You are on page 1of 22

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Deklarasyon ng
Kasarinlan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raiza O. Lopez


Patnugot: Rosalin S. Muli EdD, CESE
Ricky C. Balingit
Tagasuri: Janet Y. Paras
Romeo P. Lorido
John Paul C. Paje EdD
Bryan M. Balintec
Tagaguhit: Shane Reza M. Amath
Tagalapat: Jacqueline E. Libut
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby M. Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Deklarasyon ng
Kasarinlan ng Pilipinas
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
ika-21 siglong mga kasanayan habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
Pagyamanin
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa loob ng mahigit tatlong daang taon, tayo ay sinakop ng mga Espanyol.


Matinding hirap at pang-aabuso ang naranasan ng mga Pilipino. Ito ay nagpasidhi
sa kanilang damdaming makabayan upang ibuwis ang lahat maging ang kanilang
sariling buhay, makamit lang ang inaasam na kasarinlan ng Inang-bayan.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakikilala ang mga Pilipinong nagkaroon ng mahalagang papel sa


pagdeklara ng ating kasarinlan;
2. napapahalagahan ang kalayaang nararanasan sa kasalukuyan; at
3. naipapahayag ang sariling opinyon o damdamin sa pamamagitan ng
pagsulat.

Mga Tala para sa Guro

Ang inyong patnubay at pagsubaybay ay kinakailangan


ng iyong mag-aaral upang matutuhan niya ang mga aralin at
masagutan ng wasto ang mga Gawain sa kagamitang ito.

1
Subukin

Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Kailan ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas?


A. Marso 21, 1521
B. Enero 23, 1899
C. Hunyo 12, 1898
D. Hulyo 4, 1946

2. Saan ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas?


A. Biak-na-Bato
B. Kawit, Cavite
C. Malolos, Bulacan
D. San Fernando, Pampanga

3. Ano ang pamagat ng pambansang awit na pinatugtog sa araw ng deklarasyon ng


kasarinlan ng Pilipinas?
A. Ang Bayan Ko
B. Bayang Magiliw
C. Luid ka, Pilipinas
D. Marcha Nacional Filipina

4. Sino ang lumikha ng musika ng ating pambansang awit?


A. Emilio Aguinaldo
B. Ambrosio Rianzares Bautista
C. Julian Felipe
D. Jose Palma

5. Ang banda ng San Francisco de Malabon ang unang tumugtog ng pambansang


awit. Ano ang tawag sa bandang ito?
A. Banda Magiting
B. Banda Malabon
C. Banda Matanda
D. Banda Nacional

6. Sa loob ng isang taon, walang liriko o titik ang pambansang awit. Noong 1899,
sino ang sumulat ng isang tula na ginawang liriko ng pambansang awit?
A. Emilio Aguinaldo
B. Ambrosio Rianzares Bautista
C. Julian Felipe
D. Jose Palma

2
7. Bakit naging labis ang kasiyahan ng mga Pilipino sa pagkakadeklara ng ating
kalayaan?
A. Dahil nanalo sila sa labanan
B. Dahil natapos na ang kaguluhan
C. Dahil magagawa na nila ang gusto nila
D. Dahil natapos na ang matagal na pananakop ng mga dayuhan

8. Bakit gustong makalaya ng mga Pilipino sa mga Espanyol?


A. Dahil nagsawa na tayo sa kanila
B. Dahil gusto nating magpasakop sa Amerika
C. Dahil gusto nating makasakop din ng ibang bansa
D. Dahil sa pang-aapi ng mga Espanyol sa mga Pilipino

9. Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan sa mga Espanyol?


A. Nagbuwis ng buhay ang ilang mga bayani
B. Ginamit ang talino at galing sa pagsusulat
C. Nakipagtulungan sa mga Amerikano
D. Lahat ng nabanggit

10. Paano mo mapapahalagahan ang ginawang pakikipaglaban ng mga bayaning


Pilipino para sa ating kalayaan ngayon?
A. Buhayin ang diwang makabansa.
B. Ipagawa sila ng monumento.
C. Ibuwis din ang buhay.
D. Balewalain ito.

Para sa Tagapagdaloy:
Ipasagot sa mag-aaral ang
paunang pagsusulit. Ipagpapatuloy
lamang ang mga gawain kung hindi
nasagot ng tama ang lahat.

3
Aralin
Deklarasyon ng
1 Kasarinlan ng Pilipinas!

Sa matagal na panahong pananakop at pang-aapi ng mga Espanyol sa mga


Pilipino, maraming mga bayaning Pilipino ang nagbuwis ng buhay upang makamit
ang inaasam na kalayaan.

Balikan

Ilan sa mga bayani ng kasaysayan na nakilala sa kanilang pagmamahal sa


bayan ay sina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio.
Sa kabila ng hindi pantay na karapatan ng mga lalaki at babae noon, hindi
naging hadlang ito upang makilahok din sa rebolusyon ang mga kababaihan.
Maraming papel na ginampanan ang mga kababaihan noong panahon ng
rebolusyon. Ang ilan sa kanila ay naging tagapag-alaga ng mga sugatang katipunero.
Ang iba naman ay tagapagtago ng mga importanteng dokumento ng lihim na
samahan. At ang iba naman ay nagsilbing lider sa mga labanan sa iba’t ibang panig
ng bansa.
Ang mga babaeng ito ang nagpatunay na hindi naging hadlang ang kanilang
kasarian, edad at estado sa buhay upang maipakita rin ang kanilang pagmamahal
sa ating inang bayan.

Piliin sa loob ng panaklong ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Si (Melchora Aquino, Gregoria De Jesus) ang tinaguriang Ina ng


Katipunan.
2. Si (Trinidad Tecson, Teresa Magbanua) ang tinaguriang Joan of Arc ng
Kabisayaan.
3. Tingurian namang Lakambini ng Katipunan si (Gregoria De Jesus,
Agueda Kahabagan).
4. Si (Marcela Agoncillo, Marina Dizon) ang gumawa at nagdisenyo ng
watawat ng Pilipinas.
5. Si (Teresa Magbanua, Trinidad Tecson) ang tinaguriang Ina ng Biak-na-
Bato.

4
Tuklasin

Pag-aralan ang larawan. Pagkatapos ay isulat ang iyong sariling pang-


unawa sa mahahalagang pangyayari sa larawan

Pamprosesong Tanong:

1. Ano kaya ang ipinagdiriwang ng mga tao sa larawan?


2. Ano-ano kaya ang pinagdaanan ng ating bansa bago mangyari ang nasa
larawan?
3. Bakit napakahalaga ng araw na ito sa ating kasaysayan?

5
Suriin

Sa pagbabalik ni Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898,


nakipagtulungan siya sa mga Amerikano sa pamumuno ni Commodore George
Dewey upang labanan ang mga Espanyol sa pag-aakalang walang masamang
hangad ang mga ito na sakupin tayo.
Noong Mayo 24, 1898, itinatag ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktaturyal
upang maisakatuparan nang mabilisan ang mga dapat gawin para sa ating bansa.
Ito ay nagtagal lamang ng limang araw dahil pinawalang bisa ito ni Aguinaldo.
Kahit hindi pa nasusupil ang mga Espanyol sa ibang panig ng bansa, ipinag-
utos ni Aguinaldo na ipahayag na ang kasarinlan ng Pilipinas sa kabila ng pagtutol
ni Apolinario Mabini.
Ang makasaysayang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas ni Heneral
Emilio Aguinaldo ay naganap noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.
Sa araw na ito, iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas. Ang ating
watawat ay dinisenyo sa Hong Kong nina Marcela Agoncillo kasama sina Lorenza
Agoncillo at Delfina Herbosa de Natividad.
Kasabay ng pagtugtog ng pambansang awit ng Pilipinas na pinamagatang
“Marcha Nacional Filipina” na nilikha ni Julian Felipe. Ang unang pamagat nito ay
“Marcha Filipina Magdalo” ngunit hindi nagtagal ay pinalitan ito ng “Marcha
Nacional Filipina”. Ang banda ng San Francisco de Malabon o mas kilala sa tawag
na “Banda Matanda” ang unang tumugtog nito.
Dahil walang titik o liriko ang pambansang awit, hindi ito maawit ng mga
mamamayan at mga kawal na Pilipino. Hanggang sa makilala ang isang makatang
kawal na nagngangalang Jose Palma na sumulat ng isang tulang pinamagatang
”Filipinas”. Sa ganda ng mensahe ng tula, ito ay ginawang liriko ng pambansang awit
ng Pilipinas.
Binasa ni Ambrosio Rianzares-Bautista ang Deklarasyon ng Kalayaan na
kanyang isinulat sa wikang Espanyol.
Ang makasaysayang dokumento ay nilagdaan ng 98 katao sa pamumuno ni
Emilio Aguinaldo. Nakapirma rin ang isang Koronel L.M. Johnson ng hukbong
Amerikano.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Bakit bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas?
2. Bakit mahalaga ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas?
3. Bakit ganoon ang kanilang naramdamang kaligayahan sa ating paglaya?
4. Ano ang naging bunga ng pangyayaring ito sa atin sa kasalukuyan?

6
Pagyamanin

Gawain A
Iguhit sa malinis na papel at kulayan ang watawat ng Pilipinas na
iwinagayway sa araw ng ating kalayaan.

Gawain B
Hanapin sa loob ng kahon ang mga kasagutan sa mga sumusunod na
katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

___________1. Sino ang tutol sa pagdedeklara ni


A. Mga Amerikano Aguinaldo ng kasarinlan?
B. Apolinario Mabini ___________2. Sino ang mga inakalang kakampi
C. Marcela Agoncillo natin sa pakikipaglaban sa mga
Espanyol?
D. Ambrosio Rianzares-
Bautista __________3. Sino ang pangulo ng bansa nang
E. Emilio Aguinaldo ideklara ang kasarinlan?

F. Jose Palma __________4. Sino ang lumikha ng himig ng


ating pambansang awit?
G. Julian Felipe
__________5. Sino ang bumasa ng deklarasyon
ng kalayaan?

7
Gawain C
Kilalanin kung sino ang mga nasa larawan. Piliin sa loob ng kahon ang
kasagutan at isulat ito sa sagutang papel.

Marcela Agoncillo Ambrosio Rianzares-Bautista

Emilio Aguinaldo Jose Palma

Julian Felipe

1.______________ 2.______________

3.______________ 4.______________

8
5.______________

Gawain D
Isulat sa sagutang papel kung ang pahayag ay TAMA o MALI.

_______1. Nakipagtulungan si Aguinaldo sa mga Amerikano sa paglaban sa mga


Espanyol.
_______2. Bumalik si Aguinaldo mula sa Hong Kong upang kumampi sa mga
Espanyol laban sa mga Amerikano.
_______3. Pabor si Apolinario Mabini sa pagdedeklara ng kasarinlan ng Pilipinas
kahit ‘di pa tapos ang labanan sa ibang bahagi ng bansa.
_______4. Idineklara ni Aguinaldo ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit,
Cavite.
_______5. Labis na kaligayahan ang naramdaman ng mga Pilipino sa pagkakadeklara
ng kalayaan ng bansa.

Gawain E
Sumulat sa sagutang papel ng limang kabutihang naidulot ng kalayaan sa panahon
natin ngayon. Ilagay ang mga ito sa loob ng graphic organizer.

Kabutihang
Dulot ng
Kalayaan

9
Gawain F
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pagkakadeklara ng ating kalayaan.
Isulat sa sagutang papel ang bilang 1 sa pinakaunang nangyari at 5 sa pinakahuli.

__________Tinapos ni Julian Felipe ang pambansang awit noong Hunyo 11, 1898.
__________Bumalik si Aguinaldo mula sa Hong Kong noong Mayo 19, 1898 at
nakipagtulungan sa mga Amerikano.
__________Nag-uumapaw ang kasiyahan ng mga Pilipino sa araw ng pagdeklara ng
kalayaan.
__________Noong Mayo 24, 1898, itinatag ni Aguinlado ang Pamahalaang
Diktaturyal.
__________Ipinahayag noong Hunyo 12, 1898 ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit,
Cavite.

Isaisip

Pagkatapos ng matagal na pagkakasakop ng mga Espanyol sa bansa,


idineklara ang kasarinlan ng bansa noong _______________________ sa
_______________________ ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Sa kauna-unahang pagkakataon, iwinagayway ang watawat ng Pilipinas na


dinisenyo ni _______________________ kasama sina Lorenza Agoncillo at Delfina
Herbosa de Natividad.

Pinatugtog din ang pambansang awit na pinamagatang Marcha Nacional


Filipina na nilikha ni _______________________. Pagkalipas ng isang taon, nilapatan
ito ng titik hango sa tulang isinulat ni _______________________.

Ang deklarasyon ng kalayaan ay binasa ni _______________________ na


kanyang isinulat sa wikang Espanyol. Ito ay nilagdaan ng 98 katao sa pamumuno
ni Emilio Aguinaldo. Nakapirma rin dito ang isang Koronel L.M. Johnson ng hukbong
Amerikano.

10
Isagawa

Paano mo mapapahalagahan ang kalayaang tinatamasa sa kasalukuyan


matapos mong malaman ang pinagdaanan ng mga bayaning Pilipino para makamit
ito? Sa inyong sagutang papel, gumuhit ng hugis puso at isulat ang iyong sagot sa
loob nito.

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

11
Tayahin

I. Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa


sagutang papel.
Hanay B Hanay B

______1. Hunyo 12, 1898 A. Pamagat ng tulang naging titik o liriko


ng pambansang awit.
______2. Ambrosio Rianzares-
B. Sumulat at bumasa ng deklarasyon ng
Bautista
kalayaan sa bansa.
______3. Emilio Aguinaldo C. Araw ng deklarasyon ng kalayaan ng
Pilipinas mula sa mga Espanyol.
______4. Filipinas
D. Pangulo ng bansa na nagdeklara ng
______5. Marcha Nacional Filipina ating kalayaan.
E. Ito ang pamagat ng pambansang awit
na isinulat ni Julian Felipe.
F. Ang bandang unang tumugtog ng
pambansang awit.

II. Isulat sa sagutang papel ang Tama kung ang pahayag ay tama at kung mali
naman, isulat ang bahaging nagpamali sa kaisipan.
________1. Si Heneral Emilio Aguinaldo ang nagdeklara ng ating kasarinlan
mula sa mga Amerikano.
________2. Sa pagbabalik ni Hen. Emilio Aguinaldo mula sa Hongkong,
nakipagtulungan siya sa mga Amerikano sa pamumuno ni
Commodore George Dewey.
________3. Sang-ayon sa deklarasyon ng kasarinlan si Apolinario Mabini na
siyang tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo.
________4. Dinisenyo at ginawa nina Marcela Agoncillo ang watawat ng
Pilipinas sa Kawit, Cavite.
________5. Pamahalaang Diktaturyal ang unang uri ng pamahalaang itinatag
ni Heneral Emilio Aguinaldo.

12
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang liham ng pasasalamat sa mga bayaning nagsakripisyo


upang makamit ang ating kalayaan. Isulat ang liham sa sagutang papel.

_____________________________
_____________________________

________________________________

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

_____________________________
_____________________________

Rubriks sa Pagwawasto ng Karagdagang Gawain

5 4 3

Nilalaman Punong-puno ng Maganda ang mga


‘Di makatotohanan
ideya ideya
Napakaayos ng Maayos ang
Medyo magulo ang
Organisasyon pagkakasulat ng pagkakasulat ng
pagkakasulat ng
mga bahagi ng mga bahagi ng
mga bahagi ng liham
liham liham

Intensyon Napakalinaw Malinaw ‘Di gaanong malinaw

13
14
Rubriks sa Pagwawasto ng Isagawa at Gawain E
Nilalaman Punong-puno ng Maganda ang mga ‘Di makatotohanan
ideya ideya
Organisasyon Napakaayos Maayos Medyo magulo
Intensyon Napakalinaw Malinaw ‘Di gaanong
malinaw
Rubriks sa Pagwawasto ng Gawain A
5 4 3
Presentasyon Kumpleto ang May kaunting ‘Di gaanong
lahat ng bahagi kulang sa mga kumpleto ang mga
bahagi bahagi
Organisasyon Napakaayos ng Maayos ang Medyo magulo ang
pagkakaguhit at pagkakaguhit at pagkakaguhit at
pagkakakulay pagkakakulay pagkakakulay
Tayahin Gawain D Gawain C
1. C 2. B 3. D 1. TAMA 2. MALI 1 EMILIO AGUINALDO
4. A 5. E 3. MALI 4. TAMA 2. JULIAN FELIPE
II. 5. TAMA 3. MARCELA
1. Espanyol Gawain F AGONCILLO
2. Tama 3 4. JOSE PALMA
3. Sang-ayon 1 5. AMBROSIO
4. Kawit, Cavite 5 RIANZARES-BAUTISTA
5. Tama 2
4
Gawain B Balikan Subukin
1. B 1. Melchora Aquino 1. C
2. A 2. Teresa Magbanua 2. B
3. Gregoria De Jesus 3. D
3. E
4. Marcela Agoncillo 4. C
4. G 5. Trinidad Tecson 5. C
5. D Isaisip 6. D
1. Hunyo 12, 1898 7. D
2. Marcela Agoncillo 8. D
3. Julian Felipe 9. D
4. Kose Palma 10. A
5. Ambrosio Rianzares -Bautista
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

"Araling Panlipunan K To 12 Curriculum Guide". 2020. Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/kenjoyb/araling-panlipunan-k-to-12- curriculum-
guide.

Antonio, Banlaygas, Dallo, Eleonor D., Emilia L., Evangeline


M.n.d. Binagong Edisyon -Kayamanan – 6. Manila,
Philippines: Rex Book Store.

Baisa-Julian, Lontoc, Ailene G. ,Nestor S. 2017. Bagong Lakbay Ng Lahing


Pilipino 6. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Koordineytor: Alma M. Dayag
Phoenix Publishing House.

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) – Teach Pinas. Teach


Pinas, 2020. https://www.teachpinas.com/ k-12-most-essential-learning-
competencies-melc/.

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be Contributor.


2020. "Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade 12 SY
2020-2021". Deped Click. https://www.deped-click.com/2020/05/most-
essential-learning-competencies.html.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region III
Learning Resource Management Section (LRMDS)
Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)

Telefax: (045) 598-8580 to 89


Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like