You are on page 1of 20

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 10:
Labanan sa Tirad Pass
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 10: Labanan sa Tirad Pass
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marilen G. Puno


Patnugot: Rosalin S. Muli EdD, CESE
Ricky C. Balingit
Tagasuri: Janet Y. Paras
Romeo P. Lorido
John Paul C. Paje EdD
Bryan M. Balintec
Tagaguhit: Joyce D. Dimarucut
Tagalapat: Jacqueline E. Libut
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby M. Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 10:
Labanan sa Tirad Pass
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Labanan sa TIrad Pass!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
ika-21 siglong mga kasanayan habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Labanan sa TIrad Pass!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Isa sa mga makasaysayang sagupaan ng mga rebolusyonaryong Pinoy laban


sa tropa ng mga mananakop na Amerikano noong 1899 ay ang labanan sa Pasong
Tirad. Sa modyul na ito ay malalaman mo ang isa sa mga pangyayaring naganap sa
ating bansa. Ito ay patunay na ang kabayanihang nagawa at pakikibaka ng mga
Pilipino ay hindi malilimutan makamit lamang ang minimithing kalayaan sa
panahon ng Digmaang Pilipino at Amerikano.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natututunan ang pangyayari sa labanan sa Pasong Tirad/Tirad Pass;
2. napahahalagahan ang ginawang pagkamakabayan ng mga Pilipinong
nakipaglaban sa mga Amerikano; at
3. nakaguguhit ng isang masining na poster tungkol sa labanan sa Pasong
Tirad.

Mga Tala para sa Guro


Mayroong mga inihandang gawain para sa iyo sa
modyul na ito. Inaasahan na ito ay makakadagdag sa iyong
kaalaman para umunlad ang iyong pagkatuto.
Basahin itong mabuti at tandaan ang mga
importanteng detalye.

1
Subukin

Basahin ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Sino ang pinakabatang heneral na nagtanggol kay Emilio Aguinaldo sa Pasong


Tirad?
A. Heneral Antonio Luna
B. Heneral Gregorio del Pilar
C. Heneral Miguel Malvar
D. Heneral Mariano Noriel

2. Ano ang naging bansag kay Gregorio del Pilar?


A. bayani ng Cebu
B. bayani ng Malolos
C. bayani ng Maynila
D. bayani ng Pasong Tirad

3. Ilang taong gulang si Gregorio del Pilar nang mamatay sa kamay ng mga
Amerikano?
A. 22
B. 24
C. 26
D. 28

4. Sino ang lider ng mga Amerikano na nakalusot sa pagpasok sa Pasong Tirad?


A. George Dewey
B. Peyton March
C. William Walter Grayson
D. William McKinley

5. Sino ang Pilipinong tumulong sa mga Amerikano upang mapasok ang Tirad Pass?
A. Juan Basco
B. Juan dela Cruz
C. Juan Luna
D. Juanuario Galut

6. Bakit tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad” si Gregorio del Pilar?


A. dahil sa sarili niyang kagustuhan
B. dahil doon siya ikinulong
C. dahil doon siya isinilang
D. dahil doon siya namatay habang ipinagtatanggol ang kalayaan ng ating
bansa

2
7. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Heneral Gregorio del Pilar upang tulungan
sa pagtakas si Aguinaldo?
A. Binuwis ang buhay huwag lang madakip si Aguinaldo.
B. Itinuro ang maling daan sa mga Amerikano.
C. Naghanap ng paraan upang makatakas sa mga Amerikano.
D. Nagtago sa mga bahay na bato upang hindi mahuli.

8. Dapat bang bigyan ng pagpapahalaga ang ginawang pakikipaglaban ng mga


Pilipino para sa ating kalayaan?
A. Hindi, dahil wala pa ako nang mangyari iyon.
B. Hindi, dahil hindi ko naman sila kilala.
C. Oo, dahil nag-alay sila ng kanilang buhay upang ipakita ang pagiging
makabayan.
D. Oo, para sumikat sila.

9. Tama bang ipagkanulo mo ang iyong kapwa Pilipino lalong lalo na sa panahon
ng digmaan?
A. Hindi, dahil ito ay nagpapakita ng hindi pagmamahal sa bayan at kapwa
Pilipino.
B. Hindi, dahil hindi naman makaaapekto ito sa aking pagka-Pilipino.
C. Oo, dahil ipagmamalaki ako ng aking bansa
D. Oo, dahil kikilalanin ako ng mga dayuhan

10. Ano ang katangiang ipinamamalas mo kung ipinagtatanggol mo ang iyong


bayan sa mga dayuhan?
A. pagkamakabayan
B. pagkamasipag
C. pagkamasunurin
D. pagkamatulungin

Mahalagang paalala:

Kung nakuha mo lahat ang tamang


sagot, maaari mo ng laktawan ang modyul na
ito.
Binabati kita!

Kung hindi naman, ipagpatuloy lamang


ang pagbabasa sa modyul at sagutin ang mga
inihandang gawain para sa iyo.

3
Aralin

1 Labanan sa Tirad Pass

Noong nangyari ang pagpatay ng sundalong Amerikano sa dalawang Pilipino


na hindi tumigil sa kanyang hudyat sa kanilang paglalakad, nagsimula ang
Digmaang Pilipino at Amerikano. Dahil dito, may mga sumunod pang mga
pangyayari gaya ng labanan sa Pasong Tirad.

Balikan

Suriin ang bawat pangugusap. Isulat sa iyong sagutang papel kung TAMA
ang inihahayag nito at MALI naman kung hindi.

1. Nagalit ang mga Pilipino nang malaman nila ang tunay na resulta ng
Kasunduan sa Paris.
2. Noong ika-4 ng Pebrero, 1899 sumiklab ang Digmaang Pilipino at Amerikano.
3. Binaril ng sundalong Amerikano na si William Walter Grayson ang dalawang
Pilipino nang hindi tumigil sa kanyang hudyat.
4. Nangyari ang pagbaril sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa.
5. Hindi na nagpatuloy pa ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.

Tuklasin

Basahin ang susunod na teksto na hinango mula sa batayang aklat na


Kayamanan 6 at sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Labanan sa Tirad Pass

Tumakas si Aguinaldo kasama ng kanyang gabinete, kagawad at sundalo


upang maiwasan ang pagtugis ng mga Amerikano. Dumaan sila sa Pasong Tirad at
dito humimpil si Heneral Gregorio del Pilar, kasama ang 60 kawal upang hadlangan
ang mga tumutugis na Amerikano. Napatay si del Pilar kasama ang 54 na Pilipinong
sundalo noong Disyembre 2, 1899. Siya ang pinakabatang heneral sa gulang na 24.
Tinagurian siyang “Bayani ng Pasong Tirad”.

4
Pamprosesong tanong:

1. Ano ang iyong masasabi sa tekstong binasa?


2. Ano ang iyong damdamin sa pagkakapatay ng mga Amerikano kay Gregorio del
Pilar?
3. Makatarungan ba ang kanyang sinapit? Bakit?
4. Kung ikaw si Gregorio del Pilar, tutularan mo ba ang ginawa niyang
pagtatanggol kay Aguinaldo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Suriin

Nagpalipat-lipat ng punong himpilan si Aguinaldo dahil malakas ang puwersa


ng mga Amerikano. Mula Malolos ay lumipat sila sa Nueva Ecija, Tarlac, Nueva
Vizcaya, Pangasinan at Cagayan. Nakarating sila sa Palanan, Isabela noong
Setyembre 6, 1899.
Itinuro ng isang Kristiyanong Igorot na si Juanuario Galut sa mga Amerikano
ang lihim na daan papasok sa Tirad Pass. Kaya narating ng grupo ni Major Peyton
March ang lagusan.
Para hindi madakip ng mga Amerikano si Aguinaldo, hinarangan ni Heneral
Gregorio del Pilar ang Pasong Tirad o Tirad Pass.
Ngunit noong ika-2 ng Disyembre 1899, nangyari ang madugong labanan sa
Pasong Tirad. Sa kasamaang palad, namatay si Gregorio del Pilar na tinaguriang
“Bayani ng Tirad Pass” at nahuli si Aguinaldo sa pamumuno ni Koronel Frederick
Funston.
Dinala si Aguinaldo sa Maynila at pinasumpa ng katapatan sa Estados
Unidos.

Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral


na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay
isinilang sa Bulacan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875
kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio.
Kilala siya sa tawag na Goyong o Goyo.

5
Pagyamanin

Gawain A
Punuin ang talata gamit ang mga salita na nasa kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Noong ___________ ay nangyari ang labanan sa ___________. Hinarangan ni


______________ ang Pasong Tirad upang hindi makapasok ang mga Amerikano.
Ngunit tinulungan ng isang Kristiyanong Igorot na si __________ ang tropang
Amerikano sa pangunguna ni _____________ kung kaya nakadaan sila sa lihim na
lagusan papunta sa paso.

Juanuario Galut Pasong Tirad


Major Peyton March Heneral Emilio Aguinaldo
ika-2 ng Disyembre 1899 Heneral Gregorio del Pilar

Gawain B
Iugnay ang isinasaad ng Hanay A sa mga salita sa Hanay B. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.

Hanay A Hanay B

Lugar kung saan napatay si Gregorio


_______1. A. Gregorio del Pilar
del Pilar
B. Emilio Aguinaldo
_______2. Nanguna sa paghuli kay Aguinaldo
C. Tirad Pass
_______3. Hinarangan ang Tirad Pass D. Koronel Frederick Funston
E. Koronel Jacob Smith
_______4. Tinutugis ng mga Amerikano
F. Juanuario Galut
Nagturo sa daan patungong Tirad
_______5.
Pass

Gawain C

Isulat ang sa patlang kung totoo ang isinasaad ng pahayag at naman


kung hindi. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
_______1. Nagpalipat-lipat ng lugar ang tropa ni Aguinaldo upang hindi matugis
ng mga Amerikano.
_______2. Hinayaang makapasok ni Heneral Gregorio del Pilar ang mga
Amerikano sa Pasong Tirad.

6
_______3. Madaling natalo ng puwersang Amerikano ang mga Pilipino.
_______4. Nasawi sa labanan sa Tirad Pass si Heneral Gregorio del Pilar.
_______5. Itinuturing na “Bayani ng Tirad Pass” si Heneral Emilio Aguinaldo.

Gawain D
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isaayos ang mga pangyayari ayon
sa pagkakasunud-sunod nito gamit ang letrang A hanggang E. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.

_______1. Pinasumpa ng katapatan sa Amerika si Aguinaldo matapos itong


mahuli.
_______2. Nagpalipat-lipat ng punong himpilan sina Aguinaldo para makaiwas
sa mga tumutugis na Amerikano.
_______3. Napasok ng puwersang Amerikano ang Pasong Tirad sa tulong ni
Juanuario Galut.
_______4. Nahuli ng mga Amerikano si Aguinaldo at pinasumpa ng katapatan sa
kanila.
_______5. Napatay ng mga Amerikano si Gregorio del Pilar.

Gawain E
Punan ang mga bilog ng mga pangyayari sa labanan sa Tirad Pass. Gawin
ito sa sagutang papel.

Labanan sa Pasong Tirad

7
Pagkatapos ng labanan sa Tirad Pass, nakuha ang talaarawan ni Gregorio del Pilar.
Narito ang isang bahagi nito.
Basahin at unawaing mabuti at sagutin ang mga tanong sa iyong papel.

“IBINIGAY SA AKIN NI HENERAL ANG LAHAT NG TAUHAN NA MAAARING ILAAN SA


AKIN AT INUTUSAN NIYA AKO NA IPAGTANGGOL ANG PASO. NAUUNAWAAN KO
KUNG GAANO KABIGAT ANG IPINAGAGAWA SA AKIN, PERO PAKIRAMDAM KO, ITO
ANG PINAKAMALUWALHATING SANDALI NG AKING BUHAY. WALA NG
SAKRIPISYO ANG HIHIGIT PA SA GAGAWIN KO PARA SA AKING MAHAL NA
BAYAN.”

https://philippineculturaleducation.com.ph/
pasong-tirad/

Mga tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa pahayag ni Gregorio del Pilar?
2. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong nabasa ito?
3. Itataya mo rin ba ang iyong buhay para sa Inang Bayan? Bakit?
4. 4.Bilang isang mag-aaral, kung bibigyan ka ng pagkakataon na ipagtanggol ang
iyong bansa, tutularan mo ba ang ginawa ni del Pilar? Ipaliwanag.

Magaling! Nasagot mo ang mga gawain.

Isaisip

Upang mas lalong matandaan ang nangyari sa labanan sa Tirad Pass, buuin
ang talata sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot sa loob ng panaklong. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Nagpalipat-lipat ng punong himpilan sina (Aguinaldo, del Pilar) upang hindi
matugis ng mga Amerikano. Si (Antonio Luna, Gregorio del Pilar) ang humarang sa
mga Amerikano sa Tirad Pass. Itinuro ng isang Kristiyanong Igorot na si (Juanuario
Galut, Juan Luna) ang lihim na lagusan papuntang Tirad Pass kaya madaling
nakubkob ng mga Amerikano ang mga Pilipino. Nahuli si (Heneral Emilio Aguinaldo,
Heneral Vicente Lukban) at pinasumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Namatay
sa labanan si Heneral Gregorio del Pilar na tinaguriang (“Bayani ng Mactan”, “Bayani
ng Tirad Pass”).

8
Isagawa

Gamit ang anumang uri ng pangkulay, gumawa ng isang masining na poster


tungkol sa naging labanan sa Pasong Tirad.

Rubriks sa 0 walang
Paggawa ng 5 puntos 4 - 3 puntos 2 - 1 puntos
puntos
Poster
Mga batayan: Nakabuo at Mahusay ang Kaunti Walang
Detalye naipakita ang pagkakabuo lamang ang nagawang
Simbolo mga detalyeng ng mga mga detalyeng poster
Pagkamasining kailangan ng detalye naipakita
napakahusay

Tayahin

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Siya ang pinakabatang heneral na nagtanggol kay Aguinaldo sa Pasong Tirad?


A. Heneral Antonio Luna
B. Heneral Gregorio del Pilar
C. Heneral Miguel Malvar
D. Heneral Mariano Noriel

2. Ano ang naging tawag kay Gregorio del Pilar?


A. bayani ng Cebu
B. bayani ng Malolos
C. bayani ng Maynila
D. bayani ng Pasong Tirad

3. Saang probinsya ipinanganak si Gregorio del Pilar?


A. Bataan
B. Bulacan
C. Pampanga
D. Tarlac

9
4. Sino ang lider ng mga Amerikano na nakalusot sa lihim na lagusan papasok sa
Pasong Tirad?
A. George Dewey
B. Peyton March
C. William Walter Grayson
D. William McKinley

5. Sino ang Pilipinong tumulong sa mga Amerikano upang mapasok ang Tirad Pass?
A. Juan Basco
B. Juan dela Cruz
C. Juan Luna
D. Juanuario Galut

6. Bakit tinaguriang “Bayani ng Pasong Tirad” si Gregorio del Pilar?


A. dahil doon niya piniling mamuhay
B. dahil doon siya ikinulong
C. dahil doon siya isinilang
D. dahil doon siya namatay habang ipinagtatanggol ang kalayaan ng ating
bansa

7. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ni Heneral Gregorio del Pilar upang tulungan
sa pagtakas si Aguinaldo?
A. Binuwis ang buhay huwag lang madakip si Aguinaldo
B. Itinuro ang maling daan sa mga Amerikano
C. Ginawang katawa-tawa ang sarili
D. Nagtago sa mga bahay na bato upang hindi mahuli

8. Dapat bang bigyan ng pagpapahalaga ang ginawang pakikipaglaban ng mga


Pilipino para sa ating kalayaan?
A. Hindi, dahil hindi naman kailangan
B. Hindi, dahil hindi naman uunlad ang bansa
C. Oo, dahil inialay nila ang kanilang lakas at buhay upang ipakita ang
pagiging makabayan
D. Oo, para sumikat sila

9. Ang mga sumusunod ay mga kabayanihang ginawa ni Gregorio del Pilar upang
pangalagaan ang pagtakas ni Aguinaldo, MALIBAN sa isa.
A. Hindi natakot mamatay maipagtanggol lamang si Aguinaldo
B. Nanguna sa kapwa sundalong Pilipino upang harangan ang Pasong Tirad
C. Nakipagkaibigan sa mga kalabang Amerikano
D. Walang takot na ipinakita ang pagmamahal sa bayan

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkamakabayan?


A. Palaging nanonood ng pelikulang dayuhan
B. Palaging bumibili ng produktong gawa sa Pilipinas
C. Mas gustong manirahan sa ibang bansa
D. Mas binibigyan ng pagkakataon ang mga dayuhan na magtrabaho sa
Pilipinas

10
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang tula na may dalawang saknong at may apat na taludtod


bawat saknong tungkol sa ginawang kabayanihan ni Gregorio del Pilar sa Tirad Pass
upang proteksyunan si Heneral Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano. Lagyan ito ng
pamagat. Isulat ito sa iyong papel.

Rubriks sa 0 walang
Pagsulat ng 5 puntos 4 - 3 puntos 2 - 1 puntos
puntos
Tula
Mga batayan: Nakabuo at Mahusay ang Hindi Walang
Pagkakabuo naipakita ng pagkakabuo kumpleto ang nagawang
Nilalaman napakahusay ng nilalaman naipakitang tula
Paggamit ng ang nilalaman mga saknong
tugma ng tula

11
12
Karagdagang Gawain
Sundan ang pamantayan sa pagpupuntos.
Tayahin Isagawa Isaisip
1. B Sundan ang pamantayan sa Aguinaldo
2. D pagpupuntos Gregorio del Pilar
3. B Juanuario Galut
4. B
Heneral Emilio Aguinaldo
5. D
6. D Bayani ng Tirad Pass
7. A
8. C
9. C
10.B
Gawain F Gawain E
Tanggapin ang maaaring isagot ng bata Tanggapin ang sagot kung naaayon sa
detalye ng paksa
Gawain D Gawain C Gawain B
1.E 1. 1. C
2.A 2. 2. D
3.B 3. 3. A
4.
4.D 5. 4. B
5.C 5. F
Gawain A Tuklasin Balikan Subukin
Ika-2 ng Disyembre Tanggapin ang 1. TAMA 1. B 6. D
1899 maaaring isagot ng 2. TAMA 2. D 7. A
Pasong Tirad bata 3. TAMA 3. B 8. A
Hen. Gregorio del 4. TAMA 4. B 9. A
Pilar 5. MALI 5. D 10. A
Juanuario Galut
Major Peyton March
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

"Araling Panlipunan K To 12 Curriculum Guide". 2020. Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/kenjoyb/araling-panlipunan-k-to-12-
curriculum-guide.

Antonio, Banlaygas, Dallo, Eleonor D., Emilia L., Evangeline


M.n.d. Binagong Edisyon -Kayamanan – 6. Manila,
Philippines: Rex Book Store.

Baisa-Julian, Lontoc, Ailene G., Nestor S. 2017. Bagong Lakbay Ng Lahing


Pilipino 6. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Koordineytor: Alma M. Dayag
Phoenix Publishing House.

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) – Teach Pinas. Teach


Pinas, 2020. https://www.teachpinas.com/ k-12-most-essential-learning-
competencies-melc/.

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be Contributor.


2020. "Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade 12 SY
2020-2021". DepEd Click. https://www.deped-click.com/2020/05/most-
essential-learning-competencies.html.

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region III
Learning Resource Management Section (LRMDS)
Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)

Telefax: (045) 598-8580 to 89


Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like