You are on page 1of 7

APAN 6

BALANGIGA
MASSACRE
PREPARED BY:
GLORIA F. GIGANTE
Teacher III
Floridablanca Elementary School
Ano ang BALANGIGA
MASSACRE ?

Nang pasukuin ng mga Amerikano si Hen. Emilio


Aguinaldo noong Marso 1901, inakala ng marami
na tapos na ang Digmaang Pilipino- Amerikano.
Ngunit sa Samar, ginalit ng mga aksyon ng mga
sundalong Amerikano ang ilang residente. Ang
utak sa pag-atake ay ang hepe ng pulisya ay si
Valeriano Abanador.
Si Valeriano Abanador kasama ng mga sundalong
Amerikano na kanyang papatayin.
Gabi ng Setyembre 27, 1901, nagkaroon ng
prusisyon ng sinasabing patay na mga bata dahil
sa epidemya ng kolera kasama ang maraming
mga kababaihan. Ipinasok sa simbahan ang
prusisyon. Iyon pala, ang mga babae ay mga
lalaki na nagpanggap lamang at may tagong baril
at pati na rin sa mga kabaong. Kinabukasan,
Setyembre 28, 1901 sa pagtunog ng kampana ng
simbahan sa ganap na 6:20 ng umaga, nilusob
nila ang 74 na mga sundalong Amerikano, 46 sa
kanila ang namatay.
Ang tagumpay nila sa mga mananakop ay
nagpakita ng kagitingan at lubos nilang
pagmamahal sa kalayaan at bayan. Inilarawan na
ito ang pinakamalalang pagkatalo ng sundalong
Amerikano. Sa paningin ng mga Amerikano, ang
naganap ay isang masaker dahil maraming sundalo
ang namatay. Bilang ganti, iniutos ni Heneral
Jacob Smith ang pagmasaker sa mga taga-Samar.
Pati mga batang lalaking may gulang 10 pataas ay
kanilang pinatay.
Ang bayan ay nagmistulang “humahagulgol na
kagubatan”, dahil sa napakaraming namatay na
Pilipino. Sa loob ng anim na buwan, umabot
mahigit 15,000 mamamayan ng Samar ang walang
awang pinatay. Ito’y lumikha ng matinding
iskandalo sa Amerika.
Bumagsak din sa kamay ng mga Amerikano ang
Leyte, Samar at Negros. Dahil sa kanilang
kalupitan, sina Brig. Gen. Jacob H. Smith at
Major Littleton W. T. Waller ay nilitis sa
hukumang militar at itiniwalag.

You might also like