You are on page 1of 4

Colegio de la Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas City

College of Education

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

MF 13- PANITIKAN NG REHIYON

MIDTERM

WEEK 7

Name of the Unit Topic- Panitikan ng Rehiyon 4 B- MIMAROPA

1. Intended Learning Outcomes:


Pagkatapos ng isang linggong aralin, ikaw ay inaasahang:
a. natatalakay ang panitikan ng Rehiyon 4-B.
b. nakikilala ang mga naisulat bilang bahagi ng panitikang Filipino
sa rehiyon 4-B.

2.Introduksyon:

Ang MIMAROPA ay binubuo ng mga sumusunod : Occidental Mindoro, Oriental


Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan.

MARINDUQUE Kilala ang Marinduque sa tradisyon nitong Moriones tuwing Mahal na Araw.
Nuong una ay bahagi lamang ng Balayan o Bonbon na ngayon ay Batangas ang Marinduque.
Ang kabisera ng Marinduque ay Boac.
ORIENTAL MINDORO Tanyag ang lalawigan sa “Tamaraw” at magagandang tanawin. Ang
cabisera nito ay Calapan.
OCCIDENTAL MINDORO Mamburao ang kabisera ng lalawigan na ito. Noong una ay
bahagi lamang ng Batangas ang magkaisang Oriental at Occidental Mindoro subalit sa bisa
ng R.A. No.205 ang Oriental at Occidental Mindoro ay pinaghiwalay.
ROMBLON Kilala ang Romblon sa tawag na Isla ng Marmol. Masasabing sa Romblon may
pinakamaraming puno ng niyog sa buong rehiyon at gayundin dito may pinakamalaking mina
ng marmol.
PALAWAN Ipinagmamalaki ang Palawan sa ganda, linis at yaman nito. Ito ay pangalawa sa
pinakamalaking lalawigan sa bansa. Kilala ang Palawan sa sikat na Underground River, ito’y
isang ilog sa ilalim ng kweba na may daang-daang paniki at mga ibong lumilipad gayundin
ang mga larawang nakaukit sa dingding ng kweba.
Pangunahing ikinabubuhay ang pangingisda, pagsasaka at pangangaso. Kabilang sa
magagandang tanawin ng Palawan ang Tabon Caves sa Quezon Island, Ursusa Island sa
Brookes Port, Ulugan Bay sa Puerto Prinsesa, Palawan Beach Resort, The Cliffs of El Nino at
lahat ng beaches na putting buhangin.
Sa modyul na ito ay pag-uusapan naman natin ang kanilang panitikan.

3. Inputs:

Rehiyon IV-B: MIMAROPA

Narito ang bahagi ng panitikan ng Rehiyon IV-B o ang MIMAROPA

1. BUGTONG - isa sa bahagi ng ating kultura

Nang maglihi’y namatay


Nang mag-anak ay nabuhay
Sagot: sinigwelas

Kung kailan tahimik,


Saka nabubuwisit.
Sagot: lamok

Walang pinasukan,
Nakapasok sa kaloob-looban
Sagot: pag-iisip

Kung kailan mo pinatay,


Saka naman humaba ang buhay.
Sagot: kandila

Walang itak, walang kampit,


Gumawa ng mahal na ipit
Sagot: gagamba

Dulong naging puno,


Punong naging dulo
Sagot; tubo

2. SALAWIKAIN, KASABIHAN AT KAWIKAAN----NAGBABADYA NG ARAL SA BUHAY


Mayaman ka ma’t marikit / Maganda ang pananamit / Pag wala kang tagong bait,/
Walang halagang gahanip.
Kapag ang nauna’y tamis, ang mahuhuli’y pait.
Ang taong mapanaghili, lumiligaya man ay sawi.
Kapag ang tubig ay matinig, asahan mo at malalim.

3. PAMAHIIN-MGA KILOS NA MAARING MAGDULOT NG KASIYAHAN AT KAPIGHATIAN


Masama sa magkapatid ang magpakasal ng sukob sa taon, dahil ang isa raw sa kanila
ay magdaranas ng hirap.
Masama ang magwalis o magpalis kung gabi, sapagkat mawawala ang swerte.
Masama ang kumanta kung nagluluto sapagkat makapag-aasawa siya ng balo.
Pagdating sa bahay ng ikakasal, ang lalaki ang dapat munang pumanhik upang hindi
siya maging talun-talunan o ander de saya.
AWITING BAYAN
Ang lahat ng bagay sa mundong ibabaw Dunong man o layaw bihirang makamtan Kundi
magtiyaga sa bawat paraan Ay hindi makukuha ang bawat mga Kinakailangan sa sariling
buhay Magnais man tayong magtanim ng mga halaman Ay di mag-aani kundi paghihirapan
Kung laging pangarap at titingnan- tingnan Ibig man mag-ani walang aanihin At hindi
tinamnan ang lupa’y nasayang. LAHAT NG BAGAY SA MUNDO

KILALANG MANUNULAT
N.V.M. Gonzales(Romblon)

4.Pagsasanib (Involvement)

Panuto: Punan ng wastong sagot and bawat kahon.

Mga Katanungan Mga Sagot


1. Ilarawan ang Rehiyon IV –B.
2. Anong nga panitikan mayroon ang Rehiyon IV- B?

5.Individual Check

1. Sumulat ng limang bugtong


2. Sumulat ng limang salawikan
3. Sumulat ng limang pamahiin.

6. Interventions (Enhancement Activities):


Sumulat ng sarili mong:
1. Bugtong
2. Salawikain
3. Pamahiin

7.References
tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan
philnews.ph/panitikan-kahulugan-uri-anyo-akda
www.slideshare.net/panitikan

Prepared by: ANITA D. LASERNA, Ph.D


Instructor
(Ito ang sasagutin at ibalik para mabigyan ng grado)

INDIVIDUAL WORKSHEET

MF 13- PANITIKAN NG REHIYON

MIDTERM

WEEK 7

Pangalan: ________________________

A. Sagutin:
1. Ilarawan ang Rehiyon IV –B.
2. Anong bahagi ng panitikan mayroon ang Rehiyon IV- B?

B. Sumulat ng ( Maaring magtanong sa mga nakatatanda)


1. limang bugtong
2. limang salawikain
3. limang pamahiin

C. Sumulat ng sarili mong gawang:


1. bugtong
2. salawikain
3. pamahiin

You might also like