Bonifacio Inihanda ni: MARY JANE B. ARIBAN Kasunduang NAIK MILITAR
Nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio ang
dokumentong Naik Military Agreement noong April 19, 1897 kasama ng kanyang mga heneral. Sa dokumentong ito muli niyang sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin ang Pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik sa kabila ng pag-angkin din sa puwesto ni Heneral Emilio Aguinaldo Sa araw na iyon, nagpahanda para sa pulong ng mga pagkain ang Supremo sa ikalawang palapag ng Casa Hacienda de Naic, na ngayon ay Naic Elementary School. Sa unang palapag ng casa ay mayroon silang mga bihag na tauhan ni Aguinaldo.
Sinasabing si Major Lazaro
Makapagal, isa sa mga tagasunod ni Aguinaldo, ang nakatakas o napadaan at narinig ang pagpupulong . Matapos madinig ang pagpupulong ay pinuntahan agad ni Makapagal si Heneral Aguinaldo, na noon ay nakaratay sa banig dahil sa karamdaman, at nagsumbong.
Nang malaman ang kaganapan sa Naic ay nagtungo agad
ang Heneral sa kinaroroonan ng pagpupulong.
Pinigilan ng mga gwardiya ni Bonifacio na umakyat si
Aguinaldo sa ikalawang palapag ngunit nakatuloy pa rin ito at sumilip sa puwang ng pintuan at nakinig. Nabigla si Heneral Aguinaldo sa mga sumunod na pangyayari sapagkat kasama ni Bonifacio ang kanyang ministro na si Artemio Ricarte, at ang dalawa niyang mahal na heneral, Mariano Noriel at Pio del Pilar habang binabasa niya ang isang dokumento na nagsasabing
“Isusuko ng Heneral Emilio Aguinaldo ang lahat
ng tropa ng Himagsikan, sa pagpasok ng Kastila dito sa Naic.”
Nakita ni Koronel Procopio Bonifacio, kapatd ng
Supremo, ang Heneral, tinulak ang pinto at sinabing, “Narito po at nakikinig sa pintuan ang Heneral Emilio Aguinaldo.” Pinatuloy ni Bonifacio si Aguinaldo at sinabing, “Magtuloy po kayo at makinig sa aming pulong.” Magalang na sagot ni Aguinaldo, “Salamat po at marahil kung ako’y inyong kailangan, disin sana ay inanyayahan ninyo ako.” Nagpaalam tsaka bumaba, at sa liwanag ng posporo nahanap niya ang kanyang mga kawal.
Pinalaya niya ang mga ito. Sa kanyang
pag-alis, iniwasan na nina Bonifacio ang gulo at lumisan ng gusali. Humingi ng paumanhin sina Mariano Noriel at Pio del Pilar kay Aguinaldo at dahil sa pagpapatawad ni Aguinaldo, ang dalawang ito ang naging numero unong nag-udyok sa batang heneral na patayin ang mga Bonifacio dahil mapanganib sila sa himagsikan. Paglitis at pagpatay sa magkapatid na BONIFACIO Hinatulan ng kamatayan ng Consejo de Guerra ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio dahil sa pagtataksil sa bayan at tangkang pagpatay sa bagong pangulong Heneral Emilio Aguinaldo. Nang ipataw ang hatol, nagbigay si Aguinaldo ng indukto na ibaba ang hatol patungo sa pagpapatapon na lamang ng magkapatid sa isang malayong isla sapagkat sila ay mayroon din namang pinagsamahan. Napilitan si Aguinaldo na ipapatay si Bonifacio na binigyang patotoo ng dokumento na isinulat ni Emilio Aguinaldo noong kanyang kaarawan noong 1948, “Nang matanto nina Heneral Mariano Noriel, Heneral Pio del Pilar, na mga Kagawad ng Consejo de Guerra ay dali-daling tinawagan ang aking pansin at sinabing ‘Kung ibig po ninyong magpatuloy ang kapanatagan ng ating pamahalaang mapanghimagsik, at kung ibig ninyong mabuhay pa tayo, ay inyo pong bawiin ang iginawad na indukto sa magkapatid na iyan.’ Dahildito’y aking binawi at inutos ko kay Heneral Noriel na ipatupad ang kahatulan ng Consejo de Guerra, na barili ang magkapatid, alang-alang sa kapanatagan ng bayan. [Pirmado] Emilio Aguinaldo, Kawit, Cabite, 22 Marso 1948.” Ngunit hindi dapat na kay Emilio Aguinaldo lamang ang sisi. Napalibutan ang 28 taong gulang na presidente ng mga tagapayo na di hamak na mas eksperyensyado sa kanya. Ang sistemang elitismo—demokrasyang elit, ang pumatay sa Supremo.
Noong Mayo 10, 1897, inabutan ng selyadong
sulat si Lazaro Makapagal at inatasan na dalhin ang magkapatid sa mga bundok ng Maragondon. Ang sinabi sa magkapatid ay itatakas lamang sila sa labanan dahil habang nag-aalitan ang mga rebolusyunaryo, pinapalibutan na ng mga Espanyol ang Maragondon.
Ngunit sa paanan pa lamang ng bundok,
napagod na si Andres kaya pinakiusapan na basahin na ang nasa sulat sa kanila na ang laman pala ay, “Kayo at mga kawal na nasa ilalim ng inyong kapangyarihan ay inuutusan upang ganapin ang nasabing hatol na barilin ang dalawang magkapatid.” Ayon sa tala ni Makapagal, napatalon at nagsabi si Procopio ng “Naku Kuyang!” Napaluhod raw si Bonifacio at akmang yayakapin siya at umiiyak na nagsabing, “Kapatid, patawarin mo ako.” Unang binaril si Procopio. Muli raw nagmakaawa nang nakaluhod si Bonifacio at sinabing “Kapatid, patawarin mo ako!” Sagot ni Makapagal, “Wala akong magagawa!” Noo’y tumakbo ang Supremo at tinugis nila sa kakahuyan at malapit sa ilog ay binaril nila hanggang mamatay. Wala tayong magagawa, ito lamang ang nakasulat na tala, na namatay si Bonifacio na may sala at isang duwag.