You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Zambales
District of San Antonio
SAN GREGORIO ELEMENTARY SCHOOL – 106925
Barangay San Gregorio/E-mail Address: 106925@deped.gov.ph

Pangalan:_____________________________________Baitang at Seksyon: 1-Sampaguita

1st Weekly Test


S.Y. 2020-2021

Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP)

A. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay tama at Mali kung hindi.

_________1. Magkakaiba ang gusto, interes, potensyal, at damdamin ng tao.


_________2. Nakakaramdam tayo ng kasiyahan kapag gusto natin ang ating mga ginagawa.
_________3. Ang paglalaro, pagbabasa, pag-awit at pagsayaw ay mga halimbawa ng interes.
_________4. Huwag ipakita ang iyong kakayahan sa iba upang hindi nila ito gayahin.
_________5. Upang higit mong mapabuti ang ating kakayahan ay dapat kang magsanay.

B. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

_________1. Gusto mong iparinig sa kaklase mo na magaling kang umawit. Ano ang gagawin mo?
a. Iiyak ako. b. Aawitan ko siya. c. Mahihiya ako.
_________2. Nais mong matutong magbasketbol. Ano ang gagawin mo?
a. Magpapaturo at magsasanay ako.
b. Manonood lang ako.
c. Wala akong gagawin.
_________3. Marunong ka ng magbasa subalit mabagal pa ang iyong pagbabasa. Ano ang
iyong gagawin upang humusay kang magbasa?
a. Magbabasa ako palagi.
b. Manonood na lang ako ng TV.
c. Hindi na muna ako magbabasa.
_________4. Ano ang iyong gagawin kung nais mong maging magaling?
a. Magpapasagot kay nanay ng takdang aralin.
b. Riregaluhan ko si titser.
c. Mag-aaral akong mabuti.
_________5. Ano ang mararamdaman mo kapag sinabi ni titser na “Magaling ka!”

a. Malungkot b. Masaya c. Matatakot

Mother Tongue/ MTB-MLE

A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang sagot sa patlang.

pamagat pabalat may-akda taga-guhit bahagi


_________1. Ang pamagat, pabalat, may-akda at taga-guhit ay mga__________________ng aklat.
_________2. Ang sumulat ng kuwento ay tinawag na____________________________.
_________3. Ang mga guhit sa aklat ay ginagawa ng __________________ng aklat.
_________4. Ang __________________ay ang takip ng aklat na may makukulay na larawan.
_________5. Ang __________________ay nagsasabi kung tungkol saan ang isang kuwento o teksto.

B. Panuto: Isulat ang letra ng unang tunog ng mga larawan kung ito ay Mm, Ss o Aa.

_________1. 2. 3.
_________4. 5.

Mathematics

A. Panuto: Itambal ang bilang ng mga larawan na nasa Hanay A sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

________1. a. 10

________2. b. 6

________3. c. 8

________4. d. 4

________5. e. 5

B. Panuto: Isulat ang bilang ng sampuan,isahan at kabuuang bilang ng mga larawan.

Sampuan Isahan Bilang

1.

2.

3.

4.

5.

Araling Panlipunan

A. Panuto: Iguhit ang kung ang pangungusap ay tama at kung hindi.

_________1. Ang bata ay ipinanganak na may pangalan.


_________2. Mahalagang malaman ng bawat isa ang tungkol sa kaniyang sarili.
_________3. Pinagtatawanan si Kiko ng kaniyang mga kaklase dahil hindi niya alam ang petsa
ng kaniyang kaarawan.
_________4. Buong pagmamalaking ipinakilala ni Ana ang sarili.
_________5. Hindi alam ni Sandy kung ano ang pangalan ng kaniyang mga magulang.

B. Panuto: Itambal ang mga impormasyon sa Hanay A sa angkop na salita sa Hanay B.


Hanay A Hanay B
________1. Ana Santos a. Tirahan
________2. anim na taon b. Kaarawan
________3. June 12, 2014 c. Magulang
________4. G. at Gng. Mario Santos d. Pangalan
________5. San Antonio e. Edad
MAPEH
A. Music
Panuto: Isulat ang MT kung ang mga bagay ay may tunog at WT kung wala.
1. radyo _____________
2. ilaw _____________
3. telepono _____________
4. busina _____________
5. lupa _____________

B. Arts
Panuto: Iguhit ang sumusunod na linya at hugis.
1. linyang pa-zigzag
2. linyang pakurba
3. parihaba
4. tatsulok
5. bilog

C. PE
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga bahagi ng katawang inilalarawan.

kamay hita mata ulo leeg siko

_________1. Ito ang ating ginagamit upang makita ang mga bagay sa ating paligid.
_________2. Ito ang tumatayong tuntungan ng ating ulo.
_________3. Ang mga ito ang ating ginagamit sa paghawak, pagsulat o pagbuslo ng bola.
_________4. Ginagamit natin ang mga ito sa pagtayo at paglakad.
_________5. Sa bahaging ito ng ating katawan makikita ang ating mukha.

D. Health
Panuto: Bilugan ( ) ang mga pagkaing masustansiya at ekisan ( X )ang hindi..
1. 2. 3. 4. 5.

You might also like