You are on page 1of 1

Ang Balita ni Kuya Lito

Isang umaga, nakikinig ng balita sa radio si Kuya Lito. “Magandand


umaga, mga kababayan! Ito na naman po ang RACC Balita, Nagbabalita
ngayon!” “Naitala kahapon na dalawampu’t apat na bata na may gulang na
walo hanggang sampu ang nakagat ng aso sa bayan ng San Jose. Ito ay ayon
kay Dr. Dhan R. Alejandro ng Veterinary office.” Kung hindi ito maaagapan
maaari itong ikamatay. “Pinag-iingat din ang mga may-ari ng aso na maging
responsible sa kanilang mga alagang hayop na pabakunahan ng anti-rabies at
itali ang mga ito upang hindi makadisgrasya.”
Nababahala si Kuya Lito sa napakinggang balita sa radio. Kinausap niya ang
kanyang nakababatang kapatid. Binigyan niya ang mga ito ng babala tungkol
sa rabies na dala ng kagat ng aso. “Ano ang dapat naming gawin kapag nakagat ng
aso Kuya? “ tanong ni Gian sa Kuya. “Dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang
kasama sa bahay na kumunsulta na agad sa doctor para malapatan ng paunang lunas.”
“Salamat po, Kuya Lito.” Sabi ni Gian.

You might also like