You are on page 1of 19

Naik Military

Agreement
Paglitis at Pagpatay sa
Magkapatid na Bonifacio
Naik Military
Agreement
KASUNDUANG NAIK MILITAR
Nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio ang
dokumentong Naik Military Agreement noong
April 19, 1897 kasama ng kanyang mga
heneral. Sa dokumentong ito muli niyang
sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de
Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin
ang Pangulo ng Pamahalaang
Mapanghimagsik sa kabila ng pag-angkin din
sa puwesto ni Heneral Emilio Aguinaldo.
KASUNDUANG NAIK MILITAR
Sa araw na iyon, nagpahanda
para sa pulong ng mga pagkain ang
Supremo sa ikalawang palapag ng
Casa Hacienda de Naic, na ngayon
ay Naic Elementary School. Sa
unang palapag ng casa ay mayroon
silang mga bihag na tauhan ni
Aguinaldo. Sinasabing si Major
Lazaro Macapagal, isa sa mga
tagasunod ni Aguinaldo, ang
nakatakas o napadaan at narinig ang
pagpupulong.
KASUNDUANG NAIK MILITAR
Matapos madinig ang
pagpupulong ay pinuntahan agad ni
Macapagal si Heneral Aguinaldo, na
noon ay nakaratay sa banig dahil sa
karamdaman, at nagsumbong. Nang
malaman ang kaganapan sa Naic ay
nagtungo agad ang Heneral sa
kinaroroonan ng pagpupulong.
Pinigilan ng mga gwardiya ni
Bonifacio na umakyat si Aguinaldo
sa ikalawang palapag ngunit
nakatuloy pa rin ito at sumilip sa
puwang ng pintuan at nakinig
KASUNDUANG NAIK MILITAR
Nabigla si Heneral Aguinaldo sa
mga sumunod na pangyayari
sapagkat kasama ni Bonifacio ang
kanyang ministro na si Artemio
Ricarte, at ang dalawa niyang mahal
na heneral, Mariano Noriel at Pio del
Pilar habang binabasa niya ang isang
dokumento na nagsasabing “Isusuko
ng Heneral Emilio Aguinaldo ang
lahat ng tropa ng Himagsikan, sa
pagpasok ng Kastila dito sa Naic.”
KASUNDUANG NAIK MILITAR
Nakita ni Koronel Procopio sa pintuan ang Heneral Emilio
Aguinaldo.” Pinatuloy ni Bonifacio si Aguinaldo at sinabing,
“Magtuloy po kayo at makinig sa aming pulong.” Magalang
na sagot ni Aguinaldo, “Salamat po at marahil kung ako’y
inyong kailangan, di sana ay inanyayahan ninyo ako.”
Nagpaalam tsaka bumaba, at sa liwanag ng posporo nahanap
niya ang kanyang mga kawal.
KASUNDUANG NAIK MILITAR
Sa kanyang pag-alis, iniwasan
na nina Bonifacio ang gulo at
lumisan ng gusali. Humingi ng
paumanhin sina Mariano Noriel
at Pio del Pilar kay Aguinaldo
at dahil sa pagpapatawad ni
Aguinaldo, ang dalawang ito
ang naging numero unong nag-
udyok sa batang heneral na
patayin ang mga Bonifacio
dahil mapanganib sila sa Heneral Mariano Noriel
himagsikan. Pio del Pilar
Paglitis at
Pagpatay sa
Magkapatid na
Bonifacio
PAGLITIS AT PAGPATAY SA
MAGKAPATID NA BONIFACIO
Hinatulan ng kamatayan ng Consejo de
Guerra ang magkapatid na Andres at
Procopio Bonifacio dahil sa pagtataksil
sa bayan at tangkang pagpatay sa
bagong pangulong Heneral Emilio
Aguinaldo. Nang ipataw ang hatol, Andres at
nagbigay si Aguinaldo ng indukto na Procopio Bonifacio
ibaba ang hatol patungo sa
pagpapatapon na lamang ng magkapatid
sa isang malayong isla sapagkat sila ay
mayroon din namang pinagsamahan.
PAGLITIS AT PAGPATAY SA
MAGKAPATID NA BONIFACIO
Napilitan si Aguinaldo na
ipapatay si Bonifacio na binigyang
patotoo ng dokumento na isinulat ni
Emilio Aguinaldo noong kanyang
kaarawan noong 1948, Dahil dito’y
binawi at inutos ni Aguinaldo kay
Heneral Noriel na ipatupad ang
kahatulan ng Consejo de Guerra, na
barilin ang magkapatid, alang-alang
sa kapanatagan ng bayan. Ang
dokumentong ito ay pirmado ni
Emilio Aguinaldo, sa Kawit, Cabite,
noong 22 Marso 1948.”
PAGLITIS AT PAGPATAY SA
MAGKAPATID NA BONIFACIO
Ngunit hindi dapat na kay Emilio
Aguinaldo lamang ang sisi.
Napalibutan ang 28 taong gulang na
presidente ng mga tagapayo na di di
hamak na mas eksperyensyado
sa kanya. Ang sistemang
elitismo—demokrasyang elit,
ang pumatay sa Supremo.
Noong Mayo 10, 1897, inabutan
ng selyadong sulat si Lazaro
Makapagal at inatasan na dalhin
ang magkapatid sa mga bundok
ng Maragondon.
PAGLITIS AT PAGPATAY SA
MAGKAPATID NA BONIFACIO
Dito ay binary at pinatay ang
magkakapatid. Unang binaril si
Procopio,nagmakawa ang
magkakapatid ngunit hindi sila
pinakinnggan. Noo’y tumakbo
ang Supremo at tinugis nila sa
kakahuyan at malapit sa ilog ay
binaril nila hanggang mamatay.
Naganap ang pamamaslang
noong Mayo 10, 1897.
PAGLITIS AT PAGPATAY SA
MAGKAPATID NA BONIFACIO
T
a
n
o
n
g
?
Kasanayan: Nasusuri ang mga pangyayari sa himagsikan
laban sa kolonyalismong Espanyol: Naik Military Agreement
at Pagpaslang sa magkapatid na Bonifacio.
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangugusap gamit ang mga salita sa
kahon.
Emilio Aguinaldo Procopio Makapagal
Mayo 10, 1897 Mayo 10, 1987 Naik Military Agreement
Maragondon pagkabilanggo Kamatayan

1. Ang magkaroon ng isang malaya at hiwalay na


pamahalaang itinatag sa Tejeros ang nakasaad sa
_____.
2. Ipinag-utos ni Aguinaldo ang pagtugis sa
magkapatid na Andres at _____.
3. Hinatulan ang magkapatid na Bonifacio ng parusang
_____.
4. Saang bundok napaslang ang magkapatid na_____.
5. Tinutulan ni _____ ang pasiyang pagpaslang sa
magkapatid na Bonifacio.

You might also like