You are on page 1of 3

Bato Institute of Science & Technology, Inc

Dolho , Bato , Leyte

Modyul # 1

Aralin 1: Filipino Bilang Aralin

I N T R O D U K S Y O N:
Ang pagiging isang guro sa elementarya ay may espesyal na kakayahang dapat taglayin
sa pagtuturo sa mga nasa murang edad pa lamang. Ito ang magiging matibay na pundasyon ng
mga mag-aaral sa kaniyang tatahaking landas. Kinakailangan ding may giliw o galak sa
pagtuturoupang matuto ang mga mag-aaral nang may sigla lalo na sa Filipino bilang isang aralin.

LAYUNIN:

1. Naipapaliwanag kahalagahan ng Filipino bilang aralin;


2. Nauunawaan ang mga pamantayan sa bawat baitang (grade level standards).

A K T I B I T I:
Ilarawan ang Filipino bilang isang aralin.

A N A L Y S I S:
Batay sa iyong sagot o mga tugon, paano mo pinapahalagahan ang araling ito?

A B S T R A K S Y O N:
Nakasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 na: “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang mga wika”.Sa pamamagitan ng pagtuturo ng asignaturang Filipino gamit
ang wikang Filipino, mapapaunlad at mapayayabong natin ito.
Ang DepEd ay may inilabas na bagong kurikulum na may iba’t-ibang pamantayan sa
programa (Core Learning Area Standards), bawat yugto (Key Stage Standards), at bawat baitang
(Grade Level Standards) na inaasahang kayang ipamalas sa bawat yugto at baitang ng isang
mag-aaral na nag-aaral ng Filipino.

A. Pamantayan sa Programa ng Baitang 1-6 (Core Learning Area Standards)

Nagagamit ang wikang Filipino upang medaling maunawaan at maipaliwanag ang mga
kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng
sariling kaisipan, damdamin, o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay
at tumatanggap ng mensahe.

FIL. 1-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya: Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino


acer
 B.Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key Stage Standards): 
K-3 Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng mgamag-aaral na ipakita ang kasanayan sapag-unawa at
pag-iisip sa mga narinigat nabasang teksto at ipahayag nangmabisa ang mga ibig sabihin
atnadarama.
4-6 Sa dulo ng Baitang 6, naipapakita ngmga mag-aaral ang sigla sa pagtuklasat pagdama
sa pabigkas at pasulat namga teksto at ipahayag nang mabisaang mga ibig sabihin at nadarama.

C. Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level Standards):

Baitang Pamantayan sa Bawat Baitang


K Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pagpapahayag ng iniiisip at damdamin sa wikang
katutubo at ang kahandaan sa pagbasa at pagsulat upang makilala ang sarili at matutong
makisalamuha sa kapwa.
I Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-
pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa
mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at
karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng
kanilang kultura.
II Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng
tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong
paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya,
damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at
kaugnay ng kanilang kultura.
III Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang nasasabi na ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng
tekstong binasa o napakinngan at nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto, nagagamit ang
mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng mga salita at maayos na nakasulat
gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya,
damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at
kaugnay ng kanilang kultura.
IV Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, naipamamalas na ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa,
pagsulat at pakikipagtalastasan nang wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming
angkop sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng
pamayanan.
V Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan,
mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/
babasahing lokal at pambansa.
VI Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa
pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang
makaambag sa pag-unlad ng bansa.

Itinuro ang asignaturang Filipino sa loob ng 30 minuto mula ikalawang markahan


hanggang ikaapat na markahan ng unang baiting. Samantalang, 50 minuto naman itong ituturo
sa ikalawa hanngang ikaanim na baitang.

SANGGUNIAN

FIL. 1-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya: Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino


acer
Roseta V. Comisco-Gallo, et.al Modyul para sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya 1
(Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino)

Joselito C. Gutierrez, et.al Ang Pagtuturo ng Wika, Panitikan, at Kultura sa K-12 Kurikulum

Rosario U. Mag-atas, et.al Komunikasyon sa Akademikong Filipino

COPYRIGHT INFRINGEMENT
This MODULE is granted copyright protection for a period of one Academic Year 2021-2022. This means that NO
student has the right to reproduce or copy, share and alter the content of this module without seeking permission.

FIL. 1-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya: Estruktura at Gamit ng Wikang Filipino


acer

You might also like