You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
CALABARZON DIVISION
OF RIZAL BINANGONAN
SUB-OFFICE
DOÑA SUSANA MADRIGAL ELEMENTARY SCHOOL

W1 -LEARNING AREA: FILIPINO GRADE LEVEL: SIX


QUARTER: THREE DATE:

LESSON TITLE: Pagsagot sa mga Tanong


Pagbibigay ng Lagom o Buod at Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa
Napakinggan/Binasang Ulat at Tekstong Pang-impormasyon at
Pagbibigay ng Impormasyong Hinihingi ng Nakalarawang Balangkas
MELC: Nasasagot sa mga tanong sa napakinggan/binasang ulat at tekstong pang-impormasyon F6PB
IIId.3.2.1/F6PB-III c.3.2.2
Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan F6PN-IIIe19
Naiisa-isa ang mga argumento sa binasang teksto F6PB-IIIe-23
Naibibigay ang impormasyong hinihingi ng nakalarawang balangkas F6EP-IIIe-1.8

III: CONTENT/CORE CONTENT: Nakapagsasagawa nang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri
ng teksto at napapalawak ang talasalitaan
Nauunawaan ang binasa o napakinggang ulat at tekstong pang-impormasyon
Nasasagot ang mga tanong sa napakinggan/ binasang ulat at tekstong pang-
impormasyon
Naipakikita ang kahalagahan ng pagbabasa at pakikinig

IV. LEARNING PHASES: INTRODUCTION: (50 MINS)

LEARNING ACTIVITIES

A. Introduction
Panimula
20 minuto
Ang araling ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral sa ikaanim na baitang. Ito ang
magsisilbing panukat upang malaman ang antas ng iyong kaalaman.
Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay nauunawaan mo ng lubos ang mga sumusunod na aralin:

-pagsagot ng mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon


-pagbuo ng buod o lagom ng tekstong napakinggan
-pagbibigay ng impormasyong hinihingi ng bawat balangkas
-pag-iisa isa ng mga argumento sa binasang teksto.

Unahin muna natin ang pagtalakay kung paano ang wastong paraan ng pagsagot sa mga tanong.
Sa iyong palagay mahalaga ba ang pagbabasa at pakikinig ng mga tekstong pang-impormasyon? Bakit
importanteng pahalagahan mo ang pagbabasa at pakikinig ng mga impormatibong teksto?
Mahusay! Alam mo bang napakaimportante ng pagbabasa at pakikinig sapagkat ito ay magdudulot ng sapat na
impormasyon at sapat na kabatiran sa iyong paglago bilang isang mamamayang Pilipino. Gayundin ay
masasagot mo nang walang pag-aalinlangan ang mga tanong na maaari mong marinig o kaya ay mabasa.
Madali nating masasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nabasa o napakinggan kung uunawain natin o
isusulat natin ang mahahalagang detalye na ating narinig o nabasa. Mahalagang ikonsider ang mahahalagang
detalye nakapaloob sa konteksto gaya ng lugar, panahon, tauhan o karakter, at pangyayari. Gayundin, dapat na
batid mo kung paano sagutin ang mga tanong na ano, sino, saan, kalian, paano, bakit at iba pa. Upang higit mo
pang maunawaan ang mga ito ay maaari mong panoorin ang link na https://youtu.be/BzTaPiL9eTM. Mayroon
pang mga kasanayan na maaari mong tingnan sa Alab sa Filipino 6, pahina 14-15, 26-27.
Sa aralin ding ito ay iyong matututuhan ang mga hakbang at dapat tandaan sa pagbibigay ng lagom o buod.
Mahalaga sa pagbibigay ng lagom o buod ang maayos na pagkukuwento o pagsasalaysay upang maging
epektibo ang ating pagpapahayag o
pakikipagkomunikasyon. Kaya naman simulan na natin ang pagtuklas ng mga kaalaman tungkol sa pagbubuod.
Ang buod ay ang pinaiksing bersyon ng isang teksto. Pinipili lamang ang mga mahahalagang ideya at datos.
Nagtataglay rin ito ng mga magkakasunod na pangyayari.
Narito ang ilang mahahalagang hakbang sa pagbubuod ng tekstong napakinggan:
1. Pakinggan mong mabuti ang buong teksto.
2. Tukuyin mo ang pangunahing paksa.
3. Magsulat o magtala ng mga susing salita o keywords.
4. Pag-ugnayin ang mga mahahalagang ideya.
5. Isulat ang buod gamit ang sariling salita. Siguraduhing magkakasunod ang mga pangyayari o maayos ang
organisasyon ng teksto.
Ngayon ay subukan natin ang husay mo! Hanapin sa loob ng word search puzzle ang tatlo sa mga katangian ng
isang buod.
1
m a i k l i
a h k m a t
l o e f r u
i p j d a l
n s u r e p
a w n u u b
w t c h a n
m a a y o s

Nahanap mo ba ang mga salita?


Ang mga salitang ito ay maikli, malinaw at maayos. Ang mga katangiang ito ay dapat taglayin ng isang lagom
o buod. Upang madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa pagbibigay ng buod maaaring panoorin ang
educational video sa link na ito:
https://www.knowledgechannel.org/archives/aiovg_videos/grade-6-filipino-paggawa-ng-lagom-o-buod-
alikabuk.
Gayundin ay iyong matututuhan ang pag-iisa-isa ng mga argumento sa binasang teksto.

Ang tekstong argumentibo na naglalayon ding kumbisihin ang mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay
sa opinyon o damdamin ng manunulat, batay ito sa datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Ang tekstong
argumentatibo ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong
ito, ang manunulat ay kailangang maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan.
Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan ang katotohanan ng kaniyang
ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede niyang gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan, kaugnay
na mga literatura, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
Ang layunin ng argumento ay mabigyan ng ideya ang mga tao. Ginagamit rin Ito kapag nangangatwiran ka.
Kadalasang ginagamit ang argumento sa debate. Ito ay mabisang panghihikayat at di mapasusubaling
pagsisiwalat ng mga prinsipyo o paninindigan. Sa tekstong argumentatibo, ang pangangatwiran ay nararapat
na maging malinaw at lohikal, kahit pa ang layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na
isyu o usapin. Upang higit mo pang maunawaan ang tungkol sa argumento ay subukan mong tingnan ang link
na ito, https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-argumentatibo/
Paghusayin mo pa ang iyong kaalaman sa araling itong, tingnan mo ang aralin sa Alab Filipino pahina 128-130
may mga halimbawa ng argumento rito.
Pinakahuli, iyo ring matututuhan ang kasanayan sa pagsulat ng isang balangkas mula sa hinihinging
impormasyon.
Isang paraan upang makapagsulat ng isang epektibong talata ay ang paggawa ng balangkas.
Ang balangkas ay isang maayos at sunud-sunod na banghay o buod na naglalahad ng mahahalagang paksa,
kaisipan pangyayari o detalye mula sa hinihinging impormasyon. Mayroon itong pangunahing kaisipan o diwa at
mga sumusuportang detalye.

B. Development
Pagpapaunlad
30 minuto
.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Ngayon ay ipabasa sa sinumang kasama sa bahay ang kuwentong pinamagatang, Si Ging-Ging Palahingi, na
matatagpuan sa pahina 148-150 ng aklat na Alab Filipino 6. Pakinggan itong mabuti. Pagkatapos ay sagutan
ang mga tanong at isulat sa iyong sagutang papel ang tamang sagot.
1. Ano ang pangalan ng mga matalik na kaibigan ni Ging-Ging?
2. Bakit malimit manghingi ng pagkain si Ging-Ging sa kanyang mga kaibigan?
3. Bakit naiinggit si Angela kay Ging-Ging?
4. Paano nakasali sa patimpalak si Ging-Ging sa kabila ng kahirapan sa buhay?
5. Paano nagtagumpay ang pangkat ni Ging-Ging?
Mahusay! Alam kung nasagot mo ang mga tanong na ito.
Sunod nating tingnan ang iyong husay sa pagbibigay ng lagom sa binasang teksto.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Mahalaga sa pagbubuod ang maayos na daloy ng mga pangyayari. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa
pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5 sa patlang.
_____ Isang araw, ibinalita ng kanilang gurong si Bb. Luna na magkakaroon ng patimpalak sa pagguhit.
_____ Madalas humingi ng baon si Ging-Ging sa kanyang mga kaibigan kung kaya’t tinutukso siya ng iba.
_____ Ipinagtanggol si Ging-Ging ng kanyang mga kaibigan sa mga nanunuksong kamag-aral dahil alam nilang
kapos sa buhay si Ging-Ging.
_____ Sumali sa patimpalak sina Ging-Ging, Fe at Liza bilang isang pangkat. Pinahiram nila si Ging- Ging ng mga
pangkulay.
_____ Nanguna at nagwagi sa patimpalak ang pangkat nina Ging-Ging.

Gawain sa pagkatuto Bilang 3:


Ngayon naman ay subukan natin ang iyong husay sa pag-iisa isa ng mga argumento. Mula sa tekstong Si Ging-
Ging Palahingi na iyong binasa, tama ba na bigyan ng pantay na karapatan ang bawat mag-aaral, mahirap
2
man o mayaman? Bakit? Gamit ang limang pangungusap, isulat mo ang iyong argumento sa isang malinis na
sagutang papel.

Gawain sa pagkatuto Bilang 4:


Subukin naman natin ang husay mo sa pagbabalangkas.
Ibigay ang hinihinging impormasyon ng sumusunod na balangkas.
Mga Karapatan at Tungkulin ng mga Mag-aaral
I. Mga Karapatan
A. __________________________________________________________
B. ________________________________________________
C. ________________________________________________
D. ________________________________________________
II. Mga Tungkulin
A. ________________________________________________
B. ________________________________________________
C. ________________________________________________
D. ___________________________________________________________

C. Engagement
Pakikipagpalihan
40 minuto
Pagtibayin pa natin ang iyong mga natutuhan. Ipabasa sa sinumang kasama sa bahay ang teksto. Pakinggan
itong mabuti at unawain. Pagkatapos, sagutan ang mga gawain sa ibaba.
Ang bagyo ay isang malakas na malakas na ulan na may kasamang matinding hangin na mabilis na mabilis ang
pag-ikot. Tulad ito ng isang napakalaking kono ng sinulid na sadyang nakapangangamba kung ito ay tatama sa
kalupaan. May pagkakatulad ito sa buhawi na binubuo ng mapanganib na ipui-po. Ngunit mas mapanganib
ang bagyo sapagkat ito ay mas malaki at mas malakas. Umaabot ang ang sukat ng diyametro nito ng ilang
daang milya, samantalang ang diyametro ng buhawi ay iilang dipa lamang. Sa pinakasentro ng bagyo ay may
isang tahimik na bahagi na tinatawag na mata. Sa mata ng bagyo umiikot ang pinakamatinding hanging
kasama ng bagyo.
Tinatawag naman ng mga Tagalog na siyam-siyam ang isang tuloy-tuloy na pag-ulan, samantalanag tinatawag
naman ito ng mga weathermen na monsoon rain mula sa Arabic na mausim na nangangahulugang season.
Itinuturing na panahon ng tag-ulan sa Pilipinas ang buwan ng Mayo hanggang Setyembre. Halos 20 bagyo ang
dumarating sa Pilipinas taon taon.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Matapos mong basahin ang ulat, ngayon ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat mo ang iyong
sagot sa isang malinis na sagutang papel.
1. Ano ang bagyo?
2. Gamit ang semantic web, ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bagyo at ng buhawi.

bagyo pagkakatula buhawi

3. Ano ang pinakasentrong bahagi ng bagyo?


4. Sa iyong palagay, bakit kaya tila sa kaunlaran na teknolohiya at kaalaman ng tao tungkol sa kalikasan, wala
pa rin sa kanya ang kakayahang kontrolin ito?
5. Sa paanong paraan magpaghahandaan ng mga tao ang pinsalang maaring maidulot ng kalamidad na
dumarating?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:


Nakaranas na ba kayo ng malakas na ulan o bagyo? Ano-ano ang masasamang epekto nito? Magtala ng
limang argumento tungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa mali nis na sagutang papel. Ang nasa unahan ay
halimbawa ng argumento na maaari mong sundan.
1. Marami o may ialan sa mga Pilipino ay winawalang bahala ang mga sakunang darating sa bansa, nagigising
na lamang sila sa katotohanan kapag naganap na ang sakuna.
2. __________________________________________________
3. __________________________________________________
4. __________________________________________________
5. ___________________________________________________

D. Assimilation
Paglalapat
10 minuto
Binabati kita sapagkat napagtagumpayan mo ang lahat ng pagsusulit. Ngayon naman ay sagutan mo sa
sagutang papel ang sumusunod:
Masasagot mo ng tama ang mga tanong kung ___________ mo at __________ nang mabuti ang tekstong iyong
binabasa o pinakikinggan.
Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag.
Nakatutulong sa aking buhay ang wastong pagbubuod ng napakinggang teksto dahil
__________________________________.
3
Laging tatandaan na sa pagbibigay ng sariling argumento o opinyon sa tekstong nabasa maaari kang
____________ o _____________ sa bawat paksa.
Napapadali rin ng isang balangkas ang pagbubuod at pag-uunawa sa isang akda. Kinakailangang unawaing
mabuti ang talata upang ___________________________.

V. ASSESSMENT
20 minuto
Written Work No. 1
A. Panuto:Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.Isulat/Bilugan lamang ang titik ng
tamang sagot.
(Multiple Choice)
Ang Manggagawang Hindi Marunong Magpatawad
Isang takipsilim ay lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong, “Panginoon, makailan pong beses kong
dapat na patawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkasala sa akin? Makapito po ba?”
Sinagot naman siya ng Panginoon. “Hindi ko sinabing makapito kundi kahit ilang ulit pa nito. Sapagkat ang
paghahari ng Diyos ay katulad ng kuwentong ito:
May isang hari na nagpasiyahang singilin na ang mga manggagawang may utang sa kanya. Sa lahat
ng may utang ay unang dinala sa kanya ang may pinakamalaking halagang nahiram na salapi. Nagkahalaga
ng 10,000,000 piso ang kabuuang dapat bayaran ng manggagawang ito.
“Napakatagal na ng utang mo sa akin ngunit ni isang sentimo’y di mo pa ako nagawang bayaran. Sige
ngayon din ay magbayad ka kung ayaw mong makulong!” mariing wika ng hari.
“Ngunit mahal na hari, wala pa po akong salapi na maaari kong maibigay sa inyo!” takot na takot na
wika ng manggagawa.
“Kung gayon ay ipagbili mo ang iyong sarili sa akin! Ang iyong asawa, anak, at lahat ng iyong ari-arian!
Ikaw at ang iyong buong pamilya ay paglilingkuran ako sa mahabang panahon!” ani ng hari.
Nagmamakaawang nanikluhod ang manggagawa sa harap ng hari at lumuluhang nagwikang, “Mahal
na hari, parang awa na po ninyo. Bigyan pa po ninyo ako ng sapat na pagkakataong makabayad ng aking
mga utang. Ipinapangako ko pong babayaran ko ang lahat ng utang ko sa inyo.”
Likas sa hari ang pagkakaroon ng pusong-mamon kaya naman pinatawad na nito ang may utang at
pinayaon na siya.
Ngunit, pagkaalis ng manggagawa sa kaharian ay bigla niyang nasalubong ang isang kapwa
manggagawa na may utang din sa kanya ng 500 piso. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay sabing, “Ikaw!
Magbayad ka na sa akin ng iyong utang! Tatlong buwan na’y kahit piso’y wala ka pang naibibigay sa akin
palibhasa’y isa kang patay-gutom!”
Naglumuhod din ang kanyang kapwa manggagawa at nagwikang: “Bigyan mo pa ako ng sapat na
panahon at mababayaran din kita.”
“Hindi maari! Sapat na ang palugit na ibinigay ko sa ‘yo at isa pa’y amoy-lupa ka na at mahihirapang
makabayad! Ipakukulong kita at di ka makalalabas ng piitan hanggang hindi ka nakakabayad sa akin o ang
iyong pamilya.” Nagpatuloy sa pagmamakaawa ang nasabing manggagawa ngunit nagtaingang-kawali
lamang ang unang manggagawa.
Gayon nga ang ginawa niya sa kanyang kapwa manggagawa. Ipinabilanggo niya ito at hindi
nakalabas nakalabas ng bilangguan hangga’t hindi nabayaran ang utang na 500 piso sa kanya.
Samantala, may isang kapwa lingkod na nakaalam ng kanyang ginawa at labis na nagdamdam kaya’t
isinumbong siya nito sa hari.
“Mahal na hari, ang isa sa mga manggagawa ninyong nagkautang ng 10,000,000 piso at inyong pinatawad ay
nagpakulong ng isang kapwa manggagawa na nagkautang naman sa kanya ng 500 piso. Nakalabas lamang
ito ng bilangguan nang makapagbayad ito sa kanya.” Sumbong ng isang manggagawa.
Nagalit ang hari at ipinatawag ang manggagawang gumawa nang gayon. “Ikaw, napakasama mo! Pinatawad
kita sa utang mo sa akin dahil nahabag ako sa iyo, hindi ba’t dapat ka ring mahabag sa kapwa mo? Pero bakit
ganoon ang ginawa mo sa iyong kapwa manggagawa?”
“Ngayo’y ipararanas ko sa iyo ang ginawa mo sa iyong kapwa. Mga kawal, ibilanggo ang lalaking ito at huwag
siyang palayain hanggang hind nakakabayad ng lahat ng utang niya sa akin.”
Matapos ang kuwento, nagwika ang Panginoon kay Pedro, “Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa
langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong mga kapatid.”
---Bibliya. Mateo18:21-

1.Bakit lumapit si Pedro kay Hesus?


A.Hihingi ng tawad C.Magsusumbong
B.Magtatanong D.Mananalangin
2.Ano ang kanyang itinanong sa Panginoon?
A.Ilang beses ko po patatawarin ang aking kapwa?
B.Ilang beses na po akong nagkamali?
C.Paano po ang gagawin ko?
D.Hindi ko na po ba siya patatawarin?
3.Paano nagsumamo ang manggagawa sa Hari upang siya ay patawarin?
A.naglupasay B.tumayo C.lumuhod D.humiga
4.Ano ang naipamalas ng hari ng patawarin niya ang manggagawang may malaking pagkakautang sa kanya?
A.mapagmataas B.mapagmahal C.mababang loob D.mahigpit

B.Panuto:Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat pangungusap upang maibigay ang buod ng tekstong binasa.
________5. Nagalit ang hari at ipinatawag ang manggagawang gumawa nang gayong pagpaparusa sa
kanyang kapwa manggagawa.
4
________6. May isang hari na nagpasiyahang singilin na ang mga mangga-gawang may utang sa kanya.
________7. Likas sa hari ang pagkakaroon ng pusong-mamon kaya naman pinatawad nito ang may malaking
pagkakautang sa kanya.
________8.Walang awang ipinabilanggo ng manggagawa ang may utang
sa kanyang 500.
C.Panuto:Isulat ang Tama kung ang pahayag ay tekstong argumento at Mali kung hindi.
_______9. Dapat bang patawarin ang nagkasala kahit ito ay pauli-ulit
_______10. Sige pinatatawad na kita,pwede ka ng umalis
_______11. Kailangang parusahan ang sinumang lumabag sa kautusan ng hindi binibigyan ng pagkakataong
ipaliwanag ang kanyang saloobin/panig
_______12.Inalipusta ng manggagawa ang kapwa nya manggagawa
D.Panuto:Isulat ang hinihinging impormasyon sa balangkas.(Batay sa binasang teksto.
Mahahalagang Pangyayari sa Kwento
13._______________________________
14._______________________________
15._______________________________

W2 LEARNING AREA: FILIPINO GRADE LEVEL: SIX


QUARTER: THREE DATE:

LESSON TITLE: Gamit ng Pang-angkop at Pangatnig

MELC: Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig F6WG-IIIh-11 / F6WG-IIIi-10

III: CONTENT/CORE CONTENT: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng


sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
● Natutukoy ang mga pang-angkop at pangatnig
● Nakasusulat ng talata o usapan gamit ang pangatnig at pang-angkop.
● Naipapakita ang pagpapahalaga sa kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon.

IV. LEARNING PHASES: INTRODUCTION: (50 MINS)

LEARNING ACTIVITIES

A. Introduction
Panimula
30 minuto
Inaasahang sa araling ito ay mapapaunlad mo ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga pangatnig at pang-
angkop sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon at pagsulat ng talata.
Sa mga nakalipas na taon ay napag-aralan mo na ang pang-angkop at pangatnig.
Ano ba ang pangatnig? Ano ba ang pang-angkop?
May pagkakaiba ba sa pangatnig at pang-angkop?
Upang lubos mong maunawaan at mapalawak ang iyong kaalaman sa aralin, basahin mo at unawain ang nasa
ibaba.

Ang pangatnig ay mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita at parirala. Nakatutulong ang mga pangatnig
na ito sa pagbubuo ng diwa sa buong pangungusap.
Ginagamit ang mga pangatnig na o, ni, maging bilang pamukod.
Pinagbubukod ng mga ito ang mga kaisipang pinag-uugnay.

Halimbawa: Ayaw kitang madapa ni makagat ng lamok noong maliit ka pa.

Ginagamit naman ang at, saka, pati kapag may idaragdag na salita , panimula, o sugnay.

Halimbawa: Ang mga lumang bote at papel ay maaari pang mapakinabangan.


Kapag sinalungat ang ikalawang kaisipang unang ipinahayag na kaisipan, pangatnig na ngunit, subalit,
datapwa’t, at iba pa ang ginagamit.

Halimbawa: Dumating ako sa tagpuan natin ngunit wala ka na.


Narito pa ang ilang halimbawa ng pangatnig: sa , bagkus, sakali, kaya,kapag, samantala, anupa’t , datapwat,
at iba pa.

Ang pang-angkop naman ay mga katagang ng, na at g. Inuugnay nito ang dalawang magkaibang salita
upang makabuo ng parirala

Narito ang gamit ng mga nasabing pang-angkop:


ng - ginagamit kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa mga patinig at idinurugtong ito sa nasabing unang
salita.
Halimbawa: trahedyang masaklap

5
na - ginagamit ito kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa katinigna n, Inihihiwalay ito sa
unang salita.
Halimbawa: masaklap na trahedya
g - ginagamit ito kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n at idinurugtong ito sa unang salita.
Halimbawa: bayang kawawa

B. Development
Pagpapaunlad
20 minuto
Marahil ngayon ay lubos mo nang naunawaan ang paggamit ng pang-angkop at pangatnig.
Subukan mo nang sagutan ang mga gawain sa ibaba.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin sa panaklong ang angkop na pangatnig o pang-angkop upang mabuo ang
pangungusap. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
1. Mahalagang pagtuunan ng ibayong pansin ang agham at teknolohiya (dahil, upang ngunit) ____umunlad
ang ating bansa.
2. Dahil sa pag-unlad ng transportasyon at industriya (kaya, ngunit, saka) ___________may problema sa polusyon.
3. Ang agham (at, o, na) _________teknolohiya ay pag-aaral tungkol sa isang tiyak na mapaglikhang karunungan
ng tao.
4. Umalis pantungo (na, g, ng) ____________probinsiya ang mag-anak.
5. Ipinangako niya sa sarili (g, ng, na) ________lalo siyang magsisipag sa pag- aaral.

Sagutin: Paano ginamit ang mga pang-angkop at pangatnig sa bawat pangungusap?


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at suriin ang talata sa ibaba. Tukuyin ang mga pang-angkop at
pangatnig na ginamit dito. Pagkatapos ay gamitin ang mga ito sa pagbuo ng pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Napakayaman ng Lungsod ng Cavite sa kagandahang naipagkaloob ng kalikasan, tulad ng magandang
tanawin, malalago at masaganang pananim Dahil dito, maraming turista ang mga dumarayo. Lalo na ang mga
Pilipinong naninirahan sa ibang dako ng bansa upang maipakita ang suporta bilang pagtangkilik sa sariling atin.
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________

C. Engagement
Pakikipagpalihan
30 minuto
Ngayong napagtagumpayan mo na ang mga gawain sa unang bahagi dumako ka na sa susunod na mga
pagsasanay.
Pagtibayin mo ang iyong mga natutuhan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pumili ng isa sa mga larawan na may kaugnayan sa iyong karanasan. Sumulat ng
talatang naglalarawan o nagsasalaysay tungkol dito. Salungguhitan ang mga pang-angkop at pangatnig na
ginamit mo sa iyong talata.

pagpapakain ng pagtulong sa paggalanag sa kainan kasama ang


alagang hayop gawaing bahay magulang/nakatatanda mag-anak

Rubrik sa Paggawa ng Talata 3 2 1

Nilalaman
□ pagsunod sa uri at anyong hinihingi
Balarila
□ wastong gamit ng wika/salita
□ baybay, bantas. estruktura ng pangungusap
Hikayat
□ lohikal na daloy ng mga ideya
□ pagkakaugnay ng mga ideya

6
D. Assimilation
Paglalapat
10 minuto
Sa pagkakataong ito, alamin natin ang yong mga natutuhan. Basahin mo at unawain ang nasa ibaba at punan ng
tamang sagot ang bawat patlang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Sa aking mga isinagawang gawain ay natutuhan ko ang wastong paggamit ng mga _____ at _____ .
Ang _______ ay______ samantalang ang__________ naman ay ________________________.
.
Mahalaga ang__________at_________ dahil . ______.

V. ASSESSMENT
20 minuto

Written Works No. 2


Sagutin ang pagtataya na ginawa ng guro.

Panuto:Basahin ang bawat pangungusap.Bilugan ang wastong pang-angkop o pangatnig na dapat gamitin sa bawat
pangungusap.
1.Umalis patungo ________ probinsya ang mag-anak nina Nyl at Eiron.
A. na B. ng C. at D.g
2.Sinuklian sila ng drayber ng limandaan ______ piso.
A. na B. ng C. at D.g
3.Makikipaglaro sila sa kanilang mababait _______ pinsan.
A. na B. ng C. at D.g
4.Malusog _____ malakas ang katawan ni Manny.
A.ni B.at C.o D.ng
5.Kailangan ang regular na ehersisyo _______ manatili sa kundisyon ang katawan.
A. kaya B.upang C.dahil D.samantala

W3 LEARNING AREA: FILIPINO GRADE LEVEL: SIX


QUARTER: THREE DATE:

LESSON TITLE: Panlapi at Salitang Ugat

MELC: Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang ugat F6PT-IIIj-15

III: CONTENT/CORE CONTENT: Naisasagawa ang mga kasanayan sa pagbuo ng bagong salita gamit
ang panlapi at salitang ugat
● Natutukoy sa pangungusap ang salitang ginamitan ng panlapi at salitang ugat.
● Nakasusulat ng bagong salita na ginamitan ng panlapi at salitang ugat
● Pagpapakita ng pagpapahalaga sa pag-unawa sa aralin

Introduction
Panimula
40 minuto

Inaasahang sa araling ito ay iyong matututunan ang pagbuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang
ugat.
Sa palagay mo dapat bang malaman ang tamang paggamit ng panlapi at salitang ugat sa pagbuo ng mga salita?
Bilang ating pasimula atin munang alamin o pagtalakayan kung ano ba ang panlapi at ano ang salitang ugat.
Ano ba ang panlapi?
Panlapi - ginagamit upang makabuo ng panibagong salita. Ang mga ito ay idinudugtong sa salitang -ugat---
maaaring sa unahan, sa gitna o sa hulihan.
Uri ng Panlapi
1. Unlapi
Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi ay ma-, ,mag-, na-, nag-,
pag-, pala-, atbp.
Halimbawa:
magtanim mahusay pagkabigat makatao nahulog palabiro
2. Gitlapi
Ito ay ginagamit sa gitna ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlapi ay -um-, at -in-
Halimbawa:
Pinasok pinalitan
Gumagamit tumakbo sumayaw
3. Hulapi
Ito ay nasa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -hin.
Halimbawa:
palitan basahin pinagsabihan sabihin
Kabilaan- ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang ugat.
Halimbawa:
Kasamahan Kaligayahan kaibigan
Ano ang Salitang Ugat?
7
Salitang ugat - Ito ay isang salita na walang dagdag, samakatuwid, ito ay salitang buo ang kaniyang kilos
Halimbawa:
takbo awit alis laba punta sugod bili kain
iyak sayaw
Tingnan ang Talasalitaan sa Alab Pahina 168 at pag-aralan.
Para sa inyong lubos na pagkatuto sa ating aralin buksan at pag-aralan ang nasa link na ito:
https://www.slideshare.net/mariavictoriaomos/salitang-ugat-at-panlapi
Ngayong natutunan mo na ang panlapi at salitang ugat. Subukin natin ang iyong natutunan.
Tingnan ang tsart at mga salita o salitang ugat sa loob nito at bumuo ng bagong salita gamit ang panlapi at salitang
ugat.
Panuto: Bumuo ng bagong sa mga salita na nasa ibaba.
1. aral
2. linis
3. sulat
4. kain
5. pasok

B. Punan ang salitang ugat ng tamang panlapi upang makabuo ng bagong salita.
SALITANG UGAT NABUONG SALITA
igib
luto
walis
saing
Gawain sa Pagkatuto : Bumuo ng tig dadalawang bagong salita mula sa sumusunod na salitang ugat gamit ang iba’t
ibang panlapi.
Salitang Ugat Mga bagong Salita
a
1. aral
b
a
2. sulat
b
a
3. pasok
b
D. Assimilation
Paglalapat
10 minuto
Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap.
Masasagot mo ng tama ang mga pagsasanay kung natutunan mo na ang __ng bagong salita gamit ang _____at ang
___________ .
Nakakatulong sa aking buhay ang pagbubuo ng gamit ang ________ at___________ .
Laging tandan na sa pamamagitan ng paggamit ng panlapi at salitang-ugat ay mas mapapadali ang pagbubuo ng sa
pagsasama nito sa pangungusap.
Napapadali rin ang pagbubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng pagbuo ng pangungusap.
Binabati kita kaunti na lamang at mapapagtagumpayan mo na at matatapos na ang araling ito

V. ASSESSMENT
20 minuto

Written Works No. 2


Panuto:Bumuo ng bagong salita gamit ang mga panlapi at salitang-ugat upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap.Hanapin ang wastong panlapi sa ibaba.Isulat ang sagot sa patlang.
6.Madalas ang (away) ng magkapatid Cally at Cathy dahil sa mga hugasin._________
7.(Walis)ni Aling Maria ang lahat ng kalat sa kanilang paligid.__________
8.Mahusay (awit) ang artistang si Sarah G.____________
9.(Laba) ng mga maruming damit ang nanay ko kahapon.____________
10.Mahilig(laro)ng ML ang maraming kabataan sa ngayon.____________
an ma in mag nag um

Panuto:Punan ang bawat kolum ng bagong salitang mabubuo gamit ang


panlapi.
Salitang -Ugat Unlapin(ag) Gitlapi(um) Hulapi(an,han)
simba 11. 12. 13.
linis 14. luminis 15.

W4 LEARNING AREA: FILIPINO GRADE LEVEL: SIX


QUARTER: THREE DATE:

LESSON TITLE: Pagsusuri ng Pahayag kung Opinyon o Katotohanan Paguulat tungkol sa Pinanood.

MELC: Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan. F6PB- IIIj – 19


Nakapag-uulat tungkol sa pinanood. F6PD-IIIc-j-15 5

III: CONTENT/CORE CONTENT: Naisasagawa ang kasanayan sa pag-uulat ng tungkol sa pinanuod at na


8
susuri kung ang pahayag ay opinyon o Katotohanan.
● Matukoy ang mga salitang ginamit sa pagtukoy ng pahayag na opinyon at katotohanan
● Makasulat ng pahayag na katotohanan at makapag – ulat ng pinanood sa pamamagitan ng bidyong
panoorin.
● Maunawaan ang mga kilos at pahayag na ginamit sa pinanood kung opinyon o may katotohanan.

A. Introduction
Panimula
Araw-araw, maraming impormasyon tungkol sa iba’t ibang bagay ang nababasa natin sa pahayagan, napapanood sa
Internet, sa mga aklat, o naririnig at napapanood mula sa mga programa sa radyo o telebisyon.
Mainam na malaman natin kung ang isang pahayag ay isang katotohanan o isang opinyon.
Sa araling ito ay ating matututunan kung ang mga pahayag na ginamit ay opinyon o katotohanan. Atin ding matatalakay
kung paano nga ba mag- ulat sa ating napapanood, ito bay may katotohanan o pawang mga opinyon lamang ? Nais na
ba ninyo malaman mga bata ?Halika at sabay- sabay nating tuklasin ?
Ang isang pahayag ay katotohanan kung ito ay nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat
na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaring mapatunayan ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.
Ang isang pahayag naman ay isang opinyon kung ito ay isang pananaw lamang ng isang tao o pangkat na maaring
totoo pero maaring pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon , mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
Ating pag – aralan ang ilang halimbawa upang mas lalo ninyong maunawaan.
Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinion ay maaring gumamit ng mga sumusunod na mga pananda:
● Katotohanan – batay sa resulta, pinatutunayan ni , mula kay, sang – ayon sa , tinutukoy ng

Halimbawa :
1. Batay sa tala ng DepEd, unti – unti nang nababawasan ang mga out-of-school youth.
2. Mababasa sa resulta ng mga mananaliksik sa larangan ng
Edukasyon na maraming gumagamit ng modular platform sa pag-aaral.
● Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, para sa akin, sa ganang akin.
Halimbawa :
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkakaibigan ang tiwala sa isa’t isa.
2. Sa aking palagay,mas nauunawaan ng mga mag- aaral ang online platform sa pag- aaral.

Ang pag-uulat ay pagbibibgay ng impormasyon sa publiko maaring telebisyon o radyo. Maari din itong nakita o
naobserbahan sa kapaligiran o pamayanan. Ito ay maaring pasalita o pasulat. Ano – ano nga ba ang mga kasanayan o
mga dapat tandaan sa pag – uulat ng mga pinanood? Basahin natin upang ating maunawaan.
Mga Dapat Tandaan sa Pag – uulat ng Pinanood
● Habang nagsasalita o nagsusulat gawing mahalaga ang bawat pangungusap sa paksa.
● Bigkasin ng malinaw ang mga salita o isulat nang tama ang mga pangungusap.
● Ipahiwatig ng kawili – wili ang mga iniuulat
● Gumamit ng mga wasto at tiyak na pananalita
Natalakay na natin ang mga impormasyon o detalye sa ating paksa ngayon.Handa na ba kayo sa mga gawain ?

B. Development
Pagpapaunlad
45 minuto
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Tingnan ko nga kung inyong naunawaan ang detalye tungkol sa ating paksa ngayon na
tinalakay sa itaas.
Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa kahulugan ng opinyon at katotohanan. Punan ang concept map sa ibaba.
Gawin ito sa inyong sagutang papel

Opinyon

Katotoha
nan

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Katotohanan / https://brainly.ph/question/303043


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
.Naunawan ba ninyo ang pagkakaiba ng opinyon at katotohanan sa talakayan sa itaas?
Ngayon mga bata ay sukatin natin ang inyong mga kaalaman. Sa patlang ay isulat kung ang pahayag ay opinyon o
katotohanan. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
_____1.Mas matalino raw ang mga kabataan noon kaysa ngayon.
_____2.Iba’t- ibang impormasyon, kaalaman at iba pang uri ng pahayag ang matutunghayan sa google.
_____3.Sabi nila, bihira na ang mga taong inuuna ang bayan bago ang sarili.
_____4.Ang Blog ay tumutukoy sa mga online na pagpapahayag.
_____5. Sa tingin ko, maraming kabataan ang nagpapahayag ng saloobin sa blog.
Sanggunian: KATIG 6 , Pagbasa at Gramatika pp. 261-262
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 9
Hindi lingid sa ating kaalaman na muling nag aalburuto ang Bulkang Taal. Maging mapagmatyag o obserbahan ang
nangyayari.Gumawa ng isang ulat tungkol sa napapanood o naririnig tungkol dito,Gawin ito sa sagutang papel at sundin
ang mga gabay sa pag - uulat

PAMANTAYAN SA PAG- UULAT NG PINANOOD


● Habang nagsasalita o nagsusulat gawing mahalaga ang bawat pangungusap sa paksang ibinigay ng guro
● Bigkasin ng malinaw ang mga salita o isulat nang tama ang mga pangungusap.
● Ipahiwatig ng kawili – wili ang mga iniuulat
● Gumamit ng mga wasto at tiyak na pananalita

C. Engagement
30 minuto
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Narito pa ang iba pang mga gawain para sa iyo at gawin ito sa inyong sagutang papel.
Sa iyong sagutang papel. Isulat ang O kung ang pahayag ay Opinyon at K kung Katotohanan.
1. Naging Pangulo ng Pilipinas Sina Corazon Aquino, Fidel Ramos, at Gloria Arroyo.
2. May pananagutan sa batas ang nasabing pulis kaya siya ay nagtatago.
3. Napakaganda raw ng bansang Pilipinas.
4. Magaganap ang susunod na halalan sa Mayo 2022, ayon sa Comission on Election.
5. Siguro ay papayagan na ako ng aking nanay na lumabas dahil tapos ko na ang aking mga gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Kumakalat ngayon ang 2nd Phase ng Pandemyang Covid 19.Gumawa ng ulat tungkol dito batay sa iyong napapanood o
naoobserbahan sa pamayanan. Sundin ang mga patnubay na tanong upang magawa ninyo ang isang pag –
uulat.Gawin ito sa sagutang papel at sundin ang Rubriks
1. Tungkol saan ang iyong pinanood ?
2. Anong iyong naobserbahan sa iyong pinanood ?
3. Sa mga detalye na iyong napanood o narinig, ito ba ay makatotohanan o pawang mga opinyon lamang ?
4. Ano ang iyong magagawa upang maiwasan mo ang ganitong uri ng pandemya na kumakalat ?
5. Ano – anong pag – iingat ang ginagawa?
6. Anong aral ang iyong nakuha batay sa napanood mo ?
RUBRIKS SA PAG -UULAT NG PINANOOD
Pamantayan 3 2 1
Naiulat o naisulatnang buong husay ang
impormasyon o detalye ng paksa
Naisulat nang tama ang mga pangungusap

Nagamit nang tama at tiyak ang mga


pananalita

D. Assimilation
Kumusta ang mga natapos na gawain ?Naunawaan ba ninyong mabuti ang ating paksa ngayon ?Maari na ba
ninyong masuri kung ano ang opinyon at katotohanan na pahayag ?Mayroon kayang pagkakatulad ang dalawa?
Kung alam na ninyo ay makakaya na ninyo itong sagutan. Gawin sa papel.
A. Ang na pahayag ay tumutukoy sa mga _____________ o haka – haka lamang. Ito ay Maaring_________ o hindi.
Ang katotohanan na pahayag ay base sa totoong_________ at napatunayan na ito ay hindi ________at maaring
mapatunayan ng mga nakasaksi.
B. Ang pag- uulat ay pagbibigay ng sa________ .Ito ay maaring makita sa TV o_________ . Ito ay maaring pasulat
o____________ .

V. ASSESSMENT WRITTEN WORKS NO. 3


Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay opinyon o katotohanan. Isulat lamang ang O kung Opinyon at
K kung katotohanan.

______1. Ang paglaganap ng corono virus ang dahilan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng mga bayan.
______2. Mga matatanda at sakitin lamang ang tinatamaan ng Covid-19.
______3. Delta Variant ang pinakabagong bersyon ng Covid-19.
______4. Ang pagsuot ng facemask at paggamit ng alcohol ang pangunahing kinakailangan upang makaiwas sa
Covid-19.
______5. Ang pamahalaan ay naglaan ng libreng bakuna laban sa Covid-19 para sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas.
______6. Hindi kailanman magkakasakit ng Covid-19 ang mga may bakuna laban sa covid-19.
______7. Napakarami na ng namamatay dahil sa Covid-19.
Hindi biro ang pagsugpo sa Covid-19.

W5 LEARNING AREA: FILIPINO GRADE LEVEL: SIX


QUARTER: THREE DATE:

LESSON TITLE: Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t Ibang SItwasyon .

MELC: Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap.F6WG-Iva-j-13

III: CONTENT/CORE CONTENT: Nagagamit sa usapan ang mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon:
o Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pangungusap;
o Nakabubuo ng mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon;
o Naisasabuhay ang pagamit ng mga uri ng pangungusap sa maayos at epektibong pakikipagtalastasan.
10
A. Introduction
Panimula
30 minuto
Sa araling ito ay mapapalawak ang iyong kaalaman sa paggamit ng mga uri ng pangungusap sa usapan at sa iba’t
ibang sitwasyon. Inaasahan ding malinang ang iba’t ibang kasanayang pangwika upang magamit sa epektibong
pakikipagtalastasan.
Basahin nang madamdamin ang bawat pangungusap sa tulong ng mga bantas.
1. Inay, ito po ang regalo ko sa inyo.
2. Inay, ito po ba ang regalo ko sa inyo?
3. Inay! Ang ganda-ganda po ng regalo ko sa inyo!
4. Inay, pakitago po ang regalo ko sa inyo.

May pagkakaiba ba ang apat na pangungusap? Ano ang napansin mo sa iyong tinig at intonasyon nang binasa mo ang
mga pangungusap?
Bago natin pag-aralan ang mga iba’t ibang uri ng pangungusap, alamin muna natin ang kahulugan ng salitang
pangungusap.
Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong kaisipan.
Sa pakikipag-usap sa ating kapwa o sa mga kasama sa bahay, gumagamit tayo ng mga iba’t ibang uri ng pangungusap
upang maipahayag o ipabatid ang ating iniisip o nadarama.
Pag-aralan natin ngayon ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit.
1. Paturol o pasalaysay – Ito1 ay uri ng pangungusap na nagsasaad ng isang pahayag. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok
(.).
Halimbawa: Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa
mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).
2. Patanong – Ito ay uri ng pangungusap na nagtatanong. Nagtatapos ito sa bantas na tandang pananong (?).
Halimbawa: Ano ang magagawa mo upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus?
3. Pautos o Pakiusap – Ito ay uri ng pangungusap na nagpapagawa o nakikiusap na gawain ang isang bagay.
Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.). Kapag pakiusap ang pangungusap, maaari itong magtapos sa tandang pananong.
Halimbawa: Huwag mong gaanong nipisan ang aking buhok. Pwede ka bang kumain ng masustansiyang pagkain?
4. Padamdam – Ito ay uri ng pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng tuwa, galit, poot at sakit.
Nagtatapos ito sa bantas na tandang padamdam (!).
Halimbawa: Naku! Tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 dahil sa kawalan ng displina ng mga tao. sa mas malubhang
sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

B. Development
Pagpapaunlad
30 minuto

Alamin natin ngayon kung may alam ka na tungkol sa paggamit ng mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon.
Tingan mo nga kung kaya mong sagutan ang pagsasanay sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay pasalaysay, patanong, pautos o
padamdam. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang lupang nakatabon sa lugar sa hukay ay kanyang hinawan.
2. Inaninag niyang mabuti ang kabuuan nito.
3. Ha! Napakaraming metal na bola rito.
4. Ano ang ginagawa ng mga bolang ito sa loob ng templong ito?
5. Pag-aralan mo pa ang ilang mga bagay na may kinalaman sa lugar na iyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bigyan puna ang larawan. Bumuo ng pangungusap gamit iba’t ibang pangungusap ukol
dito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Paturol/Pasalaysay
1. ______________________
2. ______________________
Patanong
3. _________________________________________
Pautos/Pakiusap
4. ________________________________________
Padamdam
5.________________________________________
Marahil alam mo na ang iba’t ibang uri ng pangungusap. Upang higit na maunawaan at magamit ang mga ito sa pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan sagutin natin ang karagdagang pagsasanay sa Alab Filipino 6 p. 165-166.
C. Engagement
30 minuto
Palalimin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa paggamit ng mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon. Sagutin
ang mga pagsasanay na inilaan upang lubos na maunawaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sumulat ng sariling pangungusap batay sa ibinigay na impormasyon at hinihinging anyo na
nasa panaklong. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
1. Pakiabot mo nga ang aking kuwaderno at itatala ko ang mga mahahalagang detalye na ibinigay ng ating guro.
(Pasalaysay)
2. Nabusog ang mga bata sa libreng unlimited lugaw na hinaluan ng bitamina. (Padamdam)
11
3. Nagbigay ng libreng gupit sa mga bata ang barangay. (Pautos)
4. Naghandog ng masusustansiyang pagkain ang pamunuan ng lungsod para sa mga bata. (Patanong)
5. Isinagawa ang Clean and Green Program upang mapanatiling malinis ang kapaligiran. (Pasalaysay)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng usapan kung paano maiiwasan ang nakakahawang sakit dulot ng coronavirus.
Gumamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Krayterya 5 4 3 2 1
Walang kapantay ang Mahusay Mahusay-husay Katamtama ng Kailangang
kahusayan Husay Paunlarin
Nilalaman May mataas na Angkop at Bahagyang Nauugnay ang Walang
kaangkupan at nauugn ay angkop at nilalaman ng kaugnayan ang
pagkakaugnay ang ang nilalam nauugnay ang naging pagtalakay nilalaman ng
nilalaman ng naging an ang nilalaman ng ngunit may naging
pagtalakay. naging naging kakulangan g lalim pagtalakay.
pagtala pagtalakay. at
kay. lawak.
Presentasy Organisado at sinuring Maayos ang Hindi gaanong Hindi gaanong Hindi maunawaa
on mabuti ang pagkak maayos ang maunawaa n ang n ang nilalaman
pagkakasunod- sunod alahad ng nailahad ng nilalaman ng ng usapan.
ng mga ideya o mga detalye usapan. Hindi usapan. Hindi maunawaa
kaisipan. gaanong n ang nilalaman
Organisado at sinuring naunawaan ng usapan.
mabuti ang ang
pagkakasunod- sunod nilalaman.
ng mga ideya o
kaisipan.
Gamit ng May mataas na antas Wasto at Bahagyang Maayos ang Hindi wasto ang
Wika ng kawastuhan at tumpak ang wasto at pagkakabu o sa pagkakabu o ng
katumpakan pagkak tumpak mga uri ng mga uri ng
sa pagkakabuo abuo ng mga pagkakabuo pangungusap na pangungusap na
ng mga uri ng uri ng pangun ng mga uri ng ginamit. ginamit.
pangungusap na gusap na pangungusap
ginamit. Wasto rin ang ginamit. na ginamit.
pagbabanatas at iba
pang sangkap
panggramatika.

Batay sa mga pagsasanay na iyong isinagawa, ano-ano ang mga uri ng pangungusap? Paano natin ito ginagamit sa
pang-araw-araw na buhay?

D. Assimilation (Paglalapat )
15 minuto
Sa puntong ito, ating sukatin ang iyong natutunan sa paggamit ng mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon.
Maaari nang sagutan ang pagsasanay sa ibaba.
Paano ninyo nabuo ang iba’t ibang pangungusap o sitwasyon mula sa mga binigay na pangungusap? Ano-anong mga
pangungusap ang ginamit sa pagpapahayag ng naiisip at nadarama ng mga nag-uusap?
Punan ang patlang. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Sa ating pakikipag-usap sa ating kapwa o sa mga kasama sa bahay, gumagamit tayo ng mga uri ng mga pangungusap;
_____________________________________________________________, ,
at upang maipahayag o ipabatid ang ating_______________ o____________ . Sa paggamit ng mga iba’t ibang uri ng
pangungusap malilinang at mapapalawak natin ang ating kasanayang pangwika sa epektibong pakikipagtalastasan.

V. ASSESSMENT - Written Works No. 3


10 minuto
Panuto: Isalin ayon sa uri ng pangungusap na nasa loob ng panaklong ang mga sumusunod na pangungusap.

(Patanong) 9. Marami na ang naapektuhan ng Covid-19.


________________________________________________________
(Pasalaysay) 10. Naku! Parami ng parami ang bilang ng may Covid sa ating bayan.
________________________________________________________
(Padamdam) 11. Sobra ang pasasalamat ni Cora dahil nakaligtas sya sa Covid-19.
________________________________________________________
(Pautos) 12. Tinanggap ng mga mamamayan ang bakuna ng walang pag aalinlangan.
________________________________________________________
(Pasalaysay)13. Dahil kaya sa patuloy na pagdami ng mga tinamaan ng Covid-19 ang panibagong ECQ?
________________________________________________________
(Patanong) 14. Binakunahan ng Sinovac ang mga mamamayan.
________________________________________________________
(Pakiusap) 15. Pumila ng maayos ang lahat ng nagnanais magpabakuna.
________________________________________________________

W6 LEARNING AREA: FILIPINO GRADE LEVEL: SIX


QUARTER: THREE DATE:

LESSON TITLE: Pag-ugnay ng Binasa sa Sariling Karanasan 12


MELC: Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan F6PB-IVa-1

III: CONTENT/CORE CONTENT: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
napalalawak ang talasalitaan.
● Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasa
● Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
● Napahahalagahan ang mga aral at natamong kaalaman mula sa binasa
A. Introduction (Panimula )
20 minuto

Inaasahang pagkatapos ng araling ito ay maiuugnay mo ang iyong binasa sa sariling karanasan.
Ano nga ba ang kahulugan ng sariling karanasan?
Ang sariling karanasan ay sitwasyon kung saan ikaw mismo ay nakaranas ng bagay na tinutukoy. O kaya ay pinagdaanan
mo talaga ang bagay na tinutukoy at hindi batay sa imahinasyon lamang o sa buhay ng ibang tao.
Mayroong mga karanasan na maihahalintulad natin sa ating nabasa sa iba’t ibang uri ng babasahin. Paano nga ba
maiuugnay ang ating binasa sa ating sariling karanasan?
Basahin natin ang kuwento ng isang batang kahanga-hanga ang katapatan sa kabila ng kahirapan.

Si Tinay Bugayon ay isang batang nagsauli ng perang nagkakahalaga ng P300,000 na nahulog sa isang courier. Sa
kabila ng kanilang kahirapan, hindi siya nasilaw sa kinang ng pera bagkus nangibabaw pa rin ang kanyang katapatan.
Naranasan mo na rin ba ang ginawa ni Tinay Bugayon? Sa palagay mo, tama ba ang ginawa niya? Bakit? Anong
kaparehong karanasan ang maiuugnay mo sa binasang kuwento?

Sa pag-ugnay ng binasa sa sariling karanasan, maisasagawa mo ito kung naunawaan ang kuwento o tekstong binasa at
maihahalintulad mo ang mga pangyayaring naganap sa iyong sariling karanasan.

Mahalaga, kung gayon, ang pagkakaroon ng sensitibong kamalayan o pagiging mulat sa mga pangyayaring ating
mararanasan upang maibalita natin nang tama at may sapat na detalye ang ating mga nasaksihan.
May dalawang uri ng karanasang maaari nating paghanguan ng ating mga kasagutan.
Una, ang direktang karanasan o aktuwal na karanasan.
Ikalawa, ang indirektang karanasan o vicarious experiences na maaari nating maranasan sa pamamagitan ng
pagbabasa, pakikipanayam, panood ng pelikula, pagsasaliksik at iba pa.
Gayunpaman, walang pinakamainam na hanguan o kadluan ng mga kasagutan sa mga katanungang makakaharap
natin sa ating pang-araw-araw kundi ang personal at aktwal na karanasan.
Basahin ang kaugnay na pagtalakay sa aralin sa Daluyan 6 p.152.

B. Development
Pagpapaunlad ( 40 minuto)
Upang mas lalong mapaunlad ang iyong kakayahan sa bagong aralin, basahin ang sanaysay sa ibaba at subukang
iugnay ito sa sariling karanasan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.
Ang Pakikipagkapwa Tao
Ni Ricardo Cariaga
May kasabihang “Madaling maging tao ngunit mahirap ang magpakatao.” Malalim ang kahulugan ng pangungusap na
ito. Ang pagpapakatao ay sumasaklaw sa lahat ng bagay na may kinalaman sa ating pakikihalubilo sa ting kapwa.
Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-tao, nakikilala natin ang katauhan ng isang nilalang. Walang taong mabubuhay na
mag-isa sa mundo. Kailangan nating isaisip na tayo’y nabubuhay sa daigdig hindi para lamang sa ating sarili. Kailangang
sikaping magkaroon ng mabuting pakikipagpalagayan sa ating kapwa. Iwasan ang mga bagay na makakasakit sa
damdamin kung ibig nating magkaroon ng maraming kaibigan. Iwasan ang mahahalay na pananalita.
Ang taong palapintas at mapanira sa kapwa ay hindi kinalulugdan, manapa’y nilalayuan. Ang taong mapagbuhat ng
sariling bangko at may hangin sa ulo ay kinayayamutan. Ang marunong makipagkapwa-tao ay dinadamayan sa
anumang kagipitan at pangangailangan. Hindi siya matitiis na makitang nasa marawal na kalagayan ng mga taong
pinakatunguhan niya nang mabuti.
Walang mawawala sa atin kung pag-ukulan ng masayang ngiti at malugod na bati ang ating mga kakilala. Hindi
mapipingasan ang ating pagkatao kung sila’y kakausapin nang walang halong kapalaluan kahit na may mataas na
katungkulan tayong hinahawakan.
Ang mahusay sa mundo’y talagang ganyan, magbigay at tumanggap. Hindi maaring tanggap na lamang nang tanggap,
panay na pakabig. Ang wika nga’y ang hindi mautusan ay hindi rin makapag-uutos. Kung ano ang ating gawin sa ating
kapwa ay ganoon din ang igaganti sa atin ng kapalaran.
Magiging maligaya at tiwasay ang ating pamumuhay kung alam nating walang nagagalit sa atin. Ang payapang buhay
ay hinahangad ng lahat. Bakit hindi natin ito makakamit? Ang lihim ay ang mabuting pakikipagkapwa-tao. Sa ating sariling
mga kamay nakasalalay ang ating kaligayahang pinapangarap.
1. Ano ang ibig sabihin ng pakikipagkapwa-tao?
2. Sino ang may hangin sa ulo at kinayayamutan?
3. Ano ang mararamdaman mo kung mag-isa ka na lang sa mundo?
4. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang may karamay?
5. Anong kaparehong karanasan ang maiuugnay mo tungkol sa iyong nabasang teksto?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pumili ng sitwasyon sa ibaba na may kaugnayan sa iyong sariling karanasan. Ipaliwanag
kung bakit ito ang iyong napili. Gawin ito sa iyong malinis na sagutang papel.
1. Nagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.
2. Tumutulong sa mga gawaing bahay
3. Nakikipagkaibigan sa bagong kaklase
4. Sumasali sa mga paligsahan sa paaralan
5. Nag-aalaga ng nakababatang kapatid
13
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Lagyan ng tsek(/) ang larawan na may kahalintulad na karanasan.

Subukan nating basahin ang tekstong ‘Bisita’ sa Alab Filipino 6 p.3-4


at sagutin ang mga tanong sa Pag-unawa sa Binasa p. 4.

C. Engagement
Sa puntong ito, lubos mong matututunan ang pag-uugnay ng iyong binasa sa sariling karanasan sa pamamagitan ng mga
sumusunod na gawain. Maaaring humingi ng patnubay ng iyong magulang o mga kasama sa bahay kung mayroong
hindi nauunawaan sa bawat gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang maikling kuwento. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Punan ang
graphic organizer. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Isang hapon habang nag-uusap ang mag-asawang sina Mang Arnel at Aling Rosel ay hindi sinasadyang narinig ng anak
na si Carmie ang usapan.
“Isang linggo na lang daw ang bukas ng pabrika, mahina na ang produksiyon at magsasara na muna ito habang hindi pa
natatapos ang pandemya,” wika ni Mang Arnel.
“Paano kaya ito? Mauubos na rin ang ating naipon, hindi naman tayo nakasama sa ayuda ng barangay,” nag-aalalang
tugon ni Aling Rosel.
Mawawalan ng trabaho ang kanyang ama at mauubos na rin ang panggastos nila sa araw-araw.
“Hwag kang mag-alala, may naisip akong negosyo dito sa bahay. Marunong naman akong magkumpuni ng mga sirang
kagamitan tulad ng telebisyon at electric fan,” sabi ni Mang Arnel sa asawa.
“Ako nama’y magluluto ng meryenda at maaring mailako sa mga kapitbahay. May-awa ang Diyos, makakaraos din
tayo,” umaasang sagot ni Aling Rosel.
Anong kaparehong karanasan ang maiuugnay mo sa maikling kuwento?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Batay sa kuwentong binasa mula sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 3, sumulat ng isang talata
na may kaugnayan sa iyong sariling karanasan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
RUBRIKS SA PAGSULAT NG TALATA 5 4 3 2 1
Nilalaman
- pagsunod sa uri at anyong hinihingi
- lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
- wastong gamit ng wika/salita
- baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap/salitang hiram
Hikayat
- lohikal na pagkakaayos/daloy ng ideya
- pagkakaugnay ng mga ideya
5-Pinakamahusay
4- Mahusay
3- Katanggap-tanggap
2-Mapaghuhusay pa
1-Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

D. Assimilation (Paglalapat )15 minuto

Basahin ang pabulang ’Ang Langgam at Ang Tipaklong’ sa Alab


Filipino 6 p.6-7 at sagutin ang mga tanong upang mapaunlad pa ang kaalaman sa aralin.
Panuto: Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa malinis na sagutang papel.
Ang sariling karanasan ay sitwasyon kung saan ikaw mismo ay nakaranas ng bagay na tinutukoy. O kaya ay pinagdaanan
mo talaga ang bagay na tinutukoy at hindi batay sa lamang o sa buhay ng ibang tao.
Sa pag-ugnay ng binasa sa sariling karanasan, maisasagawa mo ito kung naunawaan ang kuwento o tekstong binasa at
maihahalintulad mo ang mga pangyayaring naganap sa iyong _______________
karanasan.

V. ASSESSMENT
(Learning Activity Sheets for Enrichment, Remediation or Assessment to be given on Week 6)

A. Sagutin ang Learning Activity Sheets (LAS) na ipinadala ng guro.


B. Subukang magbasa ng isang napapanahong balita sa pahayagan o anumang uri ng babasahin. Iugnay ito sa iyong
sariling karanasan. Ibahagi ang iyong kasagutan sa kaibigan o kasama sa bahay.
14
Mahusay! Binabati kita sa bagong kaalamang natutunan.
Sa susunod na aralin, inaasahang ikaw ay makakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.

W7 LEARNING AREA: FILIPINO GRADE LEVEL: SIX


QUARTER: THREE DATE:

LESSON TITLE: Pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.

MELC: Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa F6EP-IIIg-II

III: CONTENT/CORE CONTENT: A.Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.


● Naipamamalas ang ibat-ibang kasanayan upang maunawaan ang ibat-ibang teksto.
● Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa
● Napahalagahan ang mga impormasyong sa binasang teksto.

A. Introduction
Panimula (10 minuto)
Bago tayo mag umpisa sa ating aralin para sa araw na ito ay ayusin muna natin mga ginulong salita na makkita sa ibaba.

WAPPYAHA AGBPAAS

Anong salita ang inyong nabuo?


Ano kaya kaya ang kahulugan ng unang salita?ikalawang salita?
Magaling! ako’y natutuwa at naayos ninyo at naibigay ang kahulugan ng mga salita.
Ang dalawang salitang inyong iniayos ay ang paksa ng ating aralin para sa araw na ito.Kayo ay inaasahan na makakuha
ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.
Ngunit bago iyon ay alamin muna natin mga hakbang kung paano ang pahapyaw na pagbasa.
Ang pahapyaw na pagbasa ay isa sa paraan ng pagbabasa,na kung saan ito ang pinakamabilis na pabasang
magagawa ng tao.Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon
katulad ng pamagat at paksang pangungusap.Binabasa natin nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at
nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandalling iyon.
Ang mga sumusunod ay paraan para makatulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa binabasa:
_ Pagtingin sa pamagat,heading at sub heading.
_ Pagbasa sa una at huling talata.
_ Pagbasa sa una at huling pangungusap ng talata.
_ Kung may mga kasamang introduksiyon,larawan,tsart at grap ito ay binibigyan ng suri o basa.
Sanggunian :https://pagbasaatpagsulat.wordpress.com/2017/03/11/ibat-iban g-uri-ng-pagbasa/

B. Development
Pagpapaunlad
20 minuto
Ngayon ay maaari na nating sukatin ang inyong nalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain sa ibaba.
Pinatnubayang Gawain:
Panuto: Basahin natin ng pahapyaw ang teksto upang makuha ang impomasyon na gustong ipabatid ng
seleksyon .Sundin ang proseso ng pagbasa na nakatala sa ibaba.
1. Basahin ang pamagat ng seleksyon.
2. Basahin ang unang talata at huling talata seleksyon. 3.Basahin ang una at huling pangungusap ng talata.
Ang Pilipino:Masayahin sa Anumang Sitwasyon
Kabilang ang mga Pilipino sa pinakamasayang tao sa buong mundo.Kilala tayo bilang mga taong madalas nakangiti sa
panahon ng kaginhawaan at maging sa panahon ng pagsubok.Sa harap ng mga problema,nagawa nating tumawa at
magbiro tungkol sa ating sitwasyon.

C. Engagement
Pakikipagpalihan 1 oras at 10 minuto

Ngayon naman ay batid ko na kaya mo nang masagutan mag-isa ang mga gawain na aking inihanda.
Tayo’y magsimula na.Kaya mo ito magtiwala ka lang sa iyong sarili.
Gawain sa Pagkatutuo Bilang 1:
Panuto: Basahin nang pahapyaw ang teksto sa ibaba at kunin ang mahalagang impormasyon nito sa pamamagitan
pagpunan sa balangkas.Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Paggawa ng Saranggola
Ang kawayan ay ginagamit sa paggawa ng saanggola.Ang mga kagamitang kailangan ay pandikit,pisi at papel de
hapon kung walang papel de hapon maaring iresiklo ang lumang dyaryo para dito.Pinuputol ang kawayan sa tamang
sukat para sa saranggola.Ang mga pinutol na kawayan ay kinakayas upang kuminis.Pinag-uugany ang mga ito hanggang
mabuo ang balangkas sa pamaamgitan ng mga pisi.Upang gumanda nilalagyan din ito ng buntot na maaring galling din
sa mga luang papel o dyaryo na ma kikita sa inyong bahay.
I.Kagamitan: II.Paraan:
A._____________________ A._____________________
B_____________________ B_____________________
C.____________________ C.____________________
15
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto:Basahin ng pahapyaw ang seleksyon sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong .Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Pagreresiklo
Ang pagrersiklo ay isang paraan ng muling pagbibigay pakinabang sa siang baagy na ang akala ng lahat ay wala nang
halaga.Iba iba ang paraan ng pagresiklo ng ibat-ibang bagay.
Ang pinakamahalagang paraan sa pagreresiklo ay ang paghihiwalay ng ibat-ibang ui ng basura.Segregasyon ang tawag
sa parrang ito nan ais ng pamahalaan na gawin ng arami sa ating ga mamamayan.
Ang mga di nabubulok at muling nagagamit na maituturing na mga patapong bagay ay nabibigyan muli ng panibagong
bihis at anyo.
Ang mga bagay na maituturing na basura tulad ng gamit na lata o bote ay maaaring linisin at lagyan ng kulay at palamuti
upang maging paso,plorera o lalagyan ng ibat-ibang gamit sa bahay.Kung mayroon naming kwaderno,maaaring piliiin at
pagsama samahin ang mga pahinang hindi nasulatn upang magamit muli ito.Ang plastic bag naman na nakuha sa
pamimili ay maaring gawing basurahan o di kay’y dalhin muli sa pamimili sa palengke o tindahan upang hindi na muling
pumili pa.
Pangangalaga sa kapaligiran ang pangunahing layunin ng pagreresiklo.Sa araw-araw na nagkokonsomo tayo ng ibat-
ibang produkto,ang basurang itinatapon natin ay padagdag nang padagdag.
Ang pagiging malikhain ng bawat isa sa atin ang magliligtas sa ating mundo,sa ating kapaligiran,at sa lahat ng mgay
buhay sa mundo.
-Tingnan sa Alab Filipino pahina 144-145

Isang patunay nito ay ating kalendaryo na punong-puno ng masayang pagdiriwang mula Enero hanggang
Disyembre.Mayroon din tayong mga selberasyon sa loob ng pamilya tulad ng kaarawan at anibersaryo.Kung titingnan ay
maliliit lamang ang dahilan ng mga ito,subalit para sa pamilyang Pilipino,kahit ang pinakamumunting mga tagumpay ay
dapat na ipagdiwang.
Ito ang isa sa mga sekreto ng katatagan ng pamilyang Pilipino-naghahanap tayo ng dahilan upang magsaya.Kapag may
mga pagsubok ay nagkakaisa tayo upang mabigay ng suporta subalit naghahanap din tayo ng magandang bagay na
maaring ipagpasalamat.
Sagutin:Ano ang mahalagang impormasyon ang nakuha ninyo sa teksto?Lagyan ng tsek ang patlang kung ang nabasang
ipormasyon ay mula binasa.
Ang mga Pilipino ay kabilang sa pinakmasayang tao sa buong mundo.
Ang pagiging masaya ay sekreto ng katatagan ng pamilyang Pilipino.
Ang mga Pilipino ay kilala sa lagging nakangiti sa panahon ng kaginhawahan at aging sa mga pagsubok.
Ang pagiging malikhain ng bawat isa sa atin ang magliligtas sa ating mundo,sa ating kapaligiran.
Segregasyon ang tawag sa parrang ito nan ais ng pamahalaan na gawin ng arami sa ating ga mamamayan.
-Tingnan sa Alab Filipino pahina 86-87
.
Mga Tanong:
1. Ano ang pagreresiklo?
2. Ano ang segregasyon?
3. Bukod sa mga nabanggit na mga bagay sa seleksyon,ano pang bagay sa ating paligid ang maari nating iresiklo?
4. Paano natin maililigtas ang ating kapaligiran?
5. Sa iyong palagay ano ang magandang dulot ng pagreresiklo?

Gawain sa Pagkatutuo Bilang 3:


Panuto:Batay sa seleksyon na nabasa sa itaas,Isa isahin ang mga nakuhang impormasyong na nais ipabatid nito.Isulat ang
iyong sagot sa isang sagutang papel.
1. _____________________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________________
-Tingnan sa Alab Filipino pahina 144-145

D. Assimilation
Paglalapat
10 minuto

Ang ay isa sa paraan ng pagbabasa,na kung saan ito ang na pabasang magagawa ng tao.Ang gumagamit ng
kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang
pangungusap. ____natin nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandalling
iyon.
Ang mga sumusunod ay paraan para makatulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa binabasa:
1. Pagtingin sa __________ ,heading at sub heading. 2.Pagbasa sa at talata.
3. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng talata.
_________4.Kung may mga kasamang introduksiyon, larawan,tsart at grap ito ay binibigyan ng suri o basa.

V. ASSESSMENT
20 minuto

Written Work No. 4


Panuto: Basahin ang mag sumusunod na teksto. Matapos ito ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ang Lobo at ang Ubas
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik
16bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang
sa bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang
lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at
muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at
malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bungang ubas na iyon," ang sabi niya sa
sarili.
__________1. Anong prutas ang nakita ng lobo?
__________2. Sa huli, ano ang ginawa ng lobo?
__________3. Anong nangyari sa lobo sa loob ng kagutan?
Sa Darating Kong Kaarawan

Sa darating na Linggo ay aking kaarawan na, at gusto kong maghanda at imbitahin ang aking mga kaibigan.
Para makapag-ipon ng panghanda sa aking kaarawan ako ay umisip ng maaaring pagkakitaan ng pera. Ako ay
gumagawa ng pastillas para makatulong kay nanay sa pag-iipon ng aking panghanda sa nalalapit kong kaarawan.
Tuwing wala kaming klase ay nagbebenta ako ng pastillas. Sa loob ng isang linggo ay nakaipon kami. Masaya ako dahil
madami akong handa at madaming tao. Kaya nagpapasalamat ako sa aking pamilya.
__________4. Ano ang naisipang pagkakitaan niya upang makaipong ng pera?
__________5. Para saan ang pagtitinda niya ng pastillas?
__________6. Ano ang nais niya sa kanyang kaarawan?

Si Gng. Rondalla na yata ang pinakahuwarang guro na nakilala ko. Humigit kumulang sa animnapu’t tatlong
gulang na siya ngunit patuloy pa rin siya sa pagtuturo. Pinagpapahinga na siya ng kanyang mga anak sa pagtuturo ngunit
ayaw pa rin niyang magretiro. Ganito ang madalas na sabihin sa kanya ng kanyang mga anak. “Sa edad ninyong iyan,
dapat nagpapahinga na lang kayo Inay,” Ito naman ang kanyang sagot. “ Hindi pa ako matanda, kalabaw lamang ang
tumatanda.”
Taglay ni Gng. Rondalla ang kasipagang minana niya sa kanyang namayapang mga magulang. Lalo raw siyang
hihina kung walang ginagawa kaya talagang masipag siya sa kanyang ginagawa.
Dahil sa kanyang kasipagan, umangat ang kanilang pamumuhay. Napag-aral niya ang mga anak sa mga
kilalang unibersidad. Nakabili sila ng bahay at sasakyan. Totoo nga ang kasabihang. “Kapag may tiyaga, may nilaga.”
__________7. Anong klase ng guro si Gng. Rondalla?
__________8. Ayon kat Gng. Rondalla, ano lamang ang tumatanda?
__________9. Ano ang napundar niya sa pagtuturo?
__________10. Anong salawikain ang nabangit sa teksto?
Bagong lipat na guro si G. Cruz sa isang paaralan. Ang buong akala niya ay magtuturo siya ng Matematika sa ika-anim na
baitang ngunit laking gulat niya nang ilagay siya sa ALS ng punongguro.
“Makakatulong sa iyo ang napag-aralan mo sa kolehiyo at higit sa lahat makakatulong ka pa sa pamayanan,”
paghihikayat ng punongguro.
Nais mang tumanggi, tinanggap na rin ni G. Cruz ang bagong hamon sa kanyang pagtuturo. Nang simulan na
niya ang mga gawain, natuklasan niya ang suliranin ng mga tao sa pamayanang iyon. Marami ang hindi nakapagtapos
ng pag-aaral, may mga maagang nakapag-asawa at walang hanapbuhay, at may mga batang nalulong sa masamang
bisyo. Lahat ng mga suliraning ito ay tinugunan ni G. Cruz nang bukal sa kanyang kalooban. Hinikayat niya ang mga ito na
lumahok sa programang pangkabuhayan upang may pagkakitaan.
Di naglaon, sa tulong na ipinagkaloob ng mga tauhan ng paaralan, barangay at pamahalaang lungsod ay
naging matagumpay ang proyektong pangkabuhayan at literasi ng paaralan at pamayanan.
Marami ang umunlad ang pamumuhay dahil sa pagsali sa proyekto. Masayang-masaya si G. Cruz sa kinahinatnan
ng kanyang pagsisikap.
Naisakatuparan ni G. Cruz ang proyektong pangkabuhayan at literasi ng paaralan.
Natuklasan niya ang mga suliranin ng mga tao sa paaralan at pamayanan.
Inalok si G. Cruz na magturo ng ALS ng kanyang punong-guro.
Di naglaon, marami ang umunlad ang pamumuhay dahil sa proyektong sinalihan.
Kalilipat pa lamang ni G. Cruz sa paaralang iyon.
__________11. Ano ang tinuruan ni G. Cruz sa kanyang bagong paaralan?
__________12. Pumayag ba si G. Cruz sa kanyang bagong tungkulin?
__________13. Ano ang kinahinatnan ng kanyang pagsisikap?
__________14. Anong programa ang naialok niya sa mga mag-aaral niya?
__________15. Sino ang nag-atas kay G. Cruz na maging isang guro ng ALS?

W8 LEARNING AREA: FILIPINO GRADE LEVEL: SIX


QUARTER: THREE DATE:

LESSON TITLE: Pagsulat ng tula at sanaysay na naglalarawan.

MELC: Nakasusulat ng tula at sanaysay na naglalarawan. F6PU-IIIe-2.2

III: CONTENT/CORE CONTENT: Napauunlad ang ksanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.
 Nalalaman ang tamang paraan ng pagsulat ng tula at sanaysay na naglalarawan.
 Nakasusulat ng tula at sanaysay.
 Naipakikita ang kawilihan sa pagsulat ng tula at sanaysay.
17
A. Introduction (Panimula )
20 minuto
Unang araw
Sa araling ito ay iyong matutunan ang wastong paraan ng pagsulat ng tula
at sanaysay na naglalarawan.
Ito ang magsisilbing panukat upang malaman ang antas ng iyong kaalaman tungkol sa wastong pagsulat ng tula at
sanaysay na naglalarawan.
Makatutulong din ito upang lubos mong makilala ang iyong sarili at makasulat ng tula at sanaysay tungkol sa sarili.
Bilang isang mag-aaral ay inaasahang magkaroon ng pagkatuto sa iba’t ibang pagsasanay kung saan ay mahahasa ang
iyong kaalaman at magagamit ang iyong kaalaman at magagamit ang iyong mapanuring pag-iisip tungo sa ikauunlad
ng kakayahan sa pagsulat ng tula at sanaysay tungkol sa iyong sarili.
Kilala mo ba si Dr. Jose P. Rizal? Ano-ano ang naaalala mo sa isang mga isinulat na tula at nobela?
Kung ganon, Mahusay! Halika at basahin ang mga paraan sa pagsulat ng tula at sanaysay.
Alamin natin , ano ba ang tula?
Tula- ito ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin,
at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw.
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tula.
1. Sukat- ito ang bilang ng pantig na bumubuo sa bawat taludtod sa isang saknong. Ang saknong ay maaaring binubuo
ng apat na taludtod o linya. Ang sukat ay maaaring wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at llabingwaluhin pantig.
Mga uri ng sukat:
1. wawaluhin
Halimbawa: Is/da/ ko/ sa/ Ma/ri/ve/les/ = 8 pantig

2. lalabindalawahin
Halimbawa: Mi/li/mi/nas/ ang/ ta/wag/ sa/ ka/pu/lu/an/ = 12 pantig

3. lalabing-animin
Halimbawa: Sa/ri/-sa/ring/ bu/ngang/ka/hoy/, hi/nog/ na/ at/ ma/ta/ta/mis/ = 16 pantig

4. lalabingwaluhin
Halimbawa: Na/ro/on/ din/ sa/ lo/o/bang/ may/ ba/kod/ pang/ ka/hoy/ na/ ma/la/bay/ = 18 pantig

5. Saknong- ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (talutod).

6. Tugma-ito ang pagkakasintunog ng mga sa salita sa hulihan ng bawat taludtod o linya.


Halimbawa: Wikang Filipino’y patuloy na lalaban
Para sa kabataang pag-asa ng bayan

7. Mensahe-ito ang makabuluhang aral na matutuhan sa tula.


Sanggunian: Alab Filipino 6 pahina 133
Naunawaan mo ba? Kaya mo na bang makabuo ng tula? Magaling! Ngayon, alamin naman natin ang tamang paraan
sa Pagsulat ng sanaysay.

Pagsulat ng Sanaysay
1. Tema- basahing mabuti ang tema, pokus o topic ng sanaysay na hinihingi ng pagsusulit. Ito ba ay tungkol sa iyong sarili,
opinion o puna, isang paglalarawan, reaksyon sa isang nabasa, at iba pa.
2. Pamagat o Titulo ng Sanaysay- dapat ay may kinalaman ito sa tema ng isusulat ; hindi dapat napakahaba, iwasan ang
pamagat na patanong at kailangang nakakapukaw ng kalooban.
3. Talata- isang punto o diwa, isang talata. Huwag pagsama-samahin sa iisang talata o paragraph ang mga isusulat. Ang
mga talata ay dapat magkaugnay. Iwasan din ang masyadong mahabangtalata na paulit-ulit naman ang laman. Ito rin
ay binubuo ng isa o0 lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay. Binubuo rin ng Pangunahing Paksa (PP) at mga
Pantulong na Detalye (DP).

Pangunahing Paksa- kadalasan ay makikita sa unang pangungusap at huling pangungusap.


Pantulong na detalye- mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang
pangungusap.
4. Balangkas- kung mahab ang oras, gumawa ng maikling outline para alam mo ang isusulat sa bawat talata.
Halimbawa ng balangkas
Paksa: Ano ang aking gagawin para sa makapasa sa Pagsusulit? Balangkas:
I. Mga Pangarap na nais kong maabot.
A. Makapagtapos ng pag-aaral
B. Maiahon ang pamilya sa kahirapan
C.May maipagmalaki sa mga taong mababa ang tingin sa akin.

II. Mga Paraan para makapasa sa Pagsusulit


A. Magbabasa ng nilalaman ng modyul
B. Magsisipag sa pagsulat ng sanaysay
C. Makikinig sa payo ng aking mga guro

III. Kongklusyon
A. Gagawin ang lahat para makapasa sa pagsusulit
B. Hinding-hindi sasayangin ang pagkakataong makapag-aral.
C. Iaalay sa bayan ang lahat ng pagsisikap at tagumpay.

5. Panimula, Katawan at Wakas- Ang sanaysay ay karaniwang may panimulang talata, katawan at wakas o kongklusyon.
Sa body o katawan ng sanaysay, dito ipinahihiwatig ang
18
pinakapunto ng sanaysay, ang maliliit na detalye ng punto at ang paglalarawan o masusing pagbusii ng maliit na detalye.
Pagsulat ng simula
Una, (patanong). Halimbawa,“Gusto niyo po bang gamutin ko kayo?” Doktor ka kasi, di ba?!
Pangalawa (pasalaysay). Halimbawa, “Nakarating na ako sa iba’t ibang panig ng mundo dahil lamang sa aking
panggagamot”. Ito ay pasalaysay dahil nagsaad ito ng isang pangyayari.
Pangatlo (nakakagulat na pahayag). Halimbawa, “Dalawampung taon pa lamang ako ay nakapag-opera na ako ng
tumor sa utak ng isang matanda. ” Nakakagulat dahil ang doctor ay nag-aaral ng sampung taon. Pang-apat (Kasabihan).
Halimbawa, “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” Ayon kay Confucious.
Panglima(anekdota). May aral sa buhay.
Pang-anim (survey). Madalas ito ay patanong. Halimbawa, “Magagaling po ba ang mga Pilipinong guro? ”
Pangpito (kahulugan). Magbibigay ng salita at depinisyon. At marami pang iba.
Katawan ng sanaysay- ito ang nilalaman ng iyong saloobin at kaalaman.
Wakas- Ito ay ang kabuuan ng mga sinabi mo sa unahan.
6. Tono- tiyakin ang tono ng iyong isusulat.
Naunawaan mo ba ang tamang paraan ng pagsulat ng sanaysay? Mahusay!!

B. Development
Pagpapaunlad
Ikalawang
araw
Ngayon, dadako naman tayo sa kabilang bahagi. Dito mo mapapaunlad
ang iyong kakayahan sa pagsulat ng tula at sanaysay. Handa ka na ba? Tara na.
Gawain sa Pagkatuto bilang 1: Basahing mabuti ang tula. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Wikang Filipino
Wikang Filipino’y ating nakagisnan Pinaghirapang tunay mga bayaning matapang Sina Rizal, Balagtas at Quezon na Ama
ng wika Sa kani-kanilang paraan napaunlad ang wika
Wikang Filipino’y pambigkis na tunay Sa’ting lipi upang magtagumpay
Mithiin ng sambayanan nawa’y makamtan Dahil nga sa may p-agkakaunawaan

Tinatamasang Wika ay utang natin Sa mga bayani na nagsisikap kamtin Bilang Pilipino, tayo’y may tungkulin Wika ay
mahalin at palaganapin
1. Ilang saknong ang bumubuo sa tulang “Wikang Filipino?”
a. 2 b. 4 c. 12 d. 3
2. Ilang taludtod ang bumubuo sa bawat saknong ng tula?
a. 2 b. 4 c. 12 d. 3
3. Anong bilang ng saknong mo makikita ang mga pangalan ngt mga Bayaning Pilipino?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
4. Anong bilang ng saknong mo makikita ang may lalabindalawahing sukat.

a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
5. Anong saknong sa tula nagsasabi ng mga tungkulin ng mga Pilipino sa Wikang Pambansa?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
Sanggunian: Batayang aklat sa Suhay 4 pahina 157 at 159
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawaing mabuti. Punan ng tamang tugma ang upang mabuo ang linya ng tula.
Wikang Filipino’y sinubok ng panahon COVID 19 dumating, bansa ay
Subalit bansa’y pinatatag ng panahon
Bayang sinilangan pilit .
Sa pakikibaka, sa panahon ng pandemya Wikang Filipino’y, lumalaban ____________
Sa Pagpapaalala sa bayang sinta
Ginagamit nila ang sosyal_____________________
Gawain sa Pagkatuto bilang 3: Kumpletuhin ang balangkas.
Paksa: Masipag na mag-aaral
I. Ako si .
A. Nag-aaral ako sa .
B. Nakilala ko ang aking gurong tagapayo na si .
C. Kami ay binubuo ng sa aming klase sa baitang VI.

II. Mga Pangarap ko sa aking Buhay


A.
B.
C.

III. Mga Paraan upang makamit ko ang aking mga Pangarap


A.
B.
C.
Gawain sa Pagkatuto bilang 4: Sa Gawain sa Pagkatuto bilang 3, iayos ang nakabalangkas upang makabuo ng isang
sanaysay.
C. Engagement Pakikipagpalihan - (Ikatlong Araw)
Tama ba ng mga sagot mo? Magaling!
Subukan mo naman ang mga sumusunod pang gawain upang mas lalo mong maunawaan ang ating aralin.

Gawain sa Pagkatuto bilang 5: Gumawa ng isang maikling sanaysay tungkol sa iyong sariling buhay. Gawing gabay ang
mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pangalan mo?
2. Kailan ka ipinanganak?
19
3. Saan ka isinilang?
4. Sino ang mga magulang mo?
5. Saan kayo nakatira?
6. Ano ang pangarap mo sa iyong buhay paglaki?
7. Bakit ito ang napili mo sa iyong paglaki?
8. Paano mo ito makakamit? Ano ang gagawin mo?

Gawain sa Pagkatuto bilang 6: Bumuo ng isang tula na binubuo ng tatlong saknong na may tig-aapat na taludtod at may
lalabindalawahing sukat. Pumili ng paksa sa mga sumusunod.
1. Ang Aking Pangarap
2. Ako at ang Aking Kapwa
3. Ang Paborito Kong Pagkain

ANYO
-Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
o ipinasusulat.
BALARILA
- wastong gamit ng wika
NILALAMAN
- lawak at lalim ng pagtalakay ng paksa

Rubrik sa 5- Pinakamahusay 4- Mahusay 3-Katanggap- 2- Mapaghuhusay 1-


Pagsulat ng TULA tangga pa Nangangailangan
ng gabay

D. Assimilation - Paglalapat - Ikaapat na Araw

V. ASSESSMENT

Gumawa ng isang sanaysay/tula tungkol sa iyong karanasan sa panahon ng pandemya.

20

You might also like