Ikakasal ang Diwatang si Alunsina pagtungtung nya sa edad ng pag-
dadalaga,marami ang naghangad na mapangasawa sya ngunit ikinasal sya sa mortal na pinuno ng Hinilawod nasi Datu Paubari.Sa galit ng mga nabingong manliligaw binalak nilang sirain ang boung Hinilawod pero nakaligtas ang dalawa.Nanirahan sila ng tahimik at payapa sa bukana ng Ilog Halawod.Pagkalipas ng ilang buwan ay biniyayaan sila ng tatlong makikisisig na anak na sina Labaw Donggon,Humadapnon at Dumalapdap.
ANG PAGLALAKBAY NI LABAW DONGGON
Si Labaw Donggon ay mahahilig sa mga magagandang.Pinakasalan nya si
Anggoy Ginbitinan na nagmula sa bayan ng Handug.Sunod naman niyang pinakasalan si Anggoy Doronoon na nakatira sa Tarambang Burok.Binalak ulit nyang pakasalan si Malitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan.Ngunit mapapangasawa lang ni Labaw Donggon si Malitong Yawa Sinagmaling Diwata kong mapapatay nya si Saragnayan.Kaya naglaban ang dalawa ng maraming taon ngunit natalo ni Saragnayan si Labaw Donggon,iginapos nya ito sa ilalim ng kanyang tirahan.
Samantala,sabay namang nanganak ang dalawa asawa ni Labaw
Donggon,pinangalanan ni Anggoy Ginbitinan ang anak nila bilang si Asu Mangga at tinatawag naman ni Anggoy Doronoon ang kanilang anak bilang si Abyang Baranugon.Naglakbay ang dalawa para hanapin ang kanilang ama.Nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan at napag-alaman nilang iisang ama ang kanilang hinahanap.Sabay sialng naglakbay sa lupain ng Bukangliwayway kung saan nandoon si Saragnayan.Sabay nilang nilabanan si Saragnayan at natalo nila ito sa pamamagitan ng pagpatay ng baboy-ramo kong saan natakatango ang kapangyarihan ni Saragnayan.Ngunit kahit natalo na nila si Saragnayan ay hindi parin nila mahanap ang kanilang ama.Pagkalipas ng ilang taong paghahanap ay natagpuan nila ang kanilang ama sa loob ng isang lambat na nasa may pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan.Inuwi nila ang kanilang ama na wala ng lakas at kakisigan.Gumawa sila ng ritwal at seremonya upang maibalik ang dating lakas at kakisigan nito.Ginawa din lahat ng dalawang asawa ni Labaw Donggon upang bumalik ito sa dati.Hindi nagtagal ay nanumbalik ang lakas at kakisigan ni Labaw Donggon.
URI NG KWENTO
Ang epiko ng Hinilawod ay isang uri ng epiko ng Bisaya.
SURI NG TAUHAN (MAIN CHARACTERS)
A. ALUNSINA -isang magandang Diwata na umibig sa mortal na si Paubari.
B. DATU PAUBARI-siya ang mortal na umibig kay alunsina.Pinuno ng halawod.
C. LABAW DONGGON-mahiling sa magagandang babae.isang makisig at malakas na
lalaki.
D. ANGOY GINBITINAN-unang asawa ni labaw donggon na nagmula sa bayan ng
Handug.
E. ASU MANGGA-anak nina Ginbitinan at Labaw Donggon
F. ANGGOY DORONOON-ikalawang asawa ni Labaw Donggon na nakatira sa
Tarambang Burok.
G. ABYANG BARANUGON-anak nina Doronoon at Labaw Donggon
H. SARAGNAYAN-asawa ni Malitong Yawa Sinagmaling Diwata.Diyos ng kadiliman.
I. MALITONG YAWA SINAGMALING DIWATA-asawa ni Saragnayan.
SURI NG TAGPUAN (SETTING)
-Ang epiko ng hinilawod ay nangyari sa bulubundukin ng Panay.
-sa Halawod,dito isinilang ni Alunsina ang kanyang tatlong anak.
-Lupain ng Bukangliwayway-kung saan ng laban siba Labaw Donggon at Saragnayan.
-Tarambang Burok-kong saan naninirahan si Doronoon.
TEMA NG KWENTO
Hinilawod
-Isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Kanlurang Biasaya,ito ay
nagsasaad ng kaunlaran at kultura ng mga Panay noong unang panahon.
-Ang Hinilawod ai hinango sa dalawang salita na “Hini” na ang ibig sabihin ay
nangangahulugan ng “dagat”, ang hinilawod ay nangangahulugang “Himig ng Dagat” o sa matalinhagang salin ay katumbas ng “Himig mula sa Dagat”. -Hinilawod,literal na nangangahulugang “tales from the mouth of the Halawod River”
BANGHAY (UNA, CLIMAX, WAKAS)
Nag-asawa sina Alunsina at Paubari,nagkaroon sila ng tatlong makikisig na
anak,sina Labaw Donggon,Humadapnon at Dumalapdap,nakitaan ng interes sa mga babae si Labaw Donggon nagkaroon siya ng dalawang asawa.Gustong maging pangatlong asawa ni Labaw Donggon si Malitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan,naglaban ng maraming taon ang dalawa ngunit natalo parin ni Saragnayan si Labaw Donggon iginapos nya ito sa ilalim ng kanyang bahay.Natalo ng magkapatid na sina Asu Mangga at Baranugon si Saragnayan na anak ni Labaw Donggon sa dalawa nang asawa,matagal nilang hindi nahanap ang kanilang ama ngunit sa paglipas ng taon natagpuan nila ito sa loob ng isang lambat sa may pampang sa tabi ng bahay ni Sinagmaling.Di nagtagal ay bumalik din ang dating kakisigan ng kanilang ama.
REKOMENDASYON
Pagkatapos ng ilang taon, nagkaroon ng asawa sina Asu Mangga at Baranugon
biniyayaan nila ng maraming apo ang kanilang mga magulang.Naging masaya sina Labaw Donggon at ang dalawa nyang asawa dahil maraming silang apong binibantay at inaalagaan.Mula noon ay namuhay sila ng masaya at payapa.
ARAL NA MAPUPULOT
a. Matutung makontento sa kung anong meron ka.
b. Walang imposible sa larangan ng pag-ibig,magkaiba man ang estado sa buhay.
c. “Do not succumb to the temptation,as that would lead to disaster and failure”.
d. “Do not take yourself off the right road.”
e.Lahat ng gusto mo’y makukuha mo basta pinaghirapan at pinagsikapan mo ito.