You are on page 1of 2

Ang Buhay ni Labaw Donggon (Dula)

Utos ng Maykapal: Igalang ang magulang.


Mga Tauhan:
1. Labaw Donggon
2. Anggong Ginbitinan Mga asawa ni Labaw
3. Anggong Doronoon
4. Nagmalitong Yawa Nagustuhan ni Labaw
5. Buyong Saragnayon Asawa ni nagmalitong Yawa
6. Asu mangga Anak ni Labaw kay Anggong Ginbitinan
7. Baranugan Anak ni Labaw kay Anggong Doronoon

Tagpuan:
Panahon Bago dumating ang mga Espaol
Lugar Lambunao, Iloilo

Unang Tagpo
TAGAPAGSALAYSAY: Nabalitaan ng magkapatid na Baranugan at
Asu Mangga na nakakulong sa ilalim ng bahay ni Buyong Saragnayon
ang kanilang amang si Labaw Donggon. Agad nagpaalam ang
magkapatid sa kani-kanilang ina at pinuntahan nila ang bahay ni
Saragnayon.
BARANUGAN: Saragnayon, palayain mo an gaming amang si Labaw!
SARAGNAYON: At sino ka npara mag-utos sa akin?
BARANUGAN: Anak ako ni Labaw Donggon na ikinulong mo sa ilalim
ng iyong bahay sa matagal nang panahon. Palayain mo na siya!
SARAGNAYON; Palayain! Pagkatapos niyang pagnasaan ang asawa
kong si Nagmalito? Inilublob niya ako sa tuig at pitong taon siya sa
ilalim ng bahay ko!
BARANUGAN; Maglaban tayo! Kapag natalo kita, palalayain mo si
Ama!
TAGAPAGSALAYSAY; Naglaban nga sina Saragnayon at Baranugan.
Bata at malakas si Baranugan. Humingi ng tulong sa mga impakto si
saragnayon at isang kawan ng impakto ang dumating.
BARANUGAN; Asu Mangga, tulungan mo ako, napakarami nila
ASU MANGGA; Nariyan na ako!
TAGAPAGSALAYSAY; Nagtulong ang magkapatid at napatay nila si
Saragnayon. Lumindol at dumilim ang buong paligid nang mapatay nila
si Saragnayon.
BARANUGAN; Hanapin natin si Ama, Asu Mangga.
ASU MANGGA: wala siya sa ilalim ng bahay ni Saragnayon. Saan kaya
nagpunta si Ama?
BARANUGAN; Humingi tayo ng tulong sa mga kapatid ni Ama.
Halika na.
TAGAPAGSALAYSAY; Sa tulong ng mga kapatid na sina Humadapnon
at Dumalapdap, natagpuan nila si Labaw Donggon na isa nang sintu-
sinto. GInamot siya ng dalawang asawa hanggang sa gumaling.

You might also like