You are on page 1of 9

Panitikan ng Rehiyon 4-B MIMAROPA

Ang MIMAROPA ay binubuo ng mga sumusunod:

 Mindoro

a) Occidental Mindoro

b) Oriental Mindoro

 Marinduque

 Romblon

 Palawan

Ang MIMAROPA(acronym para sa Mindoro, Marinduque, Romblon at


Palawan), ay nilikha noong 2002 ng Executive Order No. 103 na humati sa Region IV
(southern tagalog), sa kanila Rehiyon IV-A (Calabarzon), at IV-B (Mimaropa). Kaya ito
ang isa sa pinakabatang rehiyon sa Pilipinas.

Sa likod nito, alam natin na ang pinakamatandang kalansay ng tao sa Pilipinas


ay natagpuan sa Palawan (Tabon Man),na sakop ng MIMAROPA.mayroon din mga
naganap na mga katulad ng paghahanap sa mga kweba sa Marinduque noong
dekada ng 1960. Kaya’t MIMAROPA pa din ang masasabing pinakamatandang
rehiyon sa usaping arkeolohiya ng Pilipinas. Bago dumating ang 2002 ang rehiyon ay
tinatawag na Southern Tagalog Region na binubuo ng 11 na lalawigan at 7 lungsod.

Ang pangunahing kabuhayan sa rehiyon IV-B ay ang agrikultura, pangingisda,


at ecotourism. Ang MIMAROPA ay isa sa pinakanangunguna sa produksyon ng
palay, saging, niyog, mangga, cashew, papaya at kamoteng-kahoy(cassava) na
kabilang bilang produktong iniluluwas(export) sa bansa. Ngunit madalas nga lamang
na ang rehiyon ay nakararanas ng bagyo.

Ang iba’t ibang wika na ginagamit sa rehiyon ay ang mga mga sumusunod:

 Wikang Asi- ay isang rehiyonal na wikang bisaya sa lalawigan ng Romblon.

 Wikang Onhan- kilalarin bilang inonhan o loocnon,ay isang wikang sa


kanluraning bisaya na sinasalita.

 Wikang Romblomanon- ay isang Austronesyo na wikang panrehiyon na


sinasalita, kasama ang wikang Asi at Onhan sa lalawigan ng Romblon.

 Wikang Tagalog- kilala sa payak na pangalang tagalog at isa sa mga

1|Page
This study source was downloaded by 100000845784086 from CourseHero.com on 04-19-2022 22:46:09 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118482147/Panitikan-ng-Rehiyon-IV-B-MIMAROPApdf/
pangunahing wika sa Pilipinas.

 Cuyonon- sinasalita sa Palawan at kapuluang Cuyo.

 Palawano- wikang ginagamit din sa Palawan.

 Hiligaynon

 Ilokano at Cebuano- wikang ginagamit din ng ilan sa Oriental Mindoro.

Mga pangkat etniko sa MIMAROPA:

 Ang mga mangyan ay nahahati sa 7 pitong ibat-ibang uri ng salita:

1. Irava 5.Tadyawan

2. Buhid 6. Tambuid

3. Ratagnon 7. Hanuo/hanunuo

4. Alangan

 Sa Palawan naman ang maraming mga katutubong Cuyonon at Agutayon,


itinuturing na pangunahing etnikong grupo sa lalawigan. Ang maliliit na grupo
ng Muslim tulad ng Molbog, Jama, Mapun at Tausog ay naninirahan sa
katimugang bahagi ng Palawan. Tagbanuas-ang pinakamalaking indigenous
grupo na nakatira sa gitnang bahagi. May mga mas maliit pang kultural na
mga kumunidad tulad ng Pala’wan, Taut bato, Batak, Ken-uy at kalamian

Mindoro

Ang Mindoro ay ang ikapitong pinakamalaking pulo sa timog kaluran ng


Luzon at hilaga-silangan ng Palawan. Noong mga nakaraang panahon, tinatawag
itong Ma-I o Mait ng mga lumang mga mangangalakala na Intsik, ng mga Espayol
bilang Mina de Oro (nangangahulugang “minahang ginto”) na kung saan nagmula
ang kasalukuyang pangalan. Nahati ang kasalukuyang pulo sa dalawang lalawigan,
ang Occidental Mindoro at Oriental Mindoro, noong 1950. Bago pa nang panahong
iyon, simula noong 1921, isang lalawigan lamang ang pulo.

Ang Oriental Mindoro (Filipino: Silangang Mindoro; Kastila: Mindoro Oriental)


ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong MIMAROPA sa Luzon.
Mga festival sa lalawigang ito ay “Mahalta”, “Bansudani”, “Sulyong”, “Bahaghari”, at
“Sanduguan”.

Ang Occidental Mindoro (Filipino: Kanlurang Mindoro; Kastila: Mindoro


Occidental) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong MIMAROPA
sa Luzon. Dugoy festival- pinagdiriwang dito.

2|Page
This study source was downloaded by 100000845784086 from CourseHero.com on 04-19-2022 22:46:09 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118482147/Panitikan-ng-Rehiyon-IV-B-MIMAROPApdf/
Ang alamat ng Mindoro

Ang Mindoro ay mula sa salitang “mina de oro” na ang ibig sabihin ay mina ng
ginto. Bagaman ang pulong ito ay nagtataglay ng gito, itinuturing itong minahan dahil
sa angking likas na yaman. Narito ang alamat tungkol sa isla ng mindo na
matatagpuan sa katimugang Luzon.

Noong unang panahon ay walang pangalan ang iba’t-ibang lugar sa kapuluuan


ng Pilipinas. Karaniwang itinuturo lamang ang isang lugar sa pamamagitan ng ; sa
kabilang ibayo, sa paanan ng bundok, sa kabilang pulo at iba pa.

Sa isang malayong pulo ay may nakatirang mag asawa na ang pangalan ay


Mina at Doro. Sila ay may malaking tahanan sa may pampang ng ilog. Marami silang
alagang hayop, mayroon din silang malawak na palayan. Masasabing nakaaangat sa
buhay ang mag-asawa Ngunit ang nakakahigit sa mag asawang ito ay kabutihan.
Simuman ang nangangailangan ay kanilang tinutulungan.

Bukod sa mag-asawa ay may isa pang naninirahan sa pulo. Tulad nila pawang
mayayaman ang mga ito at naglalakihan ang mga bahay. Ngunit kaiba kina Mina at
Doro, ang mga kapit bahay nila ay pawang makasarili. Wala silang panahong
tumulong sa kanilang kapwa dahil para sa kanila ay isang kaabalahan ang pagtulong
sa anak-dalitang kababayan.

Minsan ay naisip ni Bathalana subukin ang taong naninirahan sa pulong iyon.


Bumba sya sa langit at nag anyong pulubi.

Kumatok si Bathala sa tahanan nina Mina at Doro. “palimos po”, ang kanyang
wika, “akoy nagugutom”

“Pumasok na po kayo ang wika ng mag-asawa at kaagad itong hinainan ng


pagkain.

Nasiyahan si Bathala. Kinain nya ang pagkain sa hapag-kainan. Natutuwang


pinapanood siya ng mag-asawa habang kumakain ngunit nagtaka ang mga ito nang
mapansing habang patuloy na kumakain ang matanda ay tila hindi nababaasan ang
pagkain sa hapag.

Matapos kumain ay nagpakilala si Bathala. “kapuri-puri kayong mag-asawa.


Humiling kayo at ito ay aking ipagkakaloob.”

Nagpasalamat ang mag-asawa. “ang tangi po naming kahilingan ay


pagsamahin kaming mag-asawa hanggang sa kamatayan” ang wika nina Mina at
Doro.

Sumunod ay nagtungo si bathala sa katabing bahay. Siya ay kumatok “tao po,”


ang kanyang tawag, “palimos po”.

3|Page
This study source was downloaded by 100000845784086 from CourseHero.com on 04-19-2022 22:46:09 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118482147/Panitikan-ng-Rehiyon-IV-B-MIMAROPApdf/
A”Aalis diyan, alis,” pabulyaw na sigaw ng may bahay.

“Sulong! Hampas-lupa! Layas!” ang sabi naman ng iba.

Bukod kina Mina at Doro ay wala nang nagpatuloy pa sa matandang pulubi, sa


ganito’y nagalit si Bathala, Noon din ay kumulog at kumidlat nang malakas.
Tinamaan ng kidlat ang mga kabahayan at mga punonh-kahoy, natakot ang mga tao
at hindi alam ang gagawin. Tanging ang tahanan nina Mina at Doro ang nakaligtas

Nagbalik sa mag-asawa si Bathala at nagwika, “mula ngayon ay mahkakaroon ng


saganang likas na yaman sa pook na ito. At mula rin ngayon ay tatawagin ang
pulong ito ng Mindoro bilang alaala ng inyong pangalang Mina at Doro.

Mariduque

Ang Marinduque ay isang isla lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa sa


rehiyon ng MIMAROPA. Heograpiya-Hugis-puso ang pulo ng marinduque na may
layong pitong milya sa pangunahing pulo sa Luzon. Kultura-magiliw sa pagtanggap
ng mga bisita ang mga tag-Mariduque. Tinatawag na putong ang kaugaliang ito.ang
bisita ay pinauupo at sinusuotan ng koronang yari sa bulaklak at aalayan ng sayaw at
awit ng mga babaeng taga-Marinduque.tuwing sasapit ang abril ay ipinagdiriwang
ang Moriones. Ekonomiya- Agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
Marinduqueño. Palay at niyog ang pangunahing pananim.

Alamat ng Marinduque

Noong unang panahon, maraming taon na ang nakaklilipas, ang lalawigan ng


Camarines, Mindoro at Timog Kanlurang bahagi ng Laguna ay nasasakop sa
barangay ng Batangas. Ang namumuno sa barangay na ito ay si Datu Batumbakal.
Ang Datu ay may napakagandang anak na dalaga, si Mutya Maria. Si Mutya Maria
ang itinuturing na Reyna ng katagalugan, sapagkat taglay niya ang katangian ng
isang reyna.

Maraming manliligaw si Mutya Maria. Kabilang na rito ang mayamang Datu ng


Mindoro, Laguna at Camarines. Ngunit sinuman sa tatlong ito ay walang dadamin si
Mutya. Ang kanyang napupusuan ay isang hamak na lalaki, si Garduke na kilala sa
tawag na Duke. Si Duke ay mahilig umawit at kumatha ng mga tula. Isa siyang
mangingisda.

Ang tatlong datu ay malayang nakakadalaw kay Mutya samantalang si Duke


ay maraming ulit na pinagbabawalan ni Datu Batumbakal. Minsang nakita ng Datu si
Duke sa palasyo, ito ay kanyang kinagalitan at pinagtabuyang palabas. Kahit pa
sinabi nya na kagustuhan ni Mutya ang kanyang pagtungtong sa palasyo upang

4|Page
This study source was downloaded by 100000845784086 from CourseHero.com on 04-19-2022 22:46:09 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118482147/Panitikan-ng-Rehiyon-IV-B-MIMAROPApdf/
making ng kanyang mga tula ay hindi pa rin siya pianhintulutan ni Datu Batumbakal.

Magmula noon ay hindi na nakita si Duke. Labis na nalungkot at nangulila si


Mutya Maria. Naglalakad-lakad siya sa bukirin sa pag-asang baka Makita niya doon
si Duke. At sa dulot ng tadhan, ang dalawa ay nagkita sa baybayin ng ilog Pansipit.

“kung sadyang ako’y mahal mo ipaglaban mo ito sa naumang paraan.” Hamon


ni Mutya kay Duke. Bago naghiwalay ay napagkasunduan na magkita sa hardin ng
palasyo sa pagsapit ng dilim.

Hindi nalingid kay Datu Batumbakal ang pagtatagpo ng dalawa, kinagalitan


niya ang anak at pinagbawalang makipagkita kay Duke. Isang kautusan ng kanilang
barangay na ang dugong maharlika ay nababagay lamang sa dugong maharlika.ang
kautusang ito ay nilabag nina Maria at Duke.

Ipinahuli ni Datu Batumbakal si Duke at ito ay pinapugutan ng ulo. Labis itong


ikinalungot ni Mutya Maria. Ang pag-iibigan nina Maria at Duke ay nagging
bukambibig sa buong barangay at ditto rin hinango ang pangalan ng isang lugar na
sa ngayon ay kilala sa tawag na lalawigan ng Marinduque.

Romblon

Bago dumating ang mga kastila sa Pilipinas, ang Romblon ay tirahan na ng


mga Negritos mula sa Panay at mga Mangyan mula naman sa Mindoro, at sa huli ng
mga tao mula sa Malay. Isa sa mga kwento ng pinanggalingan ng pangalan ng
Romblon ay isang pangyayari na sinasabing naganap pagkatapos dumating ng mga
Kastila. Sinasabi sa kwento na isa sa mga Kastila ay naghahanap ng pagkain at
nakakita ng isang kubo. Nakakita siya ng isang inahing manok sa pugad malapit sa
bintana, tinanong niya ang may-ari kung pwede nya itong makuha. Di naunawaan ng
batang babae ang sinabi nito kaya sumagot na lang ng “Nagalomlom” (Bisayan word
for nagalimlim). Dahil di nakuha ng lalaki ang manok, bumalik na lamang ito sa
kanilang barko; at ng tinanong siya kung saan nangaling, ang isinagot niya:
“Nagalomlom” Sa katagalan ito na ang itinawag sa isla ng mga kastila. Sa pagdaan
ng taon, “Nagalomlom” ay nabaluktot sa “Lomlom” pagkatapos “Domblon” at sa
katapusan “Romblon,” na sa ngayon ito na ang pangalan ng probinsya. Ang lugar na
“Domlon” ay nabanggit ni Miguel de Loarca sa census noong 1582. Nagalomlom,
lomlom, Domlon, Domblon, Romblon- ang probinsyang tahanan ng pinakamatandang
ikat, lupaing mayaman sa marmol at likas na ganda at yaman ng kultura.

Palawan

Ang kasaysayan ng Palawan ay makikita 22,000 taon ng nakalilipas na


napatunayan ng pagkatuklas ng mga fossil ng mga Taong Tabon sa Quezon.

5|Page
This study source was downloaded by 100000845784086 from CourseHero.com on 04-19-2022 22:46:09 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118482147/Panitikan-ng-Rehiyon-IV-B-MIMAROPApdf/
Bagama't ang pinagmulan ng mga ito ay hindi pa napapatunayan, pinaniniwalaan na
nagmula sila sa Borneo.

Marami ring salin ang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan na "Palawan".


Pinaninindigan ng iba na nanggaling ito sa salitang Intsik na "Pa-Lao-Yu" na
nangangahulugang "Land of Beautiful Harbors". Ang iba naman ay naniniwala
nanggaling ito sa salitang Indiyano na "Palawans" na ibig sabihin ay "Territory".
Sinasabi rin ng iba na nanggaling ito sa pangalan ng halaman na "Palwa". Ngunit ang
pinaka-popular na paniniwala ay nanggaling ito sa salitang Kastila na "Paragua" dahil
ang hugis daw Palawan ay kamukha ng payong na nakasara.

 Panitikan- galling sa salitang “pang I titik I an” – titik ay nangangahulugan


Literatura mula sa salitang Latin na “Litterana”. Nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin,hangarin at diwa ng mga tao. Nagsasalaysay din ito
sa pamahalaan, lipunan at mga pananampalataya at mga karanasang may
kaugnayan ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.

✓Iba't ibang lalawigan. Bago pa ang panahon ng mga Español, mayroon nang mayamang
lawas ng panitikan sa Pilipinas. Nang mga panahong iyon, karaniwang binibigkas ang
panitikan o ipinapasang salimbibig sa halip na nakasulat. Ang prekolonyal na panitikan ay
isang gawaing pangkomunidad, isang pagtitipon-tipon ng pamayanan, at isang
pinagsasaluhang ritwal.

 Sanaysay- nagmula sa dalawang salita, ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay


isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista
(pananaw) ng may akda. Pagpuna, opinyon, impormasyon,
obserbasyon,kuro-kuro, pang araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at
pagmumuni-muni ng isang tao.

Ano ba ang Sarswela?

 Sa Espanya at Latin Amerika, ito ang bersyon ng operetta.

 Ang sarswela ay isang anyo ng dulang musical na unang umunlad sa Espanya


noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng
sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan,nahahati ito sa
ilang yugto na maraming tagpo. Hinango ang taguring Sarswela sa
maharlikang palasyo.

 Ang popular na sarswela sa Pilipinas ang Walang sugat ni Severino Reyes.

6|Page
This study source was downloaded by 100000845784086 from CourseHero.com on 04-19-2022 22:46:09 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118482147/Panitikan-ng-Rehiyon-IV-B-MIMAROPApdf/
 Teatro Fernandez-ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarswelista sa Pilipinas

 Severino Reyes(Lola Basyang) – “Walang Sugat”

 Hermohenes Ilagan – “Dalagang-Bukid”

 Juan K. Abad – “Tanikalang Ginto”

 Juan Crisostomo Soto- “Anak ng Katipunan”

 Aurelio Tolentino – “kahapon, Ngayon at Bukas”

Mga elemento ng Sarwela

1. Iskrip o nakasulat na dula –pinaka kaluluwa ng isang dula

2. Gumaganap o actor – magbibigay buhay sa iskrip.

3. Tanghalan- pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.

4. Tagadihere o Direktor- nagpapakahulugan sa isang iskrip

5. Manonood-nagpapahalaga sa dula

6. Eksena at tagpo- Eksena paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.


Tagpo- pagpapalit ng tagpuan.

7|Page
This study source was downloaded by 100000845784086 from CourseHero.com on 04-19-2022 22:46:09 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118482147/Panitikan-ng-Rehiyon-IV-B-MIMAROPApdf/
Ambahan at Urukan ng Mindoro

Ambahan- tulang paawit na ginagamitan ng iskrip, paksa nitoy panunuyo at pag-ibig

Urukan- tulang paawit na puspos ng mga salita ng karunungan at katutubong ulat ng


mga matatanda. Sinasaliwan ito ng gitara, plawta, ira o anumang “string instrument”.

Panubong- isang tulang paawit bilang pagpaparangal sa isang dalagang may


kaarawan o panauhin sa kanilang baryo. Ito ay pamutong o patungan sa mga tagalog
na ang kahulugan ay pagpuputong ng mga bulaklak sa dalagang may kaaraawan.

Karaniwang ang tagabutong ay binate.May tatong bahagi ito:

1. Sisimulan ang pag-awit sa tarangkahan ng bahay ng dalaga

2. Pag umakyat na sa hagdan ang dalaga

3. Sa loob ng bahay

Manunulat:

 N.V.M Gonzales- kilalang makata, mamamahayag, manunulat at isang guro.


Isinulat ang warm hand at child of the asa-covered loom at naisalin sa ibat
ibang wika sa India.

-noong pinagbabawal ang wikang Ingles sa panahon ng hapon (lungsod hayon


at dagat-dagatan)

8|Page
This study source was downloaded by 100000845784086 from CourseHero.com on 04-19-2022 22:46:09 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118482147/Panitikan-ng-Rehiyon-IV-B-MIMAROPApdf/
Panitikan
ng
MIMAROPA
Rehiyon IV-B

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas)

Ipinasa nina: Garino,Maricris E.

Largo, Jocel

Year&Block: BEED 1A

Ipinasa kay: Prof. Merly A. Labaro

9|Page
This study source was downloaded by 100000845784086 from CourseHero.com on 04-19-2022 22:46:09 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/118482147/Panitikan-ng-Rehiyon-IV-B-MIMAROPApdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like