You are on page 1of 12

REHIYON II (Lambak ng Cagayan)

(Tilapia Capital of the Philippines)

Matatagpuan sa hilagang-silangan ng Pilipinas, sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng


Sierra Madre.
Binubuo ng limang lalawigan ito ay ang: Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Viscaya.
Ang Ilog Cagayan ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas.
Masagana ang rehiyong ito sa mga produktong pang agrikultura
Kilala bilang Lupain ng mga Tabako dahil sa mataba at mayamang lupa na angkop sa pagtatanim
ng tabako.

Klima

Mayo hanggang Oktubre- maulan


Nobyembre hanggang Abril- tag-init

Hanapbuhay

Pagpapastol ng baka
Pagtotroso at pagtatabla
Pangingisda
Pagsasaka
Pagmimina
Paglililok
Pagpapaso

Industriyang Pantahanan

Paggawa ng lubid, basket at sombrero na gawa sa valet.


Paggawa ng vakul na yari sa tuyong dahon ng voyavoy.

Mga Produkto

Palay
Mais
Baboy
Manok
Saging
Gulay at Prutas
Kape
Cacao
Sibuyas
Halamang-ugat
Rattan
kawayan

Mga Punong-kahoy na matatagpuan sa Bulubundukin ng Rehiyon

Benguet Tree
Narra Tree
Ipil-ipil
Teak
Mahagony

Mga likas na yaman mineral

Bakal
Pilak
Ginto
Limestone
Manganese
Graba
bato

Mga Katutubo na naninirahan

Ivatan sa Batanes
Gaddang at Ibanag sa Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya
Dumagat
Isneg
Ita
Igorot

Batanes

Ang lalawigang ito ay ang pinakahilaga sa buong Luzon.


Ang lugar na ito ang pangunahing daanang-pantubig ng Pilipinas, Japan, China, Hong Kong at
Taiwan.
Basco ang kabisera ng lalawigang ito.
Ang anim na bayan sa Batanes ay ang Basco, Itbayat, Ivana, Mahatao, Sabtang at Uyugan.
Ivatan ang tawag sa mga taga-batanes na itinuturing na pinakamatanda sa Pilipinas. Sa
kasaysayan, ang mga ninuno ng mga Ivatan ay nanggaling pa sa timog ng Taiwan at an gang
Batanes ay ginawang tulay para makarating sa iba pang mga bansa na gaya ng Indonesia.
Ang mga Ivatan ay naninirahan sa mga bahay na gawa sa bato upang maprotektahan sila sa init,
ulan, hangin, sa mga mababangis na hayop at iba pang maaaring panganib na dala ng dalawang
panahon sa Pilipinas.
Ang kanilang pamumuhay ay pagsasaka at pangingisda. Ang mga produkto nila ay mga
halamang-ugat tulad ng patatas, gabi, kamote, ube at bawang. Sila ay mayaman sa mga gulay at
isda.
Ang kanilang wika ay namumukodtangi dahil sa kakaibang bokabularyo at pagbigkas na hindi
katulad ng isang tipikal na wika sa Pilipinas, bagamat may pagkakahawig naman ang Ivatan sa
ibang mga wikang sa hilagang Luzon, tulad ng Ilokano at Ibanag.
Naniniwala sila sa iilang pamahiin katulad ng ang kaluluwa ng mg mga mayayaman ay
napupunta sa langit at nagiging bituin, samantala ang mga mahihirap ay gumagala sa mundo
bilang mga espiritu. Naniniwala rin sila sa kabilang buhay kaya pinagbabaunan nila ang kanilang
mga patay ng ilang kagamitan.
Dahil sa klimang mayroon ang Batanes, ang mga Ivatan ay nagsusuot ng head dress na tinatawag
na Vakul. Ang Vakul ay gawa sa damo na kanilang ginagamit upang maprotektahan sila sa araw
at ulan.

Festivals:

Kulay Festival
o Anumang bagay na tuyo
o Pinapakita ang mga simple ngunit makukulay na pagkain na namana ng mga Ivatans
o Ipinagdiriwang nila ito sa tulong ng lokal na pamahalaan at isang ahensya ng gobyerno
at DTI.
o Ang layunin nito ay upang ipakilala ang mga local na produkto at pagkain na katulad ng
sibuyas, bawang, palay, mais at isda.
Bayanihan o Payuhan
Ang salitang Payuhan ay ibig sabihin ay pagtutulungan na makikita sa limang araw tuwing hunyo.
o Ang mga komunidad at mga paaralan ay nagsasagawa ng palaro upang bigyan halaga
ang mga katutubong laro.
Palu-Palo Festival
o Ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng agosto.
o Ito ang araw upang ipakita ang kayamanang tinataglay ng Batanes.
o Ang salitang Palu palo ay isang patpat na ginamit ng mga Ivatan noong unang panahon
sa pakikipaglaban sa mga mananakop.
Vakul-Kanayi
o Ipinadiriwang tuwing ika 25-27 ng Abril.
o Sinasagawa ang mga katutubong laro, parada ng kanilang kultura at street dancing
competition.
o Vakul- mga sombrero ng mga kababaihan
o Kanayi- tsaleko na suot ng mga kalalakihan sa kanilang trabaho.

Mga magagandang tanawin:


Chawa viewdeck
- Ito ang lugar kung saan ang paanan ng bundok ay hinahampas ng alon ng dagat. Makikita
din dito ang grotto ng mahal na birhen.
Imnajabu Road Cliff
- Ay salitang galing imnajbu ito ay ang pinakamaliit na uri ng barangay sa Batanes. Mahalaga
ang lugar na ito dahil dito unang naganap ang kauna-unahang misa at binyag sa Batanes.
Mahayaw Arch
- Ay ang lugarsa Sabtang, Batanes kung saan matatagpuan ang isang stone arch na nabuo
dahil sa geologic forces at dahil sa dagat. Sa kanang harap ay ang Morong Beach kung saan
mas kalmadong tingnan kumpara sa ibang parte ng isla.
Vayang Rolling Hills
- Ay isa sa mga pinakatanyag na lugar sa Batanes. Matatagpuan ito sa itaas ng Basco.
Matatanaw dito ang West Philippine Sea. Tinatawag din itong “perfect senti spot” dahil sa
naggagandahang ulap, tanawin, at walang katapusang burol na matatanaw mulla dito.
Valuga Boulder Beach
- ay isa din sa mga paborito ng mga turista at ng mga photographers. Kakaiba ito kumpra sa
ibang dagat dahil wala itong buhangin na karaniwang mayroon ang isang dagat. Imbes na
buhangin ito ay mayroong malaking bato.
Diura Fishing Village
- ay isang maliit na palaisdaan na nakaharap sa dagat Pasipiko. Kada-taon tuwing buwang ng
Marso ipinagdidiwang nang mga mangingisda dito ang “Kapayvanuvanua” na ang ibig sabihin ay
“Cleaning of the shore” na nangangahulugan din ng pagsisimula ng masaganang pangingisda
para sa mga Ivatan.
Parolas ng Batanes
- may tatlong paloras ang Batanes. Ito ay proyekto ng dating Congressman na si Cong.
Florencio Abad noong ika-2000. Ito ay ginawa hindi lamang upang maging gabay ng seafers
bagkus para din maging atraksyon sa mga turista.
Mga simbahan sa Batanes
- ay nagkakaisa sa pagpapalaganap ng mabuting balita. May sampung simbahan dito. Halos
lahat nang mga ito ay itinayo noong ika-1700 at ika-1800. Ang mga simbahang ito ay karaniwang
nakaharap sa dagat dahil ito sa impluwensya ng mga espanyol. Fortress ang disenyo ng mga ito.
Ang cogon grass ay ang pangunahing material na ginamit para sa bubongan ng mga ito, upang
mas lalo itong tumibay at tumatag.
Fundacion Pacita
- ay isang lugar na kung saan nagging tirahan at studyo ng isang sikat na pintor na si Pacita
Abad, isang Philippine-American. Ito ay isang hotel at museum na ngayon. Ito din ang
nagsisilbing pundasyon para sa kabataang Ivatan.

Ivatan Filipino
I chaddaw ku imu Mahal kita
Avek Dana Paalam na
Angu ngaran mu? Ano ang Pangalan mo?
Ara u ichakey Mu? May gusto ka ba?
Kapian Kapanudiussi Chamakuyab Magandang Hapon
Dios Mamajes Salamat

Cagayan

Ay isang lalawigan ng Pilipinasna matatagpuan sa Lambak ng Cagayan sa hilagang silangang


Luzon. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Tuguegarao.
Kanugnog nito ang mga lalawigan ng Ilocos Norte at Isabela sa timog.
Nagmula ang pangalan ng Cagayan ay sa halaman na kung tawagin ay “Tagay” na karaniwang
tumutubo nang malago sa hilagang bahagi ng lalawigan, kung kaya ang “Catagayan” na ang ibig
sabihin ay “lugar kung saan ang halamang tagay ay tumutubo”, pinaikli sa “Cagayan” ang
kasalukuyang pangalan ng lalawigan.
Binubuo ng 9, 002 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng Cagayan. Ito ay may isang
lungsod, ang Tuguegarao at may dalawampu’t walong munisipalidad na kinabibilangan ng
Abulug, Alcala, Allacapan, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Buguey, Calayan,
Camalaniugan, Claveria, Enrile, Gattaran, Gonzaga, Iguig, Lal-lo, Lasam, Pamplona, Peñablanca,
Piat, Rizal, Sanchez-Mira, Santa Ana, Santa Prexedes, Santa Teresita, Santo Niño, Solana at
Tuao.
Ang mga naninirahan dito ay tinatawag na mga Pugot,Ibanag, Ilocano at Gaddang .

MGA PRODUKTO

Palay
Mais
Mani
Beans
Mga prutas

Mga Pamumuhay

Pagmimina
Pagsasaka

Wika

Ilokano
Ibanag

Isabela

Ilagan ang kapital nito at napapaligiran ng Aurora, Quirino, Nueva Viscaya, Ifugao, Mountain
Province, Kalinga at Cagayan.
Inihiwalay ito sa Cagayan at ipinangalan sa Reyna ng Espanya na si Reyna Isabela II.
Ito ay nasa gitnang bahagi ng ikalawang rehiyon.
Ang lalawigang ito ay saganang-sagana sa mineral.

Panlalawigang Bulaklak

Sampaguita

Mga naninirahan

Tagalog
Ibanag
Ilokano

Mga hanapbuhay

Pagmimina
Pagsasaka
Pagtotroso
Pangingisda

Wikain/ dayalekto

Ilongo
Ilokano
Dumagat
Tadlang

Mga magagandang tanawin:

Magat Dam
o Isa sa mga pangunahing pinagkukuhanan ng kuryente at tubig sa hilagang-silangang
Luzon at timong-silangang Asya, pinakamalaking hydroelectric dam at matatagpuan ito
sa pagitan ng Alfonso Lista, Ifugao at Ramon. Ang dam ay ginagamit sa mga irigasyon na
may lawak na 85,000 ektarya o 210,000 acres na lupang pang-agrikultura, pagkontrol ng
baha at daloy ng kuryente. Maraming tao ang dumadayo rito para masilayan ang
kagandahan ng dam ngunit ipinagbabawal ang pagbabangka para sa kaligtasan ng
marami.
Foyut Springs National Park
o Matatagpuan sa Barangay Santa Victoria ng Iligan Isabela.
Dibulo Falls
Dicotcotan Beach
Blue Lagoon In Palanan
Queen Isabela Park
Ilagan Sanctuary
o Isa din sa mga dinarayi dahil sa kagandahang na taglay nito. At ito ay matatagpuan sa
Fuyot Spring National Park. May layong 2.5 kilometro mula sa kuweba bago matunton
ang talon ng Pinzan. Na kung saan ito ang pinanggalingan ng tubig para sa palanguyan
na katabi ng picnic area at mga aktibidad kabilang ang botanical garden, boating area,
hanging bridge, zipline, fish pond at mini zoo.

Festival

Bambanti Festival
o Itinuturing ns mother of all Festivals sa Isabela
o Ginaganap ito tuwing Ika 26 hanggang 30 ng Enero na ang pangunahing tampok ay ang
Bambanti display at street dancing na nilahukan ng 36 bayan kabilang ang ilang siyudad.
o Ang bambanti ay salitang Ilocano na ang kahulugan ay scarecrow.
o Ang taunang selebrasyon ay nagsisilbing rin pasasalamat sa mga manggagawa sa
kanilang progresibong agrikultura, sa pagkakaroon ng masaganang ani kaya ngayo ay
tinagurian sila bilang Agricultural Capital of the Philippines.
Pattaraday Festival
o Ang salitang Pattaraday ay salita ng Ybanag na ang kahulugan ay “Pagkakaisa.
o Ipinadidiriwang nila ang pagkakaisa ng mga iba’t ibang grupong ethnolinggiwistika.

Nueva Viscaya (Filipino: Bagong Biskaya)

Ang kabisera nito ay ang Bayombong


Kanugnog nito ang mga lalawigan ng Ifugao, Isabela, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan,
at Benguet.
Sagana ang lalawigang ito sa pilak, ginto, tingga, lead, manganes, bakal at white clay.

Mga naninirahan

Ilokano
Mga pangkat ng negrito
Ilongot
Gadding
Igorot
Isinay

Hanapbuhay

Pagsasaka
Pagmimina

Wika
Dumagat
Ilocano
Ilongot
Tadlang

Quirino

Cabarroguis ang kabisera nito at ipinangalan kay Elpidio Quirino, ang ika-anim na pangulo ng
Pilipinas.
Dating bahagi ng lalawigan ng Nueva Viscaya ang Quirino, hanggang hiniwalay ito nong 1966.
Nagtataglay ng pinakamaliit na populasyon sa buong bansa.

Hanapbuhay

Pagmimina
Pagsasaka

Dayalekto

Ibanag
Tagalog
Ilocano

Mga Literatura ng Rehiyon II

Ang rehiyon II ay may ipinagmamalaking literature sa anyo ng bugtong, kasabihan, salawikain,


awiting bayan, kuwentong bayan, alamat, tula at maikling kuwento.

Ang bugtong ay tinatawag ng mga Ibanag na PALAVUH. Sa Gaddang ito ay ILALAGUNUT. UNONI
ang tawag sa mga kasabihan ng mga Ibanag. Ang salawikain ay LALENUT kung tagurian ng mga Gaddang
at ang tula ng Gaddang ay tinatawag nilang LALLAO.

MGA BUGTONG

Ang PALAVVUH ng Ibanag (Ang b


ugtong ng Ibanag)

Egga’y tadday ng ulopa Mayroon isang bagay

Funnuan ng kanna’y baggui na Na kinakain ang kanyang sarili

kandila

Egga’y babai ta Manila Ang baboy sa Manila

Maguina toye’y guhi na Kung umiyak ay dinig ng sanlibutan

Kulog

Burburtia ng Ilokano (Ang bugtong ng mga Ilokano)

Idi naparsua toy lubong Noong nilikha ang mundo

Ida met naparsua dagiti nilikha rin ang apat

uppat nga agkakahi di Na magkakapatid na di

pay nagkikita pa nagkikita

Apat na direksyon

Ani ti ipinarusa ti Dios Ano ang nilikha ng Dios

A agblinsuaek no marutong na patiwarik kung matulog

Paniki

Mga bugtong Gaddang

(Lallaganut)

Baston y San Jose Irao

Ammena Masisidun

Ang baston ni San Jose Ahas


Hindi mahawakan

Iraw yo Bagguina Iyog

Pusit yo ulu na

Ang katawan ay ahas Niyog

Ang ulo ay posit

Cabatuan yo unag na Inangca

Naaasi-assit yo lawan na

Sa loob ay punong puno ng mga bato Langka

Sa labas ay punong puno ng tinik

MGA KASABIHAN

Pagsasao Dagiti (Kasabihan)

Ti makatunog, makamukat

Ti nasalukog, agbiag

*ang makatulog ay magkamuta

Ngunit ang paspas ng galaw ay mabuhay

No agmulaka ti-unas

Saraken dak uray ania oras

*Kung magtanim ka ng tubo

Di ka man lang lingunin kung dumaan

Ngunit kung mayroon ka nang masarap na basi

Ay dadalawin ka anumang oras


Unoni ng mga Ibanag (Kasabihan)

Y baruasi nga inikhaw

Nu ari atazzi alawa nikano

*Ang barong hiniram

Kung hindi masikip, maluwag

Aniammu ibilang

Nu ari paga nakkade linam

*Huwag mong bilangin

Kung wala pa sa iyong kamay

MGA SALAWIKAIN (GADDANG)

(Lulenut)

Ino ammena mallangngi He who never looks back to where he

So naggabbuatanna comes from never reaches his

Mena macadatang so angan na destination

Confrome so aggalangua You are made

Antu accacua according to your environment

AWITING BAYAN

Manang Biday (Ilocano)

AWIT NG PAG-IBIG (Gaddang)


Abumbu-ca Appantanca O Futug
(You are Much Of My Heart)

AWIT NG PANANAMPALATAYA (Gaddang)

Indam Dacani si Deggat


(Give us Cakes)

AWIT SA MGA GAWAIN (Gaddang)

Na Manuccu Borbon
(My Bearded Rooster)
Aggani
(Harvesting)

ALAMAT

Alamat ng Lakay-Lakay
Kung paano kami naging Ilongot

You might also like