You are on page 1of 19

6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan - Modyul: 2
Kilusang Propaganda at
Katipunan sa Paglinang
ng Nasyonalismong Pilipino

1
Araling Panlipunan – Ikaaanim na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 2: Kilusang Propaganda at Katipunan sa Paglinang ng
Nasyonalismong Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Zari C. Gumatas


Editor: Acremah M. Balayanan
Tagasuri: Ritchel S. Wong, Maria Runa C. Orbe, Ruth E. Lacasandili
Tagaguhit: Hasmina A. Dinas
Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Carlito D. Ricafort, CESO V – Regional Director
Rebonfamil R. Baguio, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Johnny M. Sumugat - REPS, Araling Panlipunan
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Haron C. Kartil – EPS, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - SOCCSKSARGEN Region XII

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

i
Alamin

Magandang araw sa iyo! Ako ay nagagalak na makakasama kita sa


modyul na ito.

Ang modyul na ito ay tutulong sa iyong pang-unawa tungkol sa


kasaysayan ng ating bansa lalong-lalo na kung paano naitatag ang isang
Kilusang Propaganda at Katipunan.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, ikaw ay inaasahang


matutunan ang mga sumusunod na layunin:

1. nakikilala ang mga bayaning bumubuo sa Kilusang Propaganda sa


paglinang ng Nasyonalismong Pilipino;

2. natutukoy ang mga katangian ng bawat lupon na namamahala sa


katipunan, at

3. naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang


Propaganda at Katipunan sa paglinang ng Nasyonalismong Pilipino
(AP6PMK-1c-5).

1
Subukin

Bago ka magsimula ay subukin mo muna ang iyong kaalaman tungkol


sa araling ito. Handa ka na ba?

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon. Isulat ito sa patlang bago
ang bilang sa iyong sanayang papel.
a. Graciano Lopez Jaena f. Antonio Luna
b. Marcelo H. del Pilar g. Juan Luna
c. Dr. Jose P. Rizal h. Bayani
d. Andres Bonifacio i. Kilusang Propaganda
e. Emilio Jacinto j. La Solidaridad

___ 1. Ang itinuturing na pinakamataas sa mga antas ng kasapi na


binubuo ng mga pinuno.

___ 2. Ito ay samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino na naglalayong


isulong ang reporma o pagbabago sa mapayapang pamamaraan.

___ 3. Ito ay opisyal na pahayagan ng samahan ng mga propagandista.

___ 4. Siya ay kilala bilang Ama ng Katipunan.

___ 5. Siya ang nagtatag ng La Liga Filipina at nagsulat ng Noli Me Tangere


at El Filibusterismo.

___ 6. Siya ay kilala sa tawag na “Plaridel.”

___ 7. Siya ang unang editor ng pahayagang La Solidaridad.

___ 8. Kilala siya bilang dakilang pintor.

___ 9. Siya ay isang batang heneral.

___ 10. Siya ay utak ng katipunan.

2
Aralin Kilusang Propaganda at
1 Katipunan sa Paglinang ng
Nasyonalismong Pilipino

Balikan

Bago ka magsisimula ng bagong gawain sa modyul na ito,


kinakailangan mo munang balikan ang iyong napag-aralan sa nakaraang
modyul. Naaalala mo pa ba ang iyong mga napag-aralan? Sagutin ang mga
tanong sa ibaba para matiyak na lubusan mong natutunan ang nakaraang
aralin. Handa ka na ba? Maaari ka nang magsimula.

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Sagutin ito sa kalakip
na sanayang papel.

1. Ano ang pagkakaiba ng mestiso sa ilustrado at ano naman ang


kanilang pagkakatulad?

2. Paano umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga uring


mestiso at ilustrado?

Magaling! Dahil nasagutan mo ang mga tanong, maaari ka nang


magsimula ng bagong aralin. Maghanda na at matuto tungo sa iyong
ikauunlad.

3
Tuklasin

Gawain 1 Hulaan mo!


Panuto: Ayusin ang mga letra ayon sa kahulugan nito. Sagutin ito sa iyong
sanayang papel.

1. Isang tabloid
A P A Y A H GA N

2. Masidhing pagmamahal sa
sariling bansa Y O M O L I S N A S N A

3. Ang opisyal na pahayagan


pahayagan ng
Kilusang Propaganda A L I S L A D D R D A OI

4. Tatlong pari na ginarote

M O G U R Z B A
5. Kilala bilang
“Ama ng Katipunan”

E D R N A S O I F CB N I A O

6. Tinaguriang utak ng Katipunan


I E I M O L A J N C T O I

7. Opisyal na pahayagan ng katipunan


noong panahon ng mga
Kolonyalistang Kastila A L K A Y AN A

8. Isang ritwal na ginagawa bilang


tanda o simbolo ng pagkakaibigan
ng magkaibang panig. Sa salitang
Ingles ay Blood Compact UANSNAGDU

U A N S N A G D U
Nahulaan mo ba ang mga salita sa itaas? Magaling! Ito ang magsisilbing
mga kataga na iyong matutunan sa modyul na ito. Handa ka na ba?

4
Suriin

Halika! Samahan mo ako sa paglalakbay upang alamin ang mga


layunin at resulta ng pagkatatag ng dalawang kilusan. Bilang pagsisimula,
kilala mo na ba ang mga bayani na bumubuo ng kilusang propaganda? Kung
hindi pa, narito ang mga bayani na bumubuo sa kilusang Propaganda.

Mga Bumubuo sa Kilusang Propaganda

Si Graciano Lopez y Jaena (1856-1896) ay naging


unang editor ng pahayagang La Solidaridad. Sa
kasamaang palad, noong 1896, namatay siya sa sakit na
tuberculosis o TB.

Source: www.manilatimes.net

Nang yumao si Graciano Lopez y Jaena, naging bagong


editor ng pahayagan si Marcelo H. del Pilar (1850
-1896). Siya ang pangalawang editor ng La Solidaridad na
may bansag Plaridel. Namatay din siya sa sakit na
tuberculosis o TB.

Source: www.knights-of-rizal.be

Naging kasapi rin si Jose P. Rizal (1861 – 1892)


ng Kilusang Propaganda bilang isang manunulat ng La
Solidaridad. Matalik siyang kaibigan ni Mariano Ponce.
Noong December 30, 1892, ipinapatay siya ng mga
Espanyol sa pamamagitan ng patalikod na pagbaril sa
Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.

Source: www.biography.com

5
Si Antonio Luna (1866 – 1899) ay kasapi rin ng kilusan, isang heneral
at manunulat ng La Solidaridad.

Pinatay siya noong 1899 ng kapwa niyang sundalong


Pilipino.

Source: www.philstar.com

Si Mariano Ponce (1863 – 1918) ay manunulat ng


La Solidaridad gaya nina Graciano Lopez y Jaena, Marcelo
H. del Pilar, Jose P. Rizal, at Antonio Luna. Maliban sa
pagiging manunulat, siya ay isa ring doktor. Namatay siya
sa sakit.

Source: www.slideshare.net

Si Juan Luna (1867 – 1869) ay isang pintor at


propagandista. Ginamit nya ang kanyang talento sa
pagpipinta upang maihayag ang kanyang damdaming
makabansa. Isa sa kanyang gawa ay ang Spolarium.
Namatay siya sa sakit sa puso.
Source: www.esquiremag.ph

Kilusang Propaganda

Itinatag ang Kilusang Propaganda ng mga ilustradong Pilipino. Ito ay


naghahangad ng pagbabago sa mapayapang pamamaraan noong 1872-1892
sa Espanya. Ang mga kasapi ng kilusan ay sina Jose Rizal, Graciano Lopez
Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, at magkapatid na Juan at Antonio
Luna.

Ilan sa mga layunin ng kilusan ang pagkakaroon ng pantay na


pagtingin o paglilitis sa mga Espanyol at Pilipino sa harap ng batas, gawing
lalawigan ng Espanya ang Pilipinas, magkaroon ng kinatawang Pilipino sa

6
Cortes ng Espanya, at magkaroon ng kalayaan sa pamamahayag at
magkaroon ng karapatang pantao ang mga Pilipino.

Ang kilusan ay nabuo sa pamamagitan ng paglago ng diwang


nasyonalismo sa kamalayan ng mga Pilipinong ilustrado na gumamit ng
papel, lapis, at karunungan upang mapaabot ang mga hinaing o reklamo sa
mga kinauukulan sa mapayapang pamamaraan lamang. Bumuo sila ng
pahayagang La Solidaridad na unang inilimbag sa Barcelona, Espanya noong
Pebrero 15, 1889. Ang La Solidaridad ay nangangahulugan ng pagkakaisa. Si
Graciano Lopez y Jaena ang naging unang patnugot at pinalitan ni Marcelo
H. del Pilar. Dito ibinunyag ang mga katiwalian at hindi makatarungang
karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.
Maliban sa mga ilustrado, nalathala rin dito ang iba pang kasapi tulad
ni Ferdinand Blumentritt, isang Europeo na etnologo at heograpo, at isa rin
siyang guro na naging matalik na kaibigan ni Dr. Jose Rizal. Wikang Espanyol
ang ginamit sa pahayagan sa layuning maintindihan ito ng mga taga Madrid
at upang mamulat ang mga ito sa mga pang-aabuso at korapsiyong
nangyayari sa bansang Pilipinas. Palihim na inilalabas sa bansa mula sa
Europa ang mga isyu ng pahayagan at palihim ding binabasa ng mga
edukadong kababayan na mga Propagandista. Ang huling isyu ng pahayagan
ay lumabas noong 1895. Sa huli, nabigo ang Kilusang Propaganda dahil sa
kakulangan ng pondo at tuluyang namatay ang kilusan matapos ang
pagkahuli kay Rizal.

Ang Katipunan

Noong Hulyo 7, 1892 matapos mabuwag ang La Liga Filipina at


pinatapon si Dr. Jose Rizal sa
Dapitan, itinatag sa pangunguna ni
Andres Bonifacio, ang Supremo ng
Kataas-taasan Kagalang-galang na
Katipunan ng mga anak ng bayan o
KKK. Kasama niya sina Emilio
Jacinto bilang utak ng Katipunan at
tagapayo. Layunin nito na magkaisa
para makalaya sila sa Espanya sa
pamamagitan ng himagsikan.
Malinaw sa kilusan na hindi na
dapat humingi ng reporma sa
Espanya dahil hindi naman ito
nakinig sa hinaing ng mga Pilipino.
Source: www.thepinoywarrior.com
Isa sa mga hinaing ng bayan ay ang hustisya mula sa kalupitan
ng mga guwardiya sibil, pagkait sa kalayaang maghayag o magtipon,

7
limitadong edukasyon para sa mga Pilipino, at ang pagiging pabaya ng
pamahalaang Espanyol sa komersyo at industriya.
Mula 1892-1896 lumaki at lumawak ang Katipunan sa iba’t ibang antas
ng lipunan saan mang bahagi ng Pilipinas. Sumiklab ang himagsikan noong
1896 at parang Sanduguan o Blood Compact apoy na kumalat sa iba’t ibang panig
ng kapuluan. Bilang isang kilusan mayroon silang simbolo ng katapatan
na tinawag na Sanduguan o blood compact kung saan isinulat ang kanilang
pangalan at nilagdaan gamit ang kanilang dugo.
Ang Katipunan ay mayroong dakilang layuning pampolitika, sibika, at
moral. Ang pampolitikang layunin nito ay ang mapalaya ang Pilipinas mula
sa Espanya sa pamamagitan ng armadong himagsikan. Ang layuning sibika
naman ay naglayon na maipalaganap ang katarungang panlipunan sa
pamamagitan ng pagtatanggol sa mga naaapi at pagpaparusa naman sa mga
nang-aapi. Bahagi rin nito ang pagtulong sa kapwa. Ang layuning moral ng
Katipunan ay nakasentro sa kabutihang asal at pagpapatibay ng kalooban at
wastong pag-uugali ng bawat miyembro nito.

Nang dumami na ang kasapi ng samahan ay hinati ito ni Andres


Bonifacio sa tatlong antas. May kanya-kanyang lihim o hudyat at kasuotan
ang bawat antas sa panahon ng pagpupulong. Ang unang antas ay ang
Katipon na may hudyat na “Anak ng Bayan” nagsusuot ng itim na talukbong
na may puting tatsulok na may nakasulat na Z.Ll.B. Sila ang
pinakamababang antas ng samahan. Pangalawa ay Kawal na may hudyat na
“GomBurZa”. Berding talukbong naman ang kanilang kasuotan. Bayani
naman ang pangatlo na may hudyat na “Rizal” nagsusuot ng pulang
talukbong at pulang laso sa baywang. Sila ang pinakamataas sa tatlo.
Nabunyag ang katipunan nang ipinagtapat ni Teodoro Patiňo kay Padre
Gil ang tungkol sa lihim ng kilusan at nauwi ito sa pagdakip sa ilang mga
pinuno at kasapi nito.

Sagutin Mo!

Naintindihan mo ba ang aralin? Upang lubusang maunawaan ang iyong


nabasa, sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Nakamit ba ng mga propagandista ang minimithing reporma o
pagbabago sa pamamahala gamit ang pahayagang La Solidaridad? Ano-ano
ang mga hinaing ng bayan sa pamahalaang Espanyol? Ano ang kahalagahan
ng sanduguan o blood compact? Paano nabunyag ang kilusan sa mga
Espanyol?
Tama ba ang iyong mga sagot? Kung tama lahat, maaari mo nang gawin
ang mga kasanayan sa susunod na pahina.

8
Pagyamanin

Gawain 1 Kilalanin Mo
Panuto: Kilalanin ang mga Pilipinong nasa larawan na sumapi sa paglunsad
ng Kilusang Propaganda. Isulat ang kani-kanilang pangalan sa patlang.
Sagutin ito sa iyong sanayang papel.

1.
1.

2. 6.
Mga
Propagandista

3. 5.

4.

9
Gawain 2: Tatlong Salakot, Kasalo!

Panuto: Pangkatin ang mga katangian ng bawat lupon na namamahala sa


Katipunan. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong
sanayang papel.
a. pinakamababa sa antas ng samahan
b. sundalo ng samahan
c. may pulang laso sa baywang
d. pinakamataas na antas
e. may berdeng talukbong sa ulo na may puting tatsulok at nakasulat
ang Z.Ll.B
f. may itim na talukbong sa ulo na may nakasulat na Z.Ll.B. sa ibaba

Katipon Kawal Bayani

________________________ _______________________ _______________________

________________________ _______________________ _______________________

Gawain 4: Magkatulad pero Magkaiba


Panuto: Punan ang venn diagram upang maipakita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng layunin at resulta ng kilusang Propaganda at Katipunan.
Isulat ang natatanging konsepto o ideya nito sa kani-kanilang kinalalagyan
at ang pagkakatulad sa gitna. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at
isulat ito sa iyong sanayang papel.

a. mapayapa f. himagsikan
b. lihim na samahan g. nasyonalismo
c. Sanduguan h. itinatag ng mga ilustrado
d. pagbabago i. La Solidaridad
e. para sa bayan j. hindi nagtagumpay

Propaganda Pagkakatulad Katipunan


ng dalawa

10
Isaisip
Sadyang naipamalas mo ang iyong husay sa pagsagot sa
mga naunang gawain. Ngayon, hahamunin natin ang iyong galing sa pagbuo
ng konsepto tungkol sa dalawang kilusan.

Panuto: Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita upang mabuo nang
tama ang pahayag o ideya. Isulat ang iyong sagot sa sanayang papel.

1. Nabigo ang Kilusang Propaganda sa kanilang minimithing pagbabago


dahil___________________________________________________________________.

2. Ang Katipunan ay may tatlong layunin. Ito ay ang mga


___________________,_______________________at__________________________.

3. Ang pagkatatag ng Kilusang Propaganda ay nakatuon sa mga layuning


__________________________________________________________________________.
4. Naging miyembro ng Kilusang Propaganda sina________________ ,
_______________ ______________ , _______________,________________ at
________________.
5. Ang Katipunan ay binubuo ng tatlong pangkat. Una, ang Bayani
na___________________________________________. pangalawa, ang Kawal na
________________________________________________________at ang pangatlo,
ang Katipon na ___________________________________________________.

Tandaan
• Ang kilusang Propaganda ay samahang itinatag ng mga ilustrado na
naglalayong isulong ang reporma o pagbabago sa mapayapang
pamamaraan tulad ng paggamit ng pahayagan o lathalain. Samantala,
ang Katipunan naman ay may layuning magkaisa para makalaya ang
mga Pilipino sa Espanya sa pamamagitan ng himagsikan.
• Ang mga kasapi ng Kilusang Propaganda ay sina Jose Rizal, Graciano
Lopez y Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, at magkapatid na
Juan at Antonio Luna.
• Binubuo ng Bayani, Kawal, at Katipon ang Katipunan. Tinaguriang
pinakamataas ang Bayani. Samantala, sundalo naman ng samahan
ang Kawal. Pinakamababa naman sa tatlo ang Katipon.

11
Isagawa
Gawain 5: Suporta Mo, Isulat Mo!

Panuto: Gumawa ng isang plakard na nagpapakita ng iyong


suporta sa layunin ng Kilusang Propaganda at Katipunan.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Sagutin ito sa iyong sanayang papel.
A B

_____1. Isang kilusang itinatag sa a. Katipunan


Espanya noong 1872-1892
_____2. Unang editor ng pahayagang La Solidarida b. Propagandista
_____3. Tawag sa mga taong kalahok c. Marcelo H. Del Pilar
o kasapi ng Kilusang Propaganda
_____4. Ito ay isang samahan na d. Ferdinand Blumentrit
itinatag ni Jose P. Rizal
_____ 5. Siya ay tanyag sa tawag na Plaridel e. Kilusang Propaganda
sa Kilusang Propaganda
_____ 6. Matalik na kaibigan ni Mariano Ponce f. Isa sa mga layunin
ng Kilusang Propaganda
_____ 7. Gawing lalawigan ng Espanya g. Jose P. Rizal
ang Pilipinas
_____ 8. Isang pahayagan na unang inilimbag h. La Liga Filipina
sa Barcelona taong 1889
_____ 9. Isang Australianong Heograpo at etnologo i. Graciano Lopez Jaena
_____10. Isang natatanging samahan na j.La Solidaridad
nakapaglunsad ng isang organisado
at malawakang paghihimagsik laban sa
Pamahalaang Espanyo

12
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng isang poster na sumisimbolo sa layunin ng Kilusang


Propaganda at Katipunan upang malinang ang nasyonalismong Pilipino.
Gawin ito sa iyong sanayang papel. Sumangguni sa mga pamantayan sa
ibaba.

Pamantayan 5 3 1 Puntos

Sariling Likha May bahaging Kinopya lahat


kinopya ang
Pagkamalikhain
likha

Lahat na May detalye Hindi angkop


detatye ay na di angkop sa tema
Kaangkupan sa
angkop sa sa tema
tema
tema

Maganda ang Maganda ang Hindi


kombinasyon kombinasyon maganda ang
Harmonya ng
ng mga kulay. ng mga kulay kombinasyon
Kulay
pero may ng mga kulay
kakulangan

13
Susi sa Pagwawasto

14
Sanggunian
Almario, Virgilio S. Katipunan, Sagisag Kultura (Vol. 1).
2015. https://philippinecultural.com.ph/katipunan/.

Almario, Virgilio S. Kilusang Propaganda, Sagisag Kultura (Vol. 1). 2015.


https://philippinesculturaleducation.com.ph/kilusang-propaganda/.

Batang, Jay Son and Noel M. Pamaran. Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa.
Valenzuela City: JO-ES Publsihing House, Inc., 2016.

Biography.com Editors. “José Rizal Biography.” January 21,


2020. https://www.biography.com/political-figure/josé-rizal.

ImYakultGirl. “The Propaganda Movement.” September 10,


2014. https://www.slidesharenet/ImYakultGirl/the-propaganda-
movement-38952483.

Knights-of-Rizal. “Plaridel image.” no date uploaded.https://www.knights-


ofrizal.be/palridel/.

Manila Times.net. “Graciano Lopez Jaena image.” August 8, 2017.


https://www.manilatimes.net/wp-content/uploads/2017/08/Graciano-
LopezJaena20170808.jpg.

Mortel, Daryl A. Bayanihan 6. Quezon City: Inteligente Publishing Inc., 2017.

Porcalla, Delon. “Image of Antonio Luna.” August 26, 2019.


https://www.philstar.com/headlines/2019/08/26/1946497/bill-seeks-
renamecamp-aguinaldo-camp-antonio-luna.

15
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral
ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay
Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like