sa kuwento.

1 Pangyayari

2 Pangyayari

3 Pangyayari

4 Pangyayari

5 Pangyayari

Alam mo ba na….

Ang maikling kuwento ay isang uri ng akdang pampanitikang naglalahad ng isang makatotohanang pangyayari.
Maaaring matapos lamang sa “isang upuan” ang kabuuan ng kuwento.
Ang Ama ay isang uri ng maikling kuwentong makabanghay dahil nakatuon ito sa pagkakasunod-sunod ng mga pang
Makikita rin ang estilo ng may-akda na nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari na nasa pormang magkakasun

Pagyamanin
Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA
Mga Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig at Transitional Devices

Ang pangatnig ay mga salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang mga


salita, parirala at sugnay. Ang Transitional devices ay ginagamit naman sa
pagsasaayos ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento, tawag
din sa mga katagang nag-uugnay upang maisaayos ang daloy ng kuwento sa
anyong sunod-sunod o naratibo.
1. Naghuhudyat ng Pagkasunod-sunod
Mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,
maaaring salita, daalwang parirala o dalawang sugnay. Mga panandang
naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga kilos/pangyayari o gawain.
sumunod, pagkatapos, una, saka at pati

Halimbawa: Nakagawiang pagkatapos kumain ng mga nakatatandang


kapatid ay susunod ang mga mas nakababata na halos wala nang kakainin.

2. Pagbabagong-lahad
Mga salita na tumutulong upang mapalinaw at napa-uugnay ang mga
ideyang ipinapakita sa isang teksto o diskurso. Ito ay maaring gamitin upang
maisasalarawan ang pag-iiba ng paksang tinatalakay, pagtitiyak, pagbibigay-
halibawa, opinyon at paglalahat.
sa ibang salita, sa madaling sabi, sa biglang sabi, sa kabilang dako.

Halimbawa: Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na


sinorpresa sila ng kanilang ama. Sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng
dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan
ang pagkain. Sa madaling salita may kabutihan din ang kanilang ama.
Pagsasanay 1

A. Panuto: Punan ng angkop pangatnig na naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ang


mga bawat. Piliin sa kahon ang tamang sagot.

Sa bandang huli nang sumunod na araw Sa wakas

Una panghuli Saka

1. ay nagsisi ang ama sa nagawa sa kanyang anak na si Muimui.


2. Nakita niya ang kanyang pagkukulang. makababawi na siya sa
kanyang pamilya.
3. si Muimui ay binawian ng buhay. Marami ang nalungkot
sa pangyayaring ito.
4. Nagbigay ng abuloy ang kanilang mga kakilala at ang pagdating
ng amo ng kanyang ama upang makiramay.
5. Marami ang dalamahati sa maaagang pagkawala ng batang si Muimui
na rito ang kanyang ama na sinisisi ang sarili.

B. Panuto: Tukuyin ang pangatnig na nagbabagong lahad sa sumusunod na


pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Kahit anong pananakit ng kanyang ama sa kanilang ina ay hindi pa rin nito
iniiwan ang asawa. Sa madaling salita ang kanilang nanay ay matiisin.

2. Tuwing uuwi ang ama galing sa trabaho ay naglalasing ito. Siguro nais niya
lamang makatakas sa kanyang mga problema.

3. Naranasan nilang lahat ang mabigat na kamay ng kanilang ama sa kabilang


dako ay minsa’y nakararanas sila ng kabaitan nito.

4. Patuloy na sinisilbihan ng kanilang ina ang kanyang mapanakit na ama kung


tutuusin maaari nila itong layasan.

5. Labis na pighati ang ipinakita ng ama sa bangkay ng kanyang anak.


Sa madaling sabi mayroon din siyang pagmamahal sa anak.
Pagsasanay 2

Panuto: Pumili ng isang telenobelang nakatuon sa buhay ng isang ama.


Magtala ng dalawang pangyayari at ihambing ito sa mga nangyayari sa
kasalukuyan. Isulat ang pamagat ng telenobela sa loob ng telebisyon.

(PAMAGAT)

PANGYAYARI SA TELENOBELA KASALUKUYAN

1.

2.

Gawain 1:

Ano ang iyong hatol?

Panuto: Bigyan ng tugon ang mga sumusunod na pangyayari mula sa


akdang binasa. Makatuwiran ba o Hindi at ipaliwanag.

1. “Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata


ang kanilang ama.”
Hatol:

2. “Ang totoo, para sa sarili lang niya ang inuuwing pagkain, napakarami
upang maubos niyang mag-isa.”
Hatol:

3. “Natatandaan pa nila na may okasyong sinusupresa sila ng ama,


sadyang nag-uuwi ng supot ng pansit guisado.”
Hatol:
Gawain 2:

Sagutin ang Pokus na Tanong!

1. Bakit kinakailangang alamin ang kulturang nakapaloob sa akdang


binasa?

2. Paano nakatutulong ang mga pangatnig o transitional devices sa


pagbuo ng isang pangungusap?

Isaisip

Ang aking hashtag “#”

Ikaw ay pipili ng isang salitang lalakipan ng “#” na maaaring


maglarawan sa buong kaisipan ng aralin. Sa papamagitan nito
matutukoy natin ang nakapukaw sa iyo bilang isang mag-aaral.
(Hal. #TulongTulong- dahil hindi magtatagumpay kung hindi nagkaisa ang lahat.)

# -
Isagawa

ANG PAGMAMAHAL NG ISANG AMA

Dahil nalalapit na ang espesyal na araw para sa mga ama, tatay, papa
o itay. Nararapat lamang na atin silang pasalamatan sa pamamagitan ng
paglikha ng isang komiks. Sa paglikha ng isang komiks kinakailangang
kakitaan ito ng mga sumusunod: larawang-guhit, dayalogo at pangatnig o
transitional devices.

Ang paksa ng iyong komiks ay tungkol sa Pagmamahal ng Isang


Ama, maaaring ang iyong ama o kaya’y nagsisilbing ama para sa iyo. Ito ay
iguguhit mo sa isang bond paper (walang sukat). Narito ang mga
pamantayan sa pagmamarka:

Mga Pamantayan sa Pagbuo Komiks 5 4 3 2 1

1. Nakasunod sa paksa: Pagmamahal ng


isang Ama.

2. Makatotohanan ang pangyayari.


3. Pagiging malikhain (larawang guhit

at kulay)

4. Paggamit ng mga pangatnig at transitional


devices

5. May maayos na daloy ng kuwento


(pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari)
Kabuoan ng puntos ng Gawain

5 – Nakasunod sa 5 pamantayan sa pagbuo Komiks


4 - Nakasunod sa 4 pamantayan sa pagbuo Komiks
3- Nakasunod lamang sa 3 pamantayan sa pagbuo Komiks
2 - Nakasunod lamang sa 2 pamantayan sa pagbuo Komiks
1 - Nakasunod lamang sa 1 pamantayan sa pagbuo Komiks

Tayahin

PANUTO: Isulat sa patalang ang letra ng tamang sagot.

1. May dalawang lalaki, kambal na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso
anyos at isang dos anyos na paslit pa. Ano ang kahulugan ng salitang paslit?
A. dalaga B. binata C. bata D. sanggol

2. Pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira, ang mga bata ay aali-aligid sa


mesa. Ano ang kahulugan ng salitang aali-aligid?
A. nanahimik B. nang-uusisa C. umiiwas D. nagatatago

3. Ang dahila’y si Muimui, otso at sakitin na palahalinghing na parang kuting.


Ano ang kasalungat ng salitang palahalinghing?
A. tahimik B. umiiyak C. humihiyaw D. huminikbi

4. Ang maikling kuwentong “Ang Ama” ay anong uri ng maikling kuwento?


A. Katutubong kulay C. Tuhan
B. Pag-ibig D. Makabanghay
5. Ibigay ang katangian ng ama sa unang bahagi ng kuwento.
A. maaruga C. mapagmahal
B. iresponsable D. maalalahanin
6. Ano ang nagpabago sa masamang ugali ng ama?
A. Dahil sa ibinigay na abuloy sa kanila.
B. Dahil sa pagpapatawad ng kanyang amo.
C. Dahil sa di-sinasadyang pananakit sa anak na si Muimui.
D. Dahil sa pakikiramay ng kanilang mga kaibigan.

7. Ang tungkulin ng pangatnig ay mag-ugnay ng mga salita at parirala. Ano


ang tungkulin ng mga transitional devices?

A. magpatotoo ang pangyayari


B. mapagsunod-sunod ang pangyayari
C. maghatol sa mga pangyayari
D. magbigay ng opinyon sa mga pangyayari.

8. Magsikap ka pa darating ang araw na magbubunga ng iyong


pagsisikap. Ibigay ang pagatnig na nararapat sa patlang.
A. dahil C. tulad
B. subalit D. kaya

9. Pagkatapos na ibaba sa GCQ ang lungsod ng Quezon, nagbukas na ang


ilang pamilihan. Anong uri ng transitional device ang salitang nakasalungguhit?
A. Pagsalungat C. Nagsasaad ng Pagkasunod-sunod
B. Pagtitiyak D. Naghuhudyat ng Pananaw

10. Umuwi ang ama na may dalang isang supot para sa kanyang pamilya
upang pagsaluhan isang beses lang iyong nangyari. Ibigay ang pagatnig
na nararapat sa patlang.

A. sumunod C. dahil
B. subalit D. kaya

Karagdagang Gawain

Ibahagi mo ang iyong masayang pamilya!


Panuto: Ipakita mo ang iyong masayang pamilya gamit ang larawan kasama
sila. Maaaring ang iyong mga magulang, kapatid, kaibigan o kamag-aral.
Ibahagi ang iyong mga hindi malilimutang karanasan kasama sila,
samahan ito ng mga pangatnig o transitional devices.

Ang Aking Pamilya:

Ang aking maibabahagi sa inyo:

1.
2.
3.
4.
5.

You might also like