You are on page 1of 5

PANITIKAN SA REHIYON VII

(GITNANG VISAYAS)

Ang Rehiyon VII o Gitnang Bisayas (Central Visayas) ay binubuo ng lalawigan ng Cebu,
Bohol, Negros Oriental at Siquijor. Tinatayang pangatlo sa pinaka mataong rehiyon sa Pilipinas.
Bisayang Cebu o Cebuano ang ginagamit na wika na pinaniniwalaang naimpluwensyahan ng
Hebrew, Arabia at Sanskrit. Sinasabing ang literatura ay di lubos na umunlad maliban sa pagsapit
ng ika-20 siglo.

I. TIGMO O BUGTONG SALIN

1. Gipalit ko bisan ug mahal, (I bought it and it’s costly,


Apan magpulos lamang ug But I use it for hanging only
magbitay.

Sagot: HIKAW

2. Na-ay kaban sa pari (There’s a priest trunk,


Ukbon dili mauli. But when opened it, could not be closed.

Sagot: ITLOG

3. Ako, apan dili ko magamit (I own it but I don’t use it.)


Laing tao ang mogamit

Sagot: PANGALAN

II. SANGLITAN O SALAWIKAIN

1
1. Ang mga natulog Ang hipong natutulog
Naanod sa sulog. Natangay ng agos

2. Ang kabugnaw sa pulong Ang lamig ng salita


Sa kalayo makapalong. Sa apoy ay makakapuksa.

III. AMBAHAN O AWITING BAYAN

DANDANSOY TUBA

Dandansoy, baya-an ta ikaw, Dandansoy, inom tuba laloy

Mauli ako sa payaw, Dili ko mainom, tuba pait aslom

Ugaling kon ikaw hidlawon, Ang tuba sa baybay

Ang payaw imo lang lantawon. Patente mo anay

Talaksan nga diutay


Dandansoy, kon imo apason,

Puno sang laway.


Bisan tubig di magbalon

Ugaling kon ikaw uhawon

Sa dalan magbubon-bobon.

IV. BALAK O TULA

2
BAHANDI SA NASOD

Garbo ko kay ako nay dugong Pilipino

Kay kita mga isog ug utukan nga tawo

Sama lang ni Jose Rizal na us aka henyo

Miski patay na sa, nagpabiling ilado.

Pag abot sa mga bahandi sa atong nasod

Ang Pilipinas dili magpaulihi gayod

Ang mga tao diri wala lang gyud nasayod

Na kini maoy hatag sa atoang balaod.

Klase-klaseng isda diri naa kay Makita

Nindot nga bulak sa lasang naa usab kita

Mga bukid na pirting dagkua ug tag-asa

Labi na ang atong dagat na pagka tin-awa.

V. WAYANG ORANG at WAYANG PURNA – isang puppet show na sinasaliwan ng brassgong


sayaw na galaw ng leeg, kamay, mata at pabigla-biglang paghakbang. Tumatalakay ito sa

3
pagpaparusa ng mga Bathala sa mga Datu/Sultan dahil sa kalupitang ginagawa sa mga
babae.

VI. KUNDU O EPIKO

LABAW DONGGON (BUOD)

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay napakakisig na


lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan nya ng maraming regalo ang ina ni
Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang
dalawa. Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig
siyang muli sa isang magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan
niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa


Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad
nya na may kapangyarihan din.

“Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa,”sabi ni Buyung Saragnayan sa
kanya.

“Handa akong kalabanin ka,”sagot ni Labaw.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi
mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay
Labaw.

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni Saragnayan.


Samantala, ang kanyang mga asawa na sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay
nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu Mangga at
si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun. Gustong Makita si Labaw ng kanyang

4
dalawang anak at nagpasya na hanapin siya. Sa tulong ng bolang Kristal ni Buyung
Barunugun ay nalaman nila na bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay
nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang kanyang katawan
ay nababalutan na ng mahabang buhok.
“Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo
siya labanan,”sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak.

“Opo ama,”sagot ni Baranugan. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini
upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.

Nalaman ni Baranugan kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at


pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay
nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito na
siyang buhay ni Saragnayan.

Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam na siya kay
Nagmalitong Yawa. Handa na siya upang kalabanin ang dalawang anak ni Labaw. Si
Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugung laban. Napatay siya ni
Baranugun sa isang mano-manong laban. Pagkatapos ng laban ay hinanap nila ang
kanilang ama. Nakita nila na siya ay nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga
kapatid ni Saragnayan. Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.

INIHANDA NI: WELMAR D. ALAM


BSED IV

You might also like