You are on page 1of 45

ONLINE

CLASS/KAMUSTAHAN
on Araling Panlipunan
SIX APITONG

April 19, 2021


WEEK 5

• Pagtugon ng mga Pilipino sa


patuloy na mga suliranin, isyu at
hamon ng kasarinlan sa
kasalukuyan

• Programang ipinatupad ng iba’t


ibang administrasyon mula 1946
hanggang 1972
PANIMULA
Sa araling ito ay makapagbibigay ka ng iyong sariling pananaw
tungkol sa mga pagtugon ng mga Pilipino sa patuloy na mga
suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa kasalukuyan. Bilang
isang mag -aaral ikaw ay inaasahang;

1. nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa pagtugon sa


mga suliranin, isyu at hamon sa kasalukuyan

2. 2. naipaliliwanag ang mga isinagawang pagtugon ng mga


Pilipino sa patuloy na mga suliranin, isyu at hamon sa
kasarinlan

3. 3. napapahalagahan ang mga pagtugon ng mga Pilipino sa


patuloy na mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa
kasalukuyan
Sadyang nagdulot ng malaking kapinsalaan ang
nagdaang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bansa.
Bunga nito ay sadyang napakaraming suliranin ang
kinaharap ng Ikatlong Republika. Higit na naapektuhan ang
kalagayang pangkabuhayan nito. Paano kaya hinarap ng
mga Pilipino ang mga suliraning ito? Paano tinanggap ng
mga nahalal na pinuno ng bayan ang hamong kanilang
hinarap upang mapatatag at maisaayos ang kabuhayan ng
bansa?
Mga Pagtugon na Isinagawa upang Mapabuti ang
Kalagayan ng Bansa

Ang pamahalaan ng Ikatlong Republika ay tumagal ng


dalawampu't limang taon. Ito ay pinamahalaan ng anim na
pangulong nagsumikap na masolusyunan ang mga suliraning
pangkabuhayang kinaharap ng bansa. Bawat isang pangulo ay
nagsagawa at naglunsad ng mga programa at patakaran para
sa ikasusulong ng ekonomiya. Narito ang ilang mahahalagang
hakbang na isinagawa ng Republika upang mapabuti at
maisaayos ang kalagayan ng pamumuhay ng mga tao.
Nasyonalisasyon ng
Tingiang Pangangalakal
Upang mapigilan ang pamamayani ng
mga dayuhan sa pagpapatakbo ng komersyo
at kabuhayan ng bansa ay isinagawa ang
isang batas. Pinagtibay ng Kongreso ang
batas hinggil sa nasyonalisasyon ng tingiang
pangangalakal (Retail Trade). Ito ay
nagtatadhana na ang makapangangalakal
lamang nang tingian ay ang mga
korporasyon o samahang ganap na Pilipino.
Pagpapabuti ng Sistema ng
Edukasyon
Sa pamamagitan din ng edukasyon ay sinikap ng
pamahalaang linangin sa mga kabataang Pilipino
ang damdaming nasyonalismo at pawiin ang
kaisipang kolonyal nang sa gayon ay makita nila
na sila ang dapat na maging panginoon sa
sariling bayan. Nagtayo rin ng mga paaralang
pampamayanan o community schools ang
pamahalaan. Sa mga paaralang ito, itinuro ang
mga pag-aaral na bokasyonal, depende sa uri ng
komunidad na kinabibilangan ng mga
mamamayan. Sa pamamagitan nito ay lubos na
napaunlad ang pamumuhay ng mga tao
partikular na iyong mga nasa rural na pook o
probinsya.
Pagpapataas ng Produksyon
partikular ang Pagsasaka

Upang mapaunlad ang kalagayan ng mga magsasaka ay bumuo


ang pamahalaan ng mga reporma sa lupa. Sa pamamagitan ng
Kodigo sa Reporma sa Lupa (Land Reform Code) na inilunsad ni
Pangulong Macapagal, ay napahalagahan at napangalagaan ang
karangalan ng maliliit na magsasaka at nailigtas sila sa
masasamang kinagawiang pinaiiral sa mga sakahan. Gayundin,
lumikha ang pamahalaan ng pagkakataon sa mga lupang
sakahang makapagbigay ng lalong malaking kita at lalong
malaking produksyon sa pamamagitan ng pagpapabuti ng
irigasyon at paggamit ng makabagong paraan ng pagsasaka.
Kaya sinasabing sa huling bahagi ng dekada 60, ang Pilipinas ay
pumapangalawa na sa bansang Hapon sa pangkaunlarang
kalagayan ng ekonomiya.
Pagpapabuti sa Sistema ng
Pananalapi ng Bansa

Upang matiyak ang pagsulong ng ekonomiya at ang


katatagang pananalapi ng bansa ay itinatag noong Enero 3,
1949, ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Ito ay kinikilalang
charter ng ekonomiya ng bansa. Una sa lahat, dahil ito ang
nagpapanatili ng katatagang halaga ng piso. Upang
maisagawa ang bagay na ito, ang Bangko Sentral ng
Pilipinas ay pinagkalooban ng kapangyarihang panatilihin
ang pandaigdigang halaga ng piso at ang katumbas na
halaga nito kontra sa pera ng ibang bansa. Sa
pangkalahatan, ito ay tumatayong tagapayo ng
pamahalaan pagdating sa mga usaping pinansyal ng bansa.
Ang Patakarang Pilipino Muna

Isa sa pinakatanyag na programang inilunsad ng


pamahalaan upang mapaunlad ang kabuhayan ng bansa ay
ang patakarang Pilipino Muna. Ito ay ipinatupad ni
Pangulong Garcia sa bisa ng Resolusyon Blg. 204 noong
Agosto 21, 1958. Ang patakarang ito ang nagbigay ng
karapatan sa mga Pilipinong magbukas ng mga kalakal
bago ang mga dayuhan. Dahil dito, isa sa mga programang
ipinatupad sa bansa ay ang ganap na pagsasarili ng
Pilipinas sa larangan ng kabuhayan sa pamamagitan ng
pagpapairal ng patakarang Pilipino Muna na ang ibig
sabihin ay kailangang tangkilikin muna at paunlarin ang
mga industriya at kabuhayang Pilipino bago ang sa ibang
mga bansa.
WEEK 6

• Programang ipinatupad ng
iba’t ibang administrasyon
mula 1946 hanggang 1972
PANIMULA
Sa nagdaang aralin, nakapag bigay ka ng iyong sariling
pananaw tungkol sa mga pagtugon ng mga Pilipino sa patuloy
na mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa kasalukuyan.
Sa araling ding ito ay malalaman ang mga programang
ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga
suliranin at hamong kinaharap ng mga
Pagtatanggol Pilipino
ng mga mula
Pilipino 1946
sa Pambansang Interes
hanggang 1972. Bilang isang mag-aaral ikaw ay inaasahang; 1.
nauunawaan mo ang mga nagawa ng iba’t ibang administrasyon
upang matugunan ang mga suliranin at hamong kinaharap ng
Pilipinas mula taong 1946 hanggang 1972 2. nasusuri ang mga
programa at patakaran na ipinatupad ng mga pangulo noong
Ikatlong Republika 3. napahahalagahan ang mga programa at
patakarang ipinatupad ng mga pangulo
1. nauunawaan mo ang mga nagawa ng iba’t ibang
administrasyon upang matugunan ang mga
suliranin at hamong kinaharap ng Pilipinas mula
taong 1946 hanggang 1972
2. nasusuri ang mga programa at patakaran na
ipinatupad ng mga pangulo noong Ikatlong
Republika
3. napahahalagahan ang mga programa at
patakarang ipinatupad ng mga pangulo
Ang pamamahala ng Ikatlong Republika ay
nagsimula noong taong 1946 at nagtapos ng
taong 1986. Sa loob ng apat na dekada ng
paghahari ng Ikatlong Republika, ang bansa
ay pinamahalaan ng anim na pangulo kung
saan ang bawat isa ay nagsagawa ng iba’t
ibang patakaran at programa para sa higit na
ikasusulong at ikabubuti ng bansa.
WEEK 7

Pagtatanggol ng mga
Pagtatanggol ng mga Pilipino sa Pambansang Interes

Pilipino sa Pambansang
Interes
PANIMULA

Sa nagdaang aralin, nalaman mo ang mga


programang pinapatupad ng iba’t ibang
administrasyong sa pagtugon sa mga suliraning
hamong kinakaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972. Sa araling ito ay malalaman ang mga
pagtatanggol ng mga Pilipino sa pambansang
interes.
Bilang isang mag-aaral ikaw ay inaasahang;

1. natatalakay ang mga pangyaya

ring may kinalaman sa Snap Election o biglaang


halalan 2. nailalarawan ang EDSA Rebolusyon
noong Pebrero 1986

3. naipaliliwanag ang kabayanihang ginagawa ng


mga Pilipino sa pakikiisa sa muling pagkakamit ng
demokrasya at katarungan sa bansa 4.
napahahalagahan ang epekto ng People Power
para sa pagkakamit ng kalayaan
Natuklasan natin ang naging kalagayan ng
bansang Pilipinas sa ilalim ng bagong Republika.
Lalong sumidhi ang kahirapang dinaranas ng mga
mamamayan. Maging ang Estados Unidos at
International Monetary Fund (IMF) ay nagkaroon
ng pag-aalinlangang muling magpahiram ng
salapi sa bansa dahil sa krisis na dinaranas nito.
Para makautang muli, nagbigay ng kondisyon ang
IMF na kailangang mapatunayan ni Pang. Marcos
na may tiwala pa ang taong-bayan sa kanya.
Dahil sa labis na paghahangad ng Pangulo na
mabawi at mapatunayang malaki pa rin ang
pagtitiwala ng mga tao ay ipinahayag niya noong
Nobyembre,13 1985 ang pagdaraos ng isang
Snap Election
ANG PAGTAWAG NG SNAP ELECTION
Noong ika-7 ng Pebrero 1986, naganap ang Snap Election o ang biglaang
eleksyon kung saan si Pang. Marcos sa ilalim ng partidong Kilusang
Bagong Lipunan (KBL) ay lubos na umaasang siya’y muling magwawagi
sapagkat ilang beses na niyang napatunayan ang suporta sa kanya ng mga
mamamayan. Ang kanyang katunggali ay si Corazon ‘Cory’ Aquino. Sa
katunayan, hindi niya ninasang pumasok sa pulitika. Subalit maraming
sumusuporta sa kanya sapagkat ang taong-bayan ay naniniwalang siya ang
karapat-dapat na kandidatong panlaban kay Pang. Marcos. Bilang asawa ng
pinatay na lider na si Ninoy, siya ang pinakabuhay na biktima ng kasamaan
ng remihing hindi marunong kumilala sa karapatang pantao. Sa
pamamagitan ng isang milyong pirmang kinalap ng Corazon Aquino for
President Movement (CAPM) sa pamumuno ni Joaquin “Chino” Roces, si
Cory ay napapayag na lumaban kay Marcos.
Sa panahon ng eleksyon, pinahihintulutang lumahok sa bilangan
ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) na
pinamumunuan ni Jose Concepcion, isang mangangalakal. Ang
himpilan ng NAMFREL ay nasa La Salle Green Hills samantalang
ang Commission on Elections (COMELEC) ang opisyal na
namamahala sa bilangan tuwing eleksyon ay nakahimpil sa PICC.
Sa pagbibilang ng boto, parehong kompyuter ang gamit ng dalawa,
subalit ang nakapagtataka magkaiba ang itinatalang resulta ng mga
ito. Sa bilangan ng COMELEC, nanguna si Pang. Marcos ngunit sa
NAMFREL malinaw na nanguna si Cory. Dahil sa kaguluhan,
ang Batasang Pambansa na ang nagpatuloy sa pagbibilang
sapagkat ang mga nagbibilang sa COMELEC sa pangunguna ni
Linda Kapunan ay huminto na sa pagbibilang dahil di na nila kayang
tanggapin ang talamak na dayaan. Sa opisyal na bilang ng Batasan,
lumalabas na sina Marcos at Tolentino ang nanalo subalit hindi ito
tinanggap nang oposisyon. Dahil sa resultang, ito ay hinikayat ni
Cory Aquino ang mamamayang Pilipino na magprotesta. Isang
kampanya nang di pagsunod o civil disobedience ang inilunsad ni
Cory upang paalisin ang rehimeng Marcos.
ANG 1986 PEOPLE POWER

Naganap ang mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero 22


hanggang 25,1986 bunga ng pagmimithi ng mga mamamayang magkaroon ng
pagbabago sa bansa. Ang People Power o Lakas ng Bayan ay nagsimula nang
si Juan Ponce Enrile, Ministro ng Tanggulang Pambansa, at si Hen. Fidel V.
Ramos, ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang-Lakas ay tumiwalag sa
administrasyong Marcos. Naniniwala silang hindi si Marcos ang inihalal ng
taong bayan kundi si Cory Aquino kaya’t noong ika-22 ng Pebrero 1986 ay
ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa tungkulin. Sa pamamagitan ng
Radio Veritas, nanawagan sila sa mga mamamayang suportahan sila at
mabigyan ng proteksyon ang mga militar na tumiwalag sa pamahalaan.
Sa pangyayaring ito, nanawagan din si Marcos sa telebisyon,
nakiusap siya sa dalawang sumuko at itigil na ang kanilang
ginagawang paglaban sa pamahalaan. Subalit hindi sila natinag sa
kanilang ginawang desisyon. Lalong tumibay ang kanilang loob nang
manawagan sina Jaime Cardinal Sin at Agapito “Butz” Aquino, kapatid
ng yumaong Benigno Aquino, Jr. na tumungo ang mga tao sa Epifanio
Delos Santos Avenue (EDSA) sa paligid ng Kampo Crame at Kampo
Aguinaldo kung saan nagtatago sina Enrile at Ramos kasama ang iba
pang mga sundalo. Ilang saglit lamang ang lumipas at dumagsa na
ang napakaraming tao sa EDSA. May dala dala silang mga inumin, at
pagkain para sa mga sundalo. Dito naganap na nagsimula ang
tinaguriang People Power sa EDSA o EDSA I.
Ang Kabayanihang Ginampanan ng mga Pilipino sa Rebolusyon
sa EDSA

Ang unang pagsubok sa Lakas ng Bayan o People Power ay


naganap noong ika-23 ng Pebrero, kinahapunan ng Linggo nang
ang isang convoy na kinabibilangan ng tatlong batalyong sundalo sa
pamumuno ni Hen. Artemio Tadiar ay dumating sa EDSA. Ang
misyon nila ay gawin ang pinag-uutos ni Marcos, ang salakayin ang
Kampo Aguinaldo, subalit sila ay sinalubong ng People Power sa
panulukan ng EDSA at Ortigas. Nakaharap nila roon ang mga
kapwa nila Pilipinong tahimik na nagdarasal at umaawit. Sa halip na
salubungin ng galit ang mga sundalo ay inabutan nila ang mga ito
ng rosaryo, bulaklak, at pagkain. Dahil dito, hindi nagawa ng mga
sundalo ang pinag-uutos sa kanila.
Kinabukasan, ika-24 ng Pebrero, Lunes ng madaling araw, ay
isang pangkat naman ng mga sundalong marino ang inatasang
sumalakay sa Kampo Aguinaldo. Hinagisan nila ng mga tear gas ang
mga tao upang magkahiwa-hiwalay ang mga ito subalit sila ang
umurong sapagkat sa kanila pumunta ang usok ng tear gas. Hindi
nagtagal ay dumating naman ang mga helicopter gunships sa
pamumuno ni Kol. Antonio Sotelo. Nakadama ng takot ang mga tao
sapagkat wala silang kalabanlaban sa isang pagsalakay mula sa
himpapawid. Subalit isang himala ang naganap sapagkat ang mga
sakay ng helicopter ay pumanig sa kanila. Bago magtanghali nang
araw na iyon ay marami nang sundalo ang kumampi sa panig ng
oposisyon.
Ang Pagwawakas at Resulta ng Rebolusyon

Tinatayang umabot sa tatlong milyon ang bilang ng taong nakiisa


sa People Power sa EDSA. Sa lugar ng EDSA, sa Channel 4, at sa
mga lansangan patungong Malacañang ay makikita ang
nagkakaisang sambayanang Pilipino- pari ,madre, seminarista,
pastor, ministro, matanda, bata, mayaman, mahirap, kristiyano, at
maging hindi Kristiyanong ay magkakapit-bisig habang nagdarasal.
Buong tapang nilang sinalubong ang mga kanyon at tangke.
Pinakiusapan nila ang mga loyalistang sundalong huwag ipuputok
ang mga tangke at mga kanyon sa mga kapwa nila Pilipino. Sinikap
nilang palambutin ang kalooban ng mga kawal sa pamamagitan ng
pagngiti, at pagbibigay ng inumin at pagkain. Higit sa lahat,
nagdasal at nagkantahan ng makabayang awitin ang mga tao.
Noong Pebrero 25, ganap nang nagtagumpay ang sambayanang Pilipino.
Sa harap ni Mahistradong Claudio Teehankee, si Corazon C. Aquino ay
nanumpa bilang pangulo ng bansa, samantalang si Salvador Laurel ay
nanumpa bilang pangalawang pangulo sa harap ni Mahistrado Vicente Abad
Santos. Ang mahalagang pangyayaring ito ay naganap sa Club Filipino sa
Greenhills, San Juan na dinaluhan ng libu-libong Pilipino. Sa kabilang dako
naman, sa Malacañang ay nanumpa rin si Pang. Marcos bilang isang
pangulo diumano sa harap ni Punong Mahistrado Ramon Aquino. Ngunit
batid ng pamilyang Marcos na wala na silang magagawa upang sila ay
manatili pa sa posisyon dahil ang taong bayan na ang kanilang kalaban,
Dahil dito, noong gabi ng Pebrero 25,1986, ang pamilyang Marcos kasama
ang kanilang malalapit na kaibigan ay umalis sa Malacañang sakay ng
helicopter patungong Clark Field at mula rito ay tumuloy sa Hawaii.
Sa wakas ay natapos na ang pamumuno ni Pang. Marcos, Ang
mapayapang rebolusyong tumagal ng apat na araw ang siyang
nagbigay-wakas sa pamahalaang Marcos. Noong araw na iyon,
napuno ng kagalakan at nagdiriwang ang sambayanang Pilipino
sapagkat sa wakas ay kanilang naibalik ang tunay na demokrasya at
katarungang matagal na nilang inaasam-asam,
PAGLALAHAT
Questions & answers
Invite questions from the audience
THANK YOU

You might also like