You are on page 1of 7

PANAHON NG PANANAKOP NG HAPON SA PILIPINAS

(1941-1945)

Pagsalakay sa Pearl Harbor

Dec. 8, 1941, sinalakay ng mga puwersang


Hapon ang Pearl Harbor, Hawaii. Sunod-sunod
na sinalakay ng mga hapon ang mga base ng
mga Amerikano sa Davao, Cavite, Baguio, Clark
Field, at Zambales.

Pagdating ng mga Hapon

 Dec. 10, 1941, narating ng mga hapon ang Aparri, Cagayan at


Vigan, Ilocos Sur. Dumaong naman ang malaking puwersa ng
mga hapon sa Lingayen, Pangasinan. Unti-unting nasakop ng
mga hapon ang buong Pilipinas

1
 Upang iligtas sa trahedya ng digmaan ang maynila,
idineklara ni Hen. MacArthur ito bilang open city
noong December 26, 1941. Iniutos din nito na alisin
ang mga kagamitang pandigma sa Maynila at ilipat
sa Bataan.

War Plan Orange

 Ipinag-utos ni Hen. MacAthur ang pagsasanib pwersa ng mga


Pilipino at Amerikano sa Bataan at Corregidor. Kasama sa mga
inilikas ang mga pinuno sa pamahalaang Komonwealt.

 Sa payo ni Pangulong Roosevelt, tumakas si


Pangulong Manuel L. Quezon at ng kanyang
pamilya at gabinete mula Corregidor papuntang
Australia noong ika-20 ng Pebrero, 1942.
 Iniwan niya ang pamamamahala ng Pilipinas kay
Jose Abad Santos. Mula Australia, dinala sila sa
Washington D.C.

2
Pagtakas ni Heneral MacArthur

 Labag man sa kanyang kalooban, nilisan ni Heneral


MacArthur ang Corregidor papuntang Austrialia
noong Marso 11, 1942. Humalili sa kanya bilang
pinuno si Heneral Jonathan Wainwright. Pagdating sa
Australia, ipinahayag niya ang makasaysayang
pangakong “I shall Return”.

Pagsuko sa Bataan

 Dahil sa matinding hirap at gutom, isinuko ni


Heneral Edward P. King, Kumander ng USAFFE sa
Bataan ang mga puwersa nito kay Heneral
Masaharu Homma noong Abril 9, 1942.

Death March

 Ang mga sumukong sundalo ay nagmartsa sa loob ng


maraming araw ng walang pagkain at inumin mula Mariveles,
Bataan Hanggang San Fernando Pampanga. Mula dito, sila ay
isinakay sa mga tren at dinala sa camp O’ Donnel sa Capas,
Tarlac

Pagsuko ng Corregidor

3
 Noong Mayo 6, 1942. Isinuko ni Heneral Jonathan Wainwright ang Corregidor sa mga
hapon. Ipinag-utos niya rin ang pagsuko sa lahat ng puwersa ng USSAFE sa buong
Pilipinas

 matapos sumuko ang Corregidor, napasailalim


ang Pilipinas sa mga bagong mananakop. Sinikap
ng mga Pilipino na mamuhay ng maayos
bagama’t may banta ng panganib. Ito ang simula
ng pananakop ng Hapon na tumagal hanggang sa
bumalik ang mga Amerikano noong 1945.

 Matapos masakop ang Maynila, itinatag ng


mga Hapon ang Japanese Military
Administration noong Enero 3, 1942. Ito ay
pinamunuan ni Heneral Masaharu Homma
Bilang Direktor Heneral.

 Hinirang ng mga Hapon si Jorge B. Vargas bilang Pangulo ng


Philippine Executive Commission noong Enero 23, 1942. Itinatag
ng mga Hapon ang Central Administrative Organization (CAO)
bilang kapalit ng
pamahalaang
Komonwelt.

Greater East Asia Co-


Prosperity Sphere

4
 Pinangakuan ng mga Haponese ang mga Pilipino na bibigyan ng kalayaan kung ito ay
makikiisa sa patakaran nilang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Binuwag ang mga
partido Pulitikal at itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI)

Ikalawang Republika ng Pilipinas

 Itinatag ang Preparatory Commission for


Philippine Independence upang bumuo ng
bagong Saligang Batas. Sa bisa nito, itinatag ang
Ikalawang Republika ng Pilipinas sa pamumuno
ni Jose P. Laurel bilang Pangulo.

 Isang Pamahalaang Puppet ang itinawag na


republika. Bagaman isang Pilipino ang pangulo,
mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Ang
mga kautusang ipinalabas ni pangulong Laurel ay
hindi ipinatupad kapag hindi ito makakabuti para
sa mga Haponese.

Pagbabago sa Edukasyon

 Sa bisa ng Military Order No. 2, nilikha ang Commission, Health and Public Welfare. Ilan
sa mga layunin nito ang pagsupil sa mga kaisipang kanluranin, pagtuturo ng wikang
Nippongo at pagtaguyod ng pagmamahal sa paggawa.
 Ang pinag-aaralan ng mga Pilipino noon ay hindi Ingles kundi Niponggo na lamang ang
kanilang itinuro sapagkat walang sinuman ang nanumbalik sa wikang Ingles dahil
ipinatanggal na ito sa Batas na ipinatupad ng mga Hapones.

Corporal Punishment

Ang corporal punishment ay isang uri ng pananakit sa mga


bata noong panahon ng hapones.

 Dahil sa corporal punishment marami sa mga


Estudyante ang natakot pumasok dahil sa pananakit

5
ang nakukuha nila sa mga guro. Sa 300,000 na Estudyante noon pabawas ng pabawas
ito dahil sa takot nila na masaktan. Ang karaniwang gamit na panakit ay ang ruler na
ipapalo sa kamay o kaya ay papaluin ng guro sa pisngi.

Pamumuhay ng mga Pilipino

 Nabuhay sa takot ang mga Pilipino.


Laganap sa buong kapuluan ang walang
awang pagpaparusa at pagpatay sa mga
Pilipino. Naging instrumento ng kalupitan
ng mga Hapones ang mga Kempeitai
(pulis-militar) at MAKAPILI (Pilipinong
maka-Hapon)

Comfort Women

 Maraming mga babae ang naging biktima ng


panggagahasa ng mga sundalong Hapones.
Sila ay tinawag bilang mga Comfort Women.
Noong una, ayaw aminin ng pamahalaang
Hapon ang gawaing ito, hanggang sa
naglakas-loob na inihayag ni Maria Rosa
Henson (Lola Rosa) kaniynag karanasan
noong 1992.

Mickey Mouse Money

 Ipinatupad ng mga hapones ang paggamit ng


mga bagong salaping papel. Tinawag ito ng
mga Pilipino bilang Mickey Mouse Money
6
sapagkat halos wala itong halaga. Ang isang salop ng bigas ay nagkakahalaga ng isang
bayong na pera.

Suliraning Pangkabuhayan

 Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa pagkasira ng mga taniman at sakahan.


Ang presyo ng mga bilihin ay nagsitaasan. Upang mabigyang lunas ang kakulangan sa
pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine Commodities Dstribution Control upang
mag rasyon ng mga Bigasang Bayan (BIBA) upang maging maayos ang pagbebenta ng
bigas

Kilusang Gerilya

 Dahil sa kalupitan ng mga hapones, maraming mga


Pilipino ang sumali sa kilusang gerilya. Ito ay itinatag
ng mga dating kawal na Pilipino at Amerikano. Ang
iba sa kanila ay itinatag ng mga dating pinuno ng
bayan o lalawigan.

HUKBALAHAP

 Ang pinakamalaking pangkat ng mga gerilya


HUKBALAHAP (Hukbo ng Bayan laban sa
Hapon) na itinatag ni Luis Taruc. Ito ay binubuo
ng mga magsasaka mula sa gitna at katimugang
Luzon.

You might also like