You are on page 1of 7

NATIONAL POLYTECHNIC COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Palm St., Greenfields 1, QUEZON CITY


AY : 2020-2021

(FIL 113)

Bb. Carmie Tresvalles Infante


GURO
MIDTERM
ARALIN 6
REHIYON IV-A
CALABARZON
•Ang Rehiyon IV-A ay binubuo ng anim na lalawigan: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

CAVITE
• Ang lupain nito'y may sukat na humigit kumulang sa 1,288 km parisukat.

• Binubuo ng labinsiyam (19) na munisipyo at tatlong (3) lungsod.

• May kabuuuang populasyon na 1.5 milyon.

• Ang kabisera o kapitolyo nito ay Imus.

• Mga lungsod: Cavite, Tagaytay at Trece Martires

• Pagsasaka ng pangunahing hanapbuhay ng mga tao palibhasa'y malalawak ang mga matatabang lupa.
• Sagana rin ang lalawigan sa mga prutas tulad ng pinya, papaya, saging at mga sariwang gulay.

• Kilala ang Rehiyon na ito sa magagandang tanawin tulad ng Puerto Azul sa Tanarte, Picnic Grove sa
Tagaytay, Covelandia Resorts, Palace in the Sky sa Tagaytay, Tagaytay Vista Lodge at Taal Lake/Bulkan.

• Pagsasaka ng pangunahing hanapbuhay ng mga tao palibhasa'y malalawak ang mga matatabang lupa.
• Sagana rin ang lalawigan sa mga prutas tulad ng pinya, papaya, saging at mga sariwang gulay.

• Kilala ang Rehiyon na ito sa magagandang tanawin tulad ng Puerto Azul sa Tanarte, Picnic Grove sa
Tagaytay, Covelandia Resorts, Palace in the Sky sa Tagaytay, Tagaytay Vista Lodge at Taal Lake/Bulkan.

LAGUNA
• Ang Laguna ay may sukat na humigitkumulang sa 1, 760 km parisukat.

•Uto ay binubuo ng dalawampu't siyam (29) na bayan at isang lungsod.

• May populasyong 799,971.

•Dito nagmula ang pambansang bayin na si Dr. Jose Rizal.

• Ang mga pangunahing produkto sa Laguna ay ang mga wood carvings, sambalilong, pandan, banig,
uway, bag, bakya, buko, niyog, tubo, sambalilong buli at iba pa.

• Kilala rin ang Laguna sa mga magagandang tanawin na matatagpuan dito. Tulad ng Bundok Makiling,
Talon ng Pagsanjan, Devil's Cave sa Cavinti; simbahan ng Cavinti 1619— kauna-unahang simabahang
nayari, Lawa ng Caliraya sa mga Bato, Bahay ni Rizal sa Calamba atbp.

BATANGAS
• Kilala sa tawag na lalawigan ng mga "ala eh".
• Ang nasasakop na lupain nito ay may humigit kumulang sa 3,165.8 km parisukat.

• May dalawang lungsod: Batangas at Lipa

• Binubuo ng 32 bayan/munisipalidad

• Umaabot sa 1.47 milyon ang populasyon ng lalawigang ito.

• Pangingisda at pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao rito. Pagtatanim ng gulay, niyog,
kopra, kape at mga bulaklak ang karaniwang pinagkukunan ng kabuhayan.

• Ang bantog na "kapeng barako" at ang masasarap na buko ay sa kanila nanggagaling.

• Kilala rin ang Batangas sa magagandang barong na yari sa Jusi, pagbuburda at paglalala ng kulambo at
banig.

• Mabundok ang lalawigang ito. Ilan dito'y ang bundok ng Macolod Batulao at iba pa.

•Ilan sa ipinagmamalaki ng Batangas ay ang Bulkang Taal, Punta Balvarte sa Calatagan, Matabungkay
Beach, Wawa Beach Resort, Fortune Island, Anilao at Lobo Beach.

RIZAL
• Binubuo ng labintatlong (13) bayan. Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jala-jala, Morong,
Pilillia, Rodriguez, San Matei, Tanay, Taytay at Teresa.

• Sa larangan ng pagguhit at musika katangitangi ang Bayan ng Angono. Dito isinilang ang mga bantog na
pintor tulad ni Carlos Botong Francisco, ang kinikilalang muralistang Pilipino.

• Naging kabisera ng lalawigan ang Morong dahil sa Batas-Pulitikong Militar ng pamahalaan ang
ipinatupad dito.

• Mayaman sa kultura at tradisyon ang mga mamamayan sa lalawigan ng Rizal.

• Mula sa pag-aasawa o pagpapakasal hanggang sa pagdiriwang ng mga kapistahan. Pati na rin ang
pagdadaos ng Semana Santa.

QUEZON
• Tinaguriang pinakamahabang lalawigan sa pulo ng Luzon, may eryang humigit kumulang sa 8,707 km
parisukat.

•Binubuo ng isang lungsod: Lucena at 41 na munisipyo o bayan.

•May populasyong 1,110,952.

• Ang pangunahing industriya ng mga tao sa lalawigang ito ay pagsasaka, pangingisda, pagtotroso,
paghahayupan, paglala ng mga pamaypay, banig at sambalilo o sumbrero.
• Pangunahing produkto nila ay niyog, bigas, mais, tubo, tabako, lamang-ugat, bungangkahoy atbp.

• Madalaaas puntahan sa lalawigang ito ay ang mga sikat at naggagandahang simbahan tulad ng
Simbahan ng Lucban, Simbahan ng Mauban at marami pang iba.

LITERATURA NG REHIYON IV-A (CALABARZON)


BUGTONG
• Ang mga bugtong ay maituturing na isa sa mga gintong bahagi ng ating kultura na hindi nakuhang
wasakin, sunugin at ibaon sa limot ng mga sumakop sa atin, pagkat marami sa ating mga bugtong tulad
ng salawikaun at kasabihan ay di natitik sa mga aklat.

• HALIMBAWA: Nakaluluto'y walang init, Nakapapaso kahit malamig —Yelo

• Ang bugtungan ay maaaring gampanan ng dalawa o higit pang bilang ng mga taong kalahok.
Karaniwan itong isinasagawa sa mga lamayan sa patay, padasal at iba pa.

• Ang isang panig ay nagbibigay ng bugtong at ang ikalawa naman ay siyang sumasagot.

• Kung sakaling mahulaan ang tumoak na kasagutan, siya naman ang magbibigay ng bugtong at ang
kabilang panig ang magbibigay ng sagot.

• Dito nagtatagisan ng talino ang mga kabataan.

SALAWIKAIN, KASABIHAN AT KAWIKAAN


• Ang bawat salawikain, kasabihan at kawikaan ay nagbabadya ng mga aral sa buhay hango sa karanasan
at pangyayari o balong kadluan ng kagandahang asal at mabuting kaugalian na dapat pagkunan ng
halimbawa ng mga kabataan.

• HALIMBAWA: Salawikain

• —Kapag ang nauna'y tamis, ang mahuhuli'y pait.

• — Ang taong may tiyaga, anuman ay nagagawa.

ANG PAMAHIIN
• Ang lalawigan ng Laguna ay tulad ng ibang lalawigan na mapamahiin. Maraming mga kilos ang bibigyan
na nagbubunga ng hindi mabuti. May mga batay na nakapagdudulot ng kasiyahan at mayroon din
namang nagbibigay ng kapighatian at kalungkutan sa buhay.

Ilang pamahiing pinaniniwalaang sa Laguna:

•—Masama ang magwalis o magpalis kung gabi, sapagkat mawawala ang grasya.
MGA AWITING BAYAN
Napakahalagang tandaan ang ilang kaalamang-bayan ng tagaLaguna. Narito ang ilang butil sa
karunungan ng Laguna.

TALON NG PAGSANJAN
Handa na ang lunday
Umupo ng husay
At titingnan natin
Ang talong Pagsanjan
Matulim ang agos
Kidlat ang kawangis Pagbagsak ng tubig
Bomba ang tinig

•Ang awiting ito ay nagpapakilala ng mga kaisipan at damdamin ng bayang nagpapahayag ng mga
katangian sa buhay.

•Ang mga ito ay madamdamin at nakalulugod. Tatlong bagay ang maipaoalagay ng mga
kantahingbayang Pilipino sa pag-aaral ng panitikan.

TULANG PASALAYSAY
• Ang ganitong uri ng tula ay nagsasaad ng pag-uulat ng mga bagay-bagay o mga pangyayayari sa
pamamagitan ng berso.

• Si Pedro Gatmaitan ang unang sumulat ng ganitong uri sa tula niyang "Kasal".

• Si Lope K. Santos ay kilalang "Ama ng Balarila" at nakilala rin bilang nobelista ng lipunang pampulitika.
Sinulat nya ang tulang "Ang Buhay Panggiggera".

MGA KILALANG MANUNULAT SA REHIYON IV


• JOSE RIZAL —LAGUNA
Sa Aking Mga Kabata, Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Huling Paalam

• TEO S. BAYLEN —CAVITE


Takipsilim at Lumang Lambat, Tinig ng Teen-ager, Tinig ng Demokrasya, Sampung Hayop, Tinig ng
Darating at Laurel ng Inyong Noo

• BUENAVENTURA S. MEDINA JR. —CAVITE


—Kapangyarihan at Punong-kahoy
• ALENJANDRO G. ABADILLA —CAVITE
—Ako ang Daigdig at Sanaysay sa Tula

• CLARO M. RECTO — QUEZON


—Noong Bata Pa Ako

• ILDEFONSO SANTOS —RIZAL


—Sa Tabi ng Dagat, Ang Aking Matanda Babala, Nalanta, Taga-ilog, Guryon

• LOPE K. SANTOS — RIZAL


—Ako'y si Bukid, Kabayanihan at Ang Panggigera

• LIGAYA C. TIAMSON-RUBIN —RIZAL


—Paano Nagsusulat ang Isang Ina

SANGGUNIAN:
SLIDESHARE- PANITIKAN%20NG%20REHIYON/REHIYON%204A

You might also like