You are on page 1of 11

Patakaran at batas pang-

ekonomiya gaya ng War


Economy at Economy of Survival
at ng mga resulta nito
BALITAAN
• Magbalitaan tungkol sa kaunlarang pangkabuhayan ng mga
mamamayang Pilipino.
• Halimbawa: Kalagayan ng mga Magsasaka, Negosyo sa bansa,
Ekonomiya ng bansa
Balik-aral

•Ano ang naging epekto ng


Patakarang Pang-ekonomiya ng
mga Hapones sa pamumuhay ng
mga Pilipino?
Pagganyak:

Ano ang iyong kaisipan sa mga


salitang ito….

Economy of Survival
Pangkat 1
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing
itong isang Tula na nagpapaliwanag ng mga patakaran at batas pang-
ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng mga Hapon. Tulain ito nang may
damdamin.
Tugon Sa Kahirapan
Ngunit hindi na bago sa mga Pilipino ang pagtitiis at pagharap sa
kahirapan. Tulad ng nagaganap na krisis sa ekonomiya ng bansa sa
kasalukuyan,hinarap ng mga mamamayan ang suliranin nang buong tatag.
Gumawa ng paraan ang mga Pilipino upang mabawasan ang kahirapan.
Bagama’t mayroon ding mga nagsamantala, positibo ang naging
pangkalahatang pagharap ng mga tao sa suliranin.Maraming Pilipino ang
pumasok sa negosyong buy and sell upang kumita. Sinimulan din ang
pagtatanim ng mga gulay sa mga lupang maaaring mapagtaniman upang
makatulong sa kakapusan sa pagkain. Bagama’t maliit lamang ang kita sa
mga nabanggit na gawain, nakatulong ang mga ito upang kahit paano ay
mabuhay at magkaroon ng pagkain ang mga pamilyang Pilipino.
Pangkat 2
Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing itong isang Sabayang
Pagbigkas na nagpapaliwanag ng mga patakaran at batas pang-ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng
mga Hapon. Bigkasin ito nang may damdamin.
Salaping ‘Mickey Mouse’
Nagpalabas ang mga Hapones noong Enero 3, 1942 ng mga salaping papel na ipinagamit sa mga
mamamayan. Tiniyak nila na may pagtangkilik ng pamahalaang Hapones ang salaping ito. Ngunit
hindi naniwala ang mga mamamayan dito dahil anyong laruang salapi ito at wala itong pananda na
may katumbas itong ginto o pilak at maaaring ipambili. Gayunpaman, napilitan ang mga
mamamayan na gamitin ito matapos na magbabala ang mga Hapones na parusahan ang sinumang
hindi gagamit ng salaping ito.
Sa harap ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin, tuluyang nawalan ng halaga ang sa
una pa man ay wala talagang halagang salaping Hapon. Dahil sampung piso ang pinakamataas na
halaga na nakalimbag na salapi, sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kinakailanganng magdala ng
bagong-bayong na salapi sa pamimili ng mamamayan. Nagmistulang laruang salapi ang mga ito kung
kaya tinawag itong Mickey Mouse Money.
Batid ng mga mamamayan na walang halaga pandaigdigang kalakalan ang salaping Hapon
kung kaya itinago nila ang kanilang salaping piso. Ginamit lamang nila ito sa oras ng matinding
pangangailangan.
• Pangkat 3
• Basahin at unawain ang buong talata. Mula sa talatang ito, bumuo o gawing itong isang Rap Song na
nagpapaliwanag ng mga patakaran at batas pang-ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng mga Hapon.
Awitin ito nang may damdamin

• Pagsasaayos ng mga Lupang Sakahan


• Maliban sa pagpapalabas ng mga Mickey Mouse Money, iniutos din ng mga
Hapones noong Enero 5, 1945 ang pagbubukas ng mga pabrika at iba pang
pagawaan. Bahagi ito ng pag-imbertaryo ng mga industriya sa bansa. Nais nilang
malaman kung alin ang maaari pa nilang gamitin at alin ang dapat linangin ayon sa
kanilang pangangailangan.
• Apektado ng patakaran ng mga Hapones sa lupain ang mga taniman ng
tubo,bulak, at palay. Nagpatupad ng limang taong plano ang mga Hapones at
industriya ng tatlong pangunahing pananim na ito sa layuning mapataas ang ani.
Ayon dito,nais ng pamahalaan na matustusan ang lokal na pangangailangan ng bansa
at maiwasan ang pag-angkat. Nagtakda rin ito ng mga lupang sakahan kung saan
itatanim ang itinakdang dami ng mga pananim. Mula sa lupain ng tubo, kumuha ang
pamahalaan ng 12,000 ektarya upang pagtamnan ng bulak. Sa palay naman, inasam
ng mga Hapones na maitaas nang 13 milyong kaban ang maaani sa limang-taong
plano simula 1943.
• Ngunit hindi nagtagumpay ang planong ito ng mga Hapones. Sa halip na
maging sapat ang panustos sa mga mamamayan, nagkaroon pa ng kakulangan
sa pangunahing pangangailangan. Inuna ng pamahalaan na matustusan ang
pangangailangan ng hukbong Hapones sa Pilipinas. Ilang bahagdan lamang ng
mga ani ang inilaan sa mga Pilipino. Dahil dito, kinailangang irasyon ang mga
ani kasama ng iba pang pangangailangan.
• Ginamit ng mga Hapones ang asukal upang mapagkunan ng mga
panggatong na mataas sa octane, butanol, at alcohol. Ang mga ito ang
alternatibong panggatong para sa mga sasakyang pandigma tulad ng eroplano,
tangke, at iba. Ang bulak naman ay ginamit para sa sa mga uniporme at iba
pang pangangailangan sa tela ng mga hukbong nakatalaga sa bansa.
Samantala, ang palay ay inilaan para sa mga sundalo at kakaunti lamang ang
ipinamahagi para sa mga mamamayan
Pagsusuri
Paano hinarap ng mga Pilipino ang mga suliraning naranasan nila tulad ng
krisis sa ekonomiya?
Anu-anong mga paraan ginawa nila para mabawasan ang kahirapan
nararanasan nila?
Ano ang ipinalabas ng mga Hapones na ipinagamit sa mga mamamayang
Pilipino? May halaga ba ito?
Bakit napilitan ang mga mamamayan na gamitin salaping Mickey Mouse?
Ano ang ipinatupad o plano ng mga Hapones na may layuning mapataas ang
ani? Nagtagumpay ba sila sa planong ito? Bakit?
Nakatulong ba ang mga patakaran at batas pang-ekonomiya ng mga Hapones
sa pangkabuhayan ng mga Pilipino?

Pagtataya

Panuto: Ipaliwanag sa 1-2 talata ang mga


patakaran at batas pang-ekonomiya ng mga
Hapones sa panahon ng pananakop nila sa bansa.
Isulat ito sa isang buong papel.
Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa pagtatag
ng Ikalawang Republika ng Pilipinas.

You might also like