You are on page 1of 83

PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

ULAT PAPEL
TUNGKOL SA PANITIKAN NG
NATIONAL CAPITAL REGION (NCR) AT
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
(CAR)

IPINASA NILA:
Agor, Mary Ann L.
Ambatang, Jasper Cons M.
Asuncion, Jessa Mae O.
Bandoles, Mary Cris A.
Barcatan, Miles Ann L.
BSED-FILIPINO

IPINASA KAY:
G. Mubarak M. Tahir
Propesor

Ika-23 ng Nobyembre 2020


PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

KALIGIRANG KAALAMAN SA NCR


Batay sa kasaysayan ng Maynila noong ika-13 siglo, ang sinaunang lungsod
ng Maynila ay binubuo ng mga tindahan at opisinang tagatanggap sa may tabi ng
baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng makalumang pamayanan. Ang opisyal na
pangalan na ibinigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong o Selurung na ginamit
din sa isang rehiyon sa pulo ng Luzon at iminumungkahing ito ang kabisera ng
Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalang ibinigay ng mga pangkat-etnikong
mga Tagalog. Ang Maynila ay unang nakilala bilang Maynilad. Ang pangalan ay
mula sa salitang ‘nila’, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin
ng look at ginagamit upang makagawa ng sabong siyang ginagamit sa
pakikipagkalakalan. Ang lungsod ay may humigit kumulang 100 parkeng nakakalat
sa buong lungsod.
Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong
opisyal na pamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo, mula 1565
hangganghh 1898. Noong sinakop ng Britanya ang Pilipinas, ang lungsod ay
pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon mula 1762 hanggang 1764 na
naging bahagi sa pitong taong digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng
Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos
sa panahon ng arsobispo ng Maynila at Real Audencia. Pampanga naman ang
ginawang kuta ng mga armadong rebelde na kalaban ng mga Briton.
Ang Maynila ay nakilala noong nagkaroon ng kalakalang Maynila-Acapulco na
tumagal ng tatlong siglo at naghatid ng mga kagamitan mula sa Mehiko tungo sa
Timog-Silangang Asya. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga
Espanyol at pinamahalaan ang archipelago hanggang 1946. Noong ikalawang
digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking bahagi ng lungsod. Pumangalawa ito
sa pinakawasak na lungsod noong ikalawang digmaang pandaigdig, ang Warsaw,
Poland. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may
kasarinlan noong 1975.
Ang NCR ay kilala rin sa tawag na Metropolitan Maynila. Matatagpuan ito sa
pagitan ng Manila Bay sa Kanluran at Laguna Bay at Sierra Madre sa
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Silangan. Ito ay may kabuuang sukat na 619.5 km2. Matatagpuan sa baybaying


dagat ang Maynila, Pasay, Parañaque, Malabon, Las Piñas, Valenzuela, at Navotas.
Sa mataas naman ang Caloocan, Quezon, Mandaluyong, Makati, Muntinlupa, at San
Juan.

NCR (National Capital Region)


• tinawag bilang Metro Manila

Mga Lalawigan ng NCR


Nakuha sa National Nutrition Council. NCR Profile.
Retrived from https://www.nnc.gov.ph/2-uncategorised/244-ncr-profile
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• CALOOCAN

Larawan mula sa Britannica: Monument to Andres Bonifacio,


Caloocan, Phil.

∙ Ang Caloocan bilang isang pangalang pampook ay mula sa salitang ugat na


"lo-ok;" "kalook-lookan" (o "kaloob-looban") na nagngangahulugang
"pinakaloob na lugar."
∙ Kilala bilang makasaysayang Lungsod ng Caloocan
∙ Sentro ng aktibidad ng Katipunan noong 1896 Revolution ng Pilipinas.
∙ Ang Caloocan City ay umangat na sa pang-pitong pinaka-mayamang lungsod
sa buong Pilipinas.
∙ Ang Caloocan ay mayroong 188 na mga barangay na nahahati sa 2 distrito
ng pambatasan na hinati ng Samson Road at EDSA
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• TAGUIG

(Mula sa taas,
kaliwa-
pakanan):
Bonifacio
Global City,
Archdiocesan
Shrine of Saint
Anne, Gusaling
Panlungsod ng
Taguig,
Napindan
Parola, Arca
South

∙ Ang Taguig ay nanggaling na salitang taga-giik na ang ibig sabihin ay rice


thresher.
∙ Ang Taguig ay isang lungsod na sakop ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
∙ Dating komunidad ng palaisdaan sa pampang ng Laguna de Bay ngunit
ngayon, isa na itong mahalagang pamahayan at industriyal ng Maynila.
∙ Lalong umunlad ang lungsod pagkatapos ng pagtatayo ang Bonifacio Global
City.
∙ Matatagpuan ang Taguig sa kanlurang pampang ng Laguna de Bay
∙ Ang balut, itlog maalat ay ilan lamang sa mga sikat na produkto sa Taguig.
∙ Ang Sta. Ana Banak Taguig Festival ay isa sa mga natatanging pangyayari na
ginugunita ng mga taga-Taguig.
∙ Ang Taguig ay dating "Divisoria" ng timog
∙ Ang lungsod ng Taguig ay napakapopular dahil sa “Fort Bonifacio”, na kilala
bilang lugar ng mayayaman
∙ Dalawa sa mga nangungunang unibersidad ng nasa Taguig City: The
Polytechnic University of the Philippines, at ang Technological University of
the Philippines.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• VALENZUELA

Mula sa taas, kaliwa-pakanan: Hall of Justice; Pío Valenzuela Residence; People's Park; San Diego
de Alcala Church; Valenzuela City Hall

o Kilala bilang “Northern Gateway to Metropolitan Manila”


o Ang Valenzuela ay isang lungsod pang-industriya na matatagpuan sa
Kalakhang Maynila, Pilipinas.
o Ang lungsod ay sentro ng natural na mga kalamidad tulad ng pagbaha,
lindol, at tsunami at gayun din sa mga kalamidad na gawa ng tao tulad
ng sunog.
o Ipinangalan kay Pio Valenzuela ang Lungsod Valenzuela dahil sa
kanyang kabayanihan
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• MALABON

Nakuha sa Wikipedia

o Kilala dahil sa kanilang sikat na pagkain na Pancit Malabon at sa


kanilang mga kakanin
o may kabuuang lawak na 15.96 na kilometro kwadrado.
o Isa ang Malabon sa pinakamataong lungsod sa Pilipinas, at ang
mababang lupain nito ang nagdudulot ng madalas na pagbaha.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• NAVOTAS

Mula kay dianneobdin: Navotas Fish Port Complex, Navotas City

o Kilala bilang “Fishing Capital of the Philippines”


o Ang Navotas Fish Port Complex (NFPC), ang pangunahing sentro ng
isdaan sa Pilipinas at isa sa pinakamalaki sa Asya,
o Pinangalanan ito kay "San Jose de Navotas" na naging "Saint Joseph".
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

(Mula itaas, kaliwa hanggang kanan): Eastwood City, Quezon Memorial Circle, tanawing himpapawid
ng Lungsod Quezon, EDSA Shrine, at Abenida Katipunan.

• QUEZON CITY

o Pinakamalaking lungsod sa Metro Manila at sa Pilipinas


o Ang Lungsod ng Quezon ay isa sa mga pinaka mabilis na lumagong
lungsod sa Pilipinas.
o Pinangalan ito sa dating presidente ng Komonwelt ng Pilipinas na si
Manuel L. Quezon.
o Ang Lungsod ng Quezon ay itinugariang, “The City of New Horizons”
dahil sa urbanisado ang lungsod, maraming kultura at kaugalian.
o Ang Lungsod ng Quezon ay mayroon 142 na barangay.
o Ang pinaka kilala na atraksyon sa Lungsod ng Quezon ay ang “Quezon
Memorial Circle” dahil lalo na dahil sa hugis ng istruktura at pabilog na
kalye na ang tawag ay “Elliptical Road”.
o Sa Quezon Memorial Circle nakalabi ang musoleyo ng dating
presidente na si Manuel L. Quezon at ang kanyang asawa na si First
Lady Aurora Quezon.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Paikot sa kanan, simula sa taas): Panoramang urbano ng Maynila, Gusaling Panlungsod ng Maynila,
Binondo, Palasyo ng Malakanyang, Simbahan ng Tondo, Look ng Maynila, Bantayog ni Rizal, Tanggapan
ng Koreo ng Maynila

• MANILA

o “Capital of the Philippines”


o Ito ang sentro ng kaunlaran ng industriya at pandaigdigang daungan
o Ito ang kauna-unahang lungsod na kinikilala ayon sa Philippine
Commission Act 183 na ipinasa noong ika-13 ng Hulyo, 1901 at naging
awtonomo nang maipasa ang Batas Republika Blg. 409 o ang
"Revised Charter of the City of Manila" noong ika-18 ng Hunyo, 1949.
o Ang Maynila, na sumasakop ng 42.88 na kuwadrado ng kilometro, at
pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas
o Ang lungsod na ito ay nahahati sa 897 na barangay
o Ang Maynila ang naging "National Chief Port" ng bansa.
o Ang Maynila rin ang pangunahing tagalathala ng pahayagan sa
Pilipinas.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL
.
• MARIKINA

Wikipedia: Marikina City Hall

o Kilala bilang "Shoe Capital of the Philippines"


o Ang pinakamalaking pares ng sapatos na ginawa ng mga natatanging
sapatero ng lungsod ay naitala sa Guinness Book of Records at
makikita sa Riverbanks Mall ng naturang lungsod.
o Ang Museo ng Sapatos ay kilala din bilang tahanan ng tanyag na
sapatos ng dating Unang Ginang Imelda Marcos.
o Dumadaloy ang Ilog Marikina, isang sanga ng Ilog Pasig sa gitna ng
lungsod. Sa katunayan, sinasakop ng lungsod ang bahagi ng Lambak
ng Marikina at binabaha minsan kapag may mga
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Pasig City Public Market

• Pasig

o Kilala bilang “The Green City”


o Ito ang dating kabisera ng lalawigan ng Rizal mabuo ang Kalakhang
Maynila.
o Ang Pasig ay isang lungsod panirahan at pang-industriya subalit unti-
unti na itong nagiging isang lumalagong pangkalakalan na lugar.
o Sa loob ng bayan nito ay matatagpuan ang Katedral ng Immaculada
Concepcion, isa sa mga pinakalumang simbahan sa kalakhang
Maynila.
o Ang lungsod ng Pasig ay isa sa tatlong munisipalidad na itinalaga ng
diyosesis ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas
o Ang pangalang Pasig ay pinaniniwalaang galing sa salitang Sanskrit na
"passis" o buhangin na tumutukoy sa komunidad sa mabuhangin gilid
ng ilog.
o Ang Lungsod ng Pasig ay nahahati sa 30 mga barangay.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Nakuha sa IAG: Mga gusali sa Makati

• MAKATI

o Dito matatagpuan ang Makati Central Business District


o Kilala ito sa kanilang matatayog na mga gusali, “shopping mall”,
“entertainment hub”, at mga restawran
o Kilala rin bilang isang distrito ng negosyo
o Maraming mga maimpluwensyang mga negosyante tulad ng pamilyang
Ayala ang nakatira dito.
o Dati itong matatagpuan sa lalawigan ng Rizal ngunit inilipat ito sa
Kalakhang Maynila noong 1975.
o Tinatawag itong Kabisera ng Pananalapi sa Pilipinas (Financial Capital
of the Philippines).
o Ang lungsod ng Makati ay may kabuuang lawak na 27.36 kilometro
kwadrado.
o Ang Makati ay nahahati sa 33 mga barangay
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• MANDALUYONG

Wikipedia: tanawin sa Mandaluyong

o Kilala bilang "Tiger City"


o Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng Pilipinas", "Puso
ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong
Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas".
o Nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa salitang
Tagalog na mga daluy.
o Ang Mandaluyong ay nahahati sa 27 na baranggay.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• SAN JUAN

Wikipedia: Mga gusali sa SanJuan

o Kilala bilang “tiangge capital of the Philippines“


o Ang lungsod ang ikalawang pinakamaliit sa mga lungsod at bayan sa
Kalakhang Maynila.
o Ang opisyal na mahabang pangalan ng San Juan ay Lungsod ng San
Juan del Monte.
o Ito ang lugar ng unang labanan sa pagitan ng Katipunan
o mga interesadong lugar sa San Juan: Dambana ng Pinaglabanan, ang
Greenhills Shopping Center, Xavier School, at ang Immaculate
Conception Academy-Greenhills.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• PASAY

Wikimapia: Bulwagang Panlungsod ng Lungsod ng Pasay - Lungsod ng Pasay

o Nasa lungsod ng Pasay ang gusali ng Senado, ang Paliparang


Pandaigdig ng Ninoy Aquino, at ang SM Mall of Asia.
o Kilala sa kanilang de-kalidad ng mga lokal na sining at mga
kagamitang gawang kamay
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• PARAÑAQUE

Wikimapia: Tanawin ng Parañaque

o Ang Lungsod ng Parañaque ay ang ika-11 na lungsod sa kalakhang


Maynila
o Hinirang bilang urbanisadong lungsod ni dating Pangulong Fidel V.
Ramos noong 15 Pebrero 1998.
o Kilala bilang “Fashion Capital of Metro Manila”
o Ang Parañaque ay binubuo ng dalawang distritong pambatas na
nahahati pa sa 16 na Barangay.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• LAS PIÑAS

o pinakamabilis na lumalagong komunidad sa Metro Manila


o Pamahayan ang kalahati ng nasasakupan ng lupain samantalang
pangkalakalan, industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati.
o Binubuo ang kasalukuyang pisograpiya ng Las Piñas ng tatlong sona:
Look ng Maynila, Coastal Margin at Guadalupe Plateau.
o Ang Las Pinas ay nahahati sa 20 barangay
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• MUNTINLUPA

Inquirer.net: New Bilibid Prison

o kilala bilang kinalalagyan ng “national insular penitentiary”, ang New


Bilibid Prison
o Tanyag ang Muntinlupa bilang lungsod na kung saan matatagpuan ang
National Bilibid Prison, ang pambansang bilangguan
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

• Pateros

o Nag-iisang munisipalidad
o Ang Pateros na may kabuuang lawak na 2.1 kilometro kwadrado
o natitirang bayan sa Metro Manila ang hindi pa naidedeklarang lungsod.
o Pinakamaliit na bayan ang Pateros sa mga lungsod at munisipalidad
ng Kalakhang Maynila
o Kilala ang bayan na ito sa industriya ng pagpapalaki ng mga bibe at
lalo na ang paggawa ng balut
o Ang pangalang Pateros ay nanggaling sa wikang Tagalog na "pato" at
"sapatos".
o Nahahati ang Pateros sa 10 barangay:
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Mga Kilalalang Manunulat sa NCR

Severino Reyes
- Sta. Cruz, Manila
- Ama ng Sarsuelang Tagalog

Si Severino Reyes ay isang manunulat na Filipino. Siya ay Ipinanganak sa Sta.


Cruz Maynila noong 11 Pebrero 1861. Produkto siya ng Colegio de San Juan de
Letran sa Intramuros at ng Unibersidad ng Santo Tomas. Nag-aral siya ng pilosopiya
noong siya ay nasa kolehiyo. (PHILIPPINE LITERATURE PORTAL, 2020)
Noong 1902, itinatag niya ang Grand Compania de Zarzuela Tagala at naging
direktor siya rito. Hindi nagtagal, ang kanyang grupo ay sumikat sa buong Maynila at
kahit pa sa malalapit na ayan at lalawigan. (PHILIPPINE LITERATURE PORTAL,
2020)
Pagkatapos ng dalawang dekada, nagsulat siya para sa magasin na Liwayway.
Dito isinilang ang seryeng Mga Kuwento ni Lola Basyang, isang tauhan na hinango
ni reyes mula sa matandang babae na kanilang kapit-bahay, si Gervacia de
Guzman. (PHILIPPINE LITERATURE PORTAL, 2020)
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Francisco Balagtas
- Sta. Cruz Maynila
- Florante at Laura

Itinuturing na “Prinsipe ng Makatang Tagalog” dahil sa kanyang obra maestra na


Florante at Laura. Itinuturing din siyang pasimuno ng mga pagbabagon sa panitikan
sa loob ng pananakop ng mga Espanyol. Nag-aral siya sa Colegio de San Jose at sa
Colegio de San Juan de Letran. Ayon sa ulat, nakalista siyang estudyante sa
Colegio de San Jose ngunit sa pangalang “Francisco Balatazar” ganoon din sa
dokumento ng kasal niya kay Juana Tiambeng noong 22 Hulyo 1842. Walang na
paliwanag sa pagbabago ng kanyang alpelyido. (CulturEd Philippines, 2015)
Noong 1835, umibig siya kay Maria Asuncion Rivera, anak ng mayamang
angkang Pandacan na pinag-alayan niya ng tulang “Kay Celia” pambungad na tula
ng Florante at Laura. Gayunpaman hindi sila nagkatuluyan ng dalaga. Sa Pandacan,
nakulong siya sa isang di-malinaw na dahilan. Lumaya siya noong 1838, taon na
sinasabing unang inilathala ang Florante at Laura. Lumipat si Baltazar sa Udyong
(ngayo’y Orion), Bataan, at doon pinakasalan si Juana Tiambeng. Mula 1857
hanggang 1860, nagsulat siya ng maraming komedya para sa Teatro de Tondo at
nagsulat pa ng maraming tula. (CulturEd Philippines, 2015)
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Lope K. Santos
- Pasig, Rizal
- Paham ng Wika
- Ama ng Bariralang Pilipino
- Haligi ng Panitikang Pilipino
Ipinanganak siya sa Pasig, Rizal noong 25 Setyembre 1879. Noong 1900,
nagsimula si Santos bilang peryodista sa iba’t ibang diyaryo hanggang maging editor
ng Muling Pagsilang, Lipang Kalabaw, at iba pa. Nakapagsulat si Santos ng
sampung tomo ng mga tula. May anim na nobela rin siya at tampok dito ang Banaag
at Sikat (1906), na may diwaing sosyalista. (CulturEd Philippines, 2015)
Malaki rin ang kanyang ambag sa pagtataguyod ng wikang pambansa. Naging
direktor siya ng Surian ng wikang Pambansa at awtor ng Balarila ng Wikang
Pambansa na naging opisyal na teksbuk sa pagtuturo ng wikang Tagalog. (CulturEd
Philippines, 2015)
Naging gobernador siya sa Rizal, unang gobernador ng Nueva Vizcaya, at
senador ng ika-12 distrito. Bilang senador, inakda niya ang Araw ni Bonifacio at mga
batas para mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa. Naging Pangulo rin siya
ng Union del Trabajo de Filipinas, tagapagtatag at pangulo ng Congreso Obrero.
(CulturEd Philippines, 2015)
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Amado Hernandez
- Tondo, Manila
- Manunulat ng Manggagawa
- Pinuno ng mga Pilipinong Manggagawa

Hinirang na Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1973. Mas kilala


bilang Ka Amado sa kaniyang mga kaibigan. Nagsimula siya bilang manunulat at
editor bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng digma, naging
kinatawan siya ng Newspaper Guild of the Philippines sa pamunuan ng
Congressman of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo siya ng CLO noong
1947 at nahalal ding Konsehal ng Maynila noong 1945 at 1947. (CulturEd
Philippines, 2015)
Isinilang siya sa Tondo, Maynila, noong 13 Setyembre 1903 kina Juan
Hernandez at Clara Vera. Napangasawa niya ang Reyna ng Sarsuwela at Kundiman
at kapuwa Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro na si Atang de la Rama.
(CulturEd Philippines, 2015)
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Lualhati Bautista
- Tondo, Maynila
- Palanca Awardee
- Gapo
- Dekada ‘70
- Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?
Ipinanganak sa Tondo, Maynila noong ika-2 ng Disyembre 1945. Siya ay isa sa
pinakatanyag na Filipinong nobelista. Pumasok siya sa Lyceum University of the
Philippines sa kursong journalism ngunit hindi ito ipinagpatuloy matapos ang
kanyang unang taon. (Castro, J. L., Clara, R., Domingo, D., et. al., n.d)
Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) para sa nobelang
Gapo, Dekada ‘70 at iba pa. Hindi rin matatawaran ang pagiging mahusay sa
pagiging scriptwriter. Ang kanyang unang screenplay ay ang Sakada, 1976 na
nagpakita ng kalagayan ng mga magtutubo. Ginawa rin niya ang Bulaklak ng City
Jail base sa kanyang nobela tungkol sa mga kababaihang nakulong. Nahakot nito
halos lahat ng gantimpala sa Star Awards at Metro Manila Film Festival. (Castro, J.
L., Clara, R., Domingo, D., et. al., n.d)
Kabilang siya sa University of the Philippines Creative Writing Center noong
1986, nagsilbing bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines at pinuno
ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular. Siya lang ang natatanging
Filipino
na kasama sa Libro ng International Women Writers na nilimbag sa Japan. (Castro,
J. L., Clara, R., Domingo, D., et. al., n.d)
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Nick Joaquin
- Paco, Maynila
- Manunulat, mananalaysay ng kasaysayan at mamahayag
Isinilang siya sa Paco, Maynila noong 4 Mayo 1917. Itinanghal na Pambansang
Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1976 si Nick Joaquin. May sagisag-
panulat siyang Quijano de Manila. Nagkamit ng Harry Stonehill Award at nagwagi sa
Don Carlos Palanca Memorial Award. Nagawaran rin siya ng Republic Cultural
Heritage Award sa larangan ng literatura noong 1961, ng Gawad Patnubay ng Sining
at Kalinangan ng Lungsod Maynila noong 1964, ng Ramon Magsaysay Award noong
1996 para sa peryodismo, literature, malikhaing komunikasyon , at Gawad Tanglaw
ng Lahing Ateneo de Manila University noong 1997. (Castro, J. L., Clara, R.,
Domingo, D., et. al., n.d
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Liwayway Arceo
- Maynila
- Pangunahing mangangathang tagalog at Filipino

Kilalang manunulat, editor at scriptwriter para sa radyo. Ang kuwentong “Uhaw


ang Tigang na Lupa” ay nanalo ng ikalawang gantimpala sa Pinakamabuting
Malaking Likha noong 1943. Halos lahat ng kanyang mga gawa ay inilimbag sa
pamantasan ng Ateneo de Manila at Unibersidad ng Pilipinas. Bukod sa pagiging
manunulat, ipinakita rin ni Arceo ang husay bilang aktres. Ipinamalas niya ito sa
isang Hapon at Pilipinong pelikulana pinamagatangTatlong Maria. (Olito, R., n.d.)

Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Carlos Palanca para sa Maikling
Kuwento sa Tagalog (1962), isang Gawad CCP para sa Literatura na inihandog ng
Cultural Center of the Philippines (1993), at marami pang iba. (Olito, R., n.d.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Rolando Tinio
- Tondo, Maynila
- Pilipinong makata, dramatista, tagasalin, direktor, kritiko, manunulat ng sanaysay at
guro.

Bilang direktor sa Sining sa Teatro at Panitikan noong 1997, pinayaman niya ang
estetika ng dulaan sa pagpapasiglang muli sa mga tradisyonal na anyong pandulaan
gaya ng sarsuwela, gayundin ang pagpapakilala sa kanluraning teatro sa
pamamagitan ng pagsasalin ng mga klasikong dulang Griyego, Shakespeare, at iba
pang modernong dula. Nakapaglabas siya ng kalipunan ng mga tula sa Ingles, ang
Trick of Mirrors. (CulturEd Philippines, 2015)
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Iñigo Ed Regalado
- Sampaloc, Maynila
- Makata at Mandudula

Isinilang si Iñigo Ed Regalado noong 19 Marso 1888 sa Sampaloc, Maynila.


Naging patnugot ng mga magasing Ilang-ilang at Liwayway. Naging konsehal din
siya ng Maynila nang ilang termino. Labingwalong taong gulang lamang siya nang
sulatin ang unang nobela, ang Madaling-araw, na nasundan pa ng marami. Sumulat
din siya ng pag-aaral tungkol sa nobela, ang “Ang Pagkaunlad ng Nobelang
Tagalog,” at ibinahagi niya sa isang talumpating itinaguyod ng Surian ng Wikang
Pambansa. (CulturEd Philippines, 2015)
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Geneveva Edroza Matute


Si Genoveva Edroza-Matute o Aling Bebang ay isang magiting na kuwentista
sa wikang Filipino at tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas. Isinilang
siya noong 13 Enero 1915. Iginagalang siyang guro sa elementarya,
sekondarya, at hanggang sa kolehiyo. Nagretiro siya bilang Dekana sa
Philippine Normal College (na kilala ngayon bilang Philippine Normal University).
Marami na siyang parangal na inani at ilan dito ang Gantimpalang Palanca at
Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan)
noong Pebrero, 1992.

Ilan sa kanyang mga akda ay ang Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Puso


ng Isang Bata, Parusa, Maganda, Ang Ninang Ko at Pagbabalik. Si Aling
Bebang ay maybahay ng manunulat na si Epifanio Matute.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Jun Cruz Reyes


Si Pedro Cruz Reyes Jr. O mas kilala bilang Amang Jun Cruz Reyes ay isa
sa mga natatanging muhon ng wikang Filipino at kamalayang Bulakenyo.
Nakapaglabas siya ng maraming libro kabilang ang Etsa-Puwera na nagkamit ng
unang gantimpala sa National Centennial Literary Contest noong 1998 at
National Book Award mula sa Manila Critics Circle noong 2001. Magaling na
guro at binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na Assistant Propessor ng
College of Arts and Letters sa UP Diliman, Most Outstanding Faculty sa
Polytechnic University of the Philippines, at ng Writing Grant ,mula sa UP Office
of the Chancellor at Office of the Vice President for Academic Affairs noong
2003. Kinikilala rin si Reyes sa marami pang unibersidad tulad ng Ateneo de
Manila University, De La Salle University, at University of Sto. Tomas, na
kadalasang nag-iimbita sa kanya bilang isang panelist, judge o tagapaglista sa
mga palihan at patimpalak gaya ng Palanca Awards at NCCA Writers Prize.
Ginawaran siya ng Gawad Alagad ni Balagtas ng Unyon ng Manunulat sa
Pilipinas noong 2002. Sa taong iyon din siya hinirang bilang Most Outstanding
Alumni for Literature and the Arts of Hagonoy Institute noong Diamond
Anniversary nito.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Deogracias Rosario
- isinilang sa Tondo, Maynila
- nagsimulang magsulat noong 1915 ito ay “Ang Demokrasya”
- Taong 1917 nagsimula siyang sumulat sa Taliba.
- Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista
at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog
- Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog.
- Ilan sa mga akda niya ang Ako’y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda,
Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Eugene Y. Evasco
- Assisting Propesor sa Malikhaing Pagsulat at panitikang Pambata sa College of
Arts ang Letters, UP Diliman.
- Naging Makata ng Taon noong 2000, PBBY-Salanga Prize Winner noong 1997
at NCCA Writer’s Prize Awardee para sa sanaysay noong 2003.
- Ang nobela niyang Anina ng mga Alon ay pinarangalan ng Gawad Chancellor
para sa Akdang Pampanitikan, Pilar Perez Medallion for Young Adult Literature
at iba pang mga parangal ang natanggap.
- Kabilang sa mga aklat pambata ay ang Mariang Sinukuan: Ang Diwatang
Tagapag-ingat ng Bundok Arayat, Ang Bisita ni Haya, Bilog ang Buwan sa
Tanghali, Baha!, at marami pang iba.
- May-akda rin siya ng mga textbook para sa hayskul at kolehiyo, kabilang na
ang Sining ng Tula at Maikling Kuwentong Pambata (co-author).
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Jose Corazon de Jesus


- Isinilang sa Sta. Cruz, Manila
- Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng
Corazon (puso sa Espanyol) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.
- Ang una niyang tulang nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa
nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang.
- Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa Academia de
Vera ngunit hindi niya ipinagpatuloy ang pagiging abogado dahil abala na siya sa
pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang kolum
ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng-Batute.
Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng
mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng
Pilipinas na noo’y isang commonwealth sa ilalim ng pamamahalang Estados Unidos.
- May 4,000 na tula at may 800 rin siyang kolum na pinamagatang Ang Lagot na
Bagting.
- Paborito niyang pangalang-pluma ang Huseng-Batute ngunit sumulat din siya sa
ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap
Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Anastacio Salagubang at Tubig
Lily’
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Jose F. Lacaba
- Kilala bilang Pete Lacaba ay isang premyadong manunulat ng Pilipino. Siya
rin ay kasalukuyang kilalang patnugot ng YES! Magazine ng Summit Media.
- Nagsimulang magsulat sa Philippine Free Press matapos huminto bilang
iskolar sa Ateneo de Manila dahil sa kakulangan sa pera.
- Kasama ang kapatid na si Emman, tumutuligsa sila sa diktaturyang Marcos
sa pamamagitan ng pagsulat. Isa dito ang tulang “Prometheus Unbound” na
nilimbag ng magasin, at ang koleksyong “Mga Kagila-gilalas na
Pakikipagsapalaran” noong 1979. Nakilala rin siya sa kanyang mga ulat
tungkol sa First Quarter Storm, na kinolekta sa librong “Days of Disquiet,

Nights of Rage.” Dahil dito ay dinakip siya at ikinulong nang dalawang taon.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Rio Alma

- Rio Alma ang Sagisag panulat ni Virgilio S. Almario, na ngayon ay nasa Orden ng
Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan.
- Mahigit na sampung aklat ng tula ang naisulat na humahalukay at sumasalamin sa
Filipinas, at maituturing na pangunahing panlaban ng Filipinas sa Premyo Nobel.
Ang naturang sagisag panulat ay hindi ginagamit ni Almario sa kaniyang ibang akda
gaya ng sanaysay, kritika, kuwento, at salin.
- Ang “Rio Alma” ay hindi pinagtambal na “Rio Locsin” at “Alma Moreno”, gaya ng
akala ng marami; bagkus pinabaligtad na mga titik lamang ng “Almario”. Sa
Espanyol, nangangahulugan yaon ng “kaluluwa ng ilog.” Pinangatawanan ni Rio
Alma ang gayong pahiwatig, at ngayon ay nakalikha siya ng karagatan ng
talinghagang dapat abangan ng buong daigdig.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Bienvenido Lumbrera

- Isang makata, tagapuna, dramatista, at iskolar ng Pilipinas na may maraming


napanalunan.
- - Siya ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at nakatanggap ng
Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing
Komunikasyon. Nanalo siya ng maraming gawad pampanitikan, kabilang ang
Pambansang Gawad sa Aklat mula sa Pambansang Pundasyon sa Aklat, at
ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

MGA HALIMBAWA NG PANITAKAN NA MATATAGPUAN SA NCR

1. AWITING BAYAN

Bayan Ko
(Jose Corazon de Jesus)
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

2. NOBELA
∙ Bata, Bata Pa’no ka Ginawa? (Lualhati Torres Bautista)
∙ Luha ng Buwaya (1969) ni Amado Hernandez
∙ Busabos ng Palad (1909) ni Faustino Aguilar
∙ Canal De la Reina (1985) ni Liwayway Arceo

3. KWENTONG BAYAN

Ang Unang Lalaki at ang Unang Babae


Noong unang panahon ay walang kalupaan. Ang mundo ay pawang
karagatan at kalangitan lamang. Ang langit ay nasa itaas at sa ibaba naman ang
dagat. Sila ay matalik na magkaibigan. Sa pagitan nila naninirahan ang ibon.
Isang araw matapos lumipad patungo sa langit at bumalik sa dagat, hapung-hapo
na sa kalilipad ang ibon. Dahil dito, umisip siya ng paraan upang magkaroon ng
kalupaan, sa gayon siya'y makapamamahinga. Nagtungo siya sa langit at sinabi
niya rito na ito'y pinipintasan at sinisiraan ng dagat. Pagkatapos ay sinabi naman
niya sa dagat na ito'y pinipintasan at sinisiraan ng langit. Naghatid ng maling
balita ang ibon sa langit at sa dagat hanggang sa magkagalit ang dalawa.

Nagpahatiran ng masasakit na salita ang dalawa sa pamamagitan ng ibon.


Tuwing magbabalita ang ibon ng pasabi sa isa't isa ay dinaragdagan niya kaya't
sa pagdaraan ng mga araw ay galit na galit na ang langit sa dagat. Gayon din
naman ang dagat sa langit.

Isang araw ay hindi na nakatiis ang dagat kaya't sinabuyan niya nang
sinabuyan ng tubig ang langit. Tumaas nang tumaas ang langit upang umiwas sa
isinasabog na tubig ng dagat. Bilang ganti sa ginawa sa kanya ng dagat ay
binagsakan ito ng maraming bato ng langit. Ang mga batong ibinagsak ng langit
ay natipon at naging pulo ng bato. Pagod na pagod na ang dalawa kaya't tumigil
na sila sa pag-aaway.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Tuwang-tuwa naman ang ibon sapagkat may mapagpapahingahan na siya.


Buong kasiyahan siyang namahinga at nang dumating ang gabi ay natulog nang
mahimbing. Sa pagdaraan ng mga araw ay may tumubong mga halaman sa
batuhan. Lalong natuwa ang ibon sapagkat higit niyang ibig dumapo sa mga
halaman.

Isang hapon na siya'y nakadapo sa punong kawayan ay nakarinig siya ng


mahihinang katok sa loob niro. Tinuka nang tinuka ng ibon ang kawayan at
lumabas ang unang lalaki na tinawag na si Silalak. Pamaya-maya ay nakarinig
siyang muli ng mararahang katok sa katapat na punong kawayan kaya't tinuka
nang tinuka din ng ibon ang naturang kawayan. Mula rito y lumabas naman ang
unang babae na tinawag na si Sibabay. Sina Silalak at Sibabay ang mga unang
tao sa mundo.

4. SANAYSAY
Ang Ningning at Ang Liwanag (Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay


kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-
bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay nagniningning;


ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.

Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng


maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang
isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

magnanakaw, marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na


kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y


napapangiti, at isasaloob.

Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang


noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang
tunay.

Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at


pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng
kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-
lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang
mga sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang
ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig


mabuhay sa dugo ng ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang


maliwanag, ang magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning
pagka’t di natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi
hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katuwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi


mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang
kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at
maliwanag na mapatatanaw sa paningin.

Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng


katotohanan nito. Mapalad ang araw ng liwanag!
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng
halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998

5. BALAGTASAN

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan


(Balagtasan)
nina Jose Corazon de Jesus

LAKAN-DIWA:
Yamang ako’y siyang Haring inihalal
Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasali’y batikang makata


At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.

Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas


Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing ito’y sa harap ng bayan


Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong dito’y pag-sapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Tinatawagan ko ang mga makata,


Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa Sariling Wika.

PARU-PARO:
Magandang gabi sa kanilang lahat
Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paru-parong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa,


Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,
Naging paru-paro sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.

Sa ulilang harding pinanggalingan ko


Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito
Ay may kabanguhang binubuhay ako.

May ilang taon nang nagtampo sa akin


Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.
Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo,
Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo,
At si Laka-ILaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong bango.

LAKAN-DIWA
Sa kapangyarihan na taglay ko na rin
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,


Magtuloy po kayo at ditto sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.

PARU-PARO:
Sa aking paglanghap ay laon nang patay
Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.

Ang bulaklak ko pong pinakaiirog


Ubod na ng ganda’t puti ang talulot,
Bulaklak poi to ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangala’y kampupot.

Kung kaya po naman di ko masansala


Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,
Matapos na siya’y diligan ng luha
Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!

Isang dapit-hapong palubog ang Araw


Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
- Paruparo, anya kita’y tatalian,
Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.

Isang panyong puting myay dagta ng lason


Ang sa aking mata’y itinakip noon,
At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at aking hinabol.

Hinabul-habol ko ang bango at samyo


Hanggang makarating ako sa malayo,
At nang alisin na ang takip na panyo
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Wala si Kampupot, wala yaring puso.

Ang taguang biro’y naging totohanan


Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
Baliw na mistula sa pagsisintahan.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panig


Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.

Sa apat na sulok ng mundong payapa


Ang aking anino’y tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata’y may luha,
Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.

Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal,


Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay ayw po naman,
Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.

BUBUYOG:
Hindi mangyayari at ang puso niya’y
Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.

Pusong pinagtali ng isang pag-ibig


Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Ang dalawang ibon na magkasintahan,


Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,

Paruparong sawing may pakpak na itim


Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin.

Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo


At sa kasawia’y magkauri tayo,
Ako ma’y mayroong nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya naparito.

Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap


Bawat salita mo’y matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

Ipahintulot mo, Paruparong luksa,


Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila,
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.

PARUPARO:
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay
Lalo’t magniningning ang isang katwiran,
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.

LAKAN-DIWA:
Magsalita kayo at ipaliwanang
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,


Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinhanap?

BUBUYOG:
Sa isang malungkot at ulilang hardin
Ang binhi ng isang halama’y sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan naming
Ay kasabay akong isinisilang din.

Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,


Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko ako’y makalipad
Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.

Sa kanyang talulot unang isinangla


Ang tamis ng aking halik na sariwa,
At sa aking bulong na matalinghaga
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Nang mamukadkad na ang aking kampupot


Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho ko’y aking tinatapos.

Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan


Habang ako’y kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
Ang inyong taguan, akala ko’y biro,
Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso
Sa akin man pala ay nakapagtago.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Lumubog ang araw hanggang sa dumilim


Giliw kong bulaklak dir in dumarating,
Nang kinabukasa’t muling nangulimlim
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.

Nilipad ko halos ang taas ng langit


At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Kung dimakita’y din a magbabalik.

Sa malaong araw na nilipad-lipad


Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya namukadkad
Di ko papayagang mapaibang palad.

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,


Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang balik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.

PARUPARO:
Hindi mangyayaring sa isang bulaklak
Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.

Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang


Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?

Una muna akong nag-uod sa sanga


PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Na ballot ng sapot ng pagkaulila,


Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulo’t dahon naming ay magkasama na.
Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw
Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

Sa kanyang talulot kung may dumadaloy


Na patak ng hamog, aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng Araw sa buong maghapon.

Paano ngang siya ay pagkakamalan


Sa kami’y lumaki sa iisang tangkay,
Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.

BUBUYOG:
Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig
Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.

Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot


Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;


Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

PARUPARO:
Akong malapit na’y napipintasan mo,
Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.

Bubuyog na laging may ungol at bulong


Ay nakayayamot saanman pumaroon,
At ang katawan mo’y mayrong karayom
Pano kang lalapit, di naduro tuloy?

Di ka humahalik sa mga bulaklak,


Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintana’y iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.

Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,


Iyong mgabulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
BUBUYOG:
Kundi iniibig ang nakikiusap
Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,
Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di makapangusap.

Lilipad-lipad ka na payao’t ditto


Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pagligaw-matandang sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng liligawan mo.

Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog


PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,


Nguni’t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?

Saka, Paruparo, dapat mong malamang


Sa mula’t mula pa’y di ka minamahal,
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.

PARUPARO:
Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib,
Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.

BUBUYOG:
Dadayain ka nga’t taksil kang talaga
At sa mga daho’y nagtatago ka pa.

PARUPARO:
Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa
Sa taglay kong bulo nilason na kita.

BUBUYOG:
Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.
BUBUYOG:
Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.

PARUPARO:
Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod.

LAKAN-DIWA:
Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;


Yamang di-malan ang may-ari nito,
Kampupot na iya’y paghatian ninyo.

BUBUYOG:
Kapag hahatiin ang aking bulaklak
Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya ang malagas.

PARUPARO:
Kung hahatiin po’y ayoko rin naman
Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
O buo wala nguni’t akin lamang.

LAKAN-DIWA:
Maging si Solomong kilabot sa dunong
Dito’y masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.

Ipahintulot pong sa mutyang narito


Na siyang kampupot sabihin kung sino,
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

KAMPUPOT:
Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

PARUPARO:
Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong
Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.

BUBUYOG:
At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyo’y di mo ba narinig?

KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga ako’y may napansing
Daing at panaghoy na kung saan galing,
Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hangin
At di inakala na sinuma’t alin.

BUBUYOG:
Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
PARUPARO:
Dito natunayan yaong kawikaan
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.

SABAY: BUBYOG AT PARUPARO:


Ang isang sanglang naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang libing.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

LAKAN-DIWA:
Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kaya’t nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro,


Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,
At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.

(Pagkatapos makatula ni Paruparo)

LAKAN-DIWA:
Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos makatula ni Bubuyog)

Minamahal nami’t sinisintang bayan,


Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Cordillera Administrative Region (CAR)


Ang pangalang “Cordillera” ay galing sa salitang Espanyol na cuerda na may
kahulugang “tanikala.” Ang Kabundukang Cordillera ay tila tanikala ng mga bundok
at kaya tinaguriang “spinal cord” o gulugod ng Hilagang Luzon.
Noong 15 Hulyo 1987, nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Atas ng
Pangulo Blg. 220 na lumilikha sa Cordillera Administrative Region (CAR) mula sa
tinatawag noong mga Lalawigan ng Bulubundukin sa Kabundukang Cordillera.
Binubuo ito ng Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao at isinama ang
Abra. Bahagi ito ng programa sa pagbibigay ng awtonomiyang politikal sa rehiyon at
sagot sa kahilingan ng rebeldeng Cordillera People’s Liberation Army. Noong 14
Pebrero, Kalinga-Apayao ay pinaghiwalay bilang dalawang lalawigan.
Ang probinsiya ng Benguet ang kabisera ng CAR. Dito matatagpuan ang
Lungsod Baguio, ang tinaguriang Summer Capital of the Philippines, at La Trinidad
na mga sentrong pang-industriya ng rehiyon. Ang malalaking pangkat-etniko at wika
ng CAR ay ang sumusunod: Ibaloy (Benguet), Kankanaey (Mountain Province at
ilang bahagi ng Benguet), Isneg (Apayao), Tinggian (Abra), Ifugaw (Ifugao) at
Kalinga (Kalinga).
Sagana sa rehiyon sa mga reserbang minahan, bagaman nakasentro ang
pagmimina sa Benguet. Nawala halos ang kahoy dahil sa malaganap na kaingin.
Apektado ang pangyayaring ito ang malakas at tradisyonal na sining na paglililok sa
kahoy. Malakas ang produksiyon sa gulay sa Benguet, pagsasaka at palay sa Ifugao
at Abra, at mais sa Mountain Province at Kalinga.

Lalawigang Bumubuo sa Rehiyon


PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Rimando, M. (2015, May 28). “Potentials and Challenges in the Cordillera

Administrative Region”. Retrieved from http://car.neda.gov.ph


PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Mahahalagang Tala Tungkol sa mga Lalawigang Bumubuo sa


Rehiyon
J. (n.d). Handouts Region CAR. Retrieved from
www.scribd.com/document/462543433/Handouts-Region-CAR

ABRA
Larawan kuha mula sa
https://en.m.wikipedia.org/wiki/File:Abra_Provincial_Hall.JPG

Naging isang nagsasariling lalawigan ang Abra noong 1917 sa bisa ng isang
Congressional Act.
Ang Abra ay isa sa pinakamatandang bayan na itinatag sa misyonerong
Agustino.
Naging kanugnog na lalawigan ng Ilocos Sur noong 1902 nang mahati ang
rehiyon ng Ilocos.
Sa lugar na ito naitala ang huling pakikibaka ni Gabriel Silang.
Ang mga naninirahan sa pook na ito ay karamihang Ilokano bagamat may
nagsasalita rin ng Itneg at Tinggulian.
Ang Abra ay matatagpuan sa hilagang sentral ng Luzon. Ito ay nagtataglay ng
lupaing may lawak na humigit-kumulang sa 3, 976kilometrong parisukat at ang
kabisera ay Bangued.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Binubuo ito ng dalawampu’t pitong (27) bayan at 303 barangay at may


populasyong humigit-kumulang sa 213,154.
Sa Abra matatagpuan ang Old Roman Catholic Churches, Gabriela Silang
Monument, Casa Real, Pinaing, (Sacred Stones), Don Teodoro Brillantes
Earmily Museum, Ilog ng Abra, Boleney Hot Spring, Casamta National Park,
Consoliman Springs, Maparo Hot Springs, Libtec Underground River, Kimkimay
Lake, Limbo Lake, Subud-Subud Cave at Damarudor Falls.

APAYAO
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Larawan kuha mula sa Apayao Province in Cordillera | Travel to the


Philippines traveltothephilippines.info

Ang Apayao ay nagtataglay ng lupaing may sukat na humigit-kumulang na 4,083


kilometrong parisukat.
Ang kabisera nito ay Cabugao. Binubuo ito pitong (7)bayan at isang daan at
tatlumpu’t isang (131) barangay na pinaninirahan ng mga mamamayang
nagsasalita ng wikang Isneg.
Napaliligiran ito ng Mt. Province sa Hilaga, ng Abra sa kanluran at ng Cagayan
sa Silangan.
Ito ay may populasyong humigit-kumulang sa 154,145. Pagmimina at pagsasaka
ang pangunahing ikinabubuhay ngmga taga-Apayao.
Karaniwang ani nila ay ang mais, palay at kape na iniluluwas nila sa mga
kanugnog na lalawigan at bayan.
Ang mga mamamayang Apayao ay gumagamit ng apat na wikain: Tingguian,
Ilokano, Ibanag at wikang kasintunog ng sa Kalinga.
Ang mga Isneg ay mga “animista” o yaong mga naniniwala sa mga ispiritu.
Sila ay ‘di naniniwala sa isang nilalang na makapangyarihan subalit sila’y
nananalig na may mabuti at masamang ispiritu.
Sila ay may babaing pari (priestess) na siyang nagsasagawa ng mga ritwal tulad
ng “sayam” at “pilday” pagkatapos ng isang matagumpay na pamumugot ng ulo.
Ipinagmamalaki nila ang Agamatan National Park at Wild Life Sanctuary at ang
Apayao River.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

BENGUET
Larawan kuha mula sa Tubaly and La Trinidad Benguet Full-
Day …guidetothephilippines.ph

Trinidad ang kabisera ng Benguet. Binubuo ng labing-apat (14) na bayan at may


humigit-kumulang sa 2,655.4 kilometrong parisukat ang Benguet.
Ito ay napaligiran ng mga lalawigang Pangasinan sa timog. Ifugao at Nueva
Vizcaya sa Silangan at sa Hilaga at Mt. Province at sa Kanluran ay La Union at
Ilocos Sur.
Ang Benguet ay pinaninirahan ng tatlong uri ng tribo: Ibaloy, Kankan-ey at
Kalnguya.
Matatagpuan naman sa Hiagang nakakatulad ng Bontok na pamilyar sa katabing
lalawigan ng Ilocos.
Ang mga tribong ito ay halos magkakatulad ng kultura sa paniniwaala at mga
ritwal bilang patnubay nila sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang mga atraksyon ng mga lalawigang ito ay Batangan Airstrip, Kaliwaga Cave,
Mt. Kabunian. Timbac Cave, Opdao Cave, Mt. Santo Tomas. Colorado Falls,
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Bridal Veil Falls, Tuel Hot Spring, at Bengoaga Cave at marapang iba.

IFUGAO
Ang kabisera ng lalawigan ng Ifugao ay Lagawe. Ito ay matatagpuan sa
bulubunduking bahagi ng gitnang Cordillera sa hilagang Luzon na may taas na
mula 1,000-1,500 meter.
Ang lupaing sinasakop nito ay may lawak na humigit-kumulang na 2,517
kilometrong parisukat at binubuo ng sampung bayan na kinabibilangan ng
Banawe, Hungduan, Kiangan, Lagawe, Lamut, Mayaoyao (Mayoyao), Potra,
Aguinaldo, Hingyan, at Tinoc.
May isang daan at limampu’t apat na barangay ang Ifugao.
Larawan kuha mula sa Culture Trip The Breathtaking Ifugao Rice Terraces of the
Philippine …

Ang mga bahay ng mga Ifugao ay yari sa kahoy at korteng pyramid na


sinusuportahan ng apat na haligi. Ito ay may hagdan na ugali na nilang itaas
kung gabi.
Paghahabi, paggawa ng mga basket, pag-ukit ng mga kahoy (woodcrafts),
paggawa ng mga palayok at paggawa ngb alak ang kanilang pinagkakakitaan.
Nagtatanim din sila ng palay. Ito ay ang pinatutunayan ng kanilang Hagdan-
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Hagdang Palayan (Rice Terraces). Marunong din sila manghuli ng isda at baboy-
ramo.
Ang mga Ifugao ay kumikilala sa isang Diyos na ayon sa kanila ay Diyos ng mga
diyos, si Kabunian.
Sa ilalim ng kanyang kapangyarihan ay may iba’t ibang diyos na may kanya-
kanyang kapangyarihan. Sila ay may ritwal na kung tawagin ay “Cañao”.
Ito ay isinasagawa bilang parangal sa pagsilang ng isang sanggol. Nakapaloob
din sa ritwal na ito ang pagtawag sa Diyos na gustong makausap.
Pagsamo rin ito sa mga isipiritu na ipinagkaloob sa kanila ang kanilang mga
kahilingan.
Naghahain sila ng mga pagkain at inuming “tapey at may sayawan”. Ang mga
Ifugao ay marunong ding manghula sa pamamagitan ng mga bituin, buwan, at
bulalakaw o buntala.
Nahuhulaan nila sa pamamagitan ng mga nabanggit kung may maganda o
masamang ani.
May maganda silang ugali sa pagtanggapng mga panauhin. Pinatutuloy nila at
pinakakain ang panauhin sa kanilang bahay.
Ang lalawigan ng Ifugao ay may maipagmamalaking iba’t ibang tanawin tulad ng
Million Dollar Hills, National Museum (Kiangan), Philippine War Memorial Shrine
(Kiangan), Taman Village, Bintakan Cave (Lagawe), Nah-Toban Cave (Lagawe),
Ambuwaya Lake (Kiangan), Ducligan Hot Spring, Tubukan Sulfur Hot (Tinoc),
Guihob Natural Swimming Pool (Banawe), Toppiya Water Falls (Banawe),
Buyukan Water Falls (Hungduan), at Alon Hot Spring.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

KALINGA
Larawan kuha mula sa TravelBlog.org Kalinga Province | Photo

Ang Kalinga ay isa pa sa lalawigan ng CAR. Ang kabisera nito ay Tabuk. Ang
Kalinga ay napapaligiran ng Abra at Ilocos Norte sa Kanluran., Mt. Province
Timog at Cagayan sa Silangan.
Ang pangalang Kalinga ng lalawigan ay pinaniniwalaang nagbuhat sa Ibanag at
Gaddang Kalinga na ang ibig sabihin ay mamumugot ng ulo (headhunters).
Sa panahon noon, ang pamumugot ng ulo para sa kanila ay itinuturing na isang
gawaing kagalang-galang.
Sa pagpugot ng ulo ay ginagantimpalaan sila ng kalayaan sa pagpapalagay ng
tato na labis na hinahangaan ng mga kababaihan.
Ang lalawigan ng Kalinga ay binubuo ng walong bayan at isang daan at
limampung barangay.
Ang mga Kalinga ay gumagamit ng mga wikang Guinaang, Lubuagen, Pinukpuk,
Tabuk, Tinglayan, at Tanudan.
Ang mga Kalinga ay may tinawag na “gabbuk”. Ito ay pagbibinyag sa anak na
panganay na babae man o lalaki.
Ang “gabbuk” ayon sa kanila ay pormal na pagpapakilala sa unang anak sa mga
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

ispiritung naninirahan sa mga ilog, bundok at mga bato. Ang pagdiriwang na ito
ay dinadaluhan ng buong tribo.
Naghahanda ng mga kakanin at nagkakatay ng mga baboy upang ayon sa
matatanda sa tribu, ay magkaroon ng masayang pamumuhay ang bata.
Ang lalawigan ay mayaman sa ginto at mineral.
Ang klima sa Kalinga ay magkakaiba.
Sa Hilaga ay nakararanas ng maulang panahon.
Sa Timog naman ay sagana sa hanging kanluran kaya’t ito ay higit na
maulan.
May mga magagandang tanawin din at atraksyon ang lalawigan . Ang ilan sa
mga ito ay ang Balbalasang National Park and Reservation, Uguid, Suterrenean
River, Sleeping Beauty Mountain, Elephant Hill/Aguinaldo Hill, Agamatan
National Park and Wild Life Sanctuary at Sumadel Rice Terraces.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

MOUNTAIN PROVINCE
Larawan kuha mula sa
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/8e/Maligcong_Rice_Terraces.jpe
g

Ang Mountain Province o Bulubunduking Lalawigan ay napaliligiran ng Kalinga-


Apayao sa Hilaga, sa Timog ay Ifugao, Ilocos Sur sa Kanluran, at sa Silangan ay
lalawigan ng Isabela.
Ang Mt. Province ay nagtataglay ng sukat na humigit-kumulang sa 2,097
kilometrong parisukat at binubuo ng sampung (10) bayan at isang daan
apatnapu’t apat (144) na barangay.
Naging lalawigan ito noong 1908. Noon ito ay binubuo ng pitong kaugnay na
lalawigan: Benguet, Bontoc, Ifugao, Lepanto, Amburayan, Kalinga at Apayao.
Noong 1918 ay naging anim na lamang at noong 1935 ay naging lima. Sa bisa
ng Division Law of the Republic Act No. 4695 noong Hunyo 18, 1966 ay
inihiwalayang Benguet, Ifugao, Mountain Province at Kalinga-Apayao bilang mga
lalawigan.
Ang mga katutubo sa mga lalawigang ito ay nagsasalita ng Kankan-ey, Ilokano,
Bontoc, Gaddang, at Kalinga.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga taga-Mt. Province, bukod sa pagmimina,


paglilok, paggawa ng mga palayok.
May malamig na klima ang Mt. Province lalo na kung buwan ng Disyembre at
Enero.
Malimit dalawin ng bagyo ang lugar na ito.
Ang mga maipagmamalaking atraksyon ng Mt. Province ay ang Bontoc Village,
Rial Memorial Park, Sagada Weaving, Sabangan Loom Weaving, Samoko
Weaving House, Mount Data, Matangkib Cave, Sugong Cave, Burial Caves of
Luniang, Marcos Cave, Lake Danum, Mt. Ampucao, Basao, Bugnay Village at
Bay-yo.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Mga Kilalang Manunulat sa Cordillera Administrative Region

Pédro Bucanég
Si Pedro Bucaneg ay isang bulag na manunulat na tinaguriang Ama ng Panitikang
Iloko dahil sa kaniyang ambag sa pagsasalin sa wikang Ilokano ng mga akdang
nakasulat sa Español at Latin. Ilan sa mga naisalin niya sa wikang Ilokano ay ang
mga sermon mula sa wikang Latin at Español, mga katutubong awitin at tulang Iloko
patungo sa wikang Español. Naging katulong din siya ni Padre Francisco Lopez sa
pagsalin ng Doctrina Christiana sa wikang Ilokano noong 1621. Mas nakilala si
Bucaneg dahil sa kaniyang pagsulat ng epikong Ilokano na Biag ni Lam-ang (Buhay
ni Lam-ang) na ang unang bersiyon ay binubuo ng 294 na saknong at mga 1,500 na
taludtod.

Misteryoso ang pinagmulan ni Bucaneg ngunit pinaniniwalaang nakita at nasagip


siya sa ilog ng Banaoang at ipinagkaloob sa pari sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur
noong 1591. Pinangalanan ang bulag na sanggol na Pedro at ang kaniyang
apelyidong Bucaneg na nagmula sa katagang “na-bukaan nga Itneg” na
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

nangangahulugang natagpuang Itneg (Itneg o Tinguian- mga tao sa bundok).


Sakabila ng kaniyang kapansanan, natuto pa rin siya ng Latin at Español mula sa
mga paring Agustino sa Bantay. Tulad ng kaniyang pinagmulan, isang misteryo rin
ang dahilan ng kaniyang pagkamatay. Ngunit ayon sa mga naitala, siya ay pumanaw
noong taong 1630.

Bilang pagkilala kay Bucaneg, ipinangalan sa kaniya ang balagtasang Iloko na “bu-
kanégan” noong 1930. At ang kaniyang tulang “Pampanunot ken Patay” (“Pag-iisip
ng Kamatayan”) ay naging bahagi ng Dallang ti Amianan (isang antolohiya ng tulang
Ilokano ni Leon Pichay) noong 1936.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Leon C. Pichay
Si Leon Pichay ay isang makata, nobelista, mandudula, at kuwentista sa wikang
Ilokano. Kinikilala siyang Hari ng mga Makatang Ilokano dahil sa kaniyang
mahahalagang kontribusyon sa pagpapaunlad ng wika at panitikang Ilokano. Naging
patnugot siya ng iba’t ibang pahayagan tulad ng Panagbiag, Timekmi, Ti Agipaawat,
Wagayway, Ilocos Times, Heraldo Ilocano, El Norte, at Naimbag a Damag. Naging
miyembro din siya ng Filipino Editors and Publishers Union at ng Romanceros
Nacionales. Itinaguyod niya ang Bukanegan (balagtasang ilokano na ipinangalan
kay Pedro Bucaneg) at isa sa mga katangian ng kaniyang pagtula ay ang pag-
imbento niya at ang paggamit ng mga salitang pinagsanib ang mga bahagi ng
dalawa o higit pang salita, ito ay paraan niya upang maiwasan ang paggamit ng mga
salita mula sa ibang wika.

Ilan sa kaniyang mga naisulat ay ang mga tulang “Balladaw ken Espada,” “Imnas,” at
“Ayatenka Uray Ulpitannak,”; mga maikling kuwentong “Puso ti Ina,”
“Pananakadingpel ni Dr. Jose. A. Burgos,” “Dallang ti Amianan,” “Sarming ti Biag,”
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

“Ladingit,” “Ti Baguio”; mga dulang “Baket a Naimon,” “Balligi ni Panagsalimetmet,”


“Dunggial”; at mga nobelang “Apay a Pinatayda ni Naw Simon? at Emma Amor.

Isinilang si leon Pichay noong Hunyo 27, 1902 sa Vigan, Ilocos Sur. Nag-aral siya sa
Vigan Seminary at La Union High School, kursong abogasya ang kinuha niya sa
University of Manila ngunit hindi niya ito natapos dahil naging abala sa pagsusulat.
Pumanaw siya noong Agosto 11, 1970. At bilang pagkilala sa kaniyang ambag sa
panitikang Ilokano, ipinangalan sa kaniya ng Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilokano
(GUMIL) ang Leon Pichay Award, isang parangal sa panitikang Ilokano na taon-taon
ibinibigay sa GUMIL Filipinas National Convention. Ngunit sa hindi malamang
dahilan, simula noong 2003 ay itinigil na ng GUMIL ang pagbigay ng parangal na ito.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Claro Caluya
Si Claro Caluya ay isa sa mga manunulat sa iloko, binansagan siyang “Prinsipe ng
mga Makatang Ilokano” noong siya’y nabubuhay pa dahil sa kaniyang mga kahanga-
hangang mga tula. Bukod sa mga tula at dulang naisulat niya sa wikang Iloko,
naisalin din niya sa wikang Iloko ang Mi Ultimo Adios ng ating pambansang bayani
na si Dr. Jose Rizal.

Ilan sa mga nilikha niya ay ang mga tulang tungkol sa pag-ibig tulad ng “Ken
Barang,” “Luluac ti di Agsarday,” “Pinagpinnakada,” “Dinaccad Dil-dilawen,” at
“Barocongcot marupsan Agayat Laeng.” Siya rin ang sumulat ng mga
komedyang “Aldeana at La Aventurera” at mga sarsuwelang “Pateg ti Umma a Cari”
at “Napatpateg ti Ayat ti Ili”. Ang awit na “Bannatiran,” ay isinulat rin ni Caluya. Ito’y
isang awit hinggil sa isang ibon na napakaganda.

Ipinanganak si Caluya sa Piddig, Ilocos Norte noong Hunyo 22, 1868. Ang kaniyang
mga magulang ay sina Rafael Caluya, na isang tenyente, at Norberta Pasion na
isang guro. Napangasawa niya si Sabina Aquino noong Mayo 1886. Noong 1890 ay
nahirang siyáng cabeza de barangay at naging gobernadorsilyo noong 1893. Naging
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

isang boluntaryo din siya noong 1896 sa hukbong Español laban sa Himagsikang
Filipino ngunit hindi nagtagal at sumapi din sa hukbong rebolusyonaryo hanggang
1897. Nabihag siya sa panahon ng Digmaang Filipino-Americano at ipiniit sa
bilangguan ng probinsiya, at saka inilipat sa Maynila hanggang 1902. Nang siya’y
nakalaya ay mubalik siya sa Munisipalidad ng Piddig at nahirang na presidenteng
bayan noong1902−1905. Sa panahon ng kaniyang panunungkulan marami ang
nabuksang mga paaralan, naorganisa ang mga industriyang lokal kasama ang pag-
gawa ng arpa at naitayo ang unang palengkeng publiko sa bayan. Pumanaw ang
Prinsipe ng mga Makatang Ilokano noong Disyembre 14, 1914 at bilang parangal sa
kaniyang kadakilaan, ang kaniyang monumento ay ipinatayo sa harap ng munisipyo
ng Piddig. At ang Arpa sa logo ng St. Anne Academy sa Piddig ay sagisag ng
mayamang kultura ng bayan at para ipagunita sa mga mag-aaral ang talinong taglay
ni Caluya.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Marcelino Crisologo

Si Marcelino Pecson Crislogo na kilala rin bilang Mena Crisologo ay isang


makatang Ilokano na nagsulat ng “Nagtacneng a Panagsalisal” na inihahambing sa
“Florante at Laura” ni Francisco Balagtas at “Mining wenno Ayat ti Kararwa,” na
inihahambing rin ng ilan sa “Noli me Tangere” ni Jose Rizal. Ang kaniyang mga tula,
komedya, at sarsuwela ay kadalasang itinatanghal noon sa mga pista sa Vigan.
Malaki ang iniambag niya sa paglago ng wika at panitikang Iluko, siya ang
nagpakilala sa bersiyong Iluko ng balagtasan at nag-organisa ng mga orkestra at
banda sa kaniyang lalawigan.

Siya’y anak nina Januario Crisologo at Eusebia Pecson. At sinilangnoong


Nobyembre 11, 1844 sa Vigan, Ilocos Sur. Napangasawa niya ang kapatid ng
makatang si Leona Florentino na si Felipa Florentino at nagkaanak na si Juana
Crisologo. Noong 1901 ay nagsilbi siyang unang gobernador ng Ilocos Sur.
Pagkatapos manungkulan ay bumalik ulit siya sa pagsusulat. Pumanaw siya noong
Hulyo 5, 1927 at ipinangalan sa kaniya ang makasaysayang Calle Crisologo sa
Vigan
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

PANITIKAN NG CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

EPIKO NG IFUGAO
ALIM (Epiko ng mga Ifugao)

Noong unang panahon, ginalit ng mga tao ang mga diyos at diyosa dahil sa
kanilang pagkakasala at patuloy na pasuway sa kautusan ng mga diyos. Nagpadala
ng malaking baha na nagpalubog sa buong daigdig at sumira sa lahat ng nabubuhay
na nilalang. Dalawa lamang ang nakaligtas sa pagbaha: sila ay magkapatid, sina
Wigan at Bugan. Nang nagsimula nang tumaas ang baha ay umakyat si Wigan sa
bundok Amuyaw upang mailigtas ang sarili. Ganoon din si Bugan na pumunta sa
bundok na Kalawitan upang maghanap ng masisilungan.
Nanatili si Bugan sa bundok hanggang humupa ang tubig at hanggang
matuyo ang lupa. Bumaba siya at nadiskobre na siya lamang ang natirang buhay.
Lahat ay nalunod kahit ang mga hayop. Nagkalat ang mga patay na katawan,
mabaho. Sa kanyang paglalakbay upang humanap nang makakain ay nakakita siya
ng isang babae na natatabunan ang kalahati ng katawan sa lupa, kumakaway sa
kanya. Nakilala niya ito.
Bugan! masaya niyang sabi habang ibinubuka ang braso upang yakapin siya.
Wigan, aking kapatid, nanginginig niyang sabi dahil sa di masidlang kasiyahan.
Pinabayaan niyang yakapin siya ng kapatid at inihilig ang ulo sa kanyang dibdib.
Nasaan ang iba? tinanong ni Wigan pagkatapos. Patay na. sagot niya. Sa aking
palagay ay tayo lamang ang nakaligtas sa pagbaha. Naglakad-lakad sila upang
tingnan kung may iba pang nakaligtas ngunit wala silang nakita. Ang nakita lamang
nila ay mga patay na katawan ng mga tao, hayop kahit ang mga halaman.
Naghanap sila ng lugar na matitirhan. Nakakita sila ng lugar na malapit sa
dalampasigan kung saan nagsisimulang tumubo ang mga halaman. Nagtayo sila ng
kubo mula sa mga kahoy na nakakalat sa paligid. Pagkatapos ay inilibing nila ang
mga patay na katawan na nakita nila malapit sa dalampasigan.
Gutom na ako, sabi ni Bugan habang nagpapahinga sila pagkatapos ilibing
ang mga patay na katawan.
Ako din, sabi ni Wigan. Dito ka lamang at titingnan ko kung makakahuli ako
ng isda sa dagat. Sa tingin mo ay may isda doon? tanong ni Bugan.
Ang mga halaman ay nagsisimula nang tumubo. Siguro ay humuhupa na ang
galit ng mga diyos at babalik na din ang mga isda sa dagat.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Mayroon ngang mga isda sa dagat. Nang gabing iyon ay kumain sila ng
saganang hapunan ng pinakuluang isda. At natulog silang magkasama. Pagkatapos
ng ilang araw ay natuklasan ni Bugan na siya'y nagdadalang tao. Pumunta siya sa
dalampasigan at tinangkang lunurin ang sarili sapagkat nahihiya siya dahil siya ay
nabuntis ng kanyang kapatid. Ngunit bago pa man siya makapunta sa malalim na
parte ng tubig, isang matandang lalaki ang nagpakita sa kanya. Sinabi nito na siya si
Makanunggan, ang diyos ng Ifugao. Ikinasal ni Makanunggan ang dalawa at
nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae.

Nagkaroon ng malawak na tag-gutom. Kumonti ang ani. Nagpatay sila ng


daga at inihandog nila kay Makanunggan ngunit nagpatuloy ang kaunting ani.
Ano ang gagawin natin? tanong ni Bugan kay Wigan isang gabi bago sila
matulog. Mamamatay tayong lahat sa guton kung magpapatuloy ang mahina nating
ani.
Hindi ko alam kung bakit galit si Makanunggan sa atin. Marahil ay hindi niya
nagustuhan ang daga na inihandog natin sa kanya. Bakit hindi natin ihandog ang
ating anak na si Igon?
Nagkasundo sila na patayin si Igon, ang pinaka-batang anak at inihandog kay
Makanunggan. At sa wakas ay natapas ang mahinang ani. Ngunit nagpakita muli si
Makanunggan at sihabi na ang ginawa nila kay Igon ay karumal-dumal. Ikinalat sila
ni Makanunggan sa apat na sulok ng lupa, sa silangan at kanluran at sa hilaga at
timog. At sinumpa sila dahil sa ginawa nila kay Igon. Mag-aaway sila sa bawat
pagkakataon na malalapit sila sa isa't-isa.

Hudhud:Ang Kuwento ni Aliguyon

(Epiko ng mga Ifugao)


Sa mga hinagdang taniman sa bulubundukin naninirahan si Aliguyon, isang
mandirigmang Ipugaw na mabilis at magaling sa paghawak ng sibat. Anak siya ni
Antalan, isa ring mandirigma. Maagang natuto ng pakikipaglaban si Aliguyon sa
tulong ng kanyang ama. Ang unang larangan ng digma ni Aliguyon ay ang matitigas
na lupa sa tabi ng kanilang tahanan. Ang unang sandata niya ay ang trumpo at ang
mga unang kalaban niya sa larong ito ay ang mga bata rin sa kanilang pook. Kapag
pinawalan ni Aliguyon ang kanyang trumpo, matining na matining na iikot ito sa lupa
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

o kapag inilaban niya ito sa ibang trumpo, tiyak na babagsak na biyak ang laruan ng
kanyang kalaban.
Tinuruan din siya ng kanyang ama ng iba’t-ibang karunungan: umawit ng
buhay ng matapang na mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang
ito at matutuhan ang mga makapangyarihang salita sa inusal ng mga pari noong
unang panahon.

Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at


kagitingan ng loob. Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang maipaghiganti siya
ng anak sa matagal na niyang kaaway, kay Pangaiwan ng kabilang nayon. Nang
handang-handa na si Aliguyon, nagsama siya ng iba pang mandirigma ng kanilang
nayon at hinanap nila ang kalaban ni Antalan. Subalit hindi si Pangaiwan ang
natagpuan kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki nito. Mahusay din siyang
mandirigma, tulad ni Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban
upang maipaghiganti siya ng anak sa kalaban niyang si Antalan.

Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa


magagaling sa pakikipaglaban lalo na sa paghawak ng sibat.

Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung


tinatamaan ng sikat ng araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang kamay ng
binatang kalaban. Aabangan ng matipunong kanan ang sibat na balak itimo sa
kanyang dibdib.

Tila kidlat na paroo’t-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito at
nagmistulang awit sa hangin.

Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang


humahanging sibat. Saksakin mo siya, Dinoyagan!

Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito.


PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa ito’y inabot ng


linggo, ng buwan. Kung saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat ng pook,
palundag-lundag, patalun-talon sa mga taniman.

Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang


simulan nila ang labanan. Inabot ng taon hanggang sa sila’y lubusang huminto ng
pakuluan ng sibat. Walang nasugatan sa kanila. Walang natalo.

KWENTONG BAYAN
• Ang pagkakalikha sa tao (Igorot)
• Ang lalaking walang pangalan (Igorot)
• Lumawig and Kabigat (Kankanay)
• Chacha and Ked-yem (Bontok)
• Kabukab (Kalinga)

Ang buwan at ang Araw (Tinggiyan)


Noong unang panahon ang mundo ay pawang nababalot ng kaliwanagan.
Laging magkasama and mag-asawang araw at buwan. Hindi matiwasay ang
pagsasama ng mag-asawa dahil hindi binibigyan ng kapantay na karapatan ng araw
ang kanyang asawang si buwan. Isa namang hulwarang ina at martir si buwan sa
kanyang asawa at kahit na alam nyang hindi na tama ang inaasal ng kanyang asawa
ay sinusunod pa din niya ito, kahit anu pang hirap ng iniuutos ng naghahari-hariang
si araw.
Nagbalak mamasyal si araw ngunit bago sya umalis ay inutusan niya ang
asawang si buwan na ipaglaga siya ng isang punong palayok ng gabi. Marahan
namang ipinaliwanag ng buwan na hindi maaring mapuno ang palayok kahit na
lagain ang mga dahon ng gabi sapagkat uurong lamang ang mga ito kapag naluto.
sinigawan na lamang siya ng araw at iginiit pa din ang utos nito na sa kanyang
pagbalik ay dapat niyang maabutan ang isang palayok na puno ng nilagang dahon
ng gabi.
Naluha ang buwan sapagkat hindi maaaring mangyari ang ninanais ng
asawa, ngunit inani pa din nya ang mga halamang gabi na kanyang matatanaw at
nilaga. Nang makarating ang araw ay hindi pa rin puno ang palayok gaya ng inutos
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

nya. Ipinaliwanag ng buwan na hindi talaga maari ang gustong mangyari ng araw at
galit na sinigawan ang asawa sa pagkukulang nito.
"Lagi ka na lang ganyan! Hindi ka marunong sumunod sa kautusan. Noong
nakaraan ay inutusan kitang palitan ng ibang kulay ang asul na karagatan, at
pantayin naman ang mga bundok at burol sa kanluran ngunit ano ang iyong ginawa?
Ipinagkibit-balikat mu na lang ang kautusan ko." galit na sinisi ng araw ang asawang
si buwan.
Napuno na ang salop at galit na sinagot ng buwan ang mapang-abusong asawa.
"Asawa mo ako at hindi utusan. Ako ay iyong kapantay. Kung ituturing mu din lang
akong utusan ay mabuti pang maghiwalay na tayo!", maluha luhang pagtatapos ng
asawa.
"Kung ayan ang kagustuhan mu ay susundin ko", pagmamataas ng asawang araw.
"Sa aking pag-alis ay isasama ko ang mga anak natin. Ako ang ina nila."
"Isasama sila, para ano? Mamatay sa lamig mo?" ang paghahamon at panunukso
ng araw.
"Kung sa iyo sila sasama ay mamatay lamang sila sa init mo!" ang mariing pagtutol
ng asawa.
"Ako ang ang ama, sa akin sila!" dabog ng araw at hinila ang ngayo'y umiiyak na
mga batang bituin.
"Ako ang tunay na nagmamahal sa kanila, at kayakap nila. Sa akin sila sasama!"
Paghatak naman ng inang buwan sa mga anak niyang bituin.
Sa kanilang pag-aaway at paghila sa mga bata ay nahulog sa kalawakan ang
kanilang mga anak. Agad na hinabol ng ina ang mga anak na patuloy na lumalayo
patungo sa kalawakan habang ang amang araw ay magiting at mapangmataas na
tumayo lamang sa kanyang trono para sa pagbabalik ng kanyang asawa at mga
anak.
Ito ang dahilan kung bakit magiting na nakatanglaw ang mainit na araw sa
tanghaling tapat, habang sa gabi naman ang buwan ay nagbibigay ng malamlam na
liwanag sa karimlan ng gabi kasama ang kanyang mga anak sa bituin sa kalangitan.
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

SANGGUNIAN

Baltazar, Francisco “Balagtas”. (2015). In V. Almario (Ed). Sagisag Kultura (Volume


1). Manila: National Comission for Culture and the Arts. Mula sa
https://philippineculturaleducation.com.ph/baltazar-francisco-balagtas/
Baltazar, Francisco “Balagtas”. (2015). In V. Almario (Ed). Sagisag Kultura (Volume
1). Manila: National Comission for Culture and the Arts. Mula sa
https://philippineculturaleducation.com.ph/hernandez-amado-y/
Baltazar, Francisco “Balagtas”. (2015). In V. Almario (Ed). Sagisag Kultura (Volume
1). Manila: National Comission for Culture and the Arts. Mula sa
https://philippineculturaleducation.com.ph/joaquin-nick/
Baltazar, Francisco “Balagtas”. (2015). In V. Almario (Ed). Sagisag Kultura (Volume
1). Manila: National Comission for Culture and the Arts. Mula sa
https://philippineculturaleducation.com.ph/tinio-rolando-s/
Castro, J. L., Clara, R., Domingo, D., et. al.,. (n.d). ANG PAGSUSURI SA
PANITIKANG PILIPINO sa Panahon ng Kontemporaryo. Mula sa
https://www.slideshare.net/mobile/denimardomingo/pagsusuri-sa-panitika ng-
pilipino-sa-panahon
Cordillera Administrative Region (CAR). (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag
Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Mula sa
https://philippineculturaleducation.com.ph/cordillera-administrative-region- car
Irabagon, N.R. (2016, March 19). National Capital Region. Mula sa
https://prezi.com/5qrc9vbcbf3n/national-capital-region/
Santos, K., Solomon, J., Suerte, K. (n.d). National Capital Region (NCR). Mula sa
https://www.scribd.com/doc/316099838/National-Capital-Region-NCR
PHILIPPINE LITERATURE PORTAL. (2020). LIKHAAN panitikan.ph. Mula sa
panitikan.ph/2014/06/12/severino-reyes/
Orito, R. (n.d). Obra.liwayway arceo. Mula sa
https://www.slideshare.net/mobile/rosalieorito/obraliwayway-arceo
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Silva, B. A. et., al (2015). Philippine Literature (NCR). Mula sa


https://www.slideshare.net/NebOlengaYasyagamus/national-capital-regionncr-
metro-manila-philippines

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes


(1924). Mula sa https://www.scribd.com/doc/240009893/BULAKLAK-NG-
LAHING-KALINIS-LINISAN-NINA-JOSE-CORAZON-dE-JESUS-AT-
FLORANTE-COLLANTES

Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio Jacinto. Mula sa


http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-ningning-at-ang-
liwanag.html
National Nutrition Council. NCR Profile.
Mula sa https://www.nnc.gov.ph/2-uncategorised/244-ncr-profile

City of Caloocan
Mula sa https://www.caloocancity.gov.ph/about-us/list-of-mayors-and-vice-
mayors-of-caloocan/74-programs-and-projects/news/353-caloocan-city-
isa-sa-pinakamayaman-sa-pilipinas

PropertyAccess.co Japan. (2018). Caloocan City Guide.


Mula sa https://propertyaccess.jp/articles/caloocan-city-
guide#:~:text=inside%20the%20most.-
,Since%20it%20is%20surrounded%20by%20cities%20and%20townships
%20all,this%20city%20is%20aptly%20named.&text=It%20is%20known%2
0as%20the,during%20the%201896%20Philippine%20Revolution.

Catacutan, L.C. Facts & Trivias


Mula sa http://visittaguigcity.weebly.com/facts--trivias.html

Opulence_End. Paghihikayat sa lungsod ng Taguig! Pinoy angat!


Mula sa https://opulence-end.livejournal.com/1464.html
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Valenzuela, Pio. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts.
Mula sa https://philippineculturaleducation.com.ph/valenzuela-pio/
Co, J. R. M., Abad, M. C., Felicia, T., Lim, M. D. (2020). Assessment of
Valenzuela City's Resilience in Times of Disaster using the Ten Essentials for
Making Cities Resilient Toolkit
Mula sa
https://www.researchgate.net/publication/341480963_Assessment_of
_Valenzuela_City's_Resilience_in_Times_of_Disaster_using_the_Ten
_Essentials_for_Making_Cities_Resilient_Toolkit

Maria Lona, M. (2020). Discover 10 New Things About Malabon, The Philippines
Mula sa https://trip101.com/article/discover-10-new-things-about-
malabon-the-philippines
Philippine Fisheries Development Authority. (2016). Navotas Fish Port Complex.
Mula sa https://pfda.gov.ph/transparency/about-us/fish-ports/navotas-fish-
port-
complex#:~:text=The%20Navotas%20Fish%20Port%20Complex,Fisheries
%20Development%20Authority%20(PFDA).

Philippine Cities. Navotas City.


Mula sa https://philippinescities.com/navotas-city/

Euphorictravels. (2016). Tara Sa Lungsod ng Quezon!


Mula sa https://euphorictravels.wordpress.com/2016/02/28/tara-sa-
lungsod-ng-quezon/

Santos, K. Manila Travel Guide: Everything You Need to Know


Mula sa https://guidetothephilippines.ph/articles/ultimate-guides/manila-
travel-guide
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Guia, J. (2012). Marikina City: The Shoe Capital of the Philippines


Mula sa https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/Marikina-City-
The-Shoe-Capital-of-the-Philippines

Hoppler. (2019). Pasig


Mula sa https://www.hoppler.com.ph/neighborhood-guide/pasig-city

Recio, A. Makati City Travel Guide: Hotels, Things to Do, Itinerary & Tips
Mula sa https://guidetothephilippines.ph/articles/ultimate-guides/makati-
travel-guide

Balita Online. (2015). MANDALUYONG, THE ‘TIGER CITY’.


Mula sa
http://mandaluyongpresentationgroup5.blogspot.com/2013/02/ang-
lungsod-ng-mandaluyong.html

Kids Encyclopedia Facts. (2020). San Juan, Metro Manila facts for kids.
Mula sa https://kids.kiddle.co/San_Juan,_Metro_Manila

The Editors of Encyclopaedia Britannica. Pasay Philippines.


https://www.britannica.com/place/Luzon

Dotproperty. (2016). Paranaque – A Competitive City in the Heart of the North.


Mula sa https://www.dotproperty.com.ph/blog/paranaque-a-competitive-
city-in-the-heart-of-the-north
http://www.gpedia.com/tl/m/gpedia/Lungsod_ng_Las_Pi%C3%B1as
GMA News Online. (2008). Pinakamaliit sa Metro Manila
Mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Pateros

Caluya, Claro. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/caluya-claro/
PANITIKAN NG REHIYON CSSH-ABFIL

Pichay, Leon. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/pichay-leon/

Bucaneg, Pedro. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/bucaneg-pedro/

Mena Pecson Crisologo. (n.d.). Pilipinas. https://www.pilipinas.bid/2019/10/mena-


pecson- crisologo.html

Ang Panitikan ng Cordillera Administrative Region (2015). Nakuha sa


https://www.slideshare.net/adii_faye/panitikan-ng-car

You might also like