You are on page 1of 3

WORKSHEETS

Filipino 5
(Unang Kapatan)

Pangalan: _________________________________________________________
Pangkat: ___________________________________________________________

Kailanan ng Pangngalan
Tuklasin mo:
Sagutin ng TAMA o MALI ang mga ito upang matukoy ang kahulugan ng bawat isa.

________ 1. Ang asignaturang Filipino ay ginagamit lamang dito sa Pilipinas.


________ 2. Sa Matematika pinag-aaralan ang mga bilang.
________ 3. Nag-iisa lamang ang nanay ko.
________ 4. Dalawa ang punungguro sa isang paaralan.
________ 5. Mahirap maggawa ng takdang aralin kapag marami.

Basahin Mo

Basahin at pag-aralan ang usapan.

Pansinin ang mga salitang may salungguhit na tumutukoy sa dami o bilang ng pangngalan, ito ay
tinatawag na kailanan ng pangngalan.

Gawin mo:
A. Punan ang mga patlang ng wastong kailanan ng pangngalan.
1. ___________ tatay ay umalis kanina.
2. ___________ ang apat na bata.
3. Sila ang ____________ sa ballroom dancing.
4. ____________ lola muna ako uuwi ngayong gabi.
5. Nagyakapan ang ____________ nang magkita.
B. Isulat muli ang pangungusap sa maramihang anyo ang pangngalan.
1. Si Karen ay maganda.
_________________________.
2. Ang aking kapatid ay maingay.
_________________________.
3. Kay Alex ang nawawalang aklat.
_________________________.
4. Ang kapatid ko ay malusog.
_________________________.
5. Ang sapatos ay nalubog sa baha.
_________________________.

C. Bilugan ang pangngalan sa bawat pangungusap. Lagyan ng bilang 1 kung isahan, 2 kung
dalawahan at 3 kung maramihan sa loob ng kahon.

1. Ang magkakaibigan ay nagbibigayan.


2. Isang bata ang nabigyan ng guro ng regalo.
3. Nagsama-sama ang magkakalabang koponan sa basketbol.
4. Kita ang pupunta sa palengke.
5. Payamot na sumagot ang katulong.
6. Matatangkad ang magpipinsan.
7. Ikaw ang susundo sa iyong kapatid sa paaralan.
8. Ako ang kukuha ng bola mo sa kanal.
9. Ang mga mag-aaral ay maagang pinauwi ng principal.
10. Tayong magkakapitbahay ang pararangalang pinakamalinis na kalye sa barangay San
Antonio.

Panuto: Tukuyin kung ang pangngalan ay isahan, dalawahan o maramihan.


___________ 1. tatlong kuting ___________ 6. isang kuting
___________ 2. kina Mang Julian ___________ 7. mga bulaklak
___________ 3. mahkapatid ___________ 8. si Cayetano Diaz
___________ 4. mga mangingisda ___________ 9. ang lola
___________ 5. mag-asawa ___________ 10. kay Lino

Tandaan mo:

Ang kailanan ng pangngalan ay tumutukoy sa dami o bilang ng pangngalan.

 Isahan – kung tumutukoy sa isang pangngalan. Ginagamitan ng panandang si, ni, kay at ng,
pang-uring pamilang na isa, tangi, solo at bugtong.
Hal. Ang aklat Solong anak

 Dalawahan- mga pangngalang tiyak na dalawa ang dami o bilang. Karaniwa’y ginagamitan ito
ng panlaping mag.
Hal. Ang magkaibigan ay nagmamahalan. Kami lang ang magkapatid.
 Maramihan- kung ang pangngalan ay higit pa sa dalawa. Ginagamitan ng panandang
maramihan gaya ng ang mga, sina, nina, at kina. Maaari rin itong gamitan ng salitang marami,
sari-sari,iba-iba at ang panlaping mag na sinusundan ng pag-uulit ng unang pantig ng isahang
pangngalan.
Hal. sina Ana, Rona at Aida Iba-ibang bulaklak
Sari-saring palamuti Maraming bata
Magpipinsan, magkakapatid Ang mga mag-aaral.

Isulat Mo

Panuto: Punan ang patlang ng wastong pangngalan at isulat sa ibabaw nito kung isahan, dalawahan o
maramihan.

1. Siya ay _____________ na anak ni Tito Larry.


2. _____________ na kami bata pa lamang.
3. Ang inihandang menu ay para sa ___________ lamang.
4. _______________ ng manlalaro ng basketbol ang dumarayo sa ibang bansa.
5. _____________ bata ay umiiyak.

You might also like