You are on page 1of 4

Rehiyong X

Ang Hilagang Mindanao (Ingles:Northern Mindanao) ay tinalagang ika-


sampung Rehiyon ng Pilipinas. Binubuo ito ng limang mga lalawigan,
ang Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Misamis
Oriental. Ang sentrong pangrehiyunal ay sa Lungsod ng Cagayan de Oro
Mapa ng Rehiyong X





















Hangganan at Sukat
Seal Pilipinas/Lungsod kabisera
Populasyon
(2000)
Area
(km)
Pop.
density
(per km)

Bukidnon
Lungsod ng
Malaybalay
1,060,265 8,293.8 127.8

Camiguin Mambajao 74,232 229.8 323.0

Lanao del Norte Lungsod ng Iligan 473,062 2,278.6 207.6

Misamis Occidental
Lungsod ng
Oroquieta
486,723 1,939.3 251.0

Misamis Oriental
Lungsod ng Cagayan
de Oro
664,338 3,081.1 215.6
30px
Lungsod ng Cagayan de
Oro
461,877 488.86 944.8
30px Lungsod ng Iligan 308,046 813.37 479.5
Bukidnon:
Matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao ang lalawigan ng Bukidnon. Lungsod
Malaybalay ang kabesera nito. Napapaligiran ng Misamis Oriental, Agusan del Sur, Davao del
Norte, Cotabato, Lanao del Sur, at ng Lanao del Norte ang Bukidnon.
Nakatimo sa puso ng Mindanao ang Bukidnon, at maipamagmamalaki nito ang malalawak na
taniman ng pinya, at ang klasikong palaruan ng golf na ginawa noong 1928. Angkin din ng
Bukidnon ang pinakamalaking produksiyon ng baka sa rehiyon. Humahatak naman sa mga
turista ang Bulubundukin ng Kitanglad, na kinaroroonan ng Dulang-dulang, ang ikalawa sa
pinakamataas na bundok sa bansa. Sari-sari rin ang mga katutubong hayop, ibon, at halaman
sa Bukidnon, at siyang mahirap matagpuan sa ibang lugar.
Bukidnon ang nag-uugnay sa Davao sa timog, at sa Misamis Oriental sa hilaga ng pulo.
Binubuo ng 20 munisipalidad at 2 lungsod ang Bukidnon.

Camiguin:
Matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao ang pulong lalawigan ng Camiguin. Ito ang
pangalawa sa Batanes na may pinakamaliit na populasyon at nasasakupan sa buong
Filipinas. Mambajao ang kabesera ng Camiguin. Nasa Dagat Bohol ang pulo ng Camiguin na
may 10 kilometro ang layo mula sa hilaga ng Misamis Oriental.
Binubuo ng limang munisipalidad ang Camiguin.

Misamis Occidental:
Matatagpuan sa rehiyon sa Hilagang Mindanao ang Misamis Occidental. Lungsod
Oroquieta ang kabesera nito. Nasa hangganan ng Zamboanga del Norte atZamboanga del
Sur sa kanluran at nakahiwalay mula sa Lanao del Norte ng Look ng Iligan ang Misamis
Occidental.
Binubuo ng 14 munisipalidad at 3 lungsod ang Misamis Occidental.

Misamis Oriental
Matatagpuan sa Rehiyon ng Hilagang Mindanao ang Misamis Oriental. Cagayan de
Oro ang kabesera nito. Nasa hanggahan ng Misamis Oriental ang Lanao del
Norte at Bukidnon sa timog, ang Agusan del Norte at Agusan del Sur sa silangan, at ang Dagat
Bohol kasama ang pulong lalawigan ng Camiguin sa hilaga.

Binubuo ng 24 munisipalidad at 2 mga lungsod ang Misamis Oriental.
Iligan:
Ang Lungsod Iligan ay isang lungsod at dating kabisera ng lalawigan ng Lanao del Norte.
Napaliligiran ang Iligan ng hangganan ng Lugait, Misamis Oriental sa hilaga, bayan
ng Baloi at Linamon sa timog, Lanao del Sur at Bukidnon sa silangan, at Look Iligan sa
kanlurang bahagi.

You might also like