Professional Documents
Culture Documents
PILIPINO -
AMERIKANO
Look – tubigan na hindi ganap na napaliligiran
ng lupa at may bungad na pinapasukan o
nilalabasan ng tubig buhat sa katabing
karagatan
Mock Battle – kunwaring labanan; hindi
totoong tunggalian
Nakahimpil – nakahinto
Nilusob – inatake
Nakubkob – napalibutan; napaligiran
Ratipikasyon – pagkumpirma o pagpapatibay
Matapos ang 333 taong pananakop ng mga
Espanyol sa mga Pilipino, ang Pilipinas ay
muling napasailalim sa kapangyarihan ng isa
pang imperyalistang bansa – ang Estados
Unidos
Ang labanan sa Look ng Maynila at ang Mock
Battle of Manila o kunwaring labanan sa
pagitan ng mga Amerikano at mga Espanyol ay
nagbigay-daan sa Digmaang Pilipino-
Amerikano
Ang sigalot sa pagitan ng Espanya at Estados
Unidos ay nagsimula nang lumubog ang barkong
Maine ng Estados Unidos habang ito ay
nakahimpil sa Look ng Havana sa Cuba.
Ang paglubog ng barkong Maine ng Amerika ay
ibinintang sa mga Espanyol. Ikinagalit ito ng
Espanya kaya nagpahayag ito ng pakikidigma sa
Estados Unido. Ito ang naging hudyat ng
Digmaang Espanyol-Amerikano.
Agad na nagtungo sa Maynila si Komodor George
Dewey na noon ay nasa Hongkong nang matanggap
niya ang mensahe mula kay John Long, Kalihim ng
Hukbong Dagat ng Estados Unidos. Ipinahanap at
ipinawasak ni Dewey ang lahat ng mga plota ng
Espanyol. Ang plota ng mga Espanyol ay pinamunuan
ni Almirante Patricio Montojo. Dahil higit na
malalakas ang sandata ng mga Amerikano ay natalo
nila ang mga Espanyol. At dahil walang sapat na
lakas si Dewey sa lupa, ay nanatili na lamang siya sa
Look ng Maynila habang hinihintay ang iba pang mga
sundalong manggagaling sa Estados Unidos.
Habang naghihintay sina Dewey ng mga sundalong
nanggaling sa Estados Unidos ay nilusob naman ng kampo
ni Aguinaldo ang Intamuros. Pinatigil ni Aguinaldo ang
pagpasok ng mga pagkain at tubig sa Maynila upang
mapilitang sumuko ang mga Espanyol subalit hindi siya
nagtagumpay.
Ngunit walang kaalam – alam si Aguinaldo na may nabuo
ng kasunduan sa pagitan ng mga Espanyol at mga
Amerikano na ang mga Espanyol ay susuko na sa mga
Amerikano. Kaya nung dumating ang mga sundalong
galing Estados Unidos ay naganap ang mock battle o
kunwaring pagsalakay ng mga Amerikano sa mga
Espanyol.
Nangyariang kunwariang labanan noong ika-13 ng
Agosto, 1898 na siya naming simula ng pagbagsak ng
Maynila sa kamay ng mga Amerikano.
Ang Pananakop ng mga Amerikano
Hindi tuwirang ipinahayag ng mga Amerikano ang
kanilang pakay na pananakop sa ating bansa. Noong
Disyembre 21, 1898, bago pa man pinagtibay ng
Kongreso ng Amerika ang batas ng pananakop sa
Pilipinas ay ipinahayag niPangulong William McKinley
ang patakarang Makataong Asimilasyon o Benevolent
Assimilation. Ayon sa patakarang ito, ang mga Amerikano
ay magsisilbing kaibigang mangangalaga sa kaligtasan,
kapayapaan at kaunlaran ng mga mamamayang Pilipino.
Ngunit nabunyag ang tunay na layunin ng mga
Amerikano sa Pilipinas nang lumitaw ang Kasunduan
sa Paris noong Disyembre 10, 1898 sa pagitan ng
mga kinatawan ng Estados Unidos at Espanya.
Sa kasunduang ito, walang nagawa ang Espanyol
kundi ang pumayag sa kahilingan ng Estados Unidos.
Isinuko ng Espanya sa Estado Unidos ang kapuluan
ng Pilipinas. Bilang kapalit, ang Estados Unidos ay
magbabayad sa Espanya ng halagang 20 milyong
dolyar bilang kabayaran sa mga pagbabagong ginawa
ng Espanya sa Pilipinas at ang karapatang
makipagkalakalan sa Pilipinas sa loob ng 10 taon.
Tunay na layunin ng pagsakop ng Amerika sa Pilipinas:
gawing kolonya ang Pilipinas na mapagkukunan ng
mga hilaw na sangkap
makapagtatag ng base militar upang mapangalagaan
at maproteksiyunan ang kanilang kalakal sa Asia at
Pacific
maisagawa ang Manifest Destiny at Social Darwinism
na nagsasaad na itinadhana ang mga lahing puti na
arugain ang mga bansang mahihina
palaganapin ang relihiyong Protestantismo sa labas
ng Estados Unidos
Ang Digmaang Pilipino – Amerikano
Noong Pebrero 4, 1899 sumiklab ang
digmaan sa pagitan ng Pilipino at
Amerikano.
Dalawang Pilipino ang pinaputukan ng
Amerikanong sundalong si William Walter
Grayson kasama ang ilan pang sundalo
habang sila ay nagpapatrolya.
Labanan sa Pasong Tirad
Dahil sa lakas ng puwersa ng mga Amerikano,
nagpalipat-lipat ng punong himpilan si Aguinaldo.
Noong Setyembre 6, 1900, dumating siya sa Palanan
Isabela at dito niya nakilala si Gregorio del Pilar.
Si Gregorio del Pilar ang namuno sa pagtatanggol sa
Pasong Tirad.
Noong Disyembre 2, 1900 naganap ang madugong
labanan sa Pasong Tirad.
Ang grupo ng Amerikano sa pamumuno ni Major
Peyton March ay nakakita ng isang lihim na daan
patungo sa tuktok ng Pasong Tirad sa tulong ng
isang Kristiyanong Igorot na may pangalang
Januario Galut
Dahil dito madaling natalo ng mga Amerikano ang
mga Pilipino at tuluyang mapatay sa del Pilar.
Nahuli din ng mga Amerikano si Aguinaldo sa
pamumuno ni Koronel Frederick Funston. Dinala
siya sa Maynila at pinanumpa ng katapatan sa
Estados Unidos.
Labanan sa Balangiga
Isaito sa pinakatanyag na labanan sa pagitan ng
mga Amerikano at mga Pilipino na nangyari noon
Setyembre 28, 1901 sa pamumuno ni Hen.Vicente
Lukban sa isla ng Samar.
Mahigit sa 40 sundalong Amerikano ang napatay sa
labanang ito sa pamamagitan ng isang sorpresang
pag-atake at pagtutulungan ng buong bayan ng
Balangiga. Tinagurian ang insedenteng ito na
Balangiga Massacre.
Bilang paghihiganti, ang mga Amerikano ay
nagsagawa ng kontra-opensiba sa pangunguna ni
Koronel Jacob Smith. Lahat ng batang lalaki mula sa
10 taong gulang pataas ay pinag – utos na patayin
dahil sa kakayahan nilang humawak ng armas.
Sa loob ng 6 na buwan ang Balangiga ay
nagmistulang isang disyerto dahil sinunog ng mga
amerikano ang buong bayang ito.
Tumagal ng mahigit 4 na taon ang Digmaang Pilipino-
Amerikano. Nagwakas lamang ang digmaan nang
sumuko na si Hen.Miguel Malvar sa mga Amerikano
noong Abril 16, 1902.
Kasunduang Bates
Upang higit na mapadali ang gagawing
pananakop ng mga Amerikano sa kapuluuan ng
Pilipinas ay isang kasunduan ang nilagdaan sa
pagitan ng Sultan ng Jolo at ng kinatawan ng
mga Amerikano na si Hen. John Bates.
Ito ay isinagawa ng mga Amerikano upang hindi
na maging suliranin o balakid ang mga Muslim
sa kanilang planong pananakop sa Pilipinas.
Nakasaad sa kasunduan na igagalang ng mga
Amerikano ang pangongolekta ng buwis ng
Sultan ng Jolo sa mga lupaing nasa labas ng
kapangyarihan ng mga Amerikano.
Kapalit nito, kikilalanin naman sa buong
kapuluan ng Jolo ang kapangyarihan ng mga
Amerikano.
Ang kasunduang ito ay nilagdaan noong Agosto
20, 1898 kung saan ito ay tinawag na
Kasunduang Bates.
Talakayin ang mga nangyari sa
Digmaang-Pilipino Amerikano sa
talahanayan at pagkatapos ay
maglahad ng kung anong emosyon o
damdamin ang naghari sa iyong puso
hinggil sa mga pangyayaring ito. Sa
huli ay sumulat ng kongklusyon kung
paano mapapahalagahan ang mga
nakatalang pangyayari.
Pangyayari Detalye ng Emosyong
Pangyayari Naramdaman
1. Labanan sa
Look ng Maynila
2. Mock Battle
3. Labanan sa
Pasong Tirad
4. Labanan sa
Balangiga
Kongklusyon: ________________________________
Ano ito?