You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
ACTIVITY SHEET
ARALING PANLIPUNAN 2
Pangalan:_________________ Baitang:___________
Paaralan:__________________ Petsa:_____________
Kwarter Bilang:_____________ Guro:_____________
Aralin 1.1 Ano ang Komunidad?
Gawain 8

Basahin at unawain ang bawat sitwasyon sa bawat bilang. Bilugan ang


letra ng tamang sagot .
1. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong tulong ang mga tao
sa inyong komunidad sa paglilinis. Ano ang gagawin mo?
A. Manonood sa mga taong naglilinis
B. Ipost sa facebook ang pagtutulungan sa komunidad
C. Makiisa sa paglilinis at tumulong sa abot ng makakaya.
D. Manatili sa loob ng bahay at matulog

2. Magpapakain sa mga batang lansangan ang isang organisasyon sa


inyong lugar. Sa anong paraan ka maaaring makatulong?
A. Umuwi na lang sa bahay
B. Tumulong sa susunod na pagpapakain
C. Tumulong sa paghahanda ng pagkain sa mga bata
D. Makihingi ng pagkaing para sa mga bata

3. Nakita mung tumatawid ang isang matanda sa kalsada. Ano ang


gagawin mo?
A. Aalalayan ang matanda
B. Magkukunwaring hindi nakita ang matanda
C. Sasabihan ang matanda na bilisan sa pagtawid
D. Maghanap ng ibang magtatawid sa matanda.
4. Paikot-ikot si Lolo Turing sa magkakapitbahayan na tila
nakalimutan niya ang daan pauwi ng kanilag bahay. Ano ang
gagawin mu?
A. Huwag pansinin ang matanda
B. Tatanungin c lolo ang ihahatid siya sa bahay.
C. Hahanapin ang pamilya ni lolo upang maiuwi sya
D. Ipagbibigay-alam ito sa mga barangay tanod

5. Nakita mong maraming nakakalat na basura sa tapat ng inyong


bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Itatapon ko ang mgabasurasailog
B. Itatapon ko ang mgabasurasatamangbasurahan
C. Ikakalat ko pa ang mga basura at itataboy ko sa harap ng aming
kapitbahay.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
ACTIVITY SHEET
ARALING PANLIPUNAN 2
Pangalan:_________________ Baitang:___________
Paaralan:__________________ Petsa:_____________
Kwarter Bilang:_____________ Guro:_____________

Kahalagahan ng Komunidad.
Gawain 9

1. Ano ang ipinakikita sa larawan? pagtutulungan ng mga tao sa


pamayanan?

2. Ano ang kahalagahan ng sama-samang

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
ACTIVITY SHEET
ARALING PANLIPUNAN 2
Pangalan:_________________ Baitang:___________
Paaralan:__________________ Petsa:_____________
Kwarter Bilang:_____________ Guro:_____________
Kahalagahan ng Komunidad
Gawain 10

Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong:


1.Kung nalalaman mo na ang iyong komunidad ay may tungkulin sa iyo
at sa iyong pamilya ,ano naman ang ginagawa mo upang pahalagahan
ito?

2.Bakit hindi natin dapat ipagwalang bahala ang ating mga tungkulin sa
lugar kung saan tayo nakatira?

3.Bakit dapat nating mahalin at pahalagahan ang ating komunidad?


Ipaliwanag ang iyong sagot.

4.Paano mo masasabi na ang inyong pamilya ay may pagpapahalaga sa


inyong komunidad?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
ACTIVITY SHEET
ARALING PANLIPUNAN 2
Pangalan:_________________ Baitang:___________
Paaralan:__________________ Petsa:_____________
Kwarter Bilang:_____________ Guro:_____________

Kahalagahan ng Komunidad
Gawain 11

Basahin at unawain ang maikling Kwento

Araw ng Sabado. Maagang gumising ang mag-anak ni Ginoong


Santos. Sabay sabay silang kumain ng almusal.

G. Santos: Natutuwa ako at maaga kayong gumising. Ngayong araw na


ito ay makikilahok tayo sa paglilinis ng ating barangay.

Gng. Santos: Siyempre naman. Gusto naming tumulong sa “Operasyon


Linis” ng ating barangay. Lahat ng ating mga kapitbahay ay tutulong
din.

Jaden/Jacob: Opo, Tatay. Sasama kami sa inyo.

G. Santos: Kaming mga kalalakihan ang maglilinis


ng kanal.

Jaden: Iipunin ko ang mga basyong plastik at lata na pinagbabahayan


ng mga lamok.

Jacob: Ako naman po ang magwawalis ng mga basura kasama ang


aking mga kaklase.

Gng Santos: Kami ni bunso ang maghahanda


ng inyong meryenda.

G. Santos: Magaling! Kung magtutulungan tayong lahat ay magiging


maganda at malinis ang ating barangay. Maiiwasan pa ang paglaganap
ng mga nakahahawang sakit,dulot ng maruming kapaligiran.

Gng. Santos: Mabuti naman at nagkaroon


ng ganitong proyekto ang ating barangay.
Lahat sila ay lumabas ng bahay at masayang ginawa ang kanilang
gawain kasama ng ibang tao sa barangay.

1. Ano ang katangian ng komunidad na binanggit sa kwento?

Sagot:___________________________________________________

2. Ano-ano ang kahalagahan ng komunidad batay sa salaysay?

Sagot:___________________________________________________

3. Ano ang maibabahagi mo sa iyong komunidad? Paano mo ito


isasagawa?

Sagot:___________________________________________________

4. Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa iyong komunidad?

Sagot:___________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
ACTIVITY SHEET
ARALING PANLIPUNAN 2
Pangalan:_________________ Baitang:___________
Paaralan:__________________ Petsa:_____________
Kwarter Bilang:_____________ Guro:_____________

Kahalagahan ng Komunidad
Gawain 12

Basahin ang bawat sitwasyon at tukuyin ang pagpapahalaga sa


komunidad na isinasaad sa bawat bilang.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Pagkatapos kumain ay itinapon ni Vicky sa basurahan ang
plastik na lalagyan nito.
A. Pagpapanatili ng kalinisan
B. Pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad.
C. Pagtulong sa gawain ng komunidad.
D. Pagsuporta sa mga gawain ng komunidad.

_____2. Ang pamilya ni Mang Juan ay gumising ng maaga para sumama


sa mga kapit bahay sa pagtatanim ng mga halaman malapit sa Barangay
Hall sa kanilang komunidad.
A. Pagtulong sa gawain ng komunidad.
B. Pagpapanatili ng kalinisan
C. Pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad.
D. Pagpapanatili sa luntiang kapaligiran ng komunidad

_____ 3. Ang kapitan ng Barangay Mabait ay naglahad ng alituntuning


“Tapat Mo Linis Mo” dahil dito araw araw na nagwawalis sa harap ng
kanilang bahay si Ella upang makatulong sa kanyang magulang.
A. Pagpapanatili sa luntiang kapaligiran ng komunidad
B. Pagtupad sa alituntunin ng komunidad
C. Pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.
D. Pagsuporta sa gawain ng komunidad.

_____ 4. Napansin ng mga tindera sa palengke na pinamamahayan ng


lamok ang kanal. Dahil dito, sila ay nagkaisa upang linisin ito.
A. Pagsuporta sa mga gawain ng komunidad.
B. Pagtutulungan ng bawat mamamayan
C. Pagtupad sa alituntunin ng komunidad
D. Pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.

_____ 5. Tuwing gabi ay rumoronda ang mga tanod sa Brgy. Matulin


upang masiguro ang kaayusan at kapakanan ng mga mamamayan.
A. Pagsuporta sa alituntunin ng komunidad
B. Pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa komunidad.
C. Pagpapanatili ng kalinisan
D. Pagtulong sa gawain ng komunidad.

You might also like