You are on page 1of 18

NOTE: PLEASE FILL IN THE

INFORMATION BELOW.

STUDENT'S NAME: ___________________________________________


GRADE & SECTION: __________________________________________
CONTACT NUMBER: __________________________________________

1
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
ARALIN 1: PAG-USBONG NG DAMDAMING NASYONALISMO

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo


(P6PMK-Ib-4)

Unawain Natin:

PAG-USBONG NG NASYONALISMONG PILIPINO


Ang Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
(1834)

Nang itigil ang kalakalan ganyon, binukasan ang Pilipinas


sa Pandaigdigang na Kalakalan. Bunga nito, pumasok na
rin ang malayang kaisipan mula sa Europa at Amerikana.

PANDAIGDIGANG KALAKALAN
(1834)

Ang Pagbubukas ng Suez Canal (1869)

Ang Suez Canal na nasa Mediterano sa may Ehipto ay


ginawa sa pamamahala ni Ferdinand de Lesseps, isang
Pranses. Pinaikli nito mula Europa papuntang silangan. Ang
resulta nito, marami ang dumayo sa Pilipinas na dala ang
ideya liberal. Dito namulat ang mga Pilipino sa ideya ng
pagkapantay-pantay, kapatiran at kalayaan na siyang
nagsulong sa himagsikang Amerikano at Pranses. Ito rin SUEZ CANAL (1869)
ang naging simula ng paghingi ng Pilipinas ng reporma sa
mga Kastila.

Pagkakaroon ng Panggitnang Lipunan (Middle Class)

Dahil sa pag-unlad ng ekonomiya noong ika-19 na siglo,


sumulpot ang isang Panggitnang Uri sa lipunan, ang uring
Ilustrado. Ito ay binubuo ng mga mestisong Kastila at Intsik
at ilang katutubong mayayamang pamilya. Ang mga
ilustradong ito na nakinabang nang malaki sa mga
pagbabagong pang-ekonomiya, ay nakapagpaaral ng
mga anak sa Maynila at Europa. Sila yaong nakabasa ng
mga ideyang liberal at nakipalitan ng kuro-kuro sa mga
taong may liberal na kaisipan. Sila, sa dakong huli ang
nagpahayag at nagsiwalat tungkol sa mga hinaing at PANGGITNANG URI IKA-19 NA SIGLO
hinanakit ng mag Pilipino tulad nila: Jose Rizal, Marcelo H.
Del Pilar, Juan Luna, Graciano Lopez Jaena Antonio Luna
at marami pang iba.
Ang Liberal na Pamahalaan ni Gobernador Carlos Maria
de la Torre (1869-1871)

Paniniwala ni Gobernador Carlos Maria dela Torre sa


liberalismo. Nagpatupad siya ng mga mahusay na
patakaran at naging maganda ang pakikitungo sa mga
Pilipino. Naging pantay ang pagtingin niya sa mga
Espanyol at mga Pilipino. Kalaunan ay maka-Kastila rin ang
kanyang pamumuno kung saan nagpatupad ng mga GOBERNADOR CARLOS MARIA DELA TORRE
patakarang pabor sa pamahalaang kolonyal ng Espanya. (1869-1871)

2
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
Rebelyon sa Cavite (1872)

Matagal na panahon na hindi pinagbabayad ng tributo


at hindi rin pinagagawa nang sapilitan ang mga
Manggagawa sa arsenal ng Fuerto San Felipe sa Cavite.
namamahala noong 1871 si Gobernador Rafael de
Izquierdo kapalit ng liberal na si Gobernador Carlos Maria
de la Torre, inalis niya ang pribilehiyong ito sa mga
manggagawa ng arsenal. Dahil dito, nag-aalsa ang mga
manggagawa ng arsenal noong Enero 20, 1872.
Sinamantala ng mga Kastila ang pangyayaring ito.
Pinalabas nilang kaugnay ng pag-aalsa ang mga paring
Pilipinong sina Jose Burgos, Jacinto Zamora at Mariano
Gomez. Ang Rebelyong ito sa Cavite ay nagpaigting sa REBELYON SA CAVITE (1872)
hidwaan ng mga Creoles o Insulares mga anak ng kastila
sa Pilipinas at Peninsulares ang mga isinilang sa Espanya.
Hatol na Garote sa tatlong paring martir

Sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre


Jacinto Zamora (GomBurZa) binitay dahil pinagbintangan
silang nakipagsabwatan upang pabagsakin ang
pamahalaang Espanyol. Matapos ang kuwariang paglilitis
na kung saan nagharap ang pamahalaan ng mga
bulaang saksi, ginarote sa Bagumbayan ang tatlong pari
noong Pebrero 17, 1872. Nahatulan ng pagbitay ang
tatlong pari. Ito ay nagpasidhi rin damdaming makabayan GOMBURZA (PEBRERO 17, 1872)
ng mga Pilipino.

Ilapat Natin:

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Punuan ng letra ang mga blanko upang
mabuo ang mga tinutukoy na salita.

3
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
Gawain sa Pagkatuto:
Panuto: TIMELINE Basahin ang mga kaganapan na nasa kahon sa ibaba. Isulat sa tapat ng
bawat kahon kung ano ang naganap sa panahong ito.

MGA PAGPIPILIAN

• Pagbubukas ng Pilipinas
sa pandaigdigang
kalakalan
• Pagpaslang sa GomBurZa
• Pagbubukas ng Suez
Canal
• Pagpapatibay ng
Dekretong Edukasyon
• Pagbabago ng Antas sa
Lipunan

TAYAIN NATIN
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang.

1. Sino ang Gobernador Heneral ang nagpataw ng parusang garote sa tatlong paring
martir noong Pebrero 17, 1872?
A. Narciso Claveria B. Rafael Esquierdo
C. Ramon Blanco D. Jose Maria Dela Torre

2. Sino sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa gitnang uri?


A. Marelo G. del Pilar B. Jose Rizal
C. Hermano Pule D. Juan Luna

3 . Anong daang pangkalakalan ang binuksan noong 1834 na nagpabilis sa biyahe sa


Europa patungo sa Silangan?
A. Rio Canal B. Mitterrandian Canal
C. Suez Canal D. Barelona Canal

4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa ideyang liberal na dala ng mga dumayong
kanluranin sa Pilipinas at mga Pilipino nakapag-aral sa Europa dahil pagbubukas ng
Suez Canal?
A. Pagkapantay-pantay B. Pamamahala
C. Kalayaan D. Kapitiran

5. Kailan naganap ang pag-aalsa ng mga manggagawa sa arsenal ng


Fuerto San Felipe sa Cavite.?
A. Enero 17, 1872 B. Pebrero 17, 1872
C. Enero 20, 1872 D. Pebreo 20, 1872

4
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
________6. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakaayos naging epekto ng kaisipang liberal
sa pag-usbong

ng damdaming nasyonalismo?
I. Pag-aalsa sa Cavite
II. Pag-usbong ng gitnanng uri
III. Pagbubukas ng Suez Canal
IV. Paggarote sa tatlong paring martir
V. Pamamahala ni Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre

A. I, III, V, IV, II B. III, II, V, I, IV


C. IV, V, I, III, II D. II, V, IV, III, I

7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan sa epekto ng


kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo?
A. Pagbubukas ng Suez Canal
B. Pagpataw ng parusang garote sa tatlong paring martir
C. Pagbibigay n ng kabuhayan sa mga kabataang Pilipino
D. Pagkakaroon ng edukasyon sa Europa ng mga gitnang uri

8. Bakit malaki ang naging papel ng gitnang uri sa pag-usbong ng damdaming


nasyonalismo?
A. Sila ang tanging pag-asa ng bayan
B. Sila ay tanging may Karapatan na magsalita
C. Sila, sa dakong huli ang nagpahayag at nagsiwalat tungkol sa mga hinaing at
hinanakit ng mga Pilipino
D. Sila ang nakaunawa sa kahalagahan ng pag-aaral sa pilosipiya, agham at
medisina para makatulong sa mga Pilipino

_______9. Ang sa sumusunod ay mga naging epekto ng kaisipang liberal


sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo maliban sa isa?
A. Pagbitay sa GomBurZa
B. Pag-aalsa ng manggagawa sa arsenal sa Cavite
C. Pagkakaroon ng Paggitnang uri at liberal na pananaw
D. Pagbibigay ng prebiliheyong malibre sa pagbabayad tributo at sapiling
paggawa
10. Ang mga sumusunod ay pagpapahalaga sa naging epekto ng pag-usbong ng
damdaming nasyonalismo. Alin ang hindi kabilang?
A. Pagpapahalaga sa edukasyon
B. Pagpapahalaga sa kalayaang tinatamasa
C. Pagmamahal sa simbolo ng bayan at kaugalian
D. Pagtangkilik sa di-kanais nais na gawain sa lipunan

ARALIN 2: PAGKAKATATAG NG KILUSANG PROPAGANDA AT KATIPUNAN

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


Naipapaliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng kilusang propaganda at
katipunan ng paglinang sa nasyonalismong Pilipino.

5
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
Unawain Natin:

Pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at Katipunan


Nagkatagpo-tagpo ang iba’t ibang grupo ng kabataang Pilipino sa Espanya.
Nagka-isa ang mga Pilipino sa Espanya na gamitin ang panulat upang maiparating sa
gobernador heneral ng Espanya ang pang-aabuso ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Naitatag ang samahang Propaganda na ang layunin ay magkamit ng reporma tungkol
sa pamamahala ng Espanyol sa Pilipinas.
Nagkaroon ng pahayagan ang samahang Propaganda na tinawag na La Solidaridad.
Una itong nailathala noong Pebrero 15, 1889 sa ilalim ng pamamatnugot ni Graciano Lopez
Jaena.
Ikawalang patnugot nito si Marcelo H. del Pilar at regular na manunulat si Jose P. Rizal.
Huling isyu ng pahayagan ay noong Nobyembre 15, 1895.
Itinatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina noong Hunyo 26, 1892 nang siya ay bumalik sa
Pilipinas mula sa Espanya.
Layunin ng samahan na mapag-isa ang buong kapuluan upang ipagtanggol ang
sambayanan laban ng mga reporma sa pamahalaan.
Hulyo 7, 1892 naitatag ang lihim na samahan ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK.
Triyanggulo ang gamit na pamamaraan sa pagpili at pagsanib ng mga kasapi.
Dimas-Ilaw ang alyas ni Andres Bonifacio.
1893, pinayagan ng sumanib ang mga kababaihan sa samahan.
Josefina Rizal ang pangulo ng kababaihan at bise si Gregoria de Jesus.

Ilapat Natin:

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang mga pangyayaring naganap sa mga katipunero at ekis (X)
kung hindi.

______1. Ang pagkakatuklas ng katipunan ay naging daan ng paghina ng Samahan.


______2. Ang kawalan ng makabagong sandata ang naging sagabal sa mabilis na paglaya

ng bansa.
______3. Ang pagkakahati ng katipunan sa dalawang pangkat ay dahilan ng paghina ng

samahan ng Katipunan.
______4. Nagka-isa ang mga Pilipino sa Espanya na gamitin ang panulat upang maiparating
sa gobernador heneral ng Espanya ang pang-aabuso sa bansa.

______5. Hindi nailigtas ng mga katipunero ang bansa sa Espanya.

Gawain sa Pagkatuto:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung aling samahan ang
inilalarawan na nasa loob ng kahon. Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ang bilang.

______1. Ito ay binubuo ng Pilipinong Illustrado


______2. Kauna-unahang samahang naitatag
______3. Ito ang samahang itinatag ni Dr. Jose Rizal
______4. Nagmula sa iba’t ibang kalagayan sa buhay ang Pilipinong kasapi sa lihim na
samahan na ito

______5. Layunin nito ang pagnanais magkamit ng mga pagbabago sa marahas na paraan

6
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
______6. Sina Ladislao Diwa at Andres Bonifacio at iba pa ang nagtatag ng samahang ito.
______7. Samahang naitatag sa Espanya.

______8. Nang si Dr. Jose Rizal ay itinapon sa Dapitan, naitatag ito sa araw na iyon

TAYAIN NATIN
Panuto: AYUSIN AT KILALANIN. Pag-aralan ang mga magkakahalong letra, ayusin ang mga
ito upang makabuo ng pangalan ng mga kilalang Pilipino na lumaban para sa bayan. Isulat
ang nabuong pangalan sa ibaba nito at kilalanin ang kanilang nagawa o kontribusyon
nasa kabilang kahon.

ARALIN 3: MGA DAHILAN AT PANGYAYARI SA PANAHON NG


HIMAGSIKANG PILIPINO

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


Nasusuri ang mga dahilan at pangyayaring naganap sa Panahon ng Himagsikang Pilipino.

Unawain Natin:

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay ipinakita ng ating mga kapwa Pilipino ang
kanilang katapangan at kabayanihan upang ipagtanggol ang ating kalayaan. Walang
takot na hinarap nila ang mga mananakop sa kabila ng kakulangan sa mga armas at
kaalaman sa pakikipaglaban. Patunay nito ang iba’t ibang hakbang at pakikipaglaban
na kanilang ginawa upang makalaya sa mga Espanyol. Hindi sila tumigil, nanahimik at
nagpailalim lamang sa mga mananakop. Nagawa nilang makapagtayo ng iba’t ibang
samahang mapanghimagsik tulad ng katipunan.
7
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
• Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay isa sa mga patunay ng matinding pagnanais ng mga
Pilipino na makamit ang kalayaan mula sa mga Espanyol. Hindi lamang ang pagpunit ng
cedula ang dapat bigyang-diin sa Unang Sigaw gayundin ang mga pagpupulong at
pagpaplano ng mga Katipunero upang itaguyod ang rebolusyon.

• Ang layunin ng Kumbensiyon sa Tejeros ay upang ayusin ang hindi pagkakaunawaan sa


pagitan ng dalawang pangkat ng Katipunan sa Ca vite at upang bumuo ng isang
rebolusyunaryong pamahalaan. Ngunit sa halip na magkaisa, lalo pang tumindi ang
hidwaan na hu mantong sa pagkamatay ni Andres Bonifacio.

• Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay isinagawa upang magkaroon ng kapayapaan sa


bansa ngunit ang kawalan ng tiwala sa parehong panig ng mga Espanyol at Pilipino ang
naging dahilan upang mabigo at muling sumiklab ang digmaan.

Ilapat Natin:

Panuto: Gamitin ang mga letrang nasa kahon bilang karagdagang palatandaan sa inyong
mga sagot, kabilang ito sa unang walong (8) lalawigan na nagkaisa at lumaban sa mga
Espanyol. Ito ay sumasagisag sa 8 sinag na makikita sa ating watawat

TAYAIN NATIN
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa kumbensyon sa Tejeros
upang ayusin ang hidwaan sa pagitan ng mga Katipunero sa Cavite. Lagyan ng bilang 1-5
ang mga bilog nang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

8
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
ARALIN 4: PARTISIPASYON NG MGA KABABAIHAN SA REBOLUSYONG
PILIPINO

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino (AP6PMK-Ie8)

Unawain Natin:
Ang babae ay kawangis ng ating mga nanay na laging kabalikat natin sa lahat ng mga
gawain sa bahay at problema. Ito ay magdadala sa atin ng tunay na pagpapahalaga sa
kababaihan sa kanilang sakripisyo mula sa pamilya hanggang sa ating Inang Bayan. Ang
panahon ng rebolusyon ay panahon ng mahuhusay sa pakikidigma at katalinuhan ng
kalalakihan ngunit sa pagnanais na makatulung sa bayan, pinili ng mga kababaihan na
tumulong sa paraan na kanilang kayang gampanan sa samahan.

Ang mga Babae sa Katipunan


1. Taong 1893 nang buksan ng Katipunan ang kanilang sikretong samahan para sa mga
babaeng kasapi.
2. Limitado lamang noon ang pagkuha ng babaeng miyembro sa kaanak ng mga lalaking
kasapi ng kilusan.
3. Itinuring sila bilang kaagapay sa anumang aktibidades ng samahan.
4. Si Gregoria de Jesus o Oriang ang kabiyak ni Andres Bonifacio na tinaguriang Lakambini
ng Katipunan. Siya din ang kauna-unahang babaeng miyembro ng samahan.
5. Si Gregoria de Jesus ang naging tagapagtago ng mga lihim na dokumentong
panrebolusyon.
6. Sa bakuran ni Tandang Sora ang naging kanlungan, taguan, at sa kalauna’y punong
himpilan ng mga rebolusyonaryo.
7. Tinanggap ni Tandang Sora sa kaniyang pamamahay ang mga rebolusyonaryong
humingi sa kaniya ng tulong, pagkain, salapi, at paggamot – dahilan para siya’y
bansagang “Ina ng Katipunan.”
8. Ang mga Katipunera ay ang humikayat ng mga bagong miyembro ng samahan,
tagasulat ng mga katitikan, taga-ingat ng mahahalagang dokumento, tagalinlang, taga-
aliw sa mga awtoridad na mga Espanyol na nagdududa sa mga pagpupulong na
isinasagawa ng mga Pilipino, at tagagawa ng mga bandila.
9. Si Teresa Magbanua ang unang babaeng mandirigma sa Panay at kilala bilang "Joan of
Arc ng Visayas”
10. Si Agueda Kahabagan ay silbing tagapuslit ng mga gamit pandigma noong 1896.
11. Si Josephine Bracken ay asawa ni Jose Rizal, nag-alaga ng mga sugatan sa Cavite
noong 1897.
12. Si Gregoria Montoya ay namuno sa isang yunit ng mga Katipunero sa labanan sa Tulay
ng Caleo sa Cavitenoong 1896.
13. Si Trinidad Tecson ay itinuturing na ina ng Philippine National Red Cross.
14. Si Josefa Rizal ay kapatid ni Jose Rizal at naglingkod bilang Pangulo ng lupon ng mga
kababaihan.
15. Nang maging Supremo ng Konseho ng Katipunan si Andres Bonifacio noong 1895,
itinalaga niya si Dizon bilang pinuno ng dibisyon para sa mga kababaihan sa kilusan at
namahala sa pagkalap at inisasyon ng mga babaeng kasapi.

Ilapat Natin:

Panuto: May mga taong nakagawa ng kabayanihan para sa ating bansa. Sila ay
nagdaan sa hirap at nagsakripisyo dahil sa kanilang pagmamahal sa ating
kalayaan Ang ilan sa kanila ay nagbuwis pa ng sariling buhay. Isulat ang kanilang mga
pangalan at mga nagawa para sa Rebolusyong Pilipino.

9
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
TAYAIN NATIN
Panuto: Suriin ang mga pangyayaring kaugnay ng Partisipasyon ng mga Kababaihan sa
Rebolusyong Pilipino. Lagyan ng salitang TAMA kung ito ay tumatalakay sa mga naiambag
ng mga kababaihan sa panahon ng Rebolusyong Pilipino at MALI naman kung hindi

_____ 1. Nagbigay ng pagkain at tulong sa mga maghihimagsik laban sa mga Espanyol.


_____ 2. Ginamot ang mga sugatang katipunero.
_____ 3. Nagtago ng mga mahahalagang dokumento ng katipunan.
_____ 4. Nanguna sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
_____ 5. Gumamit ng kampilan sa pakikipaglaban sa mga mananakop.

_____ 6. Nagsilbing tagapuslit ng mga gamit pandigma.


_____ 7. Itinuring sila bilang kaagapay sa ilang aktibidades ng samahan.
_____ 8. Tagapaggawa ng mga bandila.

_____9. Kalihim ng sangay ng kababaihan at tagapagtago rin ng mga dokumento ng


Katipunan.

_____10. Humikayat ng mga bagong miyembro ng samahan, tagasulat ng mga katitikan,


taga-ingat ng mahahalagang dokumento, tagalin lang, taga-aliw sa mga awtoridad na
mga Espanyol.

ARALIN 5: NAPAPAHALAGAHAN ANG DEKLARASYON NG KASARINLAN NG


PILIPINAS AT ANG PAGKAKATATAG NG UNANG REPUBLIKA
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Napahahalagahan ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas at ang pagkakatatag ng Unang
Republika (AP6PMK-If-9)
Unawain Natin:

Napahahalagahan ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos at ang Deklarasyon ng


kasarinlan ng mga Pilipino

• Sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya, minarapat nilang tumawag ng


kongresong bubuuin ng mga kinatawang halal ng mga lalawigan. Noong ika-15 ng
Setyembre 1898, pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos. Ang mga kinatawan ay mga 93
mamamayang nabibilang sa may mataas na pinag-aralan, matalino at may-kaya sa
buhay. 35 sa kanila ang nahalal sa katungkulan. Sila ay nagpulong sa Simbahan ng
Barasoain sa Malolos, Bulacan. Sa pamumuno ni Felipe G. Calderon.
• Ang mga kinatawan ng Kongreso ay naghanda ng Saligang Batas. Ang Saligang Batas ng
Malolos ay nagtadhana ng isang pamahalaang demokratiko.

10
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
Ilapat Natin:
Panuto: Itinatag ng Kongreso ng Malolos ang isang demokratikong pamahalaan na may
tatlong sangay. Punan ang diagram sa ibaba tungkol dito.

Gawain sa Pagkatuto:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang tamang kahon kung ang
ipinahahayag ay wasto. Bilugan ang tamang sagot.

11
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
TAYAIN NATIN
Panuto: Punan ang bawat patlang ng angkop na salita o parirala mula sa mga salita na
nasa loob ng ka hon upang mabuo ang mahahalagang impormasyon.

ARALIN 6: PAKIKIBAKA NG MGA PILIPINO SA PANAHON NG


DIGMAANG PILIPINO-AMERKIANO
Mga Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino- Amerikano


(AP6PMK-Ig10)

Unawain Natin:

1.Unang Putok sa Panulukan ng kalye Silencio at Sociego, Sta. Mesa, Maynila

Si Private William Grayson habang inaasinta si Anastacio Felix


- Mula kay Arnaldo Dumindin
Ang hindi pagkakaintindihan ng mga sundalong Pilipino at
sundalong Amerikano ay nauwi sa digmaan. Gabi ng Pebrero
4, 1899 ay naglalakad ang isang sundalong Pilipino na
nagngangalang Anastacio Felix sa panulukan ng kalye
Silencio at kalye Sociego sa Sta.Mesa Maynila. Siya umano’y
pinatitigil sa paglalakad. Sinigawan siya ni William Grayson ng
“Halt” ngunit tumugon din ito ng “Halto” at tumuloy sa
paglakad. Dito na binaril ni William Grayson si Anastacio Felix.
Ang sumunod ay palitan na nang mga umaalingawngaw na
putok sa magkabilang panig. Ito ang simula ng Digmaang
Pilipino-Amerikano.

Hiniling ni Pangulong Emilio Aguinaldo kay Heneral Elwell Otis na


noo’y
pangulo ng pamahalaang militar sa Pilipinas ang paghinto ng
digmaan ngunit hindi ito nakinig bagkus ipinag-utos ang pag-
atake sa mga kampo ng mga sundalong Pilipino.

2. Labanan sa Tirad Pass


Narating ng mga sundalong Amerikano ang paanan ng Pasong
Tirad noong Disyembre 2, 1899 at nagkaputukan. Umatras ang
mga sundalong
Amerikano.

12
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
Sa kasamaang palad, may nakapagturo sa daang paakyat tungo sa pwesto ng mga
sundalong Pilipino, si Januario Galut, isang Igorot. Sa pag-
akyat ng mga sundalong Amerikano ay nabigla ang mga kawal Pilipino. Dito na nagkapalitan
ng putok at napatay si Heneral Gregorio del Pilar
kasama ang 54 sundalong Pilipino.

3. Balangiga Masaker
Noong Setyembre 22, 1901 ay nangyari ang tangkang
panggahasa sa isang dalagang
nagbabantay sa tindahan ng tuba. Nasaksihan ito ng
dalawang kapatid na lalake ng babae ang pangyayari at
kanilang binugbog ang dalawang lasing na Amerikano.

Ikinagalit ni Captain Thomas Connell ang nangyari at ipinag-utos ang paglilinis sa


Balangiga. Kinumpiska ang mga itak at sinira ang mga bigasng mga taga- Balangiga.
Pwersahang pinagtrabaho ang 143 na kalalakihan at pagkatapos ay ikinukulong
magdamag.

Ang di makataong pagtratong ito ay ikinagalit ng mga taga-Balangiga. Sa


pamumuno ni Valeriano Abanador ay nilasing nila ang tropang Amerikano at
kinaumagahan ng Setyembre 28,1901 ay kanilang sinalakay ang mga pupungas-
pungas na mga Amerikano. Napatay ang 36 na sundalong Amerikano kasama
na si Captain Thomas Connel.

Dumating ang grupo ni Captain Edwin Victor Bookmiller at inilibing ang mga
namatay nilang kasamahan pagkatapos ay sinunog ang buongbayan ng
Balangiga.Sa sumunod na buwan ay ipinag-utos ni Brigadier General Jacob H.
Smith na patayin lahat ang mga kalalakihan edad 10 pataas. Nilapastanganan
naman ang mga kababaihan. Mula Oktubre 1901 hanggang Enero 1902
ay mahigit 15 libong taga-Samar ang walang awang pinagpapatay ng
mga Amerikano.

Ilapat Natin:

Panuto: Isaayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ang bilang 1-3 sa
patlang.

_______ A. Si Anastacio Felix ay binaril sa may panulukan ng kalye Silencio at Sociego, Sta.
Mesa Maynila.
_______ B. Ipinag-utos ni Jacob H. Smith ang pagpatay sa mga Kalalakihan ng Balangiga
edad 10 pataas.
_______ C. Hiniling ni Emilio Aguinaldo kay Heneral Elwell Otis na itigil ang paglusob ng
hukbong Amerikano sa kampo ng mga sundalong Pilipino.

Gawain sa Pagkatuto:

Panuto: Hanapin ang limang (5) pangyayari noong digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at
Amerikano sa pamamagitan ng pagguhit ng linya sa salitang makikita

Hanapin sa Crossword Puzzle


1. Kasunduang Bates
2. Unang Putok ng - Digmaang PilipinoAmerikano
3. Balanggiga Massacre
4. Pagbagsak ng Malolos
5. Labanan sa Tired Pass

13
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
TAYAIN NATIN
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

____ 1. Siya ang pangulo ng ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng


mga Amerikano
a. Manuel Roxas c. Macario Sacay
b. Andres Bonifacio d. Emilio Aguinaldo

____ 2. Naging hudyat ng digmaang Pilipino- Amerikano


a. Pagsipol ni Anastacio Felix c. Pagbaril kay Anastacio Felix
b. Pagsabi ni William Grayson na “Halt” d. Pagpunit sa sedula ng mga
Pilipino
____ 3. Amerikanong Gobernor Heneral na nag-utos sa patuloy na pag-atake sa
mga kampo ng mga sundalong Pilipino
a. Heneral Elwell Otis c. Heneral Jacob Smith
b. Heneral Thomas Connel d. Heneral Douglas Mac Arthur

____ 4. Balangiga Masaker


a. Pagpatay sa mga kabataan
b. Pagpatay sa 36 na sundalong Amerikano
c. Pagsunog sa bahay ng mga taga-Samar
d. Pagpatay sa mga kalalakihan edad 10 pataas.

____ 5. Ang pagtratong ito sa mga taga-Samar ang naging sanhi upang sila
ay mag-isip na paslangin ang mga Amerikano
a. di makatao c. mapagmataas
b. di makakalikasan d. di makatarungan

____ 6. Bakit kailangang pag-aralan ang mga kaganapan sa panahon ng


pananakop ng mga Amerikano?
I. lalong tumatalas ang isipan
II. Lumalalim ang pang-unawa sa nakaraan
III.Upang mapatindi ang galit sa mga mapang-api
IV. Natututo kang pahalagahan ang sakripisyo ng ating mga bayani
a. I, II c. I, II, III
b. I, II, IV d. I, II, III, IV

14
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
____ 7. Ano kaya ang totoong dahilan ng Unang Putok ng Digmaang
Pilipino-Amerikano?
a. Pagbaling ng galit ng mga amerikano sa atin
b. Galit na namamayani sa magkabilang kampo
c. Di pagkakaintindihan dala ng magkaibang salita
d. Planong pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas

____ 8. Makatarungan ba ang pagpatay sa mga kalalakihang taga-


Balangiga edad 10 pataas upang bigyang katarungan ang
pagpatay sa mga kasamahang Amerikano?
I. Hindi, dahil di lahat ay kasama sa pagpatay sa mga Amerikano.
II. Oo, dahil may kasabihan tayo na “kung ano ang iyong inutang ay iyon din
ang kabayaran”
III. Oo, dahil sa digmaan ay walang sinisino, bata man o matanda, babae
man o lalake ay kasamang masasawi.
IV. Hindi dahil ang 10 edad ay masyadong bata pa. lalaki pa at
magtatrabaho at magkakaroon ng pamilya at maging
kapakipakinabang sa bansa.
a. I C. II, III
b. IV D. I, IV

ARALIN 7: KONTRIBUSYON NG MGA NATATANGING PILIPINONG BAYANI


Mga Kasanayang Pampagkatuto:

Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban


para sa Kalayaan (AP6PMK-Ih11)

Unawain Natin:
Ang nagawa ng ating mga bayani ay dahilan upang ating nakamtan ang kalayaan sa
kamay ng mga mananakop. Sa araling ito ating matutunghayaan at mabibigyang halaga
ang mga kontribusyon ng ating mga bayani sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
nakalaang katanungan sa bawat gawain. Sa huling bahagi ng gawain, ating malalaman
ang mga kontribusyon na kanilang naiambag sa kasalukuyan

Si Lapu-Lapu ang unang Pilipinong tumutol sa mga


patakaran ng pamahalaang Espanyol. Pinamumuan ni
Magellan ang paglalayag na nakatuklas ng Pilipinas. Sa
kabila nito ninais ng pangkat nila na mapasunod ang
mga Pilipino sa kanilang patakaran. Magiting na
ipinaglaban ng pangkat ni Lapu Lapu ang Cebu at
nasawi sa naturang labanan si Magellan noong Abril 27,
1521.

Si Jose Rizal ay gumamit ng kanyang talino sa pagsulat ng tunay na


kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamahalaang Kastila. Nagsulat siya
ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Felibusterismo na bumuhay sa
sa diwang makabansa ng mga Pilipino upang
ipagtanggol ang bayan mula sa mga mananakop.
Hindi nagustuhan ng mga kastila ang paraan ng pakikibaka ni Rizal.
Nakulong siya at hinatulan ng pagbaril sa Bagumbayan noon
Disyembre 30, 1896.

15
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
Si Apolinario Mabini ay ang Utak ng Himagsikan
dahil sa tagapayo siya ng ni Aguinaldo noong panahon
ng paglalabanang Pilipino-Amerikano. Isang siyang
matalinong tao sa kabila ng kanyang kapansaan
tumulong siya sa bayan upang makamit nito ang
kalayaan sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga batas
sa pamahalaan ni Pangulong Emilio Aguinaldo.

Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng


Republika ng Pilipinas sa Asya. Ang kanyang pag-utos ng
pagbuo ng Konstitusyong Malolos ang naging batayan ng
Kasarinlan ng Pilipinas dahil dito nakamtan ng mga Pilipino
ang kalayaan mula sa mga Espanyol. Siya ang
nagpahayag ng kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite
noong Hunyo 12, 1898.

Si Andres Bonifacio ay gumamit ng paraan ng


paghihimagsik sa pamamagitan ng sandata at lakas
upang matubos ang bayan mula sa mananakop na
Kastila. Binansagan din siyang Ama ng Rebolusyon at
Supremo ng Katipunan dahil sa kanyang pangunguna sa
laban ng bayan.

Si Melchora Aquino o Tandang Sora ay binuksan


ang kanyang bahay sa Kalookan upang upang
magsilbing tahanan ng mga sundalong sugatan at
may karamdaman. Sa gulang na 84 tinaguyod niya
ang mga kawal na Pilipino na mabigyan ng kalinga sa
kalusugan sa gitna ng digmaan.

Si Gregorio del Pilar ang pinakabatang heneral


na naitala sa kasaysayan. Nagsilbi siya sa
pamahalaan ni Pangulong Emilio Aguinaldo bilang
tinyente. Nakitaan siya ng husay sa pakikidigma.
Naging tanyag siya sa digmaang Pilipino-Amerikano
dahil sa pag-aalay niya ng buhay sa pangkat ni
Pangulo Emilio Aguinaldo sa Tirad Pass sa Cervantes,
Ilocos Norte noong Disyembre 2, 1899. Nagpaiwan
siya upang mapatakas ang pangkat ni Pang.
Aguinaldo. Sa kasawiang palad napatay siya ng
sundalong Amerikano sa edad na 24 noong
Disyembre 2,1899.

Si Miguel Malvar ay nagsilbing sundalo sa hukbong


katihan ng Pilipinas na lumaban sa huling yugto ng
digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ang namuno sa
Rebolusyong Pilipino sa Gitnang Luzon. Siya rin ang huling
heneral na sumuko sa mga Amerikano sa Gitnang
Katagalugan.

16
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
Ilapat Natin:
Panuto: Itala ang mga kontribusyon ng mga bayaning nakipaglaban sa mga mananakop.

BAYANI KONTRIBUSYON SA BAYAN


1. Lapu Lapu
2. Jose Rizal
3. Emilio Aguinaldo
4. Apolinario Mabini
5. Andres Bonifacio

Gawain sa Pagkatuto:

Panuto: Isulat ang mga nawawalang letra upang masagutan ang mga tanong.

TAYAIN NATIN
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. Sino ang bayani ng Tirad Pass?


A. Andres Bonifacio B. Miguel Malvar
C. Gregorio del Pilar D. Apolinario Mabini

2. Siya ang tinaguriang utak ng rebolusyon o himagsikan?


A. Melchora Aquino B. Jose Rizal
C. Andres Bonifacio D. Apolinario Mabini

3 . Sino ang sumulat ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo?


A. Jose Rizal B. Emilio Aguinaldo
C. Lapu-lapu D. Mechora Aquino

17
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department
4. Sino ang Supremo ng Katipunan?
A. Andres Bonifacio B. Emilio Aguinaldo
C. Apolinario Mabini D. Jose Rizal

5. Sino ang unang bayaning nakipaglaban sa mga mga Espanyol?


A. Emilio Aguinaldo B. Andres Bonifacio
C. Jose Rizal D. Lapu-Lapu

6. Sino ang naging pangulo ng unang republika ng Pilipinas?


A. Andres Bonifacio B. Jose Rizal
C. Emilio Aguinaldo D. Miguel Malvar
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan ng katangian ng ating mga
bayani?
A. Sila ay makabansa.
B. Marami silang ginawang kabayanihan sa bayan.
C. Sila ay tuwirang sumuporta sa pagdating ng mga mananakop.
D. Huwaran sila ng lahat
8. Bakit malaki ang naging papel ni Apolinario Mabini sa pamahalaang
EmilioAguinaldo?
A. Siya ang pinagkakatiwalaan.
B. Siya lamang ang nakapag-aral sa samahan.
C. Gumagawa siya ng paraan upang makalaya
D. Siya ang taga-payo ni Pang. Emilio Aguinaldo.

18
ARALING PANLIPUNAN 6
Elementary Department

You might also like