You are on page 1of 7

Ang Kasunduan ng Dios kay Noe

Maraming taon ang lumipas. Karamihan sa mga tao sa


mundo ay masasama. Subalit si Noe at ang kanyang tatlong
anak na lalaki ay mabubuti. Sinunod nila ang mga kautusan
ng Diyos. Taglay ni Noe ang pagkasaserdote.

Labis na nalungkot ang Diyos dahil sa masasama ang mga


tao.

Sinabi ng Diyos kay Noe na sabihin sa mga taong magsisi.


Siya ay magpapadala ng baha sa mundo.
Sinabi ni Noe sa mga taong magsisi. Sinabi niya sa kanilang
maniwala kay Jesucristo. Sinabi niya sa kanilang
magpabinyag. Pagkatapos ay tutulungan sila ng Banal na
Espiritu. Ang masasamang tao ay hindi nakinig kay Noe.
Hindi sila nagsisi. Tinangka nilang patayin si Noe.

Sinabi ng Diyos na ang lahat ng masasamang tao sa mundo


ay mamamatay sa baha. Karamihan sa mga hayop ay
mamamatay. Subalit si Noe at ang kanyang mag-anak ay
hindi mamamatay.
Sinabi ng Diyos kay Noe na gumawa ng isang malaking
sasakyang-dagat. Ito ay tinawag na arka. Sinunod ni Noe at
ng kanyang mga anak na lalaki ang Diyos. Ginawa nila ang
arka. Ang arka ay may maraming silid. Ito ay may bintana at
pintuan sa tabi.

Naglagay ng pagkain si Noe at ang kanyang mga anak na


lalaki sa arka. Lumapit kay Noe ang dalawa sa bawat uri ng
hayop. Sinabi ng Diyos kay Noe na ipasok ang mga ito sa
arka..

Si Noe at ang kanyang mag-anak ay pumasok sa arka. Ang


ulan ay nagsimulang bumagsak. Umulan sa loob ng 40 araw
at 40 gabi. Umapaw ang tubig sa mundo. Ang masasamang
tao ay namatay sa baha.
Ang mag-anak ni Noe ay ligtas sa arka. Pinagpala sila ng
Diyos.

Sa wakas ay tumila ang ulan. Matagal na panahong nanatili


ang tubig sa mundo. Pagkatapos ay humupa ang tubig. Ang
arka ay napadpad sa mataas na bundok. Ang lupa ay muling
naging tuyo.

Inilabas ni Noe ang kanyang mag-anak at mga hayop sa


arka.

Pinasalamatan ni Noe ang Diyos sa pagliligtas ng kanilang


buhay. Gumawa siya ng isang dambana. Nagsunog siya ng
mga alay.
Sinabi pa ng Dios kay Noe at sa mga anak niya, 9-
11
“Ito ang kasunduan ko sa inyo at sa mga lahi
ninyo, at sa lahat ng nabubuhay sa mundo pati sa
lahat ng hayop na naging kasama ninyo sa barko:
Hindi ko na muling lilipulin ang lahat ng nabubuhay
sa pamamagitan ng baha. At wala nang baha na
mangyayari pa para malipol ang mundo.”
12-13
At sinabi pa ng Dios, “Bilang palatandaan ng
kasunduan ko sa inyo at sa mga hayop, at sa lahat
ng susunod nʼyo pang mga henerasyon, maglalagay
ako ng bahaghari sa ulap. 14 Sa tuwing gagawin kong
maulap ang langit at lilitaw ang
bahaghari, 15 aalalahanin ko agad ang kasunduan ko
sa inyo at sa lahat ng uri ng hayop, na hindi ko na
lilipuling muli sa pamamagitan ng baha ang lahat ng
may buhay. 16 Tuwing lilitaw ang bahaghari sa mga
ulap, aalalahanin ko agad ang walang hanggang
kasunduan ko sa lahat ng may buhay sa mundo.”
17
Kaya sinabi ng Dios kay Noe, “Ang bahaghari ang
siyang palatandaan ng kasunduan ko sa lahat ng
nabubuhay sa mundo.”
Si Androcles at ang Leon
Pinaikling Kwento
Mga Tauhan:
Androcles
Emperador
Tatlong Sundalo
Tagapagsalaysay

Tagapagsalaysay: Si Androcles ay
isang aliping tumakas mula sa piitan niya sa Roma. Nagtatago siya sa
kagubatan. Isang Araw habang siya ay naglalakad, may nakita siyang isang
leong umaatungal sa sakit. Hindi na inisip ni Androcles ang bangis ng leon.
Agad niya itong nilapitan.
Androcles: Kawawa ka naman. May tinik palang nakabaon sa paa mo.
Huwag kang gagalaw at bubunutin ko ang tinik. (Binunot nga ni Androcles
ang tinik.) Kailangan na lang nating bendahan ang sugat mo. (Pinunit niya
ang kanyang kamisadentro at ginawang bendahe.) O sige, umalis ka na.
(Tumalikod si Androcles subalit sumunod ang leon.) Bakit ka sumunod sa
akin? (Nakatingin lamang ang leon na parang nagmamakaawa.)
Tagasalaysay: Matagal na nagsama si Androcles at ang leon. Tumulong pa
nga ang leon sa paghahanap ng pagkain. Ngunit isang araw may dumating
na mga sundalo sa gubat upang hanapin ang nawawalang alipin.
Unang Sundalo: Mabuti pa kaya ihinto na natin ang paghahanap. Wala
siguro dito ang aliping iyon.
Pangalawang Sundalo: Hindi! Kabilin-bilinan ng Emperador na hulihin ang
alipin. Hanggang hindi natin siya makikita, hindi tayo
hihinto.
Tagapagsalaysay: Dahan-dahan pumasok ang mga sundalo sa kweba kung
saan natutulog si Androcles kaya madali itong nahuli. Iginapos na si
Androcles nang biglang dumating ang leon. Sasakmalin na sana
ito ng sundalo nang biglang sumigaw si Androcles.
Androcles: Huwag po! Maawa kayo sa kanya hulihin n’yo na lang po siya
ng lambat.
Unang Sundalo: Kung hinayaan mo sanang ipagtanggol ka ng iyong alaga,
di sana ay nakatakas ka.
Androcles: Ayaw kong mapahamak ang leon dahil sa akin.

You might also like