Professional Documents
Culture Documents
REHIYON V
Isa pang kaugalian ay ang Pastoras kung Kapaskuhan. Ito'y isang bahagi ng pagdiriwang ng
Pasko sa Kabikulan.
Ang mga sayaw at awitin nito'y pinananatili at ipinamamana ng pamilya at kamag-anak ng
parabulo" o tagapagsanay.
Ang mga kababaihang kalahok sa Pastoras ay pili dahil sa kanilang kakayahan, kagandahan at
kakayahang umawit at sumayaw.
Pili rin ang mga tahanang kanilang tinatapatan, kaya't isang karangalan ang mapuntahan nila.
Bantog ang Bicol sa mga magagandang tanawin tulad ng Bulkang Mayon na may perpektong kono.
Itinuturing itong isa sa mga kahanga-hangang tanawin sa buong mundo.
Kahanga-hanga rin ang Lake Buhi na katatagpuan ng pinakamaliit na isda sa daigdig, ang bubuwis o
pandaka pygmea.
Balita rin sa ganda ang Tiwi Hot Spring, ang nalibing na simbahan ng Cagsaua sa Albay; ang Palali
Falls sa Malinao at katangi-tangi rin sa ganda ang Talon sa Malilipot, ang Busay.
Isa sa mga lalawigan ng Bikol ang Albay. Binubuo ang lalawigang ito ng isang lungsod, ang
Legaspi, at ng labing-isang munisipyo / bayan. Ito'y ang Bacacay, Camalig, Camalig, Daraga,
Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao, Malipot, Malinao, Manito, Oas, Pio Duran, Polangui, Rapu-
Rapu, Sto. Domingo, Tabaco at Tiwi. (Almanac 232)
Mula sa salitang "Ibal" ang Albay na ang ibig sabihin ay sentro ng kalakalan/ bilihan.
May paniniwala ang iba na ito'y mula sa salitang "baybay"na ang ibig sabihin ay tabing dagat.
May nagsasabing ito'y mula sa salitang “alhay" na ang ibig sabihin ay patuyuin ang nilabhan.
Naniniwala ang marami na ang salitang Albay ay mula sa salitang "Antabay" na nangangahulugan
ng sandigan para suporta.
Ang Albay ay suporta ng Luzon. Ang pinakamalaking bahagi ng lalawigan ay nakasandig sa
maalamat na Bulkang Mayon na kinuha ang pangalan sa salitang "Magayon" na ang ibig sabihin ay
maganda.
Sawagnan ang unang pangalan ng Albay.
Natuklasan ni Juan de Salcedo ang pulo ng Libon, isang bahagi ng Sawagnan noong Hulyo 1573.
Tinawag itong Albaybay nang gawing isang bayan noong 16l6.
Nasakop ito ng mga dayuhang Kastila noon ika-17 daantaon at naging bahagi ng pamamahala ang
Partido Ibalon.Di naglaon, ito'y pinangalanang Albay. Hinati ito sa dalawang lalawigan: Albay at
Sorsogon.
Noong 1810, umabot sa 106, 333 ang kabuuang populasyon ng Albay subalit nang pumutok ang
Bulkang Mayon noong Pebrero 1, 1814, namatay ang marami at naging 92, 065 na lamang ang
kabuuang populasyon.
Lumiit ang sakop na teritoryo ng Albay nang humiwalay ang Masbate at Ticao noong 1846.
Masasabing naramdaman ng Albay ang naganap na paghiwalay ng Masbate at Ticao subalit
nakabangon itong muli nang maging gobernador nito si Jose Maria Peñaranda.
Naging maunlad at masagana ang Albay sa ilalim ng matalinong pamamahala ni Gob. Pefñaranda
kaya't noong taong 1860, ginawang alcadia unang klase ang Albay.
Ito ang sentrong lalawigan ng Rehiyon V. Gaya nang nabanggit na sa unahan, ito'y nag-aangkin ng 2,
533 kilometrong parisukat na bumubuo sa isang lungsod, ang Lungsod ng Legaspi at labimpitong
munisipalidad. Ang Legaspi ang kapital o kabisera ng lalawigan.
Bahagi ng Albay ang mga panloob na karagatan, ang Tabaco Bay at ang Gulpo ng Albay.
Mahahalagang daungan ng lalawigan ang Bato, Tabaco, Puro, Malilipot, Bacacay, Rapu-Rapu at
Malinao.
Sagana rin sa mga bundok ang Albay; ang Mayon, Masarana at Malinao. Sa Silangang bahagi ng
Albay at ang Catburaruan naman sa gawing kanluran nito.
Kung may mga kabundukan ay mayroon ding mga balitang ilog: Ang alauanan, Yana, Soboc, Ugat,
Lagonoy at Quinaliti. Balita rin ang mga Lawa Caragatan, Mabano, Manlapoc at Burayan. Ang
klima ay katamtaman. Di gaanong mainit sa araw at presko sa gabi.
Palibhasa'y mataba ang lupa at maganda ang klima. Pangunahing hanapbuhay ng mga tao ang
pagsasaska.
Abaka ang pangunahing produkta ng Albay, gayundin ang niyog, tubo, pinya, gulay at bigas.
Ang mga latian napagkukunan ng kugon at alkohol.
Ang makapal na gubat ay napagkukunan .ay ng troso, rattan at pili. Ang madamong lugar ay pastulan
ng mga baka, kabav kalabaw, kambing at tupa.
Pangunahing hanapbuhay pa rin ang pangingisda at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok,
baboy, kambing at iba pa.
MAGAGANDANG TANAWIN:
Maibibilang sa magagandang tanawin ng lalawigan ay ang Cagsawa Ruin, Pali Falls, Bulkang
Mayon, Bulkang Bulusan, Hayop-Hayopan Cave sa Camalig; Maglaboy Boiling Lake, Naglagbay
Lake sa Tiwi; ang Kalayukay Beach at Beach Puro, at Tiwi Hot Spring.
Pangalawa sa Bulkang Mayon ang Tiwi Hot Spring sa kagandahan. Ang nakabiting Daan ng Jordan
sa Baryo ng Sugud ay isang kahanga-hangang tanawin. Ito ay nakaukit sa luntiang dahilig na Bundok
Malinao na kung saan nakabalatay ang talong inaagusan ng kristal na tubig mula sa itaas ng bundok.
Ang talon ng Palali sa Malinao at ang Busay sa Malilipot ay kahanga-hanga rin dahil sa kakaibang
mga hugis nito na umaapaw at dumadaloy sa talon.
CAMARINES SUR
MAGAGANDANG TANAWIN:
Atraksyon ng lalawigang ito ang Carolina Resort, Inarikan Dam, Kayumanggi Resort, Malabsay Falls,
Nabontolan Spring, Pefñafrancia Resort, Trinity Resort, Metropolitan Cathedral, University of Nueva
Caceres, Peñafrancia Shrine.
CAMARINES NORTE
Pangalawa sa pinakamaliit na lalawigan ng Rehiyong Bicol ang Camarines Norte. Wala ni isa mang
lungsod ang lalawigang ito at binubuo ng labindalawang bayano munisipalidad. (Almanac 232).
Ang Camarines Norte ay ang ilang bahagi ng dating łálawigan ng Ambos Camarines.
Noong 1571, ginalugad ni Juan de Salcedo ang rehiyon. Naakit siya sa balitang maraming ginto sa
lalawigang ito. Dito na nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa tahimik na pook na ito.
Bago pa man dumating ang mga Kastila, marami nang katutuho naninirahan sa Camarines Norte,
maliban sa mga bayan ng Mambulao Paracale. Naroon na rin ang mga Indan at Daet.
Hindi na purong mga Bikolano ang bumuo sa populasyon ng Camarina Norte. Karamihan sa mga
naninirahan sa Capalonga, Mambualo, Paracale, Inda at Labo ay mga Tagalog. Sa ibang bayan ng
Camarines Norte ay may mga naninirahang mga Bisaya.
Ang pangunahing diyalekto na ginagamit sa lalawigan ay Bikol.
Ang Camarines Norte ay korteng "hump", umbok sa mapa na wari'y nakasalalay sa mga karatig na
lalawigan ng Quezon at Camarines Sur. Sa dakong hilaga at sa gawing Hilagang-Silangan ay ang
Dagat-Pacifico at sa Timog-Silangan ay ang Camarines Sur. Mabato at mabuhangin ang lupa subalit
mataba ang ibang lugar.
Ang Capalonga, Mambulao, Paracale at Gabat ay napoprotektahang mabuti ng maliliit at pataas na
tangway. Mayaman din ang lalawigan sa mga Bundok Bagacay at Colase na nababalutan ng mga
troso at iba pang punong angkop sa konstruksiyon. Yaman din ang mga ilog ng Basigon at Labo.
Pagsasaka, pagmimina at pansariling hanapbuhay (Cottage Industries), ang pinagkakakitaan ng mga
mamamayan. Ang mga pangunahing yaman ng lugar ay ginto, pilak, tanso, niyog, saging, abaka at
bigas.
Walang tagtuyot. Malimit dalawin ng bagyo na sumisira ng mga pananim at mga ari-arian.
MAGAGANDANG TANAWIN:
Sagana sa magagandang tanawin ang lalawigang ito gawa ng mayamang kalikasan. Karaniwang dinarayo
ng mga turista ang Bagasbas Beach, Bikol National Park, Pulong Data, Canton Cave, Lanot Soda Spring,
Mananap Falls, at ang Tulay na Lupa Reservoir.
SORSOGON
Isa sa pinakamakasaysayang (historical) lugar sa Pilipinas ang lalawigang Sorsogon. Dito idinaos
ang kauna-unahang misa sa pulo ng Luzon. Idinaos ito sa Otabu, bayan ng Bulan, Hibalong sa
Magallanes na kung saan ay unang tinigilan ng mga Kastila. Dito natayo ang unang kapilya ng mga
unang Kato sa parnamahala ni Padre Alonzo Jimenez noong 1567.
Dating bahagi ng Albay ang lalawigan ng Sorsogon. Isa ito pinakabatang isla sa Luzon na ang dating
pangalan ay Ibalon.
Sinakop ito ng mga Kastila at ginawang kabisera noong 1649. Nang mag-alsa si Samoroy mula sa
Samar, nag-alsa na rin ang mga taong naninirahan sa Sorsogon.
Marami sa mga galyong ginamit ng mga Kastila sa kalakalan ng.Maynila-Acapulco ay ginawa sa
Sorsogon. Minsan pang ipinakilala ng mga katutubong mamamayan ng Sorsogon ang kanilang
katapatan sa bayan noong panahon ng Hapon nang tutulan nila ang utos na isuko nila ang 'kanilang
pamahalaang silbil. Buong tapang na nakipaglaban kanilang mga gerilya at mga escudero sa
pamumuno ni Gob Salvador Escudero. Naitaboy nila ang mga mananakop sa tulong ng sandatahang
lakas-Amerikano.
Noong Oktuber 17, 1894 naging hiwalay na lalawigan ang Sorsogon sa Albay, ang inang-lalawigan
nito. (Fernandez 101i1).
Nasa pinakatimog ng Tangway ng Bicol ang lalawigang ito ng Sorsogon.
Ang erya ng lupain nito ay 2, 141' kilometrong parisukat. Sorsogon ang kapitolyo nito at wala ni
isang lungsod subalit binubuo ng lambimpitong munisipalidad/bayan: Bacon, Barcelona, Bulan,
Bulusan, Casiguran, Castilla, Donsol, Gubat, Irosin, Juban, Magallanes, Matnog, Pilar, Prieto, Diaz,
Santa Magdalena at Sorsogon. (Almanac 232).
Ang wikang ginagamit ay Bicol na may halong Bisaya.
May napakahabang baybaying dagat sa kahabaan ng daang San Bermardino palabas sa Dagat
Pacifico.
May malawak na bukiring taniman ng palay na nakabaybay sa haywey ng Maharlika.
May anim na pangunahing mataas na lugar ang lalawigang ito na ang pinakamataas ay ang Bundok
Bulusan na may taas na 1, 559 metro.
Bulubundukin ang kalawakang lupain ng lalawigan.
Ang pangunahing hanapbuhay ay pangingisda, pagsasaka, pagtotroso at paghahayupan.
Pangunahing produkto ng lalawigan ay abaka, palay, pili, niyog at kopra.
Ang mga yamang mineral ay asin, bato at bakal. May pagawaan din ng sapatos.
Katamtaman ang klima sa Bulusan Lake. Palaging umuulan sa ibang bahagi ng kabuuan ng Bicol sa
buong taon.
MAGAGANDANG TANAWIN:
o Pinagdarayo ng mga dayuhan ang Talon Ginulajon, karugtong ito ng Ilog Irosin, ang magandang
Bulkang Bulusan; ang Rizal Beach, ang Bucałlbucalan Springs; Bolos Springs; Palhi Springs;
Cauayan Falls; Masacot Springs; Licol View at San Benon Springs.
MASBATE
Kung titingnan sa mapa, ang Masbate ay hugis-sinsel. Ang lalawigang iti ay kinatutuwaang puntahan
noon ng mga Intsik dahil sa paniniwalang may mina ng ginto at binubuo ng tatlong pulo na
nakahimlay sa gawing Hilaga ng mga pulo ng Visaya at ng Hilagang Kanluran ng Bicol peninsula.
Noong una, ang Masbate ay bahagi lamang ng Albay. Naghiwalay lamang noong 1846.
Marami sa mga dayuhan ay naakit pumunta sa Masbate sa balitang masagana ang ginto sa bayan ng
Aroroy.
Di mabilang ang mga Intsik na sumugod sa daungan ng Aroroy na sinasabing pupunta sila sa “Al
oro”. Maaaring ang pangalang Aroroy ay hango sa salitang “Al oro”.
Wala ni isang lungsod subalit binubuo ng dalawampu’t isa (21) bayan o munisipalidad: Aroroy,
Baleno, Balud, Batuan, Cataingan, Cawayan, Claveria, Dimasalang, Esperanza, Mandaon, Masbate,
Milagros, Mobo, Monreal, Palanas, Pio V. Corpuz, Placer, San Fernando, San Jacinto, San Pascual
at, Uson (Almanac 232.).
Sa kalipunan ng mga pulo, ang Masbate ang pinakamalaki at siyang pang-11 sa pinakamalaking pulo
sa kapuluan.
Nasa Hilagang Masbate ang pulo ng Ticao at sa Hilagang Silangan naman ay ang pulo ng Burias. Sa
bahaging kanluran at pinakahilagang dalampasigan ng Masbate ay malaganap ang koral.
Sa kabuuan, ang pulo ay bulubundukin. Pinakamataas na bahagi ng lalawigan ang Mr. Engano na
matatagpuan sa Burias na may taas na 427.63 metro.
Palanas na dalampasigan naman ang nasa gawing silangan ng karagatan ng pulong Burias.
Madalas ang tag-araw mula Enero hanggang Hunyo at tag-ulan naman mula Hulyo hanggang
Disyembre.
Nakahantad ang lalawigang ito sa mga bagyo na nakaaperkto sa kanilang ekonomiya.
Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa lalawigang ito ay pagsasaka, pag-aalaga ng baka,
pangingisda, pagmimina, at pagtotroso.
Mais, niyog, saging, bigas at mga yamang mineral tulad ng ginto, pilak, bakal, karbon, oksido at
manganese ang mga pangunahing produkto ng lugar na ito.
Ang wikang ginagamit sa Masbate: Bicol, Tagalog, Cebuano at Waray.
MAGAGANDANG TANAWIN:
Maipagmamalaking tanawin ng Masbate ang Dacu Beach Resort, Espinosa Beach Resort, Valencia Beach
Resort, Tinago Beach Resort, at Matang Tubig Springs.
CATANDUANES
Bantog ang Catanduanes sa tagurin “Pulo ng Dagat-Silangan” (Isle of the Eastern Sea) at “Lupain ng
Hinihilang mga Pakpak” (Land of the Hauling Wings).
Masasabing ito ang may pinakamaliit na sakop na lupain sa mga lalawigan ng Rehiyon V.
Ang lalawigang ito’y isang pulo sa dagat pacific na inihiwalay ng daang tubig (Maqueda Channel)
mula sa pinakadulong silangan ng Camarines Sur.
Maliit na sukat kung ihahambing sa mga lalawigan ng Bicol.
Walang malatawag na lungsod subalit may labing-isang munisipalidad o bayan. Ang Virac, ang
pinaka-Kapitolyo. Ang mga bayang bumubuo rito ay ang: Bagamanoc, Baras, Bato, Caramoran,
Gigmoto, P'andan, Panganiban, San Andres, San Miguel, Vigan at Virac. (Almanac 232).
Matatagpuan sa Hilagang Kanluran ng Lungsod ng Legaspi na ang nakapagitan ay ang Lagonoy
Giulf. Ang hugis-batong pulong ito ay biniyayaan ng mga magugubat na bundok at kakaunti lamang
ang kapatagan sa mga baybayin. Ang mga loob ng kabundukan ay di pa napapasok ng sinuman.
May mga malalawak ding patay na baybayin na matatagpuan sa Hilagang Silangan. Sa katimugan
namang bahagi ng kapuluan ay ang Virac na may napaka-ckselenteng daungan para sa nagyayao"'t
ditong sasak yang dagat.
Pagsasaka at pagtotroso ang kalimitang ikinabubuhay ng mga tagaroon.
Marami rin ang nabubuhay sa pangingisda. Abaka, palay, niyog at mga halamang-gubat, troso, mga
yamang mineral, ginto, pilak, marmol, manganese ang mga pangunahing produkto ng lalawigan.
Ang klima ay di lubhang kaaya-uya. Walang tag-araw.
Matindi ang buhos ng ulan sa mga buwan ng Nobyembre hanggang Enero.
Nasa tubuan ng bagyo ang lalawigang ito. Nakahantad ito sa hilagang hangin, ang habagat at mga
bagyong may buhawi
MAGAGANDANG TANAWIN:
LITERATURA NG REHIYON V
Mayaman sa literatura ang Rehiyon V, may mga alamat, awiting bayan, mga bugtong na tinatawag
nilang patotodan, epiko, mga tula at mga pamahiin.
Bantog na mga manunulat mula sa Rehiyong Bicol sina Manuel Fuentabella, Angelo de Castro,
Valerio Zuñiga, Marian Goyema del Prado, Ben Frut, Antonio Salazar, Agapito San Antonio,
Clemente Alejandria, Fortunato Reyes, Juan Peñalosa, Sirelo Salvador at Adolfo Caro.
Si Rafacl Gragera ang sumulat ng Mayon Volcano. Narito ang isang bahagi nito:
"The wings of time snatched by strength no longer can I climb, no longer can I visit you.
I watched you from the distant plain my heart is drowned in longing pain”
MGA BUGTONG/PATOTODAN
MGA BUGTONG
Cun aga bongbong, cun bagui Isang bundok, hindi makita ang
tamong... BANIG tuktok... NOO
Kon tokaw halangkaw
Kon tindog hababa. You have it, but you can't get i..
Nagdakit si Santa Ana MIND
Dai nabasa si saya.
Bakong tao, bakong hayop, pero may The bell of my cat can be heard in
dila manila... THUNDER
Nagtanom ako nin ransas
Sa tahaw nin dagat. Egg of the Kalaw bird, it cannot be
Kadakul an naghahanap. looked at.. SUN
Ang salawikain o kasabihan ay may malaking ginagampanan sa buhay ng mga Ricolano noon.
Ang mga ito ay nagiging batayan na ginagamit kadalasan lalo na salawikain ay karaniwang
tumatalakay sa moral, kabutihang loob at sa "pagpapaalala sa mga tao ng maaring kalabasan ng maling
gawa."
Ang mga nagpapahiwatig ng pawang katotohanan tungkol sa buhay.
Narito ang ilan sa mga halimbawa:
Patunay ng engkantong nasa itaas ay sinusuportahan ng banog, isang ibon sa gabi sa oyaying nasa ibaba:
Katorog, katorog
Sakloton nin barog
Ipaglayolayog
Sa poon manuyog
Ipaglakawlahaw
Sa poon makakaw
lpagduyanduyan
Sa poon kawayan.
Matulog, matulog
Kukunin ka ng baong
At dadalhin ka
Sa puno ng niyog
0, dadalhin ka
Sa puno ng hakaw
0, ipagduduyan
Sa puno ng kawayan.
Ang engkanto ay maaaring maging anumang uri ng hayop, ibon, isda o tao. Nanininwala ang mga
taga-Bikol na ang banong ay isang uri ng engkanto, na lumalabas sa oras ng gabi para manguha ng
mga bata at ihuhulog mula sa puno ng niyog, kakaw o kawayan hanggang sa mamatay ito.
Isa pang kanta na nagpapakita ng paniniwala ng mga ito sa masasamang espiritu; sa ngayon ito ay
tinatawag na aswang, na nagpapaiba-iba ng hitsura at porma tulad ng taong lumilipad sa gabi at
kumakain ng ibang nilalang.
Dumaan sa samuya
Islang rapurapu
An ang tawo diyan
Anas milyonaryo
Mayo man nin landing
May bitbit na tawo
Igwang eroplano
Na layong kun banggi
Sa aming bayan
Isla ng Rapu-rapu
Ang lahat ng tao
Ay milyunaryo
Wala namang lalandingan
Pero mayroong eroplano
Na lumilipad kung gabi
May bitbit na tao.
Tunay ngang ang mga paniniwala sa mga espiritu ay may kaugnay sa pamumuhay at paniniwala ng
mga taga-Bikol. Halimbawa nito ay ang "Panyong Binurdahan", na kung saan ang isang babaeng
nagngangalang Lulay ay inutusang paikut-ikutin ang ulo ni Juat at isang mahabang kantang
pinamagatag "Papel de Canton", ito ay isang sulat na ipinadala ng isang lalaki bilang pagsuyo sa
kanyang minamahal.
Ang tula at awit ay minana pa ng mga sinaunang tao sa Bicol, maramina mga awitin ang biglaang
komposisyon na sadyang ginawa sa ilalim ng liwanag ng buwan. Iyon ang karaniwang pampalipas
oras at ginagawa pa rin ito sa mga rural areas hanggang sa kasalukuyan. Nagtitipun-tipon ang mga
tao sa isang tindahan. nauupo sila sa mga upuang gawa sa katawan ng puno ng niyog at nag-uusap
tungkol sa mga pangyayari sa kanilang lugar at kasabay nito ang kantahan.
Ang mga kumakanta nang solo ay lubusang pinapalakpakan, ngunit ang pag-awit ng paglisan ng
bawat grupo ay mas masaya. Tuwing may mga kasayahan ay hindi nawawala ang mga paligsahan, at
mga sorompongaon o dugsungan (paligsahan sa pag-awit) ay ginaganap.
Ang kapitan ng baryo ay siyang namumuno sa mga paligsahan.
Magbibigay siya ng isang sitwasyon 'at ang mga kalahok ay gagawan ito ng awitin.
Ang pinakamahusay na mang-aawit na mas mapalungkot ang malungkot na istorya mas mapasasaya
ang masayang sitwasyon, mas mapatawa ang nakakatawang sitwasyon o kaya'y mas malaswa ang
malaswang insidente. Sa ganitong paraan, ang mga paligsahan ng pag-awit ay isinilang tulad ng:
UNANG MANG-AAWIT
Tilibong. tilibong, tilibong
Nadasmay si Ramon
Nahulog sa babon
Nagkaborolokan,
IKALAWANG MANG-AAWIT
Tilibong, tilibong. tilibong
May gandang sa ibon
Dai kinalabong
Ta muklit sa ibong,
Itong si Neneng
Magandang babae
Magandang sumaya
Ng sinalampat
Dumulas arng paa
Ikinukumpas ang karnay
Kaninong puso
Ang di maaakit,
IKALAWANG MANG-AAWIT
Susay daw dai mabihag
Ay Neneng, nan saimong piad
Maski yadanang dumulag, lalay,
Masuhat ta mianonoag,
May mga awiting bayan din sa Bicol na pumapatungkol sa relihiyon. Basahin at unawain ang nakakagulat
na huling linyang nakapaloob sa awiting ito.
Arin an makulog?
An matatagalan
Arin an may sakit
An di nagaagrangay
Kon si Oloperes
Bantog kaisugan
Por dahil ki Jodit
Buhay dinanay,
Sa bababang tingog
Nin hayokong pagisip
Aapadon taka
Sa sakuyang kayya
Nin sampulong Muro
Paglilingkod taka
Ibabagtak taka,
Sa sakuyang daghan
Diyan sa sakuyang
Mahal na ladawan,
Ika an liwanang
Kan sakong magikan
Sakong kaogmahan.
Sa mababang tono
At maikling pahayag
Tatawagin kita
Sa makakaya
Ng aking sampung daliri
Paglilingkuran kita
llululok kita
Sa aking dibdib
Diyan sa harap
Ng mahal na altar
Noong unang panahon ang Kalangitan at ang Kalupaan ay mag-asawa. Sila ay may dalawang
anak na sina Langit at Tubigan. Sila ay may kanya-kanvang sinasakupan. Si Langit ay diyosa ng
kalawakan (sky), at si Tubigan naman ay diyosa ng katubigan (water). Sina Langit at Tubigan ay
nagpakasal at ang naging mga anak nila ay sina Dagat (diyosa ng karagatan) at si Paros divosa ng
hangin). Sina Dagat at Paros ay nagpakasal at apat ang naging anak nila, tatlo ang lalaki at isa ang babae.
Si Dagat ay makisig at malakas na lalaki at ang katawan ay mabato. Si Aldaw ay masayahing lalaki na
ang katawan ay ginto. Si Bulan ay isang mahinang lalaki na ang katawan ay kulay tanso. Si Bitoon ang
tanging babae, maganda ang katawan at kulay pilak.
Nang mamatay si Paros ay napunta kay Dagat ang kontrol sa hangin. Hindi nagtagal ay sumunod
ding namatay si Dagat. Inalagaan nina Langit at Tubigan ang kanilang apat na apo naging mayabang at
ambisyoso si Dagat. Kinausap niya ang kanyang dalawang kapatid na lalaki na sina Bulat at Aldaw na
sakupin ang kaharian ni Langit. Ayaw sanang sumama ng dalawa ngunit nakita nila kung paano magalit si
Dagat kaya pumayag na rin sila.
Pinakawalan ni Dagat ang hangin sa lahat ng sulok ng Langit upang mabuksan ito. Ganun nga
ang nangyari at sinira ito ng magkapatid. Sa nakitang agsuway ni Langit ng kanyang mga apo,
nagpakawala siya ng tatlong kidlat. Sina Bulan at Aldaw ay natunaw, si Dagat ay nahulog sa ibaba at siya
ang naging mundo at dahil tinamaan din si Bitoon ng kidlat ay nagkapira-piraso siya. Ang magkakapatid
ay nalupig ng kanilang lola Pinagbintangan ni Langit si Tubigan na siya raw ang nag-utos sa mga apo na
ganon ang gawin. Nagkagalit ang dalawa, subalit kinalaunan ay nagkabati rin. Nagpasyang bigyan na
lamang iwanang ang mga apo dahil hindi na nila mabubux ang nasirang katawan nito. Mula noon, si
Bulan ay naging buwan, si Bitoon ay naging mga bituin, si Adlaw ay naging araw, at si Dagat ay naging
lupain.
1. Isa ito sa pinakamagandang mythokogy sa Bicef Region. Ito ay paglalaban ng masana at mabti.
2. Si Irago ay anak na babae ng isang aswang. Siya ay isang ahas na nagiging isang magandang
babae.
3. Inaakit niya ang mga lalaki upang silay ay mapa-ibig niya at pagkatapos ay papatayin niya sa
pamamagitan ng paghulog sa kumukulong tubig at ang kaluluwa ay iaalay niya sa kanyang ama.
4. Nangamba ang mga mamamayan kaya sila ay nagdasal kay Gugurang.
5. Sinabi ni Gugurang na mag-alaya sila ng isang sakripisyo kay Guguang.
6. Isang araw, isang binata ang nagsabing lalabanan niya si Irago at ililig niya ang mga tao sa bitag
ni Irago.
7. Pagsapit ng ikatlong araw na bilog ang buwan (full moon) ay nagbihis siya ng dahon na may
agimat at nagdala siya ng anting-anting na buhay sa puno ng saging.
8. Sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, naglaban sina Irago at ang binata.
9. Nang nanghina na si Irago, humingi siya ng tulong sa kanyang ama na și Aswang. Agad sinunog
ni Aswang ang damit na dahon ng binata.
10. Nawalan ng pananggalang ang binata kaya nagawa siyang tuklawin ni Irago.
11. Subalit bago kumalat ang lason sa katawan nito ay nagawa niyang hiwain ang katawan ni Irago at
siya ay muling humingi ng tulong sa kanyang ama.
12. Nagpadala ng evil spirit si Aswang upang nakawin ang anting-anting ng binata.
13. Dahil dito nanghina ang binata at siya ay naihulog sa kumukulong tubig ni Irago.
14. Sa pagkamatay ng binata ay namatay rin si Irago.
May isang babaeng nagmamay-ari ng isang malawak na plantasyon ng pinya sa San Felipe River.
Ang ikinabubuhay niya ay ang maglala ng pinya. Isang araw, nakita niya ang Mahal na Birhen na
nagduduyan sa dalawang sanga ng puno ng pinya. Sinabi niya ito sa obispo. Kinuha nila at inilagay sa
cathedra, subalit umalis ito sa cathedral at bumalik sa taniman ng pinya. Muli nila itong inilagay sa
Cathedral subalit muli na naman itong bumalik sa pinyana. Pinagpasyahan na lamang nilang doon ito
ipagpapagawa ng simbahan. Mula noon ay tinawag na itong Señora de Piñafrancia, at ito nga ang naging
patron ng mga Bicolano.
Si Ago ay tumatakbong sumigaw ng "Y-raga pa" na ang ibig sab at may lupa pa. Habang siya ay
tumatakbo, isang tinig ang kaniyang nar arinig sinasabing dalhin doon ang kayang tribo at ito'y
pagyamanin. Nang marinig iyon, patakbo naman siyang sumigaw ng "Y-raga pa", Narining ito ng
kanyang tribo at doon at doon na nga sila nanirahan hanggang sa ang lugar na ito ay tawaging
IRIGA.
ANG ALAMAT NG ALBAY
Sa paanan ng Bulkang Mayon, isang pangkat ng mga Kastila ang aliligaw. Nakasalubong nila ang
isa ring pangkat ng mga mangingisda na patungong dagat. Tinanong nila kung saan papunta ang mga
mangingisda at sinagot naman sila na "al Baybay" na ang ibig sabihin ay sa baybay dagat. Habang
naglalakad ang mga Kastila ay paulit-ulit nilang binabanggit ang "al babay" at mula nga noon ay tinawag
na itong ALBAY.
May isang matandang lalaki na may mga anak na magagandang babae, na naninirahan sa paanan
ng Lingyon Hill. Sa gawing silangan ay may isang bukal na kung tawagin ay Bogtong. Isang umaga,
sumalok ng tubig ang pinakamaganda sa lahat. Hindi na ito nakabalik dahil ito ay kinagat ng ahas.
Hinanap ng ama at iba pang kapatid ang nawawalang kapatid subalit ganon din ang nangyari. Sa takot ng
ilan pang kapatid ay lumayo sila at nanirahan sa isang lugar na Mount Rikit sa pagitan ng Pulanggi at
Malinaw. Mula noon ay dumami na ang tumira sa lugar na iyon at tinawag ito na Buhi na ang ibig sabihin
ay "nakabuhi", "to have escaped" ang lugar na pinagtakasan o pinagligtasan. Lumitaw rito ang isang lake
o lawa at ito ay ang Buhi Lake na kakakitaan ng mga tabyos o sinarapan sa Bicol ang pinakamaliliit na
isda sa buong mundo.
Noong unang panahon ay may isang kilalang-kilalang pinuno ng Albay na may isang
napakagandang anak na babac. Ito ay si MAGAYON, Si Magayon ay hindi lamang maganda, kundi
maawain at napakabait pa. Nang siya ay nagdalaga, siya ay umibig kay MATAPANG, na isang anak
lamang ng pangkaraniwang sundalo. Sa isang kalapit barangay ay may isa ring mayaman pinuno, at may
anak na binata na si MARAUT, ang isa pang masugid na manliligaw ni Magayon. Si Maraut ang na ang
nagugustuhan ng ama ni Magayon para sa kanya. Kaya inayos na nila ang kasal nina Magayon at Maraut.
Napagpasyahan ng magsing-irog na Magayon at Matapang na tumakas at magtanan, subalit ito ay
nalaman ni Maraut. Nang tumakas na sina Magayon at Matapang ay tinamaan ng sibat si Matapang at ito
ay namatay. Si Magayon ay patloy na tumakbo sa loob ng gubat sabalit siya ay nakagat ng ahas at
namatay. Doon na rin inilibing si Magayon. Nang gabing iyon ay napakalakas ng ulan, ang mga kidlat ay
matatalim at ang kulog ay napakalalakas. Kinabukasan ay napansin nila na kinalilibingan ni Magayon ay
nagging isang napakagandang bulkan. Mula noon ay tinawag nila itong Magayon at kilanaunan ay
nagging MAYON.
Kung ang mga Tagalog ay may Juan Tanga o Juan Tamad, ang mga taga Rehiyo V ay may Juan
Osong. Si Juan Osong ay tamad din subalit tuso at higit sa lahat ay napakatakaw at ubod ng lakas. May
mahigit na limampung bersyon Juan Osong.
1. May matandang mag-asawa na hind magkaanak. Isang matandang babae ang kanilang nakasalubong sa
kanilang paglalakbay. Sinabi nito huwag kakain ng kahit na ano sa loob ng pitong araw maliban sa itlog
ng buwaya.
2. Nang ipanganak si Juan Osong ay kasing laki lamang ng hinlalaki subalit walang tigil sa pagdede.
3. Siya ay lumalaking bilog na bilog.
4. Nang siya'y isang taong gulang ay nakakaubos na siya ng isang kabang bigas sa isang araw lamang.
5. Nang siya ay pitong taong gulang, ang kanilang pagkain sa loob ng tatlong buwan ay isang araw
lamang niya kinakain.
1. Dahil sa sobrang katakawan ni juan Osong ay namulubi ang kanyang mga magulang kaya
napagpasiyahan nilang paalisin na si Juan Osong sa kanila. Iba't ibang bersyon ang kanilang ipinakita.
2. Pinabayaan nilang maglakad si Juan sa loob ng gubat at doon pababagsakan ng puno upang mamatay.
Subalit umuwi pa rin si Juan na pasan-pasan ang punong dapat ay pumatay sa kanya.
3. Náriyan na itapon siya sa gitna ng dagat at batuhin nang batuhin.
4. Nariyan na patalunin siya sa gitna ng dagat.
5. Ilaban siya sa wrestler ng hari upang siya ay matalo at mapatay nito ngunit siya pa rin ang nananalo.
6. Nagpasiya na rin siyang umalis dala-dala ang bolo at espadang bigay sa kanya ng ama.
7. Habang siya ay naglalakbay, ang paligid ay lumilindol.
Isang araw ng Linggo sa pagsesermon ng pari, sinabi niyang "Kung sine ang mag-alay sa pari
para sa Diyos ay ibabalik niya ng sandaang beses." Sa maalang ito ay kinumbinisi ng magsasaka ang
kanyang asawa na ialay an gang kanilang kaisa-isang kalabaw sa pari. Kinabukasan, laking gulat ng mag-
asawang magsasaka dahil may limampu't isang kalabaw sa kanilang bukid. Kinahapunan ay dumating ang
tagapastol ng pari ng mga kalabaw at pinauuwi ang mga kalabaw. Hindi pumayag ang magsasaka dahil sa
kanya raw ang kalabaw na iyon. Tinawag ng tagapagpastol ang pari. Sinabi ng magsasaka ang tungkol sa
sermon at sinabi pa niyang may utang pa ang pari ng limampung kalawang. Ipinaliwanag ng pari ang
sermon at sinabi niyang ang grasiya noon ay Kalangitan. Hindi pumayag ang magsasaka. Kaya sinabi na
lamang ng pari sa magsasaka na kung sino ang unang bumati ng "good morming" ay siyang magmamay-
ari ng mga kalabaw. Sa takot na mawala ang mga kalabaw, alasdiyes pa lamang ng gabi ay umakyat na sa
puno ang magsasaka sa tabi ng simbahan upang makita ang lahat ng galaw ng pari. Sa ganap na
ikalabindalawa ng hating gabi ay nakita niya ang paring lumabas ng simbahan at pumunta sa bahay ng
isang babae. Ito ay ang babaeng kinakasama ng pari. Sa ganap na ikatatlo ng umaga ay bumabalik na ang
pari sa simbahan. Biglang sinabi ng magsasaka ang "good morning father". Nagulat ang pari. Sinabi ng
magsasaka ang kanyang pagpanik sa puno at ang pagkakita niya sa pananalangin ng pari sa Getsamani.
Naunawaan agad ng pari ang ibig tukuyin ng magsasaka at pinagsabihan na lamang niya ang magsasaka
na huwag sabihin ang kanyang nakita at ibibigay nito ang lahat ng kanyang kalabaw. Mula noon ay
namuhay nang sagana ang mag-asawang magsasaka.
May isang hari na nangangaso at nakakita ng isang magandang dalaga na anak ng magsasaka.
Tinanong ng hari kung nasaan ang mga magulang nito. Sinagot siya ng dalaga na naroon sa bundok,
pumapatay ng buhay upanggay buhay sa mga patay. Pagbalik sa palasyo, tinanong ng hari sa isang
no ang ibig sabihin ng dalaga. Iyon ay naipalíwanag naman sa hari na puputol ng mga puno at nagtatanim
ng mga puno. Humanga ang hari sa talino ng dalaga. Isang araw, nagpadala ng isang maliit na ibon ang
hari sa dalaga. Iniutos ditto nag awing pitong putahe ang ibon na iyon. Kasalukuyang nananahi noon ang
dalaga at sinabi niyang gawin muna ng hari ang maliit na karayon sa pitong kawali upang may agamit
siya sa kanyang pagluluto ng pitong putahe sa maliit na ibon. Lubhang humanga ang hari sa talino ng
dalaga. Muli ay bumalik ang utusan ng hari sa dalaga at sinabi ritong iniuutos ng hari na hulihin ng dalaga
ang alon sa dagat. Nagbigay ng isang bag na abo ang dalaga at pinasabi sa hari na gawin munang tali ang
mga abong iyon upang may magamit siya. Dahil sa paghanga ng hari sa dalaga ay pinakasalan niya ang
dalaga. Isang araw sa palasyo ay tinanong ng babae sa hari kung nasaan ang library. Sinagot sya ng hari
na nasa paanan daw ng Bulkang Mayon. Gumanti ang babae. Hindi niya nilagyan ng aisn ang pagkain ng
hari. Naglagay siya ng asin sa platito at ito ay kanyang tinakpan. Hinanap ng hari dahil alam niyang
gmaganti lamang ang kanyang asawa. Agad niyang sinabi sa kanyang asawa na bumalik na ito sa
kanyang ama sa gubat at dalhin lamang ang bagay na pag-aari nito. Hatinggabi biglang nagising ang hari
na nasa gitna ng gubat kasama ang hanyang asawa. Bigla niyang tinanong kung bakit siya naroroon.
Sinabi ng kanyang asawa na umalis na siya sa palasyo at ang dinala lamang niya ang tanging kanya.
Sinabi niya sa hari na ang tanging sa kanya lamang sa palasyo ay ang kanyang asawa. Humanga ang hari
sa kanyang asawa at siya ay humingi ng tawad dito. Mula noon ay namuhay nang maligaya ang mag-
asawa.
May isang ama na matandang-matanda na at pahina na nang pahina. Halos hindi na niya kayang
maligo at magbihis mag-isa. Kinaiinisian ng anak ang pagtira ng kanyang ama sa kanila dahil nahihiya
siya sa kanyang asawa. Isang araw ay ginising niya ang kanyang ama at sinabihang sila raw magsisimba.
Pinaliguan at binihisan ng anak ang kanyang ama. Subalit sa halip na sa simbahan dalhin ay sa gitna ito
ng gubat dinala at itinali sa isang puno Nang siya ay papalayo na, narinig niya ang panaghoy ng kanyang
ama na "Diyos ko, patawarin ninyo ako. Dito rin sa punong ito, dinala at itinali ko ang aking sariling ama.
Ngayon ay nagbabayad ako sa ginawa ko sa kanya." Narinig ito ng anak at kinalagan niya ang kanyang
ama. Mula noon ay inalagaan na nya ang kanyang ama.
Sa isang village ng Hignaroy ay may mag-asawa na maraming anak. ay sina Barbara at si Alejo.
Si Barbara ay naghahanapbuhay at gumagawa parin sa bahay, samantalang si Alejo ay walang ginawa sa
bahay kundi ang maglasing, kumain at matulog. Hindi pa rin siya nakakatulong sa pag-aayos ng kanilang
tahanan kundi nagkakalat pa. Noong una ay napagpapasensiyahan siya ni Barbara subalit kinalaunan ay
napupuno na rin si Barbara hanggang nasasaktan na niya si Alejo. Isang araw, hindi nakatagal si Alejo sa
panana ni Barbara sa kanya, kaya minabuti na lamang niyang umalis. Nagpunta siya sa gintna ng gubat at
doon pinag-iisipan niya nag buhay niya. Bigla siyang may narinig na tinig. Ito ay si Guiloy. Binigyan ni
Guiloy si Alejo ng isang pitaka na kapag binanggit ang "Sopot, ua, ua, sopot" ito ay maglalabas ng
maraming pera. Tuwang-tuwa si Alejo. Dali-dali siyang umuwi subalit napadaan siya sa bahay ng
kanyang kaibigan.Sinabi niya ang tungkol sa kanyang magic pitaka. Nilasing mag-asawa si Alejo at nang
makatulog na ito ay pinalitan nila ang pitaka ni Alejo. Muling bumalik si Alejo sa gubat at doon ay nakita
niyang muli si Guiloy. Muli ay binigyan siya ni Guiloy ng isang kambing at sinabi nito na kapag
babanggitin ang "Canding pag coroquinan ding" ay dudumi ito ng maraming pera. Tuwang-tuwa muli si
Alejo. Muli ay napadaan siya sa bahay ng mag-asawa at ipinakita na naman niya ang magic kambing
niya. Umuwi si Alejo na tuwang-tuwa. Subalit nang banggitin niya ang "Canding pag coroquinan ding
ay walang perang lumabas. Pinaghahampas ni Barbara si Alejo. Muli ay bumalik sa gubat si Alejo. Nakita
na naman niya si Guiloy at ipinagtapat ditto ang nangyari. Binigyan na naman siya ni Guiloy ng isang
mesa na kapag sasabihin niya ang "Tende lamesa" ay magbibigay ito ng maraming pagkain. Tuwang-
tuwa si Alejo, Napadaan na naman siya sa bahay ng mga kaibigan at ganoon na naman ang naganap.
Ninakaw at pinalitan ng mag-asawa ang magic mesa ni Alejo. Sa huling pagkakataon, ang ibinigay ni
Guiloy kay Alcjo ay isang baston na kapag sasabihin ang "Baston Pamordon" ay parurusahan ang
nagkasala kay Alejo. Sa pagkakataong ito ay hindi siya dumaan sa mag-asawa. Nang nasa bahay na siya
ay bigla niyang binanggit ang salitang iyon. Biglang nagsisigaw ang mag-asawa at humingi ng tawad kay
Alejo. Binalik niła ang lahat ng ninakaw nila kay Alejo. Mula noon ay namuhay nang sagana at
maligaya ang mag-anak nina Alejo at Barbara.
IBALON
Ito ay binubuo ng sampung saknong na may apat na taludtod ang bawat saknong. Ang sukat ay
labindalawang pantig ang bawat taludtod. Ito ay isinalin ni Fr. Jose Castano sa Kastila. Ang kayarian ng
epikong Ibalon ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang kahilingan ni Iling kay
Kadugnung na awitin nitong huli ang mga pangyayaring nagpapakilala sa kabayanihan ng bayaning si
Handyong. Ito ang nilalaman ng unang bahagi na may anim na saknong.
Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Kadugnung na naglalaman at naglalahad ng mga
pangyayaring naganap noong matagal na panahon.
ILING- isang ibong laganap sa Kabikulan at kung inaalagaan ay maaaring turuang bumigkas ng
salita.
KADUGNUNG- mang-aawit at matalinong makata at sa kahilingan Iling ay inawit niya ang
epiko. Siya ang nagsalaysay ng epiko kay Fr. Jose Castano.
Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan buhat sa
lupain ng Botavara. Dito ay natagpuan niya ang mayamang lupain ng Bikol na nagtataglay ng likas na
kagandahan, kaya dito na nanirahan. Samantalang nananahan siya sa maginhawang tangway ng Bikol,
biglang sumalakay ang isang malaking baboy-ramo sa mapayapang pook na yaon. Pininsala nito ang
tanim na gabi ni Baltog. kaya ipinasya nitong huli na patayin ang hayop. Isang gabi ay tinambangan niya
ang malaking baboy-ramo. Sinaksak niya ang mabangis na hayop sa pamamagitan ng kanyang sibat
Pagkatapos ay sinunggaban niya ang mga panga at binali ang mga buto. Isinabit ni Baltog ang dalawang
panga sa puno ng talisay. Namangha at labis na humanga ang mga mangangasong buhat sa malayong
lugar nang kanilang makilala at makita ang pangil at panga na nakausli dito. Ang baboy-ramong ito
ay buhat daw sa bundok ng Lingyon at tinawag na Tandayag.
Ang mga mangangaso namang buhay sa tribo ng Panicuasom at Asog ay nagkaisa na hindi pa sila
nakakakita ng hihigit sa laki ng Tandayag na iyon.
Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas ay kinilala siyang puno ng pook Ibalon. Siya
ang namahala ng buong bait at binigyan ng katarungan ang lahat ng kanyang nasasakupan. Matapos ang
panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon ang lagim at kapinsalaan dahil sa
poot ng mga dambuhalang tulad ng mga pating na may pakpak, kalabaw na lumilipad at higanteng
buwaya.
Nalungkot si Baltog dahil noen, siya ay matanda na at dahil hindi na niya kayang ipagtanggol ang
kanyang mga nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang nagngangalang
Handyong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng mga tao ay kaagad niyang
isinagawa ang tungkulin bilang tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa paglipol ng mga
dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handyong na magkaroon ng isang pangkat ng mga mandirigma upang
tumulong sa paglilipol ng mga mababangis na dambuhala. Kaya't mula noon, si Handyong naman ang
humaliling bayani ng epiko.
Si Ponong ay sumipot, dambuhalang iisa ang mata at tatlo ang bibig ay napatay ni Handyong.
Ang labanan ay umabot sa sampung buwan. Auspating na may pakpak at simarong kalabaw na lumilipad
ay nalipol lahat. Ang mabangis na "sarimaw" ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit isa pa dambuhala
ang nakaligtas sa kamay ni Handyong. Siya'y si Oryol, isang ay ahas na nakukuhang mapag-anyong isang
kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang mapaglinlang na serpyente ay nagtatangkang
gumayuma kay Handyong. Sa kabila ng pang-aakit na ginawa sa kanya, pinatunayan ng bayani na hindi
siya madaling marahuyo. Sa halip ay iginapos niya ang babae na may isanlibong buhol subalit nakalag ito
ni Oryol. Sa wakas nang matiyak ng ahas na hindi niya mapapasuko si Handyong ay naghandog siya ng
tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang buwaya. Subalit kailanman ay hindi matalo ni Oryol si
Handyong.
Inilarawan sa epiko ang pakikipaglaban ni Handyong sa mga buwaya sa ilog Bikol. Pagkatapos
ng labanan, ang ilog Bikol ay namutla sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng ilang mga orang-utan ang
labanang ito at sila’y nasindak.
Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handyong. Mula noon siya’y
nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan. Sa kanyang
pagpapahinga, siya’y nagtanin ng gabi na ang laman ay kasinlaki ng pansol. Siya rin ay nagtanim ng
isang uri ng palay na nagtataglay ng kanyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa kanyang mga sakop
nang mahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang gumawa ng mga kapaki-pakinabang
na kasangkapan sa ikabubuti ng lipi.
Binanggit din sa epiko na si Handyong ang kauna-unahang gumawa ng bangkang naglayag sa
Bikol. Lalong naging kahanga-hanga ang mga ito nang madagdagan ng timon at layag ni Cuinantong.
Ginawa rin ni Cuinantong ang araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop. Ang iba pang
nagsigawa ng kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang
lumikha ng tapayan, kalan, palayok, atbp. Si Surat naman ang gumawa ng ABAKADA at inukit sa batong
libon.
Inilalarawan din sa epiko ang tahanan nila Handyong na kung tawagin ay “moog” sapagkat ito’y
nakasalalay sa punongkahoy. Alinsunod sa epiko, sila’y tumatahan sa itaas ng punongkahoy upang
maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insekto’t hayop na naglipana sa pook. Ibinigay ni
Handyong ang batas na makatarungan na nagpapahintulot na makapanirahan nang sama-sama ang alipin
at umaalipin na may karangalan at katiwasayan sa pamilya.
Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang dilubyo. Ang baha ay
kagagawan ni Onos – isang nakakasindak na bagyo na may kasamang malakas na ulan. Ang dilubyo ay
luhbang mapanira at binago nito ang anyo ng daigdig. Pagkatapos ng dilubyo, isang tangway ang lumitaw
na ngayon ay tinatawag na Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng Ilog Inarihan. Ang epiko ay
nagwakas sa kasaysayan ni Bantong, isang batang-batang kaibigan ni Handyong na lagi-lagi niyang kasa-
kasama. Sa panahong ito, ang katahimikan ng Ibalon ay muling binubabog ni Rabot, isang dambuhalang
kalahating tao at kalahating hayop ang katawan. Siya’y isang mangkukulam at nagagawa niyang bato ang
sinuman.
Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtunog si Bantong kasama ang kanyang mga tauhan sa
yuungib at sinalakay si Rabot samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Si
Rabot ay namilipit sa sakit at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong bayan.
Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabot sa Libmanan. Ipinakita niya kay Handyong na hindi
makapaniwala sa kapangitan ni Rabot. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castano. Nangako si
Kadugnung na ipagpapatuloy niya ang kwento sa ibang araw. Subalit maaring hindi na narinig ng pari
ang iba pang bahagi ng epiko o kaya’y kung narining man ay hindi na naisalin kung kaya’t nananatiling
walang karugtong ang epiko.
Manalang-Gloria, Angela
Nagsimula siyang magsulat ng sa mga pansanay na sulatin sa silid-aralan. Sa gulang na labing-
anim, nakapaglathala na siya ng kanyang mga tula sa Women's Outlook.
Naimpluwensiyahan siya ng kanyang guro sa Ingles, C.v. Wickers, na siyang pumatnubay sa
kanya sa pagiging makata. Nakilala ang pangalan niya sa pagiging makata sa kolehiyo nang magwagi
siya sa Literary Contest at nalathala ang kanyang tula sa Sunday Tribune, Philippine Collegian, Literary
Apprentice at herald Mid-Week Magazine.
PHILIPPINE POETRY
YELLOW MOON
Angela Manalang Gloria
TO A LOST ONE
Angela Manalang Gloria
BRUTAL
Ricardo Lee
Panay ang bulungan nina Monica at Cynthia sa hulihan pero nagkaukunwaring nagtitake notes.
Inaantok ang lahat habang binabasa ng teacher si Lady Macbeth. Malapot ang punto niyang Bisaya.
Panay ang sulyap ni Tato kay Monica. May 18 na si Tato pero sinong ina ang maaaring magalit
dito? Guwapo ito at charming kunilos. Katabi nito Sina Jerry at Ogie, kasing edad at kasing-ugali nito.
Barkada sila. Lahat ay para sa tatlo. Anumang bagay basta good time papasukan nila. Kanila ang
tatlong bangkay na natagpuan sa apartment nina Monica sa simula ng pelikula.
Cyathia: (pabulong). Talo pa nitong si Balgos and Tranquilizer. Bumagsak tayo lahat.
Monica: Shhh...
Cynthia: Anong Shhh? (titingnan si Monica saka bubulong). Alam mong problema sa'yo? Masyado kang
maraming inhibitions. Lagi kang takot (sulyap sa teacher). Sabihin mo nga, putang ina, sir.
Monica: Ayoko nga!
Cynthia: Kita mo na! Parang putang ina lang! Kalat na kalat na sa campus yan e.
-ulitin mo lang di na nakakatakot 'yan: ikindat ito
Monica: (mapapasulyap kay Tato; kikindat ito sa kanya) Basta ayoko(mapapayuko). sa kanya).
Cynthia: Sige na. Putang ina.
Monica: babalik sa pagkukumwaring nagtitake-notes). Ayoko.
Cynthia: (smiling) Wala ka talagang pag-asa. Gaya niyang pangalan mo. Ni wala kang palayaw. Monica,
Hindi man lang Moonick. O kaya’y Ikang. I kaya Mona, O baka gusto mo Moninay!
Kukurutin ni Monica si Cynthia sa hita. Susulyap ulit kay Tato. Itinuro ni Tato ang puso niya,
aarteng mamamatay. Mapapangiti nang lihim si Monica.
Cynthia: (lalakas ang boses) Alam ko na! Mickey! (hihinaan ara ang kang boses dagang
napatingin ang teacher). Mickey Mouse! Bagay sa'yo dahil para kane hi
laging takot! (nagpipigil matawa). Mickey.
Monica: (susulyap ulit kay Tato; may idinodrowing ito) Ayoko nga!
Cynthia: Puwede ba 'yung ayoko! Mickey ha ha! (titingnan ang reaksiu
Monica) Tumawa ka naman! siyon ni
Monica: Nakatingin sa'tin si Sir.
Dadako sandali ang kamera sa idinudrowing ni Tato. Isa itong babai
hubo. Nilalagyan niya ng buhok ang genitals nito. babalik ang kamera ki
Monica.
Cynthia: Napapansin ko, lagi kang malungkot. Di pa kita nakitang tumas
Subukin mo ngang tumawa. Maski walang sound.
Monica: Wala namang dapat pagtawanan e.
Cynthia: Titingnan ko lang kung bagay sa'yo!
Dadako uli ang kamera sa drowing ni Tato. May nakasulat nang
pangalan sa ibaba ng hubong babae. Monica. Babalik ang kamera kina Monica
Cynthia: Sige na. Tumawa ka na. Di ako titingin!
Monica: Ayoko sabi eh!
Cynthia: Hindi kita titigilan!
Monica: (mangingiti na). Para tayong mga luka-luka dito!
Cynthia: (matatawa na rin). Ayan, lumalabas na! Huwag mong pipigilan!
Kakabagan ka!
Tuluyang matatawa si Monica. Tatakpan ng palad ang bibig pero
lalakas nang lalakas ang tawa niya. Makikisabay na rin si Cynthia. Sa loob n
ilang saglit ay makikita sa mukha nila ang inosenteng tawa. Malayang nowa.
Teacher: (mapapatingin sa kanila) What's going on there?
Nagpipigil pa ring yuyuko sa mga notes nila ang dalawa
Pilipino, I981; mula sa Salome/ Brutal ni Ricardo Lee (Metro Manila: Cine
Gang, 1981), 41-44
A.Talakayan:
1. Pag-usapan ang mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa bawat lalawigang binanggit sa
rehiyong ito.
3. Mula sa talaan ng mga manunulat ng Rehiyong Bicol, pumili ng dalawa at saliksikin ang alinman
sa kanilang mga akda. Humanda sa pag-uulat nito sa klase.