You are on page 1of 4

WORKSHEETS

Filipino 5
(Unang Kapatan)

Pangalan: _________________________________________________________
Pangkat: ___________________________________________________________

Pagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento


Tuklasin mo:
A. Word Hunt. Hanapin ang mga salitang nasa ibaba sa loob ng mga kahon.Bilugan ang mga ito.

T I N A G U R I A N O K
B C J K G F R D Y Y M N
F I P I N O A K A Y L B
H F R E F Y J R K D U H
S T W Y Z P A P I T M T
M A G A N D A P O E I Y
G O M A G A O D S I P U
O P K A P I S T A H A N
D C N G U H U N I T S P
G I N U G U N I T A O
P F Z X C A Q W E R U I

1. kapistahan 2. ginugunita 3. pinagdarayo


4. tinagurian 5. lumipas

B. Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Inalok niyang bilhin ang sangang hugis krus. (inangkin, isinama, ipinakiusap, inalis)
2. Parang paglapastangan iyon sa Panginoon. ( pagmamahal, paglabag, paggalang, pag-alipusta)
3. Nais ng lalaki na maangkin ang hugis krus na sanga ng punongkahoy ( makuha, mawala, malipol,
maipagmalaki)
4. Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sangang hugis krus.
(nagsitutol, nag-away-away,napagkasunduan)
5. Benindisyunan ng pari ang punong kahoy. ( binasbasan, biniyayaan, binigyan ng pahintulot)

Basahin Mo

Mayaman ang Pilipinas sa mga tradisyon at kaugalian na patuloy na nagbibigay-sigla sa kulturang Pilipino.
Isa na rito ang ….

Ang Kapistahan ng Hulong Duhat

Hindi magkamayaw ang mga anak nina Aling Rosa at Mang Jose sa nalalapit na kapistahan ng
kanilang lugar. Paano’y nagkatipon na naman ang mga batang makukulit na apo nila. Bawat isa naman
nilang anak ay may nais na sagutin sa kapistahang magaganap. Tunay ngang matanda na sina Aling
Rosa at Mang Jose. Marami na silang apo.
“Inay, kami na ang mag magluluto ng kare-kare at hamonado,”sanggumi ni Cleta.
“Ang mga minatamis naman po ang sagot ko,kayang-kaya ko pong maghanda ng fruit salad at jelatin,
dugtong ni Glenda.
Nang lumapit si Cynthia sa kanilang lola Rosa …. “Lola, bakit po ba tayo magkakakaroon ng pista ng
bayan?” tanong ni Cynthia.
“Alam mo apo ko, mahabang kwento iyon. Gusto mo bang malaman ang kuwento?”
“Opo Lola, “ sagot ni Cynthia.
“Sige, tawagin mo pa ang iba mong pinsan para isang kuwento na lang ako,” tugon ni Lola Rosa.
Ang bayan ng Malabon sa Metro Manila ay maraming ipinagdidiwang na kapistahan. Bukod sa
pangunahing kapistahan, bawat baryo ay may ipinagdidiwang na kapistahan, tulad ng pistang Hulong
Duhat.
Maraming taon na ang lumipas ng maganap ang kasaysayan ng kapistahang ito. Isang araw, may
lalaking nagpapahinga sa lilim ng puno ng duhat. Napatingala siya.napansin niya ang sangang di
pangkaraniwan ang hugis.
“Aba, hugis krus,” sambit ng lalaki, sabay tindig sa pagkakaupo. Pinagmasdan niyang mabuti ang
sanga at nakita niyang hugis krus talaga.
Nagpunta siya kay Doris, ang may ari ng puno ng duhat. Gusto niyang maging kaniya ang
sangang hugis krus. Inalok niya ng malaking halaga si Doris upang bilhin ito.
“Ikinalulungkot ko,” sabi ni Doris sa lalaki.
“Hindi ko maaaring ipagbili ang sangang iyan sapagkat parang paglapastangan iyon sa
Panginoong Diyos. Marahil, nais Niyang ako ang umangkin ng hugis krus na sangang iyan iyan kaya
sa puno ng duhat ko pinatubo.”
Walang nagawa ang lalaki sa pagtanggi ni Doris. Kumalat ang balita tungkol sa sangang hugis
krus. Pinagdayo ito ng mga taong nagmula kung saan-saan.
Napagkaisahan ng mga mamamayan na putin ang sangang hugis krus at ilipat sa bisitang
ipapagawa nila. Ngunit nakakapagtaka! Nabulag ang karpinterong pumutol sa sanga at hindi nagtagal,
nagkaron ng pinsala ang kaniyang mga braso.
“Ganoon po pala iyon, Lola. Lubos kong naunawaan ngayon kung bakit mayroong kapistahan ng
Hulong na Duhat,” wika ni Cynthia.
Masayang-masaya ang buong mag-anak sa naidaos na kapistahan. Batid nila na ang pagdiriwang
ay patuloy na gugunitain sa darating pang mga taon.
Sagutin ang mga tanong.Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Tanong Sagot

1.Tungkol saan ang kuwentong inyong binasa?

2.Saan matatagpuan ang Hulong Duhat?

3.Anong hugis ng sanga ang nakita ng lalaki?

4.Bakit ayaw ipagbili ni Doris ang sangang hugis krus?

5.Kung ikaw ang may-ari ng sangang hugis krus, ipagbibili


mo ba ito? Bakit?

6.Sang-ayon ka bang putulin ang sangang hugis krus?


Pangangatwiran mo ang iyong sagot.

7.Paano pinahahalagahan ng mga taga-Hulong Duhat ang


krus?

Gawin mo:
A. Lagyan ng bilang ang mga pangyayari ayon sa pagkasunod-sunod nito sa kwento.
________ a. Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sanga ng pino.
________ b. Nakita ng lalaking nagpapahinga sa lilim nhg puno ng duhat ang sangang hugis krus.
________ c. Nabulag ang karpinterong pumotol sa sanga ng puno.
________ d. Nagpunta ang lalaki sa may-ari ng puno upang bilihin ang sangang higis krus.
________ e. Tinawag na Hulo ang pook bilang alaala sa hugis krus na sanga ng puno

Tandaan mo:

Lubos na mauunawan ang kuwento kung mababatid o matutukoy ang wastong pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

Isulat Mo

Panuto: Basahin at lagyan ng bilang ang mga pangyayari ayon sa pagkasunod-sunod nito sa kwento.
Ang Lobo at ang Ubas Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf).
Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila
matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang
isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at
muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas
ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga
ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili. (http://www.katig.com/pabula_05.html)

______Nakakita siya ng puno ng ubos na hitik ng hinog na bunga.

______Lumundag ang lobo at lumundag ng lmundag ngunit wala siya nakuha.

______ Sa isang kagubatan ay inabot ng gutom ang lobo.

______Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng ubas.

______ Nasabi ng lobo sa sarili na masuwerte siya sa nakitang puno ng ubas

You might also like